Discover millions of ebooks, audiobooks, and so much more with a free trial

Only $11.99/month after trial. Cancel anytime.

Samut-samot Sa Punong Haligi
Samut-samot Sa Punong Haligi
Samut-samot Sa Punong Haligi
Ebook144 pages1 hour

Samut-samot Sa Punong Haligi

Rating: 0 out of 5 stars

()

Read preview

About this ebook

It is a single-author,  5-part anthology of non-fiction stories written in the Philippine language - Pilipino (Tagalog).  The narratives are accounts about extra-ordinary  figures and events from around the globe at various periods in human history, featuring:  (Part 1) Mother Teresa of Kolkata, Alexander the Great of Macedonia, Helen Keller, Anne Sullivan, Florence Nightingale, Leonardo da Vinci, Abdul Qadir Jilani, Jose 'Pepe' Mujica Cordano of Uruguay, Joan d'Arc, Mahatma Gandhi; (Part 2): Wolfgang Amadeus Mozart, St. Anthony the Great of Egypt, St. Anthony of Padua (Italy), Abraham Lincoln; (Part 3)  Genghis Khan and the Mongolian Empire, Admiral Yi Sun Shin of Korea , Oda Nobunaga and the Sengoku Jidai  of Japan& Shavarsh Karapetyan; (Part 4)   Marie Curie, Stephen Hawking, Albert Einstein & Alexander Graham Bell; (Part 5) Fridtjof Nansen and the first crossing of Greenland, Albert Einstein and   Sir Ernest Shackleton and his daring exploration on the Endurance and the Aurora.  Text content has a total of 190,340 words. The book contains 444 pages with 25 story sub-titles, 49 illustrations, 4 cartographs and 1 planet diagram. The content was originally written in another Philippine dialect - Ilocano and published in a book with the title "Samut-samot iti Tarikayo" (Cobwebs in Wooden Pillar).   Following the Ilocano book's publication, the narratives were put out in podcast in Ilocano and Tagalog versions under the title "Kuwentong Pilipino sa Tagalog at Ilocano."  This book was based on the Tagalog podcast scripts which have been re-written into print-book format under the title "Samut-Samot sa Punong Haligi."

LanguageTagalog
Release dateFeb 19, 2024
ISBN9780645442380
Samut-samot Sa Punong Haligi
Author

Norma Hennessy

Norma Hennessy is a Filipino-Australian author, journalist and award-winning artist.  She writes in English, Tagalog and Ilocano.  She writes for a community newspaper in Sydney, NSW (Australia) and broadcasts for community radio with 5EBI-FM in Adelaide, SOuth AUstralia.

Related to Samut-samot Sa Punong Haligi

Related ebooks

Reviews for Samut-samot Sa Punong Haligi

Rating: 0 out of 5 stars
0 ratings

0 ratings0 reviews

What did you think?

Tap to rate

Review must be at least 10 words

    Book preview

    Samut-samot Sa Punong Haligi - Norma Hennessy

    1

    MOTHER TERESA – SANTA TERESA NG KOLKATA

    Noong panahong nagsimula ang pangalawang milenya, kilalang-kilala sa kahit saang sulok ng mundo ang pangalan ni Mother Teresa.  Ito ay dahil sa kabutihan ng mga ginagawa niyang paninilbi at pagmamalasakit sa mga taong nakakaligtaan na ng sosyedad - nalilibak dahil sa kawalan ng kakayahan sa buhay.  Sa tanang ng kanyang buhay sa lupa, inilaan niya ang pagmamahal at paninilbi niya sa mga maralita at mga kaawa-awa.

    Ipinanganak si Mother Teresa sa lugar na Uskub na noon ay sakup ng Imperyong Ottoman noong 26 ng Agosto, 1910.  Ang lugar na kinapanganakan niya ay kilala na ngayon sa bagong pangalan na Skopje, na siyang pangunahing lungsod ng Masedonya.

    Agnes Gonxha Bojaxhiu ang kanyang kapanganakang pangalan.  Matapat at debosyonadong   kristiyano ang kanyang mga magulang.  Noong walong taong gulang si Agnes, pumanaw ang kanyang ama kaya lumaki siya at ang kanyang dalawang kapatid sa pag-aaruga ng kanilang nanay na nagsolong nagsikap na nagpalaki sa kanila.

    Matibay ang paniniwala at pagmamahal ni Agnes sa Diyos mula pagkabata.  Kahit musmos pa noon ang kanyang pag-iisip, nagpanata na siyang magsilbi sa Diyos.  Noong dumating siya sa edad na labing-walong taon, sumali siya sa kongregasyon ng mga madre na nagmimisyon sa iba’t-iba at mga malalayong lugar.  Ang kongregasyon ay kilala sa pangalang ‘Sisters of Loreto.’

