Discover millions of ebooks, audiobooks, and so much more with a free trial

Only $11.99/month after trial. Cancel anytime.

Of Love and Deception
Of Love and Deception
Of Love and Deception
Ebook377 pages5 hours

Of Love and Deception

Rating: 0 out of 5 stars

()

Read preview

About this ebook

Si Aliyah. Isang simpleng babae, laking-probinsiya. Lumaking salat

sa maraming bagay kabilang na ang katotohanang hindi niya tunay

na mga magulang ang nakagisnang pamilya. Wala nang panahon sa

pag-ibig dahil sa mga pangarap na pursigidong tuparin sa kabila ng

matitinding pasakit.

Si Dave. Sikat sa mundo ng showbiz a

LanguageEnglish
Release dateJan 29, 2024
ISBN9789360499945
Of Love and Deception

Related to Of Love and Deception

Related ebooks

General Fiction For You

View More

Related articles

Reviews for Of Love and Deception

Rating: 0 out of 5 stars
0 ratings

0 ratings0 reviews

What did you think?

Tap to rate

Review must be at least 10 words

    Book preview

    Of Love and Deception - Prinz Plang-Esmail

    Chapter 1

    Dave

                June 20, 1994.

    Nasaan na ba ‘yong batang ‘yon?

    N

    ahihilong hanap ni Yaya Melda sa akin. Nasa simbahan kami 'non. Kasal ng bunsong kapatid ni Papa at  ayaw ko sanang sumama, kaya lang kailangan. Aalis na kami ni Ate Marylaine papuntang Amerika next week at doon na mamamalagi sabi ni Mama. Mas gusto ko sanang kasama ang mga barkada ko sa marangyang subdivision namin kaysa sumama sa malayong probinsiya na 'to ng San Ignacio, kaya lang, hindi puwedeng baliin ang utos ng aking ama. Ang sumuway, patay!

                Dave! Tawag pa ni Yaya.

                Kawawang matanda, wika ko sa isip habang nagtatago sa isang pader sa likod ng simbahan. Lagi na lang siyang subject ng aking kalokohan. Ang lagi kong napagdidiskitahan tuwing sinusumpong ako ng karebeldehan.

    Bulaga!

                Ay, dios mio marimar! Sigaw ng matanda na napasapo sa dibdib nang gulatin ko. Tawa naman ako ng tawa. Hindi ka na talaga magbabago, Dave. Hay, dios ko! Buti na lang at wala akong sakit sa puso, bata ka! Hinahanap ka na sa loob ng simbahan. Magsisimula na ang kasal ‘di ka pa nagpapraktis.

    Madali lang naman ang gagawin ko doon, Yaya. Sanay na sanay na ako.

                Huwag matigas ang ulo, Dave. Malilintikan ka na naman sa Papa mo.

                12 years old na ako, Yaya. Hindi na bata para turuan step by step kung paano maglakad sa carpet habang nakahawak sa braso ko ang little bride na partner ko.

                Makikipagtalo ka na naman eh, kasimpleng bagay lang naman ng gusto ng Papa mo. Halika na.

                Simple pero kailangan kong sundin whether I like it or not. Walang simple kay Papa, Ya. Himutok ko.

                Dave—

                Oo na po. Tara na. Lukot ang mukhang nagpatiuna ako sa paglalakad papasok ng simbahan.

                Marami na ngang tao. Puro nakasuot ng mamahalin. Syempre, anak ng gobernador ng probinsiya ang ikakasal na tiyuhin ko naman, si Tito Alfred.

                Sa murang edad ko, sanay na ako sa ganitong eksena. Lagi akong nakakakita ng umpukan na puro lang naman payabangan ang usapan. Pulitika. Negosyo. Kapangyarihan. Escapades ng mayayaman.

                Nakita ko sina Papa at Mama. Magkatabi habang kausap ang ilang nandoon na kilala din sa alta-sosyedad. Napakunot-noo si Papa nang makita akong nakatingin sa kanila. Nagpaalam sandali sa mga kausap at lumapit sa akin kasunod si Mama.

    Where have you been? seryosong tanong nito sa akin.

                May tiningnan lang po ako sandali, Pa.

    Kanina ka pa hinahanap ni Melda. I'm warning you, David. Huwag mo akong ipahiya dito.

                Wala naman po akong ginagawa, Pa. Nakayuko ang ulong sagot ko. Hayan na naman siya. May gawin man akong kalokohan o wala, laging ganoon ang litanya niya.

