Discover millions of ebooks, audiobooks, and so much more with a free trial

Only $11.99/month after trial. Cancel anytime.

Ang Sining ng Pamumuno
Ang Sining ng Pamumuno
Ang Sining ng Pamumuno
Ebook547 pages6 hours

Ang Sining ng Pamumuno

Rating: 0 out of 5 stars

()

Read preview

About this ebook

Ang tawag sa ministeryo ay isang tawag sa pamumuno. Minsan pa sa tulong ng madali at mapagpakumbabang pamamaraan, pinalalawig ni Dan Heward Mills ang mga prinsipyong nagdulot upang siya ay maging isang bukod-tanging pinunong Kristiyano. Ang mga katotohanang ipinahahayag dito ay magiging inspirasyon sa marami sa sining ng pamumuno.

LanguageTagalog
Release dateApr 9, 2018
ISBN9781683986614
Ang Sining ng Pamumuno
Author

Dag Heward-Mills

Bishop Dag Heward-Mills is a medical doctor by profession and the founder of the United Denominations Originating from the Lighthouse Group of Churches (UD-OLGC). The UD-OLGC comprises over three thousand churches pastored by seasoned ministers, groomed and trained in-house. Bishop Dag Heward-Mills oversees this charismatic group of denominations, which operates in over 90 different countries in Africa, Asia, Europe, the Caribbean, Australia, and North and South America. With a ministry spanning over thirty years, Dag Heward-Mills has authored several books with bestsellers including ‘The Art of Leadership’, ‘Loyalty and Disloyalty’, and ‘The Mega Church’. He is considered to be the largest publishing author in Africa, having had his books translated into over 52 languages with more than 40 million copies in print.

Related to Ang Sining ng Pamumuno

Related ebooks

Reviews for Ang Sining ng Pamumuno

Rating: 0 out of 5 stars
0 ratings

0 ratings0 reviews

What did you think?

Tap to rate

Review must be at least 10 words

    Book preview

    Ang Sining ng Pamumuno - Dag Heward-Mills

    Kabanata 1

    Ang Lahat ay Nakabatay sa Pamumuno

    Sapagka’t, narito, ang Panginoon, ang Panginoon ng mga hukbo, ay nag-aalis sa Jerusalem at sa Juda ng alalay at tungkod, ng buong alalay na tinapay at ng buong alalay na tubig; Ng makapangyarigang lalake, at ng lalaking mandirigma; ng hukom, at ng propeta, at ng manghuhula, at ng matanda; ng kapitan ng lilimang puin, at ng marangal na tao, at ng tagapayo, at ng bihasang manggagawa, at ng matalinong mangeenkanto. At mga bata ang ilalagay kong maging kanilang mga pangulo, at mga sanggol ang magpupuno sa kanila. At ang bayan ay mapipighati, bawa’t isa’y ng iba, at bawa’t isa’y ng kaniyang kapuwa: ang bata ay magpapalo laban sa matanda at ang hamak laban sa marangal. Pagka ang lalake ay hahawak sa kaniyang kapatid sa bahay ng kaniyang ama, na magsasabi: Ikaw ay may damit, ikaw ay maging aming pinuno, at ang pagkabagsak ito ay mapasa ilalim ng iyong kamay: Sa araw na yaon ay manglalakas siya ng kaniyang tinig, na magsasabi, Hindi ako magiging tagapagpagaling; sapagka’t sa aking bahay ay wala kahit tinapay o damit man; huwag ninyo akong gawing pinuno ng bayan. Tungkol sa aking bayan, mga bata ang mga mamimighati sa kanila, at mga babae ang mangagpupuno sa kanila. Oh bayan ko, silang nagsisipatnubay sa iyo, magagliligaw sa iyo, at sisira ng daan ng iyong mga landas.

    Isaias 3:1-7,12

    Sino ang Umaasa sa Pamumuno?

    1. Ang simbahan ay umaasa sa pamumuno nito.

    Sa simbahan, ang kawalan ng tunay na pamumuno ang nagbibigay-daan sa paglaganap ng kasalanan at mga gumagawa ng masama pati na rin ang mga bulaang pinuno ng iglesiya. Ang kawalan ng mga tunay na pinuno sa iglesiya ang siyang dahilan kung kaya napapahamak ang maraming kaluluwa, namamatay at napupunta sa Impiyerno. Paano ito nangyayari? Pangungunahan ng tunay na pinuno ng iglesiya ang kongregasyon na manghikayat ng mga kaluluwa at gumawa ng mga gawaing pangmisyon. Sa tuwing titigil ang pamumuno ng iglesiya na mag-alala sa mga napapahamak at sa mga namamatay na kaluluwa, unti-unting gumagapang at pumapalit ang mga hindi totoong relihiyon at mga alternatibong pananampalataya.

    Ang katawan na walang ulo ay hindi isang katawan. Ang iglesiya na walang tunay na pinuno ay tunay na nakaaawa! Ang isang bansa na walang pinuno ay naisumpa! Totoo na ang bawat bansa ay bumabangon at bumabagsak batay sa mga pinuno nito.

    Halos ang bawat masamang pangyayari sa loob ng iglesiya ay maaaring maiugnay sa kawalan ng mabuting pinuno. Ang mga pagkakahati at kasiraan ng iglesiya ay kadalasang dahil sa kawalan ng matatag na pamumuno. Sinasabi ng Banal na Kasulatan sa itaas kung paano isusumpa ng Diyos ang lupain sa pamamagitan ng pag-aalis ng mga pinuno. Ang mga iglesiya ay lumalago at bumabagsak dahil sa pamumuno. Sa mabuti at matatag na pinuno, ang isang iglesiya ay lalago at magiging isang malaking iglesiya. Sa masamang pamumuno, ang isang iglesiya ay walang kahihinatnan kahit na ang pastor ay labis na itinalaga. Kung minsan may nakikita tayong ministrong itinalaga ngunit may hindi mabuting katangian sa pamumuno. Ang kaniyang ministeryo ay kadalasang bumabagsak dahil sa hindi magandang katangian sa pamumuno.

