Discover millions of ebooks, audiobooks, and so much more with a free trial

Only $11.99/month after trial. Cancel anytime.

Aeternum Dream
Aeternum Dream
Aeternum Dream
Ebook404 pages4 hours

Aeternum Dream

Rating: 0 out of 5 stars

()

Read preview

About this ebook

"Sa tuwing ako ay gising,
Nakikita ko ang tunay na mundo.
Ngunit kapag ako ay tulog,
Nakikita ko ang kabilang panig nito.

Ikaw ay malapit,
Kahit na hindi kita nakikita.
Ikaw ay kasama ko,
Kahit na malayo ka sa akin.

Ang isang serye ng panaginip,
Ay ang ating pagkikilala.
Ito ay isang kahanga-hangang pag-iisip at pandama,
Na nag-uugnay sa atin."

- Daydreamer

LanguageTagalog
Release dateSep 25, 2018
ISBN9780463466681
Aeternum Dream
Author

Harkin Deximire

Harkin Deximire is an artist and a novelist. She was born in Manila, Philippines on October 3, 1997 to both Filipino parents. Her first book, "The Unexpected Journey" was published on February 2016 in Filipino Paperback Edition. She was The Winner of NaNoWriMo 2015.

Related to Aeternum Dream

Related ebooks

Reviews for Aeternum Dream

Rating: 0 out of 5 stars
0 ratings

0 ratings0 reviews

What did you think?

Tap to rate

Review must be at least 10 words

    Book preview

    Aeternum Dream - Harkin Deximire

    My name is Reverie Croeshal, a 12-year-old girl.

    I have pale skin and a big scar on the left side of my face.

    I live in a world full of people who judge me.

    I can feel the darkness growing inside of me

    And I feel so much smaller in everything.

    I live a sad life, but everyone sees me smiling.

    I fool them with my fake laughs.

    They all think I’m happy and fine.

    But they all cannot see,

    what’s really happening inside of me.

    I tried to be strong. I tried to hold it together.

    But I can still feel my world is falling apart.

    It still hurts me, and breaks me into pieces.

    I feel really bad for holding on to things that keep hurting me.

    I’m not strong enough to handle it, I can’t do this on my own.

    I feel like I’m slowly giving up.

    I feel like I can’t fight anymore.

    But I still choose not to quit.

    Because I’ve promised myself,

    To embrace all of my dreams and to never let them go.

    But I hope there’s somebody,

    That can wrap their arms around me.

    Embrace me with enough faith and make me feel whole again.

    I need someone to spend their life with me,

    Through good times and bad times.

    1: Cruelest World

    "I just want to be wanted in this world.

    I just want to feel that I belong."

    Reverie

    Alas-dyes ng umaga nung ako ay simulang magsulat ng kanta. Napatingin ako sa orasan na nakasabit sa dingding at hindi ko namalayan na alas dose na pala ng tanghali simula nung ako ay gumising ng alas syete ng umaga. Muli akong tumingin sa pinagsulatan kong stationery at muli akong nag-isip ng madudugtungan.

    Ngunit napaisip ako na hanggang dito na lang ang kanta. Sa tingin ko ay sapat na ito at hindi na kailangang pahabain pa.

    Hold me. mahinang sabi ko habang hawak-hawak ko ang lapis. Sinulat ko ito sa itaas ng aking kanta dahil ayun na rin ang naiisip kong pamagat para dito.

    Nilapag ko ng maayos ang lapis sa ibabaw ng stationery at kinuha ko naman mula sa aking bulsa ang aking music player. Binasa ko ang pamagat ng kantang pinapakinggan ko, ‘Fight’ ang nakasulat.

    Ganito ako, madalas akong makinig ng mga kantang magpapalakas ng loob sa akin. Dahil piling ko, ang mga kanta na lang yata ang makapagbibigay ng mga payo sa akin. ‘Yon bang… talagang nakakatulong ang nilalaman ng lyrics ng mga ito sa isang katulad ko na halos nawawalan na ng pag-asa.

