Discover millions of ebooks, audiobooks, and so much more with a free trial

Only $11.99/month after trial. Cancel anytime.

Antique Heart 2: Lakas: Claire
Antique Heart 2: Lakas: Claire
Antique Heart 2: Lakas: Claire
Ebook128 pages34 hours

Antique Heart 2: Lakas: Claire

Rating: 5 out of 5 stars

5/5

()

Read preview

About this ebook

Secrets were revealed. Painful truth ang mga nalaman ko. Ang bigat sa puso, but I had to be strong. Kung babagsak kasi ako, no one's gonna be there for me. Busy silang lahat sa kanya-kanya nilang issues, sa kanya-kanyang pain.

 

Si Ivan lang ang mayroon ako pero pinalayas pa siya ni Mama. Nadamay siya sa mga nangyari—sa problem ng parents ko at ng boss niyang si Tito Henry. Naiwan akong mag-isa, umiiyak sa dilim at pinipilit maging strong. Sa moment na `yon, lagi akong may mga wish na sana totoo na lang. Hindi ko naisip na sa paggamit ng lumang candle holder galing sa antique shop sa Bagong Awa, magkakatotoo ang isa sa wishes ko.

 

At makikita ko ang sariling witness ng real magic.

 

Alam n'yo kung ano'ng nag-dominate sa part na `to ng story ko?

 

LAKAS ng mahika.

 

Si Hanah pa rin `to. Tara? Join kayo sa continuation ng journey ko…

LanguageFilipino
PublisherVictoria Amor
Release dateMay 15, 2024
ISBN9798224537853
Antique Heart 2: Lakas: Claire

Read more from Victoria Amor

Related to Antique Heart 2

Reviews for Antique Heart 2

Rating: 5 out of 5 stars
5/5

1 rating0 reviews

What did you think?

Tap to rate

Review must be at least 10 words

    Book preview

    Antique Heart 2 - Victoria Amor

    I HAD no idea then, na sa moment na pinipilit kong maging intact ang sanity sa maraming sad moments sa life ko, Hanah was facing a battle on her own. For some reason, nag-focus yata ang mundo sa aming dalawa. Kami ang naging instant favorite. The universe had been throwing surprises all at once.

    Ako, naka-dextrose sa room, mahinang-mahina, mag-isa and losing hope. Iyon `yong time na pati si Sani, my innocent cute baby dog, nadamay pa sa cruelty ni Mama Irah. No’ng nagising ako mag-isa sa bed, na hindi ko alam kung nasaang room, nasa point na ako ng life na ayoko nang lumaban pa. Gusto ko na lang mag-collapse at hindi na magkamalay.

    I’ve been fighting alone and I’m tired. Nakakapagod din pala ang maging matatag at matapang. May moment talaga na mapapagod ka na at gugustuhin mo na lang na mag-give up; na takasan o kalimutan na lang lahat para matapos na.

    Ang sabay-sabay na pagbato ng mundo ng painful moments, ang pabigat nang pabigat na bitbit ng puso ko, ang sabay-sabay na bad events na parang bomb na isahan ang pagsabog—hindi ko na kinaya talaga.

    Napagod na akong maging matatag.

    That day, I lost hope. I’ve given up.

    Hindi ko alam, nasa same situation pala si Hanah. Nakakulong siya sa bahay, walang phone, walang laptop—at walang kakampi.

    Sa saddest moment ko, dumating si Ram. And once again, he saved me.

    Si Hanah?

    Pagkatapos na malantad ang mga lihim sa pamilya niya, ang next na nag-dominate sa story ng friend ko?

    LAKAS. 

    1

    Summer vacation...

    HANAH?

    Napakurap siya. Ang blurry image sa cell phone, naging malinaw na—selfie ni Ivan na photobomber siya. Nasa side siya sa likuran, windswept ang buhok at kumukuha ng pictures. Sa may simbahan sa Bagong Awa ang shot. Hindi napansin ni Hanah na nakuhanan siya ng picture ni Ivan. Isa ang picture na iyon sa mga pictures galing kay Ivan. Nakikita lagi niya ang sarili na tinititigan ang picture kapag malungkot siya. O kapag kailangan ng kausap, ng kasamang kumain, ng ka-argue—sa lahat ng moments na nami-miss niya si Ivan.

    Claire, si Hanah sa kaibigan. Sumandal siya sa backrest bago inikot ang tingin sa paligid. Hindi niya napansin na sila na lang ni Clarice ang nasa classroom. Last day na ng school iyon kaya excited nang umuwi ang lahat.

    Lahat—except kay Hanah. Hindi na niya maalala kung kailan ang huling araw na na-excite siyang umuwi sa bahay na sobrang tahimik. Sa bahay na wala nang ibang hatid sa kanya kundi lungkot at masamang alaala.

    Hiwalay na ang parents ni Hanah. Ang gulong nangyari months ago ang naging huling away ng mga magulang niya. Pagkauwi ng Papa niya galing ospital, nag-empake ng mga gamit at agad-agad umalis. Ang naging last communication nila—few seconds na pagtatama lang ng mga mata at isang I’m sorry bago ito umalis. Nasa work pa rin nito sa bank ang Papa niya pero hindi na umuwi sa bahay nila. Kung may bagong babae na, hindi na gustong malaman ni Hanah. Hindi na niya gusto ng dagdag na sakit.

    Si Tito Henry at ang Mama niya ang nagbigay linaw sa marami niyang hindi maintindihan sa nangyari. Nagpunta sa bahay nila si Tito Henry, may kasamang limang armed men—mga taong na-realize ni Hanah na kinuha talaga nito para mapilitan ang Mama niya na papasukin. Bakas pa sa mukha nito ang naging away at ng Papa niya—may black eye at stitches.