                Alam kong masama ang loob mo sa pagpunta rito at kilala kita, Dave. Kaya magtino ka.

    Hon, relax. Wala namang ginagawa ang anak mo eh—

    Mabuti na ang malinaw, Grace. Babalik na ako doon. At ikaw, pumunta ka na sa mga kasama mo. Magsisimula na ang seremonya.

                Opo. Mahinang sagot ko. Hindi ko na hinintay na maunang umalis si Papa. Agad akong tumalikod palayo sa kanila.

    Dave! tawag ni Mama na ikinalingon ko. Isang ngiti lang ang pinakawalan ko para kay Mama pagkatapos ay ipinagpatuloy ko na ang paglalakad papunta sa mga kasama ko sa entrance ng simbahan.

    Nagsimula na ang kasal. Bored na bored na ako habang lumilipas ang oras. Gusto kong umalis pero hindi puwede lalo na't tila nagbabanta ang mga  tingin ni Papa sa akin. Ikinasya ko na lang ang sarili ko sa pagtingin-tingin sa paligid. Hanggang sa matanaw ko ang batang babae sa gilid ng simbahan sa labas. Nakatingin ito sa imahe ni Jesus Christ habang nagdarasal. May bagay na nakaipit sa magkasalikop na palad nito.

    Ang cute niya!

            Sa edad kong ito, alam ko na ang ibig sabihin ng maganda. Ng cute. Ng paghanga. May nakasabit pang ilang tali ng sampagitang kuwintas sa kaliwang palad nito. Ah! Nagtitinda siguro ito ng bulaklak, naisip ko.

            Busy ang lahat. Sinulyapan ko si Papa. Sa ikinakasal na siya nakatingin. Ganoon din si Mama. Halos lahat ng nandoon. Napangiti ako. Yes! Tahimik na hiyaw ko. Dahan-dahan akong tumalilis. Paalis na ang batang babae kaya binilisan ko pa ang paglalakad. Tingin ko ay nasa sampung taong gulang ito. Habang papalapit ako sa kaniya, lalo siyang nagiging cute. May katabaan ito at tila hindi pa naghihilamos.

                Pst... Sitsit ko sa batang babae na ikinalingon nito. Napakunot-noo ito habang nakatingin sa akin.

                Bakit? Inosenteng tanong niya sa akin. Natawa ako sa hitsura niya. Bungal pala ito. Pero mas lalong naging cute sa paningin ko.

                Ay, bungal! Kantiyaw ko. Naningkit ang mga mata nito. Bungal na singkit, tukso ko pa.

                Nagpalinga-linga ito na tila may hinahanap. Nang walang makitang kung ano ay binirahan ng talikod. Hinabol ko ang bata. Hinablot ko sa braso nang maabutan ko. Ang bracelet nito ang nahagip ko dahilan para mapigtas. Tumilapon din ang bagay na kanina'y nakaipit sa mga palad nito. Isang larawan ng babae.

                Ano ba?! Sigaw nito. Pagkatapos ay tiningnan ang nagkalat na beads sa konkretong pathway sa labas ng simbahan.

                Ay, sorry. Hingi ko ng paumanhin.

                Naluluhang napaluhod ang bata habang isa-isang pinupulot ang sumabog na beads ng bracelet. Tinulungan ko siya. Nasa akin ang pinakadisenyo nito. Isang tila maliit na kabibeng may nakaukit na pangalan. Aliyah.

                Di naman kita inaano, ah. Bad ka! Sigaw nito sa akin. Pagkatapos ay tumayo ito. May pinulot na kung ano hanggang sa namalayan ko na lamang na may tumamang matigas na bagay sa noo ko. Argh! Ansakit! Pagkatapos ay tumakbo na ito papalayo. Naiwanan nito ang tindang sampagitang kuwintas sa pathway, maging ang ilang butil ng beads. Kinapa ko ang noo ko. May bukol na. Hinanap ko ang bagay na tumama rito. Bato. Langya! Binato ako.