    Minsan pa nga ay naiiyak na lang ako bigla sa isang tabi habang pinapakinggan ang mga kantang nauugnay sa aking buhay. Mabuti pa nga ang kanta ay nababahagi nila ang gusto nilang sabihin tapos samantalang ako, hindi. Pero sa kabila nu’n, natutuwa naman ako sa mga songwriters na nabubuhos nila mula sa lyrics ang mga gusto nilang sabihin. Dahil mula dito, parang nabubuhos na rin lahat ng sama ng loob ko dahil pareho lang naman kami ng gustong sabihin.

    Alam niyo, minsan napapaisip na lang ako na parang mas maganda pa yata magbigay ng payo ang mga kanta kaysa sa tao. Kung sa bagay, hindi ko pa naman kasi nasusubukang magsabi ng mga problema o ano pa sa kapwa kaya hindi ko alam kung ano ang pakiramdam na mismong tao na ang pumapayo sa ‘yo. Siguro mas maayos pa ‘yon.

    Pero hindi ko maintindihan sa sarili ko kung bakit hindi ko sinasabi sa kanila ang mga hinanakit ko. Siguro natatakot kasi ako sa magiging reaksyon nila at baka sisihin pa nila ako kung bakit ako nagkakaganito. Yung tipong mas sisirain ka pa nila kahit na alam naman nilang sirang-sira ka na sa loob-loob.

    Ayoko naman ng gano’ng payo na parang lalo lang ako nawawalan ng pag-asa. Ayokong nadadaan sa matataas na boses ang payo. Gusto ko mahinahon lang para kahit sa sarili ko, nagiging mahinahon rin ako sa mga problemang hinaharap ko.

    Kaya nang dahil sa musika, na-inspired ako na gumawa ng mga kanta pati na rin ang tula. Napaisip ako na tama lang na maging gawain ko ito dahil alam kong malaki ang maitutulong nito sa isang katulad kong walang lakas ng loob na i-express ang sarili sa mga tao o sa mundo. Nakakapagpaginhawa din naman ng pakiramdam kahit na sarili ko lang rin naman ang kausap at umiintindi. ‘Yon bang lahat ng pagod at sakripisyo mo, ikaw at ikaw lang din ang makikiramay sa sarili mo.

    Marami akong katanungan sa aking buhay. Palagi kong tinatanong ang aking sarili na ano bang meron sa akin para awayin o siraan ako ng mga tao? Dahil hanggang ngayon, hindi ko pa din alam ang sagot.

    Grade skipper student ako at ngayon ay 1st year high school na ako. Nag-aaral ako ngayon sa isang kilalang eskwelahan sa Calcoon City na ang Abaven High School. Ang mga nag-aaral nga dito ay may mga kaya lang sa buhay dahil sobrang mahal ng pagpapaaral dito.

    Pero hindi ako mayamang bata, hindi rin mahirap, kundi sakto lang at ang mayor sa lugar namin ang nagpapaaral sa akin dito. Nanibago nga ako nung una dahil nanggaling kasi ako sa hindi naman gano’ng kataasang eskwelahan. Lalo pa’t high school na ang Abaven, samantala yung eskwelahan na pinasukan ko noon sa probinsya ay 5th grade elementary level lang ako nu’n. Kaya nung una ayaw ko pa pumasok sa Abaven dahil natatakot ako. Pero nagbago din naman ang aking isip sa katagalan.

    Nung unang makapasok ako dito, maraming mga estudyante at guro na nagtinginan sa akin. Alam ko namang hindi ako kagandahang bata at palagi lang akong simple mag-ayos sa sarili. Hindi rin ako nakikisabay sa uso kaya hindi rin ako gano’ng kapormahan. Siguro nanibago sila dahil may ganitong nilalang pala sa campus nila na kung saan ako lang talaga ang naiibang itsura sa kanilang lahat.

    Pero ako, nginingitian ko lang sila at pinapakita ko sa kanila na hindi ko kinakahiya ang aking sarili sa lahat. Hindi naman sa yaman o sa ganda ng itsura ang basehan ng isang eskwelahan, kundi sa talino at galing.

    Nung umpisa, nice pa ang mga estudyanteng kilala ko ngayon. Mga naging kaibigan ko sila dahil interesado sila na alamin ang aking buhay ngunit naging mga kaaway ko na sila ngayon. Everything has turned around… hindi ko naman alam kung bakit.

