Discover millions of ebooks, audiobooks, and so much more with a free trial

Only $11.99/month after trial. Cancel anytime.

Ang Mahusay na Heneral
Ang Mahusay na Heneral
Ang Mahusay na Heneral
Ebook497 pages6 hours

Ang Mahusay na Heneral

Rating: 0 out of 5 stars

()

Read preview

About this ebook

Alam mo ba na ang buhay ng isang tao sa mundo ay isang digmaan? Tayo ay nakikidigma kahit na piliin nating makidigma o hindi. Ang sabi ng Bibliya na ang iyong buhay ay isang digmaan. Dapat mong paglabanan ang mabuting labanan at ipanalo ang digmaan. Ang bagong aklat na ito sa digmaan ay isang nararapat na babasahin para sa lahat ng mga pinuno.

LanguageTagalog
Release dateApr 9, 2018
ISBN9781683986720
Ang Mahusay na Heneral
Author

Dag Heward-Mills

Bishop Dag Heward-Mills is a medical doctor by profession and the founder of the United Denominations Originating from the Lighthouse Group of Churches (UD-OLGC). The UD-OLGC comprises over three thousand churches pastored by seasoned ministers, groomed and trained in-house. Bishop Dag Heward-Mills oversees this charismatic group of denominations, which operates in over 90 different countries in Africa, Asia, Europe, the Caribbean, Australia, and North and South America. With a ministry spanning over thirty years, Dag Heward-Mills has authored several books with bestsellers including ‘The Art of Leadership’, ‘Loyalty and Disloyalty’, and ‘The Mega Church’. He is considered to be the largest publishing author in Africa, having had his books translated into over 52 languages with more than 40 million copies in print.

Related to Ang Mahusay na Heneral

Related ebooks

Reviews for Ang Mahusay na Heneral

Rating: 0 out of 5 stars
0 ratings

0 ratings0 reviews

What did you think?

Tap to rate

Review must be at least 10 words

    Book preview

    Ang Mahusay na Heneral - Dag Heward-Mills

    Kabanta 1

    Pinag-aaralan ng Isang Mahusay na Heneral ang tungkol sa Pakikipagdigmaan

    …at sa katuwiran siya’y humahatol at nakikipagbaka.

    Pahayag 19:11

    Ang digmaan ay kinapapalooban ng napakaraming pagpatay, pighati, kalungkutan at kamatayan. Ang digmaan ay ang isa sa pinakakilalang kakilakilabot na bagay na maaring mangyari sa tao. Kaya’t ang digmaan ay madalang na iniuugnay sa Diyos. Paano magiging kabahagi ang Diyos sa isang digmaan? Paanong gugustuhin ng Diyos na mamatay ang mga tao. Nais ba ng Diyos na mamatay ang mga tao? Nais ba ng Diyos na mapinsala ang mga tao? Tiyak na hindi!

    Ang Diyos ay walang ganitong mga uri ng plano. Ang pagbangon ng kaaway na kinakailangang lupigin ang nagdudulot ng mga digmaan. Ang digmaan ay ginagamit ng Diyos sa matuwid na paraan upang lupigin ang Kanyang mga kaaway. Bilang mga Kristiyano, tayo ay may kaaway na kinakailangang lupigin at daigin. Bilang mga tagapangasiwa ng mabuting balita, tayo ay may mas maraming kaway na kinakailangang lupigin at dapat na pag-aralan kung paano sila mapapagtagumpayan, malulupig at tuluyang malilipol. Sinasabi sa Kasulatan na, sa katuwiran siya’y humahatol at nakikipagbaka. Mayroong maka-Diyos na paraan upang makipagdigmaan. Mayroong matalinong paraan upang gamitin ang pakikipagdigmaan. Nais ng Diyos na gamitin mo ang pakikipagdigmaan sa pamamagitan ng Kanyang paraan at Kanyang katalinuhan.

    Ang aklat na ito ay tungkol sa kung papaano gamitin ang pakikipagdigmaan sa isang maka-Diyos, espiritwal at matalinong paraan. Ang sinomang nag-aakala na tayo ay wala sa digmaan ay salat sa pang-unawa. Nais ni Satanas na ikaw ay magkaroon ng kaisipan na tayo ay nabubuhay sa kapayapaan sa ilalim ng Prinsipe ng Kapayapaan. Nais ni Satanas na ikaw ay magkaroon ng kaisipan na walang dapat na ikabahala. Ngunit ang Salita ng Diyos ay malinaw na tayo ay nasa digmaan. Ang Salita ng Diyos ay malinaw na tayo ay dapat na lumaban sa mabuting digmaan at makibaka ng mabuting pakikipagbaka!

    Sampung mga Dahilan sa Pag-aaral ng tungkol sa Digmaan

    1. Pinamumunuan ni Hesu-Kristo ang hukbo ng Kalangitan at nakikibaka sa katuwiran.

    Maraming tao ang walang ginagawa sa ministeryo dahil ayaw nilang makipaglaban. Kung nais mong sumunod kay Hesus, kailangan mong maging bahagi ng Kanyang hukbo at kailangan mong lumaban.

    At nakita kong bukas ang langit; at narito, ang isang kabayong maputi, at yaong nakasakay dito ay tinatawag na Tapat at Totoo; AT SA KATUWIRAN SIYA’Y HUMAHATOL AT NAKIKIPAGBAKA.

    At ang kaniyang mga mata ay ningas ng apoy, at sa kaniyang ulo ay maraming diadema; at siya’y may isang pangalang nakasulat, na sinoman ay di nakaaalam kundi siya rin.

    At siya’y nararamtan ng damit na winisikan ng dugo: at ang kaniyang pangalan ay tinatawag na Ang Verbo ng Dios.

    At ANG MGA HUKBONG NASA LANGIT ay sumusunod sa kaniya na mga nakasakay sa mga kabayong puti, at nangararamtan ng mahalagang linong maputi at dalisay.

    At sa kaniyang bibig ay lumalabas ang isang tabak na matalas, upang sa pamamagitan nito’y sugatan niya ang mga bansa: at kaniyang paghaharian ng tungkod na bakal: at niyuyurakan niya ang pisaan ng ubas ng kabangisan ng kagalitan ng Dios na Makapangyarihan sa lahat.

