Discover millions of ebooks, audiobooks, and so much more with a free trial

Only $11.99/month after trial. Cancel anytime.

The Man Of Her Dreams Book 2
The Man Of Her Dreams Book 2
The Man Of Her Dreams Book 2
Ebook222 pages3 hours

The Man Of Her Dreams Book 2

Rating: 5 out of 5 stars

5/5

()

Read preview

About this ebook

Book 2

Unlike many women, Diadem was a hardcore non-believer of marriage for love. She would rather prefer marriage for convenience and vowed not to follow her parents' doomed marriage. A testament to what folks regard as 'How love turned bloody awry'. Iyon kasi ang dahilan kaya maaga siyang naulila sa mga magulang at lumaki sa pangangalaga ng mga yaya at tagataguyod. Until she met Vince, a top notch charmer who could easily manipulate women with his gorgeous looks and sinfully, sexy body. With a whip of his finger, she found herself ditching her precious 'motto' and craved for the otherwise - Love and Marriage.

But Vince was the exact opposite of The Man of Her Dreams. He was rugged, dangerous and utterly unpredictable. He was the reincarnation of the infamous Judas. In fact, she baptized him with that moniker for quite some time. But boy oh boy, she did fall in love with him... fast and hard. Just when things were going smoothly between them, Vince dropped her like a hot potato. That was when she found out that he was out to seek revenge and was hell-bent to make her life a living mess.

Pero hindi lamang ang sikreto ni Vince ang kanyang natuklasan. She was unprepared to discover her own dark past, and the crime that she unknowingly committed a long time ago. A crime that would forever haunt her even up to her grave.

LanguageTagalog
PublisherSharon Rose
Release dateNov 13, 2014
ISBN9781311708380
The Man Of Her Dreams Book 2
Author

Sharon Rose

Born a dreamer, Sharon Rose would just spend her time staring into nothingness while weaving beautiful stories on her mind. Soon enough, she found herself scribbling on the pages of her notebooks, writing about how a guy and a girl meet, how they fall in love, and how they struggle to have their happy ending.In her young heart, she dreamed to become a writer, which is her very first ambition. But then, she realized that writing won't make her rich, so she shifted her energies to a more productive pursuit. But it turns out that writing is her true calling, and weaving beautiful stories is her forte. This is what she loves to do. So she decided to follow her heart, and developed the talent God gave her.It is not the monetary gains that motivate her to write, but the love and support of her dear readers who appreciate her works. Now, she's happy writing. A profession she intends to keep for as long as she lives.You can find her on:Wattpad - www.wattpad.com/iamsharonroseFacebook - www.facebook.com/iamsharonrose

Read more from Sharon Rose

Related to The Man Of Her Dreams Book 2

Related ebooks

Reviews for The Man Of Her Dreams Book 2

Rating: 5 out of 5 stars
5/5

1 rating0 reviews

What did you think?

Tap to rate

Review must be at least 10 words

    Book preview

    The Man Of Her Dreams Book 2 - Sharon Rose

    cover.jpgimg1.jpg
    I am always in awe of successful people who really made it big in life from scratch. They inspire me so much that I also dream to become successful someday... hehe... They say, ‘walang bayad ang mangarap,’ so gora lang. lol!
    Some of the characters in this story are inspired by real life people. Henry Sy, for instance. And one more thing, Diadem is pronounced as Da-ya-dem. FYI. :)
    And I am inviting you guys to join SHARONITES on fb. It’s the official fb group of Sharon Rose’s loyal readers. See you there!
    Much love,

    Sharon Rose

    The Man Of Her Dreams

    Book 2

    SHARON ROSE

    One of the most raved stories on

    www.tbionlinestories.blogspot.com

    and

    www.wattpad.com

    Rated 18:

    Some scenes are not suitable for readers below eighteen years of age. Strict Parental Guidance is advised.