    Hinuhusgahan na nila ako, sinisiraan, at pinag-uusapan pa ng kung anu-ano sa loob ng campus. Natuklasan ko na mga peke pala silang mga kaibigan dahil tinitira pala nila ako patalikod.

    Hindi ko alam kung ano ba ang nagawa kong mali kaya nagbago ang lahat. Pero sa tingin ko’y wala naman akong nagawang masama sa kanila. Sabi pa nga nila noon sa akin, parang isa daw akong anghel dahil napakabait ko daw.

    Alam ko naman mula sa aking sarili na wala namang nagbago sa akin. Ako pa rin ang anghel na nakilala nila noon. Mabait at masunurin pa rin naman akong bata. Anong naging problema do’n?

    Ngunit kahit papaano ay may mga natitira pa naman akong mabubuting kaibigan sa campus. Hindi ko nga lang sila palaging nakakasama at nakakausap dahil mga 3rd year na sila. Magkaiba kami ng room na pinapasukan at hindi pa palagi parehas ng schedule.

    Gayunpaman, sa kabila ng ganitong klaseng buhay na meron ako, lumalaban pa rin naman ako. Tutuloy pa rin ako sa anumang pagsubok na aking haharapin hangga’t kaya ko alang-ala lang sa aking mga pangarap.

    Pero sana… may sinumang tao pa rin na gusto akong pakinggan… yung makikinig sa sinisigaw ng puso ko! Siguro kaya hindi ako nagsasabi ng mga problema sa mga kaibigan ko o kahit kanino, dahil nawala na ang tiwala ko sa tao simula nung husgahan at siraan ako pagkatapos ko silang pagkatiwalaan.

    Kung ang kanta ay natutulungan ako, sana meron din dito sa mundo na muling manunumbalik ang pagtitiwala ko sa tao.

    Tumayo na ako mula sa upuan ng aking study table at tiningnan ko ang labas mula sa nakabukas kong bintana. Nakita’t pinagmasdan ko ang matataas na buildings na punong-puno ng mga billboards at may kung anu-ano pang mga litrato na pinapalabas sa large screens.

    Tumingin naman ako sa kalsada at nakita ko naman ang mabibilis na sasakyan. Sa sobrang bilis ay hindi na nga masundan ng mata ko ang mga ito dahil parang halos hangin na lang ang dumadaan sa malaki at malawak na kalsada. Ang iba pa nga dito ay lumilipad na para mas mapadali pa ang kanilang mga biyahe.

    Napabuntung-hininga ako and I rest my face on my palm habang pinagmamasdan ang buong paligid. Bigla na lang akong napaisip kung ano ba ang nagiging epekto nito sa aming kalikasan. Maganda nga ang mga ito sa aming mga tao ngunit maganda rin kaya sa mga hayop ang ganito?

    Kumusta na kaya ang mga isda na nahahaluan na ng langis ang kanilang karagatan mula sa milyon-milyong pabrika? Kumusta na kaya ang mga ibong masasayang nag-aawitan noon sa mga puno na ngayon ay paunti-unti nang nauubos? Ang hiling ko lang, sana kung nasigurado nila na ang modernization ang magiging sagot sa lahat para mapadali ang buhay… at kung mas sasaya ang tao sa modern life, sana ang mga hayop rin.

    Ngunit halos binabalita na lang araw-araw ang mga bagong gawang gusali sa iba’t-ibang parte ng bansa. Ang masama pa, tinayo nila ito sa sinira nilang kagubatan para lang magawa ito. Parang balak na yata nilang ubusin ang likas na yaman para lang makapagpatayo ng walang katapusang gusali. Parang pinapamukha nila sa akin na wala nang halaga ang kalikasan. Wake up people! Our world is full of wounds!

    Reverie! mariin akong kinalabit ng aking lola mula sa kaliwa kong balikat.

    Ah! nagulat ako. ‘Nay? napatingin ako mula sa aking likuran para tingnan siya.

    Ano ka na? Tulala ka na naman sa isang tabi! Halika na, kumain ka na! lumakad na siya at tumungo sa aming kusina.