    Pahayag 19:11-15

    2. Si Hesu-Kristo ang Cordeo na nakikibaka.

    Ang Cordero na nakibaka laban sa sampung mga hari na nagsama-sama laban sa Kanya at sila ay nadaig. Si Hesu-Kristo ang Cordeo na nakikibaka. Nais mo ba na maging tulad ni Hesus? Kung nais mo na maging tulad ni Hesus dapat mong matutuhan kung paanong lumaban sa isang digmaan!

    At ang sangpung sungay na iyong nakita ay sangpung hari, na hindi pa nagsisitanggap ng kaharian; datapuwa’t magsisitanggap sila ng kapamahalaang paghahari na isang oras na kasama ng hayop. Ang mga ito ay may isang kaisipan, at ibinibigay nila ang kanilang kapangyarihan at kapamahalaan sa hayop.

    MAKIKIPAGBAKA ANG MGA ITO LABAN SA CORDERO, at sila’y dadaigin ng Cordero, sapagka’t siya’y Panginoon ng mga panginoon at Hari ng mga Hari; at ng mga kasama niya, na mga tinawag at mga pili at mga tapat ay nananaig din.

    Pahayag 17:12-14

    3. Tinuturuan ng Diyos ang ating mga kamay na makipagdigma.

    Nais ng Diyos na ikaw ay turuan kung paano makipagdigma. Kung ikaw ay naniniwala, ikaw ay mabibigyan ng higit sa karaniwang kakayahan at gagabayan kung paano ka makipagdigma.

    KANIYANG TINUTURUAN ANG AKING MGA KAMAY NA MAKIPAGDIGMA, na anopa’t ang aking mga kamay ay bumabali ng busog na tanso.

    Awit 18:34

    Tayo ay binigyan ng tagubilin na makipagbaka ng isang mabuting pakikibaka.

    Mayroong malinaw na salita sa Bibliya na nagsasaad na ikaw ay dapat na makipagdigma. Ikaw ay inuudyok ng Diyos na makipagdigma. Ang isang mabuting pakikibaka ay isang mabuting pakikibaka dahil ikaw ang panalo. Ang isang mabuting pakikibaka ay isang pakikibaka na may mabuting layunin.

    MAKIPAGBAKA KA NG MABUTING PAKIKIPAGBAKA ng pananampalataya, manangan ka sa buhay na walang hanggan, na dito’y tinawag ka, at ipinahayag mo ang mabuting pagpapahayag sa harapan ng maraming mga saksi.

    1 Timoteo 6:12

    Tayo ay binigyan ng tagubilin na makipagdigma ng isang mabuting digmaan.

    Tayo ay inutusan na maging mahusay sa pakikipagdigma. Ito ang tagubilin sa bawat minitro ng mabuting balita. Si Timoteo ay isa sa pinakaunang pastor sa kasaysayan ng simbahan. Siya ay inutusan na maging mahusay sa pakikipagdigma.

    Ang biling ito ay ipinagtatagubilin ko sa iyo, Timoteo na aking anak, ayon sa mga hula na nangauna tungkol sa iyo, upang sa pamamagitan ng mga ito ay MAKIPAGBAKA KA NG MABUTING PAKIKIPAGBAKA;

    1 Timoteo 1:18

    Ang ministeryo ng Panginoong Hesus ay inilarawan bilang isang digmaan.

    Isinalang-alang ni Apostol Pablo ang kanyang ministeryo bilang isang digmaan at nagtanong ng isang mahalagang katanungan. Sinong kawal ang magpakailan pa man ay naglilingkod sa kaniyang sariling gugol?

    SINONG KAWAL ANG magpakailan pa man ay NAGLILINGKOD sa kaniyang sariling gugol? sino ang nagtatanim ng isang ubasan, at hindi kumakain ng bunga niyaon? o sino ang nagpapakain sa kawan, at hindi kumakain ng gatas ng kawan?

    1 Mga Taga-Corinto 9:7

    Inilarawan ni Pablo ang kanyang buhay at ministeryo bilang isang pakikipagbaka.

    Si Pablo ay patuloy na nakipaglaban. Kapag ikaw ay nasa ministeryo, ikaw ay nakikipaglaban! Kapag ikaw ay naglilingkod sa Diyos ikaw ay isang manlalaban! Sa gusto mo man o hindi, ikaw ay nasa isang labanan para sa iyong buhay. Palagi kong nararamdaman na ako ay nasa isang labanan para sa aking buhay.

    Ako nga’y tumatakbo sa ganitong paraan, na hindi gaya ng nagsasapalaran; SA GANITO RIN AKO’Y SUMUSUNTOK, na hindi gaya ng sumusuntok sa hangin:

    1 Mga Taga-Corinto 9:26

    Nakipagbaka ako ng MABUTINGPAKIKIPAGBAKA, natapos ko na ang aking takbo, iningatan ko ang pananampalataya:

    2 Timoteo 4:7

    Tayo ay binigyan ng tagubilin na magkaroon ng mga kagamitan sapakikipagdigma.

    Si Pablo, isang ministro ng Diyos, ay may mga sandata upang makipagbaka ng isang mabuting pakikibaka. Kung kinakailangan ni Pablo ng mga sandata, kakailanganin mo rin ang mga ito.

    Sapagka’t bagaman kami ay nagsisilakad sa laman, ay hindi kami nangakikipagbakang ayon sa laman. (Sapagka’t ANG MGA SANDATA NG AMING PAKIKILABAN ay hindi ukol sa laman, kundi sa harapan ng Dios ay may kapangyarihang gumiba ng mga kuta);

    2 Mga Taga-Corinto 10:3-4

    Tayo ay binigyan ng tagubilin na maging matatag at dalhin ang mga gamitang ito.

    Bakit kakailanganin nating magdala ng mga kagamitan kung tayo ay hindi lalaban? Tayo ay nakikipagdigma laban sa mga pamunuan, laban sa mga kapangyarihan, laban sa mga namamahala ng kadilimang ito sa sanglibutan. Bigkisan ang iyong mga baywang at maghanda para sa isang mabuti, mahaba at mahirap na pakikibaka!