    Timeless Bestsellers

    Philippines

    Timeless Bestsellers

    The HOME of Timeless, Sexy and Unforgettable
    Taglish Romance Novels
    Published by:
    TBI Publishing House
    02 Road 1 Dona Vicenta, Bajada, Davao City
    email: timelessbestsellers@gmail.com
    website: www.tbionlinestories.blogspot.com

    The Man Of Her Dreams 2

    Copyright ©2014
    ISBN 978-971-9664-12-3 
    First Printing 2014
    Edited by: TBI Editorial
    Cover Design: TBI Creatives
    Reproduction and copying in any form is strictly
    prohibited without a written permission
    from the publisher.
    This is a work of fiction.
    Names, places, brand names,
    incidents, events, etc., mentioned in the book
     are solely a product of the writer’s imagination.
    Any similarities to true to life events
    are purely coincidental.
    All rights reserved.
    img2.jpg

    WINONA

    TWENTY FOUR YEARS AGO

    Akmang bubuksan ni Winona ang dahon ng pinto ng kanyang nirerentahang maliit na studio apartment nang mapansin ang batang nakaupo sa pintuan ng katabing unit. Nakatalungko ito at mukhang matamlay. Malungkot din ang maiitim na mga mata nito.

    Kahapon nang dumating siya ay nakita niya ang bata sa pintuan ding iyon. He was around six or seven years old. Maiitim ang bilog na mga mata. Dark skinned. Pero matangos ang ilong at guwapo. Halatang may lahing Arabo. Apat na taon din siyang nagtrabaho bilang domestic helper sa Kuwait at marami na siyang nakahalubilong mga taong may dugong Arabo. And the little boy had an Arab features. Siguro ay mestizo ito. Pinay ang ina at Arabo ang ama. And she couldn’t help, but notice that he was sad again. At mukhang may hinihintay. Lumingon ang bata at nagtama ang mga mata nila. She could see sadness and worry in his young, rounded eyes.

    Nginitian niya ito. Tila nahihiyang ngumiti rin ito sa kanya. Ang mabibilog nitong mga mata ay tila naging singkit. Right at that moment she knew that the young boy would break a lot of women’s hearts when he grew up. Bumaba ang mga mata nito sa tinapay na kanyang bitbit. Nakita niya itong lumunok. Gusto mo? Iminosyon niya ang dalang tinapay dito.

    Marahan itong umiling at ibinaba ang paningin sa sahig. But she could clearly tell by the look in his eyes that he was hungry. Siguro ay nahihiya ito sa kanya.

    Lumapit siya rito. Sige na, kunin mo na ang tinapay na ito. Meron pa naman ako sa loob eh.

    Talaga po? Tiningala siya nito. His face brightened.

    She nodded her head. Sa iyo na iyan. Mukhang nagugutom ka na yata eh. Iniabot niya ang plastic ng tinapay sa bata. Pero nag-aalangan pa rin ito. Sige na. Huwag ka nang mahiya, nginitian niya ito. Ano nga palang pangalan mo, anak?

    Vince po, ale, magalang na sagot nito. Tumayo ito sa pintuan at inabot ang plastic ng tinapay. Tila nagningning ang mga mata nito habang sinamyo ang mabangong hot bread na binili niya. The bread was intended for her breakfast. But she didn’t care anymore. Mas mukhang kailangan ng batang lalaki ang tinapay kesa sa kanya. Alas nuwebe na nang gabi at tila hindi pa ito nakakakain.

    Katulad nang payak at maliit na apartment na inuupahan niya na gawa sa kahoy ay ganoon din ang itsura ng katabing unit. It was located in one of the shanty corners of Tondo, Manila.Bumalik siya sa Pilipinas mula sa pagtatrabaho sa Kuwait pagkatapos mag-expire ng kontrata niya dalawang buwan na ang nakalilipas. Ang balak niya ay muling mag-abroad at hindi pa sapat ang perang naipon niya sa loob ng apat na taong pagtatrabaho bilang isang domestic helper. Nag-iipon kasi siya ng malaking pera dahil may pinaglalaanan siya niyon. Isang napakaimportanteng bagay para sa kanya.

    Muli na siyang nakapag-apply sa isang agency at hinihintay na lamang niya na magkaroon siya ng employer. At habang naghihintay para sa napipintong pagtatrabahong muli sa abroad, nag-apply siya ng trabaho. Natanggap siyang isang tindera sa tindahan ng mga sapatos sa Baclaran. May hinihintay ka ba? tanong niya sa bata na kaagad na kinain ang tinapay na kanyang ibinigay. Mukhang hindi pa nga ito kumakain at gutom na. Payat ito. Tanda na hindi maayos na nakakakain araw-araw.

    Hinhintay ko po ang nanay ko. Hindi pa kasi siya dumarating eh, sagot nito habang patuloy sa pagkain ng tinapay.

    Ang tatay mo? Pasimpleng sumilip siya sa pintuan. Halos walang gamit sa loob at makalat ang paligid.

    Nalukot ang mukha ng bata. Wala po akong tatay eh, anito sa malungkot na tinig. Kaming dalawa lamang ng nanay ko ang nakatira rito.

