Discover millions of ebooks, audiobooks, and so much more with a free trial

Only $11.99/month after trial. Cancel anytime.

Sa Ibang Salita: Sampung Sanaysay sa Siningsalin
Sa Ibang Salita: Sampung Sanaysay sa Siningsalin
Sa Ibang Salita: Sampung Sanaysay sa Siningsalin
Ebook276 pages3 hours

Sa Ibang Salita: Sampung Sanaysay sa Siningsalin

Rating: 4.5 out of 5 stars

4.5/5

()

Read preview

About this ebook

Ten essays in Filipino on translation and language. “Lalagi nang isang personal na bagay ang magsalin. Karanasan ang tinutukoy—inuulit ko, tinutukoy—kapag pagsasalin ng anuman (anuman ito: katotohanan o kababalaghan) ang pag-uusapan o tatalakayin o susuriin. Ang totoo, pagsasalin ang ugat ng lahat ng gawain ng tao—pagsasalin ng karanasan. Kaya ang unang-unang pananagutan ng tagapagsalita ay ang matutuhang kilalanin ang gawain niya: ang magsalin ng karanasan.” (Translation is personal. Experience is key when translating anything (either truth or fantasy) that needs discussion or analysis. In truth, translation is the root of all of man’s activities. This is why the very first responsibility of someone is to learn how to identify his work: to translate experience.”)

LanguageTagalog
Release dateOct 10, 2017
ISBN9789712727412
Sa Ibang Salita: Sampung Sanaysay sa Siningsalin

Related to Sa Ibang Salita

Related ebooks

Reviews for Sa Ibang Salita

Rating: 4.5 out of 5 stars
4.5/5

2 ratings0 reviews

What did you think?

Tap to rate

Review must be at least 10 words

    Book preview

    Sa Ibang Salita - Medina

    Sa Ibang Salita: Sampung Sanaysay sa Siningsalin

    Karapatang-ari © 2012

    Anvil Publishing, Inc.

    B.S.Medina, Jr.

    Edisyong elektronik:

    Inilathala ng Anvil Publishing, Inc. para sa De La Salle University-Manila na may natatanging kasunduan.

    Reserbado ang lahat ng karapatan,

    kasama na ang karapatan ng reproduksiyon

    at paggamit sa anumang anyo at paraan,

    maliban kung may nakasulat na pahintulot

    mula sa may hawak ng karapatang-ari.

    Inilathala at ipinamamahagi ng

    ANVIL PUBLISHING, INC.

    7th Floor, Quad Alpha Centrum

    125 Pioneer Street, Mandaluyong City

    1550 Philippines

    Sales & Marketing: (632) 4774752, 4774755 to 57

    Fax: (632) 7471622

    marketing@anvilpublishing.com

    www.anvilpublishing.com

    Disenyo ng pabalat ni Edward Peter J. Verona

    Disenyo ng aklat ni Jo B. Pantorillo

    ISBN 9789712727412 (e-book)

    Version 1.0.1

    SAMPUNG SANAYSAY

    1 At Nilikha ng Tao ang Diyos...

    2 Salamangka sa Salita: Salingwika, Salingbuhay

    3 Sa Ibang Salita: Iisang Rizal, Iba-Ibang Rizal

    4 Pag-ibig hanggang Pahimakas

    5 Dalawang Alon sa Iisang Agos

    6 Salita’y Danas, Danas ay Salita

    7 Salingtalinghaga: Tao, Tula, at ang Totoo

    8 Salingtalinghaga II: Pagsilang, Pagdayo, Pagbalik

    9 Imahen at Himala: Pagsasalin ay Pag-unawa sa Salita

    10 Displina ng Pagsasalin, Disiplina Sa Pagsasalin: Isang Personal na Bagay

    Para kay Vener, nag-iisang katagasalingbuhay.