    Naipadala si Agnes (batang Teresa) na mag-aral sa isang kumbento ng kongregasyon sa Irlandesa (Ireland).  Doon, ibinigay sa kanya ang pangalang Teresa, na kinuha sa patron ng misyon na si Santa Thiriz ng Lisya (Saint Therese of Lisieux).  Habang siya ay nasa Irlandesa, tumira si Agnes sa Abadia ng Loreto (Loreto Abbey) at nag-aral siya doon ng Ingles ng isang taon.

    Magmula noong siya ay lumayo at umalis sa Uskub na kinapanganakan at kinalakhan niya, hindi na siya nakabalik pa doon.  Iyon na lamang din ang huli niyang pagkakasama at pagkakakita sa minamahal niyang ina at sa dalawa niyang mga kapatid.

    Pagkatapos ng isang taon niyang pamamalagi sa Irlandesa, nagkasakit siya at pinagpasyahan ng kongregasyon na ipadala siya sa lugar na Darjeeling.  Ito ay upang magpalakas at magpagaling siya dahil ang hinala noon ng kongregasyon ay tuberculosis ang kanyang sakit.  Ang Darjeeling ay isang malayong lugar sa India. Sa Darjeeling naramdaman ni Teresa na ang kanyang pagkakapadala doon ay siyang pagtawag ng Diyos sa kanya upang magsilbi.

    Humingi siya sa kongregasyon ng Loreto na pahintulutan siyang pumunta sa Kolkata (Calcutta).  Pinagbigyan naman ng kongregasyon ang kanyang hiling kaya nakapagsimula siyang nagtrabaho sa misyon sa India noong taong 1928.  

    Tinanggap niya ang pagiging madre noong 1931, at nagturo siya sa paaralang Santa Maria (Saint Mary) at SantaTeresa.  Pinag-aralan niya ang salitang Bengali dahil Bengali ang lengguaheng gamit ng dalawang paaralang ito.  Pareho ang dalawang paaralang ito na para sa mga batang mahihirap ang mga pamilya.  Noong 1944, naging prinsipala si Mother Teresa sa Santa Maria (St. Mary) na paaralan ng mga ulila.

    Habang nasa Kolkata noon si Mother Teresa, marami ang panahong nag-taghirap ang mga tao.  Kulang na kulang ang pagkain at nagkanda-gutom ang mga ito.  Daan-dang libong tao ang mga namamatay dahil sa gutom.

    Sa mga panahong iyon, kinakailangan ang asukal dahil ginagamit nila itong panglahok sa kaunting kanin para kahit katiting lamang ang makain, ito’y makakapagbigay na ng lakas sa katawan.  At kahit kaunti lamang ang kanin kapag ito’y may halong asukal, naibabahagi ito sa nakararami.

    Nagkaroon ng karanasan noon si Mother Teresa na kanyang ibinahagi tungkol sa isang batang lalaking Hindu.  Apat na taong gulang lamang ang batang ito.

    Ayon kay Mother Teresa: "Hindi pa nagtatagal noon na dumating ang taghirap at nahirapan kaming makapaghanap ng asukal.  Hindi ko mawari kung papaano kumalat sa mga bata ang balita ng pangangailangan namin.  Pero meron isang batang Hindu noon na nagsabi sa kanyang mga magulang ‘Hindi ako kakain ng asukal ng tatlong araw, at ibibigay ko ang asukalko kay Mother Teresa para may maibigay sa mga batang inaalagaan niya.’  Tatlong araw makaraang hindi kumain ng asukal ang bata, pumunta sa akin ang mga magulang ng bata."

    Ayon kay Mother Teresa, iyon pa lamang ang una niyang pagkakakita sa mag-anak na ito.  Sabi niya: Yong batang dala nila, ay ni hindi pa nga niya mabigkas ang pangalan ko pero siya ang sobrang nagkagustong pumunta sila sa akin para ibigay iyong asukal na inipon niya at maibigay sa mga batang alaga namin sa eskuwelahan.

    Naipa-alala kay Mother Teresa iyong pagtawag ng Diyos sa kanya upang siya’y magsilbing tumulong sa mga may sakit at mga nakakaawa.  Tiempo noon ng kakulangan ng mga pangangailangan na ikabubuhay at walang tulong na dumarating para sa kanya. Dumanas siya ng gutom at pagka-uhaw subalit hindi siya huminto sa pag-alaga at pagkalinga sa mga naghihirap.  Ang sabi niya, "Ang magbigay nang hanggang sa ikaw ay nagdudusa ng labis na sakit, iyan ang dalisay na katuturan ng pagmamahal."