    Nasaan ang nanay mo? hindi niya maiwasang magtanong. Naiiwang mag-isa ang batang lalaki na walang kasama at mukhang wala ring pagkain. She felt pity for the child.

    Nasa trabaho po. Gabi na siya kung umuuwi.

    Ah.... Napatango-tango na lamang siya. Nang bigla na lamang mabilaukan ang bata. Naku, uminom ka ng tubig..." Nagkukumahog na binuksan niya ang pintuan ng kanyang unit at hinila ang bata papasok. Kaagad na kumuha siya ng baso at nilagyan iyon ng tubig mula sa gripo at ibinigay sa bata. Mabilis na ininom nito ang tubig. Nang maubos iyon ay muli niyang kinuha ang baso at nilagyan ng tubig at ibinigay rito. Muli na namang naubos inumin ng batang lalaki ang tubig.

    Okay ka na ba? tanong niya nang ibigay nito sa kanya ang baso.

    Tumango ito. Okay na po ako, ale. Salamat po.

    Isang malapad na ngiti ang gumuhit sa mga labi niya. Ginulo niya ang may kahabaang buhok nito. She was fond of the little boy. Sabik siya sa bata at sa isiping may kapitbahay siya na isang guwapong batang lalaki ay nagbigay iyon ng kasiyahan sa kanya. Tiya Winona. Tawagan mo na lamang ako sa ganyang pangalan, okay?

    Sige po, Tiya Winona, mabini itong ngumiti sa kanya. Maraming salamat po ulit.

    Walang anuman, Vince... Muli niyang ginulo ng kanyang mga daliri ang buhok ng bata. Magmula ngayon ay magkaibigan na tayong dalawa ha? Huwag kang mahiyang bisitahin ako rito kung may kailangan ka. Okay?

    Okay po, Tiya Winona. Salamat!

    The boy threw his hands around her. Natutuwang ginantihan niya ang yakap nito. Inihatid pa niya ito pabalik sa kabilang unit. Magmula noon ay araw-araw nang naglalagi sa unit niya ang batang lalaki kapag nandoon siya at wala ang ina nito. Pinapakain niya ito at inaalagaan. Maaga na rin siyang umuuwi pagkatapos ng trabaho niya dahil alam niyang naghihintay na si Vince sa kanya. The little boy gave her happiness and he found a second mother in her. Naging close silang dalawa. Nakilala na rin niya ang ina nitong si Marietta. Bata pa ito sa edad na beinte tres. Mag-uumaga na kung umuwi mula sa tinatrabahuan nitong massage parlor.

    Ayon dito ay sixteen pa lamang ito nang mabuntis kay Vince. She was a victim of an unfortunate circumstance. Dahil sa hirap ng buhay ay nagtrabaho ito sa isang club sa Malate sa murang edad. At doon nito nakilala ang isang Arabo na dayo sa Maynila. He was her very first customer. Nagustuhan ito ng Arabo at naging pabalik-balik ito sa club na pinagtatrabahuan ni Marietta. He became her exclusive customer, sa request na rin ng lalaki sa may-ari ng club. He showered her with money and material things. Pero isang araw ay nagpaalam ito na babalik pansamantala sa Dubai, kung saan ito nakatira. He said that he would go back, but he didn’t. Pagkalipas ng ilang buwan ay natuklasan ni Marietta na nagdadalangtao ito. Sa murang edad ay pinanindigan nito na maging isang ina. Pero hindi ganoon kadali ang lahat.

    Napabuntong-hininga na lamang si Winona. Naiintindihan niya ang hirap na pinagdaanan ni Marietta. Dahil hindi rin naging madali ang buhay para sa kanya. Alam niya kung gaano kahirap maging isang mahirap. Kaya siguro madali niyang nakapalagayang loob ang batang ina. Ipinagkakatiwala nito si Vince sa kanya kapag wala ito. Kapag nauubusan ng pagkain ang mag-ina ay binibigyan na lamang niya ng kung anong meron siya.

    Sa ganoon nagsimula ang samahan nilang tatlo.

    Nagising si Winona sa malalakas na katok sa pinto. Pupungas-pungas na bumangon siya upang buksan ang pinto. Madilim pa ang kapaligiran. Nakita niya ang nag-aalalang mukha ni Vince nang mabuksan niya ang dahon ng pinto.

    Tiya Winona, si nanay! malakas na wika ng bata. He looked frightened.

