Discover millions of ebooks, audiobooks, and so much more with a free trial

Only $11.99/month after trial. Cancel anytime.

Tree House: Claire
Tree House: Claire
Tree House: Claire
Ebook133 pages2 hours

Tree House: Claire

Rating: 5 out of 5 stars

5/5

()

Read preview

About this ebook

Naiiba ako sa kanila. May something sa akin. Something strange and scary. May mga black out moments ako; nawawalan na lang ng malay at walang matandaan pagkatapos. May mga classmates na nagsasabing nakita nila ako sa isang place, na ina-approach nila ako pero hindi ko sila pinapansin. Ang sinasabi nilang place, hindi ko maalala. At hindi ko rin maalala na nakita ko sila.

Noong sixteen na ako, mas creepy na ang mga nangyayari sa akin. May black petal na lang akong nakikita sa kamay ko, nagiging usok tapos nawawala. And then one night, I dreamt of a shadow. Inabutan niya ako ng ring. Paggising ko the next day, I'm wearing the same ring.

Hindi ko na kinayang maging clueless. Na parang each day, mas lumalala pa ang mga nangyayari. Natakot na akong umabot sa ending na iniisip kong mapapahamak ako. Ang naisip kong escape, lumayo nang walang sure na pupuntahan.

Sumama ako kay Lolo Ami, ang favorite friend kong nag-iisang nakakaintindi sa akin. Gusto ko kasi talaga ng katahimikan. Ang hindi ko alam, may mysterious connection pala kami ni old man. Connection na kahit anong gawin namin ay hindi mapuputol. At nasa place na pinagdalhan niya sa akin ang sagot sa marami kong tanong—an old tree house.

        Ako pala si Claire at ito ang start ng journey ko…

LanguageFilipino
PublisherVictoria Amor
Release dateJul 25, 2022
ISBN9798201424466
Tree House: Claire

Read more from Victoria Amor

Related to Tree House

Reviews for Tree House

Rating: 5 out of 5 stars
5/5

5 ratings2 reviews

What did you think?

Tap to rate

Review must be at least 10 words

  • Rating: 5 out of 5 stars
    5/5
    Mag start na ulit ako mag basa kaya napa subscribe ako dito sa app na miss ko to?
  • Rating: 5 out of 5 stars
    5/5
    Ang sarap ulit-ulitin. Kinikilig ako ?
    Thank you po Ms VA.
    Next na agad ang hammock, kabitin eh ?

Book preview

Tree House - Victoria Amor

AMAIA...

Alam mong mangyayari ito, hindi ba?

Hindi ko na nais pang maniwala. Mahabang panahon nang nakulong ako, ikaw—tayong lahat. Ilang babae pa ang dapat sumuko?

Napagod ka nang maniwala?

Ang nais ko na lang ay katahimikan.

Katahimikan? Iniisip mong posible sa atin ‘yan? Hindi natin nakamit ang katahimikang sinasabi mo sa haba ng panahong nagdaan.

Siya na ang huli. Ano’ng mangyayari kung gaya ng mga naunang iba pa ay sumuko rin siya?

Nasaan na ang paniniwala mo sa hustisya ng liwanag?

Mayroon pa ba, Amaia?

Nagdududa ka sa sarili mong mga pangitain?

Mga pangitaing paulit-ulit lang ngunit wala pa ni isang nagaganap!

Magaganap na ngayon.

Ano’ng sinasabi mo?

Sumunod ka...

Marahang nagmulat siya ng mga mata. Naputol ang nagsasagutang boses sa kanyang isip. Kanina lang iyon. Kaninang nagkamalay ang dalagita. Kaninang ibang tao na ang nakita niya sa mga mata nito nang titigan siya. Hindi man niya nakita sa pangitain ang sandaling iyon, ang sumunod na ginawa nito ay nakita niya—ang paglabas nilang magkasunod sa pinto sa likod, ang mabagal na mga hakbang nito sa makipot na daan na alam na alam niya kung saan patungo, ang marahang paglingon sa kanya at pagngiti—ang mga iyon ay nakita na niya.

