Discover millions of ebooks, audiobooks, and so much more with a free trial

Only $11.99/month after trial. Cancel anytime.

EDSA 1986: Iladong Rebolusyon
EDSA 1986: Iladong Rebolusyon
EDSA 1986: Iladong Rebolusyon
Ebook169 pages1 hour

EDSA 1986: Iladong Rebolusyon

Rating: 2.5 out of 5 stars

2.5/5

()

Read preview

About this ebook

Pebrero, 1986 nang inaakalang natagpuan

Ang cornucopia ng biyaya na dulot ni Pan;

Ito pala ay ang higit na kamalasan –

Ang baul ni Pandora ang siyang nabuksan!

LanguageTagalog
Release dateJul 8, 2017
ISBN9781370784745
EDSA 1986: Iladong Rebolusyon

Related to EDSA 1986

Related ebooks

Related categories

Reviews for EDSA 1986

Rating: 2.6666666666666665 out of 5 stars
2.5/5

3 ratings0 reviews

What did you think?

Tap to rate

Review must be at least 10 words

    Book preview

    EDSA 1986 - Gene Laurenciano

    152

    EDSA 1986:

    Iladong

    Rebolusyon

    Gene Laurenciano

    Para sa mga bayaning

    hindi kinilala

    at sa

    bayan na nalinlang.

    Unang Yugto

    Kabanata - 1

    Pebrero, 1986

    (1)

    Mariin ang pagkakabuhol ng mga brasong nagdugtong

    Mapangahas ang paninidigan na ang laya ay isulong,

    Nagbabagang mga banta ng tingga ay hinahamon

    O buga man ng bakal na halimaw na may kanyon.

    (2)

    Nilingon ni Berto ang kanyang kaliwa,

    Ngayon lang napansin dilag na ka-tanikala,

    Mukha’y matigas, walang bahid ng aligaga,

    Handang mahulog bumuka man ang lupa.

    (3)

    Sa kanyang kanan ay tindero ng santol

    Na sukbit ang basket sa brasong nakabuhol,

    Tumatalsik ang laway, humihiyaw, nabubulol,

    Hinanakit sa rehimen, isinasatinig, halos maulol.

    (4)

    Makintab na sapatos na itim na katad,

    Nagpuputik man, halatang mahal ang ibinayad,

    Suot ng binatang maputi at pino ang balat,

    Naghihimagsik kasama ng mahihirap.

    (5)

    Ang obrerong malapit sa dulo ay paos

    Halos mapaiyak, halos mapaluhod --

    Kada hakbang, makabali ng gulogod,

    Sakit at hirap itinatago, handang sumugod.

    (6)

    Sa dulo ng hanay ay isa pang binata,

    Porma’y pangkaraniwan, ‘di gaanong magara,

    Buhok, damit at bag ay basang-basa,

    Marahil ay nabomba ng bumberong gumagala.

    (7)

    Bawat hakbang, kapit ay umiigting.

    Kadenang bisig ‘singtibay ng bakal ng bering,

    Mga boses na malat, gumagaralgal, tumitining,

    Nais na tapusin mga dekada ng pagkagupiling.

    (8)

    Bawa’t hakbang ay maliit, nguni’t determinado,

    Bawa’t pawis, bawa’t luha, bawa’t patak ng dugo – nagbabagang asero.

    Bawa’t mata’y nakatuon sa hindi matanaw na dulo.

    May pag-asa pa! May pag-asa pa! Ngayong gabi, bayan ang panalo!

    (9)

    Mga matang hilam sa luha, nakatanaw sa malayo.

    Nakatitig ma’y ang naaaninag, walang ‘sang metro.

    Pakiramdam nila’y nag-iisa kahi’t kasama ay libo-libo --

    Libo-libo man sila, para na ring nagsosolo.

    (10)

    Ang aspalto sa kalsada ay hindi nararamdaman

    Mga bubog na nagmula sa bote o’ baso ng gulaman,

    Mga kalat na pakete ng’yosi at balat ng suman --

    Mga kalat ng nangangalit na mga yagit ng lipunan!

