Discover millions of ebooks, audiobooks, and so much more with a free trial

Only $11.99/month after trial. Cancel anytime.

Laging Ikaw
Laging Ikaw
Laging Ikaw
Ebook159 pages2 hours

Laging Ikaw

Rating: 5 out of 5 stars

5/5

()

Read preview

About this ebook

 

Mas pinili ni Bienne na hindi umuwi sa probinsiya nila dahil kay Redge De Guia, ang tall, dark and handsome sana pero tahimik at suplado. Sa kung anong dahilan, hate siya nito. Wala siyang happy memories sa farm na kasama ito, hindi gaya ng ideal man niyang pinsan nito na pang-perfect hero.  

 

Sa biglaang pag-uwi niya, ibang Redge ang nakaharap ni Bienne—mabait, nakangiti at parang may kinang ng saya ang mga matang tumititig sa kanya.

Akala niya, changed man na ang bad counterpart ng kanyang ideal man. Iba nga lang ang nalaman niya. Na-reject ito sa gabi ng engagement. Pinagpalit ng fiancée sa kapatid pang rason ng conflict nito sa sariling pamilya. Hula ni Bienne, ang nakita niyang pagbabago, paraan lang ni Redge para pagtakpan ang totoong emosyon.

 

Biglang nagbago siya ng plano sa pag-stay sa farm. Gusto niyang burahin na ang harang sa pagitan nila ni Redge. Gusto na niyang maging reason para maging okay ito. Para makita niyang maging totoong saya na ang kahulugan ng magagandang ngiti nito.

 

Hindi nga lang niya naisip na sa paglapit niya kay Redge, ilalapit din pala niya ang sarili sa panganib.

 

Kayanin kaya niyang mag-stay hanggang sa happy ending?

LanguageFilipino
PublisherVictoria Amor
Release dateApr 25, 2024
ISBN9798224086733
Laging Ikaw

Read more from Victoria Amor

Related to Laging Ikaw

Reviews for Laging Ikaw

Rating: 5 out of 5 stars
5/5

2 ratings1 review

What did you think?

Tap to rate

Review must be at least 10 words

  • Rating: 5 out of 5 stars
    5/5
    I loved it! Tatak Victoria Amor. Kahit wholesome ang story andon ang kilig at gigil.

Book preview

Laging Ikaw - Victoria Amor

1

NA-MISS kita, sobra!

Ang higpit ng yakap ni Bienne sa pianist na si Marrius De Guia, ang definition ng dream man para sa kanya. Handsome, responsible, talented and loving—ang list of ‘must haves’ ng lalaking mamahalin niya sa future.

Fifteen pa lang siya, si Marrius De Guia na ang para sa kanya ay naglalakad na proof na nag-e-exist pa sa mundo ang right man, ang perfect boyfriend, ang best husband. Ang lalaki rin ang naging kahulugan ng crush para sa kanya. Ito ang may-ari ng De Guia Farm, ang naging tahanan na rin nila ng ama. Katiwala si Tatay Leo sa farm.

Mula bata pa hanggang nagdalaga si Bienne, favorite sidekick siya ni Marrius De Guia. Ang bait-bait nito, hindi ibang tao ang tingin sa kanilang mag-ama at sa iba pang trabahante. Madali rin itong lapitan at hingan ng tulong, ang isa sa maraming dahilan kung bakit nag-stay ang mga tao nito. At siya ang parang bunsong kapatid na laging kasa-kasama nito kapag naglilibot sa farm. Ang lagi nilang laro noon—magpustahan. Ang bagay na gusto nitong ibigay sa kanya, idinadaan sa pustahan. Lagi naman siyang game. Bakit siya uurong kung kasama niya ang pangalawa sa paborito niyang lalaki sa mundo?

Ang nasa top list ng paborito niya, si Tatay Leo siyempre. Walang tatalo sa spot ng ama sa listahan niya ng most loved people.

Ang image na ni Marrius ang naging buo sa isip niya—na lalaking karapat-dapat mahalin—kaya hindi siya tumanggap ng manliligaw. Ayaw niya ng lalaking wala ang traits nito. Ayaw niya ng lalaking lalaki lang.

Kung ganoon naman pala, ba’t hindi mo na lang pinikot `yang si Kuya Marrius mo no’ng hindi pa siya married kay Miss Lianne? ang best friend niyang si May habang kumakain sila ng lunch sa KFC at ang recent pambabasted niya sa pinsan nito ang topic nila. Ang binanggit nitong Miss Lianne ay ang idol niyang romance novelist na asawa ni Marrius. Sa katunayan, kasabwat pa nga siya nito sa mga pagpapa-cute kay Miss Lizette—real name ni Miss Lianne. May dalawang anak na ang dalawa—ang nine years old na si Elle at ang youngest baby boy na si JM o John Marrius na four years old naman.