    O-Opo.

    Mahilig ka talagang mag-isip, ano? wika niya habang kinukuha niya ang aking plato mula sa tabi ng lababo.

    Ay, ‘nay! Ako na po ang maghahain ng pagkain ko po. madali akong lumapit sa kanya. Kumain na nga po pala kayo? kinuha ko ang pagsandok para sa kanin.

    Tumingin siya sa akin at binigay niya ang aking plato habang ako naman ay papalapit sa kaldero na nakapatong sa lamesa.

    Tinapay lang ang kinain ko kanina.

    Gano’n po ba? Kumain na rin po kayo ngayon ng kanin. Sabay na po tayo. Maupo na po kayo rito. Ako na po ang bahala. nilapag ko sa aming lamesa ang aking plato pagkatapos ko itong sandukan ng kanin. Muli akong pumunta sa lababo para kunin naman ang kanyang plato.

    Salamat. umupo na siya sa upuan. Anong oras ka nga pala gumising?

    Alas-syete po. sagot ko habang ako ay pabalik na sa lamesa para sandukan na ng kanin ang hawak-hawak kong plato niya.

    Alas-syete pa?! gulat niyang sabi. Anong kinain mong almusal?! Hindi ka na naman ba kumain kahit tinapay?!

    Hindi kaagad ako nakasagot dahil alam kong papagalitan na naman niya ako. W-Wala po. mahinang sagot ko habang nagsasandok.

    Naku! Anong oras na oh! Halos ala-una na ng tanghali!

    Hindi pa po kasi ako nagugutom eh... Kaya---

    Huwag mong ugaliin ang ganyan, Reverie! Huwag na huwag kang magpapalipas ng gutom! Masama ‘yan sa kalusugan!

    Hindi na lang ako sumagot at nilagay ko na sa kanyang harapan ang plato niya.

    Kapag naulit pa ‘yan, sinasabi ko sa ‘yo, pipitikin ko na ‘yang tenga mo!

    Umupo na ako sa aking upuan. Ipagpaumanhin niyo po ako. Hinding-hindi na po ‘yon mauulit.

    Mahigit isang oras kami kumain ng aking lola. Sinabi ko na rin sa kanya na gaganapin na sa isang araw ang Recognition Day sa aming campus. Pero bukas, sasabihin pa lang sa section namin kung sino ang mapapabilang sa honor students ng 1st year level. Nasabik si lola at malakas ang kanyang kutob sa akin na ako ay mapapabilang.

    Niligpit ko na ang hapag-kainan. Hinugasan ko na rin ang aming plato pati na rin ang aming mga baso na ginamit.

    Biglang pumasok sa aking isip kung mapapabilang nga ba talaga ako sa honor students. Pero kung hindi, ayos lang rin sa akin. Dahil alam kong ginawa ko naman ang buong makakaya ko at hindi naman ako nagkulang sa lahat. Tatanggapin ko ang aking pagkatalo kung hindi man ako makakapasok sa honor students.

    Lumabas muna ako sa apartment ng aking lola.

    Nakikitira nga pala ako sa kanyang unit sapagkat malapit lang kasi dito ang aking eskwelahan.

    Tiningnan ko muli ang matataas na buildings at inamoy ko ang simoy ng hangin ng aming lungsod.

    Reverie!

    Napatingin ako sa tumawag sa akin. Steve?

    Medyo kinabahan ako nung makita ko siya sapagkat isa siya sa umaaway sa akin sa campus.

    Bumaba siya sa kanyang scooter na lumulutang sa daan. What’s on your mind, Daydreamer?

    Ahm… hanggang kailan na lang ang pasok natin?

    "Well, pagkatapos siguro ng Recognition Day natin."

    Ah, kailan naman kaya ang pasukan natin?

    "I don’t know! Bakit ako ang tinatanong mo?! Guro ba ako?!"

    Hindi na lang ako sumagot.

    "Alam mo, sabik na sabik na ako para bukas! Dahil umaasa ang buong pamilya ko na ako ay mapapabilang sa honor students! Sobrang magiging proud sila sa akin!"

    Masaya ako kung gano’n.

