Discover millions of ebooks, audiobooks, and so much more with a free trial

Only $11.99/month after trial. Cancel anytime.

Rohn: Intruders
Rohn: Intruders
Rohn: Intruders
Ebook221 pages3 hours

Rohn: Intruders

Rating: 5 out of 5 stars

5/5

()

Read preview

About this ebook

Bakasyon ang ipinunta ni Diosa sa Baguio. Ang lamig man ng Pasko niya, ayos lang basta ligtas pa siya sa sumpa. Nagka-twist nga lang ang life story niya nang binulabog ng hot and drunk intruder ang pag-iisa niya sa rest house.

 

 Bigla, hostage na siya ng lalaki sa kuwarto at ginawa pang human blanket magdamag. Nagkaideya tuloy si Diosa—gagamitin niya si Rohn para ma-solve ang problema niya sa sumpa sa Mahinhinon virgins.

 

Lasing-lasingan ang peg, ibinalandra ni Diosa ang sarili suot ang red mini dress na may slit pang kita halos ang singit. Gumiling siya sa harap ni Rohn to the tune of Even The Nights Are Better. 

 

"One-night lang," feeling sexy na ungol niya. "Puwede bang akin ka muna?" 

 

May pa-bonus pa siyang walling.

 

Nawindang ang virgin Diosa sa sagot ni Rohn…

LanguageFilipino
PublisherVictoria Amor
Release dateDec 14, 2023
ISBN9798223240044
Rohn: Intruders

Read more from Victoria Amor

Related to Rohn

Reviews for Rohn

Rating: 5 out of 5 stars
5/5

3 ratings1 review

What did you think?

Tap to rate

Review must be at least 10 words

  • Rating: 5 out of 5 stars
    5/5
    Rohn!
    Na-miss kita ng bongga ?
    Yung kilig ko sa'yo, wagas pa rin, haha

    Done reading po, Ms VA.
    Hindi nakakasawang basahin, lalo na yung unli kiss, char ?
    Bet na bet ko yung mas older si heroine kay hero pero mas sweet at matured si hero, like Rohn, naks!

    Thank you so much po, Ms VA ?
    Happy, happy birthday po ?

Book preview

Rohn - Victoria Amor

New Year’s Eve

11: 30 PM

VIRGIN na patay o torn-hymen na buhay?

Na-imagine ni Diosa Mahinhinon na humiwalay sa kanyang katawan ang isang kamukhang-kamukha niyang babae—si Konsensiya kung nasa commercial siya ng sabon. Tinitigan siya ni Konsensiya, umangat ang isang kilay at nagtanong:

Buhay o virginity, teh?

Buhay!

Kamuntik na kasi siyang mahagip ng truck kahapon. Na-realize ni Diosa, gusto pa niyang mabuhay. Hindi dapat magtagumpay si Kamatayan na sunduin siya bago ang kanyang birthday. Thirty-one na siya.

At virgin.

Kung hindi isusuko ni Diosa ang may ‘sumpa’ daw na virginity ng mga dalagang Mahinhinon, baka sa susunod na paglabas niya ng rest house ay mahagip na talaga siya ng truck.

Kaya nagdesisyon na agad si Diosa. Tama si Macaria, hindi na siya dapat gumising na virgin sa unang araw ng twenty-sixteen!

Si Rohn ang tanging pag-asa niya.

Si Rohn na nawala na lang pagkatapos ng memorable na kissing scene nila noong Noche Buena.

Si Rohn na dumating pala kaninang past nine PM.

Si Rohn na nagkukulong lang sa kuwarto nito.

Kaninang mga ten p.m, lumabas ang lalaki at nakita si Diosa na umiinom sa kuwarto. Careless siyang nakaupo sa sahig. Sa tabi niya ay apat na lata ng red horse na wala nang laman. Ang panlima ay hawak ni Diosa—kalahati na lang ang laman at iyon ang iniinom niya. Props lang ang apat pang red horse cans. Ibinuhos niya sa toilet. Hindi niya gustong malasing pero kailangang isipin ni Rohn na lasing talaga siya. Kung may mangyari man sa kanila, gusto ni Diosa na nasa katinuan siya. Gusto niyang maalala lahat.