    Saganang salamat sa ——

    •  De La Salle University at Kolehiyo ng Malayang Sining dahil sa pagkakaloob sa amin ng Tranquilino Valderrama Professional Chair in the Humanitaries at ng Bro. Miguel Febres Cordero Research Award;

    •  Departamento ng Literatura at Wikang Pilipino dahil sa matiwalang pagtangkilik sa aming ambag sa Programa sa Pagsasalingwika;

    •  University Research Coordination Office (URCO) dahil sa pagpapatibay sa proyektong ihanda ang katipunan ng mga sanaysay na pinamagatang Sa Ibang Salita.

    •  De La Salle University Press dahil sa maayos na paglilimbag at paglalathala ng librong Sa Ibang Salita.

    —— B. S. Medina, Jr.

    AT NILIKHA NG TAO ANG DIYOS...

    Malikhaing Pagsulat ay Paglikhang-muli ng Buhay

    Lahat ng Pagpapahayag ay Malikhaing Paglilipatkaranasan

    O IBIG SABIHI’Y lahat ng pagpapahayag, sa tiyakan, pagsulat, ay malikhain paglalapat ng pakahulugan sa salita, sa lipon ng mga salita—sa wikang sarili o sa wika ng iba. Pagtatapat-tapat iyon, ang pagsulat, ng ibang salita sa naratnang salita nang hindi naglalayo sa pakahulugang takda ng sumulat. Saksihan. Isipin, gunitain o gunigunihin ang saglit na paglikha—ng anumang kaya mong gawin o gawing muli, kaya mong likhain o likhaing muli: isang katotohanang naganap na muling gaganapin.

    At gagalaw ang isang gampaning di mo sukat isipin, di mo sukat mamalayan. Sukat lamang na ikaw—mag-isang ikaw sa sandaling makabuluhan, mag-isa sa saglit na ito—ito, wala nang iba—ay kumikilos nang humahagilap sa kaban ng mga katuturan na yaong utak, ng tamang salita, angkop, agpang, sa hinahalinhan: sa lenggwaheng alam mong alam o lenggwaheng alam mong alam ng iba. O ibig sabihi’y nagsasalita ka ng sariling wika o sa wikang sarili ng iba.

    Tuwina, sa iyong pagpapahayag, sa tiyakan, pagsulat, sa lalong tiyakan, malikhaing pagsulat, una munang bubuhayin ang salita—yunog, katuturan, gampanin, kapaligiran, imahen, at ikaw na bumubuhay niyon, sinumang bumubuhay niyon, ang talagang magsasabuhay ng salita sunod sa iyong kaalaman, kakayahan. Saksihan. Ikalawa, hahanap ka ng sa paniniwala mo, sa paninindigan mo, ng salitang angkop—saan? kanino? Sa panahong hinahandugan—maaaring sa habangpanahon, ngunit lalong tama sa sandaling ito, sa panahong ito, ngayon! At sa tao na hinahandugan ng bagong karanasan. Bagong karanasan ang hatid ng bago, ibang salita—sa wikang sarili ng naghahandog-karanasan o sa wika ng iba. Gayunpaman, ang buong kaganapan ay isang bagong karanasan: ang paglilipatsalita ay paglilipatkahulugan ay paglilipatkaranasan.

    Ang isang malikhaing manunulat, ang isang manunulat, ay malikhain lamang kung magagampanan niya ang tungkuling inangkin niya buhat sa napaaangkin. Iniisip ko, ipinalalagay ko, na ang gampaning iniatang ko sa aking sarili—ang maging manunulat—ay may sadyang henesis. Sino nga ang Manlilikha ng lahat? Sa pananalig ko, ang Diyos. Siya ang lumalang sa Tao. At nang sabihin Niyang Humayo kayo... anong gampanin ang iniatang sa tao? Ang lumikha. Inangkin ng tao ang isang kaaangkinan ng Diyos. Ang taong nilikhang Diyos ay lilikha rin. Nasa kamay ng tao, ng malikhaing tao, at sa sandaling ito, ng malikhaing manunulat, ang maselan na gampaning lumikha rin muli—ang Karanasang sa Diyos ay pinaging karanasan ng sa tao—ang paglikha. Na sa sandaling ito, ay nakatuon sa isang pagsasalin: pagsasalingkahulugan ay pagsasalingkaranasan.

