Discover millions of ebooks, audiobooks, and so much more with a free trial

Only $11.99/month after trial. Cancel anytime.

Diksyunaryong Monolingwal sa Filipino: (Monolingual Dictionary in Filipino)
Diksyunaryong Monolingwal sa Filipino: (Monolingual Dictionary in Filipino)
Diksyunaryong Monolingwal sa Filipino: (Monolingual Dictionary in Filipino)
Ebook521 pages9 hours

Diksyunaryong Monolingwal sa Filipino: (Monolingual Dictionary in Filipino)

Rating: 4 out of 5 stars

4/5

()

Read preview

About this ebook

Batay sa A Frequency Count of Filipino ni Dr. Curtis D. McFarland. Isang tanging proyekto ng sangay ng leksikograpiya ng Komisyon sa Wikang Pilipino para kay Komisyoner Andrew Gonzalez FSC.


This dictionary that breaks new ground in the lexicography of Filipino is monolingual for use by native and second-language speakers (not learners) and is based on contemporary language use of Filipino through its choice of texts for frequency count and concordance purposes. It is an initial attempt using the specific methodology described and is meant to be a prototype, hopefully to be followed by an expanded dictionary of additional entries as the Filipino language develops and intellectualizes further.

LanguageTagalog
Release dateOct 2, 2017
ISBN9789712727443
Diksyunaryong Monolingwal sa Filipino: (Monolingual Dictionary in Filipino)

Related to Diksyunaryong Monolingwal sa Filipino

Related ebooks

Reviews for Diksyunaryong Monolingwal sa Filipino

Rating: 4 out of 5 stars
4/5

8 ratings0 reviews

What did you think?

Tap to rate

Review must be at least 10 words

    Book preview

    Diksyunaryong Monolingwal sa Filipino - Curtis McFarland

    Diksyunaryong Monolingwal sa Filipino

    Karapatang-ari © 2012

    Anvil Publishing, Inc.

    Andrew Gonzalez, FSC

    Edisyong elektronik:

    Inilathala ng Anvil Publishing, Inc. para sa De La Salle University-Manila na may natatanging kasunduan.

    Reserbado ang lahat ng karapatan, kasama na ang karapatan ng reproduksiyon at paggamit sa anumang anyo at paraan, maliban kung may nakasulat na pahintulot mula sa may hawak ng karapatang-ari.

    Inilathala at ipinamamahagi ng

    ANVIL PUBLISHING, INC.

    7th Floor, Quad Alpha Centrum

    125 Pioneer Street, Mandaluyong City

    1550 Philippines

    Sales & Marketing: (632) 4774752, 4774755 to 57

    Fax: (632) 7471622

    marketing@anvilpublishing.com

    www.anvilpublishing.com

    Disenyo ng Pabalat: Franz Louise F. Santos

    Disenyo ng Aklat: Jo B. Pantorillo

    ISBN 9789712727443 (e-book)

    Sangay ng Leksikograpya

    Dr. Ponciano B.P. Pineda

    Retiradong Tagapangulong Komisyoner

    Dr. Anita B. Buenaobra

    Kasalukuyang Tagapangulong Komisyoner

    Bb. Epifania G. Angeles

    Retiradong Puno ng Sangay

    Dr. Norlina P. Mama-Paguio

    Kasalukuyang Puno ng Sangay

    Bb. Josefa A. Opulencia

    Gng. Remedios G. Rodriguez

    Bb. Sandor B. Abad

    Gng. Estrella G. Huertas

    Gng. Elvira B. Estravo

    Gng. Damiana C. Manansala

    Gng. Estela G. Abaca

    Gng. Eleonor B. Parale

    Gng. Zenaida T. Cinco

    Bb. Yolanda N. Reyes

    Gng. Josefina M. Cando

    Bb. Lorna Lynn L. Wenceslao

    Gng. Leonila A. Villamor

    Gng. Florencia C. Dela Cruz

    PAUNANG SALITA

    Ang lathalain na ito, na pinamagatang Diksiyunaryong Monolingwal sa Filipino, ay isang mahalagang pangyayari sa leksikograpya ng Filipino, ang pambansang wika ng Republika ng Pilipinas.

    Ang unang diksyunaryong Filipino (na dati’y Tagalog) na itinaguyod ng Institute of National Language noong 1941 ay isang bilinggwal na talaan ng Tagalog at Filipino; gamit ang modelo ng mga Kastilang Prayle ng Vocabularios na natipon ng mga prayleng linggwista mula noong ika-17 hanggang ika-20 dantaon. Ang bilinggwal na talaan ay nasa wikang Tagalog at Kastila; ang bagong bilinggwal na talaan ng mga salita na natipon ng Institute of National Language ay Tagalog at Ingles. Ang pinakatanyag at pinakamaunlad sa mga bilinggwal na talaan ay ang nailathala ni Vito C. Santos (ang First Vicassan’s Pilipino-English Dictionary) at ang pinakagamitin ay ang kay Leo English na Dictionary of Tagalog-English (1986) at Dictionary of English-Tagalog (1977). Ang iba pang sumunod na mga diksyunaryo para sa mga bilinggwal na mag-aaral ay sinunod ang naturang disenyo. Bilang karagdagan sa Vicassan Dictionary, nailathala rin ang diksyunaryo ng INL sa ilalim ng pamamahala ni Jose Villa Panganiban na pinamagatang An English-Pilipino Dictionary (1974), na siyang naging modelo ng iba pang mga talaan ng salita na naipalimbag bilang isang kagamitan para sa mga silid-aralan.

    Ang INL, sa paghihikayat ng mga linggwista ng bansa, sa kalaunan ay inilathala ang monolingwal na diksiyunaryong Filipino na base sa mga naunang likha. Ngunit mayroon malaking pagbabago sa nailathalang diksyunaryo ay naglalaman ng humigit-kumulang 30,000 mga salita. Ito ay nailathala nang ipagdiwang ng bansa ang Sentenaryo ng Kalayaan ng Bansang Pilipinas noong 1998 (KWF 1998).

    Samantala, ang Pamantasan ng Pilipinas ay naglathala naman ng sarili nitong diksyunaryong Filipino (Sentro ng Wikang Filipino, UP Diliman) na nakabase sa UP Filipino na kakikitaan ng malawakang paggamit ng mga salitang Ingles at mga salitang Ingles na ibinago ang anyo upang maiangkop sa sistema ng palatunugan at palabaybayang Filipino (Alcantara 1997).

