Discover millions of ebooks, audiobooks, and so much more with a free trial

Only $11.99/month after trial. Cancel anytime.

MD: Intruders
MD: Intruders
MD: Intruders
Ebook224 pages4 hours

MD: Intruders

Rating: 5 out of 5 stars

5/5

()

Read preview

About this ebook

Chika sa buong angkan nila ang maagang pagkatsugi ng mga virgin. Una sa pila si Lemuella Mahinhinon.


Saklap!


Nakikita na niya lagi sa isip ang faceless black figure na pasayaw-sayaw at handa nang tagpasin ang leeg niya. Umalis na lang si Lemuelle sa Pugad Agila at sumakay ng bus. Ang matandang katabi niya, mukhang napapanaginipan din si Death—binabangungot yata kaya ginising niya. Natuwa ang matanda sa kanya. Inalok siya ng trabaho. Babayaran nito ang pagsama niya sa isang resort. Cash, kaya na-tempt agad siya. Aba, sayang naman! 


Pero miyembro yata ng sindikato ang matanda at ibinenta siya sa DOM. Nagising si Lemuella na may nangyayakap at nanghahalik sa kanya habang nasa ilalim siya ng kumot!


Itinulak niya ang DOM sabay alpas sa kumot—gulat pati kaluluwa niya nang sariwa at hindi bilasang isda—este DOM ang nasa sahig. Guwapong guwapo, machong macho at ang bango bango! 


Kaya may naisip na masamang balak si Lemuella. Inalok niya ng one-night ang sariwang macho.


Ang problema, tinawag siyang Sisa ng impakto. Virgin din daw ito kaya pakasalan niya muna bago sila mag-do. Si MD Greech pala ang lalaki. Lagot na si Lemuella. Naging mas malabo pa sa tubig baha ang solusyon sa problema niya. 


Ang mas masaklap, paubos na ang oras niya. Sa imahinasyon niya, palapit na nang palapit ang faceless black figure—na sumasayaw-sayaw pa.


Masagip pa kaya niya ang sarili?

 

LanguageFilipino
PublisherVictoria Amor
Release dateJan 10, 2024
ISBN9798223746010
MD: Intruders

Read more from Victoria Amor

Related to MD

Reviews for MD

Rating: 5 out of 5 stars
5/5

3 ratings1 review

What did you think?

Tap to rate

Review must be at least 10 words

  • Rating: 5 out of 5 stars
    5/5
    Sa 3 Mahinhinon Virgins dito ako napaiyak Kay Ellah eh. Itong si MD nakakainis kahit may gusto ayaw sa1bihin.

Book preview

MD - Victoria Amor

UY! Holding hands?

Parang kotse si Lemuella Ellah Mahinhinon na biglang nagpreno. Umatras din agad siya para ikubli ang sarili. Sumunod ang mga mata niya sa love birds na dumaan—sina Yosha at Rohn.

Ilang araw lang siyang absent sa Diyosas, may nangyari na? At wala man lang naikukuwento sa kanya ang pinsan?

Biglang may sumundot sa tagiliran ni Lemuella—napaigtad siya at balak hampasin ang nangiliti sa kanya pero si Macaria Mahinhinon Bolocbuloc a.k.a. Ariah ang nasa tabi niya. Galing yata sa restroom ng Mall. Sino’ng sinisilip-silip mo? tanong nito.

Si Yosah. Kasama si Rohn at magka-holding hands? sagot ni Lemuella. "Anyare `teh?"

Pabalik-balik sa Diyosas `yan si Rohn, chika sa kanya ni Macaria. Kung ano ano’ng binibili kunwari. Si Yosah lang naman pala ang binabalikan.

Ang sweet!

Nagkausap na siguro. Okay na kaya sila? si Macaria, nasa mukha na natutuwa para kay Diosa.

Mukha namang okay na. Tahimik lang na naglalakad. May magkaaway bang magka-holding hands? Kinuha ni Lemuella sa bag ang sketch pad na ibibigay niya kay Macaria kaya siya nagpunta sa Mall kahit off duty siya. Design ni Loloy. Dumaan sa akin `yan, may ilang detalye akong idinagdag. May potential pala talaga sa sapatos ang kapatid kong iyon. Hindi niya mapigilan ang ngiti. Proud Ate siya.