                Tumayo ako. Pinulot ang sampagitang kuwintas at ang mga beads na nagkalat pagkatapos ay inilagay sa aking bulsa pati na rin ang kabibeng may nakalagay na ‘Aliyah’. ‘Yon siguro ang pangalan ng bungal na ‘yon. Napansin ko rin ang larawang naapakan ko pala kaya hindi nakita ng bata. Pinulot ko at tinitigan. Maganda ang babae sa larawan. Baka Mama niya, naisip ko. Napangiti ako kahit nananakit ang bukol ko. Saka ko na tinalunton ang daan pabalik sa loob ng simbahan. Nawala ang ngiti sa mukha ko nang magtama ang paningin namin ni Papa. Nakunot-noo ito na mas akmang sabihin na sa bukol ko nakatingin kaysa sa mukha ko. Lagot na!

    Aliyah

                Buwisit na batang ‘yon! Paano na ‘yong paninda ko? Anong sasabihin ko kay Ate?

              Umiiyak na himutok ko habang panay ang punas sa naghalo nang luha at sipon. Sampung  taong gulang pa lang ako pero puno na ng sama ng loob at paghihirap ang puso ko. Sino nga ba'ng hindi? Naghihikahos ka na nga sa buhay, may mga bagay pang laging nakikita sa'yo tapos isusumbat ng mga tao sa paligid mo.

                Inabutan ako ni Ate Ynna sa ganoong hitsura.

                O, ano'ng nangyari sa'yo? Nakataas na naman ang kilay ni Ate. Kung saan-saan ka sumusuot, Aliyah! Ang tigas ng ulo mo.  Di ba, sabi ko sa'yo huwag kang aalis sa labas ng simbahan? Asan na ang paninda mo? Naubos ba? Asan na ang benta? Nangatog ako sa takot sa sunod-sunod na tanong ni Ate. Galit na naman siya.  O, ba't di ka makasagot? Asan ang pera?! Nakasigaw na si Ate.

                K-kasi ano, Ate—

                Ano?! Ginastos mo? Ikaw talagang ampon ka! Sigaw ni Ate sa akin habang pinipingot ang tenga ko. Hinila ako ni Ate habang pingot ako sa tenga.

                H-hindi po! Ate, nasasaktan po ako. Aray!

    Ampon! Hayun na naman. Sa murang edad ko, alam ko na ang ibig sabihin noon. Hindi tunay na anak. Wala na akong ibang naririnig mula sa mga tao sa paligid ko kundi ang salitang ‘yon. At isinusumpa ko ang katagang ‘ampon’. Katagang hinding hindi ko papayagang hindi malaman ang lahat ng sekreto at dahilang nakatago sa likod ng salitang ‘yon.

    * * * * * *

    After 17 years...

    Aliyah

                Suntok sa buwan. Madalas kong marinig ‘yon kay Nanay. Pag nagagalit siya kay Tatay, laging ganoon ang sagot nito. Pag nagtatalo silang dalawa lalo na pag lasing si Itay, hindi puwedeng hindi mabanggit ang salitang ‘yon. Gaya ngayong gabi. Kakarating ni Tatay mula sa maghapong pamamasada ng traysikel.

    Lasing ka na naman, Domingo. Narinig kong litanya ni Nanay.

            Parang hindi ka na nasanay sa akin, Mila.

            Asan ang kinita mo? Inubos mo na naman sa alak at pagtaya sa lotto?

            Oy, wag kang ganyan magsalita, Mila. Kapag ako nanalo sa lotto-

            Ano? Bibilhin mo ang buong San Ignacio? Tatapalan mo ng pera ang bunganga ng mga kapitbahay nating walang ibang ginawa kundi ang pag-usapan ang pamilya natin? Hayan ka na naman, Doming. Sumusuntok ka na naman sa buwan ng nakapikit.

    Hindi lang ‘yon ang gagawin ko, Mila. Ipapagamot ko rin iyang anak mong abnoy. Pag-aaralin ko ‘yang mga anak ko at babalik sa atin si Ynna.

    Huwag mong ganyanin ang bunso ko, Domingo.

            Totoo naman, ah! At ikaw ang may kasalanan, alam mo ‘yan. Kung hindi ka uminom ng kung anu-anong gamot at herbal, e ‘di sana normal ‘yang anak mo.

    Bakit sa akin mo isinisisi ang lahat? Kasalanan mo! Kung nag-isip ka sana ng maayos, hindi sana tayo ganito. Palibhasa puro lang pasarap ang alam mong gawin!

