Discover millions of ebooks, audiobooks, and so much more with a free trial

Only $11.99/month after trial. Cancel anytime.

Vagabond's Home: Intruders
Vagabond's Home: Intruders
Vagabond's Home: Intruders
Ebook237 pages3 hours

Vagabond's Home: Intruders

Rating: 5 out of 5 stars

5/5

()

Read preview

About this ebook

Para sa ekonomiya, go si Diwa sa isang bahay na may mumu. Sikat na artista ba naman ang humingi ng tulong sa kanya at handang magbayad ng malaking halaga. Ang gusto nang talikurang trabaho sa baryo Labo, binalikan muna niya—last na lang talaga, sabi niya sa sarili.

Sumugod siya sa bahay na tapang at ganda lang ang armas!

Pero pagdating sa bahay, hot intruder—as in guwapong guwapo at macho man—ang nakasagupa ni Diwa. Parang pantasya niyang nagkatotoo si Rogue, akyat-bahay nga lang. Ang mas nakakaloka, hindi lang si Enrique ang ninakawan nito pati siya.

Ninakawan siya ng halik!

"Rose or kiss?" tanong pa sa kanya, ang intense ng titig habang nag-aabot ng isang red rose na walang tinik.

Nalito bigla ang NBSB na si Diwata Malasanta: Sumbong o pag-ibig?

LanguageFilipino
PublisherVictoria Amor
Release dateJul 14, 2023
ISBN9798223898818
Vagabond's Home: Intruders

Read more from Victoria Amor

Related to Vagabond's Home

Related categories

Reviews for Vagabond's Home

Rating: 5 out of 5 stars
5/5

4 ratings3 reviews

What did you think?

Tap to rate

Review must be at least 10 words

  • Rating: 5 out of 5 stars
    5/5
    Sobrang na miss ko mag basa ulit graveh 5 years sobrang napa happy at napa iyak ako ng mga story mo..sana mag ka time din ako sa mga hard copy mo ??
  • Rating: 5 out of 5 stars
    5/5
    Walang kupas ang feelings ko. I got carried away pa rin. Grabe naman magpaiyak itong si Rogue. Hay Rogue, naaalala ko sayo ang Isang tao. Thanks Miss VA.
  • Rating: 5 out of 5 stars
    5/5
    Hello my Vagabond intruder!
    I just want you to know that I'm here, and will do anything for you, love.
    Kahit magtitigan lang tayo, sapat na ?

    Mr Vagabond Intruder version 1.0
    Gusto ko na lang pumasok sa story para ako na lang ang magcomfort kay hero.
    Grabeng mapanakit naman po. Buti na lang may isang ako, este may isang Diwa na nag heal ng pain. Pero kung mapagod si Diwa, pwede ko po palitan.
    You know, I just want to feel him, too ?

    Thank you so much po Ms VA.
    Sana po marami pang intruder na kasunod ??





Book preview

Vagabond's Home - Victoria Amor

One

DIWATA MALASANTA!

Boses lalaki ang malakas na narinig ni Diwa. Hindi lang ang diwa niya ang nagising, pati kaluluwa at inner monster na rin na natuwa at naki-join sa pagtulog niya nang bongga. Naputol ang panaginip niya sa parte mismong sinusunog na siya ng mga tagabaryo. Sinusunog siya habang inaakusahang mangkukulam at salot.

Ang saklap ng kapalaran niya sa panaginip—hindi, bangungot na!

Pupungas-pungas na bumalikwas ng bangon si Diwa. Napasobra yata talaga ang panonood niya ng Pinoy horror film nang nagdaang gabi kaya pati sa subconscious mind niya ay na-stuck ang ganoong ideya. Grabe lang. Buhay na buhay ang scene. Pati galit na mukha ng mga kababaryo na kilala niya, ang linaw sa panaginip. Galit na galit talaga sa kanya ang mga tao. Hindi man guilty, ramdam niya talaga sa panaginip na isinusumpa siya ng mga dapat niyang kakampi.

Wala na si Diwa sa baryo na pinanggalingan kaya imposibleng lalaking nasaniban ang nagaamok sa labas ng apartment ni Maya. Sigurado rin ang dalaga na hindi siya nito tinatawag para utusang makipag-meeting sa mumu. Graduate na siya sa ganoong trabaho sa baryo Labo. Salamat sa kaibigang si Maya, ang unica hija ng Kapitan nila na isinama siya sa apartment nito sa Maynila, may bago na siyang buhay ngayon.