Si Macaria ang unang nakapansin sa galing ni Loloy. Napansin nito ang mga drawings ng kapatid minsang tambay ang pinsan sa bahay nila. Nasa bahay din kasi madalas si Loloy kung walang raket. Basketball tuwing Sabado at Linggo ang bisyo. Hindi ito tambay gaya ng mga kapatid ni Macaria.

Music, at papalo-palo ng drums ang hobby ni Loloy. Regalo pa rin ni Macaria ang drum set, noong birthday ng kapatid. Natuwa ang pinsan na cash daw ang hininging regalo ni Loloy. Cash na balak pala nitong ibigay sa kanila ng ama. Na-touch ang mayamang biyuda, ibinigay ang dream gift ni Loloy—drum set.

Naging problema nga lang ni Lemuella ang parang pagyanig ng lumang bahay nilang gawa sa native materials tuwing pumapalo ng drums si Loloy. Mas naging inspired ang kapatid. Naging mas madalas ang pagdo-drawing nito—mga sapatos pala ang libangan nitong i-sketch. At nagustuhan ni Macaria ang designs. Kinausap ng pinsan ang abogado ni Floro. May mga tao na rin na kinausap sa Marikina ang dalawa. Hinihintay na lang nito ang final design ni Loloy—na dala na niya nang araw na iyon.

Uuwi ka ba agad? tanong ni Macaria. Kung kasama ni Yosah si Rohn, si Rush na naman ang kasama kong kumain? Parang machong estatwa pa naman `yon.

Si Rush ang driver nito. Dating driver-bodyguard ni Floro. Trusted man daw ng Bolocbuloc millionaire itong si Rush. Sobrang kalmado ng dating ng lalaki kaya parang hindi bagay ang pangalan. Macho at dark handsome ito. Minsan nga ay naiisip niyang i-push ang forever nito at ni Macaria pero parang manhid na yata ang puso ng biyuda. Nawalan ng pakiramdam mula nang mamatay si Floro.

Tumango si Lemuella. Kaya mo na iyan, Ariah, sabi niya. Parang hindi kasi ako makahinga sa maraming tao, eh. Gusto ko muna ng katahimikan ngayon.

Kumunot ang noo nito. May nangyari?

Tumawag si Marrio kagabi, balita niya sa pinsan. Kung tawag o nag-check lang kung active pa ang number ko, hindi ko alam. Kainis lang na distracted na naman ako. Isang missed call lang, wala na! Parang yumanig na naman ang mundo ko. Hay naman talaga...

Akala mo lang kasi okay ka na, si Macaria. Pare-pareho lang tayong tatlo, Ellah. Oo, happy na tayo at hindi na bagsak gaya dati. Natanggap na natin ang mga nangyari pero may kulang pa rin `di ba? Si Yosh, ayaw lang din no’n aminin sa sarili na hindi talaga niya nakalimutan si Rohn. Ako, nami-miss ko pa rin si Floro. Siguro may space talaga sa puso na hindi napupunan kahit anong gawin natin. At may mga tao talagang kasyang-kasya sa space na iyon.

Tama ka, Ariah... kasunod ang pagbuntong-hininga. Isa iyon sa mga pagkakataon na nagseseryoso ang pinsan.

Sige na, si Macaria. Umuwi ka na para mag-emo, dagdag nito at sinundot uli ang tagiliran niya. Aalamin ko lang kung may forever na `yong dalawa.

Nang mga sumunod na sandali ay sakay na ng jeep si Lemuella pauwi. Sa buong minutong nasa biyahe ay nakatingin lang siya sa labas. Mga eksena sa pagitan nila ni Marrio ang naiisip niya. Inakala lang pala niyang okay na siya. Ang totoo ay hindi pa talaga. Nakita lang niya ang pangalan ng bruho sa screen ng kanyang cell phone, nagbalik na naman lahat ng alaala.

At ang mga naiisip niyang eksena ay parang kahapon lang nangyari.

Hanggang nakababa na sa jeep at mabagal nang naglalakad sa kalye papuntang bahay nila, tuloy-tuloy pa rin ang mga eksena sa isip ni Lemuella.

Ellah?