    Ang pamumuno ay isang sining. Ito ay isang usaping walang kaugnayan sa relihiyon, na kinakailangan intindihin ng mga ministro ng ebanghelyo. Ang kakayahang magsulat at magbasa ay hindi isang espirituwal na bagay, ito ay isang bagay na walang kaugnayan sa relihiyon, na kinakailangang aralin. Kung wala ka ng ganoong abilidad walang kang patutunguhan sa mundong ito.

    Ganoon din sa pamumuno! Kung walang kaalaman at kakahayan sa pamumuno, ang iyong ministeryo ay walang patutunguhan.

    2. Ang bawat bansa ay umaasa sa pamumuno nito.

    Sa Banal na Kasulatang ito, sinabi ng Diyos ang mangyayaring paghatol sa Jerusalem at Juda. Ipinasya ng Diyos na parusahan at wasakin ang mga bansang iyon. Paaano niya gagawin iyon? Malinaw na sinasabi ng Banal na Kasulatan.

    Ilang taon na ang nakalipas, tinanong ko ang aking kaibigan kung sino ang iboboto niya sa darating na eleksyon. Natigilan siya, kaya nagtanong ako ng isang deretsahang tanong. Tinanong ko siya, Iboboto mo ba si Presidente X?

    Sa oras na iyon, sumagot siya sa akin, sinabi niya, Kung pipili ako sa iyong apat na taong gulang na anak, na si David, at kay Presidente X, Mas gugustuhin kong iboto ang iyong apat na taong gulang na anak.

    Nagpatuloy siya at sinabi, Mas gugustuhin ko pang iboto ang isang kambing na maging Presidente natin kaysa ang taong iyon.

    Halata naman na hindi makakatulong ang aking anak o isang kambing sa ating bansa. Ang pagkakaroon ng pamumuno ng isang bata o ng sanggol, o ng isang kambing na gaya ng sinabi ng taong ito ay isang sumpa. Ano ang magiging resulta ng pagkakaroon ng hindi angkop at mababang pinuno? Nasa Bibliya ang mga kasagutan.

    At ang bayan ay mapipighati, bawa’t isa’y ng iba, at bawa’t isa’y ng kaniyang kapuwa: ang bata ay magpapalalo laban sa matanda at ang hamak laban sa marangal. (Isaias 3:5)

    Hindi mo ba nakita ang larawang ito saanman- pang-aapi, kawalan ng katarungan, pagkatakot at paglawak ng lahat ng uri ng kasamaan? Ano ang nagpaparami sa rebelde sa Africa, at sa libong kabataan na nasa kultura ng droga sa Europa at Amerika? Sa bansa kung saan may kaunti o walang mabuting pamumuno, mapapansin mo ang pagdami ng pinuno ng kudeta, mga rebelbe.

    3. Ang komunidad ay umaasa sa pamumuno nito.

    Darating ang panahon na aalisin ng Diyos ang lahat ng uri ng pinuno sa komunidad. Ang komunidad ay maiiwan na walang pinuno. Alam ng Diyos ang panuntunang ito: Walang pinuno, walang progreso! Walang pinuno, walang pag-unlad! Walang pinuno, walang biyaya! Walang pinuno, walang paglaya! Alam ng Diyos na mahuhulog sa pagdurusa kung aalisin niya ang mga pinuno sa kanila. Ito ay dahil ang lahat ay bumabangon at bumabagsak ayon sa pamumuno.

    Pinapakawalan ng Makapangyarihang Diyos ang pinakamatainding kaparusahan na maaaring maranasan ng sinuman, ng bansa o ng mga lahi ng tao. Iyon ay ang kawalan ng pinuno. Kung titignan mo nang mabuti ang Banal na Kasulatang ito, makikita mo na sinasabi ng Diyos ang pag-alis ng bawat uri ng pinuno sa mga komunidad.

    ...ang Panginoon ng mga hukbo ay nag-aalis...Ng makapangyarihang lalake, at ng lalaking mangdirigma; ng hukom, at ng propeta, at ng manghuhula, at ng matanda, Ng kapitan ng lilimang puin, at ng marangal na tao, at ng tagapayo, at ng bihasang manggagawa, at ng matalinong mang-eenkanto...

    Kung iyong pag-aaralan nang mabuti ang listahang ito, darating ka sa nakakatakot na pag-unawa na ang komunidad ay naiwan na walang mamumuno sa mga tao sa anumang aspeto. Ang mga Pastor ay inalis. Ang mga Pulitiko ay inalis. Ang mga nakatatanda ay inalis. Ang mga marurunong ay inalis. Lahat sila ay inalis sa komunidad. Ito ang tinatawag kong lipunang walang ulo.

    4. Ang bawat pamilya ay umaasa sa pamumuno.

    Ang isang pamilya ay yumayaman o nagiging mahirap batay sa pamumuno ng ama. Ang isa sa pinakamatinding hatol na maaaring ibigay ng Diyos sa Kaniyang mga tao ay ang pag-alis ng lahat ng uri ng pinuno. Kinasusuklaman ng kalikasan ang kawalan. At kapalit ng mga tunay na pinuno, sinabi ni Jehovah ang tungkol sa pagsulpot ng mga hindi tunay na pamumuno.