Isasakatuparan na niya ang plan B sa Sagip buhay project ni Macaria. Sasagipin daw ng pinsan ang buhay niya.

Success naman ang first step sa plano—ang halik. Ang gagawin niya ngayon ay ang medyo bold move. Nagbihis siya ng red mini dress na si Macaria rin ang sponsor. May slit iyon sa kaliwang hita, halos kita na ang singit niya. Napangiwi man ay isinuot pa rin ni Diosa.

Para sa buhay!

`Ansabe ng Binibining Pilipinas candidates sa long legs niya?

Nakatingin si Diosa sa sariling repleksiyon  sa full length mirror sa kuwarto. Kabog na kabog niya ang slit ni Anne Curtis. Nag-spray siya ng perfume na sponsor din ni Macaria—aphrodisiac daw ang scent na iyon.

Ngumiti si Diosa sa salamin. Kailangan niyang ma-perfect ang seductive smile na iyon o blangkong tingin lang ang ibabalik sa kanya ng housemate. Natakot yata si Rohn na gapangin niya kaya umalis nang walang paalam. Mabuti na lang at bumalik ito bago ang New Year.

Go, Diosa! Ang sabi ng kanyang konsensiya. Atat na rin na isuko niya ang Bataan.

Isang tingin pa sa salamin, medyo itinaas niya ang damit—hayun ang slit, bumuka at nag-hi ang red din na lace bikini niya. Kumindat siya sa sariling reflection bago lumabas ng kuwarto—at parang Anne Curtis ang peg na naglakad papunta sa isa pang kuwarto sa second floor ng rest house—ang kuwarto ni Rohn.

Sinadya ni Diosa na lakasan ang katok. Handang-handa na siya sa masamang plano. Ang gabing iyon ang sasagip sa kanya sa karit ni Kamatayan.

Pagbukas ni Rohn ng pinto, isang ‘lasing’ na Diosa ang nakita nito—pilya ang ngiti, namumungay ang mga mata at parang nagsasayaw sa kinatatayuan. Na-perfect na niya ang ‘lasing-dance’ na iyon. Ilang beses na practice lang sa harap ng salamin. Amoy red horse din siya, malabong isipin ni Rohn na nagpapanggap lang siyang lasing.

I, I was the lonely one, wondering what went wrong. Why love had gone and left me lonely... kanta ni Diosa, nakalapat sa dibdib ang isang kamay, titig na titig kay Rohn na parang poste lang sa harap niya, blangko ang mukha. Memorized na niya ang Even The Nights Are Better ng Air Supply. Pinili niya ang kantang iyon para sa step tree: Ang sexy giling na isasabay niya sa chorus—idea rin ni Macaria. Kung suwerteng hindi siya pagsasarhan ni Rohn ng pinto at umabot pa ang kanta sa chorus.

I used to think I was tied to a heartache that was the heartbreak. But now that I found you... Kumindat siya kasunod ang ngiti, itinuro si Rohn bago nag-umpisang gumiling nang marahan. Even the nights are better now that we’re here together. Even the nights are better since I’ve found you... ngiting-ngiting itinuro niya uli si Rohn. At kasunod na ang step four: Ang kunwaring pagka-off balance dahil nga ‘lasing’. Kung sasaluhin siya ni Rohn, perfect!

Pero kung hindi, next step na.

Hindi man lang tuminag ang lalaki para saluhin siya, sa dingding kunwaring napakapit si Diosa.

One night, Rohn, sabi niya. Puwede bang akin ka muna? bumungisngis siya at parang wala sa katinuang pagwa-walling. But now that I’ve found you— naputol na ang kanta nang bigla siyang hinila ni Rohn; kinabig ang baywang niya palapit sa katawan nito.

At nanlambot ang Diosa sa nakakalunod na halik ng lalaking balak niyang pagbigyan ng may ‘sumpang’ virginity.

1

December 2015

MAGPAPASKO talaga ang rampa mo, Yosh? si Macaria Mahinhinon, a.k.a Ariah Bolocbuloc. Chubby at makinis. Five-four ang height, produkto ng Science ang sobrang light brown na buhok na kulot sa dulo. ‘Bida sa teleserye hair’ ang tawag nila sa ganoong pagkakakulot ng buhok.