    "Sinabi ko kaagad sa kanila na ako ang first honor ng buong 1st year level! Dahil alam kong ako naman talaga ‘di ba?!"

    Nakatingin lang ako sa kanya at inoobserbahan ko lang ang kanyang pananalita.

    "Eh ikaw? Ano sa tingin mo ang magiging honor mo?"

    Nagkibit ako ng balikat. I don’t know. We’ll see.

    Hahaha! tawa niya. "Alam mo, huwag ka na lang siguro umasa dahil masasaktan ka lang! Malay mo wala ka naman palang honor! Eh ‘di iiyak ka pa!"

    Tahimik lang ako.

    Nilapit niya ang pagmumukha niya sa akin. "Ako ang abangan mo bukas. Dahil siguradong-sigurado ako sa mangyayari na ako lang ang magiging first honor niyo at wala nang iba pa." mahinang wika niya habang dinuduro-duro pa niya ang kanyang sarili.

    Okay. mahinang sabi ko rin. Then congratulations in advance. ngumiti ako ng kakaunti sa kanya.

    "Sabihin mo ‘yan ng harap-harapan sa akin bukas! Sa harap ng maraming-maraming tao! Pati sa ating mayor na nagpapaaral sa ‘yo!"

    Hindi na lang ako muli sumagot.

    "Paalam na sa ‘yo, Daydreamer! Hahaha!" sumakay na siya sa kanyang scooter at umalis na sa aking harapan.

    Hindi ko muna siya kaagad tiningnan sa aking likuran. Naisip ko lang muli ang kanyang mga sinabi.

    Alam mo, bilib ako sa mga taong ang hahangin magsalita. Kung masasabi ko lang sa kanila na mayabang sila ng harapan, nasabi ko na. Pero hindi kasi ako gano’ng tao na nakakapagsabi ng mga gano’ng salita na alam kong makakasakit lang ako ng damdamin.

    Ilang oras na ang lumipas at mag-gagabi na maya-maya. Nasa loob lang ako ng aking kwarto at gumuguhit lang ng isang medal sa aking papel habang nakikinig muli ng mga kanta sa aking music player. Hindi ako gano’ng magaling gumuhit pero gusto ko lang na i-drawing sa papel kung ano ang nilalaman ng aking isip ngayon.

    Ganito talaga akong bata. Madalas akong hindi nagsasalita. Kinikimkim at sinasarili ko lang talaga ang lahat. I think being a quiet person is better kaysa naman sa ibunyag mo pa sa publiko o sa iba’t ibang social media ang mga gusto mong sabihin kahit wala namang makakaintindi sa ‘yo. Share your feelings with friends or family instead and I think that’s the best solution. Pero ako? I can do this on my own naman kaya ayos lang ako diyan. Sanay na ako.

    Napatingin ako sa orasan. Alas sais y medya na pala at matutulog na pala ako maya-maya dahil maaga pa ako papasok bukas.

    Tumayo na ako at lumabas na muna ako sa aking kwarto. Pumunta ako sa aming kusina at nakita kong naglalaga si lola ng paborito niyang kamote habang nanonood ng balita sa aming telebisyon.

    Kumuha ako ng isang tinapay para sa aking hapunan at umupo ako sa upuan pagkatapos. Pinatong ko ang magkabila kong siko sa lamesa at sinimulan ko nang kainin ang aking tinapay na may palaman.

    Saglit lang at naubos ko kaagad ang tinapay. Tumayo na ako. "‘Nay, goodnight na lang po sa inyo. Matutulog na po ako."

    Tumingin siya sa akin. "O sige. Sleep well." ngumiti siya sa akin.

    Nginitian ko rin siya bago ako pumunta sa aking kwarto.

    Umupo muna ako sa aking kama at inayos ang aking unan. Humiga na ako sa aking kama ng nakatihaya pagkatapos. Nakatingin lang ako sa kisame at mukhang tulala na naman ako.

    Honor Students. sabi ko. Makakasama kaya ako do’n?

    Tinutop ko na sa aking dibdib ang magkabila kong kamay para magdasal. "Panginoon, kung anuman po ang magiging resulta bukas, tatanggapin ko po. Maraming salamat po at 2nd year na po ako sa susunod na pasukan."

