Discover millions of ebooks, audiobooks, and so much more with a free trial

Only $11.99/month after trial. Cancel anytime.

Sweetest Days
Sweetest Days
Sweetest Days
Ebook244 pages2 hours

Sweetest Days

Rating: 5 out of 5 stars

5/5

()

Read preview

About this ebook

            Si Victor ang unang nakita ni Sharlotte pagkalabas ng banyo. Si Victor na naka-gray robe na careless ang pagkakabuhol; parang makakalag na lang. Okay lang naman. Nakita niyang naka-jeans pa rin ito. Upper part lang naman ng katawan ang mae-expose kapag nakalag ang buhol ng robe.

Pero na-freeze pa rin siya sa tapat ng pinto.

            "S-Sir..."

Relaxed na nakasandal ang boss sa nakalapat na pinto ng kanyang kuwarto. Halatang naghihintay sa paglabas niya. Nag-iba na naman ang lakas at bilis ng heartbeat ni Sharlotte nang magtama ang mga mata nila.

            "May…may utos ka, Sir?" Gustong mag-pretend ni Sharlotte na okay siya sa presence nito pero ang hirap. Hindi man bumaba sa katawan niya ang titig nito, affected pa rin siya na naroon ito. Hindi man kumikilos para lumapit, parang hindi na siya makahinga—ang pakiramdam na hindi talaga niya maintindihan.

Hindi umimik si Victor, tumitig lang. Hindi nawala sa mga mata niya ang focus nito. Siya ang nawala sa focus nang paghakbang nito palapit, nakalag na nang tuluyan ang tali ng robe. Para nang drums ang heartbeat niya. Hindi dapat ang sandaling iyon. Hindi tama na naroon silang dalawa sa kuwarto. Lalong mali na lumalapit sa kanya si Victor na nakikita niyang halos topless na. Ang hirap aminin sa sarili na iyong moment na iyon ang moment na pinaka-sexy ito.

Nakaka-breathless!

            "A-Ano'ng…ano'ng utos po?" Nauutal na tanong ni Sharlotte, pinilit mag-focus sa mga hakbang nito kaysa sa sitwasyon. Nasa harapan na niya si Victor, para pa rin siyang mannequin sa tapat ng pinto ng banyo.

            Walang reaksiyon si Victor, nakatitig lang. Ramdam niyang siya lang ang hindi na makahinga sa lapit nila. Si Victor, parang normal pa rin ang kilos. Sanay na sanay yatang gawin iyon sa mga babae.

Niyuko siya ni Victor bago bumulong ng: "Don't move."

            Wala sa loob na umangat ang kamay ni Sharlotte sa buhol ng towel sa gitna ng kanyang dibdib. Gusto niyang pumikit na lang at maglaho—kung posible lang. Ang bilis at lakas lalo ng heartbeat niya!

            Para na naman siyang alipin na sumunod sa utos. Hindi nga siya gumalaw. Pigil na rin nga niya ang huminga.

            "Breathe," anas uli ni Victor, na mas dumikit pa—hindi pala, inabot lang nito ang door knob para ilapat ang pinto ng banyo. Hindi na nga lang ito dumistansiya. Hinawakan ang mga kamay niya at dahan-dahang itinaas, kasabay lang nang maingat na pagtulak sa kanya pasandal sa pintong inilapat nito.

LanguageFilipino
PublisherVictoria Amor
Release dateSep 13, 2022
ISBN9798215408766
Sweetest Days

Read more from Victoria Amor

Related to Sweetest Days

Reviews for Sweetest Days

Rating: 5 out of 5 stars
5/5

5 ratings1 review

What did you think?

Tap to rate

Review must be at least 10 words

  • Rating: 5 out of 5 stars
    5/5
    Di nakakasawang basahin. Ang daming kilig moments ? ang sarap tuloy bumalik sa teenage life taz may isang Victor Marquesa na magpapalabas ng kilig sa katawan ?