Ang boses ang gumising sa kanya. Huminto rin ang paghakbang niya. Saglit na naguluhan si Lemuella kung totoo ang boses o hindi. Lumingon siya—at nakita niya si Marrio, nakasandal sa tagiliran ng kotseng naka-park pala sa tapat ng bahay nila. Sa lalim ng iniisip ay hindi na siya aware sa paligid.

Nagtama lang ang mga mata nila. Wala siyang reaksiyon kundi pag-awang ng bibig lang.

Hindi handa si Lemuella.

Lalong hindi pa pala handa ang puso niya sa pagkikitang iyon.

Hindi rin nagsalita si Marrio, tinitigan lang siya. Pero mayamaya, naging malinaw ang emosyon sa mga mata nito. Hindi niya alam kung ano ang emosyon na iyon. Ang sigurado lang ni Lemuella, parang tumawid sa kanya ang kung anumang bigat na dala ni Marrio. Pero ang mas ikinagulat niya ay nang maging misty ng luha ang mga mata nito.

At paisa isang nalaglag sa pisngi nito ang luha nang sumunod na segundo.

Kung hindi handa si Lemuella na makita ang lalaki sa Pugad Agila, lalong hindi siya handang makita ito na ganoon—na parang sobrang nasasaktan.

Nakita na lang niya ang sarili na tinawid ang distansiya sa pagitan nila at niyakap si Marrio. Na-realize niya, sa kabila ng mga hindi magagandang eksena sa pagitan nila, hindi pa rin pala niya kayang tiisin ito. Hindi niya kayang tingnan lang na nasasaktan.

Mahigpit na mahigpit ang naramdaman niyang pagtugon ni Marrio ng yakap.

Wala sa kanilang dalawa ang nagsalita. Mahigpit lang nilang yakap ang isa’t isa.

May nangyari ba, Em? tanong ni Lemuella, hinahagod na niya ang likod nito. ‘Em’ ang parang naging endearment niya rito. As in ‘M’—na tawag rin dito ng best friend na si Jamir. Wala na naman sa mga babae mo ang may gustong samahan ka kaya ako ang naisip mo? Lagi namang ganoon. Siya ang naiisip ni Marrio sa mga pagkakataong walang mapuntahan. Siya ang huling option lagi. Hindi alam ni Lemuella na hanggang ngayon pala ay okay lang sa kanya ang ganoong role sa buhay nito. Kung hindi, ano ang ginagawa niyang iyon? Hindi ba at binibigyan niya ng dahilan si Marrio para paulit-ulit na bumalik? Ang dapat niyang gawin ay itaboy ito—masaklap lang na hindi niya iyon kayang gawin.

Walang sagot si Marrio. Hinagod lang buhok niya. Nanibago siya sa katahimikan ng lalaki. Ang natatandaan ni Lemuella, ganoon lang ito sa mga gabing gustong matulog nang tahimik—sa tabi niya. Sa mga ganoong moment lang hindi nakikipag-argumento si Marrio Debil a.k.a MD Greech.

Moment iyon na hindi nito gustong umalis sa tabi niya.

Come home, El, ang narinig niyang sinabi ni Marrio. El naman ang tawag nito sa kanya tuwing naglalambing sa kama. Bagay nga raw silang mag-asawa, ‘El at Em’, pambobola pa nito madalas sa kanya pero ang gusto lang naman talaga ay sex.

Natigilan si Lemuella, nagsalubong mga kilay. Nalito bigla. Ano’ng home-home ang sinasabi nito?

H-home saan? balik niya. Sa condo? Tapos na’ng usapan natin—

Ang usapan natin, oo. Ang kasal, hindi, mariin na sinabi nito. Nakaawang ang labi na napatingala si Lemuella. Asawa mo ako, El. pagdidiin pa ni Marrio. Iba ang emosyon sa mga mata nito. Unang beses niyang nakita. Wala ang dating kislap o kahit ang nang-iinis na tingin. Seryoso ang titig ng bruho. Ano na naman kaya ang naiisip nitong gawin?

Magpa-file ako ng annulment, ang sinabi ni Lemuella. Wala nang dahilan para patulan niya ang kung anumang naiisip gawin nito para mapabalik siya. Hinihintay ko lang ang panggastos— pinatahimik na siya ng halik nito.

