Discover millions of ebooks, audiobooks, and so much more with a free trial

Only $11.99/month after trial. Cancel anytime.

Unexpected Love: The Love Files: Tierra De Amor
Unexpected Love: The Love Files: Tierra De Amor
Unexpected Love: The Love Files: Tierra De Amor
Ebook140 pages2 hours

Unexpected Love: The Love Files: Tierra De Amor

Rating: 5 out of 5 stars

5/5

()

Read preview

About this ebook

Nag-iisang anak si Wendy ng mayor ng Victoria. Para sa lahat, brat princess siya. Para sa mga bodyguard na hate niya, brat princess siyang ang sama ng ugali kaya kailangang iwasan. Hindi alam ng lahat ang nakatagong takot niya sa 'men in uniform'. Hindi alam ng lahat ang trauma na pinagdaanan niya noong fifteen siya—dahil walang naniwala sa kanya liban sa ama.

 

Pagkatapos ng karanasang iyon, naging pare-pareho na ang tingin niya sa mga bodyguard. Sa mga mata niya, kasama ang security team ng ama sa mga masasamang tao na hindi dapat pinagkakatiwalaan. Kaya naman nang ipilit ng Daddy niyang magkaroon siya ng bagong bodyguard, ganoon na lang ang pagtutol ni Wendy.

 

Hanggang sa na-ambush ang kanyang ama. Sa kritikal na sitwasyon nito sa ospital na wala siyang makapitan, dumating ang bago niyang bodyguard. He was black and beastly. Sa unang gabing magkasama sila ay nagpakita ito ng isa pang B—bad. Mas masama ang ugali nito kaysa sa kanya!

 

Naghanda siya ng war sa pagitan nila. Kaya lang noong all geared up na siya para sa misyong mapalayas ito, may isang nakalimutan siyang protektahan laban dito—ang puso niya...

LanguageFilipino
PublisherVictoria Amor
Release dateMar 3, 2023
ISBN9798215181867
Unexpected Love: The Love Files: Tierra De Amor

Read more from Victoria Amor

Related to Unexpected Love

Related categories

Reviews for Unexpected Love

Rating: 5 out of 5 stars
5/5

2 ratings1 review

What did you think?

Tap to rate

Review must be at least 10 words

  • Rating: 5 out of 5 stars
    5/5
    Nakaka-kilig!

    Nakaka-inlove ?

    Na-mis ko pala ang team LFP.

    Ang sarap talaga magmahal ?


    Abangers po sa ibang story, Ms VA ?
    Thank you so much po ?

Book preview

Unexpected Love - Victoria Amor

Prologue

INALALAYAN ni Rigorr Finch ang mahinang paglalakad ng uncle niyang si Soilo Finch, ang tumayong ama niya pagkatapos mamatay ang Daddy niyang nag-iisang kapatid nito eight years ago. Mas naging malapit sila nito mula nang iwan niya ang dating trabaho at piliing magnegosyo na lang—that was three years ago.

Palipat-lipat siya ng bansa mula noon; naghahanap ng lugar na maari niyang ituring na tahanan pero sa bawat pagtatapos ng paghahanap niya ay bumabalik pa rin siya sa bahay na naroon din ito. Hindi niya mapakawalan ang pagiging magkapitbahay nila.

Years later, nakumbinsi siya ng tiyuhin na ang tahanang pareho nilang hinahanap ay sa Pilipinas, sa probinsiya ng asawa nitong si Ella.

Sa Amerika isinilang si Rigorr pero halos twelve years siyang namuhay sa Pilipinas noon bago namatay ang ina. Traveler ang ama niyang si Sander Finch kaya hindi sila naging malapit nito. Laging wala sa bahay ang ama kaya mas pinili niyang manatili sa piling ng ina. Nang mawala ang ina, saka lang napilit ni Rigoor ang sariling bumalik sa bansa ng ama niya. Sa Pilipinas niya naramdaman ang tunay na warmth ng pamilya at tahanan kaya hindi niya nakalimutan ang bansa.

Mas naging malapit si Rigorr sa uncle niya dahil sa pareho nilang interes sa Pilipinas. Kahit noong nasa serbisyo pa ito ay plano nitong sa Pilipinas gugulin ang retirement. Marami raw itong magagandang alaala sa bansa. Nagkaroon siya ng pangalawang ama sa katauhan ni Soilo Finch.