Hindi na siya si Diwata Malasanta ng baryo Labo. Hindi na siya ang Diwata na tagapaghatid ng mensahe sa mga mumu. Sa Maynila ay hindi na rin siya ang anak ni Maruca. Si Maruca Malasanta na tanyag bilang mangkukulam slash manggugulang—ginogoyo kasi nito ang mga kababaryo nila sa kung ano-anong orasyon, halamang gamot, gayuma, nagmimilagrong tubig at iba pang ibinebenta. Binuhay siya ng ina sa ganoong raket. Benta rito, benta ro’n ng kung ano-anong imbentong gamot sa maraming sakit. Na pinaniwalaan naman ng mga tagabaryo. Kung paanong gumagaling ang mga iyon, iniisip pa rin ni Diwa hanggang nang sandaling iyon.

Hindi totoong mga gamot ang inimbentong formula ng ina. Pinaghalo-halo lang nito ang mga dahon—mga halamang gamot, kung ano-anong klase ng oil at holy water. Hindi na niya alam ang iba pang sangkap kung mayroon man. Hindi rin niya alam kung saan galing ang mga sangkap na iyon pero hindi na magugulat si Diwa kung dahon lang ng puno sa likod-bahay ang ‘niluto’ ng ina.

Expert sa diskarte ang nanay niya. Walang kupas at walang makakatapat. Nagtataka talaga siya kung paanong gumagaling ang mga kababaryo na bumibili ng mga iyon. Naisip na lang ni Diwa, ang paniniwala ng mga ito ang talagang nagpapagaling—hindi ang mga imbentong gamot ng ina. Ganoon naman iyon, kaya nga tinawag na faith healing.

Hindi man napigilan ni Diwa ang ina sa pagraraket, may positibo namang dulot iyon—nakapagtapos siya ng dalawang taong kurso sa kolehiyo sa bayan nila. Naging daan iyon para tanggapin siya ng Kapitan bilang sekretarya ng barangay Labo. At pagkalipas ng tatlong buwan, bumalik sa baryo ang kababata at kaibigan niyang anak ni Kapitan Vice—si Maya. Gusto nitong isama siya sa Maynila para tumao sa apartment na maiiwan.

Pumayag si Diwa. Hindi rin siya pinigilan ng Kapitan. Basta para sa unica hija, payag agad ito. Mangingibang-bansa si Maya. Kung tourist o may kinalaman sa trabaho, hindi na nagtanong si Diwa. Magsasabi naman ang kaibigan kung gusto nitong ipaalam sa kanya ang detalye. Naghintay na lang siya.

Siya ang maiiwan sa apartment. Pagbalik ni Maya, nangako ito na tutulungan siyang humanap ng trabaho. Malawak ang Maynila ayon kay Maya. Gusto nitong makita niya. Hindi lang daw ang baryo Labo ang dapat niyang maging mundo. Dagdag pa ni Maya, nami-miss siya nito. Gusto ng kaibigan na siya ang kasama sa apartment. Hindi raw ito malulungkot kung naroon siya.

Hindi na nag-isip na sumama si Diwa. Mag-isa na rin kasi siya sa baryo. Ang nanay niya, napilitang itigil ang raket. Ipinagtulakan niya talagang sumama na sa isang Indian na nagkagusto rito, ang five-six king sa Labo. Alam niyang kung hindi gusto ng ina ang lalaki, nunca na sumama ito. May feelings rin ang nanay niya sa five-six king, nagpakipot lang!

Pero hindi talaga ang magkaroon na ng stepfather ang rason ni Diwa. Ang kutob niya kasi, hindi magtatagal ay mabubuko na ng mga tagabaryo na wala naman talagang bisa ang paninda ng ina. Natakot siyang baka ang kahantungan ni Maruca Malasanta ay tustadong faith healer. Hindi malayong mangyaring sunugin ng mga tagabaryo ang nanay niya kapag nabuko ang pangugulang nito.

Mas panatag si Diwa na mapunta na lang ang ina sa Indian na iyon kaysa matusta. Lagi man silang nag-a-argumento sa maraming bagay, mahal na mahal niya ang ina. Silang dalawa na lang ang magkapamilya. Hindi siya papayag na mapahamak ito. Sa record naman ng Indian sa barangay Labo, mabuting tao ito. Wagas lang talaga maningil ng tubo.

Pumayag naman agad ang nanay ni Diwa. At nang malamang luluwas na siya ng Maynila para sumama kay Maya, nagbalot na rin ng gamit. Susundin na raw ang tawag ng puso.