Okay.

Oo na. Ang hirap lang talagang i-resist ang halik ni Marrio.

Nalunod na naman agad siya.

Hindi ako pipirma, ang ibinulong ni Marrio matapos iwan ang shocked niyang lips. Kahit magsayaw ka ng hubad sa harap ko.

Baliw—

Yes, I’m getting there, agaw nito. At mas mababaliw pa ako kung hindi ka sasama sa akin. I’m losing grandma and I’m losing you...

Mas umawang ang bibig ni Lemuella. Ano’ng sinasabi mo? May...may nangyari kay Lola Pinang?

Kailangan mo nang ibalik ang diamond ring o hindi na niya makukuha pa.

Napatitig si Lemuella sa mga mata ni Marrio. Ilang segundo na hinayaan ang utak na i-process ang narinig. Nabuo agad sa isip niya ang mukha ng matanda—fashionably short hair na parang gold na dahil sa nawawala nang kulay brownish, natural na naka-curved na kilay na parang nagtataray lagi, makinis na mukha at slim na katawan. Mga nasa five five ang tangkad. Pang donya ang tindig pati ang titig. Parang laging nanunuri si Josefine Greech o Lola Pinang para sa kanya at Grandma para kay Marrio.

At malinaw na malinaw sa alaala niya ang huling pag-uusap nila.

Ibabalik mo sa akin ang singsing kasama ng apo ko, Lemuella Mahinhinon. Para matuldukan na ang galit sa pagitan ng dalawang pamilya. Para putulin ang koneksiyong nagdala sa kanila sa dilim noon... 

Siguro nga, iyon na ang tamang panahon para tapusin ang lahat.

Nakatitig pa rin sa mga mata ni Marrio na tumango si Lemuella. Sasama ako, sabi niya. Huli na `to, mas mahina. Huling-huli na talaga—

Kinabig siya bigla ni Marrio. Mahigpit na mahigpit siyang niyakap.

Hindi alam ni Lemuella kung ano ang mensahe ng yakap na iyon. Ang labo pa rin talaga ni Marrio Debil.

1

A year ago

HAH! Dadaan ka muna sa mga bilbil ko bago mo matagpas ang leeg ko, Kamatayan!

Nakasandal sa kinauupuan sa bus si Lemuella Ellah Mahinhinon. Biyaheng Maynila ang bus. Nasa pinakaunang upuan siya nakapuwesto. Hindi puno ang bus nang umalis sa Pugad Agila. Senior citizen na ang katabi ni Lemuella, hindi niya alam kung saan galing at mukhang puyat.

Bago siya nagdesisyong umidlip ay kung saan saan bumabagsak ang ulo ng matandang babae na katabi niya. Luma ang mahabang damit ng matanda pero pang donya ang kinis ng balat at kulay ng buhok. Naka-full makeup din ito. Bakit kaya nasa bus kung donya?

Bumagsak na naman sa harap ang ulo ng matanda—sinalo na iyon ni Lemuella. Maingat niyang isinandal sa kanyang balikat. Naalala niya si Lola Meryan at Lola Enriquetta rito. Kung tama siya ay hindi nalalayo ang edad nito sa dalawang Mahinhinon Lolas. Nasa pagitan ng seventy to eighty. Saan kaya pupunta ang matanda at nagba-biyahe mag-isa? Hindi pamilyar ang mukha nito. Hindi ito residente ng Pugad Agila, sigurado siya. Napansin din ni Lemuella ang mga bagong mukha sa bus. May mga lalaki pang mukhang bodyguards ang dating. Mga turista yata.

Nang maramdaman ni Lemuella na payapa na ang matanda sa balikat niya, siya naman ang pumikit para umidlip. Pero paano nga naman siyang iidlip kung si Kamatayan na may dalang karit at nagsasayaw ng Trumpets ang nakikita niya sa isip? Pasayaw sayaw ang itim na pigura habang hawak ang karit at hinahabol siya!

Nagpigil lang si Lemuella na umungol nang malakas. Ilang taon na ba niyang bangungot ang eksenang iyon? Matagal na. At ang dahilan ang sumpa raw sa mga Mahinhinon—ang mapait na kamatayan ng mga virgin!

