Discover millions of ebooks, audiobooks, and so much more with a free trial

Only $11.99/month after trial. Cancel anytime.

Rush: Intruders
Rush: Intruders
Rush: Intruders
Ebook223 pages3 hours

Rush: Intruders

Rating: 5 out of 5 stars

5/5

()

Read preview

About this ebook

May sumpa ang mga Mahinhinon virgins—nakatakda raw silang mamatay. Kasama si Ariah sa magpipinsan sa present generation na nahaharap sa katuparan ng sumpang iyon. Hindi nga lang siya papayag na mamatay o maiiwan ang senior citizen parents niya sa mga basagulerong kapatid. 

Nakahanap siya ng lalaking solusyon at pinakasalan pa siya—iyon nga lang, iniwan din kaagad siya ng asawa. Iniwan siyang hindi ligtas!

 

Pero may twist pala ang life story niya. 

 

Hindi akalain ni Ariah na bago pa man namatay ang asawa, may mga plano na ito. Plano para sa kanila ng trusted man nito—si Rush, ang lalaking sa unang tingin ay malupit at walang kilalang emosyon. May tattoo pang dragon sa buong braso at nasa dibdib ang ulo!

 

Pero sa kung ano'ng dahilan, may hatak kay Ariah dark eyes ni Rush. Mga matang parang ang daming itinatago. Mga matang nang mga sumunod na araw ay gusto na niyang tinititigan.

 

Ramdam ni Ariah na nag-iiba na ang tibok ng puso niya. Paano na? Nasaan naman kaya ang lugar niya sa puso ni Rush?

LanguageFilipino
PublisherVictoria Amor
Release dateSep 14, 2023
ISBN9798223392606
Rush: Intruders

Read more from Victoria Amor

Related to Rush

Reviews for Rush

Rating: 5 out of 5 stars
5/5

5 ratings1 review

What did you think?

Tap to rate

Review must be at least 10 words

  • Rating: 5 out of 5 stars
    5/5
    Inlababo, malala na naman ako sa'yo, Ambrosio Rush Mamanlao ?
    Pa-experience naman ng dragon, oh ?

    Yung moment na paulit-ulit kong binasa, ayun, paulit-ulit din akong na-inlove, hayst!

    Thank you so much po, Ms VA ❤️

Book preview

Rush - Victoria Amor

PRIVATE and solemn ang pinangarap kong kasal—kung buhay pa ako pagdating sa age na handa na akong mag-settle down. Nakakaasar lang iyang kung na iyan noon. Noong ang dami ko pang takot. Ah, hindi nga lang pala ako ang nag-iisang kinatakutan ang paggalaw ng oras at paglipas ng araw.

Tatlo kami—si Diosa a.k.a Yosa with h, Lemuella a.k.a Ella with h at Ako—Macaria Mahinhinon a.k.a. Aria with h. Sa aming magpipinsan, ako ang chubby na nasa five-four ang height at makinis. Ang face value? Artista ba? Hawig ko raw si Charlene Gonzales. Pang-Bb. Pilipinas? Medyo lang naman. Pero maganda man, may banta pa rin ang buhay ko.

Magpipinsan kami na sa henerasyon ng mga Mahinhinon—na aabutin na ng thirty-one years old na virgin kaya nanganganib ang buhay. Medyo masaklap, `di ba? May kanya-kanyang rason sina Yosah at Ellah kung bakit sila single. Ako? Wala lang talaga akong mahanap na lalaking nagpabago ng tingin ko sa pagpapamilya. Mas tahimik kasi ang buhay single para sa akin. Witness ako sa hirap at challenges sa married life.

Sa pamilya ko na lang, lagapak na agad ang umuusbong pa lang na pag-asa sa puso ko. Ang mga magulang kong parehong senior citizen na, buong buhay na nangunsumi sa mga kapatid kong pasaway. Ako lang ang matinong anak. Ako pa na babae. At ngayong matanda na sila, ultimo kutsara’t tinidor, pinagaawayan na. Maliliit na bagay na ang laging ugat ng argumento.

Akala ko sweet ang mga may forever?

Okay, tawa tayo sa part na ito. Nakakainis din `yang mga ka-bitter-an sa forever kaya may gusto ko na lang na walang pakialam. Mas kailangan kong mag-focus sa trabaho para mabuhay.

