Discover millions of ebooks, audiobooks, and so much more with a free trial

Only $11.99/month after trial. Cancel anytime.

Sapagka’t Ang Mayroon, Ay Bibigyan Pa; At Ang Wala, Pati Ang Nasa Kaniya Ay Aalisin Pa Sa Kanya.
Sapagka’t Ang Mayroon, Ay Bibigyan Pa; At Ang Wala, Pati Ang Nasa Kaniya Ay Aalisin Pa Sa Kanya.
Sapagka’t Ang Mayroon, Ay Bibigyan Pa; At Ang Wala, Pati Ang Nasa Kaniya Ay Aalisin Pa Sa Kanya.
Ebook237 pages3 hours

Sapagka’t Ang Mayroon, Ay Bibigyan Pa; At Ang Wala, Pati Ang Nasa Kaniya Ay Aalisin Pa Sa Kanya.

Rating: 0 out of 5 stars

()

Read preview

About this ebook

Ipinahahayag ni Hesukristo ang mga nakagugulat na prinsipyo na namumuno sa kasaganaan at kayamanan. Ang sino mang mayroon ay nararapat na magkaroon ng mas marami! Gaano kawalang patas ang tunog nito! Subalit ito ang katotohanan na nagaganap sa ating harapan sa araw-araw.
Ang aklat na ito ay naglalayong maipaliwanag ang Kasulatang ito na hindi masyadong naiintindihan. Makatatanggap ka ng mga magagandang kaisipan sa mga misteryo ng kasaganaan habang inaaral mo ang bagong aklat na ito ni Dag Heward Mills.

LanguageTagalog
Release dateApr 9, 2018
ISBN9781683986478
Sapagka’t Ang Mayroon, Ay Bibigyan Pa; At Ang Wala, Pati Ang Nasa Kaniya Ay Aalisin Pa Sa Kanya.
Author

Dag Heward-Mills

Bishop Dag Heward-Mills is a medical doctor by profession and the founder of the United Denominations Originating from the Lighthouse Group of Churches (UD-OLGC). The UD-OLGC comprises over three thousand churches pastored by seasoned ministers, groomed and trained in-house. Bishop Dag Heward-Mills oversees this charismatic group of denominations, which operates in over 90 different countries in Africa, Asia, Europe, the Caribbean, Australia, and North and South America. With a ministry spanning over thirty years, Dag Heward-Mills has authored several books with bestsellers including ‘The Art of Leadership’, ‘Loyalty and Disloyalty’, and ‘The Mega Church’. He is considered to be the largest publishing author in Africa, having had his books translated into over 52 languages with more than 40 million copies in print.

Related to Sapagka’t Ang Mayroon, Ay Bibigyan Pa; At Ang Wala, Pati Ang Nasa Kaniya Ay Aalisin Pa Sa Kanya.

Related ebooks

Reviews for Sapagka’t Ang Mayroon, Ay Bibigyan Pa; At Ang Wala, Pati Ang Nasa Kaniya Ay Aalisin Pa Sa Kanya.

Rating: 0 out of 5 stars
0 ratings

0 ratings0 reviews

What did you think?

Tap to rate

Review must be at least 10 words

    Book preview

    Sapagka’t Ang Mayroon, Ay Bibigyan Pa; At Ang Wala, Pati Ang Nasa Kaniya Ay Aalisin Pa Sa Kanya. - Dag Heward-Mills

    Kabanata 1

    Ang Mayroon at Ang Wala

    Totoo Ba Ito?

    Sapagka’t ang mayroon, ay bibigyan pa; at ang wala, pati ang nasa kaniya ay aalisin pa sa kanya.

    Marcos 4:25

    Marahil ito ay totoo kahit na ito ay tila isang kakaibang Kasulatan! Ito ay parang isang hindi patas na Kasulatan! Bakit ang mga maraming salapi ang magkakaroon ng mas marami pang salapi? Bakit ang mga kinakapos ang mawawalan ng kung ano ang mayroon sila? Bakit sa totoong buhay, ang mga mayroon ang nagkakaroon pa nang mas maraming pag-aari? Bakit ito ay ang kabaligtaran ng ating inaasahan?