    At ang mga bata ang ilalagay kong maging kanilang mga pangulo, at mga sanggol ang magpupuno sa kanila...

    Sa halip na ang mga ama ang manguna, ang mga bata at mga sanggol ang mangunguna. Kinakatawan ng mga bata at mga sanggol na ito ang mga walang kakayahan at walang kabuluhang pinuno. Alam natin na hindi kayang pigilin ng sanggol ang kaniyang pagdudumi, gaano na lamang ang mamuno sa isang bansa.

    5. Ang kontinente ay umaasa sa pamumuno nito.

    Ang debateng kadalasan kong napapasukan kasama ng aking mga kaibigan ay tungkol sa kalagayan ng kontinente ng Africa. Tinatanong ko ang sarili ko, Ano kaya? Hindi ba natin maaaring itayo ang sarili nating daan? Bakit kailangan natin ng dayuhang kompanya para magtayo ng mga kalsada at mga kubeta para sa atin? Hindi magiging karaniwan sa mga bansa sa Europa na mga dayuhang kumpanya ang nagtatayo ng mga gusali at mga kubeta para sa kanila. Bakit napakaraming pagdurusa at karamdaman sa mga bansang kasalukuyang umuunlad?

    May maraming mga teorya na sinubukang ipaliwanag ang kalagayang ng mga mahihirap at hindi matatag na bansa. Sinasabi ng iba na may sumpa sa mga maiitim na tao. Sinasabi ng iba na dahil sa kawalan ng kalayaan. At iniisip pa ng iba na may sumpa sa kontinente ng Africa. Naniniwala ako na ang pinakadahilan ng mahirap na kalagayan ay ang kawalan ng mga mabubuting pinuno.

    Sa tuwing may mabuting pinuno, makikita mo ang malaking pag-unlad at makikita mo ang kasaganaan. Ang kawalan ng mga pinuno ay malinaw na makikita sa dalawang mundo. Mapapansin mo ang kawalan ng pinuno sa natural o sekular na muno. Mapapansin mo rin ang kawalan ng pinuno sa espirituwal na mundo. Kapag may kawalan ng pamumuno sa mundo ng Iglesiya, mapapansin mo ang mga palatandaan ng kawalan ng pag-unlad ng ministeryo, kahirapan, kawalan ng pagtuturo at kawalan ng kaalaman, at ang paglaganap ng kasalanan.

    Kailangan ang pinuno sa bawat aspeto ng buhay. Kailangan ang tunay ng pinuno sa sekular na mundo. Kailangan ang tunay na pinuno sa mundo ng iglesiya. Dalangin ko na palaguin ka ng Diyos at ng marami pang iba na maging tunay na pinuno para sa iyong henerasyon! Tunay nga na ang lahat ay nakabatay sa pamumuno!

    Kabanata 2

    Magpasiya na Maging Isa sa mga Kakaunting Mabuting Pinuno sa Mundong Ito

    Kung naniniwala kang ikaw ay tinawag sa ministeryo, kung gayon ikay ay tinawag upang maging pinuno. Iyan ang dahilan kung bakit napakahalaga ng aklat na ito sa iyong buhay; upang ikaw ay maging mabuting pinuno para sa Panginoong Jesu-Cristo. May mga mabubuti at masasamang ministro. Magpasiya kang maging mabuting ministro!

    ...ikaw ay magiging isang mabuting ministro ni Cristo Jesus...

    1 Timoteo 4:6

    Kung magiging mabunga ka sa ministeryo, dapat mong pag-aralan ang pamumuno. Sa tuwing ako ay pumupunta sa tindahan ng mga libro, gustong-gusto kong pumunta sa bahagi ng tindahan kung nasaan ang mga aklat patungkol sa pamumuno. Marami na akong nabasang aklat na tumatalakay sa pamumuno. Napag-aralan ko na ang mahalagang usaping ito. Gusto kong maging isang mabuting pinuno. Ang mabubuting bagay ay hindi na lang basta-bastang nahuhulog sa iyo na parang hinog na mangga mula sa puno. Kinakailangan mong aralin at matuklasan ang lahat ng maaaring aralin.

    Alam natin na kakaunti lamang ang mabuting pinuno. Kung mayroon ngang maraming pinuno, madali nating maituturo kung sino ang mga ito. Naniniwala akong may maraming dahilan kung bakit mayroon lamang mga kakaunting bukod tanging pinuno, ngunit simulan nating tingnan kung bakit ayaw ng mga taong maging pinuno!

    Pagtagumpayan ang mga Hadlang sa iyong pagiging Pinuno

    1. Pagtagumpayan ang kawalang-malay tungkol sa iyong pagkatawag sa pamumuno.

    Hindi nila alam dahil walang nagsabi sa kanila! Ni hindi nga nila alam na may abilidad sila upang mamuno. Iniisip ng ibang tao na kakaunting tao lamang ang ipinanganak upang mamuno. Hindi ako naniniwala na kaunting tao lamang ang ipinanganak upang mamuno. Naniniwala ako na maraming tao ang ipinanganak na may abilidad na mamuno ngunit hindi sila handa sa responsibilidad ng pagiging isang pinuno.

    Kaya’t ang mga una’y mangaghuhuli, at ang mga huli ay mangauuna.

    Mateo 20:16

    Sapagka’t marami ang tinawag, datapuwa’t kakaunti ang mga nahirang.

    Mateo 22:14

    Itinuturo sa atin ng Biblia na marami ang tinawag upang maglingkod. Ang sinumang magbibigay ng kaniyang sarili sa ministeryo ni Jesu-Cristo ay isang pinuno. Kinakailangang ipakita ng isang ministro ng ebanghelyo ang mga katangian at abilidad ng pagiging isang pinuno.

