Discover millions of ebooks, audiobooks, and so much more with a free trial

Only $11.99/month after trial. Cancel anytime.

Calle Amor
Calle Amor
Calle Amor
Ebook229 pages4 hours

Calle Amor

Rating: 5 out of 5 stars

5/5

()

Read preview

About this ebook

Para kay Jasmin, wala na siyang ibang gusto pa kundi magpatuloy lang ang tahimik niyang buhay as employee. May mabait siyang boss at mabuting mga kaibigan sa workplace. Masaya at magaan ang working environment niya.
Hindi nga lang niya naisip na sa isang iglap ay magbabago ang lahat nang magkasakit ang boss niya. Kinausap si Jasmin ni Sir G bago ang gabing isinugod ito sa ospital—inilahad sa kanya ang isang bahagi ng kuwento ng pamilya nito. At bago lumipad papunta sa Amerika para magpagamot ay ibinilin sa kanya ni Sir G na alalayan ang nag-iisa nitong anak—si Gareth Montalvo na naging pansamantalang kapalit bilang bago niyang boss.
Hindi napaghandaan ni Jasmin ang parang ipuipong pagdating ni Gareth sa kanyang buhay. Kung anghel ang ama nito, si Gareth ang buhay na counterpart niyon. Lahat sila ay parang gustong idamay ni Gareth sa galit sa mundo at sa miserableng buhay nito. Pero nang mamatay ang dati niyang boss ay naipit si Jasmin sa isang sitwasyong maglalapit sa kanya kay Gareth.
Unti-unting lumalim ang pagkakakilala niya sa lalaki… at hindi niya napaghandaan ang unti-unti ring pagbabago sa tibok ng kanyang puso.

LanguageFilipino
PublisherVictoria Amor
Release dateJul 28, 2023
ISBN9798223908326
Calle Amor

Read more from Victoria Amor

Related to Calle Amor

Related categories

Reviews for Calle Amor

Rating: 5 out of 5 stars
5/5

3 ratings1 review

What did you think?

Tap to rate

Review must be at least 10 words

  • Rating: 5 out of 5 stars
    5/5
    Destined talaga sila ?
    Nakakatuwa lang na hindi nakalimot ang batang Gareth.

    Gusto ko rin ng isang Gareth, Ms VA ?
    Kahit punong-puno ng pain pero ang sarap mahalin. Shana all na lang talaga, Jaz, haha.
    Thank you so much po, Ms VA ?

Book preview

Calle Amor - Victoria Amor

PROLOGUE

Noong memorable pa ang birthday ni Jasmin...

PINIPIGILAN lang ni Jasmin na pumatak ang mga luha niya. Sinumpong na naman ng pagka-bad boy ang Kuya Joshua niya. Bumili ito ng ice cream para sa sarili lang. Alam niya kung bakit ginawa iyon ng kapatid—paiiyakin na naman siya para makabawi sa kanya. Nasa mall kasi sila nang araw na iyon para sa birthday niya sa susunod na araw. Ibibili siya ng regalo ng papa nila. Siya ang bunso kaya papa’s girl siya. Hindi nakakalimutan ng papa nila na ibili siya ng regalong bagong damit tuwing birthday niya samantalang kapag birthday ni Kuya Joshua ay tinapay ang ibinibigay na regalo rito ng kanilang ama—tinapay na pagkatapos tikman ni Kuya Joshua ay itinuturo ng ama nila kung paano iyon gawin. Ang laging naririnig ni Jasmin sa ama ay mas pakikinabangan ni Kuya Joshua ang regalong kaalaman na iyon kaysa sa gusto nitong laruan o bagong damit.

Si Jasmin naman, bilang babae, ay prinsesa ang turing ng kanilang ama, bagay na laging ugat ng tampuhan nilang magkapatid. Pakiramdam kasi ng kuya niya ay paborito siya ng papa nila. Kapag silang dalawa na lang ang magkasama ay ginagantihan siya ni Kuya Joshua sa pamamagitan ng pagkakait ng mga bagay na gusto niya—tulad ng ice cream na sarap na sarap nitong kinakain nang mga sandaling iyon. Nakabungisngis pa ang kapatid niya habang tinatakam siya. Maganda raw ang naging resulta ng assignment na ipinagawa kay Kuya Joshua ng papa nila kaya bilang premyo ay binigyan ito ng pera na ginamit pambili ng ice cream.

