Discover millions of ebooks, audiobooks, and so much more with a free trial

Only $11.99/month after trial. Cancel anytime.

Antique Heart 1: Lihim: Claire
Antique Heart 1: Lihim: Claire
Antique Heart 1: Lihim: Claire
Ebook131 pages1 hour

Antique Heart 1: Lihim: Claire

Rating: 5 out of 5 stars

5/5

()

Read preview

About this ebook

I am Hanah, Claire's friend. Naging super hooked ako sa isang K-drama and I had only one wish—a real life Goblin.

Kasama si Ivan, ang driver-bodyguard na ang cool pero laging harsh ang comments sa crush kong fictional character, napunta kami sa Bagong Awa—ang place na parang untouched ng change at feeling ko, unknown sa maraming tao. Na-find out ko kasi na nasa place na iyon nag-stay si Claire, ang friend na iniisip kong may something na itinatago kaya nagsunod-sunod ang absences sa school.

 

Ang purpose ko sa pagpunta sa Bagong Awa, makita ang friend ko. Pero ang daming unexpected na nangyari. Nabugbog si Ivan ng bad guys, nag-appear ang isang Goblin like character from nowhere and helped us. May na-find out pa kaming weird thing sa isang antique shop!

 

Hindi ko naisip na sa place na iyon mag-start ang journey ko—na nag-lead sa akin para malaman ang mga…

 

LIHIM.

LanguageFilipino
PublisherVictoria Amor
Release dateMay 9, 2024
ISBN9798224413171
Antique Heart 1: Lihim: Claire

Read more from Victoria Amor

Related to Antique Heart 1

Reviews for Antique Heart 1

Rating: 5 out of 5 stars
5/5

1 rating0 reviews

What did you think?

Tap to rate

Review must be at least 10 words

    Book preview

    Antique Heart 1 - Victoria Amor

    LIWANAG AT DUGO.

    Ah, pagkakita ko sa glowing red star, parang line sa isa sa mga poem na nasa notebook ko ang nabuo: Sa liwanag na iginuhit ng dugo, ang marka ng pag-ibig ay hindi na maglalaho.

    May ilang days pa lang naman no’ng nag-start akong magsulat ng poem. Mas marami pa ang hindi tapos. May mga three to five lines lang. Basta, nagsusulat lang ako `pag bored, `pag nag-iisip, `pag mabigat ang mood, `pag nami-miss ko si Ram. May naipon na akong poetry collection.

    Sa glowing red star—na liwanag at dugo ang agad naisip ko—nag-start ang scene na nakita ko. Two glowing red stars. Na nasa tapat ng pulso ko ang isa at sa tapat ng puso ni Ram ang isa pa. Mga markang parang may sariling isip na umaahon, umaalsa sa mga balat namin sa mga partikular na pagkakataon. Hindi pa rin malinaw sa akin kung ano ang tumatawag at nagpapalabas sa marka. Pag-ibig daw sabi ng isa sa twin na Guardians ng mahiwagang isla. Kung oo, araw araw ko namang mahal si Ram pero bakit hindi naman araw-araw na umaahon ang marka?

    Valtur said, those stars are mark of the Chosen Ones. Ang twin na Guardians ng isla Ilumina, may marka rin—ang marka ng mahika ng dilim at liwanag. Kami ni Ram, ang marks ay pulang bituin—ang marka ng enerhiya ng dugo na sabi ni Valtur, pinalalakas ng pag-ibig ang koneksiyon.

    Pagkawala ng glowing red stars, kami na ni Ram ang nakita ko sa scene na nangyari na. Ang titig niya, ang boses niya, ang hawak na nagpaalala sa akin na lagi akong safe kapag nasa tabi ko siya—tanda ko lahat ang pakiramdam...

