Discover millions of ebooks, audiobooks, and so much more with a free trial

Only $11.99/month after trial. Cancel anytime.

Modelong Kasal
Modelong Kasal
Modelong Kasal
Ebook532 pages5 hours

Modelong Kasal

Rating: 0 out of 5 stars

()

Read preview

About this ebook

Sa klasikong serye na ito, si Dag Heward-Mills ay nagbigay ng malawakang mga kaisipang praktikal sa pag-aasawa. Ang napakagandang aklat na ito ay magsisilbing handang mapagkukunang babasahin para sa pagpapayo sa pag-aasawa at sa mag-asawa. Tunay na matutuklasan mo sa aklat na ito ang bago at nakakapanabik na mga payo upang pahusayin ang iyong buhay mag-asawa.

LanguageTagalog
Release dateApr 13, 2018
ISBN9781683986829
Modelong Kasal
Author

Dag Heward-Mills

Bishop Dag Heward-Mills is a medical doctor by profession and the founder of the United Denominations Originating from the Lighthouse Group of Churches (UD-OLGC). The UD-OLGC comprises over three thousand churches pastored by seasoned ministers, groomed and trained in-house. Bishop Dag Heward-Mills oversees this charismatic group of denominations, which operates in over 90 different countries in Africa, Asia, Europe, the Caribbean, Australia, and North and South America. With a ministry spanning over thirty years, Dag Heward-Mills has authored several books with bestsellers including ‘The Art of Leadership’, ‘Loyalty and Disloyalty’, and ‘The Mega Church’. He is considered to be the largest publishing author in Africa, having had his books translated into over 52 languages with more than 40 million copies in print.

Related to Modelong Kasal

Related ebooks

Reviews for Modelong Kasal

Rating: 0 out of 5 stars
0 ratings

0 ratings0 reviews

What did you think?

Tap to rate

Review must be at least 10 words

    Book preview

    Modelong Kasal - Dag Heward-Mills

    SEKSYON 1- ANG MGA MINAMAHAL

    Kabanata 1- Ang Mga Minamahal

    Sino ang Minamahal?

    Ang sinta ko ay akin, at ako ay kaniya...

    Awit ng mga Awit 2:16

    Ang isang minamahal ay taong kasama mo sa isang relasyon, na nilalayong sa kasal. Sa ibang salita, siya ay ang taong opisyal mong sinang-ayunang pakasalan. Ang ibang tao ay gumagamit ng terminong kasintahan, nobyo, o nobya upang ilarawan ang relasyon, subalit sa aklat na ito, hihiramin natin ang terminong minamahal.

    Hindi natin pinapayuhan ang mga binata at dalaga na magkaroon ng malalapit na relasyon sa ibang kasarian, na hindi naglalayong humantong sa kasal, sapagkat ang mga magnobyo at magnobyang ito ay karaniwang isinasangkot ang kanilang mga sarili sa mga imoral na bisyo tulad ng pagtatalik nang hindi pa kasal. Kung gayon, nagbibigay tayo ng babala na ang mga naturang relasyon ay dapat lamang pasukin para sa nag-iisang layunin ng pagpapakasal, at na ang panahon para buuin ang relasyon bago ang kasal (karaniwang tinatawag na pagliligawan) ay hindi dapat masyadong matagal.

    Datapuwa't, dahil sa mga pakikiapid, ang bawa't lalake ay magkaroon ng kaniyang sariling asawa, at bawa't babae ay magkaroon ng kaniyang sariling asawa.

    1 Corinto 7:2

    Sigurado Ka Bang Gusto Mong Pakasalan ang Taong Ito?

    Subukin ninyo ang lahat ng mga bagay, ingatan ninyo ang mabuti;

    1 Tesalonica 5:21

    At kanila ngang tinawag si Rebeca, at kanilang sinabi sa kaniya, Sasama ka ba sa lalaking ito? At sinabi niya, Sasama ako.

    Genesis 24:58

    Walong Bagay na Dapat Isaalang-alang Kapag Pumipili ng Minamahal

    1. Ang katunayan na mabuti ang mga magulang ay hindi nangangahulugang magiging mabuting asawa rin ang anak. Tapat ba siyang naglilingkod sa Diyos?¹

    2. Huwag kang magpakasal dahil lang sinabi ng iyong mga magulang. Ang binabalak mo bang pakasalan ay iyong kaibigan?²

    3. Kung masyado kang maagang magpapakasal, may mga bagay kang hindi na mararanasan sa iyong buhay (hal. ang iyong kabataan, ang iyong panahon ng pagiging mag-isa at malaya).

    4. Isaalang-alang ang katotohanang hindi naman talaga nagbabago ang mga tao kaya anumang hindi mo gusto sa iyong minamahal at kung gayon ay asawa, ay malamang na hindi rin magbago.