    Thank you so much po sa story nina Sharlotte and Victor. Isa sila sa story mo po na love na love ko. Nakaka-mis din sina MJ and Anthony ?

Book preview

Sweetest Days - Victoria Amor

Prologue

MALUNGKOT DIN ANG LANGIT?

Tumingala si Sharlotte sa mga naiipong ulap. Parang gustong sumabay ng panahon sa mood niya. Huminga siya nang malalim at tumitig sa pangalan ng kanyang lolo sa lapida.

Ano’ng favorite view mo sa langit, Lolo Doming?

Maingat na inilapag niya ang dalang bulaklak sa puntod. Huling dalaw na niya iyon kay Lolo Doming. Paalis na siya at walang kasiguraduhan kung ano na ang magiging buhay niya sa mga susunod na araw.

`Lam mo, Lolo? Miss ko na ang favorite view natin. No’ng wala na kasi kayo, sobrang lungkot na sa bahay... Nagtirik na siya ng kandila. Nawalan na ng meaning ang sunrise at sunset... Tumingala si Sharlotte para pigilan ang mga luha. Pumikit siya at inulit ang paghinga nang malalim.

Nagbalik sa isip niya ang isang pamilyar na eksena.

Nasa parehong lugar na naman si Sharlotte. Nakatayo siya malapit sa pintuan—ang spot sa bahay na lagi niyang pinapanood si Lolo Doming. Nasa balkonahe ang matanda, nakaupo sa paborito nitong rocking chair. Naroon ito sa oras ng sunrise at sunset.

Ang marahang paggalaw ng rocking chair at ang maaliwalas na anyo ni Lolo Doming, iisa lang ang pakiramdam na hatid kay Sharlotte—kapayapaan.

Hindi niya mapigilang panoorin si Lolo Doming sa ganoong oras. Puno man ng gatla ang noo, kulubot man ang balat at puti na lahat ng buhok, ang gaan pa rin ng anyo nito. Siguro, nagmumula kasi ang gaan sa loob. Masayahin ito at walang bitbit na galit o ano mang negatibong emosyon sa puso.

Ang laging sinasabi nito sa kanya, ang ikli lang ng buhay. Hindi tamang ubusin ang buong panahon para isipin ang imperfections at mga kakulangan. Mas magandang mag-ipon na lang ng magagandang alaala na babalik-balikan sa pagtanda—na ginagawa nga nito kapag mag-isa.

Ang paboritong spot ng kanyang lolo, sa balkonahe nila. Inihehele nito ang sarili sa rocking chair.

Si Lolo Doming ang nagturo kay Sharlotte na laging tingnan ang positibo sa bawat sitwasyon. Dagdag pa nito, happiness is created, not found. Hindi dapat nakasalalay sa ibang tao ang kaligayahan kaya huwag niyang hanapin iyon sa tao o sa paligid. Ang tunay na kaligayahan dapat ay nagmumula sa loob ng isang tao. At kung mahanap man ang saya sa paligid, nasisiguro nito na iyon ay ang uri ng saya na panandalian lang.

Ang buhay ay parang musika, apo, naalala ni Sharlotte na pangaral sa kanya ni Lolo Doming. Nakasalampak siya sa tabi ng rocking chair. Nagkukuwentuhan sila habang palubog na ang araw. May simula na puno ng magagandang salita. Binigyan ng buhay ng mga nota, ritmo at melodiya. Masarap sa pakiramdam ang yakapin ng tunog; parang haplos na nagbibigay ng kapayapaan sa maraming pagkakataon na gugustuhin nating hindi na lang matapos. Ngunit sa ayaw at sa gusto ng nakikinig, ang magandang musika ay may hangganan. Gaya rin ng buhay natin. Inabot ni Lolo Doming mula kay Sharlotte ang lumang gitara, na bigay rin nito sa kanya bilang regalo.

Napangiti si Sharlotte nang sinimulan nitong tumugtog. Ang paboritong kantahin nito, na lagi niyang sinasabayan tuwing magkatabi sila.