    Kung ikaw ay tinawag na maglingkod, ikaw ay tinawag upang maging isang pinuno. Hindi mo ito maaaring iwasan!

    2. Pagtagumpayan ang mga paratang na pumipigil sa iyo upang maging pinuno.

    Ang mga pinuno ay kadalasang pinaparatangan ng pagiging mapaghangad. Kadalasan silang pinaparatangang sila ay may masamang motibo. Labis akong nagulat nang marinig ko ang ilang tao na pinaparatangan ako, na ako raw ay nasa ministeryo dahil sa pera. Ngunit kinausap ako ng Diyos at sinabi sa akin na hindi maiiwasang ako ay maparatangan. Ang bawat mabuting pinuno ay may maraming kaaway. Ang katangian ng mabuting

    pamumuno: iginuguhit nito ang daraanan at pinapanatili nito ang direksiyon. Nangangahulugan ito na maaaring makasakit ka ng ibang tao.

    Sinumang hindi nagdadala ng kaniyang sariling krus, at sumusunod sa akin, ay hindi maaaring maging alagad ko.

    Lukas 14: 27

    Maraming taon na ang nakalipas, sinabi ko sa isang kapatid na ayaw kong maging isang pinuno sa isang pagpupulong. Sinabi ko sa kaniya na ako ay tahimik na tao at gustong-gusto ko ang aking privacy. Sinabi ko sa kaniya na ayaw kong mangaral o manguna. Ngunit may ibang plano ang Diyos sa akin at ngayon ako ay pinuno sa bahay ng Diyos. Magiging kabayaran ang buhay na pinapahalagan mo sa pagiging isang pinuno. Wala na akong pribadong buhay. Maraming tao ang nakakaalam tungkol sa akin. Pinag-uusapan ako sa tahanan at sasakyan. Katulad ng lahat na pinuno, ako rin ay pinupuri ng iba at pinupuna ng iba. Ito ang kapalaran ng isan pinuno. Ito ang dahilan kung bakit umiiwas ang ilan sa pagiging isang pinuno. Ngunit sinabi ni Jesus na dapat mong buhatin ang iyong sariling krus at sumunod sa kaniya. Kasama sa pagiging isang pinuno ang pagsasakripsyo. Makabuluhan ang pagiging isang pinuno sa loob ng iglesiya.

    3. Pagtagumpayan ang takot na mapahiya.

    Maraming mga pinuno ang sa huli ay nalalagay sa kahihiyan pagkatapos kunin ang reponsibilidad ng pamumuno. Ang iba at nakaranas ng matinding pasakit at nagkaroon ng mapapait na karanasan. Ang iba ay ipinako sa krus ng mga taong pinangungunahan nila.

    Nakita ko mismo sa maraming taon ng aking paglilingkod kung papaano nasusuklian ng kasamaan ang mga pinuno. May mga nakita akong ilang simbahang nagpaalis sa kanilang pastor pagkatapos silang pangunahan ng pastor na iyon. Kaylungkot! Alam nating lahat kung paano naipako si Jesus pagkatapos ng tatlo at kalahating taon ng ministeryo. Iyon ang kaniyang gantimpala sa pagiging ilaw sa Kaniyang mga tao.

    Sa aking bansa, marami na akong nakitang pangulo na namatay sa hindi natural na kamatayan pagkatapos nilang pangunahan ang bansa nang ilang taon. May mga ilang hukom na pinapatay pagkatapos nilang magsabi ng hatol na para sa kanila ay makatarungan. Sino ngayon ang gustong maging pinuno sa ganoong kapaligiran? Kapag pag-aaralan mo ang kapalaran ng mga pinuno sa paligid, natural lamang na iwasan ng mga tao ang pagiging isang pinuno at piliin ang tahimik at payapang buhay. Naiintindihan ko kung bakit nais lumayo ng isang tao sa mundo ng mga sinungaling na pulitiko at masamang pamumuno.

    Sa aklat na ito, hinihimok ko kayo na tanggapin ang mahalagang tungkulin ng Kristiyanong pamumuno. Hinihimok ko kayo na kunin ang pagkatawag sa pagiging pinuno sa simbahan. Makabuluhan ito! Ang mga hamon ay kapareho sa sekular na pamumuno. Ang mga paratang ay kadalasang pareho sa pamumuno sa sekular o sa mundong walang kaugnayan sa relihiyon. Ngunit ito ay makabuluhan!

    Ang mga sekular na pinuno ay nagtatrabaho para sa pera at katanyagan. Ngunit ang mga ito ay mga gantimpalang nasisira. Kapag ikaw ay nagtatrabaho para kay Jesus ikaw ay tatanggap ng walang hanggang gantimpala.

    ...Ginagawa nga nila ito upang magsipagtamo ng isang putong na may pagkasira; ngunit tayo’y niyaong walang pagkasira.

    1 Mga Taga-Corinto 9:25

    Maraming beses na naranasan ko ang mga pasakit ng pagiging isang pinuno. Ngunit kapag iniisip ko ang mga gantimpala na naghihintay para sa mga tapat na gumagawa ng kalooban ng Diyos, lumalakas ang aking loob. Alam ko na isang araw, magagalak ako tungkol sa lahat ng bagay.

    Namasdan natin si Jesus na gumawa at sumakdal ng ating pananampalataya, na siya dahil sa kagalakang inilagay sa harapan niya ay nagtiis ng krus, na niwalang bahala ang kahihiyan, at umupo sa kanan ng luklukan ng Dios. Sapagka’t dilidilihin ninyo yaog nagtiis ng gayong pagsalangsang ng mga makasalanan laban sa kaniyang sarili, upang kayo’y huwag magsihina, na manglupaypay sa inyong mga kaluluwa.

