Discover millions of ebooks, audiobooks, and so much more with a free trial

Only $11.99/month after trial. Cancel anytime.

Scar's Kiss
Scar's Kiss
Scar's Kiss
Ebook342 pages4 hours

Scar's Kiss

Rating: 5 out of 5 stars

5/5

()

Read preview

About this ebook

        Kiss ang nickname ko. NBSB at thirty-two. Ang proof na ang hirap hanapin ang true love sa age ko? Nasa lilim ako ng ipil-ipil tree sa baryo Malulupig at nagpo-propose ng arrange marriage sa lalaking twice ko pa lang nakita.

        Kabaliwan? Yes! Wala na akong choice, eh.

        Pero minsan, masarap mag-declare ng war sa mundo. Paglalaruan ka kasi sa mismong moment na kailangan mo ng taong seseryoso.

        Pagkatapos ng proposal, para akong na-high. Naging blurred ang paligid, nakarinig ako ng kakaibang tunog at nag-collapse.

        Sa unconscious state na iyon, nagkaroon ng extension ang weird kong panaginip tungkol sa mga silver leaves na may kakaibang tunog.

        And someone kissed me!

        Nagkamalay ako na nasa bibigay nang papag ng albularyo sa Malulupig. Ang linya ni Lolo, may selyo na raw ako ng engkanto! "Kung mas malakas ang damdaming katapat ng damdamin ng prinsipe, tatalunin ang puwersa nila. Maililigtas ang dalaga."

        Windang na ang katawang lupa ko. Engkantado ang ipil-ipil tree!

        "Pag-ibig," sabi naman ni Tiyo Digoy, ang senior citizen na kakampi ko.

        "P-Pag-ibig ho?" ulit ko, sumakit na talaga ang ulo ko. Heto nga't pumipila para maging asawa ko ang mga lalaking sa property ko lang interesado, heto nga at na-engkanto na ako dahil sa proposal ko kay Scar, tapos sasabihin nilang true love ang solusyon sa sakit ko? True love ang katapat at makakatalo sa pagnanasa sa akin ng engkanto?

        Pesteng engkanto!

        At unfair na mundo!

        "Kailangan bantayan ang dalaga sa loob ng sampung oras, sampung araw, sampung linggo, sampung buwan hanggang sampung taon—sa oras, araw, linggo at buwang iyan, magtatangka ang prinsipe na sunduin siya."

        At nagkataning pa ang buhay ko?

        Ah, pesteng true love!

        Pero biglang nag-change mind si Scar—tinanggap ang proposal ko!

        Akin na raw siya—pangalan at katawan. May free taste—este free kiss pa bago ang kasal. Para naman daw may ideya ako kung ano ang kasama sa 'offer' niya.

        Biglang bawi ako mga besh!

        Baka hindi naman talaga peste ang true love?

LanguageFilipino
PublisherVictoria Amor
Release dateSep 24, 2022
ISBN9798215231159
Scar's Kiss

Read more from Victoria Amor

Related to Scar's Kiss

Related categories

Reviews for Scar's Kiss

Rating: 5 out of 5 stars
5/5

10 ratings1 review

What did you think?

Tap to rate

Review must be at least 10 words

  • Rating: 5 out of 5 stars
    5/5
    Grabe ka Scar! Pinakilig mo na naman ako ng bongga, pa-fall ka pa.
    Mahal na yata kita, Sev ?
    Gusto ko rin po ng isang Scar, isang Sev ?
    Thank you so much po, Ms VA ?



Book preview

Scar's Kiss - Victoria Amor

3:45 PM. FRIDAY 

SELYO NG ENGKANTO?

Ang tagal na nakamaang ako sa matandang mahaba ang kulot na buhok. Tatang Urling ang pangalan, magaling na albularyo sa lugar. Pagkatapos kong mag-collapse habang nakasandal sa ipil-ipil tree at kausap si Scar—sa bahay na ako ng albularyo nagkamalay. Kung nawalan ako ng malay o makatulog lang, hindi ko alam.

Ang malinaw lang sa akin, ang mga eksenang nakita ko na parang mahabang panginip. Ako ang lead character at ang faceless na lalaking ‘golden-white’ ang mahabang buhok. Golden white—puti na parang nagiging gold sa kinang. Kung paanong naging posibleng wala akong nakitang mukha, hindi ko alam.