    Kahit na tila ang Kasulatang ito ay hindi patas, may dalawang dahilang kung bakit ito ay may katotohanan. Ito ay totoo dahil ito ang sinabi ni Hesus. Ang langit at ang lupa ay lilipas, datapuwa’t ang aking mga salita ay hindi lilipas (Mateo 24:35). Ang mga salita ni Hesus ang pinakamakapangyarihang mga salita na siyang naipahayag. 

    Ang ikalawang dahilan kung bakit ang Kasulatang ito ay totoo ay dahil ito ang ating nakikita sa ating paligid. Ang lahat ay naghahangad nang mas marami pa ngunit hindi lahat ay nagkakaroon ng mas marami pa. Sino ba talaga ang nakakapagtamo ng mas nakararami?

    Tayong lahat ay umaasa na ang mga kinakapos ay magkaroon ng sapat. Nais natin na ang lahat ay magkaroon man lamang ng kanilang mga pangunahing pangangailangan. Gayunman, ang buhay at kasaysayan ang nagpapakita sa atin na ang mayroon ay ang nakakapagtamo ng mas marami pa.  Tumingin ka sa iyong paligid at makikita mo na ang mga kinakapos ay nawawalan pa nang kung ano ang natitira sa kanila! Makikita natin na ang mga salita ni Hesus ay totoo.

    Ang aklat na ito ay tungkol sa tila kakaibang Kasulatan na ito.  Matutuklasan mo na ang kakaibang Kasulatan na ito ay mailalapat sa pisikal at espiritwal na mga bagay.  Tingnan natin kung ano ang kahulugan ng ang mayroon.

    Ang Mayroon ng Pisikal na mga Bagay

    1. Ang Mayroon na mga salapi, mga bahay, at mga sasakyan ay magkakaroon pa ng higit na maraming mga salapi, mga bahay, at mga sasakyan.

    Ang mga mamayayamang mga tao (ang mayroon) ay mas higit na nagiging mayaman na tila hindi nagkukulang ng kahit anong bagay habang ang mga naghihirap ay mas higit na naghihirap araw-araw. 

    Sa Aprika, ang pinakamahirap na kontinyete sa buong mundo ay isang bahagi lamang ng mundo na patuloy na lalong naghihirap sa nakaraang talumpung taon.  Ang Ameika at Europa, na mayayaman mga lugar na, ang mas higit pang yumayaman, at mas lalong dumadami ang kanilang  mga reserbang ginto, ang kanilang mga yaman at kanilang mga ari-arian.  Ang Aprika sa kabilang dako, na nangangailangan ng mas marami pang imprastraktura, ang kakaunting  mga imprastrakturang nalalabi ay nawasak na ng mga digmaang sibil at mga kaguluhan sa mga tribo nito.

    Malinaw na ang taong nagtayo ng kanyang bahay ay makakapagtayo pa ng mas maraming mga bahay.  Ang taong hindi nagtayo ng bahay ay hindi makakapagtayo ng bahay sa hinaharap. Ang taong hindi nagtayo ng bahay ay mawawalan ng kasulukuyang tinitirhan nito.  Mas malamang na ang taong hindi nagtayo ng bahay ay mas lalo pang mapapalayas ng may-ari ng tinitirhan nito.

    Ang mga taong nagmamay-ari ng mga sasakyan ay lalo pang makakapagtamo ng mas maraming sasakyan sa hinaharap.  Ang mga mahihirap na tao na walang mga sasakyan bagkus ay sumasakay ng mga bus at taksi ay ang sasakay ng mga bus at taksi sa hinaharap.