    Karanasang Basal, Karanasang Dasal. Ganito ring panahon. Sa Maynila, tag-araw. Sa Tokyo, tagsibol. Malamig. Unang linggo ko sa isang siyudad na kalamig-lamigan. Naituro na sa aking landlady, isang Haponesang tapos ng BSE, marunung-runong ng Ingles, kung saan ako makapagsisimba. Ibig kong mangumpisal. Ibig kong mangumunyon. Ibig kong mangumpisal. Ibig kong maging maluwalhati ang unang linggo ko sa Hapon. Punta ka sa Kichijoji, sabi ni Misis Kubo.

    Maunlad na siyudad ang Kichijoji. Maraming tindahan, boutique, doon. Puntahan ito ng mga naninirahan sa paligid, yaong mga nag-aaral sa Mitaka, na lugal ng pamantasang pinagsasanayan ko, ang International Christian University, kaagapay ng Silliman at kapalitan-guro’t estudyante ng Ateneo de Manila.

    Tumapat ako sa simbahang Katoliko. Sa Kochijoji. Bukas ang malapad na pintuan. Pumasok ako. Maluwang, malaki ang simbahan. Doble ng Chapel of the Blessed Sacrament ng La Salle. Tambad sa akin ang altar, malapad, malinis na altar. Sa pusod niyon ni Kristo, nakabayubay sa Krus sa ibabaw ng tabernakulo na natatanuran ng matatangkad, mapuputing kandila at ng matatangkad at mapuputing liryo. Natatanaw ba ninyo? Wala pang misa. Isa ako sa ilan-ilang nasa loob. Luminga ako. Hinanap ko ang kumpisalan. Kutob ang napadako ng tingin sa kanan. Sa kanan ko, bago pa man ako humakbang na papaloob pa, malapad ang pintong nabuksan ng isang galing doon, bumubukas sa isang bulwagan ng mga kumpisalan. Pasok ako. Inalam ko kung anong kumpisalan ang may pari. Sindido ang ilaw sa isa. Lumuhod ako sa tapat ng bentanilyang tabing na naghihiwalay (o nagbubuklod?) sa akin at sa paring kubli niyon.

    Ingles ang panimulang salita ko. Nippongo ang sagot ng pari. Saglit na natahimik ako. Nippongo uli ang narinig ko. Nagdasal ako sa Ingles. Hindi umimik ang pari. Tuloy akong nangumpisal. At saka ko narinig ang Pater Noster. Sa isip ko, sa dinig ko, pinatawad niya ako. Pater Noster dinig ko pa rin. Sa isip ko, sa dinig ko, paring kaibigan ko rin yaong nasa kumpisalan. Si Father Serrano. Naroon ito sa kumpisalan sa Pajo. Wala man siya sa kumpisalan na kinaluluhuran ko, saan man siya naroon, tatabihan ko at kakausapin siya—hindi, bubulungan pa. Kami lang talaga ang nagkakarinigan. Si Father Serrano ba ito? Alam kong sabay kaming nagdasal sa paring Hapon, kubli siya ng bentanilyang tabing. Ngunit iisa ang aming dinarasal. Pater Noster. Our Father. Ama Namin. Sa Nippongo, gayun din na nga iyon. Our Father who art in heaven, hallowed be Thy name. Gayun nga ba? Ama naming sumasalangit Ka, sambahin ang ngalan Mo. Ngayon, ngayon, Our Father who is in heaven, holy is your name. Gayun nga ba? Asiwa ako. Ngunit nagbabago ang panahon. Ngunit ang karanasan? Nagbabago? Ngunit sa aking sarili: ako ang nakikipagniig sa aking Diyos, sa likha kong Diyos—anumang wika, Ingles ko noong araw pa, sa Tagalog ko magpakailanman.