    Sa katapustapusa’y MAGPAKALAKAS kayo sa Panginoon, at sa kapangyarihan ng kaniyang kalakasan. Mangagbihis kayo ng BUONG KAGAYAKAN ng Dios, upang kayo’y magsitibay laban sa mga lalang ng diablo.

    Sapagka’t ang ating PAKIKIBAKA ay hindi laban sa laman at dugo, kundi laban sa mga pamunuan, laban sa mga kapangyarihan, laban sa mga namamahala ng kadilimang ito sa sanglibutan, laban sa mga ukol sa espiritu ng kasamaan sa mga dakong kaitaasan.

    Mga Taga-Efeso 6:10-12

    Mayroong pakikipagdigmaan laban sa dragon at tayo ay kabahagi nito.

    Ang dragon ay nakikipagdigma laban sa mga tao na nagsisitupad ng mga utos ng Diyos. Tinutupad mo ba ang mga utos ng Diyos? Kung gayon, asahan mo na ikaw ay lalabanan ng dragon na ito.

    At nagalit ANG DRAGON sa babae, at umalis upang bumaka sa nalabi sa kaniyang binhi, NA SIYANG NAGSISITUPAD NG MGA UTOS NG DIOS, at mga

    may patotoo ni Jesus

    Pahayag 12:17

    Kabanata 2

    Ang Isang Mahusay na Heneral ay Iiwas sa Isang Walang Saysay na Labanan

    Makipagbaka ka ng mabuting pakikipagbaka …

    1 Timoteo 6:12

    Ang isang mahusay na heneral ay isang manlalaban na may kasanayan ay hindi lalaban sa isang walang saysay na labanan. Itinuturo sa atin ng Bibliya na makipagbaka sa isang mabuting pakikipagbaka. Isang mabuting bagay ang lumaban sa isang mabuting pakikipagbaka sa pananampalataya. Ang makipagbaka ay nangangahulugan na magsumikap ng buong sigla para sa isang bagay. Gayun pa man, maraming mga walang saysay na labanan ang maaring pasukin ng isang tao. Ikaw ba ay nasa isang walang saysay na labanan o isang mabuting pakikipagbaka?

    Si Heneral Paulus at ang Walang Saysay na Pakikipagbaka

    Noong 1942, si Adolf Hitler, ang pinuno ng Alemanya, ay lumusob sa Unyong Sobyet sa ikalawang pagkakataon at sumubok na sakupin ang isang mahalagang lungsod na tinatawag na Stalingrad. Parehong sina Adolf Hitler at Stalin (ang pinuno ng Rusya) ay mga malalakas na tagapagutos at tila sila ay kapwa nakahanap ng kanilang makakatapat sa Stalingrad. Ang mga puwersang Aleman ay nasa ilalim ng pag-uutos ni Heneral Paulus.

    Si Stalin ay nagpalabas ng isang kautusan sa kanyang mga tauhan, na nagpapahayag ng: Hindi aatras nang kahit isang hakbang! Ang lahat ay lalaban hanggang sa kanyang kamatayan. Ang pag-uutos na ito ang nagsasabi na ang sinomang tagapagutos na aatras nang walang pahintulot mula sa kanyang mga nakatataas ay sasailalim sa bahay pamunuan ng isang militar. Ang mga mahuhuling sundalo na mapapatunayang gumawa nito ay ilalagay sa isang parusang batalyon. Ito ay nangangahulugan na sila ay ipapadala sa pinakamapanganib na bahagi sa unahan ng digmaan. Ang utos ay nagasaad din na barilin ang mga nagkakagulong hukbo sa hulihan. Sa unang dalawang buwan pagkatapos ipalabas ang kautusan, higit sa 1,000 mga sundalo ang pinatay ng mga pangharang na yunit at higit sa 130,000 mga hukbo ang ipinadala sa mga parusang batalyon.

    Subalit hindi rin pinayagan ni Hitler na umatras ang kanyang mga hukbo kahit anoman ang mangyari. Dahil dito, ang labanan ay umabot na sa bawat kalye at lansangan hanggang ang lungsod ay maging isang abandonadong lugar. Ang mga Aleman ay maglulunsad ng paulit-ulit na pagsalakay mula sa himpapawid na kinabibilangan ng 1,000 mga eroplano. Ang mga hukbo ng magkabilang panig ay kukubli sa mga gusali habang ang mga Ruso at Alemang mamamaril na nakatago ang pumapatay sa kanilang mga kaaway na sundalo.

    Noong ika-24 ng Enero, si Heneral Paulus ay humingi ng pahintulot na sumuko. Siya ay nagpadala ng mensahe kay Adolf Hitler na, Ang mga hukbo ay wala nang mga bala o pagkain. Ang epektibong pagbibigay ng utos ay hindi na maaari. 18,000 mga sugatang sundalo na walang mga kagamitan o gamot. Ang patuloy na pagsalakay ay wala nang kabuluhan. Hindi maiiwasan ang pagguho. Ang hukbo ay humihingi ng agarang pahintulot na sumuko upang mailigtas ang mga natitirang buhay na mga sundalo.

    Si Hitler ay tumangging magbigay ng pahintulot sa mga Aleman na sumuko at sinabing sila ay dapat lumaban hanggang sa huli. Ang pagtangging ito ni Adolf Hitler na bigyan ng pahintulot si Heneral Paulus na sumuko ay isang tagubilin na lumaban sa isang walang saysay na labanan.

    Subalit si Heneral Paulus ay hindi sumunod dito. Sa kabila ng pagtaas ng kanyang rango bilang Punong Heneral, siya ay tumangging ipagpatuloy ang walang saysay na labanang ito. noong ikaw-30 ng Enero 1943, si Heneral Paulus ay sumuko sa kabila ng tagubilin na lumaban sa isang walang saysay na labanan. Habang nilalapitan nila ang punong himpilan ng mga Aleman sa isang sirang pamilihan, tahimik na sumuko sina Punong Heneral Paulus at ang mga natitira pang mga sundalo. Lubos nilang binalewala ang utos ni Hitler na lumaban sa isang walang saysay na labanan hanggang sa huli.