    5. Mapupunta ka ba sa posisyon para kayanin mo sa aspeto ng pananalapi?

    6. Mayroon ba kayong matitirhan kapag nagpakasal na kayo?

    7. Maaapektuhan ng mga pagkakaiba ng tribu ang inyong pag-aasawa.

    8. Maaapektuhan din ng pagkakaiba sa mga antas ng pag-aaral ang inyong pag-aasawa.³

    Mga Tala

    1. Theda Hlavka, Saying I Do Was the Easy Part (Nashville, Tennessee: Broadman & Holman

    Publishers, 2001), 83 - 88.

    2. William L. Coleman, Engaged: When Love Takes Off (Wheaton, Illinois: Tyndale House

    Publishers, 1980), 18 - 19.

    3. David H. Olson and John Defrain, Marriage and the Family (Mountain View, California: Mayfield

    Publishing Company, 2000), 276 and Evans A. Laryea, Joining of Lives ( Accra, Ghana: PAL

    International, 2002),10 - 11, 166 - 205.

    Kabanata 2 – Ang Opisyal na Pagkilala ng Simbahan sa Isang Relasyon

    Tatlong Dahilan Kung Bakit Dapat Nakarehistro ang Isang Relasyon

    Ang bawat simbahan ay dapat mayroong rehistro kung saan nakarekord ang may kinalamang detalye ng mga miyembro nito na nagbabalak magpakasal. Magsisilbi ito bilang opisyal na pagkilala ng simbahan sa relasyon, at dapat na gawin kahit man lang anim na buwan bago ang binabalak na kasal. Bakit rehistro?

    I. Upang linawin kung ang ilang tao ay kasal na

    Maaaring ang ibang magkapareha ay may mga anak na mula sa kasalukuyan o nakaraang relasyon. Sa ibang kultura, nakaugalian na ang pagkakaroon ng tinatawag na tradisyunal na seremonya ng kasal. Mahalagang malaman kung dumaan na ba ang magkapareha sa mga nasabing ritwal o hindi. Ang anumang naturang seremonya, tradisyon o ritwal ay dapat linawin. Ang hindi pagsasabi ng naturang impormasyon ay maaaring humantong sa pagtatapos ng relasyon.

    II. Upang tiyakin na hindi itinatago ang mga naturang relasyon

    Mahalagang maging bukas sa Diyos, sa pastor at sa kongregasyon ng simbahan ang lahat ng relasyon. Ang bukas na pagtataguyod ng relasyon ay nakakatulong din na magtaguyod ng malusog at mabuting relasyon.

    III. Upang kilalanin pa ang magkapareha

    Sa pamamagitan ng pagrerehistro sa magkapareha, makikilala mo sila sa mas personal na paraan:

    1. Ang buong pangalan ng magkapareha (para sa pagkumpleto ng rehistro).

    2. Mas matatasa mo ang kanilang katapatan bilang Kristiyano.

    3. Malalaman mo ang simbahan ng minamahal ng iyong miyembro, kung siya’y hindi mula sa inyong simbahan.

    4. Siyasatin ang mga antas ng kanilang pakikisangkot sa simbahan.

    5. Kumpirmahin ang anumang nakaraang relasyon.

    6. Linawin, kung mayroon, ang (mga) insidente ng pagtatalik nang hindi pa kasal sa parehong nakaraan at kasalukuyan. Pahihintulutan ka rin nitong malaman kung sila ay mga birhen pa.

    7. Kumpirmahin kung ang kasalukuyang relasyon ay maayos o magulo.

    8. Alamin kung kailan nila binabalak magpakasal. Hindi hinihikayat ang masyadong matagal na relasyon.

    Sampung Katotohanang Malalaman sa pamamagitan ng Opisyal na Pagkilala sa Isang Relasyon

    1. Pangalan at edad ng parehong lalaki at babae.

    2. Petsa kung kailan nagsimula ang relasyon.

    3. Gaano na nila katagal na kilala ang isa’t isa.

    4. Katayuang sickle cell ng parehong lalaki at babae.¹

    5. Katayuang H.I.V. ng parehong lalaki at babae.²

    6. Anumang iba pang medikal na kondisyon hal. epilepsy, presyon ng dugo, mataas na lagnat, atbp.

    7. Antas ng edukasyon ng parehong lalaki at babae.

    8. Karanasan sa pagtatrabaho ng parehong lalaki at babae.

    9. Kaalaman at pagpapahintulot ng magulang.

    10. Pansamantalang petsa ng kasal.

    Mga Pagsusuri para sa Sickle Cell at HIV

    Ang kaugnayan ng araling ito ay ilagay sa tamang perspektiba ang paghiling ng simbahan ng pagsusuri para sa sickle cell at HIV.

    Pagsusuri para sa Sickle Cell

    Kapag nakakuha ng resultang AA (sickling negative) at AS ang magkapareha, walang tunay na problema.

