Discover millions of ebooks, audiobooks, and so much more with a free trial

Only $11.99/month after trial. Cancel anytime.

Ang Pinahiran & Kanyang Pagpapahid
Ang Pinahiran & Kanyang Pagpapahid
Ang Pinahiran & Kanyang Pagpapahid
Ebook146 pages1 hour

Ang Pinahiran & Kanyang Pagpapahid

Rating: 0 out of 5 stars

()

Read preview

About this ebook

Ang kayamanan ng pagpapahid ay nasa pinahiran. Ang pagpapahid ay hindi naihihiwalay mula sa taong pinahiran. Ang pagpapahid ay nasa loob ng lingkod ng Diyos! Ang pagpapahid ay kasama ng lingkod ng Diyos! Ang pagpapahid ay nasa lingkod ng Diyos. Ang bago at nakatutuwang aklat na ito ni Dag Heward-Mills ay magpapanabik sa mga puso ng mga naghahanap ng pagpapahid!

LanguageTagalog
Release dateApr 9, 2018
ISBN9781683986737
Ang Pinahiran & Kanyang Pagpapahid
Author

Dag Heward-Mills

Bishop Dag Heward-Mills is a medical doctor by profession and the founder of the United Denominations Originating from the Lighthouse Group of Churches (UD-OLGC). The UD-OLGC comprises over three thousand churches pastored by seasoned ministers, groomed and trained in-house. Bishop Dag Heward-Mills oversees this charismatic group of denominations, which operates in over 90 different countries in Africa, Asia, Europe, the Caribbean, Australia, and North and South America. With a ministry spanning over thirty years, Dag Heward-Mills has authored several books with bestsellers including ‘The Art of Leadership’, ‘Loyalty and Disloyalty’, and ‘The Mega Church’. He is considered to be the largest publishing author in Africa, having had his books translated into over 52 languages with more than 40 million copies in print.

Related to Ang Pinahiran & Kanyang Pagpapahid

Related ebooks

Reviews for Ang Pinahiran & Kanyang Pagpapahid

Rating: 0 out of 5 stars
0 ratings

0 ratings0 reviews

What did you think?

Tap to rate

Review must be at least 10 words

    Book preview

    Ang Pinahiran & Kanyang Pagpapahid - Dag Heward-Mills

    Malibang hindi naisaad, lahat ng sipi sa Kasulatan ay kinuha mula sa Ang Dating Biblia 1905.

    Ang PinAhirAn & KAnyAng PAgPAPAhid

    Karapatan sa Pagmamay-ari © 2017 Dag Heward-Mills

    Orihinal na inilathala sa Ingles sa ilalim ng pamagat na:

    The Anointed and His Anointing

    Unang inilathala 2017 ng Parchment House Unang Paglilimbag 2017

    Alamin ang higit pa tungkol kay Dag Heward-Mills sa: Healing Jesus Crusade

    Email: evangelist@daghewardmills.org

    Website: www.daghewardmills.org

    Facebook: Dag Heward-Mills

    Twitter: @EvangelistDag

    ISBN: 978-1-68398-673-7

    Angkin ang lahat ng karapatan sa ilalim ng internasyonal na batas ng karapatang sipi. Dapat matiyak na may nakasulat na pahintulot mula sa tagapaglathala upang magamit o makopya ang anumang bahagi ng aklat na ito.

