Discover millions of ebooks, audiobooks, and so much more with a free trial

Only $11.99/month after trial. Cancel anytime.

Loving Ann
Loving Ann
Loving Ann
Ebook140 pages1 hour

Loving Ann

Rating: 5 out of 5 stars

5/5

()

Read preview

About this ebook

Isa na lang ang kulang para matupad ang dream wedding ni Roxan: isang matinong groom. Nag-fail ang kanyang ina na ma-experience ang isang white wedding kaya gusto niyang tuparin ang pangarap na iyon. At nang umabot sa kanya ang balitang ikakasal na ang ex-boyfriend na nang-iwan sa kanya five years ago—sa mismong month na gusto niyang ikasal—nag-decide si Roxan na i-set na rin ang kanyang dream wedding bago pa tumawa ang ex-boyfriend niya at isiping hindi pa siya nakaka-move on.
Nag-propose si Roxan sa kaibigang si Rav—na nag-yes agad nang hindi man lang nag-iisip. Ang reason ni Rav? Wala naman daw palang gastos. I-push daw ang kasal.
Pero month at date pa lang ng kasal ang napipili ni Roxan, nag-confess na si Rav. Aalis ito ng Pilipinas pagkatapos ng kasal. Pagbibigyan lang pala siya para matupad ang kanyang dream wedding kaya pumayag na maging groom!
Nag-decide na lang si Roxan na mag-ipon ng happy memories para may maiwan sa kanya pagkaalis nito.
Na-fall nga lang siya kay Rav. At na-realize niya na pinakamahirap mahalin ang taong alam mong aalis din at iiwan ka soon.
Paano pa magiging "perfect" ang dream wedding ni Roxan kung basag na basag na ang puso niya hindi pa man siya nagsisimulang maglakad palapit sa altar? 

LanguageFilipino
PublisherVictoria Amor
Release dateJun 29, 2022
ISBN9798201275822
Loving Ann

Read more from Victoria Amor

Related to Loving Ann

Reviews for Loving Ann

Rating: 5 out of 5 stars
5/5

13 ratings3 reviews

What did you think?

Tap to rate

Review must be at least 10 words

  • Rating: 5 out of 5 stars
    5/5
    Ayun! Sa story pala nina Rav n Roxan ang pahaging sa story ni Prince. Naalala ko na ?

    Thank you po Ms VA. Walang kupas na kilig. Ang sarap ma-inlove lalo na kung mga hero mo po ang mamahalin ko, hahaha! Rav, ako na lang pls ?
  • Rating: 5 out of 5 stars
    5/5
    This is my third time reading the novel. Rav, one of my favorite leading men of Miss Victoria Amor's novels. A leading man that every woman could wish for. Thanks Miss VA. ?
  • Rating: 5 out of 5 stars
    5/5
    One of my fave book in My lovely bride imprint ❤️❤️❤️

Book preview

Loving Ann - Victoria Amor

December 2016

BUMUKAS ang mataas na pinto ng simbahan at kulay puti ang sumalubong sa mga mata ni Roxan. Hindi niya kayang ipaliwanag ang emosyon na gumapang sa puso. Nangyayari na talaga. Hahakbang na siya papasok sa simbahan—sa katuparan ng kanyang dream white wedding!

Ang white wedding na pareho nilang pangarap ng ina. Hindi iyon natupad ng Mama niya. Kaya naman, pinagplanuhan talaga ni Roxan ang pagtupad sa pangarap nilang mag-ina. Ngayon ay heto na, ikakasal na talaga niya—sa favorite date ng ina. Ang  araw na pipiliin nito na date ng kasal sa Papa niya kung naging iba lang ang sitwasyon. Imposibleng matupad ang pangarap ng ina kaya siya na lang ang tutupad sa pangarap nilang dalawa.

Ilang segundong parang naging bride statue muna si Roxan; nakatayo lang sa gitna ng pintuan ng simbahan at walang kakilos-kilos. Pagkatapos nang walang paliwanag na emosyon na naramdaman niya, binalot naman ng lungkot ang kanyang puso. Nasa simbahan ang pinakamalalapit na tao sa buhay niya pero wala ang mga magulang para ihatid siya sa altar. Kung buhay ang mga ito, pipilitin siguro ng Papa niya na dumating sa simbahan kahit tutol ang buong pamilya. At ang Mama niya, sigurado si Roxan na baka magdamag nang hindi nakatulog sa pag-iisip kung paano magiging maganda sa pagrampa sa aisle.