    Kung ang parehong minamahal ay may S sa kung saan (iyon ay positibo sa sickling), dapat magpayo ang tagapayo ng paghihiwalay ng relasyon sa mga sumusunod na dahilan:

    Mayroong 25% tsansang magkaroon ng anak na SS, na nangangahulugang alinman o lahat ng kanilang anak ay maaaring maging SS. Maaari rin itong mangahulugan na walang magiging SS.

    Maaari ring ikumpara ang sitwasyong ito sa pagkakaroon ng anak na lalaki o babae. Mayroong 50% tsansa ng pagkakaroon ng anak na lalaki o babae. Nangangahulugan ito na maaaring magkaanak ang isang tao ng puro lalaki o puro babae.

    image001

    Pig. 1: Mga Posibleng Resulta ng Pagsusuri para sa Sickle Cell

    Sa medikal na batayan, ang anak na SS ay maaaring magkaroon ng mga problemang tulad ng:

    1. Madalas na pagkaka-admit sa ospital.

    2. Maraming gastusin kaugnay na pangangalagang medikal.

    3. Maraming oras ang ilalagi sa ospital.

    4. Posibilidad ng biglaang pagkamatay ng anak.

    5. Ang oras na dapat sana ay inilalagi sa tahanan ay ilalagi sa ospital.

    6. Magiging dagdag na pabigat ito sa asawang babae (ina) bukod pa sa lahat ng kaniyang tungkulin.

    7. Maaari itong magdulot ng mga pag-aaway sa tahanan at posibleng kakulangan sa pera.

    8. Malamang na magkaroon ng matinding takot sa pagbubuntis, na makakaapekto rin sa buhay-pagtatalik ng mag-asawa.

    9. Ang anak mismo ay magiging lubhang hindi masaya.

    Maaaring hilingin ng tagapayo sa mga minamahal na balik-tanawan kung kailanman ay may nakilala silang sickler. Ang katanggap-tanggap na sitwasyon ay pareho silang negatibo sa sickling, o sa pinakamalala, ang isa ay negatibo at ang isa ay positibo. Kung pareho ay positibo, maaaring maging mapanganib ang sitwasyon. Tinututulan ng medikal na pagtingin ang naturang pag-aasawa at gayundin ng simbahan, subalit nasa kanila pa rin ang desisyon.

    Kapag nagpasya ang magkaparehang tumuloy sa kabila ng lahat ng medikal na payo at payo ng simbahan, babasbasan pa rin ang kanilang kasal. Susuportahan sila sa panalangin nang sa gayon, sa pamamagitan ng biyaya ng Diyos, ay hindi sila magkaroon ng mga anak na sakitin.

    Pagsusuri para sa HIV

    Kung may alinman sa magkapareha ang positibo, dapat silang mahigpit na payuhang putulin ang kanilang relasyon at kalimutan ang binabalak na pagpapakasal, para sa mga batid na kadahilanan.

    Mga Tala

    1. Geoffrey Chamberlain, ed., Turnbull’s Obstetrics. 2nd ed.(Edinburgh, Scotland: Churchill Livingstone, 1995), 262; Robert Shaw, Patrick Soutter and Stuart Stanton, ed. Gynaecology, 2nd ed. (New York: Churchill Livingstone, 1997), 107; Margaret F. Myles, Textbook for Midwives (Edinburgh: Churchill Livingstone, 1986), 215; E. A. Badoe and S.K. Owusu, ed., Health and Disease: A Layman’s Guide to Good Health (Accra, Ghana: University of Ghana Medical School, 2004), 66 - 69.

    2. Geoffrey Chamberlain, ed., Turnbull’s Obstetrics, 2nd ed. (Edinburgh, Scotland: Churchill Livingstone, 1995), 485; William F. Ganong, Review of Medical Physiology (New York: McGraw-Hill, 2003), 533; E. A. Badoe and S. K. Owusu ed., Health and Disease: A Layman’s Guide to Good Health (Accra, Ghana: University of Ghana Medical School, 2004), 101 -7.

    Kabanata 3 – Pagpapayo sa Mga Minamahal

    Matapos matanggap ang mga resulta ng hiniling na mga pagsusuring medikal, talakayin ang mga usaping magmumula sa mga resulta sa magkapareha. Kumpirmahin ang pangkalahatang progreso tungo sa kanilang pagkasunduang magpakasal at magtukoy ng tentatibong petsa para sa kasal.

