Discover millions of ebooks, audiobooks, and so much more with a free trial

Only $11.99/month after trial. Cancel anytime.

My Immortal 1: Xantha
My Immortal 1: Xantha
My Immortal 1: Xantha
Ebook267 pages4 hours

My Immortal 1: Xantha

Rating: 5 out of 5 stars

5/5

()

Read preview

About this ebook

 Ulan sa takipsilim at isang misteryosong lalaki.

Babaguhin ba ng mga `to ang buhay ko? Hindi naman `di ba? Pero parang may something weird kasi sa encounter kong iyon sa hooded man sa Baguio. Pagkatapos naming magkabanggaan, nadulas ako. Nadulas lang pero pakiramdam ko, hinatak ako ng invisible force at dinala sa kung saan. Pagmulat ko kasi, nasa isang place na akong madilim. May mga nakita akong parang dark shadows sa paligid na dumarating at nawawala na lang.

Panaginip?

`Di ko sure. Nang magmulat kasi ako, nasa ER na ako ng isang ospital. Nag-collapse raw ako sabi ng friend na kasama ko sa Baguio.

Pagkatapos ng twilight na iyon, lagi na akong may mga nakikitang scene—or napapanaginipan, hindi ko na alam kung alin ang tama. Akala ko, hanggang doon na lang ang weird na mga nangyayari, hindi pala. Sa isang scene na napunta na naman ako sa madilim na lugar, muntik na akong mapatay. Pero may tinawag akong tagapagligtas—si Heneral X—na hindi ko rin maintindihan kung paano kong natawag at kung bakit kilala ko.

Ligtas akong nakabalik—o baka iniisip ko lang. Nang banggitin ko kasi uli ang pangalan, biglang nag-appear si Heneral X. Nagpakilala siyang 'Heneral ng Silangan'—na tumawid ng mundo para sa isang misyon. Handa siyang tulungan ako pero nang tanungin ko kung ano ang kapalit...

                "Die," ang sinabi niya.

                "What?"

                "For me."


                Yanig na yanig ang mundo ko. Die agad? Wala pa nga akong ka-forever?

                Ah, Xantha pala ang name ko...and yes, this is my story.

LanguageFilipino
PublisherVictoria Amor
Release dateJul 14, 2022
ISBN9798201366452
My Immortal 1: Xantha

Read more from Victoria Amor

Related to My Immortal 1

Reviews for My Immortal 1

Rating: 5 out of 5 stars
5/5

7 ratings3 reviews

What did you think?

Tap to rate

Review must be at least 10 words

  • Rating: 5 out of 5 stars
    5/5
    Miss you gray eyes ?
    Miss you Heneral ?

    Waiting po sa next story. Thank you po Ms VA ?
  • Rating: 5 out of 5 stars
    5/5
    Pwede gawing fantaserye.. Good job Miss VA! Looking forward sa book 2..
  • Rating: 5 out of 5 stars
    5/5
    Good luck Miss Victoria Amor ❤️Keep writing a beautiful stories.

Book preview

My Immortal 1 - Victoria Amor

Prologue

AKO ANG MATA.

Taglay ko ang regalong sumpang inaasam ng mga makapangyarihan. May mga pangahas na sumubok angkinin ang kakayahan ngunit sila’y nabigo. Noon pa man na pinakamagaan ang aking puso, pinili na ako ng Nakatataas. Noon pa man na pinakamaganda ang kapaligirang nakikita ko, may nakalaan nang tadhana para sa akin.

Tunay ba akong pinagpala?

Isang babaeng espesyal.

Isang Egura na may magandang kuwento.

Mali ako.

Sa unang pagpapakita ng pulang buwan sa aking pangitain, nasilip ko ang hinaharap.

Ang malupit naming katapusan.

Ang pagguho ng tatlong teritoryo.

Ang pagtubos ng pag-ibig kapalit ng sakripisyo.

Ang kamatayan kapalit ng buhay. 

Nakita ko ang mahabang kadilimang parating.

Ako ang Mata...

Na nakulong sa dilim.

One

NAKAKABALIW BA ANG LOVE?

Nag-survey pa ako para may proof ang magkakaibang opinyon. Five ang respondents. College friends. Three ang mga single, two naman ang proud ipagsigawan na taken na sila. Ang mga taken na ito, perfect example ng friends na nagka-jowa lang, naglaho na.