Little sister lang talaga ako para sa kanya, sis. Then and now, same lang din. Parang wala ngang nag-iba kahit pa adult na ako. Pero na feel ko naman `yong love—ng kapamilya, gano’n.

Ang obvious sa tone mo o—bitter, bruha ka! tawa pa ni May.

Nakitawa na rin siya. Mayamaya ay sumeryoso rin si Bienne. Ideal man ko siya, oo. Pero wala rin naman akong romantic feeling sa kanya, eh. Kuya rin lang talaga siya para sa akin. Kuya na mabait, guwapo, galante, masayang kasama—

Sa madaling salita, agaw ni May. Hindi mo siya pinapantasyang hubad tuwing midnight?

Hindi.

Sure?

Sure.

Bakit kasi hindi? Sayang naman!

Nagkatinginan sila at sabay pang nagkatawanan. Nagpalitan sila ng hampas sa isa’t isa, at natahimik nang mapansin napatingin sa kanila ang mga kasabayang kumakain. Pero siya pa rin ang ideal husband for me, hininaan na niya ang boses. Kung wala ang traits ni Kuya Marrius, `wag na lang pakasal kasi why settle for someone lesser kung nag-e-exist pa naman ang gaya niya, `di ba?

Ay, ewan ko sa `yo, sis! As if gano’n `yan kadaling hanapin. Change topic na. Bakit ka naman nag-e-emote kanina sa phone?

Nalukot ang mukha ni Bienne. Naalala niya ang eksena kanina. Pagkalalim-lalim na buntong-hininga ang hinugot niya bago nagsalita sa mahinang boses. Reject na naman `yong manuscript ko, eh. Ang sama ng loob ko. Nangalumbaba siya sa mesa. Sinisikap niyang ituloy ang pangarap noong fifteen lang siya—ang maging kagaya ng kanyang idolong si Lizette o Lianne Angeles, na isang sikat na writer. Wala nga lang napuntahan ang pagtatangka niyang sumubok. Sunod-sunod na rejection ang natanggap niya. Ang lakas makabuhay ng feeling na hindi worth publishing ang novels niya.  

Umabot na rin si Bienne sa punto na gusto niyang mag-give up na lang. Na huwag nang i-push pa ang isa sa mga dreams niya. Sa moment nga lang na tapos na siyang maging busy sa labas, bumabalik rin siya sa pagsusulat. Gusto pa rin niyang bumuo ng kuwento. Gusto pa rin niyang isulat ang plot na nasa isip. Gusto pa rin niyang magkuwento sa paraang alam niya.

Siguro nga, tama ang sinasabi ng iba na kung nasaan ang puso, sundin na lang kasi naroon din ang true joy. At nasa pagsusulat ang puso niya. Na-realize nga lang ni Bienne, hindi pala ganoon kadali. Hindi dahil gusto niya, mabilis lang na makukuha.

"Alam mo `til now, hindi pa rin kita gets, sis. Writing pala ang gusto mong pasukin, bakit BSBA pa ang kinuha mong course? At major in MIS, ha? Sabagay, uso nga pala `yan ngayon—na wala sa course ang nakukuhang job. Tingnan mo nga tayo, naturingang BS in Business Administration graduate—at Management Information System pa ang major natin, pero `asan tayo ngayon? `Eto, English tutor ng mga Korean sa umaga, dance instructors sa gabi. Hay buhay, oo!"

Hay talaga, sang-ayon niya naman.

Magtatatlong buwan na sila sa ganoong trabaho. Last March lang sila nag-graduate. After graduation, sabay rin silang sumabak sa paghahanap ng trabaho. Dahil nga hilig nilang pareho ang pagsayaw at pareho rin silang may knowledge at skills sa dancing high school pa lang, idagdag pang mula unang taon nila sa kolehiyo ay miyembro na sila ng Performing Arts Club ng University at dancing ang pareho nilang forte, hindi sila nahirapan. Tinanggap nila agad ang offer na maging part-time dance instructor ng isa sa mga professors nilang may-ari ng dance studio. Malayo man iyon sa kanilang kurso ay sapat nang may income silang naipapadala sa pamilyang nasa Zambales.  Nag-eenjoy rin naman sila sa pagtuturo.

Pero nitong nakalipas na buwan, siguro dahil na rin sa sunod-sunod na manuscript rejections ni Bienne, wala na siyang gana sa lahat. Ang bigat lagi ng pakiramdam niya at ayaw man niyang aminin sa sarili—feeling niya, failure siya. Ang sakit lang na bibiguin niya ang amang ang taas ng expectation sa kanya.