    Sa gitna ng aking pagdadasal, bigla ko na lang muli naalala si Steve. "Panginoon, sana ‘wag niyo pong biguin si Steve bukas. Dahil umaasa siya at ang buong pamilya niya na makakakuha siya ng maraming-maraming medals. Ang hiling ko rin po ay sana hindi rin po siya mapapahiya bukas. Huwag niyo po siyang biguin panginoon. Dahil ayoko pong dumating sa punto na maiinis o magagalit ang kanyang pamilya dahil sa pagkabigo. Huwag niyo pong iparamdam ang gano’n kay Steve at sa buong pamilya niya, panginoon. Dahil alam ko po ang gano’ng pakiramdam kung sakali mang mangyari nga ang mga ito."

    2: Honor Students

    Nagising ako nang maramdaman ko ang kalamigan ng temperatura. Bumangon na ako at tiningnan ko muli ang orasan sa dingding. Alas tres y media pa lang pala at dapat ay alas singko pa ako dapat magigising sapagkat alas syete pa kasi ang simula ng klase sa Abaven. Nag-stretch ako at inayos ko na ang aking higaan pagkatapos.

    Nanaginip nga pala ako na ako daw ay napabilang nga sa honor students. Ngunit hindi sinabi kung pang-ilan ako. Ngunit nagtataka naman ako sapagkat galit na galit ang karamihan sa mga kaklase ko nang malaman nila ang resulta.

    Dahil bakit daw ba ako ang napili? Hindi naman daw ako deserving na mapabilang dito at dapat ang iba sa kanila na matatalino at sumasali pa sa mga contests ang mapapabilang.

    Hiyang-hiya daw ako sa aking sarili ngunit tahimik lang akong nakatingin sa kanila habang sila naman ay galit na galit na kinakausap ang aming guro. Pero grabe, minsan ako pa itong napapaisip kung paano sila magsalita sa mas nakakatanda sa kanila. Tama lang naman na ipaglaban ang dapat na ipaglaban pero sana naman yung respeto ay nando’n pa rin. Estudyante ka tapos guro sila na dapat pa ring respetuhin kahit anong mangyari. Kung may ipaglalaban ka, pwede mo naman itong idaan sa mahinahong usapan hindi ba?

    Kung sa bagay, iba-iba nga ang mga tao. Iba-iba ang kinalakihan. Iba-iba ang buhay. Hindi naman ako sila at hindi rin naman sila ako. Kaya kung ganyan sila at kung ganito naman ako, gano’n talaga. That’s how life goes.

    Lumabas na ako sa aking kwarto nang matapos ko nang ayusin ang aking higaan. Sinilip ko si lola sa kanyang kwarto at nakita kong mahimbing pa siyang natutulog.

    Napangiti ako at akala ko ay gising na siya. Dahil sa mga ganitong oras, alam kong gising na siya. Minsan pa nga, siya pa ang gumigising sa akin kapag nararamdaman niya na mahuhuli na ako sa klase. Tapos kapag ako ay nagising na, makikita ko pang nakahanda na sa lamesa ang pagkain na kakainin ko na lang. Nahihiya nga ako kapag ginagawa pa sa akin ‘yon ni lola. Dahil sa edad niyang pitumpung taong gulang na, dapat ako na ang gumagawa ng gano’n.

    Sobra-sobra nga akong nagpapasalamat sa panginoon sapagkat nagkaroon ako ng ganitong napakabait na lola. Minsan nakakatakot rin siya dahil masungit at mahigpit. Pero sa kabila nu’n, alam ko namang para sa ikabubuti ko rin naman ‘yon.

    Pumunta na ako sa kusina. Nagtimpla ako ng mainit na gatas sa aking baso. Pagkatapos nito, kumuha naman ako ng isang tinapay para sa aking almusal.

    Mabilis kong inubos ang aking pagkain at sabay diretso naman ako sa banyo para maligo.