YES! Iyan ang sagot ng single friends. Kaya nga wala silang balak magka-jowa. For them, matagal nang naging synonym ng ‘romantic relationship’ ang ‘stress’. Mga single na pretty and yummy raw sila kasi walang stress. Ang tawa ko sa mga ‘yummy’ na claim nila. Mag-check daw ako ng photos ng mga ‘taken’ para alam ko ang difference. Ang proof ng point—mga sarili nila. Pretty naman talaga sila kaya sige, accepted na agad ang point. Single rin ako kaya may bias. Sorry na agad.

Sa chat group ang balitaktakan.

Sagot naman ng dalawang nag-disappear na lang nang magka-jowa, ang absence ng love raw ang nakakabaliw. Ang claim nila, lonely ang mga single. Bumanat pa ng hashtag alone. Sinasabi lang daw ng mga single na happy sila pero sa totoo lang, ang empty raw ng feeling. Umiiyak daw every night at nagwi-wish na sana, may someone to hold din sila. Pero dahil walang  someone to hold kaya unan na lang. Kawawa raw ang unan. Overused. Hindi raw dapat i-flex ang pagiging single. Ano raw ang nakaka-happy sa pagiging alone?

Lakas maka-attack ng mga impakta, `di ba? Nanggigil ako nang slight. Gusto kong ihampas sa mga pagmumukha ang sinasabi nilang unan na iniiyakan ng mga single. Wow lang, ah? Hindi ko kinakaya ang sure na sure nilang opinyon sa mga single. Gusto kong bumanat ng depensa for singles pero later na lang. Share muna ako ng ilang details.

Ang five respondents na ito, college barkada ko. Actually, seven talaga kami sa group. Four ang single pa rin this year, two ang may jowa na feeling pinagpala. Ang nag-iisang lalaki sa group, nasa Thailand at babae na. Sobrang busy yata, inabot na ako ng self-imposed deadline, hindi pa rin na-seen ang message. Natulog lang ang survey question sa inbox niya.

Gusto kong bumanat ng sagot sa dalawang taken na pero nag-change mind ako. Hinayaan ko na lang sa gusto nilang paniwalaan. Opinyon nila iyon, wala akong pakialam. Kung feeling nila, eh, sila lang ang happy sa Earth dahil may jowa sila, go lang. Kung feeling nila, eh, sila lang ang pinagpala dahil may jowa sila, sige lang. Sila na ang mga certified happy people. DAHIL MAY JOWA SILA.

Okay na sana, hindi na ako iimik pero bumanat pa uli ang dalawa. Ang pagiging happy raw ng mga single, fake lang! Ah, sumagot na ako. Sabi ko, huwag masyadong sure sa happiness nila kasi walang forever. Maghihiwalay rin sila ng mga jowa nila! LOL react ang mga single sa chat group. Hayun, seconds lang, nag-leave ang dalawang may jowa. Na-block na kaming apat. Tawa na lang ang team single. Hindi na kami masyadong affected. Nawala naman na talaga sila mula nang nagka-relationship kaya anong kaibahan ma-block man kami?

Single kami, `no? SANAY NA SANAY KAMING MAG-ISA. Iyan, all caps para intense. So, iyon nga, life goes on for us, happy singles. Balik sa mga buhay sa labas ng social media—habang tuloy rin ang mga impakta’t bruha sa pag-a-associate ng happiness ng isang tao sa presence ng lalaki o  babae, at loneliness sa absence nito sa buhay nila. Sige, push ninyo iyan!

Ah, wait. Introduction muna ng aking single self, ha? It’s Xantha Lorenzo. Just a simple girl with simple dreams. Char! My friends call me Xy. Ano pa ba? Ah, I’m twenty four years old and I’m paying my own bills.

Online job ang major source of income ko kaya okay lang mag-ala wanderer. Okay ako kahit saan basta may Wi-Fi. I thought, ang journey ko sa Earth, forever nang mundane lang. Gigising ako sa umaga at gagawin ang routine ko, tatapusin ang ordinary activities na ginawa ko rin nang nagdaang araw. Uulitin na naman hanggang matapos. At uulitin ulit sa susunod na araw.

Hindi pala.

Nagbago ang lahat mula nang twilight na iyon sa Baguio na ang lakas ng ulan. That day talaga, iyong unexpected na twist sa life story ko, nangyari na. Iyong mundo kong ang tahimik at organized, biglang nag-crumble. Kung puzzle ang life ko, binagsakan ako ng mga blank pieces. Na clueless. Pinupulot ko at pinipilit buuin ang clear picture para maintindihan ko lahat pero wala. Mas nagiging malabo habang tumatagal. Hanggang sa hindi ko na alam kung saan ang pupuntahan ng life story ko.