Pero naramdaman ko ang presence ng taong iyon—tao nga ba? Nahawakan ko pa ang malambot na malambot na buhok, wala nga lang akong nakitang mukha.

Ang pakiramdam ng halik, hinding hindi ko makakalimutan.

Kung posibleng pumikit at kalimutan lahat, ginawa ko na. Pero paano? Ang tunog ng mga dahon sa panaginip ko, na ilang beses kong narinig habang magkausap kami ni Scar, tandang-tanda ko.

Panaginip lang pero parang totoo ang eksena.

May nag-abot sa akin ng prutas na parang mas malaki lang sa ubas, naghahalong pula at liwanag ang kulay—kinuha ko ang prutas at kinagat. Mga eksena na ang nakita ko—at kasunod na ginising na ako ng mga hampas. Hinahampas pala ako ng albularyo ng mga hawak niyang sariwa at tuyong dahon.

Bigla bigla akong bumangon, hilo at walang maintindihan—muntik akong mahulog sa bibigay nang papag kung saan ako nakahiga.

Nasa likod-bahay pala ako. May papag na luma na, doon na lang yata ako inilapag ni Scar. Siya ang kasama ko nang nag-collapse ako, pero naroon na rin si Tiyo Digoy.

Ang katiwala sa farm ang nagbanggit na nasa bahay ako ng albularyo at ginagamot. Lampas thirty minutes na raw akong walang malay.

Sa tabi ni Tiyo Digoy, si Scar na parang bored na bored, sa mga dahon ng puno sa itaas namin nakatingin.

Selyo ng engkanto, ang unang malinaw na nag-register sa litong utak ko. Ang lalim ng titig sa akin ng albularyo. Huli na. Na-selyuhan na ang dalaga. Panahon na lang ang hihintayin ng prinsipe. Makukuha siya nang walang kahirap-hirap kung walang pipigil.

Na-shock yata pati ang lito na rin na kaluluwa ko. Ano’ng sinasabi ng matanda? Selyo ng engkanto? Prinsipe? Makukuha ng walang kahirap-hirap?

Ako?

Nakanganga na ako. Kunot na kunot ang noo. Napahagod na rin sa sentido.

Tiyo Digoy, nag-shift ako ng focus sa katiwala. Hindi ko ho maintindihan...

Hindi ko talaga maintindihan ang nangyayari. Pumunta lang naman ako sa kubo ni Scar gaya ng suggestion ni Tiyo Digoy. Sa dami ng nag-aagawan para mag-volunteer na maging asawa ko, si Scar ang sinasabi niyang ‘safe’ option. Wala akong alam sa Baryo Malulupig kaya naniwala ako sa suggestion ni Tiyo Digoy.

Nagpunta kami sa dulo ng property, sa kubo ni Scar para mag-propose ng kasal. Para sabihing siya ang pinipili kong maging ‘asawa’—at kung ano man ang kapalit na gusto niya, pag-uusapan namin.

Sa side ng kubo, doon ko napiling mag-usap kami. Nagsisibak ng kahoy si Scar, lantad ang abs.

Ako naman, nakasandal sa puno—lumilinaw at nagiging blurred ang paligid sa paningin ko. Malinaw kong natandaan na tingin pa lang sa akin ni Scar, obvious na hindi niya gusto ang presence ko sa lugar niya. Pero para sa ‘promise of good life’ push ang plano.

Sumandal ako sa katawan ng matandang puno. Sumandal lang ako para sa suporta. Masama na kasi talaga ang pakiramdam ko.

Natapos ko naman ang piece ko bago ako tuluyang nag-collapse. Kakaiba ang natandaan kong pakiramdam—panghihina na hindi ko maipaliwanag. Parang nahugot na lahat ng lakas ko, naging magaang magaan na ako kaya lumutang na lang. Nagliwanag ang mundo ko bago nag-shut off.

Halik ang natandaan ko. May humalik sa akin.

Deep kiss, syet!

Ang pakiramdam ng halik at ang malambot na buhok na nahawakan ko ang malinaw. Pero ang view ko sa mundo, blurred. Para akong high.

High sa halik?

Hindi ko alam.

Ramdam ko ang paglayo ng lalaki sa akin hanggang nawala.

Pumikit lang ako at sumandal. Hindi ko alam kung saan nga ako nakasandal. Nang tumingin ako sa itaas, mga dahon ang nakita ko pero hindi green. Parang silver leaves na kumikislap lahat. Pareho lang ng mga dahon sa panaginip ko.

