Discover millions of ebooks, audiobooks, and so much more with a free trial

Only $11.99/month after trial. Cancel anytime.

Anodos at Ang Gintong Susi
Anodos at Ang Gintong Susi
Anodos at Ang Gintong Susi
Ebook61 pages54 minutes

Anodos at Ang Gintong Susi

Rating: 0 out of 5 stars

()

Read preview

About this ebook

Ang dalawang istorya na ito ni George MacDonald ay parehong tungkol sa pagkikita ng dalawang tao sa gitna ng takot at kaguluhan ng buhay, sa kanilang pagiging magkasama kahit sandali lamang, at ng kanilang hinihintay na pagkikita sa pagtatapos ng kanilang mahabang paglalakbay. Si MacDonald ay ang manunulat na siyang naging inspirasyon ng iba pang tanyag na manunulat kagaya ni C.S. Lewis, J.R.R. Tolkien, at G.K. Chesterton.

LanguageTagalog
PublisherJ. Deytiquez
Release dateFeb 19, 2022
ISBN9781005302214
Anodos at Ang Gintong Susi
Author

J. Deytiquez

I grew up in a sleepy town in the midst of the vast expanse of rice fields in Luzon, Philippines. Though inspired mainly by the simplicity of nature of my hometown, to read and to write, I am also inspired by my experiences in the cold and rainy mountain city of Baguio.

Related to Anodos at Ang Gintong Susi

Related ebooks

Reviews for Anodos at Ang Gintong Susi

Rating: 0 out of 5 stars
0 ratings

0 ratings0 reviews

What did you think?

Tap to rate

Review must be at least 10 words

    Book preview

    Anodos at Ang Gintong Susi - J. Deytiquez

    Malalaking mga patak ng ulan ang nagsimulang pumatak sa mga dahon. Nagsimulang bumulong ang kulog, at pagkatapos ay umatungal sa kalayuan. Nagpatuloy ako sa pagtakbo. Lumakas ang buhos ng ulan. Sa katagalan ang makakapal na mga dahon ay hindi na ito kinaya; at, kapara ng pangalawang langit, ay binuhos ang kanilang rumaragasang tubig sa lupa. Mayroon akong malabong pag-asa na kapag natawid ko itong sapang ito, ako ay magiging ligtas na mula sa humahabol sa akin; ngunit kaagad kong napagtanto na ang aking pag-asa ay kasing hindi totoo ng pagiging malabo nito. Tumakbo ako patawid sa sapa, umakyat sa isang papataas na lupa, at narating ang isa pang kapatagan, kung saan ang nakatayo lamang ay malalaking mga puno. Patawid sa kanila dinederekta ko ang aking mga hakbang, tinutumbok ang silangan hanggang sa makakaya ko, pero hindi talaga ako sigurado kung ako ba ay hindi patungo sa kabilang direksyon. Ang aking isipan ay nakakabawi pa lamang nang kaunti mula sa sukdulang takot, nang, biglaang, isang kidlat, o isang bukal ng sunod-sunod na mga pagsabog ng liwanag, mula sa likod ko, ang tila ba ang siyang naging tanglaw sa lupa sa harap ko, ngunit pinakita rin sa akin na kasama nito hanggang sa maabot nito, nang mas malabo kaysa dati, ang anino ng parehong nakakatakot na kamay. Lumundag ako paabante, mas binilisan pa: ngunit hindi pa ako nakakatakbo nang maraming mga hakbang bago ako madulas, at, sa pagsubok na tumayo na nauwi sa pagkabigo, natumba ako sa paanan ng isa sa mga malalaking puno. Halos tuliro, inangat ko ang sarili ko, at muntik lumingon nang hindi sinasadya sa aking likuran. Ang nakita ko lamang ay ang kamay na tatlong talampakan na lamang mula sa aking mukha. Ngunit, sa parehong sandali, naramdaman ko ang dalawang malalaki at malambot na mga braso na yumakap sa akin mula sa aking likuran; at isang boses kapara ng isang babae ang nagsalita: Huwag kang matakot sa duwende; hindi na niya susubuking saktan ka ngayon. Sa sandaling iyon, ang kamay ay biglaang umatras na para bang nadarang sa apoy, at naglaho sa kadiliman at sa ulan. Naguumapaw ang pinaghalong takot at kaligayahan, ako ay nakahilata nang ilang sandali na halos walang malay. Ang unang bagay na naalala ko ay ang tunog ng isang boses sa ibabaw ko, puno at mahina, at kakatwang pinapaalala sa akin ang tunog ng isang banayad na hangin na humahaplos sa mga dahon ng isang malaking puno ng beech. Binulong nito nang paulit-ulit: Puwede ko siyang mahalin, puwede ko siyang mahalin; dahil siya ay isang lalake, at ako ay isa lamang puno ng beech. Napagalaman ko na ako ay nakaupo sa lupa, nakahilig sa isang porma ng tao, at sinusuportahan ng mga braso na niyayakap ako, na siyang alam ko na pagmamay-ari ng isang babae na siguro ay mas malaki pa sa normal na laki ng tao, at malaki ang proporsyon. Lumingon ako, ngunit hindi iginalaw ang aking katawan, dahil natatakot akong maalis ang pagkakayakap sa akin; at malinaw, at tila ba malungkot na mga mata ang natagpuan ng sa akin. Para sa akin iyon ang impresyon nila; ngunit kaya ko lamang makakita ng napakaliit na kulay o hubog habang kami ay nakaupo sa isang madilim at maulan na anino ng puno. Ang mukha ay tila ba napakakaibig-ibig, at tahimik sa pagkabanayad nito; na may aspeto ng isa na siyang halos kontento, ngunit may hinihintay na isang bagay. Nakita ko na ang hula ko na binuo ko mula sa kanyang mga braso ay tama: siya ay mas malaki pa sa normal na laki ng isang tao sa kabuuan, pero hindi gaanong kalaki.

    Bakit mo tinatawag ang iyong sarili na isang puno ng beech? sabi ko.

    Dahil isa akong ganon, sagot niya, sa parehong mahina, musikal, at pabulong na boses.

    Ikaw ay isang babae, balik ko.

    Sa tingin mo? Talaga bang mukha akong isang babae?

    Ikaw ay isang napakagandang babae. Posible bang hindi mo alam ito?

    "Sobra akong natutuwa na iyan ang naiisip mo. Paminsan-minsan pakiramdam ko ay isa akong babae. Ngayong gabi pakiramdam ko ay babae ako—at palagi kapag ang ulan ay tumutulo mula sa aking mga buhok. Dahil may isang lumang propesiya sa aming kakahuyan na isang araw ay lahat kami ay magiging mga lalake at babae kagaya niyo. Narinig niyo na ba ang tungkol dito mula sa iyong rehiyon? Magiging napakasaya ko ba kapag ako ay isang babae na? Natatakot ako na hindi, dahil palaging sa mga gabing kagaya nito na pakiramdam ko ay isa akong babae. Pero gayon pa man ay inaasam ko pa rin

    Enjoying the preview?
    Page 1 of 1