    Ang diksyunaryong ito ay nagbibigay-daan sa pagbubukas ng bagong pinto sa dahilang ibinase sa McFarland (1989) ang bilang ng mga salita ng Filipino na sa simula’y nakabase sa teksto ng isang milyong salita, na karamihay’y mula sa popular journalism at mga lathalaing pang-mass media kabilang na ang mga popular na nobela. Lumabas sa pag-aaral ang 2000 pinakagamiting salita o headwords na may karagdagang humigit-kumulang 3000 sab-entri na naulit nang di bababa sa apat na beses.

    Ang limit ng bilang ay may kasamang concordance o paalpabetong talaan ng salita kabilang ang mga talaan ng sanggunian kung saan ito ginamit, na nagbibigay-daan para makita ang salita na nakapaloob mismo sa isang pangungusap sa loob ng teksto.

    Ang ikalawang limit ng bilang at concordance ng isang milyong salita ng Tagalog mini-nobela ni McFarland (1994) ay nakapagtala ng 2002 pinakamadalas na gamiting lemmas na may karagdagang 51 salita (na may kabuuang bilang na 2,053) na naulit nang di bababa sa limang beses.

    Ang talaang ito ay nadagdagan ng mga teksto, na kinabibilangan di lamang ng mga akdang pampanitikan ngunit maging ng mga akdang pang-agham at teknolohiya (lalo na sa agham panlipunan) dahil na rin sa ang mga akdang ito ay kakikitaan ng intelektwalisasyon ng Filipino (Gonzalez 1991) o ang mas malawakang paggamit ng Filipino para sa mga pang-akademikong diskurso dahil ang mga diskursong ito ay matatagpuan sa mga teksbuk, tradebooks at ng iskolarli na lathalain.

    Sa pakikiisa ng Institute of National Language na noo’y nasa pangangasiwa ni Ponciano B.P. Pineda, naglunsad si McFarland ng serye ng mga worksyap sa leksikograpya para sa Sangay ng Leksikograpya ng KWF kung saan kanya itong ibinase sa kanyang bilang ng salita at concordance Isang modelo na bahagyang iniangkop ay ang English Language Dictionary ni Collins Cobuild (1987).

    Iba pang mga worsyap para sa naturang pangkat ay inilunsad sa pakikiisa ng Summer Institute of Linguistics (SIL) na pinamunuan ng leksikograper ng SIL na si Len Newell (mula 27 ng Abril hanggang ika-7 ng Mayo, 1993, University of Life at ika-3 hanggang ika-7 ng Hulyo, 1995, sa Malacañang)

    Pinagtrabahuhan ng mga kasapi ng Sangay ng Leksikograpya ang mga lemmas at gamit ang mga concordance, naipaliwanag sa Filipino ang iba’t ibang entri na may kalakip na halimbawa ng mga pangungusap upang maipakita ang samu’t saring gamit ng salita.

    Ang naturang volyum ay simulang natipon sa panahon ng pangangasiwa ni Ponciano B.P. Pineda at tuluyang nabuo sa panahon ng pangangasiwa ni Anita B. Buenaobra.

    Ang diksiyunaryo ay monolingwal para magamit ng mga katutubo at ikalawang tagapagsalita ng wika (hindi ng mga nag-aaral ng wika) at ibinase sa kontemporaryong gamit ng wikang Filipino sa pamamagitan ng mga piniling teksto para sa limit ng bilang at concordance. Ito ang dahilan kung bakit ang volyum ay pinamagatang Diksiyunaryong Monolingwal sa Filipino.

    Ito ay pasimulang pagtangka gamit ang ispisipikong metodolohiya ng inilarawan at nilalayong maging isang prototayp, sa pag-asa na ito ay masusundan ng isang mas malawak na diksyunaryo na may mga karagdagang tala ng mga salita habang ang wikang Filipino ay patuloy sa pag-unlad at lalo pang nagiging inteltwalisado.

    Naipakita sa unang karanasan na ang Filipino bilang isang wika ay kasalukuyan pang nasa proseso ng intelktwalisasyon, kung saan ang unang natalang 2000 salita ay maaaring sapat para sa Pangkalahatang Filipino o General Filipino. Habang patuloy na umuunlad ang rejister ng Filipino, nararapat na maidagdag ang mga bagong salita mula sa iba’t ibang larangan base sa mga paksa (mga talang leksikal at kolokasyon o termino) na tinatawag sa Malaysia (istilah para sa Malaysia at Bahasa Indonesia). Ang INL (na ngayo’y KWF) ay nakapaglinang ng iba’t ibang katawagan para sa natatanging termino sa iba’t ibang larangan; mga terminong panliteratura, terminong pang-eskultura at pagpinta, gabay para sa opisyal na korespondensya, termino para sa bilinggwal na pag-aaral, binago at pinalago, mga terminong pangmekaniko, seramiks, paghihinang, kaugnay ng repridyereytor at air-condition, paglilimbag, sining ng metal o metalurhiya, elektrisidad, elektroniks, pagmemekaniko para sa sasakyan at panteknikal na pagguhit. Para sa mga espesyal na bokabularyo ng mga larangang ito, bilang kasunduan, maaaring magdagdag ng mga seksyon ayon sa larangan upang magsilbing dagdag sa batayang 2000 salita, ngunit ang mga dagdag na ito ay di kinakailangang nakabase sa bilang ng limit dahil ang karamihan sa mga ito ay maaaring minsan lamang nagamit at maaaring bunga ng coinage o paglikha ng mga bagong salita ng mga indibidwal na espesyalista o bodies tulad ng Lupon sa Agham, na ngayo’y wala na, na sinuportahan ng National Science Development Board (NSDB) sa ilalim ng pangangasiwa ng yumaong si Gonzalo del Rosario (1969) ng Araneta University (tingnan ang Bautista at Gonzalez 1994).

    Ang ortograpiya ng mga nakatalang termino ay nakabase sa gabay na itinakda ng Linangan ng mga Wika sa Pilipinas noong 1987.

    Ikinalulugod ng KWF sa ilalim ng kasalukuyang Direktor na si Anita B. Buenaobra, at ng Linguistic Society of the Philippines na itaguyod ang pagpapalimbag ng diksyunaryong ito ng Palimbagan ng Pamantasang De La Salle.

    Inaasahan namin na ito ay laganap na gagamitin at nawa’y magsilbing inspirasyon ng mga mananaliksik, mga iskolar, at mga liksikograper na magpasimula ng pagpapalawak ng koleksyong ito base sa bilang ng limit at concordance at ang mga salitang kabilang dito ay lalo pang gamitin para sa mas mabilis na pag-unlad at intektwalisasyon ng ating pambansang wika.