Ilang beses siyang nag-inhale exhale para i-kondisyon ang sarili. One year halos na pinaghandaan ni Roxan ang araw na iyon. Kailangang matupad ang dream wedding nilang mag-ina.

At sisimulan niya sa unang hakbang papasok sa simbahan.

Narinig ni Roxan ang pamilyar na instrumental ng napili niyang kanta—The Prayer nina Celine Dion at Andrea Bocelli.

Tumutok sa altar ang mga mata ng dalaga.  Minsan pa siyang nagbuga ng hangin, saka inihanda ang sarili sa unang hakbang.

I pray you’ll be our eyes and watch us where we go... pumuno sa simbahan ng magandang boses ni Freia, ang high school friend niyang unang-unang magwa-warla kung hindi niya kinuhang wedding singer. Witness ang kaibigan sa unang araw pa lang na plinano niya ang kasal. Ka-duet nito ang kaibigang crush—si Josh, band vocalist at aspiring actor. And help us to be wise in times when we don’t know... Let this be our prayer...

Ngumiti si Roxan at nagsimulang humakbang palapit sa altar. Ramdam niya ang hindi normal na heartbeat. Ang pakiramdam na nakatutok sa kanya ang maraming mga mata, naghahatid ng ibang kaba. Sa mismong moment na iyon, may urge si Roxan na bilisan ang mga hakbang para makarating agad sa kung saan naghihintay si Rav. Gusto niyang hawakan ang kamay ng lalaki. Gusto niyang maramdaman ang warmth ng palad nito. Gusto niyang marinig na sabihin ng kaibigan slash groom na magiging maayos ang lahat. Titig lang at hawak sa kamay, sapat na para kay Roxan.

Mapapanatag na ang puso niya.

Rav...

Mula nang unang hakbang niya, tutok ang tingin ni Roxan sa altar, sinasabayan niya ng prayer ang kanta—para maayos na matapos ang wedding ceremony.

Nang salubungin si Roxan ng Tito Lucas at Tita Kathy ni Rav para ihatid siya sa altar, naging misty ang mga mata ng dalaga. Ang lungkot lang na hindi na na-witness ng Mama niya ang katuparan ng pareho nilang pangarap.

Na-miss ni Roxan ang mga magulang. Hindi man perpekto ang mga ito ay mahal na mahal niya. At nang maisip ng dalaga na mula sa araw na iyon ay posibleng hindi na siya mag-iisa, tumulo na ang kanyang mga luha.

Pero huminto rin agad ang paghakbang ni Roxan nang pagbaling sa kanya ng groom ay makita niyang hindi si Rav ang naghihintay sa altar—si Cedric na malapad ang ngiti.

Ang best man na nasa tabi ni Cedric naman ang lumingon—si Rav.

Si Rav na tinitigan lang siya nang matagal; ngumiti kahit misty rin ng luha ang mga mata. Lumapit ito at mariin siyang hinalikan sa noo bago lumampas. Narinig ni Roxan ang papalayo nitong mga hakbang.

Ano’ng nangyari?

Nagsunod-sunod ang malalaking patak ng luha ni Roxan. Hindi niya kayang ipaliwanag ang mataas na emosyon sa dibdib. Nalilito at naguguluhan siya. Ang malinaw lang sa kanya ngayon, nagsisikip ang kanyang paghinga sa sobrang bigat ng dibdib. Hindi maintindihan ni Roxan kung bakit ni hindi niya nagawang tuminag. Kung bakit parang sobra sobra ang takot niyang lumingon at makita ang mabilis na paglabas nito ng simbahan—at ng buhay niya.

Rav!

Pero walang boses na lumabas sa bibig ni Roxan.

Rav! Please, ano ‘to? Bakit si Cedric ang—Rav!

Naramdaman ni Roxan ang paglaya ng bouquet na hawak niya. Parang nag-slow motion ang lahat sa paligid. Sabay ang pagkahulog ng bouquet at ang paglingon niya sa pinto ng simbahan. Huling narinig ng dalaga ang tunog ng bouquet na bumagsak sa may paanan niya.

Ang tunog na gumising kay Roxan.

One

FEBRUARY 2016

OKAY LANG NAMAN SIYA. Sobrang calm pa nga ni Roxan nang bumaba sa kotse at nag-door bell sa bahay ni Raven La Perez o Rav para sa pamilya at malalapit na kaibigan. Si Rav ang twenty nine years old bachelor next door. Ang kapitbahay niyang guwapo, matangkad, macho, may abs—at friend niya.

Okay pa rin si Roxan nang nagtama ang mga mata nila ni Rav. Kanina iyon na nagbukas ito ng gate na bagong ligo lang. Okay pa rin siya hanggang nasa garden table na sila at nagse-share ng breakfast.

