Discover millions of ebooks, audiobooks, and so much more with a free trial

Only $11.99/month after trial. Cancel anytime.

Ugaling Pinoy (Unang Aklat) Usaping Propesyunal ng mga Pilipino
Ugaling Pinoy (Unang Aklat) Usaping Propesyunal ng mga Pilipino
Ugaling Pinoy (Unang Aklat) Usaping Propesyunal ng mga Pilipino
Ebook150 pages1 hour

Ugaling Pinoy (Unang Aklat) Usaping Propesyunal ng mga Pilipino

Rating: 0 out of 5 stars

()

Read preview

About this ebook

The first book is a comprehensive exposition of the sound, encouraging, degrading, and shameful attitudes of Filipinos. Personalities with admirable attitudes were appreciated and recognized. In contrast, those with detestable attitudes were highlighted, sorted out, evaluated, and scrutinized to understand the root cause and to know why it affects the Filipinos and the nation. The author realized that the Philipines' problem lies in the Filipinos' behavioral problems and hopes to rectify this mess for the better Philippines.

The book can be used as a reference for those who want to dig deeper into Filipino life, culture, value, mindset, etc.

LanguageTagalog
Release dateMay 12, 2022
ISBN9781005406790
Ugaling Pinoy (Unang Aklat) Usaping Propesyunal ng mga Pilipino

Related to Ugaling Pinoy (Unang Aklat) Usaping Propesyunal ng mga Pilipino

Related ebooks

Reviews for Ugaling Pinoy (Unang Aklat) Usaping Propesyunal ng mga Pilipino

Rating: 0 out of 5 stars
0 ratings

0 ratings0 reviews

What did you think?

Tap to rate

Review must be at least 10 words

    Book preview

    Ugaling Pinoy (Unang Aklat) Usaping Propesyunal ng mga Pilipino - Nestor Buencido

    Nilalaman

    Paunang Salita

    Pasakalye

    Pahapyaw na Impormasyon ng Pilipinas

    Pilipino sa Mata ng Mundo

    I. Duruan, Kimkiman, Pag-initan, at Personalan

    Bukambibig ng Karamihan

    Mga Kalakaran

    Pulpulitika

    Usaping Pamilya

    Nakatagong Trauma

    Samo’t-saring Intriga sa Trabaho

    Kahit Social Media ay Hindi Nilubayan

    Diskusyon at Paninita sa Ibang Lahi

    Kung Bago ka Manahimik Ka

    Kahiyaan Culture at Kasubuan Syndrome

    II. Crab Mentality (+ & -)

    III. Disiplinang Pinoy

    IV. Kastilaloy Time at Hindi Filipino Time

    V. Rehiyonalismo

    Kongklusyon

    Talahuluganan

    Pasasalamat

    Ukol sa May Akda

    Paunang Salita

    Ang mga kwentong mababasa sa Ugaling Pinoy (Unang Aklat) Usaping Propesyunal ng mga Pilipino ay hango lahat sa tunay na buhay. Marami sa mga personalidad na nasama sa mga halimbawang kwento sa librong ito ang binago ang pangalan, trabaho, at lugar ng pangyayari para proteksyunan ang kanilang pagkatao.

    Hindi ang tao ang binigyang atensyon sa paksa kahit na nga kasali sila sa kwento dahil walang layunin ang may akda na siraan, hamakin, ipahiya, at lapastanganin ang sinuman. Nagkataon lang na naipamalas nila ang mga gawi at pag-uugali na tinalakay dahil angkop lang sa paksa ng bawat kapitulo.

    Mithiin at marubdob na hangarin lamang ng may-akda na ipagpatuloy ang mga gawi at pag-uugaling Pinoy na kaaya-aya at baguhin o itigil ang nakakasira at pumipigil sa mas maayos na pakikisalamuha ng bawat isa na nagiging sanhi ng mabagal na pag-usad ng bansang Pilipinas.

    Maraming mga negatibong gawi at pag-uugali ang nalantad na karamihan ay bunga na lang ng ginawa ng ibang lahi kaya hindi katutubo sa Pilipino. Ganunpaman, kailangan pa ring maituwid ang mga nangyayaring pagkakamali dahil inaani ng kasalukuyang henerasyon ang bagsik nito at magpapatuloy ang epekto sa darating pang henerasyon hanggang hindi ito tuluyang matuldukan.

    Kung walang magpapakita sa lantaran namang nakikita at kung walang magpapamulat sa mga dilat namang mga mata, paano na?

    balik_Nilalaman

    Pasakalye

    Sa mahigit na dalawang dekada ng pakikisalamuha at kalaunan ay pamumuno sa iba’t-ibang lahi, naobserbahan at napag-aralan ng may akda ang kanilang mga gawi at pag-uugali at nakita ang kaibahan ng propesyunalismo ng ibang nasyunalidad lalo na sa mauunlad at malalayang bansa kumpara sa propesyunalismo ng mga Pilipino.