    Sukat sa narinig ay kaagad na pumunta siya sa unit ng mag-ina. Ilang araw nang mataas ang lagnat ni Marietta. Kahapon ay pinayuhan na niya ang babae na magpatingin sa doktor pero ayaw nito. Wala raw kasi itong perang pambayad. Kaya tiniis na lamang ang sakit. Nakasunod sa kanya si Vince at kaagad na dinaluhan ang ina nang marating nila ang papag na kinahihigaan ni Marietta. Nanginginig ang babae na tila nagdedeliryo. Marietta... Hinaplos niya ang noo nito at kaagad na binawi niya ang kamay nang mapaso. Umaapoy sa lagnat ang babae.

    Kanina pa po ganyan si inay, Tiya Winona. Nag-aalala na po ako sa kanya. Ang nanay ko, Tiya... Si Vince na hinawakan ang kamay ng ina.

    Dalhin natin sa ospital ang nanay mo, Vince. Kailangan na siyang magamot doon... aniya at muling hinaplos ang noo ng babae.

    Huwag na, Winona... kaagad na tutol ni Marietta sa mahinang tinig.

    Naku, Marietta, huwag kang ganyan. Mukhang masama na talaga ang lagay mo. Kailangan ka naming madala sa ospital ngayon din.

    Pero wala akong perang pambayad, Winona... Pinipilit nitong buksan ang halos tumitirik na mga mata.

    Napabuntong-hininga siya. Alam niyang walang perang pambayad sa ospital ang mag-ina. Ilang araw nang maysakit si Marietta at absent ito sa trabaho. Kapag hindi ito pumapasok sa trabaho ay wala itong kita.

    Huwag ka nang mag-abala pa, Winona. Baka lagnat lang ito. Huhupa rin ito bukas. Vince, anak, punasan mo na lamang nang malamig na tubig si nanay...

    Pero kanina ko pa kayo pinupunanasan, ‘Nay, at hindi pa rin humuhupa ang inyong lagnat, singit ng batang lalaki habang mahigpit na hawak ang kamay ng ina.

    Masama na talaga ang kutob niya. Hindi na maganda ang lagay ni Marietta. Kung mapapabayaan pa ito ay baka mas lalo pang lumala ang sakit nito. At hindi niya kayang hindi makialam. Isang malalim na buntong-hininga ang pinakawalan niya. May pera siyang ipon pero pinakatago-tago niya iyon. Sa katunayan ay nagtitiis siya huwag lamang mabawasan ang ipon niya. Dahil isang napakaimportanteng bagay ang pinaglalaanan niya niyon. Higit pa sa kanyang buhay. Pero hindi rin niya kayang pagmasdan na lamang si Marietta at hayaan ito sa kalagayan nito. Sa loob ng ilang linggo ay halos naging isang pamilya na lamang sila. Nakikita niya kung gaano nag-aalala si Vince para sa ina nito.

    Hindi bale, Marietta, aniya kapagkuwan. Ako na muna ang bahala. May pera pa naman ako. Kailangan kang madala sa ospital ngayon din...

    Pero... wala kaming pambayad niyan, Winona...

    Huwag mo na munang isipin iyan, Marietta. Bayaran mo na lamang kapag nagkapera ka na. Sa ngayon ang mahalaga ay madala ka namin sa ospital at malapatan ka nang kaukulang gamot. Lumalala na yata yang sakit mo.

    Napailing na lamang ito. Nakita niya ang isang butil ng luha na dumaloy sa mata nito.

    Tulungan mo ang Tiya Winona, Vince, baling niya sa batang ayaw umalis sa tabi ng nakaratay na ina. Dadalhin natin sa ospital ang nanay mo. Maghanda ka ng mga gamit at damit ninyo na kailangan natin sa ospital.

    Opo, Tiya, maagap na sagot ng bata at kaagad na sinunod ang utos niya.

    Siya naman ay lumabas at naghanap nang masasakyan para madala nila sa ospital si Marietta.

    Bakit hindi ninyo kaagad dinala sa ospital ang pasyente? Sana ay naagapan kaagad ang kanyang sakit. Napailing ang doktor habang kausap sila ni Vince. Nakayakap sa kanya nang mahigpit ang bata. She was consoling him by running her hand at his back.

    Ikinalulungkot ko pero hindi namin naisalba ang buhay ng pasyente, Miss, pagpapatuloy ng doktor. Kahapon pa pumutok ang appendix niya at tuluyan nang nalason ang kanyang katawan. Kaya ang taas ng lagnat ay dahil may impeksiyon nang kumakalat sa katawan. Wala na kaming magagawa pa...

