Discover millions of ebooks, audiobooks, and so much more with a free trial

Only $11.99/month after trial. Cancel anytime.

The Confidence Trick
The Confidence Trick
The Confidence Trick
Ebook285 pages4 hours

The Confidence Trick

Rating: 0 out of 5 stars

()

Read preview

About this ebook

After his former team used him as a scapegoat, recently incarcerated Lucas Rivera comes back with a vengeance. In order to get what he wants, he assembles the team he needs composed of the best people in different fields which includes a thief, a tech genius, a conman, a former boxing champion, a businesswoman focused on selling illegal goods, and an aspiring actor. Their target – the Luna y Estrella tiara, which was once owned by an infanta of the Spanish royal family during the late 18th century and is worth millions of dollars.

LanguageTagalog
PublisherUkiyoto
Release dateJun 29, 2021
The Confidence Trick

Related to The Confidence Trick

Related ebooks

Reviews for The Confidence Trick

Rating: 0 out of 5 stars
0 ratings

0 ratings0 reviews

What did you think?

Tap to rate

Review must be at least 10 words

    Book preview

    The Confidence Trick - Ayra Borjal

    Prologue

    ...Si Montealto pala ang nanalong presidente, ani ng isa sa mga preso na may hawak na diyaryo na ipinahiram sa kanya ng isa sa mga pulis, Hindi nanalo 'yung manok ko... Talo na naman ako sa pustahan...

    Ngumisi lamang ang isa pang preso na nakaupo sa sahig at nakasandal ang likod sa pader. Wala itong suot na pang-itaas, at abala sa pag-ahit ng buhok niya sa kili-kili gamit ang isang maliit na labaha. Sus... Kahit sino naman ang manalo diyan, hindi naman uunlad ang mga buhay natin. Yayaman lang lalo ang mga mayaman, at maghihirap lang lalo ang mga mahihirap na katulad natin. Hindi ba, Lucas?

    Tumango si Lucas habang inaayos ang sintas ng sapatos niya. Bagong-ligo ito at nakasuot ng isang asul na polo na kupas na ang kulay sa ibabaw ng isang manipis at lumang t-shirt. Inayos niya rin ang pagkakakuskos ng maong na pantalon niya na medyo masikip na dahil hapit na ito sa binti niya.

    Ganun ang buhay eh... tugon ni Lucas, Kaya nga ako nakulong eh. Dahil mahirap lang ako. Kayo rin naman, hindi ba? Hindi patas ang hustisya sa mga taong walang pera.

    Tama. Patango-tango pa ang pinakamatandang preso sa selda nila. Totoo 'yang sinabi mo.

    Pero Lucas... ani ng matabang preso na naupo sa tabi niya, Bakit ka nga ba nakulong?

    Nakalimutan mo na ba? ani ng presong nag-aahit ng buhok niya sa kili-kili. Mula sa kaliwa ay nakalipat na siya sa kanan, Nakulong dito si Lucas dahil ginamit siya ng mga kasamahan niya sa pagnanakaw. Nabalita nga 'yun nung nasa labas pa ako eh. Grabe 'yun...

    Ah, parang narinig ko rin 'yun eh. Kayo ba 'yung sumubok magnakaw sa bahay nung pulitiko?

    Hindi sila 'yun, bobo... Iba naman 'yun. Bangko ang pinunterya nina Lucas.

    Manghang-mangha ang preso dahil sa napagtanto. Grabe pala 'yun... Ibang klase. Ang astig mo pala!

    Astig ka diyan. Ano ba ang astig dun eh nakulong nga ako. Ngumiti na lamang si Lucas habang umiiling-iling. Pero alam mo, hindi ko pinagsisisihan na ginawa ko 'yun. Nanggaling naman sa masama ang ninakaw namin eh. Kapag ganun, hindi ka masyadong makokonsensya. Mas masayang nakawin ang maruming pera dahil hindi ka basta pwedeng isumbong nung pinagnakawan mo na magnanakaw rin katulad mo.

    Eh bakit ikaw lang ang nakulong? tanong sa kanya ng matabang preso.

    Minalas lang talaga ako... Kahit naman magaling at matalino ka, kapag malas ka... Malas ka talaga. Mahirap kontrahin 'yun.