    Matagal ko nang tinanggap na tapos na ang pagmamahalan namin ni Amaia, Claire. Ang alam ko, kasama niyang namatay ang puso ko pero hindi pala. When this young and sweet girl came, my heart beats a new life. Masaya at magaan ang bagong pakiramdam pero imposible ang pag-ibig sa pagitan natin noon. Ang magagawa ko lang, mahalin ka sa paraang tatanggapin mo nang walang takot—bilang kaibigan.

    Mahal mo na ako noon?

    Sinasabi nilang ang pag-ibig ay kilig and kilig pa more and butterflies in the stomach?

    Napangiti ako sa #kiligpamore.

    May pag-ibig na kalmado lang, Claire.

    It’s when you feel safe and your heart’s at peace?

    Tumango si Ram, nababasa ko ang emosyon sa mga mata niya.

    Then, I love you since day one, sabi ko at magaan akong tumawa. Marami silang hindi `to maiintindihan pero ayokong mag-explain pa.

    Love needs no explanation, brave princess.

    Right. Just love!

    Yeah. Just love.

    Nakita ko na naman ang nagliliwanag na mga marka namin.

    Ram?

    Don’t ask, sweetheart, bulong niya. Let it shine love. Saka niya ako mariing hinalikan sa noo.

    Kung may list ang mga happiest girl sa mundo, that moment ay napasama na ako sa list. Ang saya lang isipin na pagkatapos ng parang hindi natatapos na struggle ko, nag-end up din ako sa moment na iyon.

    And I’d say, dapat lang talaga na mangyari ang moment na iyon—na maging happy ako, gaya rin ng iba. Kasi deserve ko rin ang happiness na iyon. Lahat naman tayo deserve maging masaya, `di ba?

    Claire, si Amaia...

    Babalikan pa ba niya ako?

    No, princess.

    Ano’ng tungkol sa kanya, Ram?

    Magkadugo kayo ni Amaia.

    Nagising ako. Sa boses ni Ram naputol ang panaginip na replay ng scene na nangyari na. Nag-stay talaga sa mind ko ang sinabi ni Ram na magkadugo kami ni Amaia kaya siguro hanggang sa panaginip ko, nauulit pa ang scene.

    Naramdaman kong may kamay na humaplos sa buhok ko. Nag-angat ako ng tingin—malamlam na mga mata ni Ram na nakatitig sa akin ang nakita ko. Ang mga mata niya ang nagbalik sa akin sa present—na nasa room ako ni Ram, sa bahay na nasa Villagio Oriente, na nakatulog na naman ako nang deretso kasi alam kong kasama ko siya.

    Ngumiti ako—ngiti lang talaga ang lagi kong maibabalik agad kay Ram. Wala akong something special na tamang kapalit ng lahat ng kabutihang ginawa niya para sa akin. Sa totoo lang, gusto ko na nga i-offer ang buhay ko, kasi iyon lang naman talaga ang mayroon ako, sure nga lang akong hindi niya tatanggapin. Baka magalit pa at masermon ako in a ‘lolo Ami way’.

    Ang selfless kasi ni Ram. Nagbibigay lang nang nagbibigay na hindi umaasa ng kapalit. Paulit-ulit ko na nai-wish na sana, marami ang gaya niya sa mundo. Kasi kung oo, iyong mga teenagers na gaya ko, may makilala din na mga guardian angels.

    Panaginip?

    Tumango ako. Hindi naman ako bumangon bigla pero nagising pa rin siya. Baka pumitlag lang ako pagkatapos ng panaginip. Naisip ko, ang sensitive yata ng senses ni Ram pagdating sa akin? Nagigising kasi siya agad sa mga ganoong moment. Sorry. Nagising na naman kita.

    Ngumiti lang siya at pumikit na uli. Go back to sleep, Claire.

    Sumiksik na lang ako sa side niya, inabot ang kamay na nasa ibabaw ng dibdib niya at hinawakan. Ram?

    Dumilat uli siya at niyuko ako.

    Can I have the book?

    Book?

    Ang Tagong Liwanag.

    Ilang segundong napatitig siya sa akin. Why?

    Babasahin ko—nang buo.

