Discover millions of ebooks, audiobooks, and so much more with a free trial

Only $11.99/month after trial. Cancel anytime.

Heart's Hero: The Love Files: Corazon
Heart's Hero: The Love Files: Corazon
Heart's Hero: The Love Files: Corazon
Ebook130 pages1 hour

Heart's Hero: The Love Files: Corazon

Rating: 4.5 out of 5 stars

4.5/5

()

Read preview

About this ebook

Yanna Heart had been living the perfect life. Bukod sa kind and loving parents, mayroon pa siyang super protective twin brothers. Wala na siyang mahihiling pa. Until a tragedy happened. Nawala ang lahat sa kanya at naiwan siyang mag-isa.

 

Sa pinakamadilim na parte ng buhay niya, may isang taong nanatili sa kanyang tabi at hindi siya hinayaang mag-isa—si Brent. Ipinakita ng kaibigan na there's more to life than her loss. At isa pa sa mga naging paraan ni Yanna Heart to cope ay ang isulat ang perfect life story na alam niyang hindi na makukuha pa.


Para naman daw hindi palaging drama ang isinusulat niya, nag-suggest si Brent na maglagay siya ng "kulay"—add love. Instead na drama-tragedy, gawin daw niyang romance ang manuscript.


Napatitig si Yanna Heart sa mga mata ni Brent. She knew right then, she had found her perfect hero.
Kung sana lang may magic keyboard siyang magko-convert ng story to reality, puwede sanang siya na lang ang heroine at hindi second lead lang sa puso ng kanyang hero…

LanguageFilipino
PublisherVictoria Amor
Release dateMar 6, 2023
ISBN9798215856048
Heart's Hero: The Love Files: Corazon

Read more from Victoria Amor

Related to Heart's Hero

Reviews for Heart's Hero

Rating: 4.666666666666667 out of 5 stars
4.5/5

3 ratings2 reviews

What did you think?

Tap to rate

Review must be at least 10 words

  • Rating: 4 out of 5 stars
    4/5
    Mai -imagine ko si Piolo Pascual kay Brent based on how Miss VA described him in Len's Love. Dito hindi ko pa alam.. ?
  • Rating: 5 out of 5 stars
    5/5
    Bakit kaya laging timing ang pain ko sa pain ni H? ?

    Pero...

    Ang sarap ma-inlove.
    Lalo na kung isang B ang mahal mo ?

    Pahinge po ng isang B, Ms VA ?

    Thank you so much po ?

Book preview

Heart's Hero - Victoria Amor

NILINGON ni Heart ang magkakasunod na footprints na iniwan ng kanyang mga paa. Bata pa lang ay paborito na niya iyong gawin sa beach. Lagi siyang naglalaro sa buhanginan tuwing family outings. Palaging nakatitig sa dagat o kaya naman ay pinanonood ang sunrise o sunset—kung alinman ang abutan niya.

Naalala ni Heart na tuwing naglalakad siya dati sa buhanginan, parang giant guards sa kanyang magkabilang gilid ang kambal niyang mga kuya na sina Eubert at Eugene. Mas matanda ang mga ito nang labindalawang taon. Si Eubert ay palaging nag-iiwan ng footprints sa tabi ng footprints niya. Si Eugene naman ay tumatawang binubura ang mas maliit na footprints; pinapalitan ng bakas ng sariling mga paa. Nagtatapos ang beach moment niya na naiinis sa mga kapatid. Mga ‘kapre footprints’ kasi ang natitira sa buhangin—lahat ng footprints niya ay wala na. Pagtatawanan pa siya ng dalawang giant brothers bago umalis.

Magsisimula na namang bumuo ng perfect footprints si Heart na masaya niyang tititigan sa buhanginan habang papasikat ang araw. Pero babalik na naman ang dalawang giant at sisirain ang footprints hanggang sa habulin na niya ang mga ito. Masasaktan niya ang isa pero magkakampihan ang dalawa at sa bandang huli ay talo na naman siya. Pagtutulungan kasi siyang itapon ng dalawa sa tubig, saka iiwan.

Noong bata pa, naalala niyang lagi siyang umiiyak na nagsusumbong sa parents nila. Nang maging teenager na, ginagantihan niya sa ibang paraan ang mga kapatid. Madalas siyang magkalat sa kuwarto ng mga ito o kaya gumawa ng ‘super chili sandwich.’ Madalas din siyang magpanggap na ‘other girlfriend’ para sirain ang dates ng dalawa.