    Mga Nilalaman

    1. Ano nga Ba Talaga ang Pagpapahid?

    2. Nasaan nga Ba ang Pagpapahid?

    3. Paano Makikilala ang mga Taong Pinahiran

    4. Ang Pagpapahid na Ito ang Makakawasak sa Pasanin

    5. Ang Pagpapahid sa Bukid

    6. Lutasin ang Hiwaga nang Nakatagong Pagpapahid

    7. Ang Tinig ng Pinahiran

    8. Ano ang Kahulugan nang Paniniwala sa Kanyang mga Propeta

    9. Tanggapin ang Pagpapahid Batay sa Kanyang Tunay na Ranggo

    10. Lumakad sa Pagpapala nang Pagsasalin ng mga Espiritu

    11. Ang Misteryo ng Pamamahagi

    12. Huwag Laktawan ang Hindi Halata at Karaniwang mga Pagpapahid

    13. Ang Karangalan at ang Pagpapahid

    14. Kung Paano Ipinagdiwang ni Hesus ang Babae na Nagparangal sa Pagpapahid

    15. Kung Saan Pinararangalan ang Pagpapahid Ito ay Lumilikha ng mga Himala

    16. Ang Pagpapahid ay Nakakalikha ng Lugar Para sa Iyo

    17. Ang mga Espesia ng Pagpapahid

    18. Ang Pagpapahid sa mga Sanggol at Mga Batang Pinapasuso

    19. Tanggapin ang mga Katulong ng Pinahiran

    20. Paglalakbay Kasama ng Pinahiran

    21. Papaano Mo Mababago ang mga Antas ng Iyong Pagpapahid

    22. Ano ang Ibig Sabihin ng Pagiging Isang . Lingkod na may Pagpapahid

    23. Lakas ng loob: Ang Panghuling Hakbang sa Pagpapahid

    Kabanata 1

    Ano nga Ba Talaga ang Pagpapahid?

    Sa makatuwid baga’y si Jesus na taga Nazaret, kung paanong siya’y pinahiran ng Dios ng Espiritu Santo at ng kapangyarihan: na naglilibot na gumagawa ng mabuti, at nagpapagaling sa lahat ng mga pinahihirapan ng diablo; sapagka’t sumasa kaniya ang Dios.

    Mga Gawa 10:38

    Ang pagpapahid ay ang Banal na Espiritu. Ang bawat pagtuturo na iyong naririnig tungkol sa Banal na Espiritu ay ang pagtuturo tungkol sa pagpapahid.

    Ang salitang pagpapahid ay kapwa pandiwa at pangngalan. Ang pagpapahid ay maaaring mangahulugan na bagay na ginamit sa pagpapahid sa tao, halimbawa ang pampahid na langis.

    Ang pagpapahid ay maaari mangahulugan din ng pagbubuhos ng langis sa isang tao.

    Kapag nababanggit ko ang pagpapahid, tinutukoy ko ang tao na ibinigay sa iyo ng Banal na Espiritu upang gawin ang gawain ng Diyos. Mahalaga na makita ang higit sa pinahiran upang makita ang pagpapahid. Ang pinahiran ay nakapaloob sa pagpapahid ng Banal na Espiritu.

    Si Hesukristo ng Nazareth ay gumawa ng mabubuting mga bagaydahilSiyaaypinahiranngBanalnaEspirituatpinagkalooban ng kapangyarihan. Si Hesus ay maaaring pinahiran ng langis ng oliba, langis ng makina, langis ng niyog o ng Vaseline. Kung Siya ay pinahiran nang anuman sa mga bagay na ito, ligtas nating masasabi na ang bagay na ginamit sa pagpapahid ay langis ng oliba, langis ng makina, langis ng niyod o Vaseline. Ngunit si Hesuskristo ay pinahiran ng Banal na Espiritu at pinagkalooban ng kapangyarihan. Samakatuwid, masasabi natin na ang bagay na ginamit sa pagpapahid na ipinahid kay Hesus ay ang Banal na Espiritu. Ang misteryosong Banal na Espiritu ay dumating upang manirahan sa tao na pinahiran ng Diyos.

    Kapag ang tao ay pinahiran, ang Makapangyarihang Diyos ay kumikilos upang manahan sa tao, sa loob ng tao o upang makasama ang tao sa natatanging paraan. Ito ang dahilan kung bakit ang tao ay pinagpala at makapangyarihan. Kapag ikaw ay nakikitungo sa pinahirang tao ikaw ay tunay na nakikitungo sa Diyos. Kapag ikaw ay nakikisama sa pinahirang tao ikaw ay nakikisama sa Banal na Espiritu.