    Nasa labas pa lang, narinig na niya ang banta nito sa Mama niya—kung hindi ito bibigyan ng chance na makausap siya, sapilitan siyang kukunin at ilalayo. Ang Mama niyang ang higpit ng utos sa guards nila na bawal magpapasok ng kahit sino, natakot sa banta—pinapasok si Tito Henry.

    Siya agad ang hinanap ni Tito Henry pagkapasok sa bahay. Ngumiti ang tiyuhin nang makita siya. Nagtaka pa si Hanah. Namasa kasi ng luha ang mga mata nito nang lapitan siya at mahigpit na yakapin. I’m sorry, din ang narinig niyang sinabi nito.

    Walang maintindihan, nag-demand siya ng paliwanag—at doon na sinabi ni Tito Henry ang lihim tungkol sa pagkatao niya. Lihim na sixteen years na pinagtakpan nito at ng parents niya. Lihim na five years ago lang pala nalaman ng Papa niya—kaya nag-iba ang trato nito sa kanya.

    Lihim na sumira sa pamilya nila—nang hindi niya alam. 

    Hindi anak si Hanah ng Papa niya. Si Tito Henry ang tunay niyang ama. Bunga siya ng isang gabing betrayal. Five years ago, nagbalik Pilipinas pala si Tito Henry para maging malapit sa kanya. Five years ago lang nalaman ng Papa niya ang totoo—ang paliwanag sa matinding away ng parents niya noon.

    Hindi makapaniwala si Hanah na nanahimik lang ang Mama niya habang nag-speech nang tuloy-tuloy si Tito Henry. Gusto lang daw nitong maging ama sa kanya. Humingi rin pala ito ng tawad sa ama niya pero ang galit ng Papa niya ang natanggap nito. Nagbanta ang Papa niyang sasabihin sa kanya ang malaking kasalanan ng dalawa—at ilalayo siya kung sino man kina Tito Henry at sa Mama niya ang magtatangkang sirain ang pamilya.

    Guilty sa mabigat na kasalanan ang tunay niyang ama, walang nagawa kundi maging Tito na lang niya. Ang Mama naman ni Hanah, takot na kasuklaman niya sa kasalanang ginawa noon. Walang nagpaliwanag sa dalawa kung bakit nagka-affair ang mga ito.

    Hindi niya alam, nagkasundo pala ang parents niya at si Tito Henry sa isang usapan—walang magsasalita hangga’t hindi pa siya nagiging eighteen. Pinagbigyan din ng parents niya ang pabor na hiningi ni Tito Henry, na hayaan siya ng parents na maging ama rin sa mga pagkakataon na umuuwi siya sa kabilang bahay. Nalaman din ni Hanah na kasama niya si Ivan para makasiguro si Tito Henry na maayos siya kapag wala ito sa bahay. Si Ivan din ang link nito sa nangyayari sa parents niya.

    Ang araw ng gulo sa bahay nila, nagsimula sa issue ng annulment. Ang Mama niya ang may gusto. Nag-assume ang kinilala niyang ama na nauulit na naman ang pagtataksil na ginawa na nito at ng kapatid noon. Si Tito Henry ang sinugod nito—na wala naman palang kamalay-malay. Ibang lalaki ang dahilan kaya gusto nang lumaya ng Mama niya sa kasal. Ang paghingi ng tawad ni Tito Henry sa Kuya nito five years ago, sincere at totoo. Walang balak ang tunay niyang ama na ulitin ang nagawang kasalanan noon. Bad boy daw talaga ito noong kabataan.

    Dalawang bagay lang daw ang binalikan ni Tito Henry sa Pilipinas—ang Papa niya para humingi ng tawad, at siya na anak para magpakaama.

    Kay Tito Henry lang nalaman ni Hanah na nagbugbugan ang magkapatid hanggang parehong napagod at naubusan ng lakas. Hindi pala talaga nailabas ng Papa niya ang galit kay Tito Henry noon. Na ni-release nito lahat nang araw na iyon. Ang Mama niya na na-shock nang malaman na nagpapatayan na ang magkapatid, nag-collapse. Sa pagdating pa lang ng ambulansiya tumigil ang dalawa. Sabay na-ospital ang tatlo.

    Sa ospital, nag-decide na si Tito Henry na sabihin sa kanya lahat para matapos na ang mga kasinungalingan. Ang Papa niya na gusto pa rin parusahan ang dalawa—hindi pagbibigyan ang annulment na gusto ng Mama niya at ilalayo siya kay Tito Henry, kaya kumuha ito ng guards para magbantay sa bahay—kasabay ng pagtatapon sa labas kay Ivan. 

    Pero may kung ano na nagpabago sa isip ng ama, hindi alam ng Mama niya at ni Tito Henry hanggang nang sandaling iyon. Kusang umalis sa bahay nila ang Papa niya. Naisip ni Hanah, gusto na lang siguro ng kinilala niyang ama ang tahimik na buhay.

    Pagkatapos ng pag-uusap na iyon, umalis din papuntang US si Tito Henry. Bago ang flight nito kinabukasan, tinawagan siya para sabihing lalayo lang muna ito pero babalik rin. Nag-sorry uli sa kanya at humingi ng pabor—ingatan at mahalin daw niya ang sarili. Ang makitang maayos siya ang kailangan daw nito para mapatawad ang sarili. Kung may emergency at harang ang distansiya nila, si Ivan daw ang tawagan niya. Si Manong Coy na uli ang driver nila pagkaalis ni Tito Henry.

    Pagkaalis ng Papa niya at ni Tito Henry, naging nakakabingi na ang katahimikan sa bahay nila. Ang Mama ni Hanah,

    Enjoying the preview?
    Page 1 of 1