Nang mga sumunod na family outing sa beach, hinihintay muna niyang maging busy ang mga giant o tatakas kapag tulog pa ang mga ito bago siya gumawa ng mga footprints sa buhanginan.

Ang sayang balikan ng mga eksenang iyon. Eksena na mga alaala na lang at hindi na madudugtungan pa.

Naglakad uli si Heart. Pagkatapos ng ilang hakbang pa, huminto siya at tumingin sa langit. Ang ganda ng papasikat na araw. Sa tingin niya, buong araw na magiging maganda ang panahon. Hindi nga lang naghatid ng magandang pakiramdam ang pagtitig niya sa kalawakan. Nalungkot kasi siya. Naging gloomy tuloy ang kanyang mood.

Huminga nang malalim si Heart. Sa bawat pagbabalik sa beach, palagi niyang nililingon ang sariling footprints. Umaasa siyang makikitang hindi na nag-iisa ang mga bakas. Na makikita niyang tatlong pares na ang mga paang naroon. O kaya dalawang malalaking paa na lang; binura na kasi ng isa sa mga kuya niya ang kanyang footprints.

Mula nang maging isang pares na lang ang mga paang nakikita niya, maraming beses na siyang umiyak pagkatapos iyong titigan.

Kaya mas pinili ni Heart na patuloy na maglakad at hindi na lumingon pa tuwing nasa beach.

Pero nang partikular na sunrise na iyon, nilingon niya ang mga footprints... Biglang napaawang ang bibig niya at nasapo ang dibdib. Hindi lang dalawang giant footprints ang nakita niya. Nandoon din ang dalawang giant brothers niya. Parehong nakaputi at nakangiting ginagaya ang mga footprints na iniwan ng mga paa niya sa buhanginan.

Agad tumaas ang emosyon ni Heart. Naglaglagan ang mga luha niya pero nanatili ang matamis na ngiti sa mga labi. Pinanood niya ang mga kapatid na ang dati nilang nakasanayan noong buhay pa ang mga ito.

Lumapad ang pagkakangiti ni Heart pero patuloy pa rin ang pagpatak ng mga luha. Binubura na ni Kuya Eugene ang mga footprints niya at pinapalitan ng sariling footprints.

Ugly giants! palagi niyang sigaw noon kapag nang-aasar ang dalawa na laging nagtatapos sa pag-iyak niya.

Sabay na tumigil ang mga giant brother niya, saka marahang napatingin sa kanya.

Kuya Eugene... sambit ni Heart, saka tinuyo ang luha. Nag-peace sign ito gaya ng palaging ginagawa noon. Gumuhit ang pamilyar nitong ngiti na tandang-tanda niya.

Kuya Eubert...

Ngumiti rin ang eldest brother ni Heart at nag-wave ng isang kamay—isang pamilyar din nitong gawain noon bago gumawa ng kalokohan.

Matagal na nagpalipat-lipat ang tingin ni Heart sa dalawa. Gusto niyang itatak ang eksenang iyon sa isip. Sobrang nami-miss na niya ang dalawang giant brothers...

Umiiyak na humakbang si Heart palapit. Hindi naman nawawala ang ngiti ng mga kapatid. Pero nang abutin niya ang mga ito, unti-unting lumabo ang dalawa sa kanyang paningin. Lumabo nang lumabo hanggang sa naglaho na.

Nang ilibot ang tingin sa paligid, nakita niya ang malabong imahe ng mga magulang. Nakangiti sa kanya habang unti-unting naglalaho.

Imahe na lang ng ngiti ng mga kapamilya ang naiwan sa isip ni Heart.

Sunod-sunod na pumatak ang mga luha ni Heart. Sinira na naman niya ang pangako sa sarili na hindi na iiyak sa beach—ang paborito niyang lugar na puno ng masasayang alaala.

Mayamaya, tinuyo na niya ang mga luha at lumingon sa mga footprint sa buhanginan. Hindi na isang pares lang ng mga paa ang nandoon. Isang patunay na totoo ang nakita niya. Kasama niya kanina sa beach ang mga kapatid.

Napahikbi si Heart. Please say hi to Mom and Dad, bulong niya. Mahal ko kayo, kuya giants. Sobrang... sobrang miss na miss ko na kayo...