May sukli pa ako, nang-aasar pang sabi ni Kuya Joshua. Kung hindi lang talaga mas matanda nang tatlong taon ang kapatid niya ay baka lagi niya itong sinasabunutan sa mga ganoong pagkakataon.

Ten years old si Kuya Joshua at si Jasmin naman ay magse-seven years old pa lang sa susunod na birthday.

Isusumbong kita kay Papa! nakangusong banta ni Jasmin. Alam niyang sapat lang ang perang ibinigay kay Kuya Joshua dahil mahigpit ang papa nila pagdating sa pera.

Mahalaga ang bawat piso, iyon ang turo ng ama nila sa kanilang magkapatid. Tuwing hihingi sila ng pambili ng candy ay hihingan sila ng ama ng maraming rason kung bakit kailangan nilang bumili niyon. Hindi nito tinatanggap na rason ang gusto lang nilang bumili, kailangan daw ay may paliwanag. Wala silang maibigay na paliwanag kaya isusuko na lang nilang magkapatid ang kagustuhang bumili ng candy.

Alam ni Jasmin na may nagawang maganda ang kuya niya para bigyan ito ng papa nila ng premyong pang-ice cream.

Di magsumbong ka! ani Kuya Joshua na hindi man lang natakot sa banta niya. Hindi kita bibigyan nito at hindi ko rin ibibigay ang binili ko sa sukli nito—para sa `yo `yon, itatapon ko na lang. Magsusumbong ka pala, eh!

Namilog ang mga mata ni Jasmin. May binili ka para sa akin, Kuya? Ano `yon?

Mangako ka munang hindi mo ako isusumbong kay Papa.

Nalukot ang kanyang mukha. Pangako na naman? Tulad ng pagpapahalaga sa piso ay tinuruan din sila ng kanilang ama na magpahalaga sa pangakong binitiwan sa kahit kanino. Importante raw ang pagiging tapat sa salita.

Ayaw mo?

Sige na nga! Promise... Ang sama na ng pakiramdam ni Jasmin. Hindi na nga niya matitikman ang ice cream ay hindi pa niya maisusumbong ang kapatid sa papa nila.

Ngumisi si Kuya Joshua. Lalong napasimangot si Jasmin. Ang ngising iyon ang nagsasabing naisahan na naman siya ng kapatid.

Inilagay ni Kuya Joshua sa likuran ang isang kamay at may kinuha. O, heto para sa `yo, sabi nitong nang-aasar ang ngiti. Prinsesa ka ni Papa, `di ba? `Yan, Sampaguita, para sa prinsesa! Ikinuwintas nito sa kanya ang flower necklace. Hindi masarap maging prinsesa, `no? Mas masarap ang ice cream ko! Nang-aasar pang tumawa ang kapatid niya at patakbong umikot-ikot sa paligid, tinatawanan siya.

Napapaiyak na inirapan ni Jasmin si Kuya Joshua. Hindi siya basta susuko. Makakahuha rin siya ng ice cream gamit ang Sampaguita na bigay nito. Katakot-takot na irap ang iniwan niya sa kapatid bago tinakbo ang kinaroroonan ng nagtitinda ng ice cream. May ilang mga batang naroon na ibinibili ng mga magulang ng ice cream. Nakontento muna siyang magmasid, saka na lang lalapit kapag mag-isa na lang ang nagtitinda.

Mayamaya pa ay nangyari na ang nais ni Jasmin. Umalis na ang huling mag-inang bumili ng ice cream. Handa na sana siyang makiusap pero naudlot iyon nang may nagsalita sa kanyang likuran—malaking boses ng lalaki, bumibili rin ng ice cream. Bigla siyang lumingon, wala sa loob na hinawakan ang Sampaguita na nakakuwintas pa rin sa kanya.

Sinalubong ang paglingon ni Jasmin ng itim na itim na pares ng mga mata. Isang batang lalaki na kasintangkad at kasing-edad yata ni Kuya Joshua ang nasa likuran niya. Hawak sa bisig ang bata ng lalaking narinig niyang nagsalita.