    Habang nasa relasyon, inaasahang maging banal ang magkapareha. Mahalagang mahigpit silang payuhan na iwasan ang pagtatalik habang hindi pa kasal. Hindi dapat maging mapanghusga ang tagapayo. Dapat hikayatin ang magkapareha na maging aktibo sa simbahan, at manatili sa ligtas na landas ng pagiging banal.¹

    Mga Hindi Dapat Gawin sa Isang Relasyon sa Pagitan ng Mga Minamahal

    1. Iwasan ang pagyayakapan, paghahawakan at paghahalikan.²

    2. Huwag kumandong ang babae sa lalaki.

    3. Huwag manatili nang matagal sa loob kasama ang iyong minamahal.

    4. Huwag magpunta sa mga lugar na walang tao kapag dis-oras ng gabi.

    5. Huwag ilagay ang iyong mga kamay sa ilalim ng palda o siwang nito.

    6. Huwag matuloy/humiga sa parehong kama na katabi ang iyong minamahal.

    7. Huwag maghubad sa harapan ng iyong minamahal.

    8. Huwag salatin ang mga suso, ang ari ng babae at lalaki.

    9. Huwag makikipagtalik sa iyong minamahal (iyon ay pagtatalik nang walang kasal)!

    NB: Ang pagpapayo bago ang kasal ay sumasaklaw sa panahon ng anim na buwan. Dapat sabihan ang mga minamahal na simulan nang maaga ang kanilang pagpapapayo upang masakop ang lahat ng aspeto ng pagpapayo bago ang kasal.

    Hindi dapat pumayag ang mga tagapayo na magsagawa ng mga madaliang kasal. Maaaring mapanlinlang ito.

    Para sa Babae

    Itinuturing na kasalanan niya kapag mayroong anumang pagkakasalang imoral na naganap. Ito ay dahil bagama’t madalas na nakakaramdam ng sekswal na tensyon ang mga lalaki sa relasyon, hindi dapat bumigay ang babae sa pamimilit na ito.

    1. Dapat siyang hikayating magkaroon ng kontrol sa relasyon. Dapat magkaroon siya ng malaking respeto sa sarili at hindi kailanman hayaang may mambastos sa kanya.

    2. Dapat magkaroon siya ng malaking respeto sa sarili at hindi kailanman hayaang may mambastos sa kaniya.

    3. Dapat siyang himuking panatilihin ang kaniyang pagiging birhen nang sa gayon ay kapag pinayuhan siya sa hinaharap, masasabi niya nang may pagmamalaki na hindi niya iyon ginawa habang nakikipagligawan.⁴

    Paghahanda para sa Kasal (Listahan ng Titiyakin)

    Talakayin ang mga paghahanda para sa kasal kasama ang magkapareha at magbigay ng pinakamaraming payo na maaari. Pag-usapan ang mga sumusunod:

    (a) Lugar na pinipili.

    (b) Damit ng babae––ang posibilidad ng paghiram nito ay dapat banggitin.

    (c) Mga susuotin (lalaki at mga abay).

    (d) (Mga) sasakyang gagamitin.

    (e) Oras ng kasal.

    (f) Oras ng pagdating ng babaeng ikakasal––abisuhan sila tungkol sa mga bagay na nakakaantala sa mga babaeng ikakasal.

    (g) Pagbabasa ng Banal na Kasulatan––mga gusto ng magkapareha.

    (h) Punong-abala (opsyonal).

    (i) Plano ng ayos ng mga upuan sa pangunahing mesa––isama ang mga magulang, punong-abala, atbp. (dapat ay karaniwang hindi isasama ang mga pastor).

    (j) Alak sa kasal (tandaan na maaaring hindi kontrolado ng ibang magkapareha ang usaping ito).

    (k) Pagmumungkahi ng toast at tugon. Ipayo na paiksiin lamang ito sa abot ng makakaya nang may pagpapahayag ng pasasalamat sa Diyos, mga magulang, mga pastor at iba pang mga pangunahing tao.

    (l) Mga kinakailangang permit (Konseho ng Lungsod, Lokal na Konsehong namamahala sa mga kasal sa inyong lugar o bansa).

    (m) Pagkuha ng mga larawan. Mag-ingat sa mga mersenaryong tagakuha ng larawan na hindi inimbitahan ngunit darating kinamamayaan na dala ang mga larawang kuha nila upang humingi ng pera.

    (n) Pagkuha ng video

    (o) Mga dekorasyon

    (p) Mga kaayusan para sa pulut-gata.

    (q) Balaan silang huwag gamitin ang lahat ng kanilang pera para sa kasal.

    Mga Tala

    1. Dexter Yager and Ron Ball, Dynamic People Skills (U.S.A: InterNET Services Corporation, 1997), 144-145, 153.

    2. Joshua Adjabeng, Before You Marry ( Accra, Ghana: Olive Publications, 1999), 26-27.

    3. Eddie L. Long, I Don’t Want Delilah, I Need You (Tulsa, Oklahoma: Albury, 1998), 192.

    4. Dwight Hervey Small, Design for Christian Marriage (Old Tappan, New Jersey: Fleming. H. Revell Company, 1974), 177-201 and Gini Andrews, Your Half of the Apple. God and the Single Girl (Grand Rapids, Michigan: Zondervan Publishing House, 1974), 69-79.