Natawa si Diwa. Ang higpit ng yakapan nila habang parehong tumatawa. Magkasunod na iniwan nila ang maliit na bahay. Pinaghatian rin nilang mag-ina ang halagang nakuha nito mula sa pagsasangla ng bahay at lupa. Hindi gusto ng ina na ibenta nang tuluyan ang bahay at lupa. Kung ano’t anuman daw ang mangyari sa kanilang dalawa sa piniling mga bagong lugar, mas magandang may babalikan pa rin silang bahay sa Labo.

Kaya naman ngayon, heto na siya—halos isang linggong nasa bahay na ni Maya. Ang unang dalawang araw ni Diwa, ginamit nila sa paglilibot. Ayon sa kaibigan, para naman may alam na siya sa lugar bago ito umalis. Tinandaan niya ang ilang importanteng lugar—ang madalas niyang pupuntahan para buhay pa siyang abutan ni Maya at hindi tumirik ang mata sa gutom. Mahirap nang mawala siya. Wala pa naman siyang kakilala sa Maynila.

Kahapon lang, umalis na si Maya patungong Korea. Babalik rin ang kaibigan pagkatapos ng ilang linggo.

Gifted si Diwa. Gift daw ang tamang term sabi ni Maya. Nakakakita siya at may kakayahang makipag-usap sa mga nilalang na wala na sa mundo—in short, multo, mumu, kaluluwa. Siguro ay karma iyon ng ina at nasalo niya. Pinagloloko kasi nito ang mga kababaryo nila. Kaya tuloy, siya na walang kamalay-malay na anak ang nagkaroon ng ganoong kakayahan. Pakiramdam tuloy ni Diwa, abnormal siya. Pero dahil kay Maya, na naniwala at tumanggap sa kanya nang buong-buo, nagawa niyang yakapin ang kakayahan. Ayon pa sa kaibigan, hindi siya ang nag-iisang may gift sa mundo. Ituring daw niya na regalo nga iyon at gamitin niya sa mabuti.

Na-realize ni Diwa, tama naman si Maya. Tinanggap niya sa sariling iba siya pero hindi ibig sabihin na kabawasan iyon sa pagkatao niya. Lalong hindi basehan ng pagiging normal o abnormal. Gifted siya, iyon lang iyon. Huwag nang pahabain pa ang issue. Period na agad. 

Pagkatapos ng dalawang taon, nakasanayan na ni Diwa ang kakayahan. Nawala na ang pakiramdam na para siyang taga-ibang planeta. Twenty-four years old na siya ngayon at normal na babae ang tingin sa sarili.

Normal, oo—liban sa mga pagkakataong kailangan niyang maging abnormal.

Diwata Malasanta—

Ano?! bulyaw ni Diwa sa lalaking sumisigaw pagkabukas niya ng pinto. Wala siyang pakialam kung halos takpan ng mahaba at itim na itim niyang gusot na buhok ang mukha. Wala rin siyang pakialam kung duster na itim na nagungupas na at hanggang sakong ang suot niya—ang paboritong suutin ng ina kapag nagpapanggap na mangkukulam na ‘nagluluto’ ng formula ng gayuma at potion para mapauwi ang nambabaeng asawa ng isa sa mga tagabaryong suki nito. Manipis ang tela at presko. Masarap pantulog kaya naging paborito rin ni Diwa. Sinadya niyang hingin iyon sa ina para hindi niya ito laging nami-miss.

Oh, god!

Parang natuklaw ng anaconda ang lalaking nabungaran niya. Laglag ang panga at nanlalaki ang mga matang nakatutok sa kanya.

You... you don’t look like a fairy, nasabi pa nito at kumurap-kurap. Hindi rin santa—

Siraulo, iritadong putol ni Diwa. Natural! Pangalan ko lang ang Diwata at apelyido ko ang Malasanta! Hindi ako diwata at hindi rin ako santa! ‘Problema mo, ha? Bulyaw pa niya at tinapunan ito ng matalim na tingin.

Napaurong ang lalaki, isang hakbang. Parang gusto nitong -mag-panic. Bakas sa mukha na hindi gaya niya ang inaasahang magbubukas ng pinto.

Sino ka bang loko ka, ha? Kung makasigaw ka para kang hari. Naninira ka ng tulog! Gusto mong gawin kitang ipis?

Ang lakas ng loob ni Diwa na manakot at magtaray. Sigurado naman kasi na hindi bisita ni Maya ang lalaki. Malinaw na binanggit nito ang buong pangalan niya. Hindi si Maya ang kailangan kundi siya. Wala nga lang siyang maisip na dahilan kaya...