    Ang Labanan sa Stalingrad ay nagwakas sa pamamagitan ng pagtanggi ni Heneral Paulus na lumaban sa isang walang saysay na labanan na walang kabuluhan. Matapos ang pagkatalo sa Stalingrad, ang nakasusuklam na si Heneral Paulus ay tumalikod laban kay Hitler. Siya ay nakipagtulungan sa mga taga-Rusya, at bumuo ng Pambansang Lupon sa Pagpapalaya ng Alemanya at nagsagawa ng palatuntunan sa radyo mula sa Moscow na nag- uudyok sa mga sundalong Aleman na isuko na ang paglaban para kay Hitler.

    Ang Aking Walang Saysay na Pakikipagbaka

    Maraming taon na ang nakakaraan noong ako ay nag-aaral pa, ako ay masangkot sa pakikipag-away sa isang naghahari-harian sa aking paaralan. Dalawang bagay ang nangyari matapos ang pag-aaway. Una sa lahat inakala ko na ako ang nanalo laban sa aking kaaway. Subalit ako ay pinagtawanan ng lahat at sinabi na ako ang nabugbog.

    Ikalawa, sa kabila ng lahat ng aking pagsusumikap ako ay nakatanggap ng isang pasa sa mata. Ang aking mata ay nangitim sa loob ng isang buong linggo. Matapos ang pakikipag-away na ito, aking napagtanto na walang saysay ang pakikipag-away sa mga ganoong uri ng walang saysay na mga tao o mga manonood na hindi nalugod sa aking mga kakayahan na makipagsuntukan at makipag-away!

    Mula noon, ako ay nagdesisyon na makipagbaka lamang sa mga mabubuting pakikipagbaka na dapat labanan. Ito ang dahilan kung bakit sa ngayon ako ay hindi nakikihalubilo sa mga labanan sa politika o salapi. Natutuhan kong iwasan ang mga walang saysay na pakikipaglaban noong ako ay nag-aaral pa. Sa ngayon, natuklasan ko ang maraming mabubuting mga kadahilanan kung saan ako ay maaaring lumaban. Ang Salita ng Diyos ang nagpakita sa akin ng maraming mabubuting mga bagay kung saan ako ay maaaring lumaban. Ikaw ay maaaring lumaban sa isang mabuti o hangal na pakikipagbaka. Maraming mga tao ang pumapasok sa walang saysay na mga pakikipaglaban.

    Kabanata 3

    Ang Isang Mahusay na Heneral ay Makikipagbaka sa Isang Mabuting

    Pakikipagbaka

    Makipagbaka ka ng mabuting pakikipagbaka …

    1 Timoteo 6:12

    Mahalagang matukoy ang mabubuting pakikipagbaka upang ikaw ay hindi sumuko kapag dumating na ang panahon na ikaw ay dapat lumaban. Nakasaad sa ibaba ang talaan ng mga labanan na dapat mong pasukin. Ihanda ang iyong sarili upang lumaban dahil ikaw ay isang Kristiyano. Ihanda ang iyong sarili upang lumaban nang husto dahil ikaw ay isang ministro ng mabuting balita.

    Labingwalong Mabubuting Pkikipagbaka

    1. Lumaban upang maging isang matatag na Kristiyano Karamihan ng mga Kristiyano ang hindi matatag sa

    Panginoon. Isang malaking pagsisikap ang maging isang matibay na mananampalataya.

    Sa katapustapusa’y magpakalakas kayo sa Panginoon, at sa kapangyarihan ng kaniyang kalakasan.

    Mga Taga-Efeso 6:10

    2. Lumaban upang mapangunahan ng Banal na Espiritu at mapunta sa kalooban ng Diyos.

    Isang pakikibaka ang makita ang pagkakaiba ng iba’t ibang mga tinig na nagnanais na makaimpluwensya sa atin. Isang pakikibaka ang ihiwalay ang tinig ng laman mula sa tinig ng Espiritu. Ang pinakamahalagang lugar upang mabuhay ay ang mabuhay sa kalooban ng Diyos. Maraming mga tinig ang makikipag-agawan para sa iyong pansin. Maraming mga demonyo ang makikipaglaban upang ikaw ay gambalain. Isang tunay na pakikibakaba ang manatili sa kalooban ng Diyos. Minsan, ang tinig ng iyong asawa o ang tinig ng iyong laman ay maaaring napakalakas na kinakailangan mong sawayinin ito. Handa ka bang lumaban sa iyong pinakamalapit na kaibigan upang ikaw ay manatili sa kalooban ng Diyos?

    Halimbawa, mayroon ngang iba’t ibang mga tinig sa sanglibutan, at walang di may kahulugan.

    1 Mga Taga-Corinto 14:10

    3. Lumaban upang maging espiritwal at hindi maka-mundo. Isang labanan ang maging isang espiritwal na tao.

    Isang likas na katangian ang sumunod sa kagustuhan ng iyong laman. Mas likas ang kumain, matulog, magpahinga at makipagtalik kaysa sa iwasan ang mga bagay na ito. Sa iyong buong buhay, ikaw ay makikipaglaban na maging isang espiritwal na tao. Isang malaking labanan din ang maging madasalin. Ang gumising ng maaga at maghintay sa Diyos ay hindi likas. Kinakailangan ng biyaya ng Diyos at ng kapangyarihan ng Diyos upang makapasok sa kaharian ng pagiging espiritwal.

    Sapagka’t ang kaisipan ng laman ay kamatayan; datapuwa’t ang kaisipan ng Espiritu ay buhay at kapayapaan.

    Mga Taga-Roma 8:6

    4. Lumaban upang magkaroon ng bunga ng Espiritu. Lumaban upang lumakad ng may pagmamahal.

    Isang pakikibaka ang magkaroon ng bunga ng pag-ibig, katuwaan at kapayapaan. Mas likas ang magalit, magkaroon ng kapaitan at sama ng loob. Kinakailangan mong labanan ang iyong sariling kalikasan upang magkaroon ng bunga ng pag-ibig, katuwaan at kapayapaan.