    Mga Hebreo 12:2,3

    4. Pagtagumpayan ang iyong inferiority complex (Panghihina ng loob).

    Iniisip ng iba na hindi sila karapat-dapat sa pamantayan ng pamumuno. Iniisip ng iba na wala silang katangian upang maging pinuno. Iniisip ng iba na napakarami nilang personal na problema upang maging isang pinuno. Ayaw nilang mabigatan ng problema ng ibang tao.

    May magandang balita ako para sa iyo ngayon! Hindi gumagawa ang Diyos kasama ng perpektong tao. Gumagawa siya kasama ng mga taong sabik na maglingkod. Tumitingin siya sa puso at naiintindihan niya ang iyong kahinaan. Kung si Jesus ay tumitingin sa pagiging perpekto, sinisigurado ko sa inyo na wala sa mga alagad ang kwalipikadong maging isang pinuno sa simbahan. Isang halimbawa si Pedro; ikinaila niya ang Panginoong Jesus nang tatlong beses ilang linggo bago siya italaga. Sumumpa siya at nagmura na para bang wala siyang natanggap na pagsasanay. Gayon man, ginamait siya ng Panginoon. Ganoon din ang ibang mga alagad na nagtalo-talo kung ano ang kanilang posisyon sa Langit. Sino ang magiging pinakadakila? tinanong nila.

    At nagkaroon naman ng isang pagtatalo-talo sa gitna nila, kung sino kaya sa kanila ang ibibilang na pinakadakila.

    Lukas 22:24

    Pagkatapos nilang magtalo-talo kung sino ang magiging pinakadakila, iniwan nilang lahat si Cristo sa panahong kailangan Niya sila. Pagkakatiwalaan mo ba ang ganoong mga tao? Gagamitin mo ba ang ganoong mga tao? Ginamit ng Panginoon ang ganoong mga tao! Hindi mo kinakailangan na maging perpekto upang maging isang pinuno. Kung ganoon, wala nang magiging pinuno sa mundo o sa simbahan. Hindi ibig sabihin nito na walang mga pamantayan. Inaasahan ng Diyos ang pinakamataas na pamantayan ng karakter at moralidad. Gayon pa man, gumagawa siya kasama ng mga hindi perpektong tao.

    Tumitingin ang Diyos sa puso. Siguraduhin mo na ang iyong puso ay matuwid at gagamitin ka ng Diyos.

    ...sapagkat ang tao ay tumitingin sa mukha, nguni’t ang Panginoon ay tumitingin sa puso.

    1 Samuel 16:7

    5. Pagtagumpayan ang pagiging makasarili.

    Ang mga makasariling tao, sarili lamang nila ang kanilang iniisip. Masaya sila na magkaroon ng kaligtasan. Masaya sila na magkaroon ng kasaganaan. Ngunit wala silang pakialam sa sinuman. Kung ako ay okay na, okay na ang lahat. Iyan ang espiritu ng pagkamakasarili.

    Hindi mahalaga para sa makasariling tao na magkaroon ng pagsasanay o magsakripisyo upang maging isang pinuno. Hindi siya gugugol ng kaniyang lakas upang tulungan ang isang kaluluwa. Kung si Kristo ay nagpasiyang manatili sa Langit, saan ka kaya ngayon? Nabuhay siyang muli at ikaw, ni hindi ka man lamang makabangon sa iyong higaan. Sinasaway ko ang espiritung iyan ng katamaran at pagkamakasarili! Salamat sa Diyos at may mga misyonero. Salamat sa Diyos sa mga taong naglakbay nang malayo sa kanilang tahanan papunta sa mga dayuhang kultura dahil sa kagustuhan nilang tumulong sa iba.

    Kabanata 3

    Apatnapung Pangalan ng mga Pinuno

    Ng makapangyarihang lalake, at ng lalaking mangdirigma; ng hukom, at ng propeta, at ng manghuhula, at ng matanda; Ng kapitan ng lilimag puin, at ng marangal na tao, at ng tagapayo, at ng bihasang manggagawa, at ng matalinong mangeenkanto. At mga bata ang ilalagay kong maging kanilang mga pangulo, at mga sanggol ang magpupuno sa kanila.

    Isaias 3:2-4

    Sa wikang Ingles, maraming salitang kasingkahulugan ng salitang lider. Ipapakita sa iyo ng iba’t ibang pangalan na ito ang iba’t ibang uri ng pinunong nasa mundo. May mga pinuno sa bawat gawain at ang bawat gawain ay may iba’t ibang katawagan para sa pinuno ng gawaing iyon. Ang mga pinuno sa mga barko ay tinatawag na kapitan, ang mga pinuno sa eroplano ay tinatawag na piloto, samantalang ang mga pinuno ng mga sundalo ay tinatawag na heneral. Sa mundo ng pulitika, ang mga pinuno ng mga bansa ay tinatawag na presidente o punong ministro, samantalang ang mga pinuno sa unibersidad ay tinatawag na kanselor. Sa mundong may kinalaman sa relihiyon, ang mga pinuno sa mga simbahan ay tinatawag na mga pastor, samantalang ang mga pinuno sa moske ay tinatawag na mga imam. Ang mga pinuno sa mga nayon ng mga Arabo ay tinatawag na sheikhs at ang mga pinuno sa mga nayon ng mga taga-Ghana ay tinatawag na chief o hepe.

    Narito ang ilan pang mga pangalan at titulo para sa mga pinuno. Ang mga pangalan at titulo na ito ay mahalaga dahil dapat mong makilala ang pamumuno kahit na ito ay hindi saklaw ng iyong nakaugaliang mundo.