    Masakit mang malaman at tanggapin ang katotohanan pero marami sa atin ang hindi pa professionally mature at sa katunayan nga ay nagiging lantaran na sa lipunan ang pagpapakita ng mga kagaspangan ng mga gawi at pag uugali na para bang naging pangkaraniwan na lang ang kabalasubasan lalo na sa hindi inaasahang hanay ng mga matatawag pa namang mga propesyunal.

    Kahit na nga sabihin pang iilan lamang ang mga ganitong tao, hindi dapat ipagsawalang bahala dahil napakalakas ng impluwensya at epekto nito sa lipunan kaya dapat na pag-ukulang pansin at pag-usapan para sa nag-iisang layunin na mabago o maituwid.

    Hindi lingid sa ating kaalaman na nangyayari nga ang mga ganitong gawi at pag-uugali pero parang hindi na maintindihan ng lubusan na ito ay talagang mali na hindi pwedeng gawin. Alam ng karamihan ang tunay na pakahulugan ng propesyunalismo dahil sa mga eskwelahan pa lang ay napag-uusapan na ang paksang ito. Sa mga nakatapos na ng kolehiyo, ang pakiramdam ay tunay nang mga propesyunal at matalino. Ang iba ay nagkamit pa ng masteral at doctoral degree para lalong pagtibayin ang kanilang propesyunalismo. Marami ay may mga matatatag pang trabaho at ang iba ay kumuha pa ng kung anu-anong eksaminasyon para mapataas ang posibilidad ng promosyon sa trabaho.

    Akala natin ay propesyunal na tayo, sa papel oo, pero sa tunay na buhay, ewan ko.

    Ginawa ang librong ito upang ipaalam at lubusang maintindihan ang mga gawi at pag-uugali na natatangi at talamak lang sa Pilipino maging ito man ay masama o mabuti. Sinadyang bigyan ng malaking pansin ang mga gawi at pag-uugaling pangit para himayin at ipamulat na ang mga ito ay talagang mali na dapat baguhin o huwag nang gawin dahil napakalaki ng kinalaman nito sa kaayusan at kaunlaran ng mga Pilipino at ng bansang Pilipinas.

    Paano magagamot ang sakit na matagal nang sumisira sa propesyunal na pakikipagrelasyon ng mga Pilipino at pumipigil sa tuluyang pag-unlad ng Pilipinas kung hindi aalamin nang maigi at uugatin? Sa pagresolba sa kahit na anong problema, at sa kaso ng paksang ito ay ang problema ng Pilipinas, marapat lang na malaman ang mga mali sa lipunan at mapag-aralan nang sa gayun ito ay maituwid para sa kagalingan ng inang-bayan. Katulad ng duktor na kailangang malaman ang sakit para mabigyang lunas.

    Sa kabilang banda, binigyang pagpapahalaga ng may akda ang mga magagandang gawi at pag-uugali ng ilang personalidad na nakakitaan ng tunay na pakahulugan ng propesyunalismo kasama na ang kanilang dignidad, integridad, at paninindigan na ipaglaban kung ano lang ang tama at makakabuti para sa sambayanang Pilipino kahit pa sila’y usigin, pintasan, at ipahiya.

    Bato-bato sa langit ang tamaan ng hagupit ay magising at sikaping baguhin ang mga gawi at pag-uugaling pangit na sa atin ay umaalipin.

    balik_Nilalaman

    Pahapyaw na Impormasyon ng Pilipinas

    Ang Pilipinas ay arkipelagong bansa na nakaupo sa Karagatang Pasipiko sa kanluran na pinag-iisa ng orihinal na mahigit 7,100 isla na nadagdagan ng mahigit 500 mga isla base sa bagong pagkatuklas noong 2016 ng National Mapping and Resource Information Authority (NAMRIA). Ito ay nahahati sa tatlong bahagi ng heyograpiya na binubuo ng Luzon, Visayas, at Mindanao na kung saan ang Luzon ang siyang may pinakamalaking tipak ng kalupaan. Hinihiwalay sa ibang mga bansa ng mga dagat sa West Philippine Sea sa kanluran, Sulu Sea sa timog-kanluran, Celebes Sea sa timog, at Philippine Sea sa silangan hanggang hilaga.

    Nagmula sa lahi ng mga Negrito na pinadami ng migrasyon ng mga Austronesians (malaking grupo ng mga tao sa Taiwan, Micronesia, Melanesia, Polynesia, Madagascar, at mga bansa sa Timog-Silangang Asya) na nahaluan pa ng mga Europeo sa pagtungtong ng mga Espanyol sa Pilipinas sa kalagitnaan ng ika-labing anim na siglo CE.