            Yang bunganga mo, Mila—

            Bakit? Nahihiya kang marinig ng mga anak mo at ng mga kapitbahay? Alam na nilang lahat ‘yan, Doming. Lintek na buhay ito, oo! Sawang sawa na ako sa hirap. Sawang sawa na ako sa kahihintay ng maginhawang buhay. Tingnan mo nga, Doming. Asan ang mga anak natin? Nagsisipag-alisan. Yang ampon mo, hanggang ngayon ano? Nasa apat na sulok pa rin ng lumang munisipyo. Akala ko ba, kapag nagtapos ‘yan makakaahon na tayo sa hirap, ha? Yan nga ata talaga ang malas sa buhay natin, eh.

            Mila—

                Nasa kuwarto ako't nagbibihis. Dinig na dinig ko lahat at sanay na ako. Wala ng ibabago ang sakit na nararamdaman ko. Namanhid na ata pati kasulok-sulukang bahagi ng puso't utak ko.

                Kadarating ko lang mula sa munisipyo kung saan nagtatrabaho ako bilang J.O (Job Order) sa Accounting Department ng munisipyo namin. Encoder/Utusan ako doon. Nagtapos ako ng 2-year Computer Programming sa sentro ng San Ignacio bilang Iskolar ng Bayan. Nahirapan akong maghanap ng trabaho pagkagraduate ko. Kung ‘di man tapos ng apat na taong kurso, laging with experience ang hinahanap. Mabuti na lang, sanggang dikit ni Tatay ang mayor sa amin kaya ako napasok sa munisipyo. Nakakalungkot nga lang dahil matatapos na ang term ni Mayor Flores ngayong taon at walang katiyakan ang kapalaran naming mga contracts of service sa munisipyo lalo pa nga't nasa kainitan at kasagsagan ang usaping pulitika doon. Ramdam pa naman na mahina ang manok ni Mayor kaya malamang sa hindi, matatalo ito at mabibilang na ang araw namin doon.

                Napabuntong-hininga ako pagkatapos kong magbihis ng pambahay. Mahabang taon na ang nakalipas pero nandito pa rin ako. Nandito pa rin ako sa lugar na matagal ko nang gustong takasan. Matagal na matagal na. Pero paano ako makakatakas kung nakatali na ako sa responsibilidad na iniwan ni Ate Ynna. Responsibilidad na sinukuan na ata ng palihim ni Itay at responsibilidad na hindi na kinakaya ni Nanay.

                Si Ate Ynna na kahit abot-langit ang galit sa akin ay mahal na mahal ko pa rin. Lumaki kaming magkasalungat ni Ate sa halos lahat ng bagay. Lahat ng ganda sa mundo sinalo na ata niya. Magandang pag-uugali lang ang hindi. Kung simple lang ako, mahilig sa postura naman si Ate. Kung pangarap kong magtagumpay sa pamamagitan ng maayos na paraan, iba si Ate. Apurado ito. Risk-taker, ika nga. Palaban. Handang salungatin ang mga magulang masunod lang gusto. Laging bida si Ate. Bida sa tsismisisan at umpukan ng mga kapitbahay.

    Walang hilig sa pag-aaral si Ate. Katwiran niya, total naman daw, ako ang matalino, ako ang may ambisyon, ako na lang daw ang mag-aral. Ako na ampon nila.

                Sinubukan kong magtanong noon kay Nanay kung ano ba talaga ang totoong pagkatao ko. Sinagot naman niya. Ampon nga ako. Pero hanggang doon na lang. Basta na lamang daw akong iniwan sa isang basurahan malapit sa dampa nila sa Pasig dati. Tatlong taon na si Ate Ynna  'non. Dahil sa awa ay kinuha nila ako kahit naghihikahos sila sa buhay. Umaasa na babalikan din ako isang araw ng tunay kong ina. Isang larawan, pulseras na may nakaukit na Aliyah at ang lamping pinabalutan sa akin lamang ang tanging iniwan kasama ko. Larawang naiwala ko pa maraming taon na ang nakakaraan.