May humawak sa braso ko at hinila ako. Sinalubong ang katawan ko ng yakap. Hindi ko alam kung nasaan ako, kung sino ang kasama ko at kung bakit niyayakap niya ako—pero wala akong ginawa para pigilan ang ginagawa niya. Para akong robot na naka-program para magpaubaya lang.

Ramdam ko pa rin ang parang high na pakiramdam.

Pumaikot sa baywang ko ang braso ng taong naka-back hug na sa akin. Umangat ang kamay niya at humagod sa pisngi ko. Ang sumunod kong nakita, ang parang ubas na prutas na nasa tapat na ng bibig ko—hawak ng kamay na nagkukulong sa katawan ko sa isang yakap.

Inilapit ng kamay sa bibig ko ang prutas—na tinanggap ko naman.

Pagsayad ng prutas sa dila ko, para akong hinatak ng kakaibang lakas. Napapikit ako, dumepende na lang sa lakas ng taong nasa likuran ko. Nang dumilat ako, parang diyosang babaeng puti lahat—damit, buhok, pati mga mata—ang nasa harap ko.

Sa takdang panahon, uuwi ka sa tahanang ito, ang malinaw na sinabi. Ang sumunod kong nakita, buhat buhat na ako ni Scar. Kasunod niya si Tiyo Digoy na sumisigaw ng: Dali! Dali! Kailangan niyang mailigtas!

Pero nakita kong paglapag pa lang ni Scar sa akin sa motorsiklo niya, lupaypay na ako.

Patay na ako?

Chapter 1

Two weeks ago...

OKAY ka lang, besh? tanong ni Farah, ang forever best friend at business partner ko. Kaming dalawa ang owner ng Touch ‘N Keep, ang online store na nagbebenta ng damit, fashion accessories, bags, shoes at books.

Nahahati sa dalawang kategorya ang produkto namin. Ang brand new and imported, mga items na bago at kuha sa mga supplier sa abroad, sa Divisoria at Quiapo. Preloved or ‘ukay-online’ items—ang ang mga gamit na pero maayos at maganda pa na binebenta sa lesser price.

Halos three years na ang Touch ‘N Keep and we’re doing okay. Sapat ang pasok ng benta para mabuhay kami at may pang-travel pa. Mas marami pa kaming free time, hindi gaya noong employee pa kami.

Three years ago, sabay naming iniwan ni Farah ang corporate world na seven years din naming naging buhay. Local clothing company. HR assistant ako that time. Si Farah naman ay nasa marketing team. Si Farah ang unang nag-decide na mag-resign. Ginawa niya iyon nang na-push umalis sa kompanya ang marketing manager na boss niya. Over twenty years na sa kompanya si Miss Dallia Gullava. Na-push mag-resign sa pasimpleng atake ng mga boss. Hindi lantarang sinabi pero halata sa lahat ng actions na itinatapon na.

At ang bagong favorite ng management, ang bagong pasok sa team—na ang focus ng marketing strategies ay sa millennial. Naging masakit para kay Miss Gullava ang lahat. Binigay nito ang buong buhay sa kompanya, hindi na nga nakapag-asawa pero ngayong nagbago na ang ‘taste’ ng henerasyon at hindi na ‘in’ ang mga ideas ni Miss Gullava, itatapon na lang nang ganoon lang?

Ang sama sama ng loob na nag-resign ang boss ni Farah. Kaming dalawa pa ang naging crying shoulder. Kami lang din kasi ang matapang na sumunod mag-resign. Ang mga naiwan na witness din ng unfairness, napilitan lang mag-stay dahil may mga binubuhay na pamilya—ang malungkot na realidad ng karamihan sa empleyado.

Hindi matanggap ni Farah kung gaano naging unfair ang kompanya kay Miss Gullava. Sumunod agad na nag-file ng irrevocable resignation ang best friend ko. Pero bago iyon, may concrete plan na siya para sa fall back. Ganoon siya kabilis mag-isip. Deserve niya ang maging isa sa strategist ng marketing team ng dati naming kompanya. Hindi siya kumilos na wala pang plano.

