Discover millions of ebooks, audiobooks, and so much more with a free trial

Only $11.99/month after trial. Cancel anytime.

Samut-Samot - Mga Panday ng Buhay
Samut-Samot - Mga Panday ng Buhay
Samut-Samot - Mga Panday ng Buhay
Ebook95 pages1 hour

Samut-Samot - Mga Panday ng Buhay

Rating: 0 out of 5 stars

()

Read preview

About this ebook

This book sub- titled "Samut-Samot:  MGA PANDAY NG BUHAY"   is the second part of a 5-part anthology in Tagalog  that was initially  published in print  titled "SAMUT-SAMOT SA PUNONG HALIGI."  Text content of the full volume has a total of 190,340 words.   The book contains 444 pages with 25 story sub-titles, 49 illustrations, 4 cartographs and 1 planet diagram. The content was originally written in another Philippine dialect - Ilocano and published in a book with the title "Samut-samot iti Tarikayo" (Cobwebs in Wooden Pillar).   Following the Ilocano book's publication, the narratives were put out in podcast in Ilocano and Tagalog versions under the title "Kuwentong Pilipino sa Tagalog at Ilocano."  The original full volume in Tagalog  were the  Tagalog podcast scripts which have been re-written into print-book format under the title  "Samut-Samot sa Punong Haligi."  As an ebook publication, the original full  volume is partitioned into five separate books with each  having a  separate subtitle. This book Samut-Samot: "Mga Panday ng Buhay" contains the narratives about  Mahatma Gandhi,  Wolfgang Amadeus Mozart, St. Anthony the Great of Egypt, St. Anthony of Padua (Italy) and  Abraham Lincoln.

LanguageTagalog
Release dateFeb 21, 2024
ISBN9798224484133
Samut-Samot - Mga Panday ng Buhay
Author

Norma Hennessy

NORMA B.  HENNESSY is an author, journalist, artist, translator and radio broadcaster based in South Australia.  She and her family permanently moved from the Philippines to Australia in 1997.  She has authored and co-authored several non-fiction-books.  She writes in English and in two Philippine languages – Pilipino (Tagalog) and her 'mother tongue' Ilocano. Her first book 'A Journey in Antipodean Land' published in 2004 was a historical account based on her research about the early Filipino settlers in Australia. She co-authored a number of Filipino community books in the years that followed.   She published her first Ilocano book in 2022 (Samut-samot iti Tarikayo")- an anthology of stories about historic figures and events. She also published a Tagalog version of the book and both versions have been put out online in podcast format under the title "Mga Kuwentong Pilipino sa Tagalog at Ilocano."   Her two non-fiction English works: "The Last Spirit Child" and "Seekers of Destiny" were simultaneously released in 2022.  She writes a regular column in the Philippine Community Herald Newspaper in Sydney, NSW.  Norma was a free lance correspondent and stringer for print media and radio outfits from 1998 until 2020. She is also an award-winning artist. Some of her works can be viewed at online art galleries via search engine access. In 2023, she published a trilingual book on classic poetry titled "Timeless" consisting of historical classics that she translated into Tagalog and Ilocano.

Related to Samut-Samot - Mga Panday ng Buhay

Related ebooks

Reviews for Samut-Samot - Mga Panday ng Buhay

Rating: 0 out of 5 stars
0 ratings

0 ratings0 reviews

What did you think?

Tap to rate

Review must be at least 10 words

    Book preview

    Samut-Samot - Mga Panday ng Buhay - Norma Hennessy

    1

    MAHATMA GANDHI –

    BATANG MAHIYAIN, NAGING AMA NG BANSA

    Mohandas Karamchand Gandhi ang kanyang pangalang kinapanganakan.  Kilala siyang isa sa mga pinakadakilang lider na espiritwal at lider ng politika na nabuhay sa mundo noong ika – dalawampung siglo.  Bayaning Indiano si Mahatma.  Siya ang arkitekto at nagpasimuno ng sistemang "mapayapang paghihimagsik" ng mga Indiano laban sa paghahari ng banyagang pamunuan sa kanila.  Naganap ang paghihimagsik ng India sa gobyerno ng Britania noong dekada Mil Nuebe Siyentos Tatlumpo (1930).