    Maynila

    Disyembre 2004

    Curtis McFarland

    Tagapagtipon ng mga salita at Teknikal na Konsultant

    Sangay ng Leksikograpiya, KWF

    Anita B. Buenaobra

    Direktor, KWF

    Andrew Gonzalez, FSC

    Patnugot

    FOREWORD

    This publication, entitled Monolingual Dictionary in Filipino, breaks new ground in the lexicography of Filipino, the national language of the Republic of the Philippines.

    The first dictionary of Filipino (then called Tagalog) sponsored by the Institute of National Language in 1940 was a bilingual wordlist of Tagalog and Filipino, using the Spanish friars’ model of the Vocabularios that were compiled by the friar linguists of the 17th till the early 20th century. The bilingual wordlists however were in Tagalog and Spanish; the new bilingual word lists compiled by the Institute of National Language were Tagalog and English. The most famous and best developed of these bilingual lists were those of Vito C. Santos (the First Vicassan’s Pilipino-English Dictionary of English-Tagalog (1977). Other dictionaries for the bilingual learner followed the same pattern. In addition to the Vicassan Dictionary, there was the INL dictionary itself under the direction of Jose Villa Panganiban entitled An English-Pilipino Dictionary (1974), the model of other word lists which appeared in the market for classroom use.

    The INL, at the urging of trained linguists in the country, finally published a monolingual dictionary of Filipino based on the previous work but breaking new ground through the use of Filipino as explaining the meanings of the words and coming up with about 30,000 entries during the Centennial year of Philippine Independence in 1998 (KWF 1998)

    In the interim, the University of the Philippines came up with its own Filipino dictionary (Sentro ng Wikang Filipino, UP Diliman) which is based on UP Filipino characterized by extensive use of English words and terms adapting the English spelling forms to Filipino pronunciation and spelling. (Alcantara 1997)

    The present dictionary breaks new ground in the sense of basing the entries of McFarland’s (1989) word count of Filipino’s based initially on a text of one million words, mostly popular journalism and mass media publications including popular novels. The study found the most frequent 2000 headwords and an additional about 3000 sub-entries with at least four occurrences.

    The frequency count was accompanied by a concordance providing access to the sentence context of the forms in the running text.

    A second frequency count and concordance of a 1-milllion word corpus of Tagalog mini novels McFarland’s (1994) yielded the 2002 most frequent lemmas with an additional 51 (to make up a total of 2053) with at least five occurrences.

    These corpora were supplemented with additional texts including not only literary works but more scientific and technologically oriented texts (especially in the social sciences) as these works manifest the growing intellectualization of Filipino (Gonzalez 1991) or its expanded use as a language of scholarly discourse as this discourse is recorded in textbooks, tradebooks, and scholarly periodicals.

    With the cooperation of the Institute of National Language then under the directorship of P0onciano B.P. Pineda, McFarland held a series of workshops on lexicography for the Lexicography Division of KWF basing the entries on his word-count and concordance. A model partially adopted was the English Language Dictionary by Collins Cobuild (1987)

    Other workshops for the same group were held with the cooperation of the Summer Institute of Linguistics (SIL) given by the SIL lexicographer Len Newell (April 27–May 7, 1993, University of Life and July 3–7, 1995, Malacañang).

    The members of the Lexicography Division worked on the lemmas and using the concordances explained in Filipino the meanings of the different entries with sentences exemplifying different uses of the form.

    The volume was compiled initially during the directorship of Ponciano B.P. Pineda and completed during the directorship of Anita B. Buenaobra.

    The dictionary is monolingual for use by native and second language speakers (not learners) and is based on contemporary language use of Filipino through its choice of texts for frequency count and concordance purposes. That is why the volume is entitled Monolingual Dictionary in Filipino.

    It is an initial attempt using the specific methodology described and is meant to be a prototype, hopefully to be followed by an expanded dictionary of additional entries as the Filipino language develops and intellectualizes further.

    The initial experience shows the Filipino as a language is still in the process of intellectualization the initial word count of 2000 entries is probably sufficient for General Filipino. As Filipino develops its registers, additional entries should be made of new terms for specific fields based on lists of topic entries (lexical items and collocations or terms) called in Malaysia (stillah for Malaysia and Bahasa Indonesia. The INL now KWF) has developed various fascicles of these special terms (katawagan) in different fields: literary terms, sculpture and painting terms, guide for usage in official correspondence, terms for bilingual education, revised and expanded, terms in mechanics, ceramics, welding, refrigeration and air-conditioning, printing, metal work, electricity, electronics, car mechanics, and technical drawing. For these specialized entries but these terms need not be based on frequency counts initially since many will be once-occurring items in the corpora and can be the result of coinages (lexical creations) of individual specialists or bodies such as the now-defunct Lupon sa Agham supported by the National Science Development Board (NSDB) under the late Gonzalo del Rosario (1969) of Araneta University (see Bautista and Gonzalez 1994).

    The orthography of the entries is based on the guidelines set by the Linangan ng mga Wika sa Pilipinas in 1887.

    The KWF under its incumbent Director Anita B. Buenaobra, and the Linguistic Society of the Philippines are happy to sponsor the publication of this dictionary by the De La Salle University Press.

    We hope that it will see widespread use and inspire researchers, scholars, and lexicographers to undertake the expansion of this collection based on frequency counts and concordances and that entries receive wide use for the speedier development and intellectualization of our national language.

    Manila

    December 2004

    Curtis McFarland

    Entries Compiler and Technical Consultant

    Lexicography Division, KWF

    Anita B. Buenaobra

    Director, KWF

    Andrew Gonzalez, FSC

    Editor

    TALAAN NG NILALAMAN

    A

    B

    C

    D

    E

    G

    H

    I

    K

    L

    M

    N

    NG

    O

    P

    Q

    R

    S

    T

    U

    W

    Y

    References

    A

    a pdm. Katagang nagpapahayag ng sakit, pagkabigla, gulat, mangha, awa habag, karaingan, reklamo, pag-ayaw o pagtanggi, galak, galit, lungkot, pag-aaway, pag-aalala. A, hindi maaari.

    aba pdm. Katagang nagpapahayag ng iba’t ibang damdamin (gaya ng) pagkagulat, pagkatakot, pagtataka paghanga, pagtanggi, at iba pang katulad na bulalas ng damdamin. Aba, ano iyon? Aba! Ayoko nga.