`You okay? nag-aalalang tanong niya rito. Alam niya ang tunay na kalagayan nito na pinipilit lang na hindi pansinin. Ayaw lang niyang ilantad na nag-aalala siya sa kondisyon nito. Sa unang  tingin ay iisipin ng makakakita rito na isang ordinaryong senior citizen lang si Soilo Finch—sixty five years old black American, payat, wala ng buhok, maputla ang kulay ng balat at mga labi—na napagod at nahapo sa mahabang biyahe kaya nanghihina pero ang totoo, masama na ang kondisyon ng katawan nito.

His uncle was not well. He was dying of cancer.

Nasa Pilipinas ito para gugulin ang mga natitirang araw sa bansang itinuturing nang pangalawang tahanan—at para makasama ang dalawang babaeng mahal nito: Si Ella Finch na asawa nito, at ang nawawalang anak na siya mismo ang maghahanap sa Pilipinas. Kailangan lang niyang tawagan ang ilang kaibigan. Alam niyang mas mapapadali ang lahat kung hindi lang siya ang mag-isang kikilos.

I’m not dying here, silly, mahinang sagot nito at nagawa pang tumawa. Not at this hour. Not yet... at huminga ito nang malalim. My wife is waiting home, and my daughter... I need to see her before I go... kasunod na bulong nito, mahina at malungkot. Hindi siya nakasagot dahil nagsisikip ang dibdib niya. Pinakaiiwasan niyang isipin ang kahahantungan ng kondisyon nito dahil natatakot siya—natatakot siyang maiwan. Mag-iisa na naman siya. Si Uncle Soilo na ang naging pamilya niya nang mahabang panahon kaya naman magiging malaking kawalan sa kanya kapag wala na ito.

Magsisimula na naman siyang mamuhay mag-isa tulad noong namatay ang ina niyang Filipina.

Inakbayan niya ito at pinisil ang namamayat na balikat. Iniba niya ang usapan. Now, we’re finally home, old man.

Ngumiti ito, nasa mga mata ang saya.

And my wish would soon be granted. Pabuntong-hiningang dugtong nito.

Alam niya ang tinutukoy nitong wish—ang mamatay na payapa sa tabi ng dalawang babaeng gusto nitong makita bago nito tuluyang isuko ang sarili sa kamatayan.

Si Ella, nahihirapan man sa sitwasyon ay hindi nagpapakita ng kahinaan. Hindi ito umaalis sa tabi ng tiyuhin niya, buong pusong nag-aalaga at nagmamahal. Hindi niya gusto dati ang babae dahil duda siya sa totoong damdamin nito sa Uncle niya. Napakalayo ng agwat ng edad ng dalawa kaya hindi siya masisisi kung mag-isip siya nang masama rito; sa tunay na intensiyon nito. Umabot pa siya sa puntong sinubukan niyang akitin ang babae para mapatunayan niyang tama ang kutob. Pero mali si Rigorr. Mag-asawang sampal ang natanggap niyang katugon ng pang-aakit niya. Sa huli ay napatunayan niyang naging napakababaw ng tingin niya rito.

Mahal pala talaga nito ang uncle niya sa tunay na kahulugan ng salita.

Natitiyak niyang mananatili si Ella sa tabi ng asawa hanggang sa huli. Ang dapat niyang gawin ngayon ay hanapin ang nawawalang anak nito para maging lubos na ang saya ng matanda. Gusto niyang mapasaya ito sa huling sandali ng buhay nito, sa paraang iyon man lang ay maibalik niya ang kabutihan at pagmamahal nito sa kanya.

Iginala niya ang tingin habang mabagal silang naglalakad ni Uncle Soilo patungo sa sasakyang naghihintay sa kanila.

Hindi niya na-realize agad, na-miss pala niya ang Pilipinas.

Tama ang uncle niya, dito ang tahanan na hinahanap nila. Pakiramdam niya ay nakabalik siya sa isang pamilyar na lugar na matagal na panahon niyang hinahanap-hanap.

Yes, he was indeed...

Home.

Chapter 1

A year later...

PERSONAL BODYGUARD? puno ng disgusto ang anyo at tono ni Wendy Veltrano, kuyom ang mga palad at halos nagmartsa palapit sa puwesto ng amang nagbabasa ng broadsheet sa living room.

No! sigaw pa niya. Not again, Dad! Tandang-tanda ni Wendy ang karanasan niya sa pinakaunang bodyguard—na naging traumatic experience sa kanya kaya isinusumpa na niya lahat ng bodyguards sa mundo—lahat, pati ang mismong security team ng kanyang ama. Hindi makalapit ang isa man sa mga ito sa kanya. Nagwawala siya. Ang sinumang lumapit, hindi makakaalis na walang sugat, bukol o pasa. Binabato niya ang mga ito ng anumang bagay na mahawakan. Ang mga inatasan ng ama na magbantay sa kanya ay sumusunod at nagmamasid lang nang palihim, kadalasan ay nagpapanggap na mga civilian sa paligid, sa ganoong strategy lang siya nasusundan ng mga ito.