    Ang bansang India ay nasa gitna ng kontinente ng Asia - sa bandang silanganin ng Pilipinas.  Pinamunuan ito ng mga Ingles mula Mil Otso Siyentos Limampu’t Walo (1858) hanggang Agosto, Mil Nuebe Siyentos Apatnapu’t Pito (1947).

    Pinamunuan ni Mahatma ang mapayapang pangampanya tungo sa kalayaan ng mga mamamayang Indiano at nagtagumpay ang mga ito na nangkamit ng sarili nilang pamahalaan. Ang sistema na isinagawa nila na pangangampanya ay naging kaiba sa mga paraang ginawa ng mga ibang lahi na pag-aalsa.  Mapayapa lahat noon ang kanilang mga galaw.  Ipinagdiinan nila na kapag haharap ka sa masama, kailangang kakapit ka sa mapayapa dahil kung magbabagsik ka, nawawala ang totoong diwa ng iyong pakay.

    Pagkaraan ng ilang mga taon na pangangampanya ng mga mamamayan, nakamit nila ang kanilang kalayaan noong Mil Nuebe Siyentos Apatnapu’t Pito (1947).  Iyong mapayapang pamamaraan na isinagawa nila ay tinawag nila na ‘satyagraha’.  Ang ‘satyagraha’ ay salitang ‘Sanskrit’ at ‘Hindi’ na ang katuturan na konsepto ay ‘walang hanggang pagkapit sa katotohanan.’

    Sa pamumuno ni Mahatma Gandhi, napatibay niya ang bisa ng konsepto ng mapayapang paghihimagsik tungo sa pagsulong ng kalayaan at nasaksihan ng mga mamamayang Indiano at maging ang mga tao sa ibang bansa ang kabutihan ng sistemang ito.  Ginaya ito ng mga ibang lahi na noon ay nasa ilalim din ng ibang mga nasyon na malalakas ang puwersa.  Napatunayan nila na mabisa at makapangyarihang pamamaraan sa pagtatayo ng katwiran at katarungan ang mapayapang panghihimagsik.

    Kaya naipagpatuloy na napag-uusapan at naihahayag ang kaisipan at katwiran ni Gandhi.  Iginagalang na magtuturo si Mahatma Gandhi at kahit hangga ngayon, kinikilala siya na isang dakilang uliran na lider. Kinikilala siya sa kasaysayan na kampeon ng tinatawag na ‘mapayapang resistansiya’ o ‘non-violent resistance’.

    Naipanganak si Mahatma sa isang pamilyang Hindu sa bayan na Gudjarat. Ang lugar na ito ay nasa kanlurang bahagi ng India.  Hindi dukha ang pamilyang pinanggalingan ni Mahatma. Masasabing ang kanilang pamilya ay may kaunting kakayahan bagaman hindi naman sila kayamanan. 

    Bilang Hindu, sumusunod sila sa mga alituntunin ng relihiyon na Hinduismo.  Naniniwala sila sa doktrina na ‘samsara.’ Paniniwala ito na ang buhay ay walang humpay na sirkulo ng pagkamatay at pagbabalik muli upang mabuhay sa pamamagitan ng pag-inkarnasyon.  Naniniwala sila sa ‘atmari’ - paniniwala ito na lahat ng bagay na may buhay ay may espiritu at kaluluwa.  Naniniwala sila na ang pangunahing dahilan ng buhay ay ang pagtatangkang mailigtas sa pamamagitan ng pakikipaghiwalay sa sirkulo ng samsara.  Ito ay makakamit sa pamamagitan ng pagkakaroon ng mabuting karma.  Alituntunin ng karma na bawat galaw ay may kaukulang kapalit o kasagutan.  "Kung pag-ibig ang iyong ibinigay, iyan din ang maibabalik sa iyo."  Ang pagkamit ng mabuting karma ay ang pagiging mabuti sa gawa at sa isip.