At ngayon, naroon na sila. Nakatuon ang mga mata sa isang parte ng matandang puno. Naroon ang katibayan ng panahong nagdaan ngunit hindi nasira ng mga nagdaang unos.

Buo pa rin, gaya ng isang tahimik na saksing naghihintay lamang ng tamang panahon para magsalita—sa kaso nila, para magamit.

Nakita mo sa ‘yong pangitain ang tagong daan, hindi ba?

Hindi siya sumagot, tahimik na tumitig lang sa bagay na pareho nilang tinititigan sa itaas ng puno.

Panoorin mong mabuti, Ramil, at humakbang ang dalagita patungo sa lumang hagdang gawa sa kawayan at matibay na kahoy. Pagdating sa tapat ng pinto, nakita niya ang malamlam na liwanag na bumalot sa lugar.

Ramdam ni Ramil ang ibang kabog sa dibdib. Hindi na tumuloy ang babae sa loob, ibinalik sa kanya ang tingin bago ngumiti. Pinanood niya ang paisa-isang hakbang nito pababa. Bumalik ang babae sa harap niya at tumingala, nakatuon sa mga mata niya ang titig.

Nakita mo na ang patunay? mababang tanong sa kanya, tinawid ang isang hakbang nilang pagitan at maingat na yumakap sa kanyang baywang. Nagbukas na muli ang tagong daan, mahal ko. Malapit na tayong lumaya. At mas humilig ito sa katawan niya.

Tumugon siya ng yakap. Hindi na nagawa pang sumagot. Bumigat ang dibdib niya kasabay ang pagdagsa ng malalim na lungkot. Napakatagal niyang hinintay ang sandaling iyon. Na maramdaman ang parehong init ng yakap. Iba man ang katawang nakakulong sa mga braso niya, ang init ay pamilyar.

Tumulo ang mga luha ni Ramil. Luha para sa isang pag-ibig na maagang naputol. Luha para sa mga batang pusong pinilit lumaban para lumaya ngunit nabigo. Luha para sa kanila ni Amaia. Luha para sa pag-ibig na tinanggap na niyang natapos na.

Huwag kang umiyak, mahal ko...

Pero nangilid na sa pisngi ni Ramil ang mga luha.

One

MAY SOMETHING SA AKIN. Something strange and scary. Ang hirap mag-explain kaya hindi na lang ako nag-a-attempt. Nasanay na rin akong hindi nagsasabi sa iba. Mas magiging complicated lang kasi. Hindi rin naman sila magsasayang ng panahon na i-research ang something na iyon. Ako nga, give up na, eh.

Ang malinaw lang talaga, hindi ako gaya nila. Yes, I am different. May iba sa akin. ‘Iba’ na hindi ko maintindihan. Na hindi ko sinasabi sa kahit kanino dahil hindi rin naman nila maiintindihan.

My name is Clarice Viendeja. At first look, an ordinary teen. But I’m not. Walang ordinary sa akin. Weird happenings—marami. Let me tell you where it all started.

Teen years—thirteen, to be exact. First year iyon na tanda ko talagang may mga mga weird things na nangyayari sa akin. Bigla na lang akong nakakatulog at nagkakaroon ng mahabang panaginip. Pero paggising ko, wala akong matandaang buong scene. May mga small details lang na nasa mind ko like, may nakita akong magandang place, or shadow, or naglakad ako sa madilim na way at may nakuha akong bagay sa place na iyon. Ang nakakapagtaka lang talaga, parang totoong nangyayari sa reality ang dream ko.

Noong thirteen ako, nanaginip akong naglalakad sa hindi clear na way na parang muddy. Paggising ko, may totoong mud sa mga paa ko. Noong fourteen naman ako, shadow behind the white curtain naman ang nakita ko. Hindi clear ang face ng taong naroon. Parang matangkad na guy sa likod ng curtain. Binigyan niya ako ng flower—black rose. Paggising ko, may isang petal ng black rose sa kamay ko na nag-stay lang nang ilang seconds bago naging itim na usok na sumama sa hangin.