    Ito ang dahilan kung bakit may matitinding mga reaksyon sa mga tao na pinagmamalupitan ang pinahiran at ang kanyang pagpapahid. Hindi nila talaga pinagmamalupitan ang mga tao kung hindi nais nilang pagmalupitan ang Diyos. Nang sina Ananias at Sappira ay nagsinungaling kay Pedro, na pinahiran upang maging apostol, agad silang namatay. Ito ang epekto na ito ang nagdulot ng matinding takot sa iba pang kasamapi ng simbahan. Ngunit ipinaliwanag ni Pedro ang kamalian na nagawa nina Ananias at Sappira. Sinabi niya, " Datapuwa’t sinabi ni Pedro, Ananias, bakit pinuspos ni Satanas ang iyong puso UPANG MAGSINUNGALING SA ESPIRITU SANTO, at upang maglingid ng isang bahagi ng halaga ng lupa? Nang yao’y nananatili pa, hindi baga yao’y nanatiling iyong sarili? at nang maipagbili na, hindi baga nasa iyo ring kapangyarihan? Ano’t inisip mo pa ang bagay na ito sa iyong puso? hindi ka nagsinungaling sa mga tao, kundi sa Dios. At nang marinig ni Ananias ang mga salitang ito ay nahandusay at nalagot ang hininga: at sinidlan ng malaking takot ang lahat ng nangakarinig nito. (Mga Gawa 5:3-5).

    Nakita mo na sina Ananias at Sappira ay tunay na nagsinungaling sa Banal na Espiritu. Hindi sila nagsisinungaling kay Pedro ngunit sa Banal na Espiritu at iyon ang nagdala ng matindi at tila malupit na mga pagtugon. Mag-ingat kapag ikaw ay nakikitungo sa mga taong pinahiran. Maaaring pinaiikli mo ang iyong buhay at ministeryo dahil minaliit at nagkamali ka ng panghuhusga sa kadakilaan nang pagpapahid na kanilang dinadala.

    Maaari mong tanungin, " Bakit maraming tao ang nagsisinungaling sa mga pastor ngayon at tila hindi naman agad namamatay? Ito ba ay dahil sa wala silang pagpapahid?’ Simple lamang ang kasagutan. May ibat-ibang uri ng mga paghahayag ng Banal na Espiritu sa ibat-ibang mga pagkakataon. Kahit na sa ministeryo ni Pedro, walang namatay dahil sa pagsasabi ng ng kasinungalingan. Hindi mo masasabi kung kailan mahahayag ang kapangyarihan ng Diyos sa tiyak na paraan. Sigurado ako na maraming ibang tao ang namatay dahil sa pagsisinungaling sa banal na Espiritu. Maaaring hindi ito biglaang pagkamatay ngunit ang kamatayan ay kamatayan pa rin.

    Kabanata 2

    Nasaan nga Ba ang Pagpapahid?

    Ang kayaman ng pagpapahid ay matatagpuang kasama ng pinahiran. Ang pagpapahid ay hindi maihihiwalay sa tao.

    Ang tao ng Diyos ay may pagpapahid sa loob niya, kasama niya o sa kanya.

    Sa ngayon, ikaw at ako ay naghahanap ng mga bagay na nagdadala ng pagpapagaling, pambihirang tagumpay, pagpapalaya at pagsulong sa buhay na ito. Ito ang pagpapahid!Ang pagpapahid ang makakawasak sa pasanin.

    Kaya’t nasaan nga ba ang pagpapahid? Mahahanap ba natin ang pagpapahid sa West Hills na pamilihan? Mahahanap ba natin ang pagpapahid sa West Gate na pamilihan? Mahahanap ba natin ang pagpapahid sa opisina? Mahahanap ba natin ang pagpapahid sa paliparan? Mahahanap ba ang pagpapahid sa tindahan? Hindi, ang pagpapahid ay wala sa anumang mga lugar na ito.

    Ang pagpapahid ay matatagpuan sa LOOB ng pinahirang tao!

    Ang pagpapahid ay matatagpuan KASAMA ng pinahirang tao!

    Ang pagpapahid ay matatagpuan SA pinahirang tao!

    Ang pagpapala ay hindi maihihiwalay mula sa taong pinahiran ng Diyos.

    Alin ang May Kapangyarihan; ang Pagpapahid o ang Pinahiran?