Natigilan siya. May dahilan nga pala—ang mga niloko ng nanay niya! Naitago na agad ng Indian ang ina kaya siya ang nahanap sa Maynila? Pero imposible namang maging kamag-anak ng isa sa mga kabaryo nila ang lalaki. Kutis pa lang nito, wala na. Ang layo sa mga kakilala niya. 

Bluffing. Inunahan na agad niya ang lalaki. Sa suot at hitsura niya, siguradong maniniwala ang mestisong bangus na kaharap niya ngayon na mangkukulam nga siya.

You’re a witch—

I am! Agaw niya agad at ngumisi nang wicked. Proud na proud ang tono niya. Gusto niyang batiin ang sarili na swak na swak ang pang-aagaw niya ng linya. Pang-kontrabida talaga. At gustong humalakhak ni Diwa na halatang halata ang pagngiwi ng lalaki. Napalunok pa ito. Parang ayaw nang humakbang kahit isa palapit sa pinto. Witch nga akong ginugulo mo ang pananahimik. Itinuro niya ang makinis na mukha nito. "Ano’ng gusto mo, labasan ng uod ‘yang ilong mo o maging ipis?

Nganga ang mestisong bangus.

Biglang namutla ito.

I-I AM Maya’s friend.

Sa wakas, nakapagsalita rin ang lalaki pagkatapos ang ilang segundong pagkatulala. Itinaas pa nito ang dalawang kamay na parang kriminal na nakorner ng mga alagad ng batas.

Don’t do anything, okay? Ayokong maging ipis o magka-worm ang ilong. Hindi ko intensiyong sirain ang tulog mo. I’m sorry. Calm down, please? Napahagod pa ito sa buhok, parang hindi alam kung paano makikipag-usap sa kanya. Halatang takot magkakamali. Ikaw ba naman ang maging ipis o labasan ng uod sa ilong? O baka takot lang talagang pumangit.

Nagpipigil ng tawa si Diwa.

Ang sabi kasi ni Maya, dagdag ng lalaki. Para harapin mo ako, isigaw ko nang malakas ang name mo. Singganda ka raw ng... ah... name mo?

Kaya akala mo mukha akong diwata at santa, ganoon? Pagalit pa rin na tanong ni Diwa, sinadya niyang mas matalim na tingin ang itutok sa bisita.

Pilit na pilit ang pagtango ng lalaki. But... you’re pretty too—in a different way?

Umangat ang kilay ni Diwa. Bobolahin mo ako para hindi ka maging ipis? Ramdam ko agad ang mga nambobola baka mas parusahan kita—

Please, don’t. I didn’t mean to offend you, Miss—

Shhh! bigla niyang saway, mas tumalim ang tingin. Manahimik ka muna, okay?

Tikom ang bibig nito, napatango na lang.

Hindi alam ni Diwa kung hanggang saan ang pagpipigil niyang tumawa. Hindi na maipinta ang mukha ng lalaki. Paniwalang-paniwala na witch nga siya. Lukaret din talaga si Maya. Sigurado siyang ginu-good time lang ng kaibigan ang kawawang lalaki. Ang inis niya na naputol ang tulog, napalitan ng pagkaaliw. Pasimple niyang hinawi ang mga hibla ng buhok palayo sa mukha. Binawasan niya ang kunot sa noo, ibinaba ang kilay at binawi na ang matalim na sulyap.

Nagbago na ang isip ko, sabi niya, mabait na ang tono. Hindi na kita gagawing ipis. Ano’ng kailangan mo sa akin?

Help! Agad agad na sabi ng lalaki. Inilahad nito ang kamay at nagpakilala. Enrique Ruiz.

Sa mga mata agad nito ang tingin ni Diwa. At base sa assessment niya sa titig at sa pagngiti, sincere naman ang lalaki. Mabilis ang radar niya sa mga peke. Ilang segundo muna siyang nakipagtitigan na medyo nakaangat uli ang kilay bago niya inabot ang kamay nito. Nag-shakehands sila. Nahiya ang magaspang niyang palad sa nipis ng kamay ng ‘buwisita’.

Diwa na lang, sabi niya. Kapangalan mo ‘yong artista na narinig kong na-interview sa radyo minsan. Idinagdag niya, hindi uso sa kanilang mag-ina ang telebisyon. Radyo lang ang koneksiyon nilang mag-ina sa mundo. Tuloy ka. Hindi kita papakuluan at gagawing almusal. `Wag kang matakot. Niluwangan ni Diwa ang pagkakaawang ng pinto. Nagpipigil pa rin siya ng tawa. Papasa talaga siya sa role na witch. Hindi kailangan ng iba pang props. Effective siya sa pagpapanggap. 