    SEKSYON 2- ANG MGA SALIGAN

    Kabanata 4 – Pakahulugan ng Kasal

    Introduksyon

    ¹Ang kasal ay isang institusyong itinalaga at iniutos ng Diyos. Ito ang tanging institusyong itinatag bago pa man dumating ang kasalanan sa mundo.

    Tatlong Paraan ng Pagpapakasal

    1. Sibil na Kasal

    (Ito ay sang-ayon sa mga sibil na batas ng bansa.)

    (a) Sa karamihan ng mga bansa, iniaatas ng Ordinansa ng Kasal na dapat kumuha ng sertipiko mula sa lokal o munisipal na awtoridad, na nagbibigay ng 3-buwang panahon kung kailan dapat maikasal ang isang magkapareha matapos na maipaskil ang kanilang mga pangalan sa Konsehong Munisipal/ng Lungsod o sa simbahan nang tatlong linggo. Kapag walang tumutol sa kasal sa loob ng tatlong linggong ito, maaaring ilunsad ang kasal.

    (b) Dapat lagdaan ang isang legal na rehistro ng hindi bababa sa dalawang saksi.

    (c) Kanais-nais ang pahintulot ng magulang, hinihikayat at lubhang hinahangad, subalit hindi 100% kinakailangan kung ang magkapareha ay mahigit 18 taon.

    (d) Ang kasal ay pinuputol lamang sa pamamagitan ng legal na diborsyo.

    (e) Krimen ang magpakasal ulit habang kasal pa sa ilalim ng Ordinansa ng Kasal.

    2. Nakaugaliang Kasal

    (Para ito sa pagkakasangkot ng mga pamilya.)

    (a) Nagtitipon ang mga pamilya at tradisyonal na iniaabot ang kanilang anak na babae matapos isagawa ang mga nakaugaling ritwal.

    (b) Nag-iiba-iba ang mga ritwal batay sa pamilya at tribu.

    (c) Itinuturing ito ng ibang pamilya bilang buo at wastong kasal at inaasahang magsasama ang magkapareha pagkatapos.

    (d) Itinuturing ito ng ibang pamilya bilang kasunduang lamang na magpakasal.

    (e) Hindi kinikilala ng simbahang ito ang nakaugaliang kasal bilang kasal maliban kung basbasan iyon ng mga pastor. Ang nakaugaling kasal ay isang poligamong kaayusan. (Nangangahulugan ito na maaaring magpakasal ang lalaki sa kahit ilang babaeng gugustuhin niya.) Naniniwala ang simbahan na mahalaga para sa mga miyembro nito na magpakasal sa ilalim ng parehong Ordinansa ng Kasal dahil ang legal na kasal sa ilalim ng Ordinansya ay hindi nagpapahintulot sa poligamya o pagpapakasal sa marami.

    3. Ispiritwal na Kasal

    (Ito ay upang ang magkapareha ay mamamanatang susundin ang batas ng Diyos kaugnay ng kasal at gayundin ay mapaselyuhan sa Diyos ang kasal.)

    (a) Ang simbahan ang mangunguna sa mga pamamanata at babasbasan ang magkapareha.²

    (b) Para sa simbahan, hindi ka pa kasal maliban kung nagawa na ito.

    (c) Ipapaskil din ng simbahan ang mga pangalan ng lahat ng magkaparehang ikakasal, sa pisara ng mga abiso nito nang hindi bababa sa tatlong linggo, nang sa gayon, kung may anumang pagtutol sa kasal ay maaari iyong ipahayag.

    Hinihingi namin sa lahat ng magkapareha na kumpletuhin ang lahat ng tatlong anyo ng kasal upang iwasan ang pagkalito at gusot pagkatapos, kung sila ba ay naikasal o hindi.³

    Mga Tala

    1. Al Janssen, The Marriage Masterpiece (Wheaton, Illinois: Tyndale, 2001),3 - 4; Evans A. Laryea, Joining of Lives (Accra, Ghana: PAL International, 2002), 33 - 38; Derek and Ruth Prince, God Is a Matchmaker (Grand Rapids, Michigan: Chosen Books, 2003), 51-52.; Christopher Ash, Marriage Sex in the Service of God (Leicester, England: InterVarsity Press, 2003), 66 - 69.

    2. Marva J. Dawn, Sexual Character: Beyond Technique to Intimacy (Grand Rapids, Michigan: William B. Eerdman Publishing, 2001), 207.

    3. Christopher Clulow, ed., Women, Men and Marriage (London: Sheldon Press, 1995), 40 -43; Joshua Adjabeng, Before You Marry (Accra, Ghana: Olive Publications, 1999),63-67.