Ibinigay ng tindera ang isang ice cream sa lalaking hindi pa rin hinihiwalayan ni Jasmin ng tingin dahil nakangiti ito sa kanya na parang kilala siya. Ibinigay naman ng lalaki sa bata ang ice cream—na marahan namang iniabot sa kanya ng batang may itim na itim na mga mata.

Hindi nagsalita ang bata, nakatingin lang sa kanya habang iniaabot ang ice cream.

Napalunok si Jasmin. Ano ang gagawin niya? Gustong-gusto niya ng ice cream pero hindi niya maaaring suwayin ang mahigpit na bilin ng mga magulang niya—na hindi sila dapat tumanggap ng kahit ano mula sa mga taong hindi nila kilala. Isusuko na ba niya ang pagiging prinsesa at mas gugustuhin niya ang ice cream? Wala sa loob na hinawakan niya ang kuwintas na Sampaguita.

Gusto mo `yan, hindi ba? anang ama ng bata. Kunin mo na, malinis `yan.

Gusto ko po... Kaya lang...

Kaya lang?

Kaya lang po, hindi ko kayo kilala, eh. Bilin po ni Papa na `wag kaming kumuha ng kahit ano mula sa hindi namin kakilala. `Tapos po, hindi n’yo basta pinulot lang `yong mga pisong ipinambili sa ice cream na `yan. Hindi daw po tamang tatanggapin na lang namin ang mga bagay na may halagang hindi naman namin pinaghirapang makuha.

Sa pagtataka ni Jasmin ay tumawa ang lalaki. Kumurap-kurap lang siya sa harap nito.

Ibinaba ng lalaki ang sarili para magpantay ang kanilang mga mukha. Ibigay mo na lang sa anak ko ang isang bagay na mahalaga sa `yo kapalit ng ice cream, okay na ba `yon?

Hindi napigilan ni Jasmin ang matamis na pagngiti. Sa bagay na iyon ay magkakasundo sila. Marahan niyang hinubad ang flower necklace niya. Mas gusto niya ang ice scream kaysa maging prinsesa nang mga sandaling iyon.  Okay na po ito?

Hindi sumagot ang lalaki at bumaling sa anak na nakatingin lang kay Jasmin. Walang reaksiyon ang batang lalaki pero tumango. Lumapit si Jasmin at ikinuwintas ang Sampaguita sa bata. Iniabot uli sa kanya ng bata ang ice cream na nagsisimula nang matunaw.

Bumaling uli si Jasmin sa ama ng bata na nakangiti namang tumango pero bago niya nahawakan ang cone ng ice cream ay pinigilan siya ng boses nito—sabihin daw muna niya ang kanyang pangalan. Jasmin po. Kinuha na niya ang ice cream. Sa bata na siya nakatingin, sa batang hindi pa rin umiimik pero nakatingin din sa kanya. Napahinto tuloy siya sa unang tikim sa ice cream, naalala niya ang pakiramdam kaninang pinagkaitan siya ni Kuya Joshua. Inilapit niya sa bata ang ice cream.

Umiling ang bata, nilalaro ng mga daliri ang kuwintas na Sampaguita.

Bibili sana ng isa pang ice cream ang ama ng bata pero hindi na natuloy dahil umiling ang bata, tanda na ayaw nitong kumain ng ice cream.

Jasmin! Boses iyon ng kanyang ama na ikinalingon niya. Kasunod ng papa niya si Kuya Joshua.

Sa tingin ni Jasmin ay pinagalitan ng papa nila ang kapatid niya. At siya naman ang lagot ngayon dahil kumakain siya ng ice cream mula sa hindi niya kakilala! Papa... Hindi niya alam kung ano ang sasabihin nang makalapit na sa kanila ang kanyang ama.

Sa ama ng batang lalaki nakatuon ang tingin ng papa niya sa halip na sa kanya. Mahigpit siyang hinawakan sa bisig ng kanyang ama.

Please, don’t get mad at her, Sir.

Natigilan si Jasmin kasabay ng papa niya nang magsalita ang bata na mula pa kanina ay tahimik na tahimik lang. Napatingin silang lahat sa bata na sinalubong ang mga mata ng kanyang ama.

Hindi po niya hiningi `yan, ibinigay ko po kapalit ng kuwintas niya.