Nang ilatag niya sa akin ang plano, ang bilis kong nag-decide na mag-resign din. May mga issues din ako sa kompanya at sa mga co-workers na tiniis ko lang talaga para ‘mabuhay’. Ang hirap kaya nang walang trabaho. Makaka-relate sa akin sa part na ito ang maraming Filipino employees, lalo na ang mga may pamilyang binubuhay. Na walang choice kundi mag-stay sa kompanyang unfair.

Gamit ang pinagsamang savings namin ni Farah, ipinakilala namin online ang Touch ‘N Keep. Aaminin kong pagdating sa marketing at promotion, ganoon din sa fashion sense, hundred percent na mas magaling sa akin ang best friend ko. Sa documentation at accounting naman ako may edge sa kanya. Madaling ma-bore si Farah sa documentation. Walang tiyaga sa mga doku-dokumento. Mas gusto niyang namimili ng mga products namin. Siya rin ang may mga tamang koneksiyon. Pati ang imported products, ang dali lang niyang nakakuha ng suppliers.

Three years later, okay pa rin kami.

Until that day...

Ah, wait. Baka lang nag-wonder kayo kung nasaan ang family namin. Ako, orphan. ‘Old parents’—endearment ko sa mga kinilala kong magulang. Sila lang ang mayroon ako. Kind couple sila na inampon ako. High school pa lang ako, namatay na si Nanay Lola. Seventy-five years old siya noon. Narcisa Mariquit ang full name niya.

Naiwan ako sa poder ni Tatay Lolo. Filoterio naman ang name niya, eighty-two na nang mamatay. Hindi ko sila mga tunay na kadugo. Adopted daughter nila ako. Wala silang tunay na anak. Twenty-three na ako nang mamatay si Lolo Filo.

Si Farah naman, single mom din ang Mama kaya ang dami naming parehong issues sa buhay. May mga kamag-anak siya pero walang ka-close. Kahihiyan daw kasi sila ng pamilya. ‘Other woman’ ang Mama niya. Ang family ng biological father ni Farah, parang hanggang hukay na babaunin ang galit. Teenager hanggang nag-college si Farah, nakatikim na ng paulit-ulit na pang-aapi at pambu-bully. Hanga nga ako sa tatag niya. Hindi siya lumaban. Hindi rin nagtanim ng galit. Ang paulit-ulit niyang ginawa, magpatawad.

Ayon kay Farah, hindi para sa pamilya ng ama at mga kamag-anak ng ina niya ang forgiveness—para sa sarili. Magaan ang buhay kung walang bitbit na bigat. Sa cheerful at lively attitude ng best friend ko, walang mag-iisip sa hirap na pinagdaanan niya. May boyfriend siyang on and off—si Jonn. Away-bati sila lagi. Ako naman ang listener sa mga rant ni Farrah.

"Are you okay, besh?" ulit ni Farah.

Halata naman na hindi ako okay. Nakatulala ang beshy ninyo, mga twenty minutes na. Ang nasa harap ko, sa ibabaw ng brown envelope at file folder, mga data at pictures—ng totoong mga kadugo ko. Pictures ng parents ko at ng isang matandang mukhang Spanish na lolo ko raw. Ang poging lolo ko na ito, nag-iwan lang naman ng mana sa akin. Parang movie bigla ang buhay ko—may biglaang twist!

Gasgas na plot nga lang. Nangyayari pala talaga ang mas kapani-paniwala kung fiction na lang.

Soon, magkaka-farm na ako. O, ha? Ang galing ng universe. Na-feel ang pagka-poor ko?

Hinatid ng nagpakilalang abogado na may kasamang private investigator ang mga dokumentong iyon. Ginulat kami sa ancestral house na naiwan sa akin ng kinilala kong parents. Sa isang old village sa Valenzuela ang bahay.

Lazy Sunday iyon nang dumating ang mga bisita. Busy ako sa Facebook Page ng Touch ‘N Keep at si Farah naman sa Instagram.

Okay sana na may unexpected inheritance. Tanggap lang nang tanggap dapat. Ang laking blessing na. Pero hindi ganoon kadali ang pagkuha sa mana ko. Parang gasgas na kuwento nga sa pelikula at books, may kondisyon.

Stipulation? Addendum?

Basta, kondisyon na naka-attach sa mana ko raw.

Hindi ko makukuha ang mana kung single ako. Ang dapat, married. May kasama akong asawa at kasal kami.

Sobrang gasgas!

Marriage certificate ang balang dapat mayroon ako. Thank goodness, hindi nagdidikta ang kondisyong iyon ng matanda na kailangan naming magsama ng ‘asawa’ ko!

