Discover millions of ebooks, audiobooks, and so much more with a free trial

Only $11.99/month after trial. Cancel anytime.

Connect the Dots: O Kung Paano ko Kinulayan ang Aking Buhay
Connect the Dots: O Kung Paano ko Kinulayan ang Aking Buhay
Connect the Dots: O Kung Paano ko Kinulayan ang Aking Buhay
Ebook232 pages2 hours

Connect the Dots: O Kung Paano ko Kinulayan ang Aking Buhay

Rating: 0 out of 5 stars

()

Read preview

About this ebook

“May mga pangyayari sa buhay na mahirap husgahan. Sa tingin ko, ang higit na mahalaga ay ang masunod ng isang tao ang kaniyang gusto sa buhay. Minsan lang tayo dadaan sa mundong ito. Paano kung ang minsang pagdaan mo sa mundo ay di ka pa naging masaya?”


—hango sa “Hanggang Kailan ang Habambuhay”

LanguageTagalog
Release dateOct 2, 2017
ISBN9789712730429
Connect the Dots: O Kung Paano ko Kinulayan ang Aking Buhay

Related to Connect the Dots

Related ebooks

Reviews for Connect the Dots

Rating: 0 out of 5 stars
0 ratings

0 ratings0 reviews

What did you think?

Tap to rate

Review must be at least 10 words

    Book preview

    Connect the Dots - Genaro R. Gojo Cruz

    manunulat

    Connect the Dots

    o kung paano ko kinulayan ang aking buhay

    GENARO R. GOJO CRUZ

    Connect the Dots, o kung paano ko kinulayan ang aking buhay

    ni Genaro R. Gojo Cruz

    Karapatang-ari sa digital edition © 2014 nina

    Genaro R. Gojo Cruz at Anvil Publishing, Inc.

    Reserbado ang lahat ng karapatan kasama na ang karapatan

    sa reproduksiyon at paggamit sa anumang anyo at paraan

    maliban kung may nakasulat na pahintulot mula sa may

    hawak ng karapatang-ari.

    Inilimbag at ipinamamahagi ng

    ANVIL PUBLISHING, INC.

    7th Floor Quad Alpha Centrum Building

    125 Pioneer Street, Mandaluyong City

    1550 Philippines

    Trunk lines: (+632) 477-4752, 477-4755 to 57

    Sales and Marketing: marketing@anvilpublishing.com

    Fax No.: (+632) 747-1622

    www.anvilpublishing.com

    Disenyo ng aklat nina Edward Pimentel at Joshene Bersales

    Larawang Pastol sa pabalat ni Anthony Palomo

    Mga larawan ni Genaro R. Gojo Cruz

    ISBN 9789712730429 (e-book)

    Version 1.0.1

    Nilalaman

    Kung Bakit Problema Ko ang Pagsulat ng Introduksiyon na Ito

    NAPAKALAKING PROBLEMA PARA SA akin ang pagsulat ng introduksiyon na ito. Kung puwede nga lamang takasan ang pakiusap ni Gene.

    Nakahihiya namang tumanggi, lalo pa nga ba’t ang sabi niya ay ako lamang ang hiningan niya ng pabor na magsulat ng introduksiyon para sa librong ito na siyang kauna-unahan niyang libro ng mga sanaysay. At kahit pa marami na ang kaniyang nasulat na mga librong pambata (at marami na rin ang kaniyang mga gantimpala bilang manunulat ng mga akdang pambata), ang librong ito ng kaniyang mga tinipong sanaysay ay para na sa mga mambabasang mas nakatatanda. Paano ako makatatanggi sa sinabi pa niyang basta ako na raw agad ang pumasok sa isip niya na susulat ng introduksiyon, wala nang iba pa!

    Sa paliwanag na rin niya sa malaking pagtataka ko kung bakit nagawaran ako ng ganitong espesyal na gawain at pagpapahalaga: Estudyante ko siya noon (graduate class), at pinasulat ko siya ng isang sanaysay. Ang tanda ko sa panimulang aktibidad sa klase na iyon ay ang pagbabalik sa pinakaunang gunitang magagawa mong balikan kung kailan bigla ka na lamang naging malay na malay na gandang-ganda ka sa ganito o ganyang bagay—karanasang hatid na rin ng isa o kombinasyon ng ating mga pandama o senses. Mula ganda patungong estetika.

    Ang nasabing sanaysay, ayon kay Gene, ay humila sa kaniya na uriratin at uriratin pa ang kaniyang mga alaala. Gumawa pa siya ng sariling blog para madisiplina ang sarili sa pagsulat ng kaniyang mga sanaysay-gunita.