Napapitlag si Heart. Hindi niya alam kung ano ang eksaktong gumising sa kanya. Pagmulat ay basa na naman ng luha ang unan. Hindi na bago ang ganoong eksena mula nang mawalan siya ng pamilya.

Ang kaibahan lang nang sandaling iyon ay wala si Brent sa tabi niya. Sa hindi na mabilang na gabi noon, palagi niyang namumulatan ang kaibigan na nakahilig sa mga unang nasa headboard ng kama; kung hindi gising ay nakatulog habang binabantayan siya. Nagigising lang si Brent tuwing hahawakan niya sa braso o tahimik na sisiksik sa tagiliran nito. Ang pakiramdam na hindi siya nag-iisa ang laging naghahatid sa kanya sa pagtulog.

Pero nang hatinggabing iyon, wala si Brent. Mahigit one week na siyang mag-isa sa bahay nito. Mag-iisang taon na ring halos wala na siyang napapanaginipan tungkol sa pamilya maliban na lang ngayon. Overthinking siguro. Masyado kasi siyang nag-isip bago nakatulog. Iniisip niya ang pagkikita nina Brent at Rhyssa sa Malaysia at ang sabay na pagbabalik ng dalawa sa Pilipinas. Alam niyang pagkatapos ng gabing iyon, magbabago na ang lahat sa pagitan nila ni Brent.

Bumangon si Heart at naupo sa gitna ng kama. Ang tagal niyang nakatitig lang sa pinto, hinihintay iyong bumukas. Pero alam niyang kung bumukas man ang pinto, si Yaya Nenna lang ang papasok. Ang bilin kasi ni Brent ay laging siyang i-check nang ganoong oras at samahan hanggang sa makatulog.

Inabot ni Heart ang unan at mahigpit na niyakap. Mula sa pinto na nasa bandang kaliwa, lumipat ang mga mata niya sa katapat niyong dingding. Hindi na siya lumingon kahit narinig na ang pagpihit ng doorknob.

I’m fine, Yaya. Thanks, sabi niyang hindi pa rin tumitingin sa pinto. ‘Wag n’yo na akong samahan. Okay lang ako, `Ya...

Hindi pa rin tuminag si Heart hanggang sa marinig na inilapat ni Yaya Nenna ang pinto. Itiniklop ni Heart ang mga tuhod, inilagay sa mga hita ang unan at sumubsob doon. Niyakap niya ang mga binti. And she gently moved; rocked herself for comfort.

Bigla siyang nanigas nang maramdaman ang pamilyar na hagod ng isang palad sa buhok niya. Napadilat siya. Hindi iyon haplos ni Yaya Nenna...

B? sabi ni Heart kasabay ng pag-angat ng mukha. Nagsalubong ang tingin nila ng lalaking hindi niya ipagkakamali sa iba kahit ang simpleng paghawak nito.

Isang ngiti at titig lang ang ibinalik ni Brent. Binitiwan niya ang unan at mahigpit na yumakap sa kaibigan.

Kailan ka pa dumating?

Nanaginip ka na naman?

Sabay pa silang nagsalita. Hindi umimik si Brent kaya siya na ang unang sumagot. Footprints sa beach... Kasama ko sila... Alam na ni Brent na ang kanyang pamilya ang napanaginipan.

Hindi pa rin umimik si Brent, humigpit lang ang yakap. Parang sinasabi na okay lang managinip uli. Na wala siyang dapat ipag-alala sa pagbabalik ng mga panaginip. Na nakauwi na ito kaya magiging okay na uli ang lahat. Na hindi na siya uli mag-iisa.

Wala pang thirty minutes, sagot naman nito sa nauna niyang tanong. Dumaan lang ako sa Spazio. Gusto mong dito muna ako?

Napatitig muna si Heart sa mga mata ni Brent bago marahang umiling. Okay na ako, `di ba? Kaya ko na, B. Magpahinga ka na sa room mo.

Ilang segundong tumingin lang si Brent sa mga mata niya bago tumango. Nag-iwan ng halik sa kanyang noo, saka tumayo para lumabas. Gusto sana niyang itanong kung hanggang kailan ito mananatili sa kanyang tabi. Kung babalik na naman ba sa dati ang relasyon nito at ni Rhyssa? Iyon na ba ang huling gabi na magkasama sila?

Matagal na napatitig lang

Enjoying the preview?
Page 1 of 1