Ang hirap din pala nang ganito sis, si Bienne na napa-exhale. Ang dami kong gustong gawin para sa sarili, `tapos do’n sa isang bagay na gusto kong magawa nang tama, failed pa. Ano na lang ang worth ko? Wala man lang akong magawang something na puwede kong ipagmalaki. Na puwedeng maging proud sa akin si Tatay.

Tumingin sa kanya si May at napa-exhale na rin lang.

`Taas ng expectation ni Tatay sa `kin, pero ano ako ngayon? Ni hindi ko nga magawang maging successful sa passion ko. Na feeling ko, magaling naman ako pero bakit ganoon? Ang editor’s comment pa, tagos hanggang buto, sis! Biglang balik zero ang confidence ko.

Isa lang ang opinyon ko diyan, Bei, ani May. Never give up your dreams. Lahat ng writers dumaan sa rejections. Kaya kung `yan talaga ang gusto mong journey, harapin mo lahat ng harang. No giving up!

`Lam mo bang ang dami kong palpak this week sa dance class ko? Ang miserable kasi talaga ang feeling ko, sis. I really need a break. Timeout muna siguro sa work. Breathe. Feeling ko kasi, paubos na ang energy tank ko.

Ano’ng meaning niyan? Push ang pag-uwi ng Zambales?

Ilang segundo siyang hindi kumibo bago napa-exhale uli.

Kung may favorite people kasi siya, may least favorite din. At sa Zambales, maari silang magkita. Hindi niya gusto iyon, lalo na sa status ng emosyon niya.

Simula nang magkolehiyo si Bienne sa Maynila, madalang na lang siyang umuwi sa farm. Ginagawa niya lang iyon kapag nabalitaan niyang umuwi sa Davao ang taong iniiwasan niyang makita. Dapat nga, kada semestral break ay naroon siya pero mas pinipili niyang sa dormitory na lang mag-stay habang nagtatrabaho ng part time.

ANG DAHILAN ni Bienne nang hindi pag-uwi: Ang presence ni Redge De Guia sa farm. Si Redge ang pinsan ni Marrius na expert agriculturist. Expert, ayon sa tatay niya. Noong mga panahong nasa States ang mag-asawang Marrius at Lizette, si Redge ang nasa likod ng magandang takbo ng farm. Walang naging problema ang mga trabahante rito. Wala rin siyang narinig na nagkaroon ng issue o conflict ang lalaki sa mga tao ni Marrius.

Pero sa kanya, parang laging may problema si Redge. Hindi alam ni Bienne kung bakit ayaw sa kanya ng lalaki. Parang hate siya nito—nang walang dahilan. Walang dahilan kasi wala naman siyang ginagawang masama rito. Ni hindi nga niya kinakausap, kaya paano sila magiging hindi okay?

Kaya nalilito rin siya. Kung gaano kasi kabait sa kanya si Marrius ay ganoon naman ka-mean si Redge. Iniisip niya kung bakit. Basta, hindi niya matandaang naging nice ito sa kanya. Lagi na ay parang galit ang tingin nito tuwing nagpapang-abot silang tatlo ng Kuya Marrius niya sa farm. Feeling nga niya dati, parang ayaw ni Redge makitang nagkakatuwaan sila. Ayaw yata nitong nakakakita ng mga taong chill lang. Gusto siguro, seryoso lahat at focus sa work.

Tanda ni Biene na noong fifteen siya, lagi silang nagkukulitan ni Marrius sa mga break nito sa practice. Kapag kailangang kausapin ni Redge ang pinsan at naabutan din siyang naroon, malamig o kaya ay matalim na tingin ang laging ‘tapon’ sa kanya.

Kaya naman kung hate siya ni Redge, namuo na rin sa loob niya ang masamang pakiramdam. Ayaw na rin niya sa pinsan ni Marrius. Ayos lang sa kanya na i-hate nila ang isa’t isa. Iyon nga lang, hindi handa si Bienne sa lantarang pagpapakita nito ng masamang ugali sa kanya—sa mga moment pa na needy siya ng comfort at understanding. Ano ang ibinigay ni Redge?

Sermon.

Na mas malala pa kaysa sa tatay niya!

Unang nangyari iyon noong sinakyan ni Bienne ang Stallion ni Marrius na si Bullet. Malay ba niyang choosy ang kabayo. Kilalang-kilala ng hayop ang mga gustong amo—si Marrius at si Redge lang. Hayun, inihulog siya ng kabayo at witness pa si Redge.  Ang bilis nitong nakalapit para tulungan siya pero para namang gusto siyang saktan kaysa burahin ang takot niya. Feeling ni Bienne, nagpigil lang ito ng sarili. Parang gustong pilipitin ang leeg niya sa galit. Wala man lang siyang nakitang pag-aalala sa mukha nito. Parang bata lang siyang binuhat, dinala sa safe place pero walang hinto ang sermon. Napaiyak

Enjoying the preview?
Page 1 of 1