    abala png. 1. Pagkaluwat o pagkatagal ng isang gawain. Ang abala ay hindi nakabuti sa proyekto. Sk. Antala, atras, balam. 2. Paggambala o paggulo sa katahimikan, pamamahinga o kapayapaan; panghihimasok; pakikialam. Ang abalang ginawa ng mga hindi imbitado sa handaan ay hindi nagustuhan ng mga magulang ng ikinakasal. 3. Taong sagabal, hadlang o balakid. Si Tina ang malaking abala sa aking pagpasok. pr. Sagabal, sagwil o hadlang. Magiging abala ka lamang sa aking gagawin. abala pr. Buhos ang isip sa ginagawa; maraming ginagawa; may ginagawang masinsinan o puspusan. Abala siya ngayon dahil sa palatuntunang gaganapin. abalang-abala pr. 1. Buhos na buhos ang buong isip sa isang gawain. Si Rose ay abalang-abala sa pag-aasikaso sa mga panauhin. 2. May ginagawang masinsinan o puspusan, taong abalang-abala. abalahin pd. (-in) PL 1. Antalahin; atrasuhin, patagalin. Inabala ng lasing sa kalsada ang aming byahe. 2. Guluhin, gambalain, ligaligin. Huwag abalahin ang Nanay para matapos ang kanyang tahiin. kaabalahan png. Gambala, kaliga-ligan, gulo, tigatig, bagabag. Ipagpaumanhin mo ang kaabalahang ginawa namin. maabala pd. (ma-) PTg. 1. Matagalan, maantala, mabinbin. Si Ate ay naabala sa kanyang pananahi. 2. Magulo, magambala, maligalig. Ang kanyang pagtulog ay naaabala dahil sa ingay ng mga bata. Maaabala ang aking gawain kapag hinintay ko siya. mag-abala (mag-) PTg. 1. Mag-aksaya ng panahon. Bakit ka ba nag-aabala sa mga walang kwentang bagay. 2. Iwan ang kasalukuyang gawain at isingit o asikasuhin ang ibang gawain. Huwag ka nang mag-abala at aalis din ako.

    abang png. Paghihintay sa pagdating ng anuman o sinuman sa isang pook. Mas mainam ang abang sa kanto dahil makikita agad ang dumarating. abangan pd. (-an) PD Hintayin. Saan kita aabangan bukas? Inabangan ko ang kanyang pagdating. Inaabangan ko si Itay. Mag-abang pd. (mag-) PTg. Maghintay sa pagdating o pagdaraan (ng isang tao, sasakyan o pangyayari). Maraming tao ang nagaabang sa pagdating ng mga artista. Nakaabang pr. Naghihintay (sa Pagdating ng anuman o sinuman.) nakaabang ang bata sa pagdating ng kanyang ama.

    abo png. 1. Labi ng anumang bagay na nasunog; gabok; alikabok. Ang abo ng sigarilyo. 2. Ang kulay na mas mapusyaw kaysa itim; ang kulay ng alikabok sa kalan. Mas bagay sa damit mo ang abo kaysa puti. abuhin pd. (-hin) PL. 1. Gawing kulay abo. Abuhin mo ang paligid ng dibuho. 2. Linisin sa pamamagitan ng abo. Abuhin mo ang mga kaldero nang maalis ang uling.

    abogado png. Taong nagtapos ng pagka-manananggol; taong tagapagtangol ng kaso. Isang abogado ang kanyang ama.

    abot png. 1. Dating; tama Parang patak ng ulan ang abot ng mga suntok ni Pedro sa kanyang kalaban. 2. Bahaging dinatnan (gaya ng palatuntunan/seremonya). Sermon na ng pari ang abot niya. Pr. 1. Patuloy (na datingan ng mga tao o mga bagay) Abot ang dagsa ng mga epektos sa pyer. Sk. Walang patid, walang tigil, tuloy-tuloy. 2. Halos diit-diit, lipos. Abot ang galis niya sa katawan. 3. Panay o sunud-sunod. Abot ang hingal ng maysakit. abut-abot pr. 1. Walang pagitan; walang patlang; abut-abot na pukpok 2. Madalas; sunud-sunod. Abut-abot ang dating ng mga paninda sa palengke. abot-tanaw pr. Nakikita o naaabot ng paningin. Abot-tanaw mula rito ang kanilang tahanan. abutan pd. (-an) PD Maratnan sa anumang gawain o sa isang pook, abutan sa bahay; inabutan sa tanggapan; inabutan sa pagtakbo; aabutan sa istasyon ng bus. umabot pd. (um-) PTg. Dumating sa takdang oras. Umabot siya sa simula ng palatuntunan.

    abot png. 1. Lawak, laki o sakop (ng anuman). Ang abot ng paningin. 2. Ang pagbibigay (ng anuman) sa pamamagitan ng kamay. Ang abot ng liham sa kanya ay palihim. 3. Pagkuha, pagdaiti o paghipo sa pamamagitan ng dukwang, nakaunat na kamay, sungkit, atb. Pilit ang abot niya ng bayabas sa puno. 4. Ang nasasakop ng isip, pangunawa o kaalaman. Hanggang saan ang abot mo? abutan pd. (-an) PD Bigyan ng anuman sa pamamagitan ng kamay. Abutan mo nga si Julie ng inumin. Inabutan ng panyo; aabutan ng pagkain. abutin pd. (-in) PL. 1. Kunin o tanggapin sa pamamagitan ng nakaunat na kamay. Abutin mo ang plato, inabot ang baso; aabutin ang kamay 2. Dukwangin Abutin mo nga ang mangga sa kabilang mesa. Inabot ang mangga; aabutin ang mangga. iabot pd. (i-) PL. Ibigay sa pamamagitan ng nakaunat na kamay. Iabot mo nga sa akin ang kutsilyo. Iniabot ang kutsilyo; iniaabot ang kutsilyo; iaabot ang kutsilyo. ipaabot pd. (ipa-) PL Ipabigay o ipakuha sa isang tao ang anumang bagay na malapit sa taong pakikiusapan. Ipaabot mo kay Kuya ang kahon na nasa mataas na kabinet maabot pd. (ma-) PL Makuha; mahipo; masungkit. Baka maabot ng bata ang baso. Naabot ang baso; naaabot ang baso; maaabot ang baso; umabot pd. (um-) PTg. Kumuha. Umabot ka na riyan ng pagkain sa cabinet. Umaabot ng pagkain; abot ng pagkain.

    aga png. Ang kauna-unahan sa karaniwan o takdang panahon. Pinupuri nila ang aga ng kanyang pagdating sa opisina. agahan png. Almusal; ang kinakain sa umaga. Pandisal ang agahan mo bukas. maaga pr., pb. Hindi huli; una kaysa takdang oras; nauuna. Maaga siyang dumating.

    agad pb. Walang panahong pinararaan o walang pagkaantala; noon din. Siya ay umuwi agad. Sk. Dagli, bigla; agad-agad, kaagad-agad pr., pb. Nang walang sinayang na panahon; sa sandali ring iyon; pagdaka; di kaginsa-ginsa. Ipinag-utos agad-agad agaran pr., pb. Walang sinayang na panahon. Agaran niyang ipinaayos ang papel ng babaing naghihintay.