    Datapuwa’tangbungangEspirituaypagibig,katuwaan, kapayapaan, pagpapahinuhod, kagandahang-loob, kabutihan, pagtatapat, Kaamuan, pagpipigil; laban sa mga gayong bagay ay walang kautusan.

    Mga Taga-Galacia 5:22-23

    5. Lumaban upang makapasok sa ministeryo.

    Isa sa pinakadakilang kaloob ay ang lumaban upang makapasok sa ministeryo. Ito ang isa sa iyong pinakamalaking pakikipaglaban. Hindi likas na iwanan mo ang isang magandang propesyon upang magpari. Kung ikaw ay handa nang sumunod sa Diyos at nais mo ng isang mabuting pakikipagbaka, kung gayon ay subukan mong lumaban upang pumasok sa ministeryo ng Panginoong Hesu-kristo.

    At sinabi niya sa iba, Sumunod ka sa akin. Datapuwa’t siya’y nagsabi, Panginoon, tulutan mo muna akong makauwi at mailibing ko ang aking ama.

    Datapuwa’t sinabi niya sa kaniya, Pabayaan mong ilibing ng mga patay ang kanilang sariling mga patay; datapuwa’t yumaon ka at ibalita mo ang kaharian ng Dios.

    Lucas 9:59-60

    6. Lumaban upang manatili sa iyong tawag.

    Kapag ikaw ay nasa ministeryo, isang pakikibaka ang manatili sa tamang landas ng ministeryo. Ang ilan sa mga nakababatang misyonero ay kinakailangang maghanap ng trabaho at maging mga karaniwang pastor upang masuportahan nila ang kanilang mga sarili sa lugar ng kanilang misyon. Sa loob ng maikling panahon ang kanilang mga puso ay nailipat mula sa tunay na ministeryo patungo sa isang sekular na negosyo. Kapag ikaw ay nasa ministeryo, madaling madulas palayo sa iyong tunay na tawag. Kapag biniyayaan ng Diyos ang iyong ministeryo at ikaw ay nagkaroon ng malaking simbahan, madali ang maging tagapangaral ng walang kabuluhan. Kapag ikaw ay may malaking simbahan, maaaring akalain mo na ang mga pangunahing katotohanan ng Salita ng Diyos ay napakasimple lamang upang ipangaral pa. Kinakailangan mong maiwasan ang maging isang tagapagsalita na nagpapalakas lamang ng loob.

    Sapagka’t AKO’Y PINABAYAAN NI DEMAS, PALIBHASA’YINIIBIGNIYAANGSANGLIBUTANG ITO, at napasa Tesalonica; si Crescente ay napasa Galacia, at si Tito ay sa Dalmacia.

    2 Timoteo 4:10

    7. Lumaban upang makipag-ugnayan sa mga dakilang lingkod ng Diyos.

    Hindi madali ang maging malapit sa isang lingkod ng Diyos. Sinubukan ko ang maging malapit sa ilang tao subalit ako ay hindi palaging nagtatagumpay. Kinakailangan ng maraming taon ng pakikpaglaban, pakikipag-ugnayan, pagdaloy at pagpapakumbaba ng iyong sarili upang maging malapit sa mga pinagpalang tao. Hindi madali ang makipag-ugnayan. Kinakailangan ni Eliseo na lumaban upang mapalapit kay Elias. Ito ay isang pakikibaka na kanyang napagtagumpayan. Handa ka na bang makipaglaban para sa pagpapala?

    At nangyari, nang isasampa ng Panginoon si Elias sa langit sa pamamagitan ng isang ipoipo, na si Elias ay yumaong kasama ni Eliseo mula sa Gilgal.

    2 Mga Hari 2:1

    At sinabi ni Elias kay Eliseo, Isinasamo ko sa iyo na maghintay ka rito: sapagka’t sinugo ako ng Panginoon hanggang sa Beth-el. At sinabi ni Eliseo, Buhay ang Panginoon, at buhay ang iyong kaluluwa, HINDI KITA IIWAN. Sa gayo’y bumaba sila sa Beth-el.

    2 Mga Hari 2:2

    At sinabi ni Elias sa kaniya, Eliseo, isinasamo ko sa iyo na maghintay ka rito; sapagka’t sinugo ako ng Panginoon sa Jerico. At kaniyang sinabi, Buhay ang Panginoon, at buhay ang iyong kaluluwa, HINDI KITA IIWAN. Sa gayo’y nagsiparoon sila sa Jerico.

    2 Mga Hari 2:4

    At sinabi ni Elias sa kaniya, Isinasamo ko sa iyo na maghintay ka rito; sapagka’t sinugo ako ng Panginoon sa Jordan. At kaniyang sinabi, Buhay ang Panginoon, at buhay ang iyong kaluluwa, HINDI KITA IIWAN. At silang dalawa ay nagsiyaon.

    2 Mga Hari 2:6

    8. Lumaban upang makasalo ng pagpapala.

    Isang pakikibaka ang makasalo ng pagpapala. Ito ang dahilang kung bakit sinabi ni Elias kay Eliseo na, Ikaw ay humingi ng mabigat na bagay, Tunay ngang isang mabigat na bagay ang makasalo ng pagpapala at maging isang pinagpala. Kung ikaw ay hindi handa sa pakikipagbaka, ikaw ay hindi magkakaroon ng pagpapala!

    At nangyari, nang sila’y makatawid, na sinabi ni Elias kay Eliseo, Hingin mo kung ano ang gagawin ko sa iyo, bago ako ihiwalay sa iyo. At sinabi ni Eliseo, Isinasamo ko sa iyo, na ang ibayong bahagi ng iyong diwa ay sumaakin.

    At sinabi niya, IKAW AY HUMINGI NG MABIGAT NA BAGAY: gayon ma’y kung makita mo ako pagka ako’y inihiwalay sa iyo, magiging gayon sa iyo; nguni’t kung hindi ay hindi magiging gayon.