Si Floro Bolocbuloc ang bagong asawa ng pinsan—sixty three years old, wala ni isang puting buhok. Science din, siyempre. Matikas pa rin kahit senior na. Ang nagagawa ng yaman. Hindi alam ni Diosa kung saan nakilala ni Macaria si Floro. Hindi pa niya nakakachika ang pinsan. Nasa honeymoon week pa.

Inabot ng thirty si Macaria na wala ni isang naging boyfriend. Singtaas kasi ng Mt. Everest ang standard nito. Pero ngayong biglaang nagpakasal at sa isang senior citizen pa, malinaw na malinaw kay Diosa ang rason—ang sinasabing ‘sumpa’ sa mga dalagang Mahinhinon. Usap-usapan iyon sa Pugad Agila. Ipinapasang parang weather news lang—generation to generation. At ang mga tsismoso’t tsismosa, binabantayan ang magiging kapalaran nilang mga natitirang single sa angkan!

December twenty-two na ngayon, si Lemuella Mahinhinon a.k.a Ellah Debil. Chubby rin gaya ni Macaria pero mas matangkad. Five-seven ang height nito. Black beauty ang pinsan. Natural ang pagkakulot ng buhok. Parang sa mannequin ang mukha. Parang Angelina Jolie ang lips.

Si Marrio Debil naman ang asawa nito. Bagong mag-asawa lang din. Twenty-five years old na machong guwapo si Marrio. Ayon kay Lemuella, model ang lalaki na gustong mag-artista. Ang kutob naman ni Diosa, ‘model kuno’ lang. At ang totoong trabaho yata ay call boy. Judgmental lang ang peg niya. Hindi maiwasan ni Diosa. Pero kahit ganoon, hindi niya magawang kontrahin ang pinsan. Mahal lang talaga nito ang buhay. Napapaisip si Diosa kung paano nito napapayag si Marrio Debil sa kasal. Gaya niya, wala namang pera ang pinsan. Hindi ito makakapag-offer ng mataas na bayad kay Marrio. Kung si Macaria ay sigurado siyang nabihag ang sixty three years old rich Bolocbuloc, si Debil ay hindi niya matantiya ang dahilan ng pagpayag sa gusto ni Lemuella.

Parehong inunahan nina Macaria at Lemuella ang thirty first birthday ng mga ito. magkasunod lang na nawala ang dalawa sa Pugad Agila. Nang magbalik ay may mga kasamang ‘asawa’ na. Hindi rin magawang dumaldal ni Lola Enriqueta—ang pinakamatandang Mahinhinon na nabubuhay sa mundo—sa biglaang pag-aasawa ng mga apo na hindi muna iniharap sa pamilya ang lalaki. Pagdating sa ‘sumpa’ tikom ang bibig ng matanda. Pabor ito na nag-asawa na ang dalawa.

Kung angkan sila ng mga bampira, si Lola Enriqueta ang pinakamaimpluwensiyang elder na sinusunod ng angkan. Batas ang salita nito. Walang may lakas loob sumuway. Ang takot kasi ng mga Mahinhinon, kapag nagalit at nagsalita daw ng masama ang matanda sa isang tao, napapahamak ang taong iyon. Naisip na nga nilang tatlo na baka witch talaga si Lola Enriqueta at may kinalaman dito ang tsismis tungkol sa sumpa sa mga virgin Mahinhinon. Ito na lang kasi ang buhay sa mga Mahinhinon sa henerasyon nito. Lahat ng mga Lola nila ay patay na.

Single si Lola Enriqueta sa edad na eighty five.

Bakit nalampasan ng matanda ang sinasabing sumpa?

Ibinigay daw ni Lola Enriqueta ang sarili sa first love nitong may ibang mahal!

Oh, ha?

Akalain ba niyang nasa dugo rin pala nila ang pagiging sawi?