                Sa sobrang hirap ng buhay, umuwi sina Nanay at Tatay noon sa San Ignacio, ang bayan ni Nanay.  Nagkaisip ako na galit si Ate Ynna sa akin. Na laging may nakabuntot na AMPON sa pangalan ko tuwing tinatawag ako o kakausapin ako. Na ako ang malas sa pamilya nila na lumaki pa sa paglipas ng panahon. Anim kaming lahat na magkakapatid. Si Ate Ynna at ako. Si Lito, 23 years old, namamasada rin ng traysikel para buhayin ang sarili nitong pamilya. Batang ama ito, bansag sa aming baryo. Disiotso lang nang mabuntis ang kasintahang si Tara na anak ng magbabalot sa kabilang bayan. Sa loob ng limang taon, tatlo na ang anak. Doreme pa talaga. Tsk.  Sumunod kay Lito si Jen, 18, na tindera naman sa isang puwesto ng RTW sa bayan. Hindi na ito nakapagtapos ng highschool. Wala ring ganang mag-aral. Panglima si Joaquin, fourth year high school at ang bunso, si Mimi na sampung taong gulang ay isang autistic.

            Muli akong napabuntong-hininga. Sinulyapan ko ang nakakuwadrado kong larawan nang magtapos ako ng techvoc course. Hindi biro ang naging takbo ng buhay ko pagkatapos kong maghigh school. Kung kani-kanino ako nakiusap para lang humingi ng tulong para makapag-aral. May natawa. May namintas. May naawa pero walang magawa. Namasukan akong kahera sa isang karinderya. Kayod sa umaga, aral sa gabi para lang maabot ko ang pangarap kong makaahon sa hirap at mahanap ang tao o mga taong nasa likod ng tunay kong pagkatao.

            Dahil malayo ang sentro mula sa amin, kinailangan kong mangupahan. Tipid na tipid ako sa lahat ng bagay. Kaya ko naman sana, eh. Dahil kahit papaano, may naibibigay sina Tatay kahit barya-barya lang kung tutuusin at napipilitan lamang. Hindi kasi sila sang-ayon na mag-aral pa ako pagkatapos maghigh school.

                Kaso lang, nagkaproblema ako. ‘Yong matandang panot na may ari ng boarding house ay lihim na nagkagusto sa akin. Muntik-muntikan na akong mapahamak. Buti na lamang at naging mabilis ang kilos ko. Kinatok ako ni Mang Celso sa kuwarto. May naghahanap daw sa akin, sabi niya. Araw ‘yon ng Linggo at madalas, mag-isa lang ako dahil nagsisipag-uwian ang mga kasama kong boarders. Off ko rin ‘yon sa karinderya kaya todo-aral ako. Itinulak ako ni Mang Celso pabalik ng kuwarto nang bahagya ko siyang pagbuksan ng pinto. Mabuti na lamang at mabilis kong naisara ang pinto. Nagsisigaw ako. Pinagpapalo ko ng upuang plastic ang plywood na dingding ng kuwarto. Mabuti na lamang at magkakalapit ang bahay doon. May mga tumulong sa akin. Nadala sa barangay si Mang Celso.

                Ako pa ang napagalitan nina Nanay noon. Masyado daw akong kampante at burara, eh kababae kong tao. Hindi ako umimik. Gusto nilang huminto na ako sa pag-aaral pero ayoko. Sa tindi ng awa ng amo ko sa karinderya, kinuha nila ako at pinatuloy sa tahanan nila habang nag-aaral ako at nagtatrabaho pa rin sa kanila. Panatag ako doon. Pero lagi na ata akong sinusundan ng malas. Ang pamangkin naman ni Aling Ludy ang nangtrip sa akin. Isang linggo bago ang graduation ko noon, lasing si Miggy. Naghuhugas ako ng plato at kaldero sa likod ng pwesto nang lapitan ako ni Miggy at yakapin. Gustong gusto daw niya ako. Muli, nagsisigaw ako at nagtatakbo pagkatapos kong tuhurin si Miggy.

    Walang katapusan ang paghingi ni Aling Ludy ng pasensya. Pinauwi nito sa probinsiya ang pamangkin.  Umalis na rin ako doon at ang natitira kong sahod na ‘di naman kalakihan ang ginamit kong panggastos sa araw-araw hanggang sa dumating ang araw ng pagtatapos ko. Magmula din ng mangyari ang araw na ‘yon sa karinderya, nag-iba na ang perception ko sa mga lalaki. Natuto akong mamuhi sa kanila. Na pare-pareho silang walang kuwenta katulad ng ‘di ko pa nakikilalang tunay na ama. Dahil kung mabuti siyang tao, sila ng tunay kong ina, hindi sana ako ganito. Pero sige lang, naisip ko. Kung magpapadaig ako sa galit ko sa mundo, anong ikinaiba ko sa kanila, ‘di ba?