    Sa kanyang pagkabata, labis na mahiyain si Mahatma at parang wala siyang sapat na tiwala at kumpiyansa sa sarili.  Kapag siya’y pumapasok noon sa paaralan, mangilan-ilan lamang ang tiyempo na siya’y nakikipaglaro sa kanyang mga kababata at kaeskuwela pagkatapos ng klase.  Malimit na siya’y agad-agarang umuuwi dahil sa pag-a-alala niyang siya’y mapagkatuwaan na tudyuin o pulaan.  Iyan din ang dahilan noon kung bakit hindi siya maligaya sa mga unang tiyempo ng kanyang pagiging may-asawa.  Nagka-edad siya noon ng labintatlo (13) noong siya’y ipina-asawa ng kanyang pamilya.  Tradisyon ng mga Hindu ang batang pag-aasawa.  Kaparis din niyang bata noon ang ipinakasal sa kanya at nahirapan ang kanyang naging asawa na umintindi at nagpasensiya kay Mahatma.  Malimit pati noon na mapagpanibugho at nag-aalboroto si Mahatma.

    Hindi siya ang masasabing matinik at magaling sa loob ng klase, bagaman hindi naman mahina ang ulo.  Nahirapan siya noong magtapos sa sekundaria.  Noong nakapagtapos siya sa sekundaria, sinubok niya ang nag-aral ng medisina.  Subalit hindi niya nakayanan ito.  Limang buwan pa lamang siya noon sa kolehiyo noong huminto na siyang nag-aral sa kursong ito.

    Gayunpaman, hindi nawalan ng pag-asa ang kanyang mga magulang sa kanilang paniniwala na mayroon siyang kahihinatnan.  Ipinasya nilang ipadala si Mahatma sa siyudad ng London sa Inglatera upang doon siya mag-aral.  Tinipun-tipon ng kanyang pamilya ang kanilang mga ipon at pinadala si Mahatma sa London.  Pagdating ni Mahatma sa London, siya’y nagpalistang mag-aral ng tungkol sa batas dahil iyon ang mungkahi ng kanyang mga magulang.  Malaki ang kumpiyansa ng kanyang mga magulang na makakayanan niya ang pagiging abogado.

    Sa mga unang araw niya sa Inglatera, nahirapan si Mahatma na nag-sanay sa klima at sa pabagu-bagong panahon.  Malimit na siya ay natutukso noon dahil hindi nai-aangkop sa klima at kundisyon ng panahon ang kanyang kasuotan.

    Nabibiru-biro din siya dahil hindi pa siya sanay noong magsalita ng Ingles.   Malimit siyang napapautal-utal sa lengguaheng ito.  Subalit masipag siya noong mag-aral at sumali siyang nag-aral ng salitang Pranses. Sumali din siyang nag-aral na sumayaw.  Nagpaturo siyang tumugtog ng biyulin at nakisali siya sa mga debatehan at mga diskurso.  Pinag-aralan din niya ang magsuot ng mga kasuotang angkop na naa-ayon sa mga pananamit ng mga Ingles at mga ibang estudyante na napunta doon para mag-aral.

    Subalit di-naglaon ay natuklasan niyang magastos ang kanyang ipinagga-gawa.  Napansin niyang mabilis nang nauubos ang kanyang baon na pera.

    Para makatipid, lumipat siya mula doon sa hotel na tinitirhan niya at umupa siya ng isang maliit na kuwarto.  At sa halip na siya’y sasakay papuntang eskuwelahan, nilalakad na lamang niya ito, palibhasa ay hindi naman ito kalayuan sa tinitirhan niya.  Iniba rin niya ang mga pagkain na pinagbi-bili niya.  Sa halip na iyong karaniwang pagkaing Ingles ang binibili niya, bumili siya ng mga prutas at gulay.

    Sa mga panahong iyon na malayo siya sa pamilya, dibdiban ang ginawa niyang pag-aaral upang hindi siya masyadong mangulila sa kanyang pamilya na naiwan sa India.  Nagtapos siya ng abogasya noong Hunyo, Mil Otso Siyentos Siyamnapu’t Isa (1891) sa Kolehiyo ng Unibersidad ng London, Inglatera.  Pagkatapos ng kanyang graduwasyon, natanggap siyang abogado sa korte sa London

    Enjoying the preview?
    Page 1 of 1