    2. Ang Mayroong mga trabaho ay mas lalo pang magkakaroon ng mga trabaho.

    Ang mga taong may trabaho ay ang mga nagkakaroon pa ng mas maraming mga trabaho.  Kung ikaw ay isang punong tagapagluto sa Golden Tulip Hotel ikaw ay maaring alukin ng bagong Sheraton Hotel na maging punong tagapagluto sa lugar na ito. Sa kasamang-palad, ang taong nakapagtapos ng kurso sa pagiging punong tagapagluto sa isang paaralan ng pagtutustos ng pagkain ay maaring hindi maalok ng trabaho ng bagong Sheraton Hotel. Ang mayroong trabaho ang maaring magkaroon ng isa pang trabaho. Ang taong nagtatrabaho bilang isang tagaingat-yaman sa isang banko ay maaring alukin ng isa pang banko na magkaroon ng mas mainam na trabaho.  Nakalulungkot, na ang isang tao na nakapagtamo ng dalawang antas sa pamantasan ay maaring hindi maalok ng trabaho ng banko.  Ang taong ito ay dapat na magsumikap upang makapaghanap ng trabaho at maaring tanggihan ng ilang ulit.

    3. Ang mayroong anak ay magkakaroon pa ng mas maraming mga anak.

    Ang mga taong may mga anak ay mas madaling manganak muli. Karaniwan sa mga ina ang hindi nagiging masaya na malaman na sila ay buntis na namang muli dahil sila ay marami nang anak.  Nakalulungkot na ang mga tao na walang anak ay nahihirapan na magbuntis. Ito ay isang nakalulungkot na kabalintunaan ngunit ito ang katotohanan sa ating mundo.

    4. Ang mayroong kapangyarihan ay nagkakaroon pa ng higit na kapangyarihan.

    Ang mga pamilya na may politikal na kapangyarihan ay ang nagkakaroon pa ng mas maraming kapangyarihan.  Marahil ay matatanong mo na, Bakit ang pamilyang Bush ay nagkaroon ng dalawang presidente ng Amerika? Bakit ang pamilyang Kennedy ay nagkaroon ng dalawang presidente ng Amerika

    Marahil ay gugustuhin mo na ang ibang pamilya naman ang magkaroon ng sikat na politiko o presidente mula sa kanilang pamilya.  Ngunit mas malamang na higit na maraming mga presidente ang manggagaling sa mga sikat nang pamilya.

    5. Ang mayroong edukasyon ay nagkakaroon pa ng higit na edukasyon.

    Mas malamang na ang mga pamilya na may mga abogado at doktor ay magsisilang ng mas marami pang mga abogado at doktor. Walang kasiguruhan na ang mga pamilya na walang pinag-aralan at mga taganayon ay magsisilang ng mga tao na magiging mga abogado, doktor o mga siyentipiko.

    Kaya’t ang Kasulatan ay muling naisakatuparan.  Ang mga taong may mga edukadong tao sa kanyang pamilya ay nagkakaroon ng mas maraming mga edukadong tao sa kanyang pamilya.  Ang tao na walang mga edukadong tao sa kanyang pamilya ay tila nawawalan ng kung ano mang mayroon siya.

    6. Ang mayroong mga kaibigan na nakakataas sa lipunan ay nagkakaroon pa ng higit na mga kaibigan.

    Ang isang tao na may kilalang mga mahahalagang tao ay mas makakakilala pa ng mga mahahalagang tao habang lumilipas ang mga taon. Ang isang taganayon o isang dukhang walang pinag-aralan na walang kilalang mga inhinyero, doktor o abogado ay mas malamang na hindi makakilala ng mahalagang tao sa ssusnod na taon.  Sa katunayan, dahil sa kanyang kahirapan, ang mga tao ay mawawalan ng interes sa kanya at mas kakaunti ang kanyang mga kaibigan.

    7. Ang siyang sikat ay mas lalo pang sisikat.

    Ang isang taong sikat ay mas lalo pang sisikat kung siya ay magpapatuloy sa mga bagay na kanyang ginagawa.  Ang isang hindi kilalang tao sa nayon ay malamang na hindi maging sikat sa susunod na taon.

    Ang Mayroon ng Espiritwal na mga Bagay

    1. Ang mayroong kaalaman sa Diyos ay magkakaroon ng higit na kaalaman sa Kanya. Malamang na siya ay mas magkakaroon pa ng mas maraming kaalaman at pagkatakot sa Diyos. Ang mga taong pinagpala ay lalo pang pagpapalain sa mga susunod na taon.

