Discover millions of ebooks, audiobooks, and so much more with a free trial

Only $11.99/month after trial. Cancel anytime.

Caught
Caught
Caught
Ebook150 pages2 hours

Caught

Rating: 5 out of 5 stars

5/5

()

Read preview

About this ebook

"Ano 'yon, tatanggapin na lang natin na ginawa kang dead tilapia ni Jason Machete? `Asan ang hustisya no'n? Hindi puwede `yan! Sasagipin natin ang puri mo!"

 

Feeling ni Orange Abocado, gold ang puri niya. Para kasing gustong mag-amok ni Cado, ang kapatid niyang bading. Ang crush kasi niyang si Jason Estam, ni-reject siya dahil 'she kissed like a dead tilapia' raw. Ang solusyong naisip ni Cado na pagsagip ng puri—S*x 101—si Henry Cavin ang s*x guru, ang independent film actor na tenant sa iniwang condo ng kapatid. Tuturuan daw siya nito na maging s*x goddess. Wala siyang problema sa magiging lessons nila dahil tagong pink sirena daw si Henry.

Pero nang ilatag niya ang offer sa actor, may counter-offer ito na nagpanganga kay Orang.

"Naka-blindfold ka."

Mas humaba ang segundong nakanganga siya. Hindi kaya may masamang balak ito sa gold niyang puri? Iba kung makatitig, nagkaka-goosebumps siya!

"At magiging role player ka ng one month."

"Role player? A-Ano'ng role ko?"

"Asawa ko."

Hindi pa man na-process ng utak niya ang mga narinig, biglang may grab-and-kiss scene na sila!

At natagpuan ni Orang ang sariling hindi patay pero marupok. Ang masaklap, hindi rin pala kilala ng kapatid niya ang totoong pagkatao ng actor. Hayun siya, nalulubog sa sitwasyon—at sa mga lihim ni Henry.

Paano pa siya aahon?

LanguageFilipino
PublisherVictoria Amor
Release dateMay 22, 2023
ISBN9798223261445
Caught

Read more from Victoria Amor

Related to Caught

Related categories

Reviews for Caught

Rating: 5 out of 5 stars
5/5

3 ratings1 review

What did you think?

Tap to rate

Review must be at least 10 words

  • Rating: 5 out of 5 stars
    5/5
    Whoah!
    Haha.
    Ang sarap basahin, ang sarap ulitin, haha!

    Sa peg-ebeg importante talaga ang TRUST.
    trust-big word ?

    Thank you so much po Ms Victoria Amor.
    Super nag-enjoy po ako sa story.
    Abangers po sa part 2 ?

Book preview

Caught - Victoria Amor

HENRY?

Matutulog ka lang ba? May usapan tayo, Queen.

Pinilit na lang ni Orang na dumilat. Antok na antok talaga siya. Mabigat rin ang pakiramdam niya—iyon ang lagi niyang kondisyon sa partikular na petsang iyon sa bawat buwan. Pagkainom niya ng pain reliever ay bumabagsak talaga siya at nakakatulog.

Hindi ako puwede ngayon.

Natahimik ito nang ilang segundo. Pinagmasdan siya bago dinama ang leeg at noo niya.

Wala akong lagnat. Inaantok nang usal niya. Red days lang. Okay lang ako. `Wag nang pansinin.

Laging ganito?

Tumango si Orang, napapapikit na. Hinihila siya ng sobrang antok. Gusto rin niyang makatulog para hindi niya maramdaman ang sakit. Nahulaan na niyang nabanggit na ng kapatid kay Henry ang kondisyon niya sa mga ganoong petsa sa bawat buwan. Sa ayaw at sa gusto kasi ni Cado noon, pinapauwi niya ito ng Angeles City tuwing ‘red days’ time of the month. Bumabagsak kasi talaga siya sa mga ganoong petsa sa bawat buwan.  

May space sa bed ko, narinig niyang sabi ni Henry bago siya maingat na pinangko sa mga bisig para dalhin sa silid nito. Sa sofa sa sala niya ibinagsak ang sarili kanina. Masyado na siyang inaantok para magprotesta pa. Tahimik na nagpaubaya siya hanggang naramdaman niyang lumapat na sa malambot na kama ang likod niya. Nag-dinner ka ba nang maayos? tanong pa ng lalaki sa tonong parang nag-aalala.

Tumango lang si Orang, nakapikit pa rin. Tinakpan ko sa mesa ang pagkain mo. Lumamig na, initin mo na lang. Sorry, ‘pag ganitong time of the month talaga, useless ako.

Sige lang, matulog ka na. Si Henry uli, naramdaman ni Orang na kinumutan siya nito hanggang sa dibdib. Itulog mo na ‘yan para hindi ka na nagtitiis ng sakit. Naramdaman niyang maingat nitong hinahawi palayo sa mukha niya ang mga hibla ng kanyang buhok.