When you walk through a storm... Hold your head up high. And don’t be afraid of the dark...

Tumulo na ang pinilit pigilang luha ni Sharlotte. Naging malabo sa mga mata niya ang pangalan ni Lolo Doming sa lapida. Ang linaw ng eksena sa kanyang isip, parang kahapon lang. Buhay na buhay sa alaala niya. Ang boses ni Lolo Doming, napakalinaw. Pakiramdam niya, magkatabi lang sila.

Bakit nga naman hindi kung isang linggo pa lang halos mula nang iwan siya nito. Ang lungkot at sakit, ramdam na ramdam pa niya ang bigat. Gustong magtampo ni Sharlotte na huli na nang malaman niya ang dinaramdam na sakit ni Lolo Doming. Tinago lang talaga sa kanya para hindi siya mag-alala. Ganoon naman ito, siya ang unang inaalala bago ang sarili. Acute respiratory infection ang ikinamatay ng matanda.

Si Lolo Doming ang nag-iisa niyang pamilya. Nagkaisip siyang silang dalawa na lang ang magkasama. Wala na siyang nagisnan na mga magulang. Ang Mama niyang si Sharina Sevillan, anak ni Lolo Doming na namatay sa panganganak sa kanya. Hindi raw naipakilala ng ina ang kanyang ama kaya walang sagot si Lolo Doming sa mga tanong niya.

Hindi na naging mapaghanap si Sharlotte. Naging sapat para sa kanya ang pagmamahal ni Lolo Doming. Naging masaya sila na silang dalawa na lang ang magkasama. Ang bonding moments nila, kantahan. Si Lolo Doming rin ang nagturo sa kanyang tumugtog ng gitara.

Ang pagkawala ng nag-iisang kapamilya, sobrang bigat sa dibdib. Sa mga unang araw pagkatapos ng libing, walang oras na hindi siya umiiyak. Gustong kapitan ni Sharlotte ang isang pantasya—na panaginip lang ang lahat at magigising siyang magkasama pa sila ni Lolo Doming.

Pero ang malupit na realidad, agad agad sinasampal sa kanya ang katotohanan. May back up pang masamang tao para ipaalala sa kanya ang totoo—na wala na ang hero niyang puti ang buhok.

Ang pagkawala rin ni Lolo Doming, naging dahilan ng mabilis niyang mga desisyon. Na alam ni Sharlotte na magpapabago sa takbo ng kanyang buhay. Una, kailangan na niyang iwan ang bahay nila sa Bulacan. Gusto pa sana niyang magluksa nang tahimik pero malupit ang ang realidad sa pag-atake sa kanya. Ayaw na siyang bigyan ng pagkakataong kumapit sa pantasya. Itinutulak na siya agad na harapin ang totoo—na oo, wala naman na talaga siyang pagpipilian.

Kaninang tanghali, naputol ang miserable niyang pag-iyak sa isang sulok ng kuwarto. Dumating kasi sa bahay nila si Mang Ramoncito, fifty-eight years old na kalbo at maraming tattoo. Biyudo na may dalawang anak na lalaki. Kalat sa buong barangay na kung sino sino ang babae nito. May piggery ang pamilya. Patok ang puwesto sa palengke kaya mabilis nakapaglabas ng pera nang lumapit siya. Napilitan si Sharlotte na ibenta ang maliit na property nila para tustusan si Lolo Doming sa ospital at hanggang sa libing nito.

Pagkatapos ng lahat, wala halos na natira sa kanya. Sa totoo lang, hindi pa gumagana nang tama ang kanyang utak. Malabo pa lahat. Lutang si Sharlotte. Walang maisip gawin. Sakit at lungkot ang nangingibabaw sa kanya.