    Kabanata 5 – Mga Biblikal na Dahilan para sa Kasal

    Introduksyon

    Ang kasal ay hindi ideya ng tao, at hindi rin niya iyon sinimulan. Ang Diyos mismo ang nakaisip ng pangangailangan ng tao para sa makakasama at tinugunan Niya iyon. Upang maunawaan kung bakit ininstitusyonalisa ng Diyos ang kasal, kailangan nating sumangguni sa Biblia para sa mga sagot.

    Mga Biblikal na Dahilan para sa Kasal

    1. Upang lutasin ang suliranin ng kalungkutan

    At sinabi ng Panginoong Dios, Hindi mabuti na ang lalake ay magisa; siya'y ilalalang ko ng isang katulong niya.

    Genesis 2:18

    2. Upang maging katuwang

    At sinabi ng Panginoong Dios, Hindi mabuti na ang lalake ay magisa; siya'y ilalalang ko ng isang katulong niya.

    Genesis 2:18

    Katuwang: Mga paraan kung saan matutulungan ng babae ang lalaki––sa pamamagitan ng panalangin, pagtatalik, pagbibigay ng pagkain, pagpapayo, paghihikayat, pagpapagaan ng loob; sa pamamagitan ng pagpapakita ng mainit na pagtanggap; sa pamamagitan ng paggampan sa mga gawaing bahay; sa pamamagitan ng pagtulong sa aspeto ng pananalapi, sa pakikisalamuha sa iba, atbp.¹

    3. Upang iwasan ang pagtatalik nang hindi pa naikakasal

    At tungkol sa mga bagay na isinulat ninyo sa akin: Mabuti sa lalake ay huwag humipo sa babae. Datapuwa't, dahil sa mga pakikiapid, ang bawa't lalake ay magkaroon ng kaniyang sariling asawa, at bawa't babae ay magkaroon ng kaniyang sariling asawa.

    1 Corinto 7:1,2

    4. Upang magkaanak

    At sinabi ng Dios, Lalangin natin ang tao sa ating larawan, ayon sa ating wangis: at magkaroon sila ng kapangyarihan sa mga isda sa dagat, at sa mga ibon sa himpapawid, at sa mga hayop, at sa buong lupa, at sa bawa't umuusad, na nagsisiusad sa ibabaw ng lupa.

    At nilalang ng Dios ang tao ayon sa kaniyang sariling larawan, ayon sa larawan ng Dios siya nilalang; nilalang niya sila na lalake at babae.

    At sila'y binasbasan ng Dios, at sa kanila'y sinabi ng Dios, Kayo'y magpalaanakin, at magpakarami, at kalatan ninyo ang lupa, at inyong supilin; at magkaroon kayo ng kapangyarihan sa mga isda sa dagat, at sa mga ibon sa himpapawid, at sa bawa't hayop na gumagalaw sa ibabaw ng lupa.

    Genesis 1:26-28

    Kapag isinisilang ang mga anak sa daigdig sa labas ng kasal, may kapansanan sila at madalas na nagiging masama kalaunan.

    Pakitandaan: Ang kawalan ng anak ay hindi nagpapawalang-bisa sa inyong kasal. Gayundin, hindi ang pagdating ng mga anak ang nagbibigay ng bisa sa kasal.

    Mga Tala

    1. Lana Packer, Women Making a Difference in Marriage (Nashville, Tennessee: Lifeway Press, 2003), 13 - 20 and David Searle, ed., Truth and Love in a Sexually Disordered World (Carlisle, Cumbria, U.K.: Paternoster Publishing, 1997), 6 - 7,72 -74.

    SEKSYON 3 ANG RELASYON

    Kabanata 6 – Ang Kasal na Nakasentro sa Diyos

    At hinulugan ng Panginoong Dios ng di kawasang himbing ang lalake, at siya'y natulog: at kinuha ang isa sa kaniyang mga tadyang at pinapaghilom ang laman sa dakong yaon: At ang tadyang na kinuha ng Panginoong Dios sa lalake ay ginawang isang babae, at ito'y dinala niya sa lalake.

    At sinabi ng lalake, Ito nga'y buto ng aking mga buto at laman ng aking laman: siya'y tatawaging Babae, sapagka't sa Lalake siya kinuha. Kaya't iiwan ng lalake ang kaniyang ama at ang kaniyang ina, at makikipisan sa kaniyang asawa: at sila'y magiging isang laman. At sila'y kapuwa hubad, ang lalake at ang kaniyang asawa, at sila'y hindi nagkakahiyaan.

    Genesis 2:21-25

    Ang Limang-Beses na Padron

    1. Isang lalaki/Isang babae

    At ang tadyang na kinuha ng Panginoong Dios sa lalake ay ginawang isang babae, at ito'y dinala niya sa lalake.

    Genesis 2:22

    2. Iiwan at Makikipisan²

    Kaya't iiwan ng lalake ang kaniyang ama at ang kaniyang ina, at makikipisan sa kaniyang asawa: at sila'y magiging isang laman.