Napangiti siya. Thanks, Pinko.

Naramdaman niyang tumigil ang mga kamay nito. Pinko?

Alam ko ang secret mo, sabi niyang nakangiti kahit nakapikit pa rin. Kaya nga ang dali para sa akin na gamitin ka, eh. Alam kong safe ako. Na hinding-hindi mo ako pagnanasaan.

Secret? susog ni Henry, gusto pa yatang magpanggap na walang ideya sa sinasabi niya.

Alam kong gay ka, Henry Cavin. `Wag nang magpanggap.

Nakabibinging katahimikan.

Gay na umaarte lang at nagpapanggap na straight? balik nito.

Panalo nga ang acting mo, eh. Ikaw na talaga. Hindi niya napigilan ang paghikab. Matulog ka na para hindi ka pumangit— nasa pisngi na niya ang kamay ni Henry. Ginagap niya ang kamay nito, inalis sa pisngi niya. Okay na ako. ‘Tuloy mo lang ang mga gagawin mo.

Hindi na nagsalita si Henry. Ang naramdaman ni Orang ay ang maingat na halik sa noo niya.

At sa lips?

Napangiti siya. Ang galing talagang magpanggap ng actor. Best actor ka talaga.

Tunog ng mga yabag ni Henry palabas ng silid ang huling narinig ni Orang bago siya tuluyang nakatulog.

Nang magising siya wala na sa condo si Henry. Isang note ang iniwan nito sa bedside table.

I wouldn’t be able to complete the last few days left, Raina. Shooting. Next month na ako uuwi. Sorry, hindi na ako nakapagpaalam. Ayokong putulin ang tulog mo. Ang himbing mo. Nakaka-guilty na gisingin ka. Siguro sa susunod na magkikita tayo, kasama mo na si Jason.

Be happy, okay?

And oh, I think you should know—may kinuha ka sa akin na isasama mo paalis.

Mahabang sandaling nakatitig si Orang sa note mula kay Henry. Pakiramdam niya ay may kamay na unti-unting pumipiga sa kanyang puso.

Bakit ba siya napamahal sa isang taong hindi niya dapat mahalin?

One

Thirty days ago...

"TEH, kung hindi ka gagawa ng da moves aabot ka ng thirty na nganga! Mae-expired ang hymen mo nang hindi man lang napupunit!"

Nakangiwi na inilayo ni Orange Abocado—oo, hindi iyan joke. Orange Abocado talaga ang full name niya. Orang ang nickname na ang kapatid na bading ang salarin. Hindi Orang dahil Orange ang name niya. Orang na pinaikling Orangutan—ang hayerf talaga ng kapatid niya. Sabagay, pareho lang naman silang bully sa isa’t isa. 

Inilayo ni Orang ang cell phone sa kanyang tainga. Halos mabingi lang naman kasi siya sa malakas na boses ni Abocado Abocado, ang kapatid na malupit niyang kaaway pero pinakamatatag na kakampi. Hanggang inabot na sila ng age nila ngayon, hindi pa rin nila nalamang magkapatid kung anong nakain ng mga kapamilya para ibigay sa kanila ang ganoong mga pangalan.

Si Abocado, dating ‘Cado’ ang nickname—na siya naman ang pinanggalingan. Pero pagkatapos nilang maghiwalay ng maraming taon, naging si Candy na ang kapatid. Hayun, ang magaling na bading, iniwan na talaga siya nang tuluyan para maging singer sa Japan. May BFF na hapones raw ang boss nito sa bar kaya walang aberya ang lipad ng kapatid para sa bagong trabaho.

Sa una ay duda pa si Orang. Nag-alala siya na baka maging TNT—Tago nang Tago ang kapatid sa bansa ng mga dating mananakop. Hindi siya makapapayag na sapitin ni Cado ang ganoong kapalaran. Mag-aala Gabriella Silang siya!

Mahal ni Orang si Cado kasama ang pagiging lukaret nito at sampu pa ng mga ugaling kinaaasaran niya. Sila na lang dalawa ang magkapamilya kaya sino pa ba ang tatanggap at magmamahal sa kanila ng totoo kundi sila rin lang?

Tatlong taon ang agwat ng edad ni Orang kay Cado pero likas na malakas ang loob at madiskarte ang kapatid niya. Bading man ito at mas babae pa ang kilos sa kanya, ay naging matatag niyang katuwang. Dinamayan siya nito sa lahat ng pagkakataon mula nang mamatay si Lola Corcing, ang kapatid ng Lola Bertita nila na nagpalaki sa kanilang dalawa. Ulila na sila sa mga magulang. Namatay sa panganganak kay Cado ang ina nila habang ang ama naman ay nag-asawa ng iba at namatay sa aksidente sa barko tatlong taon pa lang ang kapatid niya.