Paano niya pagtitiwalaan ang mga taong nasa utak ang sex hormones? Laman lang naman ng bangungot niya mula noong fifteen siya ang gabing muntik na siyang ma-rape ng hayup na iyon na pinagkatiwalaan nilang mag-ama.

Hindi naging madali ang mag-let go ng takot at trauma.

Tandang-tanda niya ang gabing iyon na malakas ang ulan, kulog at kidlat sa labas. Takot siya sa kulog at kidlat kaya tinanggap niya ang yakap ni Jojo Catiwala—na dapat pala ay Ajas o kaya ay Hudas ang surname nang sa ganoon ay bagay sa pagkatao nito. Pinagkatiwalaan ito nang husto ng Daddy niya para lang gantihan sila ng ganoong kahayupan. 

Inakala niyang gusto lang siyang i-comfort ni Jojo nang gabing iyon. Buo ang tiwala niya rito dahil espesyal ang turing nito sa kanya.Tulad ng Daddy niya, ipinaramdam nito sa kanyang ‘prinsesa’ siya sa paningin nito. Young, naïve and trusting as she was, she had let the man hold her...hanggang naramdaman niyang hindi na yakap lang ang ginagawa nito—pinaglalandas na nito ang mga kamay sa buong katawan niya, at ang labi sa leeg niya...

Mabilis na ipinilig ni Wendy ang ulo para pigilan ang pagdaloy ng alaala sa isip. Hindi niya gustong balikan ang gabing iyon dahil nabubuhay lang ang galit at takot niya. Kasunod ng alaalang iyon ay isa pang bangungot. Nagawa pa ng hayup na humarap sa ama niya at sabihing may relasyon sila at siya ang nang-akit rito. Hindi lang iyon, pera at kandidatura ng ama niya ang nawala sa pagnanais nitong maprotektahan ang pangalan niya bilang nag-iisang anak nito. Isang termino ang pinalampas ng ama alang-alang sa kanya.

Si Wendy naman, mula noon ay nahirapan nang magtiwala, lalo na sa mga uniformed men na nasa paligid para sa proteksiyong binabayaran ng ama niya. Naging pare-pareho na ang tingin niya sa mga ito—mga nagpapanggap na matino pero ang totoo ay naghihintay lang ng pagkakataon para sirain ang tiwalang ibinibigay ng mga taong nagbabayad sa serbisyo ng mga ito. Mula noon ay kaaway na ang tingin niya sa mga bodyguards ng ama niya at sa lahat ng bodyguards sa mundo.

It would be different this time, sweetheart—

No! malakas niyang putol. Remember how we suffered, Dad? We’ve talked about this many times, right? And you agreed! Why now? Walang threat sa kaligtasan ko noon at ngayon. I don’t need a jerk in uniform nor an asshole in capital A following me! I’d rather die!

Wendy, baby—

Naniningkit ang mga matang binalingan niya ito. I’m not a baby anymore! Kung hindi ko mapipilit mag-suicide ang bodyguard ko, I’ll kill him myself, I swear! Puno ng disgustong hayag niya, sinipat ang dalawang kamay. With these, aniyang nakalahad sa ere ang mga kamay niyang may mahahabang kuko ang mga daliri at shocking red na nail polish. My two beautiful bare hands! Hmp! inirapan niya ang ama at saka siya nagmartsa patungo sa silid niya.

Hindi niya pinansin ang pagsapo nito sa dibdib na animo ay maaatake sa puso sa stress sa kanya. Sanay na sanay siya roon. Ganoon lagi ang epekto niya rito kapag nagaargumento sila. Sa huli ay sinusuyo siya nito. Pero nang sandaling iyon ay duda siyang iyon ang gagawin nito. Sa tingin niya ay ipipilit nito ang pagkakaraoon niya ng bodyguard. Aalamin niya sa sarili niyang paraan kung ano ang nagpabago sa isip nito.

Pagdating ni Wendy sa sariling silid ay mahabang sandaling nakaupo siya sa malawak na kama, yakap ang sarili. Ang mga mata niya, nakatutok sa family picture nila. Nakangiti sa picture ang late Mama niya. Ang picture

Enjoying the preview?
Page 1 of 1