    Kadalasang nakikilala ng mga pinuno ang isa’t isa kahit na sila ay mula sa ibang uri ng gawain o lugar na kanilang pinamumunuan. Halimbawa, ang aking abilidad na mamuno ay minsang nakita ng isang ateista na hindi naniniwala kay Cristo o sa simbahan. Ngunit kinilala ako ng taong ito bilang pinuno na dapat pakinggan. Hindi niya nakita ang aking relihyoso o espirituwal na doktrina ngunit nakita niya ang aking kakayahan sa pamumuno at hiniling sa akin na ituro ang mga kasanayang ito sa ibang ateista. Kung ikaw ay pinuno ng isang relihiyon, makikilala mo ang iyong kapwa pinuno kahit na sila ay mangangalakal, pulitiko, ateista, o ibang pinuno ng relihiyon.

    Sa kabilang dako naman, kung hindi ka isang pinuno hindi mo makikilala ang isang pinuno. Halimbawa, maraming mga pulitiko sa gobyerno ang hindi nakakakilala at hindi nagpapahalaga sa mga pinuno sa ibang larangan dahil sila mismo ay hindi pinuno. Ang pagiging isang pulitiko na nagsasabi ng mga bagay upang magustuhan ng lahat ay magkaiba sa pangunguna sa mga tao patungo sa kasaganaan at pag-unlad.

    Sa Banal na Kasulatan na nakasulat sa itaas, mapapansin mo ang iba’t ibang uri ng pinuno na nasa lungsod ng Jerusalem. Ang parusa ng Panginoon ay ang pag-alis ng iba’t ibang uri ng pinuno sa komunidad.

    1. Ang mga pinuno ay tinatawag na kapitan

    2. Ang mga pinuno ay tinatawag na hepe

    3. Ang mga pinuno ay tinatawag na komander

    4. Ang mga pinuno ay tinatawag na presidente

    5. Ang mga pinuno ay tinatawag na punong ministro

    6. Ang mga pinuno ay tinatawag na pastol

    7. Ang mga pinuno ay tinatawag na heneral

    8. Ang mga pinuno ay tinatawag na gobernador

    9. Ang mga pinuno ay tinatawag na tagaakay

    10. Ang mga pinuno ay tinatawag na pastor

    11. Ang mga pinuno ay tinatawag na boss

    12. Ang mga pinuno ay tinatawag na puno

    13. Ang mga pinuno ay tinatawag na tagapamanihala

    14. Ang mga pinuno ay tinatawag na prinsipal

    15. Ang mga pinuno ay tinatawag na pinuno

    16. Ang mga pinuno ay tinatawag na kagalang-galang na mamamayan

    17. Ang mga pinuno ay tinatawag na tagapayo

    18. Ang mga pinuno ay tinatawag na piloto

    19. Ang mga pinuno ay tinatawag na tagapangasiwa

    20. Ang mga pinuno ay tinatawag na superyor

    21. Ang mga pinuno ay tinatawag na nakatatanda

    22. Ang mga pinuno ay tinatawag na tagabunsod

    23. Ang mga pinuno ay tinatawag na superbisor

    24. Ang mga pinuno ay tinatawag na ehekutibo

    25. Ang mga pinuno ay tinatawag na direktor

    26. Ang mga pinuno ay tinatawag na master

    27. Ang mga pinuno ay tinatawag na panginoon

    28. Ang mga pinuno ay tinatawag na diktador

    29. Ang mga pinuno ay tinatawag na hari

    30. Ang mga pinuno ay tinatawag na tagapanguna

    31. Ang mga pinuno ay tinatawag na nakatataas

    32. Ang mga pinuno ay tinatawag na kanselor

    33. Ang mga pinuno ay tinatawag na sheiks

    34. Ang mga pinuno ay tinatawag na hukom

    35. Ang mga pinuno ay tinatawag na eksperto

    36. Ang mga pinuno ay tinatawag na espesiyalista

    37. Ang mga pinuno ay tinatawag na bayani

    38. Ang mga pinuno ay tinatawag na sekretarya

    39. Ang mga pinuno ay tinatawag na tagapagpauna o forerunner

    40. Ang mga pinuno ay tinatawag na maharlika

    Kabanata 4

    Paano Tinalakay sa Biblia ang Pamumuno

    Ang pamumuno ay isang mahalagang usapin sa Biblia. Karamihan sa mga Biblia ay hindi gumagamit ng salitang lider kapag tinatalakay ang usaping ito. Dahil dito, ang usapin tungkol sa pamumuno ay pinapaubaya sa mga pangganyak na tagapagsalita. Gayunpaman, ang pag-intindi sa iba’t ibang salitang ginamit o mga terminolohiya sa halip na salitang lider ay mahalaga para sa iyo upang makita mo sa Biblia ang usaping ito. Ipinapakita ng mga sumusunod na Kasulatan ang iba’t ibang paglalarawan ng mga pinuno sa Biblia.

    1. Ang pamumuno ay tinawag ni apostol Pablo na pamamahala. Sa talaang ito, ang pamumuno ay itinuturing na biyaya mula sa Diyos.

    At ang Dios ay naglagay ng ilan sa iglesia, una-una’y mga apostol, ikalawa’y mga propeta, ikatlo’y mga guro, saka mga himala, saka mga kaloob na pagpapagaling, mga pagtulong, mga PAMAMAHALA, iba’t ibang mga wika.

    1 Mga Taga-Corinto 12:28

    2. Ang isang lider ay inilarawan ni Pablo bilang isang pinuno. Sa talaang ito, ang pamumuno ay itinuturing na biyaya mula sa Diyos.