    Naramdaman niya ang paghigpit ng yakap sa kanya ni Vince. Tumigil ang paghagod niya sa likod ng bata. Hindi niya inaasahan ang balitang iyon. Pero hindi naman nagrereklamo si Marietta na masakit ang tagiliran niya, dok, paliwanag niya habang magkasalubong ang mga kilay.

    Baka tiniis lamang ng pasyente ang sakit, wika ng doktor. Kung nadala lang sana nang maaga rito ang pasyente, hindi mangyayari ito. But she was already poisoned. Wala na kaming nagawa para maisalba ang buhay niya. I’m so sorry, but she’s gone...

    Tiya! Si Vince na isinubsob ang ulo sa kanya at napahagulhol ng iyak. Nagdurugo ang puso niya para sa bata. He was still very young to be orphaned. Kinalong niya ito at mahigpit na niyakap. Kung sana ay hindi na niya isinama ang bata habang kausap ang doktor. Pero magkasama silang naghihintay sa labas ng emergency room paglabas ng manggagamot kanina. And she couldn’t shield the poor child from pain anymore. Alam na nito ang masamang balita.

    Hindi niya alam kung papaano niya aaluin ang bata. Alam niya kung gaano kasakit ang nararanasan nito. Hindi madali ang mawalan ng isang ina, lalo na sa bata pang katulad ni Vince. Nakaalis na ang doktor pero patuloy pa rin sa pagtangis si Vince. Hinayaan lamang niya itong umiyak sa kanyang balikat. Mahigpit lamang niya itong yakap para iparamdam dito ang pagdamay niya. Ang malakas na hagulhol nito ay naging pagsinghot na lamang pagkaraan ng halos tatlumpong minuto.

    Tiya Winona, ang Nanay... maya-maya ay wika nito habang napapasigok.

    Hussshhhh... Sinuklay niya ng mga daliri ang buhok nito. Tahan na...

    Tiya... He pulled his face on her shoulder and she saw his anguish. Puno ng luha ang mga mata nito na halos ay namamaga na. Si nanay... Naglandasan na naman sa mga mata nito ang luha nang paghihinagpis.

    I’m really sorry, Vince... Naiiyak na rin yata siya habang pinagmamasdan ang batang tumatangis sa kanyang mga bisig. Wala akong nagawa para iligtas ang nanay mo... her voice trailed off.

    Tiya! Mahigpit siyang niyakap ng bata na tila umaamot ng lakas sa kanya. Hindi naman niya ipinagdamot iyon. Paano na ako? Wala na ang nanay ko... patuloy nito sa pagtangis.

    She continued consoling him. Alam niyang hindi magiging madali para rito na tanggapin ang nangyari. Napakabait na bata ni Vince at mapagmahal sa ina. Alam niyang nasasaktan ito nang lubos. If only she could take away some of his pain. Huwag kang mag-alala, anak, mabining wika niya habang hinahalikan ito sa ulo, nandito naman si Tiya Winona. Hindi kita pababayaan. At magmula ngayon, ako na ang tatayong ina mo. Palalakihin kita at ituturing na parang anak ko. At magmula ngayon ay Nanay Winona na ang itawag mo sa akin, okay?

    Isang mahigpit na yakap ang iginanti nito sa kanya. Niyakap rin niya nang mahigpit ang bata. Buo na ang kanyang pasya. Siya na ang aako ng responsibilidad ni Marietta kay Vince. He would be her child from now on. Kahit pa nagluluksa sa pagkamatay ng isang kaibigan ay may ligayang dulot iyon sa kanya. Vince would be her child, her family. May makakasama na rin siya sa buhay. At hindi na siya mabubuhay nang nag-iisa. Dahil sa panibagong responsibilidad niya kay Vince ay hindi na siya natuloy sa pagbabalik sa abroad. She stayed in the Philippines where she lived together with Vince. Ginamit niya ang perang naipon niya para makapagsimula nang panibagong buhay. Nag-open siya ng isang karinderya at pinagyaman iyon.

    Inalagaan niya ang ulilang si Vince na higit pa sa isang tunay na anak ang turing niya. Sa abot ng kanyang makakaya ay ibinigay niya ang mga pangangailangan nito. Iginapang niya ang pag-aaral ng lalaki

    Enjoying the preview?
    Page 1 of 1