    Dagdag pang tuwing magkakasalubong kami (may kaniya-kaniya kaming sirkulo) ay binabanggit ko sa kaniya ang ilang sanaysay niya. (Hindi ko nababasa ang blog niya. Ugali lamang ni Gene na mag-post ng kaniyang sanaysay sa aming e-group, ito ay sa panahong magkasama pa kami sa parehong departamento). Sinasabi ko raw sa kaniya, Sumulat at sumulat ka pa. Saka mo ilathala bilang libro.

    Napakalaking problema para sa akin na magsulat ng introduksiyon para sa librong ito. Hindi kailangan ng isang mahusay na manunulat na irekomenda siya ng iba. Ang mismong mga akda niya ang magsasalita para sa kaniya.

    Ang magagawa ko lamang ay ibahagi ang karanasan ko nang ipabasa sa akin ni Gene ang buong manuskrito para na rin sa gagawin kong introduksiyon. Napakalakas ng dating ng nilalaman ng bawat sanaysay, lalo pa nga ba ang mga tungkol sa karanasan ng isang musmos na ang kawalang-malay ay saklot-saklot ng (1) di-mawawaang ugnayan sa loob ng isang pamilya/pamilya at ng (2) kahirapan.

    Sa paglaki ng musmos na si Gene at sa loob din ng kaniyang mas malawak nang mundo, kahanga-hanga ang kaniyang determinasyong tulungan at itaguyod ang sarili. Angkop na angkop kay Gene ang sa Ingles na self-driven at success story.

    Maraming sanaysay niya ang nagpaiyak sa akin. Pero sa dulo at sa pangkalahatan ay ang paghanga sa kaniyang tatag at determinasyong malampasan at mapagtagumpayan ang lahat ng hamon sa kaniyang paglalakbay. Higit sa lahat, ang bukas na pananaw niya sa buhay, kasama na silang sadya man o disadya ay naging sanhi ng mga baku-bako sa kaniyang daanan. Higit sa lahat, ang pagpapahalaga niya sa mga ordinaryong taong kailangang kumayod at kumayod para mabuhay—dahil siya man mismo noon ay sila.

    Sa halip na iwan ang sa Ingles ay karaniwan nang tawaging mga unfinished business natin sa kaniya-kaniyang buhay, ang naging personal na estratehiya ni Gene ay mag-connect the dots. Higit pa ito sa pagkompronta nang mata-sa-mata at nang ngipin-sa-ngipin dahil ang pag-connect the dots ay isang mapangahas at matapang na pagdudugtong-dugtong upang mas malawak at mas malalim pa niyang maunawaan ang direksiyon at esensiya ng kaniyang buhay sa mundong ibabaw.

    Laging handa ang mulagat na mga mata ni Gene sa paghahanap ng mga tuldok na mapag-uugnay-ugnay. Ayaw niya ng mga unfinished business. Mas gusto niyang makita ang isang kabuuang siya mismo ay naging aktibong kalahok sa pagbuo at pagtapos. Kaya naman si Gene ay mabunga bilang isang indibidwal at bilang manunulat.

    Ayoko nang problemahin pa ang pagsulat ng introduksiyon na ito. Basta sasabihin ko na lamang na tatak ng panulat ni Gene ang tila walang kahirap-hirap na pagsulat (effortless writing)—tila basta nagkukuwento lamang siya. At diyan niya tayo namadyik dahil siya ay isang manunulat na mahusay mag-connect the dots ng nilalaman, wika, teknika at estilo.

    Hindi ko ugaling mambola. Nang isauli ko ang manuskrito kay Gene, sabi ko, sa kalidad ay puwedeng-puwedeng makasali sa isang kilalang taunang parangal para sa mahuhusay na libro.

    At dahil wala naman ako sa posisyon para magkaloob ng ganyang award-award, matapat na sinabi ko kay Gene, Basta sa akin, manalo ka man o hindi sa parangal na iyon, winner na ang librong ito!

    Hindi ko pa nga nagagawa ang introduksiyon ay naipamalita ko na nga sa iba ang lalabas na libro ng mga sanaysay ni Genaro Gojo Cruz. Abangan nila dahil mahusay, maganda!