Si Mang Ramoncito, binigyan siya ng dalawang option—umalis ng bahay o mag-stay. Kung pipiliin niyang mag-stay, kailangan niyang pumayag na mag-live in sila ng anak nitong si Pepito. Nangilabot siya sa ideya. Mukhang manyakis si Pepito. Thirty-one years old ito, maitim, maskulado at maraming tattoo gaya ng ama. Wala yatang araw na hindi umiinom. Hindi rin iisang beses na nasangkot sa gulo dahil naghahamon ng away kapag lasing na. Lantaran kung ipakita ni Pepot—nickname nito sa buong barangay nila—na gusto siya nito. Paano pa kaya kung silang dalawa na lang ang nasa bahay?

Mas pipiliin ni Sharlotte na sa kalye na lang tumira kaysa makasama si Pepito sa bahay nila ni Lolo Doming. Hindi niya hahayaang matakpan ng pangit na mga eksena ang marami nilang magandang alaala sa bahay na iyon.

Magulo man ang isip at walang plano, agad agad na nag-empake si Sharlotte. Sa simbahan muna siya dumeretso. Nag-volunteer ang dalawa niyang kaibigan sa choir, sina Anthony at Mj, na ihatid siya sa bus terminal sa Cubao. Nangako pang hindi siya iiwan hanggang hindi umalis ng terminal ang bus. Ipinilit pa ni Anthony na i-check muna niya ang mga kasabay na pasahero—kung wala bang tropa si Pepito or tao ni Mang Ramoncito—bago siya mag-settle sa piniling upuan.

Biyaheng Legazpi ang bus na sasakyan niya. Ang destinasyon ni Sharlotte, ang address na kasama sa sulat na iniwan sa kanya ni Lolo Doming. Ang utos nito, puntahan niya si Victor Marquesa. Ang Victor na iyon ang lapitan niya para humingi ng tulong. May sulat din para kay Victor Marquesa si Lolo Doming.

Walang picture na kasama sa sulat kaya hinuhulaan na lang ni Sharlotte ang anyo ni Victor Marquesa. Ang nasa isip niya, matanda na rin—na siguro, kaibigan ni Lolo Doming kaya pinagkakatiwalaan.

Dumaan muna si Sharlotte sa puntod ni Lolo Doming para dalawin ito. Walang kasiguraduhin kung anong mangyayari sa mga susunod na araw kaya kailangan niyang magpaalam.

Babalik po ako, Lolo, sabi niya, nakatitig sa pangalan ni Lolo Doming. `Di ko alam kung kailan pero babalik ako, promise po. At ngumiti si Sharlotte na parang nakikita siya ni Lolo Doming.

Tinuyo niya agad ang ayaw pa rin paawat na mga luha. Hindi siya gustong nakikitang umiiyak ni Lolo Doming. Hindi ito matutuwa sa langit.

Bantayan n’yo na lang po ako. Bukas, nasa Legazpi na ako, at napa-exhale na naman siya. Mami-miss kita. Promise po, next time na pupunta ako, wala nang iyakan. Love you, Lolo Doming. Lumipat sa may sinding kandila ang titig niya.

Sa isip, nagwi-wish si Sharlotte na sana, gaya ng kandila ay magkaliwanag rin ang buhay niya sa mga susunod na araw. Pakiramdam niya kasi, mula nang mawala si Lolo Doming, bumagsak siya sa madilim na mundong walang daan palabas.

Bye, Lolo... at saka siya marahang tumalikod at naglakad palayo.

Sumabay sa bawat hakbang ni Sharlotte ang mga luha.

Chapter 1

HELLO, LEGAZPI...

Ang huminga nang malalim ang unang ginawa ni Sharlotte pagkababa ng bus. Nakailang tanong muna siya sa mga nakasabay bago niya nahanap ang tamang way. Malakas pa rin ang ulan nang nakasakay siya ng tricycle na maghahatid sa kanya sa tamang address.

Pag-usad pa lang ng tricycle, nag-pray na si Sharlotte na sana, may magandang mangyari sa pagbisita niya sa bahay ni Victor Marquesa. O matutulog siya sa kalye ng hindi pamilyar na lugar—na basang basa sa ulan.