    Pagkatapos kong maligo, muli akong bumalik sa kwarto’t nasa harapan naman ako ng stand mirror. Nakasuot na ako ng uniform at inaayos ko na lang ang aking collar at ribbon. Tiningnan ko ang aking pagmumukha at hindi ko sinasadyang mahahawi ko ang mahaba kong bangs na nakatakip sa aking kaliwang mukha.

    Natigilan ako nang makita ko muli ang burned scar na tinatago ko sa mukha. Wala pang sinuman ang nakakaalam at nakakita na ng aking peklat kundi sina lola at ang tatay ko pa lang.

    Nilapit ko ang aking pagmumukha sa salamin at tiningnan ko ang malaki kong peklat kung may pagbabago ba at baka mawala pa ito sa akin. Ngunit wala akong nakitang pagbabago at talagang habangbuhay ko na ito dala-dala. Nakapikit na ang kaliwa kong mata sapagkat naapektuhan rin kasi ito ng apoy. Ang malungkot pa, ang kanang mata na lang ang nakakakita sa akin.

    Lumayo na ako sa salamin at sinuklay ko na ang mahaba kong bangs. Muli ko itong tinakpan sa aking kaliwang mukha para matakpan na muli ang tinatago kong peklat.

    Napabuntung-hininga na lang ako habang iniisip ang ala-ala ng burned scar ko na ito. Walong taong gulang pa lang kasi ako nu’n nung may nailigtas na akong sanggol sa isang bahay na nasusunog. Sobra kasi akong naaawa sa isang nanay na humahagulgol sa mga tao para iligtas ang naiwan niyang anak sa loob ng kwarto.

    Natataranta na rin ang mga tao nu’n habang inaantay rin nila ang mga bumbero na dumating. Ngunit mukhang malayo-layo pa ang panggagalingan nila kaya medyo matatagalan pa ang pagdating nila.

    Ngunit ako, hindi ko na naantay ang tinawagan nilang bumbero at bigla na lang akong pumasok sa loob ng nasusunog na bahay para mailigtas ko na ang umiiyak na sanggol.

    Naririnig ko ang hiyawan ng mga tao nung ako ay makapasok sa loob. Naririnig at nararamdaman ko sila na parang mapapasabak pa sila na pumasok sa loob nang dahil sa akin.

    Pero ang isip ko nu’n ay nasa sanggol lang. Siya ang main goal ko that day na dapat ako ay magtagumpay. Sa kabila nu’n, nagtagumpay nga naman ako.

    Ngunit ayun nga... nasunog nga lang ang kaliwang mukha ko dahil sa isang bagay na sumabog at saktong tumama pa ito sa aking kaliwang mukha.

    Pero nailigtas ko ang sanggol. Umiiyak pa nga rin siya nu’n habang buhat-buhat ko siya sa magkabila kong braso nung makalabas ako sa bahay. Dinala kaming pareho sa isang malapit na hospital at mabuti na lang ay ayos naman ang naging resulta namin.

    Apo? tawag muli ng aking lola.

    Nagulat ako. Ay ‘nay! napatingin ako sa kanya. Gising na po pala kayo!

    Nakakunot pa ang kanyang noo at medyo magulo pa ang kanyang buhok. Halatang kakagising pa lang niya. Akala ko nakaalis ka na. lumapit siya sa akin at inayos ang ipit kong ribbon sa buhok. Nakakain ka na ba?

    Opo. sagot ko. May tinapay at gatas na nga po pala akong hinanda sa lamesa ‘nay. Para po ‘yon sa inyo.

    Natawa siya ng kakaunti. Ikaw talaga Reverie! Napakabait mo talagang apo, ano? at inamoy niya pa ang aking buhok. Hmmm! Ang bango-bango mo!

    Parang ikaw lang po. ngumiti ako sa kanya. Aalis na po ako.

    Ay, gano’n ba? Ihahatid pa ba kita?

    Ay hindi na po! mabilis akong umiling. Kahit ako na lang po!

    Natawa muli siya ng kakaunti. Gano’n ba? O sige, mag-iingat ka ha?

    Tumango ako. Opo. nakangiting sagot ko.

    Lumabas na kami ni lola sa aking kwarto. Tinuro ko pa sa kanya kung saan banda sa lamesa ko

    Enjoying the preview?
    Page 1 of 1