    2 Mga Hari 2:9-10

    9. Lumaban upang magkaroon ng isang mabuting kasama sa iyong buhay.

    Isang pakikibaka ang maghanap ng mapapangasawa. Si Ruth ay lubos na nakipaglaban upang makuha ang pasin ni Booz. Isa ring pakikibaka ang manatili sa iyong pag-aasawa. Karamihan ng mga hayop ang may maraming asawa. Ang ating mala-hayop na pag-uugali ang nag-uudyok sa atin na magkaroon ng maraming asawa. Kinakailangan mong lumaban upang pigilan ang iyong sarili na magkaroon ng maraming asawa.

    At siya’y bumaba sa giikan, at ginawa niya ang ayon sa buong iniutos sa kaniya ng kaniyang biyanan. At nang si Booz ay makakain at makainom, at ang kaniyang puso’y maligayahan, siya’y yumaong nahiga sa dulo ng bunton ng trigo; at siya’y naparoong marahan, at inalisan ng takip ang kaniyang mga paa, at siya’y nahiga.

    Ruth 3:6-7

    10. Ang kasaganahan ay hindi madaling dumating.

    Kinakailangan mong lumaban upang upang sumagana. Ang kayamanan ay nakatago sa mga lihim na lugar. Ang mga kayamanan ay nakatago sa mga madidilim na lugar. Kung ikaw ay hindi makikipagbaka, hindi mo matutuklasan ang mga kayamanan na nasa mundong ito. Ang mga walang sigla, mababagal at tamad na tao ay hindi madaling yumaman. Ito ay dahil sa ang isang matinding pakikipagbaka ay kinakailangan upang ang lupa ay maglabas ng bunga nito. Kinakailangan mong makipaglaban upang makapag-aral. Pagkatapos ay kailangan mong makipagbaka upang tumaas ang iyong ranggo. Muli pa kailangan mong makipagbaka upang matalino mong magamit ang iyong salapi.

    Sapagka’t ang mayroon, ay bibigyan pa; at ang wala, pati ng nasa kaniya ay aalisin pa sa kaniya.

    Marcos 4:25

    11. Lumaban upang makapagpatayo ng bahay. Kailangan mong lumaban Lumaban upang makapagpatayo ng bahay.

    Karamihan ng tao ang walang mga sariling bahay at hindi kailanman nagkaroon ng kanilang mga sariling bahay. Isang pakikipagbaka ang magmay-ari ng isang bahay subalit ito ay isang laban na mahalagang maipaglaban.

    Sa karunungan ay natatayo ang bahay; at sa pamamagitan ng unawa ay natatatag.

    Mga Kawikaan 24:3

    12. Lumaban upang mabuhay nang matagal at maglingkod sa Panginoon nang mahabang panahon.

    Isang pakikipagbaka ang maging malusog, manatiling buhay at maglingkod sa Diyos nang maraming taon.

    At nagsipagsalita sa kaniya, na nagsipagsabi, Kung ikaw ay magiging lingkod sa bayang ito sa araw na ito, at maglilingkod sa kanila, at sasagot sa kanila, at magsasalita ng mabuting mga salita sa kanila, AY IYO NGANG MAGIGING LINGKOD SILA MAGPAKAILAN MAN.

    1 Mga Hari 12:7

    13. Labanan ang mga negatibong aspeto ng iyong kalagayan.

    Ang iyong walang sigla, magagalitin, mapanglaw at masiyahing pag-uugali ay mayroong mga negatibong aspeto.

    Ang kabagalan at ang kalagayan mo na walang kabuhay-buhay at walang sigla ang lalaban sa iyong kakayahan na matamo ang kahit ano sa iyong ministeryo. Ang kabagalan at ang kalagayan mo na walang kabuhay-buhay ang magiging sanhi na ikaw ay hindi kumilos o lumaban. Ito ay hahantong sa kahirapan.

    Ang iyong kalayaan na maging masiyahin ang magiging sanhi na ikaw ay hindi maging maayos, magulo at makasalanan.

    Ang kapanglawan at kalumbayan ng isang tao ang makakasira sa iyong mga relasyon at nagpapatamlay sa iyong kapaligiran. Ang kapanglawan ang magiging sanhi upang ikaw ay maging mapanghusga at paalisin ang mga tao sa bawat maliit na pagkakamali.

    Ang kapangahasan, katampalasan at kasamaan ng iyong pagiging magagalitin ang makakasira ng iyong mga relasyon. Ang padalus-dalos na desisyon ng isang magagalitin ang magiging sanhi ng pagiging mapaghimagsik. Ang pagiging abala at ang mga gawain ng isang magagalitin ang makakahadlang sa kanya na makapaghintay sa Diyos.

    Isang pakikipagbaka ang pigilan ang iyong sarili sa iyong mga nakaugalian nang gawin! Lubhang napakahirap para sa akin na ipaglaban ang maraming tao: upang lumaban na pigilan ang iyong sarili. Makipagbaka ng isang mabuting pakikipagbaka upang isantabi ang iyong mga likas na pag-uugali bilang isang tao.

    At pinalapit niya sa kaniya ang karamihan pati ng kaniyang mga alagad, at sa kanila’y sinabi, Kung ang sinomang tao ay ibig sumunod sa akin, ay tumanggi sa kaniyang sarili, at pasanin ang kaniyang krus, at sumunod sa akin.

    Marcos 8:34

    14. Labanan ang iyong pagiging lalaki o babae.

    Walang magiging Judio o Griego man, walang magiging alipin o malaya man, WALANG MAGIGING LALAKE O BABAE MAN; sapagka’t kayong lahat ay iisa kay Cristo Jesus.

    Mga Taga-Galacia 3:28

    Kung ikaw ay isang lalaki, ikaw ay mahihirapan na manatili kasama ang isang asawa. Ngunit kailangan mong labanan ang ugaling ito ng mga kalalakihan at alamin kung paano mananatili kasama ang isang tao. Isang laban para sa isang lalaki ang manatiling tapat. Subalit ang laban na ito ay dapat na mapagtagumpayan! Ang pagiging lalaki ng isang tao ay naipapakita rin sa pamamagitan ng kanyang pagnanasa sa pakikipagtalik. Ang lubos na pagnanais sa pakikipagtalik ay maaaring humantong sa pornograpiya, pagsasalsal, pakikiapid at pangangalunya. Kung ikaw ay hindi lalaban upang mapigilan mo ang iyong sarili, ikaw ay mapapahamak sa ministeryo.