Nasa Naga pa lang ang bus, malakas na ang buhos ng ulan. Pagdating nila sa Legazpi kaninang umaga, mas nagsungit pa ang panahon. May bagyo yata. Hindi siya aware. Parang nag-shut off na kasi ang mundo niya pagkamatay ni Lolo Doming.

Walang twenty minutes—kung tama ang tantiya niya sa oras—bumagal na ang takbo ng tricycle hanggang huminto na. Pinatay ng driver ang makina ng motorsiklo, sinilip siya sa loob at sinabing iyon na raw ang bahay sa address na hawak niya.

"Ako na ang kakatok para sa `yo, `ne," sabi nito.

Nagpasalamat si Sharlotte. Naka-raincoat ang driver kaya ayos lang sumugod sa ulan. Mga ilang minuto rin na nasa tapat ng gate ang driver bago may lumapit na taong nakapayong. Nag-usap ang dalawa. Hindi narinig ni Sharlotte ang usapan dahil sa distansiya at malakas na buhos ng ulan.  

Binalikan siya ng driver, tinanong ang pangalan niya. Gustong malaman ng nasa loob kung sino ang bisita. Oo nga naman, bakit niya nakalimutang sabihin? Hindi na nag-isip na bumaba si Sharlotte ng tricycle. Binalewala niya ang malakas na buhos ng ulan. Kailangan niyang makausap si Victor Marquesa.

Magandang umaga po! Agad na pagbati niya sa babaeng kausap ng driver. Mga lampas fifty years old na siguro ang babae. Makapal ang jacket at naka-cap pa kahit ang lapad na ng itim na payong. Dito po ba nakatira si Mr. Victor Marquesa? Sharlotte Sevillan po ang name ko. Pakisabi po kay Mr. Victor, apo ako ni Dominador Sevillan. May sulat po si Lolo Doming para sa kanya.

Tumango ang babae at iniwan na sila.

"Bumalik ka na muna sa loob ng tricycle, `ne," sabi ng driver sa kanya. Malakas ang ulan o. Galing ka pa sa mahabang biyahe. Baka magkasakit ka niyan.

Okay lang po ako, si Sharlotte na pinilit ngumiti. Ang totoo ay tumatagos na sa balat niya ang lamig. Salamat na lang, maong ang jeans niya at naka-jacket rin siya. Kung hindi, bumakat na sa katawan niya ang basang damit. Thank you po.

`Hatid na kita sa loob pagbukas nila, sabi uli ng driver. Para hindi mabasa ang gamit mo.

Na-appreciate ni Sharlotte ang tulong. Thank you po ulit. Natutuwa siyang isipin na kahit naglipana na sa mundo ang mga manggugulang at snatcher, na kadalasan ay mga tulad niyang dayo sa lugar ang biktima ay marami pa rin ang natitirang mabuting tao. Gaya na lang ng tricycle driver.

Wala namang five minutes ang naging paghihintay nila sa labas. Bumalik ang babaeng nakausap nila at binuksan na ang gate.

May mga karga siya, Manay. Palaugon ko na lang tabi ang tricycle para dai madumog, sabi ng driver sa babae. Hindi gaanong naintindihan ni Sharlotte. Tumango naman ang kausap nito. "Bumalik ka na sa tricycle, `ne. `Hatid kita sa loob para hindi mabasa ang mga gamit mo."

Agad kumilos si Sharlotte.

Ipinasok ng driver ang tricycle hanggang sa tapat mismo ng malawak na balkonahe. Binitbit naman agad ni Sharlotte ang dala niyang travel bag. Ang driver naman ang nagdala ng iba pang karga niya.

Nagpasalamat uli siya bago inabot ang bayad. Hindi man sapat ang dala niyang pera—na wala siyang ideya kung hanggang saan na lang aabot, nagbigay pa rin siya ng tip—para sa kabutihan nito.