Napatitig nang ilang segundo ang papa ni Jasmin sa bata bago lumipat ang tingin sa ama ng bata na napapangiti naman. Ginulo pa ng lalaki ang buhok ng bata bago nagpaalam.

Malayo na ang mag-ama ay nakasunod pa rin ang tingin ng papa ni Jasmin sa dalawa...

CHAPTER ONE

Pagkalipas ng maraming birthdays ni Jasmin...

HINDI napigilan ni Jasmin ang pamamasa ng mga mata. Nasa isang bahagi siya ng maluwang na sala ng bahay ng boss niyang si Sir Gaelle Montalvo, na nang mga sandaling iyon ay nakangiti sa kanilang lahat na naroon—ang mga Department heads kasama ang ilang staff—na mga haligi ng Rayos.

Ang Rayos ay ang twenty-five-year-old clothing company na pag-aari ni Sir Gaelle.

Limang taon nang assistant si Jasmin ni Sir Gaelle. Sa unang tingin ay walang problema ang boss niya. Naikukubli nito sa mga ngiti ang tunay na kalagayan. Hindi niya sigurado kung gaano kalala ang kalagayan ng puso ni Sir Gaelle. Ang alam lang niya ay hindi biro ang kondisyon nito. Naalala niya ang isang sandali kung kailan sa unang pagkakataon ay nagpakita ng kahinaan ang boss niya. Nakumpirma niya nang gabing iyon na mabigat ang karamdaman nito...

Jasmin, mahinang tawag ni Sir Gaelle nang palabas na sana si Jasmin para iwan ito sa private office.

Nilingon niya ang kanyang boss. Yes, Sir G? Sir G ang tawag dito ng lahat. May utos pa po kayo?

Marahan itong umiling, nasa dibdib ang kamay at humahagod na parang may dinaramdam sa bahaging iyon. Samahan mo muna ako... Kasunod niyon ang paghinga nang malalim.

Napapakunot-noong bumalik si Jasmin malapit sa mesa nito. Are you okay, Sir?

Sa halip na sumagot ay sumandal si Sir G sa back rest ng kinauupuan at mariing pumikit, patuloy ang kamay sa paghagod sa sariling dibdib.

Napatitig na lang si Jasmin sa boss niya, hinihintay na magbigay ito ng utos pero nanatili ito sa ganoong posisyon sa ilang sandaling lumipas.

Mayamaya ay nagmulat ng mga mata si Sir G, tumayo at umikot sa mesa para lapitan siya. Nang nasa tabi na niya ang lalaki ay tumingala ito at sunod-sunod ang paghinga nang malalim.

Sir G?

Mula sa kisame ay itinuon nito sa kanya ang mga mata.

Wala sa loob na umawang ang mga labi ni Jasmin, naghahalo ang damdamin sa mga mata ni Sir G at unang beses niyang nakita iyon sa loob ng limang taong nakasama niya ito. Hindi niya naisip na makikita ang ganoong damdamin sa mga mata ng boss niya—pain, loneliness, fear, and a lost look. Sa kung anong dahilan ay parang may pumitik sa kanyang dibdib pagkatapos magtama ang kanilang mga mata. Natiyak niyang may problema nga ito.

Maaga pa naman, Sir G. Gusto n’yo bang magkuwento bago ako umuwi? Pinagaan ni Jasmin ang tono.

Sa halip na sumagot ay niyakap siya nang mahigpit ni Sir G, na ipinagtaka niya nang husto. Kung nagkataong ibang tao ito—o ibang boss rather—ay kanina pa niya ito itinulak. Pero si Sir Gaelle Montalvo ito, ang nirerespeto nilang boss na walang ibang ipinakita sa kanya kundi kabutihan. Sa loob ng limang taon ay nagawa nitong makuha ang pinakamataas na respetong iniukol niya sa isang tao. Naging mas magaling siya sa trabaho dahil dito. Lahat ng natutunan niya sa mga lumipas na taon ay utang niya kay Sir G.

Hindi nakapagsalita nang mahabang sandali si Jasmin. Hindi niya inaasahan ang ginawa ng kanyang boss. At lalong hindi niya inaasahan ang naramdamang higpit ng yakap nito, na para bang natatakot itong mag-isa.