Ang pamilya ko ang isa sa rason kung bakit hindi ko makita ang sariling may asawa. Hindi ako matatag gaya ni Tatay at pasensiyosa gaya ni Nanay. Kung magkakaroon ako ng mga anak na gaya nina Kuya Earl at Cops, baka ako na mismo ang magpakulong. Pero siyempre, ang dali lang sa akin sabihin iyon kasi hindi naman talaga ako ang nasa lugar nina Tatay at Nanay. Siguro nga, ang mga magulang talaga, kahit gaano pa kapasaway, tatanggapin pa rin at pagtitiyagaan ang mga nga anak—kasi nga, anak. 

Minsan akong nangarap ng private at solemn na kasal noong teenager ako. Pero nang inabot na ako ng twenty-nine na walang lalaking umabot man lang kahit kalahati lang sa standard ko ng Mr. Right, tinanggap ko nang single na ako for life.

Pero may ibang plano pala ang tadhana. Nakilala ko si Floro. Nagbago bigla ang tingin ko sa pagmamahal. At dinala niya sa akin si Rush.

Si Rush na hindi inaalis ang titig sa akin habang nasa pintuan ako ng simbahan. Apple green at puti ang nanaig na kulay sa loob ng simbahan—ang mga kulay na pinangarap kong makita sa kasal ko noong teenager lang ako. Naririnig ko rin ang instrumental ng kantang pamilyar na pamilyar.

May parang haplos ng init na dumaan sa puso ko. Ang mga nasa paligid, nakita ko na sa pangarap ko noon—except sa groom. Wala si Rush sa pangarap na iyon pero ngayong hawak niya ang wireless microphone at nagsimula siyang kumanta kasabay ng una kong hakbang, iba na ang naging pakiramdam ko.

May kaba na. Bago iyon. Hindi ko alam kung bakit pero pakiramdam ko, parang babaguhin ng araw na iyon ang buhay ko.

Malinaw na malinaw ang pagkanta ni Rush sa mga unang linya ng Can’t Help Falling in Love. Walang sablay ang lyrics at tono. Hindi ko alam na magaling siyang kumanta. Na-realize ko, extended pa rin ang surprises. Hindi talaga niya isahang inilalantad ang sarili. Ano pa ba ang hindi ko alam?

Hindi inalis ni Rush sa akin ang titig habang may tipid na ngiti. Gusto kong mag-relax pero ayaw na rin manahimik ng puso ko. Ang kabog na hindi ko naramdaman sa mga buwan na inaayos namin ang kasal, parang naipon na nang araw na iyon. Mas kumakabog ang puso ko sa bawat paghakbang ko palapit.

Nang sumabay sa akin sina Nanay at Tatay para ihatid ako kay Rush, sigurado akong ang lamig lamig na ng kamay ko. Pero sa kabila ng ganoong kaba, hindi ko naisip umatras sa kasal. Hindi ko naisip na tumalikod at tumakbo palabas sa simbahan.

Gusto kong tawirin ang distansiya. Gusto kong umabot sa harap ng altar. Gusto kong tumayo sa tabi ni Rush. Gusto kong ituloy ang lahat—na hindi na lang pagtulong ang dahilan. Gusto ko na siyang mas makilala pa.

May realization na naman ako. Ang haba ng araw na nakasama ko si Rush pero hindi ko siya nakita talaga sa kung ano ko siya nakikita ngayon. Bakit nga ba hindi ko siya kinilala agad?

Okay ka lang? bulong na tanong ni Rush nang sabay na kaming humahakbang pagkasundo niya sa akin sa tabi nina Nanay at Tatay. Sinalo na ng wedding singer ang pagkanta niya.

Hindi, eh, sagot ko. Kinakabahan ako, Rush. Honest na sagot ko, bulong din. Simula naman talaga sa umpisa, wala na akong itinago sa kanya. Bakit ko itatago ang totoo? "Ang galing ng kanta mo, ah? May gano’n ka pang etching, `di mo agad sinabi?"

Wala nang surprise kung sinabi ko.

Ang lamig na yata ng kamay ko sa nerbiyos. Ganito pala ang feeling...