Mula sa pagkatulala, tumingin ako kay Farah.

Si Vicco kaya friend? si Vicco ang first everything ko. First crush, first fall, first love, first hearbroken experience. Sobrang unforgettable ang experience. Ang bait bait niya at super close kami. Kaya lang no’ng nag-confess na ako ng feelings, nabading ang hayuf!

Ang sakit, sobra! Para akong nasampal nang paulit-ulit. Ang nag-iisang lalaking espesyal, na-friendzoned na ako, awang-awa pa sa akin. Kaya hayun, nagpanggap na lang na bading kaysa amining hindi lang ako kagusto-kagusto, hindi ako kamahal-kamal.

Ang tagal na pinilit kong i-convince ang sariling deserve ko rin ng attention at affection pagkatapos ng experience ko kay Vicco. Wala nang sumunod pagkatapos niya. Hindi ko naman na siya mahal pero ang hirap ibalik ang sarili sa mode na ‘I’m open and receptive to love’.

Ang dami nang negativities sa utak ko.

Okay. Kahit paano naman, nakatulong din na totoong gay talaga si Vicco. Graduate na kami noong na-confirm ko. Lumabas na talaga sa closet ang bruha. Nanalo pa sa Miss Gay competition bago nag-abroad.

Friend mo naman sa Facebook, search mo, sabi ni Farah, busy na uli sa IG ng Touch ‘N Keep.

Bigla nga akong napa-search sa Facebook. Years ago, iyon ang tanda kong huling silip na ginawa ko sa timeline ni Vicco. Friends pa rin kami pero naka-unfollow ako sa updates and activities niya. Hindi ko na nasundan ang mga bago sa kanya.

Kaya naman nang bumulaga sa akin ang profile picture niyang ala Catriona Gray, napatulala ako sa screen ng cell phone. Kung posibleng higupin ako ng gadget sa paulit-ulit na paglapit ko ng cell phone sa mukha ko—para matitigan ko pa ang picture—nahigop na ako.

Wala na, ang nasabi ko, laglag ang mga balikat na sumandal sa backrest ng sofa. May nanalo na `te! At parang sawing inabot ko kay Farah ang cell phone.

Na-shock din ang lokang friend ko. Muntik nang lumuwa ang mga mata.

Gagang `yan! ang malakas na nasabi niya. "Mas maganda pa sa `tin ang poota!"

Babaeng babae na may killer smile ang nasa profile pic, naka white long dress at fashion hat. Naka-finger heart ang malandi!

Saan ako maghahanap ng groom, friend?

Madali na lang magbayad, `no ka ba? Ang sinabi ni Farah. "`Di nga lang keri ng savings natin kung tayo pa ang mag-spend sa annulment pagkatapos ng kasal mo."

Kung ibenta ko na lang ang farm?

"That’s a good idea, besh! Pero sayang naman kung may potential. Ganito na lang, bago tayo maghanap ng willing groom, why don’t we check your inheritance muna? Baka naman kasi hindi worth ng kalayaan mo ang farm na `yan!"

Napatitig ako kay Farah. You’re right. Go tayo sa baryo Malulupig.

Saan daw ba `yon?

Zambales daw, eh. Baka super liblib. Ngayon ko lang din narinig `yang place.

SURE ho kayong dito `yon, Tatang?

Nasa loob pa rin ako ng tricycle. Nasa tapat na kami ng mataas na black gate. Magkasama kami ni Farah dapat pero ang ending scene, ako na lang ang sumugod mag-isa sa Baryo Malulupig.

Sa taxi pa lang kami papuntang bus terminal, tumawag ang boyfriend ni Farah. May emergency sa family. Ang Farah na good girlfriend, mas pinili ang love over friendship.

Sino ba naman ako? Friend lang. Sus, sanay na ako. Kapag ang mga kaibigan may lovelife, ganoon talaga. Ang single friend ang laging naiiwan. Ang laging hindi pinipili. Pero kapag nasaktan na, sa single friend babalik at ngangawa. Ganoon na ganoon itong best friend ko.

Ako na lang ang lumarga papuntang Zambales. Ako ang mag-isang nakaidlip sa ilang oras na biyahe sa bus. Ako rin ang natagtag sa halos isang oras din na biyahe sa jeep. At sa parang parusang rough road sakay ng tricycle papasok sa Baryo Malulupig. Na-realize ko, bagay ang pangalan. Parang nalupig na ng panahon ang layo!