    Dahil sa ang pagpapahid ang talagang makakawasak sa pasanin, mahalaga na hanapin ang pagpapahid. Ilang taon na ang nakaraan, natuklasan ng mga tao na ang mga kahel ay maaaring makagamot sa mga sakit. Pagkatapos ng ilang panahon, higit na napag-alaman ng agham at natuklasan na ang elemento sa loob ng mga kahel ang talagang nagdudulot ng kagalingan.

    Natuklasan nila ang Bitamina C! Sa ngayon, maraming tao ang tumututok sa pag-inom ng mga tabletas ng Bitamina C. Mayroon silang paghahayag ng sikreto na nagdadala ng kagalingan.

    Sa katulad na paraan, mayroon elemento sa pinahirang mga tao na nakakagawa ng mga himala at ang elementong ito ay ang pagpapahid. Sa kasamaang palad, walang proseso ng kemikal upang maihiwalay ang pagpapahid mula sa pinahirang tao sa katulad na paraan na ang Bitamina C ay naihiwalay sa mga kahel. Kailangang mong makitungo sa pinahirang tao kung nais mong magkaroon ng pagpapahid. Tiyak na walang laboratoryo o pagawaan ang nakakagawa ng tunay na pagpapahid na mailalagay sa mga bote na kung saan ay makukuha mo kahit na hindi mo nakikita ang pinahirang tao.

    Pinili ng Diyos ang itim na tao, puting tao, taong may pinag- aralan o kahit na ang mga hangal upang bigyan ng Kanyang pagpapahid. Kailangan mong puntahan ang taong iyon dahil naglalaman siya at nagdadala ng pagpapahid. Ang kawalan ng paghihiwalay sa pagitan ng pinahiran at ang pagpapahid ang nagsisira sa mga mayayabang na Kristiyano. Nais kong magamit ng Diyos ngunit hindi ko nais na makipag-ugnayan sa Kanyang pinahiran upang makakuha ng pagpapahid.

    Ang Pagpapahid sa Tatlong Mga Lugar

    1. Ang pagpapahid ay kasama ng pinahirang tao.

    Sa makatuwid baga’y ang Espiritu ng katotohanan: na hindi matatanggap ng sanglibutan; sapagka’t hindi nito siya nakikita, ni nakikilala man siya: siya’y nakikilala ninyo; SAPAGKAT SIYA’Y TUMATAHAN SA INYO, at sasa inyo.

    Juan 14:17

    2. Ang pinahiran ang ngagdadala ng Espiritu sa pamamagitan niya.

    SUMASA AKIN ang Espiritu ng Panginoon, Sapagka’t ako’y pinahiran niya upang ipangaral ang mabubuting balita sa mga dukha: Ako’y sinugo niya upang itanyag sa mga bihag ang pagkaligtas, At sa mga bulag ang pagkakita, Upang bigyan ng kalayaan ang nangaaapi,

    Lucas 4:18

    3. Ang pinahiran ay nagdadala ng Espiritu sa loob niya.

    At tungkol sa inyo, ANG PAGKAPAHID na sa kaniya’y inyong tinanggap ay NANANAHAN SA INYO, at hindi ninyo kailangang kayo’y turuan ng sinoman; nguni’t kung paanong kayo’y tinuturuan ng kaniyang pahid tungkol sa lahat ng mga bagay, at siyang totoo, at hindi kasinungalingan, at kung paanong kayo’y tinuruan nito, ay gayon kayong nananahan sa kaniya.

    1 Juan 2:27

    Ang pagpapahid ng Banal na Espiritu ay nasa loob ng tao, kasama ng tao o sa tao. Ito ang mga kinalalagyan ng pagpapahid. Ito ang dahilan kung bakit ang pinahirang tao ay nagiging mahalaga sa iyo. Siya ang tagapagdala ng bagay na kailangan mo. Siya mismo ay mahina, walang lakas, walang pakinabang at tao. Ngunit siya ay napili upang dalhin ang bahagi ng Espiritu kasama niya, sa loob niya o

    Enjoying the preview?
    Page 1 of 1