    Genesis 2:24

    Mayroong 4 na paraan para umalis:

    (a) Pisikal (lokasyon).

    (b) Ekonomiko/pananalapi.

    (c) Impluwensiya, direksyon, payo ng mga magulang at iba pang miyembro ng pinalawak na pamilya.

    (d) Malalapit na kaibigan, lalo na ng ibang kasarian.³

    3. Pagsasama

    (Mag-isa lang ang tao, at walang kaibigan.)

    At sinabi ng Panginoong Dios, Hindi mabuti na ang lalake ay magisa; siya'y ilalalang ko ng isang katulong niya.

    Genesis 2:18

    4. Pagiging bukas

    (Ipaalam mo sa iyong asawa ang lahat ng tungkol sa iyo upang iwasan ang mga sorpresa, kawalan ng tiwala, at paghihinala.)⁶

    At sila'y kapuwa hubad, ang lalake at ang kaniyang asawa, at sila'y hindi nagkakahiyaan.

    Genesis 2:25

    Mayroong 4 na paraan para maging hubad/bukas/malinaw:

    (a) Sa kasaysayan hal. sa mga nagdaang relasyon, mga anak

    (b) Sa pananalapi hal. mga utang, kita, ari-arian, obligasyon.

    (c) Sa katawan hal. paghuhubad sa tahanan, sekswal na kalayaan.

    (d) Ispirituwal hal. mga hinahangad sa hinaharap, mga personal na kasalanan.

    5. Pagtatalik at Pagpapadami

    Ang plano ng Diyos ay pagtatalik at pagpapadami sa loob ng konteksto ng kasal. Ang pagtatalik at pagpapadami sa labas ng konteksto ng kasal ay hahantong sa lahat ng uri ng suliranin––mga tahanang panguman, mga anak na panguman, at mga sekswal na naipapasang sakit.

    At sinabi ng Dios, Lalangin natin ang tao sa ating larawan, ayon sa ating wangis: at magkaroon sila ng kapangyarihan sa mga isda sa dagat, at sa mga ibon sa himpapawid, at sa mga hayop, at sa buong lupa, at sa bawa't umuusad, na nagsisiusad sa ibabaw ng lupa. At nilalang ng Dios ang tao ayon sa kaniyang sariling larawan, ayon sa larawan ng Dios siya nilalang; nilalang niya sila na lalake at babae. At sila'y binasbasan ng Dios, at sa kanila'y sinabi ng Dios, Kayo'y magpalaanakin, at magpakarami, at kalatan ninyo ang lupa, at inyong supilin; at magkaroon kayo ng kapangyarihan sa mga isda sa dagat, at sa mga ibon sa himpapawid, at sa bawa't hayop na gumagalaw sa ibabaw ng lupa.

    Genesis 1:26-28

    Mga Tala

    1. Carl J. Laney, The Divorce Myth (Minneapolis, Minnesota: Bethany, 1981), 26; Robert Lewis and William Hendricks, Rocking the Roles (Colorado Springs, Colorado: Navpress, 1991), 41 - 47.

    2. Ray Mossholder, Marriage Plus: The Bible and Marriage (Lake Mary, Florida: Creation House, 1990), 148; Walter Trobisch, I Married You (Leicester, England: InterVarsity Press, 2003), 23 - 28; Carl J. Laney,

    3. The Divorce Myth (Minneapolis, Minnesota: Bethany, 1981), 20. Dennis and Barbara Rainer, Starting Your Marriage Right (Nashville, Tennessee: Thomas Nelson Publishers, 2000), 15 - 19.

    4. Jay E. Adams, Marriage, Divorce and Remarriage (Grand Rapids, Michigan: Baker Book House,1980), 11 - 12; Gordon Mac Donald, Magnificent Marriage (Wheaton, Illinois: Tyndale House, 1982), 6 - 7, 44 - 46.

    5. Evans A. Laryea, Joining of Lives (Accra, Ghana: PAL International, 2002), 67 - 69.

    6. Dennis and Barbara Rainer, Starting Your Marriage Right (Nashville, Tennessee: Thomas Nelson Publishers, 2000), 26 - 28.

    7. Bob and Jan Horner, Resolving Conflict in Your Marriage (Loveland, Colorado: Group Publishing Inc., 2000), 28 - 31.

    8. David Searle, ed., Truth and Love in a Sexually Disordered World (Edinburgh: Paternoster Publishing, 1997), 64 - 66.

    Kabanata 7 – Ang Kristiyanong Tahanan

    Pakahulugan

    Ang tahanang Kristiyano ay hindi lamang isang gusali. Isa iyong kapaligiran, isang lugar na lagi mong hinahangad na mapuntahan. Ang tahanan ay isang lugar kung saan nakatira ang isang pamilya. Ang unang tahanan ay isang hardin. Nagbibigay ito ng dalawang impresyon ng tahanan:

    1. Isang lugar na nagpapasaya––maganda, payapa, mainit na tumatanggap.

    2. Isang lugar na kakalingain at pagagandahin.

    Ang pinakamahalagang elemento ng isang tahanan, gayunman, ay hindi ang gusali (gaano kalaki o gaano ito kaganda), kundi ang relasyong umiiral sa pagitan ng mga nakatira rito.