    2. Ang mga tagapangaral ng ebanghelyo na nakapagtamo na ng mga kaluluwa ay makakapagtamo pa ng mas maraming mga kaluuwa sa mga susunod na mga taon. Siya ay mas malamang na magkaroon ng higit na malalaking mga krusada habang ang isang tagapangaral ng ebanghelyo na may kakaunting mga dumadalo ay mas malamang na makaranas ng ma lumiliit na bilang ng mga dumadalo sa kanyang mga krusada.  Ang isang kabataang lalaki na nasa simbahan na nakapagtamo lamang ng isang kaluluwa sa kanyang buong buhay- Kristiyano ay mas malamang na hindi makapagtamo ng kahit isang kaluluwa sa taong ito.

    3. Ang isang pastor na may malaking simbahan ay mas malamang na magkaroon ng mas malaking simbahan sa sususnod na taon. Ang isang pastor na may malaking simbahan ay magkakaroon pa ng mas malaking simbahan.  Ang isang maliit na simbahan ay malamang na mas lumiit pa. Ang isang  maliit na simbahan ay malamang na mas mawalan ng mga miyembro nito at magsara kaysa sa isang malaking simbahan.

    4. Ang isang pinagpalang lingkod ng Diyos ay tila mas nagiging matalino at pinag-papala. Tila sila ay mas nakakaabot pa sa mas malayo at nakakagawa pa ng mga kabayanihang-gawa para sa Panginoon.  Ang mga tao na walang talino ay nagiging mas hindi kaakit-akit.  Tila sila ay mas lalo pang hindi pinagpapala.

    5. Ang mga pastor na may mga gusali ng simbahan ay tila nakakapagtayo pa ng mas maraming mga gusali.  Ang mga walang bahay para sa kanilang simbahan ay tila pinagbabantaan pang mapalis mula sa kanilang mga inuupahan. Ang mga miyembro mula sa mga maliliit na simbahan ay nagkukumpulan sa mga malalaking simbahan, na lalong nagpapaliit sa maliit  nang bilang ng kanilang mga kongregasyon.

    6. Ang mga simbahan na may malaking kita ay malamang na mas magkaroon pa ng higit na malaking kita sa sususnod na taon.  Ang mga simbahan na may mababang kita ay malamang na mas mawalan ng mga miyembro at kita nito sa mga susunod pang taon.

    7. Ang mga ministro ng Ebanghelyo na nakapag-hubog na ng maraming pinuno sa hinaharap ay mas malamang na makapag-hubog ng mas marami pang pinuno. Ang mga tao na hindi nagkaroon ng mga sinanay na pinuno ay malamang na mas hindi magkaroon ng kahalili.

    Bakit Ganito?

    Bakit ang pahayag ni Hesus na ang mayroon, ay bibigyan pa ay totoo?

    Bakit Ang Mayroon ay Bibigyan pa

    Ang mga mayroon ay gumawa ng mga bagay na nagbigay ng kakayahan sa kanila na magtamo pa ng mas marami.  Kadalasan ang mga mayroon ay nagpapatuloy sa pagsagawa ng mga prinsipyo ng pagpapadami.

    Bakit Ang Wala ay Mawawalan pa

    Alisin nga ninyo sa kaniya ang talento, at ibigay ninyo sa may sangpung talento.

    Mateo 25:28 

    Ang mga wala ay hindi nagsasagawa ng ilang mga prinsipyo o sumusunod sa ilang mga panukala na magdadala sa kanila sa yaman. Kadalasan, ang mga taong wala ay nagpapatuloy at nagpupumilit sa mga hindi mabubuting mga pirnsipyo na naging sanhi ng kanilang kasalukuyang paghihirap.  Ito ang nagiging sanhi na sila ay mapunta sa mas malim pang kahirapan at ang kanilang mga suliranin ay mas lalo pang maging komplikado.

    Ang isang madaliang pagsulyap sa mga ekonomiya ng mga bansa sa Aprika ang magpapahayag sa mas komplikado at pirmihang kahirapan na nangyayari sa loob ng limampung taon. Kung isang himala ang maiahon pa sa kolonyal na kahirapan ang Aprika, mas kakailanganin pa ng libo-libong mga himala upang maiahon ang Aprika sa kinalalagyan nito sa ngayon.  Ito ay dahil sa mga paghihirap at mga hamon na kinalakihan na ng Aprika, ang mga ito ay lalo pang dumami at bumuo ng mga magusot na suliranin na mayroong mga magusot na solusyon.