    agap png. 1. Pag-una sa paggawa ng anuman. Nakatulong ang agap ni Baby sa paghahanda ng gamit. 2. Kaalistuhan; pagiging alisto. Ang agap niya sa pagkilos ay isang ugaling nakamihasnan na. maagap pr. Laging handa; lalong maaga; alisto. Maagap ang bata kaya hindi nahulog ang kanyang kapatid.

    agaw, pag-agaw png. 1. Biglang pagkuha sa hawak ng iba. Umiyak ang bata dahil sa biglang agaw (pag-agaw) ng bola ng kanyang kapatid. Sk. Daklot, sunggab. 2. Kamkaman Inagawan niya kami ng lupa. agawin pd. (-in) PL. 1. Daklutin sunggaban ang anumang hawak ng iba Inagaw niya ang laruan ko. 2. Kamkamin. Huwag agawin ang hindi sa iyo. Kaagaw png. Taong karibal o kalaban (sa paligsahan o panliligaw) Kumpare ko ang aking kaagaw sa torneo. maagaw pd. (ma-) PL. Makuha ang anumang pag-aari ng iba. Maagaw kaya niya ang korona? umagaw pd. (um-) PTg. 1. Kumuha ng anumang pag-aari ng iba. Umagaw si Rose ng bulaklak na hawak ko. 2. Kumamkam. Si Don Jose ang umagaw sa mga lupain namin.

    agham png. Isang sangay ng karunungan na sumusuri sa katotohanan, simulain o pamamaraan ng mga bagay-bagay sa mundong ating ginagalawan. Mahusay ang batang iyan sa Agham kaya’t malayo ang kanyang mararating. Pang-agham pr. Para sa agham; may kaugnayan sa agham. Mga gawaing pang-agham.

    agos png. Takbo o galaw ng tubig at iba pang likido. Mabilis ang agos ng tubig. Umagos pd. (um-) PTg. Dumaloy. Umagos ang lahar sa ilang bayan ng Zambales at Pampanga.

    ahas png. Isang uri ng hayop na may makaliskis at mahabang katawan, gumagapang pagkat walang paa at may sanga-sangang dila. May mga ahas na makamandag at mayroon namang hindi.

    ahon png. Pagtungo sa mataas na lugar o dako. Bukas pa nang umaga ang ahon niya sa aming lugar. Sk. Akyat, sampa. makaahon pd. (maka-) PTg. 1. Makaakyat sa mataas na lugar. Makakaahon ka ba sa burol? 2. Makaalis sa lugar na pinaliliguan tulad ng batis, bukal o ilog. Makaahon na nga at ako’y nagiginaw na. 3. Makawala sa kahirapan. Salamat naman at makakaahon na rin tayo sa hirap. umahon pd. (um-) PTg. 1. Tumungo sa mas mataas na lugar. Umahon kami sa bundok nang tumaas ang tubig-baha. 2. Humango; kumuha. Umahon kami ng maraming isda.

    akala png. 1. Pagkakaalam; sariling palagay. Ang akala ko’y nangibang-bayan ka na. 2. Ang anumang pinaniniwalaan; ang ipinalalagay na totoo; ang tinatanggap na kuru-kuro. Iyan ang akala mo! 3. Tantiya; kalkula; taya Mali pala ang aking akala. akalain pd. (-in) PL Mapaniwalaan; matanggap sa loob. Hindi ko akalain na gagawin mo ito. Inakala na aalis; inaakala na aalis; aakalain na aalis. mag-akala pd. (mag-) PTg. Mag-isip na totoo; maniwala. Bakit siya mag-aakala? png. Pag-iisip na ang isang bagay o pangyayari ay totoo. Umalis siya sa pag aakalang nagtampo ka.

    akay png. 1. Paghawak sa kamay; pamamatnubay sa isang naglalakad. Mahigpit ang akay niya sa kanyang matandang ina. 2. Pangangalaga (ng inahin sa kanyang mga sisiw.) Ang akay ng inahing manok sa kanyang mga sisiw ay isang magandang halimbawa para sa mga tao. 3. Kabig; kampon. Akay ng demonyo. akayin pd. (-in) PL. 1. Hawakan sa kamay at patnubay sa paglakas. Akayin mo ang inang. 2. Dalhin sa mabuti; pagpayuhan; pangaralan at ipanuto. Inakay niya sa mabuting landas ang kanyang kapatid.

    akbay png. Paglalagay ng kamay o bisig sa balikat ng ibang tao habang nakatayo o lumalakad. Turuan mo siya ng tamang akbay sa kapatid habang nagpapalitrato Sk. Pag-akbay. akbayan pd. (-an) PD Ilagay ang kamay o bisig sa balikat ng ibang tao habang nakatayo o naglalakad. Akbayan mo si Lola. inakbayan si Lola; aakbayan si Lola. magkaakbay pr. Magkaagapay sa paraang ang kamay ng bawat isa ay nakapatong sa balikat ng taong kaagapay. Magkaakbay silang lumayo. naka-akbay pr. Nakapatong ang kamay sa balikat ng kasama. Nakaakbay sa kanya ang kanyang asawa nang makita ko sila.

    akin ph. Salitang kumakatawan sa ngalan ng taong nagsasalita na siyang nagmamay-ari ng bagay, gawain o pangyayaring binabanggit. Akin ito. Sa‘kin ito. Ibigay mo sa akin iyon.

    akit png. Pagtawag sa pansin o damdamin ng iba. Malakas ang kanyang akit sa tao. Akitin pd. (-in) PL. 1. Tawagin ang pansin o damdamin ng iba. Huwag mong akitin ang kasintahan ng kaibigan ko. 2. Hikayatin ang isang tao upang paniwalaan o gawin ang isang bagay. Akitin mo siyang sumama sa iyo. kaakit-akit pr. Kahali-halina; kabigha-bighani; kaibig-ibig; kaaya-aya; kalugod-lugod. Kaakit-akit ang kanyang mga mata. maakit pd.(ma-) PTg. Matawag ang pansin o damdamin. Pagbutihin mo ang pagsasalita at maaakit mo na siya. pang-akit png. Ang anumang pantawag ng pansin. Ang pang-akit niya ay ang kanyang mahabang buhok.

    aklat png. Libro; katipunan ng mga nilimbag na akda. Ang aklat ay hiniram ko sa isang kaibigan. aklatan png. Silid o gusaling kinalalagyan ng mga aklat at iba pang kagamitang pampanitikan. Ang aklatan sa aming tanggapan ay para lamang sa mga kawani.