Ngiting ngiti ang driver, sumakay agad sa tricycle at umalis na. Sumunod ang babaeng nakausap nila para isara ang gate. Si Sharlotte naman, nadaanan na lang ng tingin ang outside view ng malaking bahay. Kailangan niyang sumilong agad para sagipin sa ulan ang mga gamit na dala. Tama nang siya na lang ang nabasa.

Nasa balkonahe si Sharlotte. Nakabukas ang front door kaya nakita niya ang marangyang living room. Dark brown ang kulay ng sala set at may wooden effect ang tiles—iyon lang ang inabot ng mga mga mata niya bago nagsalita ang babaeng sumalubong sa kanila.  Inimbitahan siyang pumasok sa living room.

Sandaling nag-alangan si Sharlotte. Napapaisip siya kung sino si Victor Marquesa. Paano ito naging kaibigan ng Lolo niya? Simpleng tao lang na hindi umaalis ng bahay si Lolo Doming. Palengke at simbahan lang ang pinupuntahan nito sa labas. Saan kaya ito nagkakilala at ang hula niya ay hindi ‘simpleng tao’ lang na si Mr. Marquesa?

"Digdi ka nguna, `ne, mababa na daa si señorito taod-taod," sabi ng babae na nagpanganga sa kanya. ‘Señorito’ lang ang naintindihan niya.

May Spanish blood siguro ang family nila...

Ah, puwede po bang paki-Tagalog? Ang hula ni Sharlotte, dialect ng lugar ang hindi niya naintindihang mga salita.

Napangiti ang may edad na babae. Ay, Tagalog ka nga pala, ang sinabi nito at ngumiti. Ang sabi ko, hija, dito ka muna. Mayamaya lang, bababa na si señorito Victor.

Ah, okay po, ngumiti rin siya. Thank you.

Kabilang nga sa angkan ng mayayaman si Victor Marquesa base sa kung paano ito tawagin ng babae. Sana pala, binanggit agad ni Lolo Doming. Kinapalan na sana niya ang mukha. Humingi na sana siya ng tulong noong nasa ospital ito. Hindi sana nila nabenta ang maliit na property.

Umihip ang hangin galing sa front door. Nakaramdam ng lamig si Sharlotte. Iba yata ang lamig sa lugar kapag umuulan. Malamig talaga. Kung magtatagal pa, baka magkulay violet na lang siya.

NANA LOLENG?

Buong buo at mababang boses ng lalaki ang narinig ni Sharlotte. Sabay lang silang napalingon ng babaeng kausap niya.

Nagsalubong ang tingin nila ng lalaki. Wala sa loob na napanganga si Sharlotte. Nakakahiya man pero ilang segundo yata siyang natulala. Nasa last step ng hagdan ang lalaki, gulo gulo pa ang buhok at medyo maga pa ang mga mata—halatang galing sa kama. Ang suot nito, puting sando at puting pants na parang ang lambot ng tela.

Siya ang bisita ko?

Pakiramdam ni Sharlotte, tuluyan siyang naging yelo sa puwesto. Hindi siya handang makita ang isang Victor Marquesa sa ganoong anyo—ang tangkad, ang laking tao at ang...ang guwapo!

Nakakita na rin siya ng mga lalaking guwapo pero iba si Victor Marquesa. Hindi niya alam kung ano eksakto ang kaibahan. Ang mga mata bang dark? Ang perfect shape na matangos na ilong? O ang lips na parang pang lead actor na ang galing sa kissing scene?

Napalunok si Sharlotte. May something sa lalaki na parang nakakatakot or nakakakaba?

Parang gusto niyang umatras sa kaba.

Paano naging kaibigan ni Lolo Doming ang lalaking parang bagong gising na Greek god?

Tinitigan siya ng lalaki.

Kumabog lalo ang puso ni Sharlotte. Mas nakumpirma niya na may something kay Victor Marquesa na nakakakaba. Ang titig ba nito na parang...

Hindi niya alam kung ano ang tamang salita sa ganoong titig. Ang sigurado lang, may epekto iyon sa kanyang heartbeat.

"What the hell

Enjoying the preview?
Page 1 of 1