    Ang isang ministeryo na nagkikipagsagupaan sa malalim na krisis, paghihirap at kahirapan ay malimit na may suliranin na mas malalim pa sa kung ano ang nakikita.  Kalimitan, ang mga ito ay may malala, komplikado at matagal nang mga suliranin. Ang mga suliraning ito ay kalimitang mga lumalang komplikadong mga suliranin. Kaya’t sinabi ni Hesus na: ang mayroon, ay bibigyan pa; at ang wala, pati ang nasa kaniya ay aalisin pa sa kanya.

    Ano Ang Dapat Nating Gawin?

    Ano ang dapat nating gawin ngayon? Dapat nating tapat na tukuyin ang mga sanhi ng mga hindi pagkakapantay-pantay sa ating mundo — sa espiritwal at pinansiyal.  Dapat nating tukuyin ang mga maliliit na pagkakaiba na nagdudulot ng pagkakaiba-iba na ating nakikita.  Dapat nating ilapat sa ating mga sarili ang mga aral na ating natutuhan mula sa ang mayroon.  Walang madaliang pag-aayos sa pagpunta sa yaman mula sa kahirapan.

    Ito ay hindi isang aklat sa kasaganaan.  Walang mali sa mga aklat tungkol sa kasaganaan.  Ako ay naniniwala sa kasaganaan.  Ngunit ang aklat na ito ay upang higit mo pang maunawaan ang mahiwagang mga salita ni Hesus: ang mayroon ay bibigyan pa at ang wala pati ang nasa kaniya ay aalisin pa sa kanya. Kung iyong gagawin ang mga prinsipyo sa aklat na ito ikaw ay magiging isang ang mayroon.  

    Nakamamangha, ang mga pag-aaral na naisagawa ng mga sekular na mga mananaliksik ang nagpapatunay sa katotohanan ng mga salita ni Hesus.  Ang isang malapitang pagsusuri sa mga bagay na natuklasan ng mga taong sekular ay lubos na makakatulong sa pag-unawa kung bakit ang mayroon ay bibigyan pa at ang wala pati ang nasa kaniya ay aalisin pa sa kanya. 

    Ang mga salita ni Hesus ay lubhang napakalalim.  Kahit wala ang mga pananaliksik, ang mga salita ni Hesus ay mga salitang nagpapaliwanang na tumutukoy sa mga mayroon at mga wala sa mundong ito.

    Huwag ipalagay na walang kabuluhan ang mga kaalaman at mga karunugan ng ipinahahayag ng aklat na ito. Seryosohin ang mga ito sahil ang Espiritu ng Diyos ay ang Esiritu ng kaalaman.

    Sa katunayan, walang ibang karunungan katulad ng karunungnan ni Hesus at walang ibang salita na katulad ng kay Hesus.  Ang Langit at lupa ay liipas ngunit iyong matutuklasan na ang mga mayroon ang bibigyan pa at ang mga wala pati ang nasa kaniya ay aalisin pa sa kanya.

    Kabanta 2

    Ang Mayroon ay Bibigyan pa Dahil Siya ay May mga Positibong Katangian at mga Pag-uugali

    Oo, at dahil din dito, sa pagkaragdag sa ganang inyo ng buong sikap, ay ipamahagi ninyo sa inyong pananampalataya ang kagalingan; at sa kagalingan ay ang kaalaman;

    At sa kaalaman ay ang pagpipigil; at sa pagpipigil ay ang pagtitiis; at sa pagtitiis ay ang kabanalan;

    At sa kabanalan ay ang mabuting kalooban sa kapatid; at sa mabuting kalooban sa kapatid ay ang pagibig. Sapagka’t KUNG NASA INYO ANG MGA BAGAY NA ITO AT SUMASAGANA, ay HINDI KAYO PABABAYAANG MAGING MGA TAMAD O MGA WALANG BUNGA sa pagkakilala sa ating Panginoong Jesucristo.