Sa present generation, tatlo silang nahaharap sa sinasabing sumpa—si Diosa, sina Macaria at Lemuella—mga natitirang single na inabot ng thirty years old na walang boyfriend. Sa history daw ng mga Mahinhinon—history lang dahil kuwentong ipinasa lang sa kanila—anim ang mga babaeng Mahinhinon sa henerasyon ni Lola Enriqueta. Tatlo sa mga kadugo nila ang namatay nang umabot ng thirty one years old na virgin. Sunog, aksidente sa daan at pagkalunod ang ikinamatay. Naniwala na sa tsismis ang dalawa niyang pinsan dahil sa pressure ng mga pamilya. Si Diosa na wala nang pamilya, walang nampe-pressure.

Ang resulta, nakahanap ng mga asawa ang dalawa at siya ay naiwang nganga sa Pugad Agila. At sa pagbabalik ng dalawa sa lugar, ang mga ito na ang nang-pressure sa kanya.

Si Macaria ang nag-suggest na magbakasyon si Diosa sa rest house na wedding gift daw ng asawa nito. Nasa Baguio ang rest house. Sa tuktok daw ng bundok. Masarap mag-emo at mangarap na gising. Next year pa nito inaasahan ang pagpunta niya ng Baguio. Nagulat ang pinsan nang sabihin niyang hindi na siya magpapasko sa Pugad Agila.

Ako na lang ang single sa `tin, sabi ni Diosa Mahinhinon a.k.a. Yosah. Kung ang dalawa ay chubby, siya ay payat naman. Five-four ang height niya. Maputi rin siya pero hindi singputi at singkinis ni Macaria. Itim na itim ang buhok niya na hanggang batok. Natural ang lambot at kinang. At ang mukha? Bea Alonzo—oo, mga dalawang paligo na lang, papasa na daw siyang double ng actress.

Silang magpipinsan din ang nagbigay ng nicknames sa mga sarili. Ariah, Ellah, Yosah—mga nicknames na pantakip sa mga totoong pangalan. With ‘H’ talaga. Dagdag effect lang. Pa-cool ayon kay Macaria. Sa generation nila, siya na lang ang single ngayong nagtagumpay na makahanap ng biglaang asawa ang dalawa.  Kung hindi kikilos si Diosa, baka nga sunduin na siya ni Kamatayan bago siya umabot ng thirty-one.

Naka-reserve ka na, banat pa ni Lemuella. "I-offer mo na sa fafa `yang Bataan para sa buhay mo!"

Ang saklap lang. Siya na ang walang forever, siya pa ang nanganganib matsugi.

Ang pait, bhe!

Sa Baguio ako magpapasko para dama ko ang lamig, bitter na sabi ni Diosa kasunod ang pagbanat ng kanta. Pasko na naman...ngunit wala ka pa...

Agad namang nag-duet ang mga pinsan para sabayan siyang mag-emo sa kanta.

Wala pa man sa Baguio ay damang-dama na ni Diosa ang pagiging miyembro niya ng SMP—Samahan ng Malalamig ang Pasko.

Bakit ba kasi nagmahal ng iba ang nag-iisa niyang pag-ibig sa Pugad Agila?

Ah, ang kanyang kaibigan at first love. Si Adorado ‘Dodot’ Panis. Napanis ang happy ending nila dahil nakipagtanan si Dodot sa bakasyunistang sexy sa Pugad Agila. Assuming lang pala si Diosa. Hindi talaga siya gusto ni Dodot gaya ng kutob niya.

Three years ago, Napakasakit Kuya Eddie ang theme song ni Diosa.

SANA ngayong Pasko ay maalala mo pa rin ako... wagas ang pagsabay ni Diosa sa kanta ni Ariel Rivera. Hatinggabi ng December twenty-three iyon. Nasa Baguio na siya, sa rest house ni Macaria.

Medyo na-shock si Diosa sa bahay. Dalawang palapag ang rest house na nasa tuktok nga ng bundok. Puting-puti ang sementadong hagdan na parang gumagapang na ahas na paliko-liko. Napa-wow siya. Bongga! Sa mga Hollywood movie lang niya nakikita ang ganoong bahay na kadalasan ay nasa isla. Mayaman talaga ang matandang Bolocbuloc!