    ako ph. Katagang kumakatawan sa pangalan ng taong nagsasalita; ang taong nagsasalita; ang tagatanggap ng aksyon. Guro ako. Bigyan mo ako ng malinis na papel.

    aksaya pr. Bulagsak; hind nagtitipid; mapagsayang. Aksaya ang tabas ng damit na ito. aksayahin pd. (-hin) PL. Gamitin, ubusin, gugulin o iukol sa mga bagay na walang kabuluhan o halaga; sayangin. Huwag mong aksayahin ang magandang pagkakataong ibinibigay sa iyo. mag-aksaya pd. (mag-) PTg. Mag-sayang; magbulagsak; magtapon ng bagay na maaari pang magamit. Nag-aaksaya sila ng pera sa kanilang paglalakwatsa. pag-aaksaya png. Pagsasayang; pagtatapon ng mga bagay na maaari pang gamitin; pagiging bulagsak. Iwasan natin ang pag-aaksaya ng pagkain.

    aksidente png. Di kanais-nais o malungkot na pangyayari; sakuna; kapahamakan; kasawian. Malubhang aksidente pr. Di inaasahan o nagkataon lamang; hindi sinasadya. Aksidente ang pagkikita namin sa palengke. maaksidente pd. (ma-) PTg. Mapahamak; masakuna; magkaroon ng di inaasahang pangyayari. Mag-ingat ka upang hindi ka maaksidente.

    akyat png. 1. Patungo sa itaas mula sa mababang lugar. Sa linggo ang akyat nila sa Baguio. Sk. Sampa, panhik. 2. Pagtaas sa tungkulin; pag-unlad sa katayuan. Mabilis ang akyat niya sa tungkulin. Sk. Asenso, progreso, makaakyat pd. (maka-) PTg. Makapunta sa mataas na lugar mula sa ibaba. Hindi ko kayang makaakyat sa matarik na hagdan. Nakaakyat siya sa bus nang walang alalay. paakyat pb. Patungo sa itaas; pataas. Paakyat ang daan sa sigsag patungong Baguio. pag-akyat png. 1. Pagpunta sa itaas. Ang pag-akyat niya sa bahay ay di ko namalayan. Sk. Pagpanhik, pagsampa. 2. Atensyon; ang misteryo ng pag-akyat ni Kristo sa langit. Ang pag-akyat ay ginugunita natin apat-napung araw matapos ang Muling Pagkabuhay. umakyat pd. (um-) PTg. Tumungo sa itaas, sumampa, pumaitaas. Umakyat ka sa hagdan. Umaakyat sa hagdan; aakyat sa hagdan.

    alaala png. 1. Kakayahan o kapangyarihan ng isip na tandaan ang mga nakaraan; gumunita ng mga nakaraan. Wala na siyang alaala ng mga nangyari sa kanya. 2. Karanasan, pangyayari. Laging naikukwento ni Lola ang alaala ng kanyang kabataan. 3. Regalo; alay; handog; kaloob; bigay. Mayroon akong inihandang munting alaala para sa iyong kaarawan. maalaala pd. (ma-) PTg. Mabalikan ng isip ang nakaraan; magunita; matandaan. Naalaala ko ang mga ginawang kabutihan sa akin ng kaibigan ko. pag-aalaala png. Pagbibigay ng handog; paggunita. Ang pag-aalaala sa mga bayani ay ginagawa natin tuwing Araw ng mga Bayani.

    alala png. Pangangamba, kaba; pagkabalisa. Hindi niya maipaliwanag ang alalang kanyang nararamdaman. alalang-alala pr. Nangangamba; nag-iisip nang may kahalong kaba; nababalisa. Alalang-alala siya sa mga anak na hindi pa dumarating. alalahanin pd. (-in) PL Gunitain; isipin; balikan ng isip; tandaan. Alalahanin mo na mahal ka ng Panginoon. Inaalala ang kaligtasan ng kapatid; aalalahanin ang sasabihin ng kapwa. maalalahanin pr. Mapag-isip ng kapakanan ng kapwa; mapagbigay sa kapwa. Mahal ko ang aking maalalahaning kaibigan. mag-alala pd. (mag-) PTg. Mangamba; mabalisa. Huwag kang mag-alala sa akin. Nag-alala sa anak; nag-aalala sa mangyayari; mag-aalala sa kinabukasan. pag-aalala png. Pangangamba; pagbabalisa. Ang pag-aalala mo ay aking pinahahalagahan

    alaga png. 1. Pag-aasikaso; pag-aaruga Kapuri-puri ang ginawa niyang alaga sa kanyang mga anak. Sk. Pag-aalaga. 2. Tao, hayop o bagay na inaaruga; ampon. Si Manolo ang alaga ni Lola. alagaan pd. (-an) PD. Pangasiwaan o kandilihin. Alagaan mong mabuti ang sanggol. Sk. Kalingain, arugain. mag-alaga pd. (mag-) PTg. Mangasiwa o mag-aruga sa sinuman o anuman upang mailagay sa wastong kalagayan. Mag-alaga ka ng aso upang may magbantay sa bahay ninyo. pangangalaga png. Pag-uukol ng pansin o pag-asikaso sa sinuman o anuman upang mapanatiling nasa wastong kalagayan. Ang pangangalaga sa gusali. pangalagaan pd. (pang....-an) PGn. Pangasiwaan; arugain; asikasuhin. Pangalagaan natin ang ating kapaligiran.

    alahas png. Pangkatawang palamuti na yari sa ginto o pilak at mahahalagang bato (gaya ng hikaw, singsing, kuwintas, pulseras, atb. Mayroon din namang mga yari sa parakale o mga mumurahing metal at bato. Marami siyang iniingatang alahas.

    alak png. Inuming nakalalasing na karaniwang galing sa katas ng ubas at iba pang bungang-kahoy o halaman. Marami silang imported na alak.

    alalay png. 1. Paghawak kaninuman o sa anuman upang hindi mabuwal o mahulog; pag-iingat o pagdadahan-dahan sa pagdadala, paghawak o paghila. Panay ang alalay niya kay Lola habang naglalakad. 2. Ang taong hinahawakan o ginagabayan. Ang alalay ko’y si Lola dahil baka matumba. 3. Ang taong tumutulong o nag-aabot ng mga pangangailangan. May alalay na kasama ang bawat artistang dumalo sa palabas. Sk. Katulong pr. Dahan-dahan; katabay; marahan Alalay lamang ang pagbubuhat sa mga babasaging bagay. alalayan pd. (-an) PD 1. Hawakan, gabayan. Alalayan mo si Inay sa pagbaba ng sasakyan. Inalalayan sa pagsakay; inaalalayan sa pagsakay; tuwangan. Alalayan mo ako sa pag-urong nitong aparador. Inalalayan sa pag-urong ng aparador; inaalalayan sa pag-urong ng aparador; aalalayan sa pag-urong ng aparador.