    Ang mga kababaihan ay nagdurusa rin sa takot, paninibugho at pagpaparatang. Dapat mong supilin ang iyong mga likas na pag-uugaling ito bilang isang babae upang hindi ka nito mailayo sa ministeryo. Mahalaga na mapigilan mo ang iyong pagkalalaki o pagkababae hanggang wala nang pagkakaiba maging ikaw man ay isang lalaki o babae.

    15. Labanan ang pagtukoy ng tao ayon sa panlabas na anyo ng isang tribo o mga tao sa isang bansa.

    Sinabi ng isa sa kanila rin, ng isang propetang sarili nila, ANG MGA TAGA CRETA KAILAN PA MAN

    AY MGA SINUNGALING, masasamang hayop, matatakaw na mga tamad.

    Ang patotoong ito ay tunay. Dahil dito’y sawayin mong may kabagsikan sila, upang mangapakagaling sa pananampalataya.

    Tito 1:12-13

    Ang bawat tribo, pamilya o bansa ay may iba’t ibang kaugalian. Sa Ghana, ang mga Ashantis ay kilala sa isang bagay at ang mga Ewes ay kilala rin sa ibang mga bagay. Kapag ikaw ay nasa ministeryo, ikaw ay dapat na lumaban upang ikaw ay hindi masyado magpakita ng pagiging isang Ewe o Ashanti. Kapag ikaw ay masyadong mapagkakamalan na isa sa mga ito, ito ay makakaapekto sa iyong kakayahan na magkaroon ng bunga sa kabilang dako. Ang ilang mga pastor ay mayadong makabansa na wala silang kakayahan na abutin ang nasa labas ng kanilang bansa. Maraming mga Amerikano ang masyadong maka-Amerika na sila ay nananatili lamang sa loob ng Amerika at hindi na makapaglingkod sa iba pang mga bansa. Limang porsyento lamang ang nagmumula sa Hilagang Amerika at sila lamang ang naglilingkod sa limang porsyento sa buong mundo. Nakamamangha, ang limang porsyento na ito lamang ang naglilingkod bilang siyamnapung porsyento ng mga mangangaral ng ebanghelyo.

    Ang mga taga-Nigeria ang nagsilang sa maraming malalaking simbahan. Ang mga taga-Nigeria ay kilala rin sa ilang mga bagay. Kung ikaw ay isang ministro na taga-Nigeria, ikaw ay dapat na gumawa ng paraan upang mailayo mo ang iyong sarili sa anomang mga negatibong kaugalian. Mahalaga na lumaban na maging isang Kristiyano kaysa sa ano pa man.

    Ang mga bansang gumagamit ng wikang Frances ay kilala sa mga ganitong uri ng kaugalian. Mahalagang ilayo ang iyong sarili sa anomang mga negatibong kaugalian. Ikaw ay dapat maging isang Kristiyano kaysa sa sa mga bansang gumagamit ng wikang Frances!

    16. Labanan ang kaugalian patungkol sa kulay ng balat.

    At sinabi, Sumpain si Canaan! Siya’y magiging alipin ng mga alipin sa kaniyang mga kapatid.

    At sinabi niya, Purihin ang PANGINOON, ang Dios ni Sem! At si Canaan ay maging alipin niya.

    Pakapalin ng Dios si Japhet. At matira siya sa mga tolda ni Sem; At si Canaan ay maging alipin niya.

    Genesis 9:25-27

    Ang mgamaiitim na taoay kilala sa pagiging salat sa pag-unlad, kahirapan, kababaan, karumihan, kaguluhan, hindi pagiging maayos at kawalan ng kakayahan na sumagana! Ang mga puting tao ay kilala sa kanilang pagmamahal sa salapi, kasalatan sa pakikipagrelasyon, homoseksuwalidad, paghihiwalay ng mag- asawa, pagpapakasal ng parehong kasarian, hindi paniniwala sa Diyos, paninigarilyo, pagkagumon sa alak at mataas na bilang ng mga taong nagpapakamatay!

    Sa kasamaang palad, ang mga kaugaliang ito ang tunay na uliran na dapat nating labanan. Kung ikaw ay isang puti o itim na tao, lumaban upang maihiwalay mula sa mga kaugaliang ito. Ilayo mo ang iyong sarili sa alinmang mga kaugalian na ito. Magkaroon ng pag-uugali ng isang Kristiyano kaysa sa pag-uugali ng isang itim o puting tao. Ito ay isang mabuting pakikipagbaka na mahalagang ipaglaban!

    17. Labanan ang masasamang pita.

    Datapuwa’t layuan mo ang masasamang pita ng kabinataan, at sundin mo ang kabanalan, ang pananampalataya, ang pagibig, ang kapayapaan, kasama ng mga nagsisitawag sa Panginoon mula sa pusong malinis.

    2 Timoteo 2:22

    Ang masasamang pita ay isang apoy na susunog sa iyong kabanalan. Ito ang nag-aalis ng iyong espiritwalidad. Ito ang dahilan kung bakit sinabi ni Pablo na mas mainam pang mag-asawa kaysa masunog. Kung ikaw ay nasusunog, ikaw ay nakakaranas ng isang bagay na hindi mabuti. Ang iyong mga pagnanais sa pakikipagtalik ay may kaugnayan sa iyong espiritwalidad. Ang seksuwalidad ay higit sa kaya ng tao dahil ito ay halos isang karaniwang impluwensya sa isang tao. Ang pagnanais sa pakikipagtalik ay isang negatibong bagay at inilalayo ka nito mula sa iyong espiritwalidad. Dapat mong labanan ang masasamang pita nang iyong buong puso at lakas.

    Ang unang paraan upang labanan ang masasamang pita ay ang pagpipigil sa iyong sarili na magkaroon ng gana sa mga ganitong bagay. Kapag ikaw ay nagkaroon na ng gana sa mga bagay na patungkol sa pakikipagtalik, ikaw ay mas mahihirapan na supilin ang mga ito.

