Discover millions of ebooks, audiobooks, and so much more with a free trial

Only $11.99/month after trial. Cancel anytime.

Hammock: Claire
Hammock: Claire
Hammock: Claire
Ebook113 pages1 hour

Hammock: Claire

Rating: 5 out of 5 stars

5/5

()

Read preview

About this ebook

Hindi ako mag-isang naiiba. Napatunayan ko ito that day sa tree house. May 'strange' din kay Lolo Ami, na mas 'deep' kaysa sa nangyayari sa akin. Si Lolo Ami na si Ram na ngayon. Bumalik siya sa pagkabata at gumamit ng mas bagay na name—Ram. At ang preparation sa pagpapakilala sa kanya bilang si Ram ay kailangang "mamatay" muna ni Lolo Ami sa Bagong Awa. Nagtago na muna kami sa isang tahimik na town, sa Victoria. Malaya kami sa place na iyon dahil walang nakakakilala sa amin. Nag-stay kami sa Victoria para mapag-aralan ni Lolo Ami na maging si "Ram." At ang role ko? Tuturuan ko lang naman si Old Man na maging "teen" para sa pagbabalik niya sa 'new life'. Ang simple lang, `di ba? But every passing day, hindi na si Lolo Ami ang nakikita ko kundi si Ram. Puwede bang turuan din ako kung paano nga bang hindi ma-fall at ma-#hopia sa noon ay closest confidante ko na ngayon ay nagbago na ng "pagkatao"?

LanguageFilipino
PublisherVictoria Amor
Release dateJul 31, 2022
ISBN9798201606428
Hammock: Claire

Read more from Victoria Amor

Reviews for Hammock

Rating: 5 out of 5 stars
5/5

6 ratings1 review

What did you think?

Tap to rate

Review must be at least 10 words

  • Rating: 5 out of 5 stars
    5/5
    May book 3 na po ito? Heheheh ang ganda super nag enjoy akong basahin ?

Book preview

Hammock - Victoria Amor

One

TAPOS na...

No. This is just the beginning, princess.

The beginning...of what—

Of our story, Claire.

Nag-shift agad ako ng tingin. Mula sa tahimik na pagmamasid kay Lolo Ami—kay Ram, inilipat ko sa labas ng van ang focus. Ilang seconds lang, pumikit na ako agad sabay ang pag-iling—para putulin ang scene sa isip. Okay nang voice lang ang marinig ko. Stop na agad. Hindi ko na dapat hayaan pang bumalik sa akin lahat.

Mas sumandal ako sa backrest. Pinilit kong mag-isip ng ibang bagay. Hindi tamang ginugulo ako ng maraming memories. One week na ang dumaan na hindi ako tahimik pero si Ram, parang wala nang maalala. Lagi siyang calm. Laging focus. Laging matatag na parang walang kahit anong makakatinag. Hindi ko alam kung talagang may nagbago o feeling ko lang—na naging distant siya ngayong si Ram na siya.

Nawala na ba ang closeness namin ni Lolo Ami?

Gusto kong isipin na may something sa tree house—strong force yata, na parang magnet na humatak sa amin sa sa isa’t isa. At pagkaalis namin sa tree house, naputol na ang something na iyon—kaya wala na lang para kay Ram ang mga nangyari. Sa akin na lang may effect. Hindi na mawala sa isip ko ang nangyari nang gabing iyon.

Si Ram, busy na. Kausap lagi ang mga trusted people niya. And after one week na pagtatakip ni Kuya Goyong sa presence ng bagong ‘Lolo Ami’ sa bahay, four thirty AM, nag-travel na kami paalis ng Bagong Awa. Ang plano, within three days, malalaman ng lahat na nagbalik Manila na si Lolo Ami. Magkaka-heart attack siya sa bahay niya sa Villagio Oriente at dead on arrival sa ospital bago ang fifth day. Pagkatapos ng bad news, darating sa bahay ang coffin—sealed, palalabasin na request rin ni Lolo Ami. Sealed coffin ang ihahatid ng lahat ng nagmamahal kay Lolo Ami sa araw ng funeral. Within the month, magbabalik sa Bagong Awa ang long lost apo ni Lolo Ami sa hindi man lang nakilalang anak—para maging heir. Babalik ang apo kasama ang trusted lawyer ni Lolo Ami at ang kaibigang retired police major na kilala ng mga taga-Bagong Awa. Kikilalanin ng mga nagmamahal kay Lolo Ami ang bagong tagapagmana—iyon ang nalaman kong plano nila.

Ang Ram Del Gracia na magbabalik, kasama ko pa sa bagong place na next destination namin. Gusto niyang ituloy ang bakasyon habang kumikilos ang mga trusted niyang tao.

Sa Victoria ang place na  iyon. Binigyan naman ako ni Ram ng option—ang sumama sa Victoria o bumalik na ng Manila. Mas pinili ko ang first option—kaya heto ako ngayon, kasama sa biyahe papuntang Victoria. Ang driver pa rin ni Ram na naghatid sa amin sa Bagong Awa—si Kuya Bob—ang sumundo sa amin at naghatid sa Victoria. Si Kuya Bob ang driver at all around helper ni Lolo Ami sa Villagio Oriente. Nalaman kong isa pala si Kuya Bob sa mga taong pinagkakatiwalaan ni Lolo Ami noon pa man, parang si Kuya Goyong rin. At alam rin ng driver ang secrets niya.