    O ang umaaral, ay sa kaniyang pagaral: ang namimigay, ay magbigay na may magandang-loob; ANG NAGPUPUNO, ay magsikap; ang nahahabag ay magsaya.

    Mga Taga-Roma 12:8

    3. Ang paraan ng pamumuno na nasa Biblia ay magkaiba sa pamumunong iniuutos ng mundong ito.

    Datapuwa’t sa inyo’y hindi gayon: kundi bagkus ang lalong dakila sa inyo ay maging tulad sa lalong bata; at ANG NANGUNGULO AY MAGING GAYA NG NAGLILINGKOD.

    Lucas 22:26

    4. Sa Biblia, ang isang tao ay itinuturing na kwalipikadong mamuno sa isang simbahan kung kaya niyang pangunahan ang isang babae. Sa talaang ito, ang pamumuno ay itinuturing na inihanda para sa ilang tao (hindi lahat ng kalalakihan).

    (Nguni’t kung ang sinoman nga ay hindi marunong mamahala sa kaniyang sariling sangbahayan paanong makapamamahala sa iglesia ng Dios?)

    1 Timoteo 3:5

    5. Ang mga pinuno sa Israel ay minsang tinawag na hukom. Sa ibang panahon sila ay tinawag na hari. Ang paraan ng kanilang pamumuno at ang kanilang mga nagawa ay nasa aklat ng Mga Hukom at Mga Hari.

    At NAGBANGON ANG PANGINOON NG MGA HUKOM, na nagligtas sa kanila sa kamay niyaong mga lumoloob sa kanila. At gayon ma’y hindi nila dininig ang kanilang mga hukom: sapagka’t sila’y sumamba sa ibang mga dios, at kanilang niyurakan ang mga yaon: sila’y nagpakaligaw na madali sa daan na nilakaran ng kanilang mga magulang, na sumunod ng mga utos ng Panginoon; nguni’t hindi sila gumawa ng gayon. At nang ipagbangon sila ng Panginoon ng mga hukom, ang Panginoon ay suma hukom, at iniligtas sila sa kamay ng kanilang mga kaaway sa lahat ng mga araw ng hukom: sapagka’t nagsisi ang Panginoon dahil sa kanilang daing, dahil doon sa mga pumighati sa kanila at nagpakalupit sa kanila. Nguni’t nangyari pagkamatay ng hukom, na sila’y tumalikod at lalong sumama kay sa kanilang mga magulang sa pagsunod sa ibang mga dios, upang maglingkod sa kanila, at yumukod sa kanila; sila’y hindi naglikat sa kanilang mga gawa, ni sa kanilang tampalasang lakad.

    Mga Hukom 2:16-19

    Kung paanong ang Panginoon ay sumaaking panginoon na hari ay gayon suma kay Salomon at gawin nawa ang kaniyang luklukang lalong dakila kay sa luklukan ng AKING PANGINOONG HARING SI DAVID.

    1 Mga Hari 1:37

    Kabanata 5

    Ang Uri ng Pamumuno na Dapat Mong Iwasan

    Tungkolsaakingbayan,mgabataangmgamamimighati sa kanila, at mga babae ang mangagpupuno sa kanila. Oh bayan ko, silang nagsisipatnubay sa iyo, mangagliligaw sa iyo, at sisira ng daan ng iyong mga landas

    Isaias 3:12

    Ipinahayag ng Diyos na pangungunahan ng mga babae at mga bata ang Kaniyang mga tao. Sinasabi ng Kasulatan na ito na isang sumpa o kaparusahan sa isang pangkat ng mga tao na babae o bata ang mamuno sa kanila. Tila ito ay nakakasakit ngunit kapag iintindihin mo nang mabuti ang kahulugan ng Kasulatang ito, makakatulong ito sa paglinang ng iyong abilidad na mamuno. Totoong ang dalawang sumpang ito ang dapat mong intindihin at iwasan sa anumang paraan.

    Maaaring narinig mo na ang pahayag na, Para kang bata! Maaaring narinig mo na ang pahayag na, Kumikilos ka na parang isang bata! Maaaring nasabi mo na noon, Hindi ako bata.

    Ang mga pahayag na ito ay ginawa dahil minsan ang mga matatanda ay nag-aasal bata. Sa kasamaang-palad, ang mga pinuno na may mataas na posisyon ay kadalasang nag-aasal bata at labis itong nakakaapekto sa lahat ng nasa paligid nila.

    Gayun din, maraming pinuno ang nag-aasal na parang babae sa kanilang mga desisyon at sa paraan ng kanilang pamumuno. Ang isang babae na hindi naturuan ng salita ng Diyos at ng Espiritu Santo ay maaaring maging isang katakot-takot na pinuno. Sa pangkalahatan, ang mga babae ay kinakailangan palambutin at paamuin upang maging nararapat, angkop at karapat-dapat na pinuno.

    1. Dapat mong iwasan na magkaroon ng istilo ng pamumuno na katulad ng pamumuno ng isang bata.

    2. Dapat mong iwasan ang magkaroon ng istilo ng pamumuno na katulad ng pamumuno ng isang babae.

    Kabanata 6

    Ang Pamumuno ng Isang Bata

    Tungkolsaakingbayan,mgabataangmgamamimighati sa kanila, at mga babae ang mangagpupuno sa kanila. Oh bayan ko, silang nagsisipatnubay sa iyo, mangagliligaw sa iyo, at sisira ng daan ng iyong mga landas

    Isaias 3:12

    1. ANG PAMUMUNO NG ISANG BATA AY MAGULO

    At ang mga bata ang ilalagay kong maging kanilang mga pangulo, at mga sanggol ang mamumuno sa kanila.