            May mga nagsasabi na kung mag-aayos daw ako, mas maganda pa ako kay Ate Ynna. Pero wala sa isip ko ang mga ganoon. Dahil sa dalawang beses na muntik na akong mapahamak, itinago ko ang sarili ko sa likod ng maluluwang na t-shirts, pajama, pantalong maong at makapal na salamin sa mata. Manang na kung manang, wala akong pakialam.

          Dumating ang Graduation Day. Ang saya-saya ko noon kahit pa nga sina Jen at Joaquin lang ang dumalo sa graduation ko. Magtanim man ako ng sama ng loob, para ano pa. Isa lang ang malinaw sa akin noon. Mayroon na akong maipagmamalaki. Mayroon na akong diploma na puwedeng maging daan para mabago ang buhay ko.

    Pero akala ko lang ‘yon. Akala ko, pag nakatapos ka ng kahit 2-year course lang, puwedeng puwede ka ng makipagsabayan sa kalakaran ng buhay pero mali ako. Maling mali dahil heto pa rin ako. At 27, wala pa ring matinong ipon. Lahat napupunta sa pamilyang bagama't madalas na ipinaparamdam sa akin kung ano lang ako sa kanila ay mahalaga pa rin sa akin at ‘di ko magawang talikuran.

            Tatlong taon na ang nakakaraan, nawalang parang bula si Ate. Ang usap-usapan sa amin, sumama ito sa asawa ng isang kaibigan na taga-bayan. Ni wala silang narinig na kung ano mula rito hanggang ngayon. Tuluyan na atang kinalimutan ang naghihirap nitong pamilya. May ganoong ugali si Ate Ynna. Handang managasa at manakit ng kahit na sino, masunod lang ang gusto. Umalis si Ate ilang araw pagkatapos matuklasan ni Nanay na nagtatrabaho ito sa isang videoke bar sa bayan at gumagamit ng ipinagbabawal na gamot. Iniuwi ni Inay si Ate sa bahay. Nagkasagutan sila. Nasampal pa nga ni Nanay si Ate, eh. Sigaw ng sigaw si Ate. Isinusumpa kami. Isinusumpa ang kahirapan namin. Hanggang sa umalis na nga siyang bigla.

            Magmula noon, madami nang nangyari. Hay, ewan ko ba! Hindi ko alam kung hanggang kailan ako magiging ganito. Andami kong gustong gawin. Gustong marating pero sa tuwing sinusubukan ko na gawin ang unang hakbang, lagi akong nabibigo. Hanggang sa dumating na ata ‘yong punto na gusto ko nang sumuko. Gusto ko nang tanggapin ‘yong katotohanan na wala na talagang mangyayari sa buhay ko. As in wala na. Dead na.

            Tinamad na akong lumabas. Gutom na gutom pa naman ako. Nahiga na lamang ako sa aking katre. Ginawa kong unan ang dalawa kong braso habang nakatingin sa kisame. Matagal ako sa ganoong posisyon. Na para bang may tinitingnan pero wala naman. Ibinaling ko ang aking paningin sa kaliwang bahagi ng maliit kong kuwarto.

            Napangiti ako. Sa ngiti pa lang ng taong ‘yon sa larawan, tanggal na ang hinanakit ko, na bumabalik din naman pagkatapos ng ilang minuto. Siya lang ang nag-iisang lalaking hinayaan kong makapasok sa puso ko. Ayee,  korniks!

                Ito ang tunay na suntok sa buwan, bulong ng isip ko. Napabuntong-hininga ako. Bumangon at hinaplos ang mukha ng lalaking ‘yon sa poster na nakadikit sa kawayang dingding.

            Thank you, ha? Buti na lang, nandiyan ka para pangitiin ako kahit papaano. Kahit puro kamalasan at sakit ng loob ang inaabot ko, isang sulyap lang sa ‘yo, nagkakaroon ako ng panibagong lakas para lumaban. Mahinang kausap ko sa larawan. Natawa ako sa sarili ko pagkatapos. Para akong baliw pero ayos lang. ‘Yon ‘yong nararamdaman ko eh.

            Pagkatapos ko siyang titigan ay muli akong bumalik sa pagkakahiga. Ipinikit ko na ang aking mga mata. Inisip na kayakap ko siya. Na payapa akong natutulog sa mga bisig niya. Unti-unting nilamon ng katahimikan ang diwa ko. Di ko na narinig pa ang pagtatalo nina Nanay at Tatay, ang pag aalburuto ng tiyan ko at ang iyak ni Mimi.