Hindi siya umimik pero naramdaman kong nasa baywang ko na ang isang braso, inalalayan ako. Ang isang kamay naman ay mahigpit na hinawakan ang malayang kamay ko. May sapat naman akong init, sabi niya. Hawak ka lang nang mahigpit, Ariah. Hindi kita bibitawan saan man tayo umabot.

Napatango na lang ako. Ramdam ko ang higpit ng hawak niya sa kamay ko.

Hindi ko alam na ang warmth lang pala galing sa kamay ni Rush ang magpapatahimik sa puso ko. Unti-unti akong nag-relax bago pa man kami humarap sa pari. Sa sarili, alam ko nang magiging maayos ang seremonya.

Pero paano nga ba ako umabot dito? Paano ako naging bride ng lalaking ito na may parang buhay na dragon tattoo sa buong braso at nahusgahan ko agad na masamang tao?

Hindi talaga tayo dapat nanghuhusga agad base sa anyo. Si Rush sa unang tingin, parang malupit at hindi mabuting tao. Maling-mali ang first impression ko.

Ambrosio ‘Rush’ Mamanlao is not just a good soul. Rush is a loving gentle soul.

Ito ang kuwento kung paano kami umabot dito...

One

Twenty-two months ago.

Pagbabagong-Isip

MAGHAHANAP ka talaga ng lalaki? shocked na ulit ni Ellah, namilog lalo ang mga mata ng pinsan niya. Nasa likod-bahay sila, may meeting tungkol sa sumpa sa mga Mahinhinon virgins. Isa o dalawang beses nilang ginagawa iyon sa bawat isang buwan.

Sila ni Ellah ang perfect attendance. Si Diosa ay may sa kabute—lumitaw hindi sa meeting nila. Sa kanilang tatlo, si Diosa kasi ang naniniwala na tsismis lang ang lahat. Sila ni Ellah ay lagi nang maingat—iniisip na nakasunod lagi si Kamatayan at naghihintay lang ng chance. Pero hindi pa naman umabot ang mga meeting sa topic na gaya ngayon—ang paghahanap ng lalaki para magpa-devirvinize.

Hindi para sa akin, Yosh, sabi niya at napabuntong-hininga. Pareho silang nagbitbit ng monoblock chair sa likod. Para kina Nanay at Tatay. Naisip ko kasi, kung mamamatay ako, pa’no sila? Senior na sila pareho, `di ba? Wala akong tiwala sa dalawang maiiwan, eh. Ang Kuya niyang si Cerilo, thirty-seven, kayumanggi at mukhang holdaper sa haba ng kulot na buhok. May sinusustentuhang two years old na anak pero alak pa rin ang mas inaatupag. Iniaasa pa talaga sa mga magulang nila ang pangkain sa araw araw. Napipilitan tuloy na mag-drive pa rin ng tricycle ang Tatay nila.

Si Procopio naman, thirty-two na pero isip twenty-tree years old! Magaling sanang makahanap ng raket pero inuubos lang sa pambababae at pagporma. Magkasundo ang mag-kuya at laging magkakampi laban sa kanya kapag pinagsabihan niya. Siya ang laging talo kaya nagsawa na lang si Ariah. Pinagbuti na lang niya ang pananahi para matulungan ang mga magulang sa gastusin.

Paano siya matatahimik sa kabilang buhay kung maiiwan ang mga matatanda nang magulang sa dalawang pasaway na kapatid?

Ibang klase ka rin, eh, sabi ni Ellah. "Haba ng pasensiya mo, teh! Kung ako ang kapatid ng mga pasaway na `yan, tinaga ko na!"

Natawa na lang si Ariah. Hindi nga iisang beses na nakatikim ng dakdak ni Ellah ang dalawang kapatid niya. Walang pakialam ang mga ito. Tinawanan lang si Ellah. Nagawa pang mang-asar ng mga pasaway—na magme-menopause na raw kasi si Ellah kaya mainit ang ulo. Maghanap daw ng boyfriend para bumait. Napikon si Ellah, hinabol ng bato ng tsinelas ang dalawang ang bilis nakalayas. 