    Wala akong kasunod na mangungumpisal. Lumabas ang paring Nippongo ang salita. Singkit din siyang gaya ni Father Serrano. Halos magkasingkatawan sila. Nakaabito mangyari pa maputing-maputi nga lang. Hapong-Hapon. Ngunit iisa sila. Naiintindihan ni Father Ando (kinamayan niya ako, nagpakilala siya) ang aking dasal. Pater Noster, sabi niya. Our Father, sabi ko. Ama Namin, sabi ko pa. Intindido niya ang dasal ko. Sa isip ko, noon, ngayon, intindido ko ang dasal niya. Dinanas ko ang kanyang dasal, dinanas niya ang dasal ko; dinanas namin ang dasal ng Panginoon. Pater Noster/Our Father/Ama Namin. Iisa, isa ang karanasan namin.

    Kung nananalangin ka, sino nga ba ang kinakausap mo? O sa Tagalog o sa Hapon o sa Ingles o sa wika ng iyong rehiyon—o lumad ka o mestizo o taal o dayuhan o bulaga o anukaman—himalang naiintindihan ka. Pipi, bingi, naririnig, napakikinggan ng dinarasalan, anuman ang tawag sa kanya: Abba, Ala, Shaddai, Dios, Bathala Maykapal. A, Tao ka ngang manlilikha, nilikha mo rin ang Diyos, na kakaulayawin.

    Ikaw ang lumilikha ng iyong dasal. Subukin mo, Manlilikha. Kausapin mo ang Diyos. Likhain mo ang iyong Diyos: kaibigan, buddy, pare, kapatid, pinsan, katoto, mare? Mama? Papa? Bakit nga hindi? Ikaw na ang lilikha ng iyong Diyos. Kausapin mo ang sarili mong Diyos. Ibig sabihi’y kausapin mo ang iyong paniwala’y Diyos nga: Diyos mo.

    Halimbawa, magpasalamat ka.

    Aba Ama, salamat.

    God of my life, I welcome this new day. It is your gift to me. I thank you for the gift of being alive this moment.

    Kinausap ng isang ina sa tabi ng anak na lalaking tumanggap na ng huling sakramento; hinawakan ng ina ang isang kamay ng anak, at nagdasal siya, sa isip (sa guniguni ko ngayon) ay kasabay ang anak:

    Lord God, thank you for the gift of life. My God, I believe in you. I hope in you. I love you. I thank you for everything you have done and given me. I ask pardon for my sins and I pardon who have hurt me in my life.

    —(Rameses. PDI. 1991)

    Anong larawan ang gumuhit sa iyong balintataw? Ang Mag-ina? Nasa kandungan ng inang payapa ang mukha ng kamamatay na anak. Pieta? Naisip ko, nabasa ko, ang dugtong na panalangin ng inang ito: Salamat, Diyos ko, sa kabutihan Mo’t tinulutan siyang mamatay sa kabanalan at kaligayahan. Lumuluha ba ang ina? Mangyari pa. Ikaw na manlilikha, ikaw na may malikhaing panulat, ang magpa-aagos ng luha ng kaluwalhatian, ng kapayapaan, ng kaginhawahan.

    Anong Mag-ina pa rin ang nagugunita mo? Ang Madonna sa sabsaban. Ang Madonna sa Belen. Salamat sa Sanggol na ito sa araw ng pagsisilang ko sa Kanya, dasal-dalit ng Ina. At sa isang tanging sandal: Pieta muli. Isang tanging pagsisilang ang kinasalihan ng Inang nasa kandungan ang anak na namayapa. Tutunog ang mga kampana sa iyong gunita. Ang ikalawang pagsilang ng Kristo, ni Kristo. Ang ikalawang pagsisilang ng Ina sa anak!

    Manlilikha, manalangin ka, uli at uli. Halimbawa’y may daing, may himutok, may ligalig ang bayan. Pakinggan ang hiling-dalangin ng isang makatang Pasig: (Lacaba 1979: 28)

    Ang makatang Pasig, si Pete Lacaba, ay magpapasalamat muli. Pasasalamat sa wikang Pinoy ngayon. Maiisip mo, Manlilikha, na lalaging pasasalamat ang panalangin sa iyong Diyos.