    alam png. 1. Anumang nababatid o nalalaman (sa pamamagitan ng pag-aaral at pagsisiyasat.) Ano ba ang iyong alam? 2. Pagkakilala; pagkaintindi o pagkaunawa. Mali ang alam niya. Pr. 1. Batid, nababatid. Alam mo ba kung saan nakatira si Ben? 2. Hindi kaila, bunyag, hayag, lantad. Alam ng lahat ang tunay na nangyari. 3. Naiintindihan, nauunawaan, nawawatasan, nakuha ang sinabi. Alam ko ang gusto niyang sabihin. alamin pd. (-in) PL. Siyasatin; intindihin; pag aralan. Alamin ang pinupuntahan. Inalam ang tirahan; aalamin ang tirahan. ipaalam pd. (ipa-) PL Ipabatid; ipaintindi; ipaunawa. Ipa-alam ang pag-alis ipina-alam ang pag-alis. Maalam pr. Marunong; matalino. Maalam na tao makaalam pd. (maka-) PTg. Makabatid; makaintindi; makaunawa. Makaalam sa nangyari; nakakaalam sa nangyari; nakaalam sa nangyari; makaalam sa nangyari. Maalam pd. (ma-) PTg. Mabatid; maintindihan; maunawaan; alam ang pangyayari; nalalaman ang pangyayari.

    alang-alang png 1. Mabuting palagay o pagtingin; paggalang o pagbibigay. Ang alang-alang na lamang niya sa kapatid ang nagbigay-lakas sa kanya. 2. Pagwawari, pag-iisip tungkol sa isang bagay o tao; pagbibigay halaga. Siya’y nagsundalo dahil sa kanyang alang-alang sa bayan. Pk. para; patungkol. Ginawa niya ang lahat alang-alang sa bayan. Pk. para; patungkol. Ginawa niya ang lahat alang-alang sa kanyang kapatid. isaalang-alang pd. (isa-) PL Isaisip; igalang. Isaalang-alang mo ang kanyang mga sinabi; isinaalang-alang ang mga sinabi; isasaalang-alang ang kanyang ama.

    alangan pr. 1. Hindi angkop; hindi akma; hindi bagay. Alangan sa kanya ang barong iyon. 2. Hindi dapat; hindi nararapat; wala sa oras o panahon. Alangan sa oras ang alis niya. Alanganin pr. Hindi tiyak sa gagawin; atubili; bantulot; ulik-ulik. Alanganin siya kung tutuloy o hindi sa pag-alis.

    alas pr. Unlaping ginagamit sa pagsasabi ng oras mula sa ikalawa hanggang sa ikalabindalawa (kung ang pagsasabi ng oras ay sa salitang hiram na Kastila.) Nasa opisina kami mula alas-otso ng umaga hanggang ala-singko ng hapon. Sk. Ika-

    alay png. 1. Anumang ibinibigay nang kusang-loob; handog; alaala; regalo. Ang alay nila sa kasal ay bahay at lote. 2. Anumang iniuukol bilang panata, pagsamba sa Diyos o paggalang sa santo, atb. Ang alay nila sa patron ay makapal na tuhog ng sampagita. 3. Mga unang sandali ng paghuhulog ng lambat upang makulong ang kawan ng isda. Ang alay ay ginawang mabilis kaya marami silang nahuling isda. Ialay pd. (i-) PL Ihandog; iukol. Inialay ang dalangin para sa mga maysakit. Mag-alay pd. (mag-) PTg. Magkaloob ng anuman sa sinumang itinatangi; maghandog; magregalo. Nag-aalay ako ng bulaklak sa imahen ng Mahal na Birhen araw-araw.

    ale png. 1. Magalang na tawag sa isang babaeng hindi kilala o hindi alam ang pangalan. Tanungin mo ang ale kung magkano ang mais. 2. Kapatid ng pinsang babae ng ama o ina; tiya; tiyahin. Dalawang ale ko na lamang ang nabubuhay. 3. Asawang kauli ng ama; madrasta; inang pangaman. Ang ale niya ay mabait. 4. Asawa ng amain. Si Ale ko ang nakita ninyo sa palengke. Sk. Nana, tiya, tita.

    alin ph. Salitang kumakatawan sa ngalan ng anumang bagay (binanggit, ipinahiwatig o ipinakahulugan) na ang himig o paraan ay patanong. Alin sa mga ito ang gusto mo?

    alinlangan png. Pagsasalawahan; pagdududa; di katiyakan. Ang alinlangan ay nakalarawan sa kanyang mukha. Mag-alinlangan pd. (mag-) PTg. Magduda; magsuspetsa. Nag-aalinlangan sa mga sinasabi pag-aalinlangan. png. Pagdududa. Hindi ko maaaring sabihin sa kanya ang aking pag-aalinlangan sa kanyang katapatan.

    alinman ph Kahit alin; alin pa man; kahit ano; sinuman (sino man); anuman (ano man). Alinman sa dalawa ay karapat-dapat sa iyo.

    Aling pr. Salitang panuring at ginagamit bilang paggalang sa sinumang babaing hindi kamag-anak ng nagsasalita. Aling Maria, pabili nga ho ng suka.

    alipin png. Taong itinuturing na nakapailalim sa kapangyarihan ng kanyang pinaglilingkuran. Ang mga alipin ay kaawa-awa. Pagkaalipin png. Pagiging alila; pagiging mababa ang kalagayan sa buhay; pagpapailalim sa kapangyarihan ng sinuman. Tinubos tayo ng dugo ng mga bayani sa pagkaalipin ng mga dayuhan.

    alis png. Pagtungo sa ibang pook; pag-iwan sa kinalalagyan; lakad; lipat. Kailan ang alis mo? Pdm. Layas, sulong! Alis! Hindi kita kailangan dito! alisan pd. (-an) PD Tanggalan. Inalisan ng dumi ang kisame. Aalisan ng dumi. alisin pd. (-in) PL Tanggalin. Inalis ang hadlang; inaalis ang hadlang; aalisin ang hadlang. Kaaalis png. Katatanggal; kalilipat ng pwesto. Lumuwag na ang turnilyo dahil sa kaaalis mo sa lugar nito. maalis pd. (ma-) PTg. Matanggal; malipat ng pwesto. Mapunta sa ibang lugar. Naalis ang tapal ng sugat; maiaalis magdamdam. makaalis pd (maka-) PTg. Makatungo sa ibang lugar. Makakaalis na rin tayo bukas. paalis pb. Patungo sa ibang lugar; palayo. Paalis na siya nang ako’y dumating. paalisin pd. (pa-...-n) PL Papuntahin sa ibang lugar; palayuin, pinaalis ang katulong; pinaaalis ang katulong. pag-alis png. Paglakad; paglipat; pagtungo sa ibang pook. Ikinalungkot ko ang kanyang pag-alis. umalis pd. (um-) PTg Lumakad; lumipat; pumunta sa ibang lugar o puwesto. Umalis na sila. Aalis na sila.