Hindi ko naisip na ang moment na iyon, start pala ng memorable journey ko. Para mas clear ganito na lang. Noong araw na iyon na parang araw ng kamalasan, nagsimula ang isang hindi ordinaryong kuwento.

May nabangga ako. Malakas ang ulan kaya mabilis ang lakad ng mga tao. Kami ng friend ko, kasama sa mga taong hindi nagbitbit ng payong. Nagmadali kaming makasilong. Then, iyon na, parang bumangga ako sa pader. Mabilis lang nangyari kaya faceless para sa akin ang nakasalubong ko. Black figure lang. Taong naka-all black. Wala akong ibang natandaan kundi hooded siya at mabilis ang reflexes. Nayakap kasi niya ako agad bago pa ako bumagsak dala ng impact.

Ang bilis lang din niyang bumitaw. Nagmamadali nang umalis. Safe ako sa ‘banggaan moment’ namin pero wala pang dalawang hakbang, bigla akong nadulas. Iyong feeling na may invisible force na galing sa lupa at biglang hinigop ako? Ganoon eksakto. Kaya masama ang naging pagkadulas ko. May impact. Sa bilis ng nangyari, hindi ko na nasundan. Ang natandaan ko lang, natumba ako. Parang pagkahulog ang effect. Dilim na ang sumunod kong nakita.

Dark place na may iisang source lang ng liwanag—pulang bolang apoy sa langit. Kung may mas pula pa sa pulang buwan, iyon ang nakita ko. Bolang apoy na nagliliyab. Na nang magpakita, kasama yatang mabuhay ang mga misteryosong pigura na parang kaisa ng gabi. Naramdaman ko sila sa paligid. Pero walang mga mukha. Mga dark human figure lang. Hindi ko alam kung ano talaga sila. Parang mga itim na aninong dumarating at nawawala.

Isa sa mga anino na iyon, nakita kong may tangay na...

Angel?

Parang anghel talaga. Babae na puting-puti ang suot, walang malay. Hindi ko alam kung paanong nangyari na may malinaw na mukha ang babae sa isip ko kahit hindi ko naman nalapitan talaga. May mukha ang babae pero ang nakaitim na kidnaper niya, itim na anino lang talaga ang dating sa akin.

Kaya sa isip, tinawag ko na silang...

Dark shadow.

Nag-disappear ang dark shadow kasama ang iniisip kong anghel. Anghel na siguro, natalo sa laban kaya natangay ng kaaway na member ng team dilim. Ang place ng mga defeated angels, sa dark place na iyon.

Underworld?

Gumana na naman ang imagination ko.

Martha...

Buong-buo ang boses na narinig ko. Nagmulat ako ng mga mata. Si Lulu Vierroz, ang friend na kasama ko sa Baguio ang nasa tabi ko. Nasa ER na pala kami. Nadulas ako at nag-collapse. Nasalo naman daw niya ako bago pa ako bumagsak kaya malabo ang head injury. Nag-alala na siya nang hindi agad nagbalik ang malay ko. Dinala ako ni Lulu sa malapit na ospital. Inabot ng one hour na wala akong malay. Fatigue or stress ang cause, sabi ng doktor.

Sa totoo lang, pagkagising ko sa hospital bed, saka lang ako naging stressed talaga. Kaya sure akong hindi fatigue or stress ang cause ng pagkawala ng malay ko.

Pero ano?

At ano ang weird na scene na iyon na nakita ko?

Ang daling isipin na panaginip lang. Pero hindi, eh. Natatandaan kong nadulas ako at pagmulat ko, naroon na ako sa dark place na iyon na may apoy sa langit at may mga dark shadows na pakalat-kalat. May babaeng parang anghel na na-kidnap yata.

At may lalaking base sa boses, ramdam kong nasa likuran lang.

Martha ang sinabi ng lalaki na parang ako ang tinawag. Magkatunog lang ang Martha at Xantha. Hindi ako ang tinawag niya. Pero bakit nag-iba ang heartbeat ko? Sa voice ba o sa presence niya na ramdam kong ang lapit lang?

Napaisip ako. Ano ang ginagawa ko sa dark place na iyon na parang...

Parang ibang mundo?

NAKAKABALIW BA ANG LOVE, LU?

Maka-love ka naman `kala mo talaga one true love si Sandro. Teenager ka lang no’n, `di ba? Mga five years ago? O, kung gano’n, bakit ngayon ka lang nabaliw? Sana noon pa!