    Naramdaman kong dumaan sa pisngi ko ang daliri niya. Bakit gusto mong mabasa nang buo?

    Gusto kong mas maintindihan ang story. Para ma-share ko rin kay Hanah `pag naging stubborn siya at hindi nakinig sa akin.

    Nasa drawer, ang sinabi niya. Ibibigay ko ang susi pero dito ka lang sa kuwarto ko magbabasa.

    Okay, ngumiti na ako. Thanks!

    Katahimikan.

    Ram? ako uli. Ano’ng effective medicine sa heartache?

    Heartache?

    Ite-take ko ng advance, magaang sabi ko. May takot pa rin sa puso ko pero handa na akong tanggapin ang mga nangyari sa nakaraan. I think, okay na rin sa puso ko ang katotohanan—na si Amaia ang babaeng pinakamamahal ni Ram sa past. Para `di na ma-feel ng heart ko ang pain—na mababasa kong sobrang love mo si Amaia noon—

    Claire, putol ni Ram, ibinaba ang mukha at mariin akong hinalikan sa itaas ng noo. Ang Tagong Liwanag, kuwentong tapos na, dugtong niya, kinuha ang isang kamay ko at inilapat sa chest niya—sa mismong spot kung saan umaahon ang marka. Ang totoong kuwento ng ngayon, sinasabi ng maliit na bagay na `yan na binuhay ng prinsesa sa isang bagong kuwento. Ang sariling puso ang ‘maliit na bagay’ na sinasabi ni Ram. Matulog ka na, prinsesa.

    Ngiting-ngiti ako nang pumikit. Kung may mortal body ang guardian angel ko, ikaw talaga `yon.

    Hindi na umimik si Ram kaya nakatutok na ang buong atensiyon ko sa heartbeat niya.

    Ilang minuto lang, inantok na ako. Nakatulog akong may images na nakikita sa isip—ang Tagong Liwanag at si Hanah. Sila kasi ang focus ko ngayon. Hindi ko dapat hayaan si Hanah na makapasok sa mundong hindi niya naiintindihan talaga. At para matulungan siya, kailangan kong mas maintindihan ang Isla Ilumina. Walang ibang makakagawa ng magagawa kong tulong para kay Hanah kundi ako lang.

    Two stories—ang past sa Tagong Liwanag at ang present na story ni Hanah Maceda—ang sabay kong ipa-follow.

    Saan ba ako mag-start?

    Ah, sa part ng story namin na hindi ko pa alam ang maraming...

    LIHIM. 

    1

    DEACTIVATED?

    God, please po, guide her, bulong ni Hanah Maceda at biglang sumandal sa backrest ng kanyang paboritong upuan. Nasa loob siya ng sariling kuwarto; mga isang oras pagkatapos ng hapunan. Si Ivan Puebloz o Van para sa kanya, ang kasabay niyang kumain. Lagi namang sila lang. Ang parents niya? Busy sa maraming bagay. Mas okay na hindi nagtatagpo ang schedules ng mga magulang. Nag-aaway lang naman ang mga ito kapag nasa bahay. Ano ang cause ng away? Hindi na rin niya alam. Marami. Gaya ng maraming dahilan ng mga ito kung bakit hindi na maayos pa ang pamilya nila.

    Ang Papa ni Hanah na si Honorio Maceda, sa bank nagwo-work. Fifty-four na ang ama kaya iniisip ni Hanah, bank manager na ito sa tagal na nagwo-work sa bank. ‘Banker’ ang natatandaan niyang sagot sa mga tanong na kailangan ng father’s occupation noong elementary days niya, iyon ang turo sa kanya ng ina. One proof na hindi sila close ng ama, hindi niya alam maski position nito sa bank noong bata siya hanggang ngayong sixteen na si Hanah.

    Tahimik ang ama at hindi siya pinagagalitan o pinagmamalupitan pero ramdam niya ang parang makapal na harang sa pagitan nila. Hindi alam ni Hanah kung

    Enjoying the preview?
    Page 1 of 1