    ——————————————

    Marami ang mga pambihirang karanasan ni Mother Teresa sa mga mag-anak na mga Hindu.  Buhay na buhay noon sa ala-ala niya ang isang pangyayari sa isang panahon ng tag-hirap, tungkol sa isang pamilya na may walong maliliit na mga anak.  Hirap-na hirap noon ang nasabing mag-anak dahil wala na silang makain. Isang maawaing lalaki na habag-na-habag sa kanila ang nagsangguni kay Mother Teresa tungkol sa pamilyang ito at siya’y humingi ng tulong para sa kanila.

    "Mother Teresa may pamilya pong walo ang anak at sila’y gutom na gutom na.  Ilang araw na po silang hindi kumakain. Kung maari lamang po na gawan ninyo ng paraan na mabigyan sila ng ano mang makain," wika ng nasabing lalaki.

    Pagkarinig ni Mother Teresa sa pakiusap ng mama, kumuha ito ng kanin at kaagad na pinuntahan niya ang bahay ng nasabing pamilyang nahihirapan. Ang sabi niya, "...At kitang-kita ko ang mga bata – nakita ko ang mga mata nilang kumikintab sa kagutoman.  Hindi ko alam kung nakakita na kayo ng itsura ng gutom.  Kilala ko ang itsura ng kagutoman dahil palagi ko itong napagmamasdan."

    Kinuha ng ina ang kanin na ibinigay sa kanya ng madre at taos puso itong nagpasalamat.  Ipinatong niya ang supot ng kanin sa maliit na lamisita at kumuha ng hati at inilagay sa mangkok.  Pagkatapos, lumabas siya sa kubong tahanan nilang mag-anak na dala-dala niya ang mangkok ng kanin.  Noong bumalik siya, tinanong ng nagtatakang Mother Teresa kung saan siya nagpunta na dala ang mangkok.  Ang sabi ng nanay ng mga bata, "Nagdala po ako ng hati ng ibinigay ninyo na kanin at dinala ko sa kapitbahay.  Gutom na gutom na rin po sila."

    Hindi Hindu na kagaya nila ang kapitbahay na pinagdalhan ng ina ng kalahati ng kanin.  Muslim ang tradisyon at kostumbre ng mga ito.  Gayunpaman, hindi nagdalawang isip ang Hindu na ina na nagbahagi ng grasyang natanggap niya mula kay Mother Teresa.  Nagbahagi siya sa mga Muslim na kapitbahay niya na gaya nila ay naghihirap din sa kagutoman.

    Hindi na nagpadala muli ng kanin si Mother Teresa sa gabing iyon.  Ang sabi niya: "Nais kong maramdaman nila ang ligaya sa pagtutulungan.  Mayroon noon ang mga batang kaligayahan ang nasa mukha nila na gaya ng nasa mukha ng ina nila na nagbahagi ng grasya dahil nagkaroon sila ng pagkakataong nakapagbigay ng pagmamahal sa kapwa. At makikita ninyo, ang paninimulan ng pagmamahal ay sa loob ng tahanan.  Sa isip natin, madalas na ang pagka-maralita at pagdudusa sa pagkadukha ay kagutoman lamang; o kaya kawalan ng mga maisuot at kawalan ng matirhan.  Subalit ang pagiging kaawa-awa ng taong walang nagmamahal sa kanya; ang hindi nililingon o pinapansin, ang siyang pinakamasaklap na kahirapan.  Kailangan nating umpisahan sa loob ng ating tahanan ang pagtama sa ganyang kahirapan."

    Noong 1950, nagtayo si Mother Teresa ng bagong kongregasyon sa ilalim ng Romano Katoliko at ito ay ang Misyonaryo ng Karidad sa Pagsisilbi (‘Missionaries of Charity’).   Layunin ng komunidad na ito ang magsilbi at mag-alaga sa mga nagugutom; mga walang damit, walang matirhan; mga lumpo, bulag at maysakit; mga napapabayaan at mga ina-abandonar at itinatapon.  Ang sabi niya: "Ialok mo nang buo ang iyong sarili sa Diyos.  Gagamitin ka niya sa pagpapatupad sa mga mararangyang bagay na nasa testamento, dahil mas paniniwalaan mo ang kanyang banal na pagmamahal kaysa iyong karupokan."

    Huwag sabihin, na - upang makatotohanan ang pagmamahal ay dapat na kamangha-mangha ito.  Ang kailangan natin ay ang magmahal ng walang kapaguran.  Gaya ni Hesus, kayamanan tayo ng mundo: hindi para sa sarili natin kundi upang magsilbi sa iba.  Ang ligaya ng Diyos ang siyang lakas natin.

    Namatay si Mother Teresa noong Setyembre 5, 1997 sa edad na walumpu’t pito (87) sa siyudad ng Kolkata sa India.

    Idineklara ng Romano Katoliko na santa si Mother Teresa noong ika-4 ng Setyembre,

    Enjoying the preview?
    Page 1 of 1