Kasi nga parang naging intense.

Dahil sa proposal na prank lang naman pala? Intense ka riyan! Ikaw lang ang naniniwalang in love ka! Ako? Kaming friends mo? Hindi. Sa idea ng love ka lang in love, Xy. `Di talaga kay Sandro!

Sure na sure ka.

Ang layo mo kaya kay Naya no’ng time na lunod sa love! Si Nayumi Merced or Naya ay isa sa mga friends namin. Si Naya ang perfect example ng totoong na in love. Nagpakatanga! Hindi nabaliw pero ang tanga. Sorry naman sa word. `Tapos, `pag tinanong mo kung bakit niya nagawa lahat `yon? Walang mailatag na reason. `Yong mga kagagahang pinaggagagawa ro’n sa ex, ginawa lang daw kasi mahal niya. Ikaw ba, may ginawang katangahan for Sandro? Okay na sa akin kahit isa lang. Isang-isa lang, friend! May naalala ka? Wala, `di ba? Wala, kasi nga kung papipiliin ka—self or Sandro—self ang choice mo, right? Ang dami mo ring reason bakit siya ang ‘love’ mo. Hindi gano’n `yon!

"Parang expert. Hindi ka single, `teh?"

Hoy! Ako, dumaan sa pagkabasag bago naging single ulit! Na-experience ko ang ma-high sa emotion. Nag-adik ako sa long convo `til dawn na walang sense. Na-experience ko ang lumagapak. Pak! Pak, gano’n! As in ang lakas na bagsak. Basag na basag, friend! Ang masakit do’n? `Yong ipinaglaban ko, `yong inalagaan at minahal ko, `yong binuo ko para maging better person, binuo ko lang pala para sa iba! `Asan ngayon? `Yon, happy sa new girl niya! `Yong kami noon? Itinapon lang! Ako na ibinigay lahat, `eto ngayon, binubuo pa rin lahat nang winasak niya. Hayup na `yon!

Witness nga ako ng binanggit niyang pagkawasak. Hindi naging madali. Nakita ko kung paano siya ibinagsak ng sitwasyon. Kung paanong ang inaasahan niyang kakampi, parehong taong sumira ng kanyang tiwala.

`Wag nang ungkatin ang past. Baka uminom ka na naman, Lu.

Hindi na, `no? Nahatak ko na po paahon sa lusak ang pretty self ko. Hindi na ako babalik sa kung saan ako bumagsak! Never again! Pero naging busy sa cell phone. Ilang seconds lang, may mahinang background song na ang pag-uusap namin—The One That Got Away—iyong slow version na ang lungkot ng tunog.

Ang lakas ng tawa ko. Lusak talaga?

Tumawa rin si Lulu. `Yon ang eksaktong feeling ko no’n. Lubog sa lusak. Pero at least, real! `Yong sa `yo ang questionable!

Maka-judge naman. Parang hindi marunong magmahal ang dating ko niyan.

Sa words ka lang malakas. In love ako, eh! Siya lang! Siya ulit! Siya pa rin talaga! Lakas maka-Bea. `Yon nga lang, hindi naman supported ng actions. Action speaks louder than words!

So, ang point mo—n’yo lahat—na hindi ako in love kay Sandro?

Yes! Kaya hindi ka nababaliw.

Ano’ng nangyayari sa akin? Nag-start lang naman `to no’ng na-watch natin `yong prank.

Nope, no’ng nag-collapse ka. Magkaiba `yon, sagot ni Lulu kasunod ang pagkanta ng: In another life, I would be your girl we’d keep all our promises, be us against the world. In another life, I would make you stay...

Natatawang napatitig na lang ako. Maka-never again itong friend ko, wagas. Parang hindi pa naman naka-move on talaga sa first love.

Two

ONE DAY PA LANG. ISANG araw pagkatapos kong ma-ER sa Baguio, feeling ko may tama na ako sa utak. May mga nakikita akong scene na dumarating lang at nawawala. Gusto kong isipin na short dream lang sa mga moment na nag-nap ako pero hindi. Gising kasi ako. Ang mga nakikita ko, parang scene na nangyayari at witness ako. May isang common sa mga scene.

Darkness.

Alam kong may iba. Nangyayari lang kasi ang parang pagkabura ng reality sa mga mata ko, kapag bumibilis ang heartbeat ko. Gusto kong i-associate sa kape pero hindi naman ako nagkape nang buong araw na iyon. Anxiety attack? Wala naman akong anxiety. Okay ako bago kami umakyat ng Baguio ni Lulu.