    2 Pedro 1:5-8

    Ang Kasulatan sa itaas ay nagpapakita na kapag ikaw ay may ilang mga bagay, ikaw ay hindi magiging baog, hindi namumunga o hindi pagiging produktibo. Ang mga bagay na tinutuloy ni Pedro ay ang mga positibong mga katangian tulad ng kasipagan, pananampalataya, kabutihan, pagpipigil atbp. Ang mga positibong katangian na ito sa pag-uugali ng isang tao ang mag-aakay sa paglago at pagiging produktibo.

    Ang mga positibong katangian sa pag-uugali ng isang tao ang magiging sanhi upang siya ay makawala mula sa kalagayan ng hindi pamumunga at hindi pagiging produktibo o walang kasaganaan. Ang pagiging baog ay tumutukoy sa isang lugar na may kakaunting pamumunga. Ang mga tuyo at walang bunga na mga kabukiran ng mga wala ay nagpapatotoo ng kawalan ng ilang mga positibong mga katangian sa isang tao. Anong mga positbong katangian sa isang tao ang nagdudulot upang siya ay maging isang "mayroon? Ang kabanatng ito ay tungkol dito. Mayroong siyam na mga positibong katangian ang may kaugnayan sa paglago, pagiging produktibo at kasaganaan.

    Ang mga positbong katangian na ito ay tinukoy sa Salita ng Diyos sa mga sipi sa itaas. Ang mga ito ay mga personal na katangian na magiging sanhi sa pagyaman ng isang tao. Ang mga personal na katangiang ito ay dapat na matukoy, mahikayat at malinang sa iyo upang ikaw ay maging isang ang mayroon. Itinuturo sa atin ng Bibliya na kapag ang isang tao ay may mga positbong katangian na ito, wala nang hindi pamumunga, pagiging baog o paghihirap.

    Ang positibong mga katangian ay ang kasipagan, pananampalataya, kabutihan, pagpipigil, pagtitiis, [agiging maka-Diyos, pagmamahal sa kapwa at pag-ibig. Dahil mahalga ang mga katangiang ito dapat mong malaman ang ilang mga bagay tungkol sa bawat isa sa mga ito at maunawaan kung paano ito gumagana.

    POSITIBONG KATANGIAN: KASIPAGAN

    Ang kahulugan ng kasipagan: Ang kasipagan ay ang patuloy at walang hupang pagsisikap ng isang tao upang bigyan ng solusyon ang isang problema, upang malampasan ang mga paghihirap at maisakatuparan ang mga dakilang bagay.

    Apat na Bagay na Dapat Mong Malaman Tungkol sa Kasipagan

    1. Ang kasipagan ay isang personal na katangian na nagpapayaman sa isang tao.

    Halos lahat ng mayayamang tao ay masisipag na tao.

    Siya’y nagiging dukha na gumagawa ng kamay na walang kasipagan: nguni’t YUMAYAMAN ANG kamay ng MASIPAG.

    Mga Kawikaan 10:4

    2. Ang kasipagan ay isang personal na katangian na nagdudulot upang ang isang tao ay maging isang pinuno. Karamihan ng mga pino ay mayayaman at masasagana dahil sila ay nauuna sa sinoman na kanilang pinamumunuan.

    Ang kamay ng MASIPAG AY MAGPUPUNO: nguni’t ang tamad ay malalagay sa pagatag.

    Mga Kawikaan 12:24

    3. Ang kasipagan ay isang personal na katangian na nagdudulot na ang isang tao ay magkaroon ng mga ideya na nag-aakay sa kasaganaan at kayamanan.

    Ang MGA PAGIISIP NG MASIPAG AY PATUNGO SA KASAGANAAN LAMANG: nguni’t bawa’t nagmamadali ay sa pangangailangan lamang.

    Mga Kawikaan 21:5

    4. Ang kasipagan ay isang personal na katangian na nag-aakay sa pagtaas ng ranggo.

    Nakikita mo ba ang taong masipag sa kaniyang gawain? SIYA’Y TATAYO SA HARAP NG MGA HARI: hindi siya tatayo sa harap ng

    Enjoying the preview?
    Page 1 of 1