    aliw png. 1. Kasiyahang-loob, katuwaan, ligaya. May aliw akong nadama nang dumating siya. 2. Ang nagbibigay ng kasiyahang-loob, katuwaan, ginhawa at ligaya. Siya ang aliw ng mga kasama niya. pr. Natutuwa; nasisiyahan. Aliw na aliw kami sa kanyang pagbibiro. aliwan png. 1. Paraan ng paglilibang. Panonood ng sine ang isa sa aking aliwan. 2. Anumang bagay na nagsisilbing libangan, panoorin, bakasyunan, liwaliwan, atb. Ang pamangkin ko ang aming aliwan sa bahay. aliwin pd. (-in) PL 1. Gawin ang kaukulang pansin sa mga bagay na nakalilibang upang mapalipas ang panahon nang kasiya-siya; libangin. Aliwin mo ang sanggol 2. Pasiglahin (upang mapanumbalik ang pag-asa at kasiyahan. Aliwin mo ang maysakit. Mag-aliw pd (mag-) PTg. Magsaya; maghanap ng kaligayahan mag-aliw sa disco nakaaaliw pr. Nagkapagdudulot ng kasiyahan o kaginhawahan; nakasisiya; nakalilibang. Ang bata ay nakaaaliw.

    alkalde png. Ang taong namumuno sa isang lungsod o bayan; pinakamataas na pinuno ng isang munisipyo. Ang alkalde ng Binangonan ay si G. Sid Pacis. Sk. Punung-bayan, Meyor.

    almusal png. Ang pagkain sa umaga Tapa, sinangag at itlog ang kanyang almusal. Mag-almusal pd. (mag-) PTg. Mag-agahan; kumain sa umaga. Alas-sais kung kami ay mag-almusal. Nag-almusal na kami. Nag-aalmusal pa sila.

    alok png. 1. Anyaya upang tanggapin ang idinudulot; ang anumang inilalako. Tanggapin mo ang alok niyang pagkain. 2. Tawad. Tinanggap ni Luz ang alok na walong daang libong piso para sa bahay. alukin pd. (-in) PL 1. Pagbilhan. Inalok ng paninda. 2. Dulutan. Inaalok ng pagkain.

    alon png. Pataas at pababang galaw ng tubig. Ang alon sa dagat ay malalaki. maalon pr. Magalaw ang tubig sa dagat o sa ilog; maraming alon ang ilog o dagat. Maalon ang dagat dahil sa bagyo.

    alsa pag-alsa png. 1. Ang pag-aangat o pagtataas ng anuman sa kinalalagyan. Ang pag-alsa sa mabigat na aparador ay isinagawa ng apat na katao. 2. Ang pagtutol o pagsalungat sa pamahalaan, may kapangyarihan pinaglilingkuran o sinuman, mapayapa o marahas man. Ang mga mag-aaral ay nagsagawa ng pag-aalsa dahil sa pagtaas ng kanilang matrikula. umalsa pd. (um-) PTg. 1. Umumbok, humilab. Umalsa ang tinapay. 2. Umangat, tumaas. Bahagya nang umalsa ang mabigat na cabinet nang pagtangkaang ilipat.

    altar png. Dambana. Ang altar ng simbahan ay mataas.

    ama png. 1. Magulang na lalaki. Ang ama niya ay kapatid ng aking kaibigan. 2. Sinumang ninunong lalaki (lalo na ang nagtatag ng isang lahi, lipi, o angkan) ama ng lahing kayumanggi. 3. Taong nagbibigay ng pagka-kandiling-ama sa iba taga-pagtanggol o tagapanustos. Isang ama ng mga maralita. 4. Isa sa mga pangunahing lalaki ng isang lungsod. Si Meyor Lim ay naging ama ng Lungsod ng Maynila 5. Tao o mga taong nagsimula o nagtatag ng anuman. Si Francisco Baltazar ay itinuturing na Ama ng Panitik. amain png. 1. Tiyo; kapatid ng ama o ina; pinsan ng ama o kaukulang paari, at sa pagkakalagay ay pauna. Amin ang bahay na iyan.

    amo png. 1. Taong pinaglilingkuran ng namamasukan o ng mga utusan Ang amo nila ay napakabait. 2. Ang may-ari ng hayop (gaya ng aso, kabayo, atb.) Ang amo ng asong iyan ang nagpapakain sa kanya. amo png. Kawalan ng bangis. Bilib ako sa amo ng leong iyon. maamo pr. 1. Hindi mabangis (kung sa hayop); mabait, hindi mailap, o malayo. Mababang loob. Ang ibon ay maamo. 2. Nakahahalina; nakaaakit; mukhang mabait. Maamo ang mukha ng batang iyon. mapaamo pd. (mapa-) PTg. Mapabait, mapalait ang loob at damdamin; mamanso. Pinipilit niyang mapaamo ang bata. Napaamo niya ang aso.

    amoy png. Katangian ng anuman na nalalaman sa pamamagitan ng ilong (gaya ng baho, bango, halimuyak at iba pa.); samyo; langhap. Ang amoy ng bulaklak ay mabango. amuyin pd. (-in) PL Langhapin o samyuin, alamin ang amoy. Amuyin mo ang aking buhok. Inaamoy niya ang labada. maamoy pd. (ma-) PL Malanghap; madama sa pamamagitan ng amoy. Naamoy ko ang pabango mo. Naaamoy ko na ang inilulutong ulam ni Inay. mangamoy pd. (mang-) PTg. Umalingasaw, bumaho. Nangangamoy ang basura.

    ampon png. Batang pinalaki ng ibang tao, hindi ng kanyang sariling magulang. Ang ampon niya ay isang batang babae. Sk. Alaga, anak-anakan. ampunan png. Bahay o lugar na pinaglalagakan ng mga batang ulila o mga batang walang kumupkop na pamilya. Ang batang kasama ko ay matagal na nanirahan sa ampunan. ampunin pd. (-in) PL. Kupkupin o tangkilikin ang isang ulila, matanda, maysakit, dukha o sinuman; kunin at ariing anak ang anak ng iba. Gusto niyang ampunin ang aking anak. Inampon niya ang anak ng kapatid ko.

    anak

    Enjoying the preview?
    Page 1 of 1