Natagpuan na lang niya ang sarili na hinahagod ang likod ni Sir G. Hindi niya alam kung ano ang sasabihin dahil wala siyang ideya sa kung anumang pinagdaraanan ng boss niya. Nakilala niya itong matatag at walang iniinda. Laging positibo at hindi matatawaran ang enthusiasm. Ano at bigla ay gumuho ang tatag nitong kinasanayan niya?

Samahan mo muna ako, Jas.

Tumango lang siya.

Thank you.

Sinamahan nga ni Jasmin si Sir G nang hindi nagtatanong ng kahit ano. Hinintay niya itong magsalita subalit nanatili itong tahimik lang. Sa huling minuto na lang niya narinig na nagsalita si Sir G. Dalawang salitang hindi niya alam kung para saan.

I’m scared.

Umawang ang mga labi ni Jasmin, hindi alam kung ano ang dapat at tamang sabihin. Ang pananahimik niya marahil ang dahilan kaya nagtuloy-tuloy ang kuwento ni Sir G... mga eksena at pangyayari sa buhay nito na sa palagay niya ay nagdulot ng labis na sakit sa damdamin nito—ang pagkawasak ng sariling pamilya.

Hindi namalayan ni Jasmin na iyak na siya nang iyak habang nagkukuwento ang kanyang boss. Sa huling bahagi ng kuwento ay hindi na niya napigil ang emosyon, niyakap niya nang mahigpit si Sir G—sa paraang iyon man lang ay maiparating niya ang kanyang pagdamay.

Hatinggabi, nasa bahay na siya nang matanggap ang tawag mula sa ospital. Isinugod doon ang boss niya dahil sa atake sa puso.

At ngayon, heto sila—sa farewell meeting na ipinatawag ni Sir G. Nagbiro pa ang kanyang boss na mai-stress out daw ito nang husto kung sa conference room pa gaganapin ang meeting na iyon kaya mas pinili nitong sa bahay na lang. Kanina lang nila narinig ang malungkot na balita. Kailangang umalis ng Pilipinas ni Sir G para mas matutukan daw ang gamutan. Hindi ito nagbigay ng detalye tungkol sa totoo nitong sakit at wala rin sa kanila ang naglakas-loob na magtanong. Ang sumunod na mga sinabi ng kanilang boss ay papuri na tungkol sa bawat team.

Napansin ni Jasmin na umiiyak nang tahimik ang bunsong kapatid ni Sir G na si Glaire, ang Designer at head ng Production team.

Ang panghuling sinabi ni Sir G ay pakiusap—hiniling na suportahan nila ang pansamantalang kapalit nito na makikilala nila sa mga susunod na araw. Hindi nagbigay ng pangalan ang kanilang boss. Ibigay raw nila sa magiging kapalit ang suporta, respeto, at pagmamahal na ibinigay nila kay Sir G.

Tumutok kay Jasmin ang tingin ni Sir G pagkatapos sabihin iyon. Hindi raw perpekto ang kapalit ng kanyang boss. Siya na raw ang bahalang umunawa at magturo ng mga bagay na kailangang malaman ng magiging bagong boss niya. Tahimik siyang tumango.

Sa huling sandali ng pag-uusap na iyon ay nagpaalam uli si Sir G kasunod ang pasasalamat sa kanilang lahat.

Hindi na napigil ni Jasmin ang mapaluha. Hindi lang naman siya ang umiyak nang mga sandaling iyon, halos lahat sila, patunay kung gaano kabuting leader si Sir G.

Guys, I’m still here, I’m alive! My goodness. Bakit umiiyak na kayong lahat?

Naghalo ang ungol at tawa sa paligid.

Jasmin?

Napuwing lang ako, Sir G, ani Jasmin na ngumiti, mabilis na tinuyo ang naglandas na mga luha sa mga pisngi.

Tumawa nang magaan si Sir G at mayamaya pa ay tinapos na ang meeting. Tulad ng dati, naiwan si Jasmin kasama ang boss.

Come here, Jas.

Lumapit si Jasmin. Hindi na siya nagulat nang yakapin siya ni Sir G. Mami-miss natin ang isa’t isa, that’s for sure.

"Oo naman, Sir G. Kailangan

Enjoying the preview?
Page 1 of 1