That was the first time I got really scared. Feeling ko, may dark energy na parang tina-try akong kunin o sakupin—mga ganoong thought talaga ang naisip ko. Parang scene sa movies, eh.

Scary, right?

Noong fifteen naman ako, parang magical place ang napuntahan ko sa panaginip. May nag-abot sa akin ng ring—paggising ko, nasa ring finger ko na ang ring na may tampok na black gem. Kung iyong rose petal naging usok at nawala, iyong ring ay hindi ko na maalis. I’ve tried getting it off my finger—many times—but failed. Naaalis ko pero nagko-collapse ako after ng attempt. ‘Tapos kapag conscious na ako, nasa finger ko na naman ang ring na hindi ko alam talaga kung saan galing.

Super scary ‘di ba?

Pero wala namang nangyari sa akin kaya hinayaan ko na lang. Ang creepy lang talaga na parang bigla ay engage na ako. Engage to someone I don’t even know. Someone who’s somewhere, may power perhaps? Baka nga pinapanood pa ang activities ko. Kung iisipin ko isa isa, mababaliw ako kaya hindi na lang.

Si Mama Irah naman, walang pakialam sa akin. Mas madalas pang wala sa bahay. Mas gustong gumagala kaysa samahan ako. Tinanggap ko nang hindi talaga niya ako ituturing na kapamilya. Hindi naman kasi kami magkadugo talaga. Adopted sister siya ng biological mother na hindi ko na nakilala. Nagkaisip akong si Mama Irah na ang kasama.

As early as ten years old, sinasabi na niya sa akin na hindi kami totoong mag-ina at hindi ko siya kadugo. Lagi niyang sinasabi na hindi ako dapat mag-expect ng affection at attention. Na magpasalamat na lang ako na nagtitiis siyang kasama ako.

Sad life?

Yeah. So sad.

Maraming beses kong naisip na maging bad girl na rin para fit sa bad life na mayroon ako. Mag-try ng vices, mag-party all night, mag-join sa mga bad influence na teenagers sa paligid, mag-engage sa premarital sex—naisip pero hindi ko ginawa. Sa isip ko kasi, sad na nga ang life ko, sisirain ko pa? Madali lang maging fallen teen pero mas takot ako sa fact na kapag sinira ko ang sarili ko, wala man lang lalapit para ibangon ako. Ako lang ang magiging sobrang kawawa, ‘di ba?

Kaya naghanap na lang ako ng friend na maiintindihan ako. One or two friends, okay na. Naisip kong madali na lang mag-open up sa kanila pero mali ako. Everytime I see them living a normal life with their families, I get hurt. Nakikita ko ang kaibahan namin. Nararamdaman kong hindi ako tulad nila. Ang kasunod noon, matatakot na akong magsabi sa kanila. Takot na akong hindi maintindihan. Takot na akong ma-judge. Takot na akong ma-reject.

Nasanay na lang akong mag-isa. Na sarili ko lang talaga ang kakampi ko. Siguro, nakatingin si God sa mga moments na sobrang confuse na ako. Mga oras iyon na wala na akong maintindihan. Mga oras na tanong na lang lahat ang nasa isip ko—that exact moment, may nakilala ako.

A new friend—si Lolo Ami.

RAMIL DEL GRACIA ANG name ni Lolo Ami. Tall, lean and gray-haired sixty seven years old friendly neighbor. Halos four years na siyang neighbor namin pero two years pa lang kaming friends.

Fourteen ako noong una ko siyang na-meet. Naglalakad siya noon sa village namin kasama ang big dogs niya. Mga golden retrievers. Kasama ko rin that day si Sani, ang baby kong shih tzu. Si Sani ang reason kaya intact pa ang sanity ko hanggang ngayon.

That day, nag-hi sa akin si Lolo Ami at sumabay na maglakad. After noong first day na iyon, nagkakasabay na kami lagi every morning. Naging favorite friend ko siya. Ang dami niyang kuwento na may life lesson. Ang sarap makinig sa kanya. Pero ang pinakamagandang bagay na nangyari, naging madali sa akin

Enjoying the preview?
Page 1 of 1