    (11)

    Ang dagundong ng tangke’y lumalakas, papalapit,

    Mga hanay, imbes na matakot, kapit lalong humigpit;

    Ayaw magpahawi, ayaw magpasingit,

    Haharapin ang bala ng halimaw kung ito ay sumirit!

    (12)

    Ang buwan na hugis pakwan na hinati sa ika-apat,

    Nakatanaw mula sa langit, walang mapagtaguang ulap;

    Hindi nagtataka sa ano pa mang nagaganap,

    Sa hibla ng kalsadang bumubuo ng bagong pangarap.

    (13)

    Mga matang hilam sa luha na isang metro lang ang tanaw,

    Tuluyang ipinikit na mariin, nakatikom ang mga kamao.

    Papalapit nang papalapit dagundong ng bakal na halimaw;

    Marurupok na katawang mortal, iniharang, handa sa pagpanaw.

    (14)

    Walang kakalas! Walang kakalas! ang tugon ng hanay;

    Pingkian ng bakal sa bakal, sa kanilang tainga’y parang anay;

    Pikit ng mga matang mariin, halos ikapanaw ng malay;

    Sa diwa nila, kung hindi nila makikita, hindi sila mamamatay!

    (15)

    Sa tantiya ni Berto, mga tangke’y nasa ‘sang dipa na lang;

    Nang biglang tumahimik, walang tunog o’ ano pa man.

    Baka bumuga na ng apoy ang halimaw ni Kamatayan,

    At sila’y pumanaw na, durog na ang kamalayan!

    (16)

    Naiihi man sa takot, mga mata’y iminulat,

    Nakita ang magsasantol na may hawak na matalas --

    Mga hakbang ay maliliit, maririin at mapangahas,

    Pagkakatitig nagbabaga, hibla ng kalamnan, nag-aaklas!

    (17)

    Lahat ng tao sa hanay, maging ang mga nasa likod

    Mga puso’y umuusal ng dalangin, nanawagan sa diyos,

    Nguni’t umaasang mabibigo at ang dugo ay aagos,

    Hindi humihinga o kumikilos, halos parang mga tuod.

    (18)

    Ang ika-apat na hati ng buwan ay pumanglaw, lumamlam,

    Naghahanap ng ulap na pansamanatalang kukublihan;

    Mailap na ulap, ‘di maapuhap kahit saan --

    Tumatag ang buwan sa magaganap na pagpaslang!

    (19)

    Tulad ng buwan, tumatag rin ang sundalo,

    Mata’y nagbabaga tulad sa maninilang lobo;

    Armas ay ikinasa, daliri’y ipinatong sa gatilyo,

    Handang pumatay ng kap’wa niya Pilipino!

    (20)

    Itinuloy ng magsasantol ang matipid na hakbang,

    Itinalaga na ang hininga sa pasya ng kapalaran;

    Hindi na umaasang ang bukas ay masisilayan --

    May isang nakangiti – ito ay si Kamatayan!

    (21)

    Hindi inaalis ang mata sa pagkakatitig,

    Mariin ang pagkakahawak sa kutsilyong matulis;

    Sa basket ay dumukot, angas sa mata’y ‘di mapalis,

    Naglabas ng santol na mukhang walang kasingtamis.

    (22)

    Nakatitig sa sundalo at bihasang kamay ay gumalaw,

    Umikot sa palad ang prutas, balat ay kumalas na sumasayaw;

    Inalok ang sundalong napalunok sa paglalaway,

    Malasutlang buto ng santol, tila sa kanya’y kumakaway.

    (23)

    Nilingon ng sundalo ang kanyang kahanay,

    Maging ang tangke sa likod na umaalalay

    Na tila nagtatanong, humihingi ng gabay

    Kung tatanggapin ang iniaabot na payak na alay.