    Salamat

    na lang at dito sa ginagalawan kong mundo

    ay mas maraming di hamak

    ang hindi ko kakilala at hindi kaano-ano

    kaysa kaibigan at kamag-anak.

    Ang hindi ko kaaano-ano ay

    hindi ko kailangang ipagbayad sa bus.

    Hindi kami kailangang mag-unahan sa pagbayad.

    Ang hindi ko kakilala ay

    hindi ko kailangang ngitian at tanungin:

    Ano’ng balita?

    At hindi niya ako kailangang sagutin ng

    Tumataba ka yata...

    xxxx

    Walang pakialam sa akin

    ang hindi ko kaano-ano at hindi ko kakilala.

    at wala akong pakialam sa kanila.

    xxxx

    Salamat (sa Diyos, ako na’ng bumabasa ang nagsasabi nito)

    na rin at mayroon akong mga kaibigan at kamag-anak.

    Mahirap maglakbay

    mula sinapupunan hanggang hukay

    na walang kasangga o kaagapay.

    Pero ito lang ang aking masasabi:

    hindi na ako magkakapanahong umibig at lumuha,

    hindi ko na magagawang umidlip at lumikha,

    ni hindi ko na makukuhang umihi sa mga bawal na tabi-tabi,

    kung maya’t maya at sa tuwi-tuwina’y

    kailangang magkipagkamay at makipagbeso-beso

    sa anim na bilyong tao sa mundo

    na hindi ko kailala at hindi kaano-ano.

    —(Lacaba, SIM, March 21,1999 : 2)

    Para sa isang babaeng nakakikilala sa lakas ng isang Malakas, isang Diyos, isang diyos (diyos-diyosan), anuman ang paniwala ng pinaghahandugan—may sariling anyo ang dasal, tinawag ng makatang ito, isang babae, na salamangkero. O hindi nga ba napagkakamalan ng nag-iisip nanagtatalong-diwa, na salamangka ang mahiya, ang himala, ang magic.

    Kumpisal, dasal, panalangin, ni Joi Barrios (1990: 138):

    Manlilikha, sarilinin mo ang iyong Diyos—anuman, sinuman, ito. Aawitan mo ang Diyos, na may pangalang sarili (at sa isip ko, ngayon sa sandaling ito, maaaring dumalaw sa mga nangaunang panahon, o sa panahong nag-angkin ng sari-sariling pangalan ang kinilalang Diyos. Eros. Apollo. Venus. Maghagilap ka sa kasaysayan, Manlilikha).

    Kinagat ko ang matabil na dila, sabi naman ni Pia

    (Arboleda, 1996: 33)

    Ayaw sambitin ang iyong pangalan.

    Kristal ang alaala

    nababasag ng buntong-hininga

    Kinimkim sa dibdib ang iyong larawan

    dahil kaybilis humulagpos ng panimdim.

    Banal ang lupang iyong sinayawan

    at gumagawa ng himala

    ang pagsambit ng iyong pangalan.

    Amen! Amen! Dugtong patapos. Aleluya! Aleluya! Kung palasimba ka sa Simbahang Katoliko, maririnig mo iyan. Malimit? (Sa isipan ko, naririnig kong paulit-ulit, ang Amen, Aleluya.) Minsan, makalawa, natapatan ng pisil ko sa remote control ng TV ang pamamahayag ni Brother Eli Soriano,Ang Dating Daan. May kasama siya, Brother Willie, Brother Mike ba, hindi ko totoong matandaan—ang natatandaan ko, at nauulit-ulit ko, Amen, Amen. At sasagi sa isip ko, ang paanyaya ng aming kura paroko, ni Father Fermin na palakpakan ang Diyos. Papalakpak kami. Kikislap ang iskrin sa isip ko: minsan, makalawa, narinig ko sa Dating Doon, amen, aleluya? Hawig: lipatpakahulugan, lipatkatuturan, lipattinig, lipattunog: lipatkaranasan, Alien! Alien! Pagsasanib ng amen at aleluya? Nakapangingilabot! Para sa iba, sa mga tagahanga ni Brod Pit at ng dalawang kasama niyon, nakatutuwa! Alien! Alien! Nanghahamon?