Sinalo ni Lola Corcing ang responsibilad sa kanilang dalawa. Matandang dalaga si Lola Corcing kaya mag-isa sa buhay. Nang mawala ang matanda ay naiwan sa kanila ang bahay na minana pa nito sa mga magulang, maging ang patahian na ngayon ay siya na ang ‘designer-proprietress. Ang Corcing Gown Rentals na bininyagan ni Cado sa bagong pangalan na Corcing Creations. Mas maikli, mas tunog sosyal, ayon dito.

Walang hilig sa pananahi si Cado. Ang gusto nito ay magartista pero hindi pumasa kaya singer na lang daw. Tulad ng virginity na ayaw niyang i-let go sabi ng bading, hindi rin daw nito ile-let go ang pangarap na sumikat.

Ang pangarap nga ni Cado na makatuntong sa entablado at hangaan—na ayon sa kapatid ay paraan nito para mapaniwala ang sarili na hindi hadlang ang pagiging bading para makilala ang isang totoong talentado—ang naging dahilan para piliin ng kapatid na iwan siya sa Pilipinas.

Gustong patunayan ni Cado sa mga taong nag-discriminate sa mga gaya nito na miyembro ng federacion na magagawa nitong magtagumpay gamit ang boses. Hindi pinalad ang kapatid niya sa mga auditions na walang takot nitong pinasok noon sa probinsiya nila hanggang sa Maynila. Laging may nakukuhang iba kaya sawi lagi ito. Hindi pa rin isinuko ni Cado ang pangarap na kumanta. Ayon pa sa talentado niyang kapatid, baka sa ibang bansa nakatakdang kuminang ang bituin nito—na nagkatotoo nga nang ang mismong may-ari ng comedy bar kung saan ay umeextra-extra si Cado, ang nag-alok ng trabaho sa Japan. Hindi pinakawalan ng kapatid ang opportunity. Mas malakas nga lang ang ngawa nito kaysa sa kanya nang araw na hinatid niya sa airport. Sinabunutan ni Orang ang lukaret nang isaboses nito ang dahilan nang malakas na pagngawa—babangon daw kasi sa hukay ang lola nila sa mga susunod na araw na hindi na niya ito kasama dahil siguradong magmumukhang bodega ang bahay na minana nila sa matanda—dahil sa kalat niya!

Totoo iyon kaya malamyang sinampal na lang ni Orang ang bruho—este bruha. Si Cado naman talaga kasi ang ‘babae’ sa kanilang dalawa. Ang kapatid niya ang naglilinis at nagluluto; ang mahilig mag-alaga ng mga halaman; ang nagpapaganda ng buong bahay; habang siya naman ang tagapalit ng napunding ilaw; ang kumakalikot sa nasirang gripo at all around karpentero. Natatandaan niyang kapag nagkakasabay sila sa bahay, si Cado ang nasa kusina at nakaapron, si Orang ay paikot-ikot sa bahay na bitbit ang toolbox.

Si Cado rin ang babae sa kanilang dalawa pagdating sa pananamit. Siya ay komportable sa maluluwag na T-shirt at pants. Kapag nasa labas sila, tripleng mas sexy ang suot ng kapatid kaysa sa kanya. Ganoon pa man, pareho nilang iginagalang ang kaibahan ng isa’t isa. Nalampasan na nila pareho ang stage na walang humpay nilang inaasar at nilalait ang isa’t isa.

Magtatatlong buwan pa lang sa Japan si Cado, linggo-linggo halos ang tawag nito para ipaalala kay Orang ang parating niyang birthday. Thirty years old na siya sa araw na iyon. At paulit-ulit lang naman siyang pinapaalalahan ng lukaret na oras na para magpa-devirginize siya!

Gusto mong mamatay ng virgin ‘teh? banat pa ni Cado sa malakas na boses na muling nagpangiwi sa kanya. Gusto mong gumapang sa kabilang buhay na may pasan na talong?

Siraulo! bulalas ni Orang, hindi mapigilang tumawa sa kalokohan ng kapatid. Huwag ka ngang exaggerated diyan, gaga ka! Thirty pa lang ako, hindi pa ako magme-menopause!

"Ay ang gaga, talagang maghihintay mag-menopause bago magpa-chorva? Ambisyosa! Tuyo na na no’n ang keps mo! hiyaw pa ng bruha. Singgaspang na ng sandpaper! kasunod ang paghagalpak ng tawa. Kung nasa tabi lang niya ang kapatid ay malamang bugbog na naman ang katawan nito sa mga palo niya. Gawan mo na ng paraan

Enjoying the preview?
Page 1 of 1