Inabot ko sa kanya ang sketch na natapos ko na. `Yan `yong girl sa scene na nakita ko. Hindi ko alam kung bakit ang clear ng image niya sa isip ko. Hindi ko naman sila nalapitan pero alam kong siya `yan.

At `yong shadow na binanggit mo?

Siya `yong faceless. Na feeling ko, nasa paligid lang.

Ang creepy niyan, Xy! Saka pa lang bumaba ang tingin niya sa sketch ko. Ang tagal na nakatitig lang. Iniisa-isa yata ang details ng mukha ng babae. Salubong na ang mga kilay niya nang marinig kong nagsalita.

Xy.

Lumipat na si Lulu sa tabi ko sa sofa.

Sure ka bang ito `yong girl?

Sure.

Kilala ko `to!

Parang pumitlag na naman ang puso ko. Magkasunod lang na bumalik sa sketch ang titig namin ni Lulu. Sabay pa kaming napatingin sa isa’t isa.

Tumango siya. `Di gaanong perfect ang drawing mo kaya baka mali ako. Pero kamukha talaga ng stepsister ni Carmelle. Si Carmelle Cruz ang isa pa naming friend na kasama sa team single. Nasa iisang building ang work ng dalawa dati kaya sila ang madalas mag-coffee noon. Bago lang siguro sa buhay ni Carmelle ang stepsister kaya hindi ko pa kilala. Ang alam ko lang, broken family sila at matagal nang may ibang pamilya ang ina. Ang ama naman, months ago lang nag-introduce ng girlfriend.

`Di ko siya kilala.

Kakalipat lang sa condo ng papa niya. Nasa iisang condominium building lang sina Carmelle at ang papa nito. Madalas mag-stay si Lulu sa condo unit ni Carmelle after work kaya hindi lang malalaman, makikita pa talaga niya ang ‘new update’ sa life story ng friend namin. Pero mga one month nang kasal si Tito Wes at `yong stepmom ni Melle.

At ito, stepsister niya? Sure ka talaga?

Check natin. Naglabas ng cell phone si Lulu at naging busy na sa screen ng gadget. Online si Melle, Xy. Mga two minutes din siyang nanahimik. Wait lang daw, kausap niya si Precious sa phone. Si Precious Del Cierro ay writer na nakilala namin dahil kay Naya. Isa si Naya sa mga na-interview ni Precious noon para sa book na ang focus daw ay mga real characters na sawi sa love. Naging friends sila ni Naya kaya naging friend na rin namin si Precious. Kung ako ay ‘hindi perfect’ ang sketch, si Precious, minuto lang ay makakapagkuwento na gamit ang drawings.

Nanahimik nang ilang minuto si Lulu.

Weird, sinabi ni Lulu mayamaya, inabot sa akin ang cell phone. Hindi ko agad tiningnan ang screen. Bilog ba ang buwan? at natatawang umiling.

Bakit? May nangyari?

Sabi ni Melle, ang creepy raw ng na-share na story ni Precious.

Bakit daw?

Nag-sketch daw ng face `tapos nawala.

Nag-sketch tapos nawala?

"Ang labo, `di ba? Di ko rin nga na-gets. Basta, sure raw si Precious na nag-sketch siya kaninang midnight. Tapos `yon, nakatulog. Paggising, wala na raw `yong sketch. Wala naman siyang kasama sa bahay at walang punit ang old sketch book niya."

Ano bang ini-sketch niya?

Face.

Kaninong face?

Familiar daw pero `di niya maalala kung sino.

Malabo nga.

`Di ba, ang weird? Pareho kayong may something this week. Check mo na `yang photo sa screen, friend.

Saka lang bumalik ang tingin ko sa cell phone. May naka-zoom na photo sa screen. Napatitig ako at napanganga. S-siya nga! Ito nga `yong girl na nakita ko, Lu. Ano’ng name niya?

Queena. Ka-age lang natin `yan.

Hindi ko pa siya nakita... nasabi ko na lang. "Bakit kaya `ando’n siya sa scene? Bakit hindi na lang `yong jowa ni Sandro? Kung `yon ang nakita ko, ang bilis lang ma-explain."

Tumawa si Lulu. Sa bangungot mo mag-a-appear `yon!

Hindi ako nahawa sa tawa niya. May naramdaman akong iba. Hindi ko maipaliwanag pero iyong pakiramdam na may ibang tao na kaming kasama? Iyong pakiramdam na alam mong

Enjoying the preview?
Page 1 of 1