    Ang mangmang na anak ay kapanglawan ng kaniyang ama: at ang mga pakikipagtalo ng asawa ay walang likat na tulo.

    Kawikaan 19:13

    Maigi ang tumahan sa sulok ng bubungan, kay sa kasama ng palaaway na babae sa maluwang na bahay.

    Kawikaan 25:24

    Ang laging tulo sa araw na maulan at ang babaing palatalo ay magkahalintulad: Ang magibig pumigil sa kaniya, ay pumipigil sa hangin, at ang kaniyang kanan ay nakakasumpong ng langis.

    Kawikaan 27:15,16

    Ang tahanan ay maaaring nasa lugar ng mga maralita o mga estero o sa tigilan ng mga bus, kung iyon ay lugar kung saan ang dalawang taong nagmamahalan ay nagkasundong mamuhay at magpalaki ng pamilyang pantay nilang mamahalin.

    At sinabi niya sa kanila, Mangagmasid kayo, at kayo'y mangagingat sa lahat ng kasakiman: sapagka't ang buhay ng tao ay hindi sa kasaganaan ng mga bagay na tinatangkilik niya.

    Lucas 12:15

    Ang Kahalagahan ng Tahanan sa Asawang Lalaki at Babae

    1. Isang lugar para magpahinga––para sa lalaki.

    2. Isang kalasag at proteksyon mula sa daigdig at mga bigat na dulot nito––para sa babae.

    3. Isang lugar ng pagpapalamig at pagpapalakas––para sa pareho.

    4. Isang lugar ng pagsasanay para sa mga anak.

    4 na Hakbang sa Pagbubuo ng Kristiyanong Tahanan

    Ang masaya at balansiyadong tahanan ay laging pangarap ng mga ikakasal na babae at lalaki. Gayunman, maraming tao ang hindi kailanman nakakaranas ng ligaya at walang kapantay na kasiyahang pinagsisikapan nila kapag nagpasya silang magpakasal. Ang masayang tahanan ay hindi basta-bastang nangyayari. Kailangan itong buuin. Walang nangyayari nang nagkataon lamang! Hindi ito bumabagsak mula sa langit.²

    Kung saan walang baka, ang bangan ay malinis: nguni't ang karamihan ng bunga ay nasa kalakasan ng baka.

    Kawikaan 14:4

    1. Dapat kilalanin si Cristo bilang pundasyon at pinuno ng tahanan.

    Ang bawa't lumalapit sa akin, at pinakikinggan ang aking mga salita, at ginagawa, ituturo ko sa inyo kung sino ang katulad: Siya'y tulad sa isang taong nagtatayo ng bahay, na humukay at pinakalalim, at inilagay ang patibayan sa bato: at nang dumating ang isang baha, ay hinampas ng agos ang bahay na yaon, at hindi nakilos; sapagka't natitirik na mabuti.

    Lucas 6:47,48

    Kapag ang Diyos ang nasa sentro ng magkapareha, mas nagiging malapit sila sa isa’t isa dahil sa inilalapit sila sa isa’t isa ng kanilang pagiging malapit sa Diyos. (Pig. 2). Bilang bunga, nagkakaroon sila ng masayang tahanan.

    Kapag ang Diyos ang nasa sentro ng isa lamang sa kanila, hindi sila nagiging mas malapit sa isa’t isa (Pig. 3). Sa ilang mga kaso, hindi sila napapalayo at hindi rin nagiging mas malapit sa isa’t isa (Pig. 5) subalit matabang ang kanilang relasyon, at ang kanilang tahanan ay hindi tunay na masaya.

    Sa kaso kung saan ang parehong asawang lalaki at babae ay sinusundan ang mga sarili nilang pangarap, at hindi nila isinasangkot ang Diyos sa kanilang mga buhay, (Pig. 5), palayo sila nang palayo sa isa’t isa ay madalas itong humahantong sa sirang tahanan.

    image003

    Pig. 2: Mas nagiging malapit sa isa’t isa ang magkapareha habang mas nagiging malapit sila sa Diyos

    image004

    Pig. 3: Lumalayo sa isa’t isa ang magkapareha dahil hindi ang Diyos ang nasa sentro nila

    image007

    Pig. 4: Ang mag-asawa ay hindi lumalayo sa isa’t isa

    Enjoying the preview?
    Page 1 of 1