Mga one hour na kaming nasa biyahe. Tahimik na tahimik sa loob ng van. Kasama iyon sa mga changes na napansin ko. Nang maging si Ram si Lolo Ami, mas madalas na siyang tahimik. Laging nasa labas ang tingin na parang ang mga puno sa gilid ng daan ang best view na hinahanap ng mga mata. Nakakapanibago pero kailangan kong mag-adjust. Hindi na gaya ng dati lahat. Gusto kong umasa na ang ‘looks’ lang niya ang nagbago, pero hindi. Ramdam kong kasama ng pagbabalik niya sa teen age, nagkaroon na rin ng invisible wall sa pagitan namin.

Ilang beses nang nahuli ko ang sariling tinititigan siya, iniisip ko kung saan exactly ang nagbago. Kasi kung tutuusin, looks lang naman talaga niya ang nagbalik sa dati. Ang kabuuan ng pagkatao niya, kasama ang lahat ng experiences from age nineteen, nasa kanya pa rin.

Gusto kong magtanong pero nagbabago lagi ang isip ko. Natatakot ako sa sasabihin niya. Baka bigla niyang sabihin na ayaw na niya akong kasama. Gusto ko pa ng extension ng bakasyon. Ayoko pang bumalik sa pag-iisa. Mas hindi ko gustong putulin ang friendship namin. Siya lang naman talaga ang nag-iisang taong naiintindihan ako. Kung mawawala siya,  paano na ako?

#foreveralone?

Sad life.

At may isa pa akong problem—ang hirap matulog!

NAPA-EXHALE NA LANG AKO. Sobrang tahimik namin sa van. Pati si Kuya Bob, hindi man lang mag-music. Nakaligtaan ko pang mag-charge ng cell phone. Nabibingi tuloy ako sa katahimikan. Kung puwede lang ipilit ang antok, kanina pa ako tulog. Umayos na naman ako ng upo.

What is it, Claire?

Napatigil ako sa paglilikot sa upuan. Nagmulat ako ng mga mata at bumaling kay Lolo Ami—kay Ram. Ang hirap mag-adjust sa biglaang changes talaga. Pamilyar man ang boses at tono, ‘pag tumutok sa kanya ang mga mata ko, hindi ko na ma-convince ang sarili kong siya ang old man na naging matatag kong sandalan.

Lumipat sa mga mata ko ang titig niya. Na-feel ko na naman ang ibang beat ng puso ko. Nagbago man ang physical appearance niya, ang mga mata ay hindi. Naroon pa rin ang kakaibang lalim ng tingin niya. Mga matang parang ang daming messages na ipinaparating. Mga matang naging witness ng maraming karanasan at pagbabago kaya ang dami na ng naipong wisdom.

Mga matang pamilyar na pamilyar.

Ngumiti ako. Hindi ko alam kung bakit pero sa mismong moment na nagtama ang mga mata namin, feeling ko, bumababa ang invisible wall na naglalayo sa amin. Gusto ko na naman agad na lumapit.

At magtiwala.  

Gusto kong matulog, mababang sabi ko. Hindi nga lang ako inaantok. Nagbawi na ako ng tingin. Pinanood ko na lang ang view sa labas.

Nakalabas na pala kami ng Bagong Awa.

Hindi na nagsalita si Ram.

Mga ten minutes na nasa labas lang ang tingin ko. Sa mismong moment na pipikit na ako, naramdaman kong may inilagay siya sa left ear ko. Napabaling ako—para magulat lang na ang lapit ng mukha niya. Inilagay niya rin sa right ear ko ang isa sa dalawang earphones. Wala lang sa kanya ang ganoong lapit ng faces namin pero ako, parang may race agad sa chest.

Inilagay ni Ram sa kamay ko ang kanyang cell phone. May playlist na akong pagpipilian pagtingin ko sa screen. Pinili ko ang old song sa list. In-assume kong pampatulog lahat ang songs na mayroon siya.

Napangiti ako ng ninety’s na slow rock yata ang unang nag-play. Hindi ako makakatulog sa ganoong song pero pinakinggan ko pa rin. Gusto kong malaman kung ano ang mga songs na pinakikinggan ni Lolo Ami dati.

Playlist four ang pampatulog, Claire, hindi naka-full volume ang music kaya narinig ko pa rin ang sinabi niya. Nag-scroll ako para ilipat sa playlist four. Guitar instrumental ang nag-play. Hindi ko na inilipat. Hindi ko sure kung aantukin ako. Sana, oo.

Pero lampas one hour na, walang antok na dumating. Umayos na naman ako ng upo. Baka mali lang ang posisyon ko. Thirty minutes later uli, wala pa rin. Napa-exhale na ako. Four AM gising na kami kaya dapat ay aantukin ako. Pero hindi talaga.

What’s wrong with you, self?

"Claire?"

Napatingin uli ako kay Lolo Ami—Ram. Ram, Clarice, Ram na! Ang hirap mag-adjust talaga. Ang way ng pagtawag niya sa akin, si Lolo Ami ang naalala ko. Pero kapag tumingin na ako sa kanya, nag-i-skip talaga ang heartbeat ko sa pagtitig lang sa mukha niyang perfect. Ang hirap nang magbawi ng tingin kapag napatitig ako sa face niya.

Enjoying the preview?
Page 1 of 1