At isa siya sa mga virgin sa henerasyong iyon.

Hindi siya ligtas sa karit ni Kamatayan. Nakakaasar lang. Thirty ka na nga at virgin, mamamatay pa? Nasaan naman ang hustisya?

Pero totoo man o hindi ang sumpa, kailangan niyang kumilos na rin. Si Macaria, ang pinsan na isa ring virgin ay naunang umalis ng Pugad Agila. Hindi man inamin, alam ni Lemuella na isa lang ang misyon nito sa pag-alis—ang itapon ang virginity. Ang naiwan lang sa Pugad Agila ay si Diosa, ang isa pang pinsan na virgin din pero hindi naniniwala na totoo ang sumpa. Mas iniisip nitong tsismis lang ang banta sa mga buhay nila.

Sana lang talaga, tama si Diosa na tsismis lang. Kapag nagkataong totoo, mauunang mamamaalam sa mundo ang pinsan. Hindi siya matutuwa kapag nangyari iyon. Parang kapatid na niya si Diosa, ganoon rin si Macaria.

Biglang napadilat si Lemuella nang umungol nang malakas ang matandang nakahilig sa balikat niya. Mahigpit ang naging pagkapit nito sa kanyang braso.

Ilang segundong napanganga muna si Lemuella; nagulat at nalito. Pero nang makitang nakapikit pa rin ang matanda, naisip niyang nananaginip siguro.

Lola? hinawakan ni Lemuella ang kamay nito na nakakapit sa braso niya. Lola? mas malakas. Sa tingin niya ay hindi maganda ang panaginip ng matanda kaya umuungol. Kailangan niyang gisingin ito.

Hinawakan ni Lemuella ang kamay nito, kasunod ang braso—sa wakas ay kumilos ang matanda, dumilat at tumutok sa kanya ang mga matang katibayan ng panahong lumipas sa buhay nito.

Ngumiti si Lemuella. Nananaginip po yata kayo, sabi niya. Umuungol kayo, Lola.

Ilang segundong tumingin lang ang matanda sa mga mata niya. Napaisip din yata. Mayamaya ay tumango.

Puwede po kayong matulog uli, dugtong ni Lemuella. Sa balikat ko na lang po ang ulo n’yo para hindi kayo mahirapan.

Kitang kita ni Lemuella ang pagngiti nito. Salamat, hija, sabi nito. Lola Josefine o Pinang na lang. Ano ba’ng pangalan mo?

Ellah po.

Ellah?

Lemuella Mahinhinon po.

Lemuella Mahinhinon, ang matanda at tumango. Saan ba ang punta mo, hija?

Natigilan si Lemuella. Ang totoo ay hindi niya alam kung saan siya pupunta. Sa Maynila ang biyahe ng bus pero wala siyang alam na pupuntahan sa Maynila. Umalis siya ng Pugad Agila na walang plano. Basta itapon lang ang virginity.

Kumusta naman iyon, bes?

Maga-ala pick up girl ba siya sa kung saan mang kanto para lang magpa-devirginize? Ang saklap talaga ng kapalaran nilang magpipinsan.

Sa terminal ng bus, lola, ang wala sa loob na nasabi niya. Mayamaya ay nakaisip ng idudugtong. Maghahanap po ng trabaho sa Maynila.

Saan sa Maynila? parang na-curious ang matanda. May trabaho na bang naghihintay sa `yo, hija?

Na-realize ni Lemuella, ang hirap palang sumagot ng mga tanong kapag nangangapa siya ng sasabihin. Lutang lang ang peg niya. At ang matanda naman, sa kung anong dahilan ay parang interesado na sa buhay niya kaya ang daming mga tanong.

Wala pa po, eh.

Gusto mo ba ng tubig, hija?

T-tubig po?

Resort ang pupuntahan ko. Baka gusto mong sumama sa akin? Wala kang gagawin kundi samahan lang ako sa beach. Bibigyan kita ng cottage na pahingahan. Hindi maganda ang pakiramdam ko ngayon at walang pakialam sa akin ang pasaway kong apo, sabi ng matanda. "Ten thousand, hija, kapalit ng dalawa

Enjoying the preview?
Page 1 of 1