Muntik na akong sumuko!

Kung na-inform ko siguro ang abogado, na nag-iwan naman ng business card sa akin kaya mako-contact ko naman talaga anytime, baka may sundo ako. Pero ayokong ipaalam sa kanya ang pagpunta. Gusto ko ng surprise visit. Gusto kong makita ang farm na hindi sila nakapaghanda. Malay ko ba kung blank space pala ang ‘mana’ ko at scammer si Attorney Limunado. Ang bilis lang mag-print ng business card. Ang bilis lang din mag-fake ng documents at data. Hindi tama ang maging mapag-isip ng masama sa kapwa pero hindi rin naman masama ang maging cautious.

Oo, Ma’am, sabi ng driver na malapit nang mag-senior citizen. Kalbo na at payat. Pagsakay ko pa lang kanina, sinasabi ko na sa sariling magbabayad ako nang sobra. Naawa ako kay Tatang na pumapasada pa. Naalala ko si Lolo Tatay sa kanya. Seventy na, ang dami pang raket para maibigay ang mga kailangan ko. Kung ang farm ng mga Del Avierra ang sadya mo, ito na ‘yon.

Del Avierra ang last name ng sinasabing lolo ko.

Bumaba na ako sa tricycle. Sinadya kong tagalan ang pagkuha ng pambayad. Kilala n’yo ang mga tao sa farm na ‘yan, Tatang? pasimple kong pagkuha ng impormasyon. Ang mga Del Avierra ho?

Ang alam ko, namatay na si Don Augusto. Si Pareng Digoy, siya ang kilala namin, katiwala riyan sa farm. Malapit din siya kay Kapitan.

Bayad ko ho, inabot ko ang five hundred kay Tatang. Two hundred fifty ang napag-usapan naming bayad ko sa paghatid sa farm—renta sa buong biyahe ng tricycle. Wala raw pasahero pabalik kaya malulugi kung hindi tataasan ang singil.

Wala ka bang barya lang, hija? hindi niya kinuha ang five hundred. Ikaw ang buena manong pasahero ko. Walang panukli.

Okay lang ho, sabi ko. Nagmamadali ho ba kayo pabalik? Magpapatulong sana ako, `Tang? Kung kilala n’yo ho ang katiwala sa loob?

Si Pareng Digoy? Kumpare ko ‘yon! Proud na sabi ng matandang driver. Bumusina siya, mga ilang ulit bago pinatay na ang engine ng tricycle. Mabagal siyang bumaba.

Naagaw naman ng parating na motosiklo ang atensiyon ko. Humaharurot iyon na parang nakikipag karera sa invisible na kaaway. Parang galit na galit ang sunod-sunod na busina. Saka ko lang na-realize na nasa gitna pala ako ng daan. Binitbit ko agad ang travel bag para itabi.

Humarurot ang motorsiklo. Sakay ang driver na parang member ng gang. Walang helmet, gulo-gulo ang mahabang buhok. Itim lahat ang suot. Hindi ko napansin ang mukha. Mabilis lang ang pagdaan ng motorsiklo.

Safe ho ba ang lugar na ‘to, Tatang? Kung ang dumaang rider ang ‘looks’ ng karamihan sa taga Malulupig, kailangan kong mag-ingat. Parang member ng gang na nagsolong mag-ride ang lalaki.

Hindi ko alam kung bakit napatingin sa akin ang driver bago natawa. Mga pangit lang ang tao, natatawang sabi ng driver. Gaya ko, pero ligtas ang lugar, hija. ‘Wag kang mag-alala.

Nagpigil lang akong sabihin na ang lalaking naka-motorsiklo ang bumuhay ng hindi panatag na pakiramdam ko.

Magsasalita pa sana ang driver pero bumukas na ang gate. Babae ang nagbukas ng gate. Mga forty to forty-five years old na, chubby, maikli ang buhok.

Belina! sabi ng matandang driver, nakatawa sa babaeng nagbukas ng gate. Ako ito! Kumusta? Nasa loob ba si kumpareng Digoy?

Nasa manggahan pa. May kailangan kayo sa kanya?

Ako wala, siya ang meron, bumaling sa akin ang driver, ganoon rin ang babae.

Magandang hapon ho. Ako si Kiss. Nag-abot ako ng kamay sa babae.