Isa rin sa dahilan kaya tumigil na siya sa paninita sa mga kapatid ay ang parating ganti ng mga ito—na mainitin na ang ulo niya kasi matanda na siyang dalaga. Maiiyak lang siya sa galit habang ang dalawa, tawa-tawa lang. Para iwas stress na lang, hindi na lang pinansin ni Ariah ang dalawa. Nag-focus na lang siya sa trabaho at sa pagtulong sa mga magulang.

Okay na siya. Tanggap na ni Ariah ang magiging buhay niya hanggang dumating na lang ang masaklap nilang kapalarang magpipinsan. Nagbago nga lang ang lahat nang dumalaw sa Pugad Agila si Manang Lumeng, ang anak-anakan ng kaibigan ni Lola Enriqueta na namatay na four years ago. Nagpa-repair sa kanya ng mga bestida ang fifty something na matandang dalaga. Halos three years na ang huling dalaw nito sa Pugad Agila. Siya ang paboritong mananahi ni Manang Lumeng noon pa man.

Nagulat si Ariah nang ayain siya nitong magkape. May importante daw na sasabihin sa kanya. Ang walang isang oras na pagkape nila, binago ang status: waiting to die na nasa isip ng dalaga. Natukso siya sa alok ni Manang Lumeng. Lalo na nang banggitin nito na kailangan pa siya ng mga magulang. Pagkatapos ng pag-uusap nila, lagi nang kulang sa tulog si Ariah. Pinag-iisipan niya ang gagawin. At nang makapag-desisyon, nagpatawag siya ng meeting—si Ellah nga lang ang mag-isang dumating. Hindi na naman pinansin ni Diosa ang pasabi niya. Hindi talaga yata takot mamatay ang pinsan.

Eh, ano ba dapat `Lah? Maghintay na lang tayong mamatay? Hindi puwede! Sina Nanay at Tatay... Sinabayan pa niya ang pag-iling. Nakita niya sa isip ang payat na payat na mga magulang resulta ng araw araw na kunsumisyon sa dalawang anak. Okay lang sana kung ang dalawang kapatid lang ang maiiwan ni Ariah kung sakaling totoo ang sumpa. Pero ang matatanda nang mga magulang, hindi talaga niya kayang tiisin.

"Seryoso ka talagang makipag sex sa hindi mo kilala? Kaya mo?"

May pagpipilian ba tayo? balik naman niya kay Ellah. Maniwala o hindi lang naman ang choice natin, `di ba? At ligtas o patay lang ang tadhana natin. May ilang months pa tayong ligtas kung totoo nga ang sumpa. Hindi ko na sasayangin.

Ang tagal na napatitig sa kanya ang pinsan. Kung aalis ka, Ariah, sabi nito at huminga nang malalim. Tumingala muna sa mga dahon bago ibinalik sa kanya ang tingin.

Aalis ka rin? tanong ni Ariah sa pinsan.

Tumango ito. Ayoko pang mamatay! 

HULING pag-uusap na namin iyon ni Ellah bago ako umalis ng Pugad Agila. Naisip kong bigyan ang sarili ng isa o dalawang linggo lang para itapon ang virginity. Tumanggap ako nang tumanggap ng trabaho—mula sa uniforms ng mga batang estudyante, repair ng kiddy gowns, putol, tiklop at lahat na ng klase ng proseso—tinanggap ko lahat. Two weeks na tiniis kong walang day off. Inipon ko lahat ng kita sa two weeks na iyon at hinati sa dalawa. Iniwan ko pareho kina Nanay at Tatay.

Pagdating sa mga pasaway kong kapatid, si Nanay ang madalas mauto. Kung kay Nanay ko iiwan lahat, mauubos agad. Si Tatay, mas nagkokontrol ng gastos at natitiis ang dalawang pasaway. Naglalabas lang ng pera kapag ginamit na ni Kuya Earl ang anak. Hindi rin matiis ni Tatay ang apo.

Three days bago matapos ang two weeks na iyon na kaharap ko ang sewing machine, tinext ko na si Nanang Lumeng. Sinabi kong handa na ako.

Paano ba kami umabot ni Manang Lumeng sa deal na iyon?

Ah, tanda ko pa ang araw na nagkape kami...