Ako nga `yon.

Sabi ko nga, eh. Ikaw talaga `yon. Labas sa ilong na sang-ayon ni Diwa. Sarkastiko. Ano namang gagawin ng artistang iyon sa apartment ni Maya? Lalong hindi siya lalapitan ng artista para humingi lang ng tulong. `Upo ka riyan, Enrique—

Rique na lang, Diwa.

Rique, ulit niya. Maghihilamos lang ako. Pag-usapan natin ang kailangan mo pagbalik ko. Relax ka lang muna.

Hindi ka naniniwalang ako si Enrique Ruiz?

Ikaw na kung ikaw. Hintayin mo ako. Mga five minutes lang. Balewalang iniwan na niya ang lalaki sa sala. Tuloy-tuloy si Diwa sa kuwarto. Inistorbo na ng Enrique Ruiz na ito ang tulog niya, mang-eetching pa? Probinsiyana siya pero hindi siya tangang maniniwalang lalapitan siya bigla ng artista.

Mabilis niyang tinapos ang morning routine. Hindi na siya nag-abalang itali ang mahabang buhok pagkahilamos. Sinuklay niya lang iyon bago bumaba. Hindi man tiningnan sa salamin ang sarili, alam ni Diwa na hindi na siya gaanong nakakatakot. Lakas lang talagang makadagdag ng creepy effect ang magulo niyang buhok. Itim na itim kasi. Ni hindi pa nadaanan ng kahit anong kemikal.

Here, pagkarating sa sala ay iniabot sa kanya ng bisita ang cell phone nito. Umangat ang mga kilay ni Diwa. Si Maya.

Pagkarinig sa pangalan ng kaibigan ay kaagad niyang inabot mula rito ang cell phone.

Maya—

Baliw ka talaga, Diwa! Tumatawang bungad agad ni Maya. Mukhang isinumbong siya ng ‘buwisita’. `Wag mong masyadong takutin si Rique! Parang aliw na aliw si Maya base sa boses. Duwag sa multo `yan at takot sa kahit ano’ng connected sa black magic! At nagtuloy-tuloy na ang sinasabi nito. Hindi na siya binigyan ng pagkakataong magsalita. Sa huli ay nakanganga na napaupo si Diwa sa sofa, nakaawang ang bibig at namimilog ang mga matang napabaling sa lalaking kasama.

Kung ganoon, ang tinakot niyang gawing ipis ay si...

Marahang ngumiti ang lalaki. Ang tingin nito ay parang sinasabi sa kanyang ‘I told you.’

Nawala na sa kabilang linya si Maya ay hindi pa rin mapaniwalaan ni Diwa ang mga narinig. Sana man lang nag-warning si Maya na may kaibigang artista!

Wala ka bang sasabihin? si Enrique sa kanya, nagbabanta ang ngisi pero nang umangat ang kilay niya at tumalim ang tingin, nawala agad ang ngiti nito. Nagseryoso bigla at nag-peace sign pa. 

O, eh, ano naman ngayon kung ikaw nga talaga si Enrique Ruiz? `Wag kang feeling espesyal diyan. Hindi mo ako fan. Wala kaming TV kaya hindi kita kilala.

May nabubuhay pa bang tao sa ganoong place? Baka hindi na inaabot ng kulog sa inyo—

Aba’t makalait pa `to—hoy, sa amin nanggagaling ang kulog! Saktan kita diyan, eh!

Tumawa si Enrique at nag-peace sign uli. Biro lang, bawi nito. Wala namang kaso sa akin kung hindi mo ako kilala. Hindi naman ako nagde-demand ng special attention, Diwa. Okay sa akin na ganyan ka lang—minus the ipis thing of course. Okay lang din na i-add mo ako sa list of friends mo. Best friends daw kayo ni Maya?

Tumango siya sa huling tanong. Gusto mo rin maging friend ko? balik ni Diwa. Totoo `yan o shino-showbiz mo ako?

Totoo, sabi ni Enrique at ngumiti. Kaya nga gusto ko si Maya—I mean, favorite girl friend—

Girlfriend?

Girl space friend, paglilinaw nito. "Simpleng tao lang ang tingin niya sa akin—hindi artista. Gusto

Enjoying the preview?
Page 1 of 1