    (24)

    Ang dalaga’y dumukot sa bag – rosas mula sa mangingibig,

    Lumambot ang poot sa nagliliyab na titig;

    Isinuksok ang tangkay ng rosas sa bakal na bibig

    Ng riple ng sundalo na ang dila ay naumid.

    (25)

    Nilapitan ng dilag ang sundalong namangha,

    Amoy pawis, amoy araw, sunog na balat, amoy lupa;

    Mga kauri na gusto ring nilang mapalaya

    Sa lipunang mapanupil, pinaghaharian ng mararangya.

    (26)

    Batong damdamin ng mandirigma ay nalusaw,

    Butil ng luha sa mata ay dumungaw,

    Armor ng paninindigan ay nahubad, natigpaw,

    Damdamin ay pinigil para hindi magpalahaw.

    (27)

    Dampi ng halik ay iginawad ng dilag

    Sa pisngi ng army na hindi nakapalag;

    Kuryente sa ere’y nalusaw, tuluyang nabasag,

    Mga mirong nakamasid, gustong pumalakpak.

    (28)

    Ang dating maluwag at malawak na kalsada

    Naging dagat ng tao – tatlong daang libong drama;

    Kaganapan sa harap, sa dulo ay dinadala,

    Ang madamdaming eksena ay hindi naikaila.

    (29)

    Nang mula sa kung saan, isang bulong ang naglakbay,

    Lumisan na raw ng bansa si Apo Lakay.

    Bumulwak ang luha, uhog at laway,

    Nagyakapan, nagkamayan ang natural na magka-away.

    (30)

    Maging ang buwan ay muling tumingkad,

    Na hindi magkamayaw sa tuwa at galak;

    Minamasdan mga taong nagsasaya, pumapalakpak;

    Napangiti ang buwan, muling nagliwanag.

    (31)

    Parang ulan na bumaha ng pagkaing naka-supot,

    Naka-plastik na palamig para sa lalamunang tuyot,

    Mayayamang de-kotse ang nagpapamudmod,

    Kanilang ambag sa mga katotong dugyot!

    (32)

    Sa mahabang panahon, ngayon lang nangyari

    Na ang mayaman, mahirap, kriminal at pari,

    Kapit kamay, kapit bisig sa iisang mithi,

    Na wakasan ang pamamayagpag ng naghaharing uri!

    (33)

    Alas tres ng hapon nang sila ay dumating,

    Pagtalima sa pag-aaklas na nag-uumigting;

    Katawa’y iniharang na tila isang milyang dingding,

    Wala sa isip ang gastos sa pagpapapalibing!

    (34)

    Ngayong ang tagumpay ay nalalasap na,

    Masarap pala ang mabuhay, masarap pala ang malaya.

    Sa isang umpok, may kumalabit ng k’werdas ng gitara,

    Mga labi’y kusang umawit, pati puso’y kumakanta.

    (35)

    Habang nagdiriwang, mayroon namang nakatuon,

    Sa de-bateryang radio ay nagkakatipon-tipon;

    Sa narinig ay nagulat, lungkot ay naglambong,

    Nagsasalita si Apo Lakay, sa likod ay mga kampon!

    (36)

    Pagod ng katawan ay biglang bumuhos,

    Magkahalong damdamin, hanggang bituka ay tagos!

    Takot nanumbalik, lakas ay dumausdos;

    Hawak na tagumpay, nawala – nakapanglulunos!

    (37)

    Ang balita sa radyo’y kumalat na parang apoy,

    Masayang awitin ay nauwi sa panaghoy.

    Bumulong sa k’wintas na may magka-ekis na kahoy,

    Pakikialam ng langit sa dalangin ay tinutukoy!

    (38)

    Ilang oras pa, ang araw ay pumaimbulog na,

    Masarap na almusal ay naglasang mapakla,

    Ang iba ay idinaan na lang sa biruan at sa tawa,

    Para itago ang takot at namumuong kaba!

    (39)

    Ang silahis sa silangan ay may bulong na balita,

    Lumisan na ang kalaban sa marangyang lungga;

    Enjoying the preview?
    Page 1 of 1