Naghiwa-hiwalay silang magpipinsan sa Pugad Agila na wini-wish ng dalawa na ma-devirginize na siya bago mag-New Year. Ang lakas lang mang-pressure ng dalawang iyon. Ilang buwan pa naman bago ang birthday niya. May sapat na oras pa siya para sagipin ang sarili sa karit ni Kamatayan.

Grabeng virginity!

Ugat pa talaga ng magiging makasaysayan niyang pagka-tsugi?

Sa totoo lang ay kinakapitan pa rin ni Diosa ang paniniwalang tsismis lang ang tungkol sa sumpa. Pero ngayong parehong humabol sa huling biyahe ang dalawang pinsan, kinakabahan na rin si Diosa. Akala ng dalaga ay kasama niya sa paniniwala ang dalawang iyon, bakit nag-asawa bigla?

Kung tsismis lang talaga, good news iyon.

Pero paano kung totoo pala? Ibig sabihin, bilang na nga ang mga araw niya!

Sumubsob sa mga palad si Diosa at kumanta uli—tunog iyak na ang kanta.

Bakit ba naman kailangang lumisan pa... kasunod ang buntong hininga. Ibang lyrics na ang sunod niyang kinanta. "Ang tanging hangad ko lang ay makasiping ka. Virgin pa ako pero may taning na. `Langya naman kasi nang-iwan ka pa—ohhh-woohh!" Parang atungal na ang dating. Ibinagsak na ni Diosa ang sarili sa kama. Naisip na naman tuloy niya si Dodot Panis. Si Dodot na bigla bigla na lang sumama sa isang bakasyunista sa Pugad Agila noong gabi mismong ina-assume niyang magtatapat na ito ng totoong damdamin sa kanya.

Paulit-ulit si Ariel Rivera sa pagdidiin na malamig ang Pasko ni Diosa. Mga thirty minutes pa, sa wakas ay inantok na rin ang dalaga. In-off na niya ang music sa phone. Pampaantok ni Diosa ang mellow songs pero katahimikan pa rin ang naghahatid sa kanya sa pagtulog. Hinila niya ang makapal na comforter at ibinalot ang sarili.

Sobrang lamig...

Dapat pala ay hindi siya nagpuntang Baguio. Ramdam na ramdam ni Diosa na Pasko at mag-isa siya. Kumanta na lang siya ng Joy To The World para ipaalala sa sarili na hindi dapat malungkot kapag Pasko. May mas dapat i-celebrate.

Tunog ng footsteps ang gumising kay Diosa.

HINDI naisip ni Diosa na bigla ang magiging transformation niya. Mula sa pagiging miyembro ng SMP na nag-eemo isang araw bago ang Pasko, bigla ay warrior princess na ang peg niya: Nasa tabi ng kama sa posisyong handang sumugod kung magkakamali ng kilos ang intruder na bigla na lang pumasok sa kuwarto niya. Mabuti na lang talaga, hindi siya tulog-mantika.

Nagising siya sa tunog ng mga footsteps. Kinakapa na niya ang especially designed knife niya na parang malaking suklay lang. Nasa ilalim iyon ng kanyang unan, dala dala niya kahit saan magpunta. Huling alaala iyon ng kanyang Lola Meryan, ang kinalakihan niyang pamilya. Walang nakilalang mga magulang si Diosa. Hindi raw pinalad na nabuhay ang ina niya nang ipanganak siya. Ang ama naman ay walang ideya ang matanda kung sino. Hindi na raw nito gustong malaman. Ang kutob nilang magpipinsan, anak siyang bunga ng takot ng kanyang ina sa ‘sumpa’. Itinapon na lang basta ang virginity—at nabuntis ng kanyang ama.

Palapit nang palapit ang mga footsteps. Kumabog na ang dibdib ni Diosa. May ibang tao sa loob ng bahay. Hindi siya maaring magkamali ng dinig. Walang kahit anong binanggit si Macaria kaya sigurado siyang masamang tao ang pumasok. Akala yata ay walang tao sa rest house!

Ang kabog sa dibdib ang tuluyang gumising kay Diosa. Kinuha niya mula sa ilalim ng unan ang patalim kasunod ang pagbangon. Agad siyang tumalon mula sa kama, walang tunog na tinungo ang likod ng pinto. Ang pinto

Enjoying the preview?
Page 1 of 1