Ang inaasahan ni Roxan sa sarili, magiging okay pa rin siya hanggang matapos ang usapan na iyon—hindi pala. Pagkatapos kasi ng ‘proposal’ niya at walang reaksiyon si Rav kundi ilang segundong titig lang, nawala na ang comfortable feeling.

Parang bigla ay kinakabahan na siya sa pagiging kalmado ng kaibigan. Oo, nasanay siyang laging calm ang lalaki. Pero ang kawalan nito ng reaction sa topic na ‘kasal’ ay unexpected.

Sure ka, Rav? inabot ni Roxan ang baso at napainom. Hindi niya inaasahan na walang obvious reaction ang kaibigan.

Sabi mo naman, ready ka na at sagot mo lahat ng expenses, ang sinabi ni Rav. Why would I say no to you? kaswal na kaswal ang tono nito. Parang tungkol lang sa lunch out ng weekend ang topic at hindi lifetime commitment. Valentine’s Day, ang idinugtong ni Rav. `Tingin mo, kaya kong i-reject ka sa araw ng mga puso?

Oh, well...

Pinigil niyang mapangiti. Sinadya talaga ni Roxan na isakto sa Valentine’s Day ang ‘proposal’ para naman may positive vibes. Tama siyang hindi ire-reject ni Rav ang proposal niya. Pero hindi rin naman ang agad agad na pagpayag ang inaasahan niya.

Sa totoo lang, hindi nga rin iniisip ni Roxan ang lifetime commitment na kahulugan ng proposal niya. Ang focus lang ng dalaga ay ang mismong kasal—ang kanyang dream wedding. Ang buong seremonya lang sa simbahan na ang maiiwang proof ay masasayang mukha sa pictures at videos.

Sure ka ba na pupunta ka sa simbahan? Sayang lahat ng preparations at gastos ko kung magbabago ang isip mo sa last minute na—

Magye-yes ba ako kung balak ko lang maging runaway groom sa dream wedding mo, Ann?

Game ka rin sa conditions ko?

One, kailangan nating magkita at magsama lagi para ma-assess mo kung puwede ba tayong magtagal kapag nanghinayang ka sa annulment expenses or na-guilty kang sirain ang pagkatao ko. Two, sa `yo ang weekend ko. Three, kailangan mong makita ang masamang ugali ko, ibig sabihin, bawal magbait-baitan. Four, no sex—or I’m dead. Bawal rin ang akitin ka. Bawal akong magpa-cute. Five, okay lang ang away pero major offense ang pagsigaw. Six, ang punishment sa major offense—iisipin mo pa. Seven, hanggang hindi ka pa naglalakad papuntang altar, puwedeng-puwede ka pang umurong at wala akong karapatang pigilan ka. Pero ako, within fifteen days lang puwedeng magbago ng isip at umatras—may na-miss ba akong details?

Napangiti si Roxan. Wala. Ang galing lang ng memory mo, Sir! inilatag nga niya ang mga kondisyon na binanggit nito.

Kain kang marami, Ann.  

Roxan Altierro ang pangalan niya at Rox ang nickname na tawag sa kanya ng lahat. Pero kay Rav, siya si Ann—na tawag rin sa kanya ng ina at ni Kuya Rod. Si Kuya Rod ang nag-iisang kapatid at Kuya nito.

Napatitig siya sa mukha ni Rav. Hindi makapaniwala sa tono nito na parang isa siya sa mga estudyanteng dinidiktahan. Magsasalita sana si Roxan pero naunahan na naman siya ng lalaki.

Hindi healthy sa brain ang nag-i-skip ng breakfast. 

Hindi na siya nakapagsalita. Parang gusto niyang may nagre-remind na kailangan niyang mag-almusal. Ah, parang ramdam na niyang magiging okay ang resulta ng ‘trial period’ na kondisyon niya.

Tama lang pala na si Rav ang inalok niya ng kasal.

Wala mang groom sa totoong kahulugan ng salita, matutupad pa rin ang dream wedding na ilang taon na niyang pinaghandaan financially. Sisiguraduhin ni Roxan na mas maganda siya kaysa sa bride ng ex-boyfriend na si Cedric.

Ann?

Napatingin siya kay Rav habang umiinom ng tubig. Nag-angat naman ng tingin ang lalaki.

Bakit ako?

"Ang napili kong groom? One—Single ka! Two, isa ka sa iilang male friends ko na alam kong

Enjoying the preview?
Page 1 of 1