    Ang bawat rehiyon o probinsya ng kapuluan ay may kanya-kanyang grupong etniko at iba’t ibang kultura, paniniwala, at may walong pangunahing diyalekto na nakapaloob sa tinatayang mahigit na isang daan pang mga diyalekto.

    Nasakop ng mapanupil na gobyerno ng Kastila sa loob ng 333 taon, nasundan ng liberal na pamumuno ng Amerikano sa loob ng 48 taon, at sumingit ang Hapon dala ang digmaang pandaigdig sa loob ng 3 taon sa huling bahagi ng kolonyalismo.

    balik_Nilalaman

    Pilipino sa Mata ng Mundo

    Unang nasulat sa kasaysayan at nalaman ng buong mundo ang dignidad at kagitingan ng mga Pilipino nang magapi ng tropa ni Lapu-lapu ang tropang dayuhan na balak sumakop sa inang-bayan at sa pagkasawi mismo ni Ferdinand Magellan sa laban sa Mactan noong 1521. Nasundan pa ito ng tatlong beses na pagtatangkang pagsakop ng mga Espanyol ngunit lahat ay hindi nagtagumpay. Noong 1565 lang tuluyang nasakop ang Pilipinas sa pangunguna ni Miguel Lopez de Legazpi.

    Galing sa mga tribo-tribong pamumuhay bago tuluyang nasakop at itinuring na mga indio, iyan ang itinatak ng mapanggipit na pamamahalang Kastila sa mga Pilipino. Sa pagsikil ng karapatan, pang-aalipin at panghahamak, nadungisan tuloy ang imahe ng mga Pilipino.

    Ngunit iba ang impluwensya ni Dr. Jose Rizal dahil muling naipamalas ang dignidad at integridad ng sambayanang Pilipino at natanggap ang respeto ng buong mundo. Walang takot ba namang nangampanya ang pambansang bayani na labanan ang mga anomalya at baho ng Kastilang nang-aalipin. Hindi iminungkahi ni Dr. Jose Rizal na gumamit ng dahas dahil sapat na ang kanyang armas at ito ay ang kanyang panulat. Sinubukang himukin na daanin sa rebolusyon ang laban sa Espanyol, subalit hindi natinag sa paggamit ng mapayapa, diplomatiko at propesyunal na pamamaraan.

    Si Ferdinand Blumentritt ng Alemanya, Theodore Roosevelt ng Estados Unidos, Mahatma Gandhi at Nehru ng India, noong panahon na iyon, lahat sila ay tiningala ang mga ambag sa bayan ni Dr. Jose Rizal. Sa katunayan, sa ngayon, maraming monumento ang mga nakatayo at mga lansangan ang nakapangalan sa pambansang bayani ang makikita sa iba’t ibang panig ng mundo sa pag-alala at respeto sa mga kagalingan at kamartiran nito.

    Maraming beses na nating narinig ang katagang, mabuti akong kaibigan ngunit masamang kaaway. Totoo ang kasabihang ito dahil napakabuti, hospitable at mahabagin ang lahing Pilipino at talagang aalagaan ang nabuong relasyon dahil marubdob magmahal at mapagkalinga ang mga Pilipino. Subalit huwag lang sukdulang lokohin, apihin, at galitin sapagkat hindi aatras sa laban, patay kung patay, iyan na lang ang huling bibitiwan. Ang Pilipino pa naman, habang nasusugatan ay lalong tumatapang.

    Napatunayan pang muli ang kagalingan, dedikasyon, at tapang ng mga Pilipino nang sumiklab ang Ikalawang Digmaang Pandaigdig, dahil nakubkob at umurong na ang lahat ng mga karatig bansa sa Asya sa panalasa ng imperyong Hapon subalit patuloy pa ring nakikipagbakbakan nang walang puknat ang pinagsanib na pwersang Pilipino at Amerikano.

    Nakatawag pansin pa nga kay Winston Churchil na Prime Minister ng Great Britain ang kagitingan ng mga Pilipinong lumalaban sa Hapon. Ang deklarasyon niya ay, Filipinos are the greatest warriors in the world. Dinagdagan pa ito ng malaking tiwala ni General Douglas MacArthur nang sabihin ng heneral, Give me ten thousand Filipino soldiers and I shall conquer the world.

    Sabihin nang mga opinion lang iyan ng mga respetado, prominente, at makapangyarihang tao, subalit hindi pa rin mapapawalang-saysay dahil ang Pilipinas na lang talaga ang hindi pa sumusuko at talagang nakikipagwaswasan sa mga kalaban.

    Siyempre pambihirang kwento ng kagitingan kaya kailangang malaman ng buong mundo dahil pang moral boost sa tropang allied at pang demoralisa sa axis na pwersa, iyan ang pagbibida ni Churchill ng Britanya. Maski si

    Enjoying the preview?
    Page 1 of 1