    Fanny A. Garcia

    Quezon City

    Pebrero 11, 2014

    Paunang Salita

    PABORITO KONG GAWIN NOONG bata ang connect the dots na makikita sa mga coloring book. Bukod sa pagsasanay sa pagbilang, gustong-gusto kong makita na ang mga tuldok ay napagdudugtong-dugtong ko sa pamamagitan ng mga linya o guhit. Kahit sa isang tingin pa lang na alam ko nang palaka o palasyo ang mabubuo, gustong-gusto kong sorpresahin ang sarili sa makikitang kompleto at buong larawan. Natutuwa ako dahil alam kong may partisipasyon ako sa pagbuo ng larawan. Kung di dahil sa akin, walang mabubuong palaka o palasyo sa pahina. Siyempre kasunod nito, kukulayan ko ang nabuong larawan.

    Sa pagsulat ko ng mga sanaysay sa koleksiyong ito, para akong bumalik sa aking paboritong gawin noong bata. Bawat karanasan na aking isinulat ay tulad ng maiitim na tuldok na may numero. Bawat itim na tuldok ay nagtataglay ng masaya at malungkot na kuwento.

    May mga sanaysay sa kalipunang ito na kay dali kong naisulat dahil masaya at kipkip ng aking puso hanggang ngayon. Mayroon din namang nahirapan akong isulat dahil pinilit ko na itong ibaon sa lupa at kalimutan. Natakot akong alalahaning muli ang pakiramdam nang maiwan o mapabayaan ng aking mga magulang at kapatid. Natakot akong balikan ang matinik na daan. Ayokong maramdaman muli ang galit o tampo sa mga taong akala ko noon ay wala man lang ni katiting na pagmamahal o malasakit sa akin bilang bata. Pero sinikap kong alalahanin at isulat ang lahat-lahat, masaya man o malungkot dahil ito ang kabuuan ng aking larawan bilang bata. Di ako magiging buo kung ang masasayang bahagi lang ng aking karanasan ang isusulat ko. Naniniwala akong higit na naging masaya at makulay ang mga karanasan ng isang tao kung siya’y dumaan din sa matitindi at masasakit na yugto sa buhay.

    Tulad ng connect the dots, ang isang tuldok ay kaugnay ng iba pang tuldok. Hinding-hindi mabubuo ang larawan kung may tuldok na lalaktawan, tiyak na ibang larawan ang lalabas. Ganito ko ring isinulat ang mga sanaysay. Sinikap kong baybayin ang mga daang masusukal sa gunita upang maisulat ko ito sa pahina. Bawat tuldok ay tila mga muhon o panandang bato ng karanasang namahay nang matagal sa aking gunita. May mga pagkakataon ding muli kong binabanggit ang ilang mga detalye dahil kaugnay ito ng isa pang karanasan. Sinikap ko ring isulat ang marami sa mga sanaysay sa pananaw ko bilang bata. Kung nabigyan siguro ako ng kaluwagang magsalita o maglahad ng nararamdaman noon, tiyak na nasa mga sanaysay na ito ang aking sasabihin. May mga sanaysay ring iniyakan ko pagkatapos na maisulat. Para akong batang nagpapahid ng sariling luha.

    Malaki ang naging kontribusyon ng blogging sa pagkakabuo ng koleksiyong ito. Matapos kong maisulat ang Talbos bilang final requirement sa klase ni Dr. Fanny A. Garcia noong nag-aaral ako ng masters degree, gumawa at nagbukas ako ng blog. Ang dami ko pa kasing gustong ikuwento na di ko nasabi sa Talbos. Dahil sa blogging, higit akong naging masipag sa pagsusulat. Di kompleto ang araw kung wala akong naipo-post na anumang sulatin sa aking blog. Laking pasasalamat ko kay Dr. Fanny dahil siya ang naging instrumento upang sumubok akong magsulat ng mga personal na sanaysay. Lagi niya akong pinaaalalahanan na kailangan ko na itong tapusin at maisaaklat.

    Sa iyo na may hawak ng aklat na ito, maraming salamat! Nabubuo ako bilang manunulat dahil sa mambabasang tulad mo.

    Ipinauuna ko na ang aking pasasalamat sa iyong pakikinig sa batang kay daming kuwento.

    Salamat sa iyong pagsama sa aking paglalakbay upang mapagdugtong ang mga tuldok. Sana’y samahan at tulungan mo akong kulayan ang nabuo kong larawan.

    Isang masayang pagbabasa!

    Genaro R. Gojo Cruz

    29 Mayo 2012

    Ampon

    HANDA NA RAW ANG LAHAT—magara at mamahaling kuna, isang latang gatas, mga lampin at iba pang kailangan ng isang bagong panganak na sanggol. Higit sa lahat, naibigay na rin ang magiging pangalan ng sanggol na galing mismo sa pangalan ng aampon, GENARO. Ito ang kuwento sa akin ni Nanay noon.