    Chapter 2

    Dave

    N

    agising ako sa ingay na likha ng aparatong ‘yon ngunit nanatili pa ring nakapikit ang aking mga mata. Argh! Ansakit ng ulo ko. Unti-unti kong iminulat ang aking mga mata. Hindi pamilyar sa akin ang kuwartong ‘yon. Hinilot ko ang aking sentido. Naramdaman ko na may gumalaw sa gawing kanan ko. Babae! Muli kong ipinikit ang aking mga mata. Pagkatapos ay bumangon na. Nakaboxer shorts lang pala ako kaya ako nilalamig.

                Kinuha ko ang cellphone ko sa bedside table na kanina pa nag-iingay. Si Lola Emarie ang tumatawag. Napakunot-noo ako. Anong araw ba ngayon? Naku po, Linggo!

                Good morning, Lola bati ko sa kaniya.       

                "Good morning? Tanghali na, Dave! Asan ka na ba?

                Eh, La-

                Babae na naman ba, David Alejandro? Patay! Buong first name ko na ang binanggit.

                H-hindi po. Napagod lang po talaga ako sa shooting. Inumaga na ho kami kagabi, eh. Papunta na po ako diyan, La.

                Aasahan kita dito, hijo.

                Opo. Bye, ‘la. Love you.

            Napabuntong hininga ako nang wala na si Lola sa kabilang linya. Pagkatapos ay sinulyapan ang babaeng natutulog pa rin ng mahimbing sa kama. Si Lyka, ang super model na nakilala ko last week. What we had was fun and that’s it. Was na para sa akin. Past tense. Tapos na.

                Tinungo ko ang banyo at took a quick shower. Pagbalik ko, gising na si Lyka. Humihitit ng sigarilyo. Damn! Pagmumura ko sa isip ko. Turn off talaga ako sa mga babaeng naninigarilyo. Kung ‘di lang talaga ito maganda at game sa gusto ko,  nungkang papatulan ko ‘to.

                Aalis ka na? tanong nito sa akin. Tumango lang ako. Kailan tayo magkikita ulit? Nagkibit lamang ako ng balikat habang nagsusuot ng medyas na suot ko rin kagabi. She knows the rules. Di na dapat siya nagtanong. Women! Okay. Thank you for the wonderful evening, Dave. May pagsukong deklarasyon ng babae.

                Ngumiti lang ako. Pagkatapos kong magbihis (ng suot ko rin ng nagdaang araw), nagpaalam na ako. Didiretso na ako sa bahay ni Lola. Di pa naman ako mukhang gusgusin sa suot ko. Masyado na akong tatanghaliin ‘pag dumaan pa ako sa condo ko sa Makati. Mabait si Lola Ems pero kapag nagalit, mahirap suyuin. Isa sa pinaka-ayaw nito ay ang maghintay.

    Napapangiti ako habang nagmamaneho. Paano ba naman kasi? Sigurado akong may babaeng kasama na naman si Lola para ireto sa akin. Hay, ang Lola ko na mahal na mahal ko. Ang taong tanging nakakaunawa sa akin. Ang dumadamay sa akin sa panahong inaakala kong mag-isa na lang ako sa mundo.

            Dumaan muna ako sa isang flowershop. Nagsuot ako na ball cap at branded darkglass para itago ang mata kong inaantok pa.

                Good morning, Sir,  bati ng babaeng naabutan kong nag-aayos ng display nilang fresh flowers. Kitang kita ko ang kinang sa mga mata nito. Halatang nagpipigil ng kilig. Sanay na ako sa ganoon. Yabang ko, no?

            Isang matamis na ngiti ang isinukli ko sa pagbati niya. Yong pinakaexpensive at pinakamagandang arrangement, please.

    Sige po. Lumapit na ako sa cashier. Kaparehong reaksiyon ang natanggap ko mula sa babae sa likod ng kaha.

                Ilang sandali pa, sakay na ako uli ng kotse ko papunta sa bahay ni Lola. Hindi nagtagal, narating ko rin ang mansyon nito. Pababa na ako nang muling tumunog ang cellphone ko. Ang manager ko na si Tita Febe ang tumatawag. As usual, bilin dito at bilin doon na naman ang namagitang usapan.