    Amen. Aleluya. Alien!

    Noong araw, noong panahon ng mga prayle, noong panahon ng mga nakilalang Pilipinong aral sa Kastila, kaya marunong ng Kastila ang mga nag-aral, ang mga ilustrado, gaya ni Rizal, ni Lopez Jaena, ni Marcelo del Pilar. Natutuhan na nilang bumuo ng kanilang pagkilala sa Diyos: may Diyos sila sa kanilang isip, puso, kalooban.

    Amen. Aleluya. Alien!

    Noon: Pater Noster. Ama Namin. Amain namin, sumasakumbento ka (May Diyos na makapangyarihan sa isipan ng filibustero.)

    malayo sa amin ang kasakiman mo, quitlin ang liig mo dito sa lupa para nang sa langit. Saulan mo cami ngayon nang aming kaming inarao-arao at patauanin mo cami sa iyong pagungal para nang taua mo kung cami nacucualtahan; at huag mo caming ipahintulot sa manunucso at iadya mo cami sa masama mong dila. Amen.

    (Medina 1972: 176)

    Isang panahong ipinadama ng pari, prayle, ang kapangyarihang inihabilin lamang sa kanya ng Diyos; at sa pananaw ng kanyang pinagbuhusan ng maling pananalig, may diyos na diniyos. Daing-dasal ng filibustero. (Ibid: 177)

    Aba po Santa Bariang Hari, inagao ng Fraile,

    ikaw ang kabuhayan at katamisan. Aba bunga nang aming pauis,

    icao ang pinagpaguran naming pinapanao na tauong Anac ni Eva,

    icao nga ang pinagbubuntunghiningahan namin sa aming

    pagtangis dito sa bayang pinakahapishapis. Ay aba pinacahahanap

    ca namin para aming mga anac, ilingon mo

    sa amin ang cara-i-cruz mo man lamang at saca bago matapos

    ang iyong kalansing, Santa Bariang ina nang deretsos, malakas

    at maalam matinig na guinto kaming ipanalangin mong huag

    mapatuloy sa amin ang manga banta nang Fraile.

    Amen.

    Alien! Alien!

    Sasambutin ng malikhaing kaisipan (ikaw ba, siya ba, tayo ba?) ang mapanudyo, mapangutyang dalangin ng filibustero—noon at ngayon, maaaring may ganito ngang dasal: lipatsalita, lipatkahulugan, lipatkaranasan: O tuloypakahulugan, tuloypasalita, tuloypakaranasan. Noong panahong sinisikap na magkamit ng kasarinlan ang mga Pilipino sa pananakop ng mga Kano, may dinasal si Jose Corazon de Jesus sa pagkatawan sa mga sakristan: (De Jesus 1984, 1995;140-141).

    (Noon, mga treinta, may sakit umano ang tatlong opisyal ng gobyernong Pilipino sa ilalim ng Kano: Guevara, Osmeña, Quezon. Dinig pa rin ninyo ang mga apelyido? Ang mga pangalan? Sa pagdinig sa Litanya ni Corazon de Jesus, baka sakaling marinig ninyo ang mga balita-batikos sa radyo, sa TV, ngayon. Baka sakali...)

    Palitan kaya ang mga pangalan ng opisyal noon ng sa ngayon?

    O hindi ba gagalaw ang iyong guniguni? O pagalawin ang tanaw sa kalendaryo ng panahon sa isip-tanggap ng suweldo, hindi nagtatrabaho. Maging konsultant ka kaya ng Pinakamataas na Puno? Magkano sambuwan? Beinte singko mil. Alien! Alien! O balik naman sa utak ang dasal-panawagan ni Father Fermin tuwing nasa misa ang aming parokya: Ipinalangin ang mga opisyal ng

    Enjoying the preview?
    Page 1 of 1