    Bago pa man ako isilang ni Nanay ay nakatakda na akong ipaampon sa isang may-kayang pamilya sa Balut, Tondo. Siguro’y sobra na talaga ang problemang naidulot ko sa aking ina habang ako’y nasa kaniyang sinapupunan—ang hirap na pinasan niya at ang kahihiyang di ako matanggap ng aking Tatay bilang pang-siyam nilang anak. Ngayon, nauunawaan ko ang dahilan ng balak na pagpapaampon sa akin ni Nanay. Gusto niyang maipaampon ako dahil isang may-kayang pamilya naman ang aking kalalakihan at tiyak na isang magandang buhay rin ang nag-aabang sa akin na di niya maipagkakaloob nang mag-isa. Isa pa, ako ang muhong nagwakas at sumira sa aming pamilya.

    Pero di natuloy ang balak na pagpapaampon sa akin dahil dumating ang panganay kong kapatid na babae sa ospital, si Ate Perla. Di pumayag ang aking Ate na mapasa-ibang kamay ako. Dahil dito, naunsyami ang magandang buhay na nakaabang sa akin at ang pumalit ay ito—nakitira kami ng aking ina sa mga kapatid kong may-asawa. Palipat-lipat, kung saan puwede at di gaanong nakabibigat habang ang aking Tatay naman ay nasa aming lumang bahay sa Bulacan kasama ng ibang mga kapatid kong wala pang asawa. Matigas pa rin ang loob ni Tatay. Hinding-hindi niya ako matanggap bilang anak kahit pa nababanggit ako sa kaniya ni Ate na nag-aaral na ako at lumalaking kamukhang-kamukha ng aking mga kapatid.

    Naisipang umuwi ni Nanay sa Bulacan pero di sa aming lumang bahay, kundi sa isang tahian ng mga damit-pambata na kaniyang pinapasukan dati kay Aling Conching. Doon nagkaroon siya ng isang munting kuwarto. Inatupag niya ang pananahi. Malapit lang ang tahian sa aming lumang bahay kaya ang iba kong kapatid na babae ay nakapupunta roon. Minsan, sinusundo nila ako upang dalhin sa aming lumang bahay.

    Sa mga panahong iyon, naranasan kong idaan ng aking dalawang kapatid na babae sa bintana. Akala ko noon, bahagi pa rin ito ng aming paglalaro. Akala ko, ito ang premyo nila sa akin. Hanggang ngayon, damang-dama ko pa rin ang lula at kaba habang idinadaan nila ako sa bintana. Agad naman nila akong iuuwi sa tahian. Dahil dito, inaabangan kong lagi ang pagdating ng hapon, ang pagsundo sa akin ng dalawa kong kapatid na babae upang maglaro sa aming lumang bahay.

    Pero mga Grade 4 ako nang malaman ko ang tunay na dahilan ng pagpapadaan nila sa akin sa bintana. Di pala ito bahagi ng aming paglalaro at lalong di isang premyo kapag nananalo. Isang paraan ito ng kanilang pagtatago sa akin kapag aksidenteng dumating ang aking Tatay matapos magmaneho ng pampasaherong dyip.

    Naisip ko, kung natuloy kayang ipaampon ako ni Nanay sa nagngangalan ding GENARO na taga-Balut, Tondo, maging manunulat din kaya ako? Siguro hindi. Marahil, nauubos ang oras ko ngayon sa paghahanap ng aking tunay na pamilya at sarili tulad ng mga napapanood sa mga pelikula kapag natutuklasan nilang ampon sila. Siguro ay isa akong rebelde na galit na galit sa sarili, sa aking pamilya at sa mundo.

    Laking pasasalamat ko ngayon dahil kilala ko ang aking sarili, ang pinag-ugatan ko at ang tunay kong pamilya.

    Salamat kay Ate Perla sa kaniyang matinding paninindigang huwag akong maipaampon, kahit pa siya ay buntis din noon at kahit maging dalawang bata pa ang kaniyang alagaan. Salamat sa aking mga kapatid—Kuya Puti at Kuya Itim, Kuya Ruben, Ate Charito, Ate Rowena at Ate Sally, Kuya Tuan, sa makukulay na alaala ng aking kamusmusan. Salamat sa aking walang kasinggandang Nanay, Dominga Ruiz. Salamat kay Tatay, Tomas

    Enjoying the preview?
    Page 1 of 1