Two

Pagdalaw ng Isang Kababayan

BATA ka pa para mamatay, Ria, si Manang Lumeng bago humigop ng kape. Ria ang nakasanayan nitong itawag sa kanya. Mga fifteen minutes nang nakaupo si Ariah sa tapat nito sa maliit na donut house na iyon. Tig-isa na silang cup ng kape at donut. Walang ginawa si Manang Lumeng kundi titigan siya na parang ina-analyze ang magiging kapalaran niya base sa mukha.

Mapait na ngiti na lang ang reaksiyon ni Ariah. Walang tao sa Pugad Agila ang hindi nakakaalam tungkol sa sumpa sa mga Mahinhinon virgins. Parang teleserye ang buhay ng angkan nila na inaabangan ng lahat ang magiging ending—hindi nga lang ng serye kundi ng mga buhay nilang magpipinsan. Inaabangan siguro ang balita kung paano sila namatay isa-isa. Medyo malungkot lang para sa kanilang tatlo na nasa present generation. Nakapila sila sa posibleng maagang pagkamatay.

Na virgin!

Ang lungkot lang Manang Lumeng pero hindi talaga namin mababago ang bad news na `yan, sabi ni Ariah, tumingin sa view sa labas na nakikita nila sa glass wall. Una-unahan na lang ho siguro kaming tatlo. Sa buwan lang naman nagkakalayo ang mga edad namin.

Wala ka bang planong gawin?

Ano ba ang tamang gawin, Manang Lumeng?

Hindi mo ba naisip na iligtas ang sarili mo sa sumpa?

Kung pag-aasawa ho ang sinasabi n’yo, hindi ko naisip na solusyon. Ayoko, Manang. Ayokong maging miserable at mangunsumi habambuhay.

Hindi ko sinabing kailangan mong mag-asawa, Ria, ang sinabi nito at ngumiti. Kung pabor ako sa pag-aasawa, hindi sana ako nagpakatandang dalaga. Naiintindihan ko ang pinanggagalingan ng disgusto mo—ang mismong pamilya mo, hindi ba? Ganoon din ako noon. Huminga ito nang malalim at tumingin sa malayo. Ang gusto kong malaman ngayon, kaya mo bang iwan ang mga magulang mo sa dalawang iyon? Ang mga kapatid niya ang tinutukoy ni Manang Lumeng. Kung kagaya kitang hindi matiis ang mga magulang, kumilos ka, Ria. Pag-isipan mo ang naisip kong solusyon.

Napatingin si Ariah nang ilapag nito sa harap niya ang malinis at puting-puting face towel. Lagyan mo ng pulang burda.

Ano’ng klaseng burda, Manang?

Puwede ka bang mahalin?

Napamaang siya rito. Seryoso ho?

Tumango si Manang Lumeng. Ibibigay kong regalo sa lalaking gusto kong makilala mo.

Manang Lumeng—

Sa lalaking magliligtas sa buhay mo, Ria.

Ano’ng sinasabi n’yo?

Isang gabi lang naman. Ibigay mo sa kanya ang katawan mo.

Ang laki ng pagkakanganga ni Ariah habang nakatitig kay Manang Lumeng.

Umuwi siya nang araw na iyon na iniisip ang mga sinabi nito. Tinapos niya ang pagbuburda sa face towel. Pagkatapos ng tatlong araw, dumaan uli sa bahay nila si Manang Lumeng. Kinuha nito ang face towel na natapos na niya ang burda. Bago umalis, nag-iwan sa kanya ng numero—ang numero daw ng lalaking tutulong sa kanya pero hindi niya muna dapat i-text o tawagan hanggang hindi nito sinasabi. Nag-iwan rin ng numero si Manang Lumeng. Marunong na palang gumamit ng cellphone. Dati ay asar na asar ito sa maliliit na letra sa keypad ng gadget. Aba ngayon, marunong na mag-text sa touch screen!

Kinuha na lang ni Ariah ang maliit na papel na pinagsulatan ni Manang Lumeng ng numero ng lalaking nirerekomenda nitong tagapagligtas niya.

Lagi nang naiisip ni Ariah ang napag-usapan nila ni Manang Lumeng. Nagsusumiksik na sa utak niya ang posibleng

Enjoying the preview?
Page 1 of 1