    Isaias 3:4

    Kung hindi mo kayang linisin ang iyong sariling kwarto ikaw ay isang bata. Kung hindi mo malinisan ang ang mga lugar kung saan ka nakatira, ikaw ay isang bata. Kung hindi mo malinisan ang iyong lungsod ikaw ay isang bata kahit natinatawag ka ng lahat na mayor o ministro.

    Dapat mong pag-aralan ang pamumuno, intindihin ang pamumuno, at sanayin ang mga angkop na prinsipyo ng pamumuno, kung hindi, pamumunuan mo ang mga tao nang may pag-iisip-bata. Ang pamumuno ng isang bata ay nagreresulta sa kawalan ng pamahalaan at kaguluhan ayon sa Biblia. Sa tuwing nakakakita ka ng kaguluhan at pagkalito maaari mong isipin na ang pamumuno ng bata namamayani.

    2. ANG PAMUMUNO NG ISANG BATA AY MAY KAWALAN NG PAG-UNAWA SA MGA MAHALAGANG USAPIN AT NALALAPIT NA PANGANIB

    Nang ako’y bata pa, ay nagsasalita akong gaya ng bata, nagdaramdam akong gaya ng bata, nagiisip akonggaya ng bata: ngayong maganap ang aking pagkatao, ay iniwan ko na ang mga bagay ng pagkabata.

    1 Mga Taga-Corinto 13:11

    Dapat mong pag-aralan ang pamumuno, unawain ang pamumuno, at sanayin ang mga angkop na prinsipyo ng pamumuno, kung hindi, pamumunuan mo ang mga tao nang may pag-iisip-bata. Nangingibabaw sa isip ng bata ng kawalan ng pag-unawa sa mga mahahalagang usapin at mga panganib na kinakaharap niya.

    Ang mga taong walang pinuno ay may mga maruruming kusina at maruruming kubeta. Ang mga maliliit na bata ay naglalaro sa putik at hindi naiintindihan ang ibig sabihin nito. Kung iiwang mag-isa ang bata, dumarami ang dumi at basura. Iyan ang dahilan kung bakit hindi iniiwan nang mag-isa ang mga bata. Hindi nila lilinisin, o wawalisin o pupunasan ang anuman.

    Iyan ang dahilan kung bakit ang mga bansa kung saan mga bata ang pinuno ay may marumi at malaking kanal na punong-puno ng mapanganib na basura. Ang pangunahing katangian ng mga lungsod na pinamumunuan ng mga bata ay may marami at mapanganib na basura na matatagpuan saanman. Hindi nakikita ng parang batang pinuno ang epekto ng mga nakakamatay na patibong na ito sa kapakanan ng kaniyang mga nasasakupan. Kahit na alam nila ang epekto, hindi nila alam kung ano ang gagawin. Ang nais lamang nila ay Mommy o Daddy na magbibigay sa kanila ng solusyon.

    Sinira ng mga bansang walang pinuno ang sistema ng edukasyon ng kanilang bansa nang hindi nila nalalaman ang implikasyon na kanilang ginagawa.

    3. ANG PAMUMUNO NG ISANG BATA AY ANG KAWALAN NG PAG-UNAWA SA ANUMANG BAGAY NA MAHIRAP UNAWAIN

    Mga kapatid, huwag kayong mangagpakabata sa pag-iisip; gayon ma’y sa kahalayan ay mangagpakasanggol kayo, datapuwa’t sa pag-iisip kayo’y mangagpakatao.

    1 Mga Taga-Corinto 14:20

    Dapat mong pag-aralan ang pamumuno, unawain ang pamumuno, at sanayin ang mga angkop na prinsipyo ng pamumuno, kung hindi, pamumunuan mo ang mga tao nang may pag-iisip ng bata. Kapag ang tao ay namumuno at may pag-iisip na parang bata hindi niya naiintindihan ang anumang bagay na mahirap unawain.

    Nakikita kapag ang isang taong walang pinag-aralan ang nasa posisyon. Hindi niya naiintindihan ang resulta ng kaniyang mga sinasabi. Isang pinuno ang matapang na nagpahayag na hindi niya kailanman babayaran ang utang ng kaniyang bansa. Isa pang pinuno ang nagbigay sa bawat dayuhan ng 24 oras para umalis sa bansa na ang dala lamang ay hindi hihigit 24 kilong bagahe. Isa pang pinuno ang naglimbag ng bilyon at trilyon na dolyar para gamitin ng kaniyang mga nasasakupan na pambili ng tinapay. Sa kaniyang pamumuno, ang tinapay ay nagkakahalaga ng isang bilyong dolyar. Hindi nakikita ng mga taong iyong ang epekto ng kanilang sinasabi at ginagawa.

    Tinanggap ng mga pinuno sa mga mahihirap na bansa ang konsepto ng globalisasyon at malayang kalakalan dahil sa kanilang negatibong pananaw sa industriya, agrikultura, at populasyon sa mga lungsod. Ang mga industriya at mga bukid ay inalis sa mga bansa, tinanggap nang buong puso ang mga patakarang ito nang hindi nauunawan ang masamang epekto nito sa bansa.

    Ang mga bansang katulad ng USA at Australia ay hindi tinanggap ang ideya ng malayang kalakalan sa England dahil ito ay nangangahulugang hindi nila mapapaunlad ang sarili nilang industriya. Naintindihan nila ang masamang epekto ng pagbubukas nila ng kanilang hangganan para pumasok ang mga murang produkto.

    Ang mga mahahalagang bagay na ito ay hindi madaling nakikita ng mga pinunong parang mga bata. Ang katotohanang ang taong nagbebenta

    Enjoying the preview?
    Page 1 of 1