                Matapos makipag-usap ay tuluyan na akong bumaba ng kotse at agad kong napansin ang puting kotse na nakaparada sa unahan lang kaunti ng pinaradahan ko. Oi, latest na model ng Honda Civic. Mayaman ang bisita ni Lola, wika ko sa isipan. Bitbit ang bulaklak ay pumasok na ako.

            Agad akong nakita ni Lola na nasa sala habang kausap ang well—malamang sa hindi, eh, bagong manok nito.

    You’re finally here, sabi ni Lola na agad tumayo at sinalubong ako. Matapos kong iabot ang bulaklak ay hinagkan ko sa pisngi si Lola habang ang mga mata ko ay nakapagkit sa kaniyang bisita na nakamata sa amin. Maganda, bulong ng kaliwang bahagi ng utak ko. Ordinaryong ganda, bulong naman ng kanan. Hinayaan kong magtalo ang dalawang side ng utak ko. 

                Hija, meet my grandson, David. Dave, apo ng kumare kong si Alicia, si Chloe, pagpapakilala ni Lola sa isa’t isa. Kinamayan ko si Chloe. Walang spark, walang kuryente, ungot na naman ni Kanang Utak. Tumahimik ka! Saway ni Kaliwa.  That’s it!  Magaan namang kausap si Chloe. Pero ayoko kasi sa mga babaeng pa-demure. ‘Yong halatang nagpapacute.

    Hindi na nasundan pa ang pagkikita naming ‘yon ni Chloe. Bagay na kinasanayan na ni Lola. It’s an indication na hindi na naman nagtagumpay ang mabait kong abuela. Thirty pa lang ako pero kung career-in ni Lola ang paghahanap ko kuno ng matinong girlfriend, akala mo mauubusan na ako. Bata pa ako. Nasa kasagsagan pa ng pagpapasarap sa mundo.

    Aminado ako. Happy-go-lucky akong naturingan. Katwiran ko kasi, hindi natin alam ang mangyayari sa atin sa mundong ‘to. Habang may pagkakataon kang maging masaya, sunggaban mo. Hindi naman lugi sa akin ang mundo, eh. Dahil kahit ganito ako, responsable naman ako pagdating sa trabaho. Sa commitments. And speaking of commitments, hindi kasali doon ang commitment ko sa mga babae. Dahil iisang babae lang ang para sa akin ay karapat-dapat pahalagahan at mahalin. Ang Lola Emarie ko lang. Hindi si Ate. Lalong hindi ang Mama.

    * * * * * * * *

    Aliyah

                Masama ang pakiramdam ko. Kanina pa ako pinagpapawisan ng malapot. Bagay na napansin ng kasama ko sa trabaho, si Ate Rosario.

                Ayos ka lang, Yah? tanong niya.

                O-opo. Medyo masama ang gising ko, eh, pero ayos lang po ako.

    Mag-undertime ka na lang. Ako na ang bahala kay Sir Tom. Namumutla ka, eh, suggest ni Ate Rosario na ang tinutukoy ay ang head namin sa Accounting Department.

                Nag-undertime nga ako ng araw na ‘yon. Dumiretso ako ng uwi. Laking gulat ko nang maabutan ang isang eksena sa bahay. Maraming tao. Nagkakagulo ang lahat. Ang iba, nakikiusyuso. May sumisigaw. May umiiyak. Boses ni Nanay ‘yon ah! Dali-dali akong pumasok sa bahay.

                Para akong itinulos sa kinatatayuan ko nang bumungad sa akin ang pinagkakaguluhan ng lahat. Nakabalandra si Tatay sa sahig habang sapo ni Nanay ang ulo nitong nakalungayngay.

                N-nay? nalilitong sabi ko. Nagpalipat-lipat ako ng tingin kina Nanay at Tatay. Di ako narinig ni Nanay. Unti-unti akong lumapit. Ginagap ko ang kamay ni Tatay. Mainit pa pero bakit ganon?

                Tay? tawag ko sa kaniya. Saka ako napansin ni Nanay. Sa gumagaralgal na tinig ay may sinabi siya. Ngunit isang kataga lamang ang naunawaan ko. Patay! Patay na si Tatay. Napapikit ako. Saka nag-unahan sa paglandas sa pisngi ko ang mga luha.

    Atake sa puso ang dahilan ng pagkamatay

    Enjoying the preview?
    Page 1 of 1