    Ikalawa, kung ikaw ay nagkaroon na ng gana sa mga bagay na patungkol sa pakikipagtalik tulad ng pornograpiya, pagsasalsal at homoseksuwalidad, buong buhay kang mananalangin laban sa mga ito.

    Ang ikatlong bagay na dapat mong gawin upang labanan ang masasamang pita ay ang magkaroon ng palabasan para sa iyong pagnanais sa pakikipagtalik. Ang iyong pag-aasawa ay maaring maging palabasan nito sa pamamagitan ng pagkakaroon ng regular na pakikipagtalik. Sa kasamaang-palad, kahit sa iyong pag-aasawa, ang iyong pagnanais sa pakikipagtalik ay hindi lubos na matitiyak na mailabas kung ikaw ay may masamang maybahay. Ano man ang iyong kalagayan, kailangan mong labanan ang masasamang pita sa iyong buong buhay.

    18. Lumaban upang mamunga.

    Sapagka’t kung nasa inyo ang mga bagay na ito at sumasagana, ay hindi kayo pababayaang maging mga tamad o mga walang bunga sa pagkakilala sa ating Panginoong Jesucristo.

    2 Pedro 1:8

    Ang paglaban sa mga espiritwal na hindi pamumunga ay isang mahaba at mahirap na pakikipaglaban. Ito ay kinapapalooban ng maraming nakatagong mga katangian at pagtutuwid ng iyong buhay habang ikaw ay naglilingkod sa Panginoon. Mapapansin mo na ang pagkakaroon ng bunga ay kaugnay sa kasipagan, pananampalataya, kabanalan, pagpipigil, karunungan, kabutihan at pagtitiis. Ang mga ito ay espiritwal na mga katangian na mukhang walang kauganayan sa pagiging mabunga. Subalit ang mga ito ay mayroong mga kauganayan! Ang mga ito ang tunay na magtatakda ng iyong pagiging mabunga. Sa iyong buong buhay, kinakailangan mong lumaban upang maging masipag, may pagpipigil, pananampalataya, karunungan, kabutihan sa ibang tao at pag-ibig.

    Ito ay isang mabuti at mahalagang pakikipagbaka dahil ito ay pakikipagbaka sa pagiging mabunga.

    Kabanata 4

    Masanay sa Kapaligiran ng

    Digmaan

    Sapagka’t ang lahat na sakbat ng nasasakbatang tao sa kaguluhan, at ang mga kasuutang puno ng dugo ay magiging para sa pagkasunog, para sa mitsa ng apoy.

    Isaias 9:5

    Tayo ay nasa pinakahuling labanan para sa mga kaluluwa ng mga tao. Kung tayo ay hindi masasanay sa kapaligiran ng digmaan, tayo ay hindi lubos na makakakilos. Makinig sa sinasabi ng Bibliya: Sapagka’t ang lahat na sakbat ng nasasakbatang tao sa kaguluhan, at ang mga kasuutang puno ng dugo ay magiging para sa pagkasunog, para sa mitsa ng apoy. (Isaias 9:5) Ito ay hindi isang mapayapang kapaligiran ng kapayapaan, masarap na pagsasamahan at katuwaan.

    Ito ay isang kapaligiran ng panganib, pakikipagsapalaran, kaguluhan, pagkaligaw, pagkataranta, mabigat, pagkabahala, kalungkutan, pagkatakot, kamatayan, pighati, hinanakit, pagkabigo at pagkagulat. Tayo ay ginagamit ng Diyos upang ipangaral ang Kanyang Salita at labanan ang panlilinlang at kahibangan na nag-aakay sa madla patungong Impiyerno. Tayo ay may kaaway na hindi masaya na sumulong ang kaharian ng Diyos. Nang dumating ni Hesus, Siya ay paulit-ulit na sinalakay ng dyablo. Si Hesu-Kristo ay namuhay sa kapaligiran ng digmaan. Ang dyablo ay hindi lumayo. Si Hesus ay sinalakay ng isang pumapatay na espiritu na nagnanais na siya ay puksain bago pa man Siya lumaki. Siya ay sinalakay sa ilang habang siya ay nag-aayuno at nananalangin. Siya ay sinalakay sa pamamagitan ng mga Fariseo at sa huli ay sinalakay sa pamamagitan ni Judas Iscariote.

    AngKapaligiran ng Ministeryo ay Isang Kapaligiran ng Digmaan

    Kapag ikaw ay sumunod sa mataas na tawag ng Diyos, ikaw ay pumapasok sa huling digmaan para sa kaharian ng Diyos. Si Hesus ay namatay sa krus at dito nagsimula ang seryosong labanan upang mailigtas ang mundong ito mula sa napakasamang dyablo at kanyang mga kampon. Ang dyablo ay ang matandang ahas na luminlang sa mundo sa loob ng maraming taon.

    Ang tunay na ministeryo ay isang digmaan. Ang kapaligiran ng isang tunay na ministeryo ay isang kapaligiran ng digmaan. Ano ba ang kapaligiran ng digmaan? Ito ba ay isang matiwasay, mahinahon at mapayapang kakapaligiran? Tiyak na hindi! Kung ang kapayapaan at katahimikan ang iyong hinahanap, pakiusap na huwag pumasok sa ministeryo. Sa iyong pagpasok sa ministeryo at pagsunod sa Diyos at ang iyong banal na pamumuhay, ikaw ay makakaranas ng iba’t ibang uri ng kapaligiran ng digmaan. Oo, at lahat na ibig mabuhay na may kabanalan kay Cristo Jesus ay mangagbabata ng paguusig (2 Timoteo 3:12).

    Kapag sumiklab ang isang digmaan ang kapaligiran ay madaling nagbabago na may pinaghalong alitan, kaguluhan at pagkataranta. Kapag ikaw ay nasa isang digmaan, ikaw ay palaging nakakaranas ng kabigatan. Magkakaroon ng takot, magkakaroon ng pagkabahala at magkakaroon ng kawalan ng kasiguruhan. Ikaw ba ay makakakilos sa ilalim ng ganitong kalagayan? Ang mga pagkabigla ba makakagapi at makakapagpatahimik sa iyo?

    Kailangan mong masanay sa

    Enjoying the preview?
    Page 1 of 1