Kiss?

Krisanta Mariquit po.

Napatitig sa akin ang babae, huling huli kong medyo nanlaki ang mga mata at umawang ang bibig. Pasok. Pasok, Ma’am. Parang biglang nataranta, hinila ni Aling Belina pabukas ang gate.

Kiss na lang ho, sabi ko naman. Tatang, salamat! ngumiti ako sa driver.

Salamat din sa pa-sobrang bayad, hija. Pagpalain ka ng Diyos. Bakas sa ngiti niya ang tuwa. Belina, mauna na ako. Ikaw na ang bahala sa bisita. Ipaabot mo agad kay Pareng Digoy.

Ngumiti na lang ako. Sumakay na uli sa tricycle ang driver pagkapasok ko sa gate. Bumusina pa bago umalis. Hinintay kong maisara ng babae ang gate. Lumapit siya para kunin ang bag ko.

Okay lang ho, pagtanggi ko. Magaan lang naman. Anong oras ho kaya ang balik ni... Wala akong ideya sa edad ng katiwala. Kung gaya lang ng driver, safe siguro na tawaging Tatang na lang din?

Tiyo Digoy, sabi ng babae. ‘Yon ang tawag sa kanya ng mga tagarito.

Ngumiti ako. Anong oras ho kaya babalik si Tiyo Digoy?

Baka pabalik na rin iyon, Ma’am. Tuloy muna kayo sa loob.

Mga two to three minutes pa kaming naglakad galing sa gate hanggang sa parang ancestral house na well maintained. Naalala ko ang bahay namin.

Hindi ko mapigilang humanga sa bahay. Hindi sementado pero hindi nasira sa halatang matagal na panahon nang dumaan. Nag-conclude akong gawa iyon sa matibay na kahoy. May hagdang kahoy rin.

Ang paligid, mga magagandang halaman. Sa orchids nagtagal ang mga mata ko. Mag-uuwi ako ng orchids para itanim.

Nakapasok na si Aling Belina, nasa labas pa rin ako, namamangha sa ganda ng bahay. Parang mas pinaganda pa ng pagkaluma. Ang mga ganoong bahay ang patunay ng nagdaang panahon.

Ma’am?

SI ALING Belina, napabalik sa labas nang makitang hindi ako sumunod.

Sa sala na kayo magpahinga, Ma’am.

Kiss na lang ho, ulit ko na naman. Parang gusto kong ngumiwi sa Ma’am. Kung totoo man na akin na ang farm kasama ng iba pang property ng mga Del Avierra sa Malulupig, gusto ko pa rin na Kiss ang itawag sa akin ng lahat.

Hinayaan ko na si Aling Belina nang kinuha sa akin ang bag ko. Mas nauna na niyang dinala sa sala.

Maupo ka muna, ang sinabi niya. Bebeng!

May dumating agad na teenager, mga nasa fifteen or sixteen. Naka-tirintas ang buhok, bright ang mga mata, morena at petite. Tawag mo ako, `Nay?

Ipaghanda mo ng merienda ang bisita, sabi ni Aling Belina, inilapag sa tabi ng sofa ang bag at mabilis nang nagpaalam. Lumabas ito at nakita ko sa bukas na bintana na may kausap na.

Tumutok sa akin ang tingin ng teenager nang ibalik ko sa loob ng bahay ang tingin. Hinuhulaan yata kung bakit ako ‘bumisita’.

Hi, bati ko, parang hahaba pa ang pagtitig sa akin kung hindi ko babasagin ang katahimikan.

Hi, ganting bati din niya. Ano po ang gusto n’yong merienda?

Okay kahit ano, nakangiti pa rin ako. Basta may malamig na malamig na tubig.

Sige po—

‘Yong kasing lamig ng puso ko, dagdag na biro ko, naudlot ang pagtalikod ng teenager. Napatitig muna sa akin bago tumawa. Ang gusto ko talaga, maging comfortable sa akin ang mga tao sa farm. Hindi pa man ako naipapakilalang ‘heiress’ parang may ideya na sila. Napansin ko agad ang pag-iiba ng trato sa akin ni Aling Belina nang marinig ang pangalan ko. Na-heads up na yata ng abogado ang mga tao sa farm? Kiss ang name ko. Ikaw?

Hug.

Umangat ang kilay ko. You ha?

Bumungisngis ang

Enjoying the preview?
Page 1 of 1