    Napanguso na lamang ang isa sa mga presong kasama niya habang tumatango-tango. Ang mahalaga naman, lalaya ka na ngayon. Pero 'yung totoo nga, Lucas... Bakit ba ang talino mo? Kapag kasama ka namin, nagmumukha kaming mga walang utak. Lahat ng lumalabas sa utak mo... sobrang astig.

    Napangiti lamang si Lucas, at pasimpleng nagkamot ng batok. Mahilig lang talaga akong magbasa. Nakakatulong 'yun.

    Napangiwi ang pinakamatandang presong kasama nila. Nakakatamad naman kasing magbasa. Buti sana kung komiks 'yan kagaya nung sa panahon ko. Hindi nakakabagot.

    Pinagtawanan siya ng isa pang preso na kakaupo pa lamang sa tabi ni Lucas. Punong-puno ito ng tattoo sa katawan. Kaya naman pala mapurol ang utak mo...

    Nasa kalagitnaan sila ng pagtatawanan at pag-uusap nang biglang buksan ng isang pulis ang kulungan kung saan sila naroon. Kasama nito si Chief Inspector Oscar Ramirez, na agad itinuon ang tingin kay Lucas.

    Lucas Rivera, tumayo ka na diyan, ani ng chief inspector, Laya ka na...

    Tumayo si Lucas mula sa papag na kinauupuan, kinuha ang backpack at isinukbit ito sa likod, bago tinapik ang mga balikat ng mga kaibigan niyang preso at kinawayan ang iba pang mga nakasama niya sa loob ng seldang iyon sa loob ng limang taon. Nagpaalaman muna sila ng mga kasama na naging kasundo niya sa loob niya roon, bago tuluyang lumabas at hinarap ang chief inspector.

    Ang sweet mo naman, Inspector. Talagang andito ka sa araw ng paglaya ko. Bakas ang pang-aasar sa tinig ni Lucas.

    Nanatiling seryoso ang mukha ng pulis. Gusto lang kitang makausap bago ka tuluyang makalabas dito.

    Tumango-tango na lamang si Lucas, bago nila magkasabay na dinaanan ang iba pang mga selda. Maya't mayang kinakamayan at hina-high five ni Lucas ang iba pang mga preso doon na nakasundo niya, habang kasama niyang naglalakad si Chief Inspector Ramirez.

    Magsabi ka ng totoo, Lucas... seryosong saad ng pulis, Kasama mo sina Ortega sa planong 'yun, tama?

    Bakit sa akin mo tinatanong 'yan, Ramirez? Trabaho ninyong alamin ang lahat tungkol sa kasong 'yun... Lucas sounded like he was provoking him.

    Hindi naman namin sila pwedeng habulin at ipakulong dahil hindi mo naman kinukumpirma na kasamahan ka nila. Wala kaming sapat na ebidensya para idiin sila... Ikaw lang, tugon sa kanya ni Oscar. There was an evident sincerity in his voice.

    Huwag na nating ungkatin ang nangyari, Ramirez... kalmadong tugon ni Lucas, Tapos na ang lahat. Nangyari na ang nangyari. At isa pa, napakulong niyo na ako. Limang taon na ang lumipas, at matagal nang nilimot ng lahat ang kaso. Ikaw na lang ata ang hindi nakaka-move on.

    Hahayaan mo na ganun-ganun na lang? Nakulong ka nang dahil sa kanila, Rivera. Alam natin pareho na ikaw lang ang ginamit nilang fall guy para makalusot sila. Nakulong ka ng limang taon dahil sa kanila...

    Umiling-iling na lamang si Lucas habang nakangisi. Kahit pa sabihin ko sa'yo na kasamahan nila ako at ginamit lang nila ako, ikukulong niyo pa rin naman ako, hindi ba?

    The chief inspector was taken aback. S-syempre ikukulong ka pa rin namin... Pero kung isinuplong mo sila, eh 'di sana hindi ka mag-isang nakakulong dito. At kahit papano, nabawasan ang sintensya mo.

    Ayoko silang makita. Kung makukulong din sila, posibleng magsama-sama kami sa isang selda. Baka mapatay ko silang lahat, Lucas' expression darkened, but the sly smirk remained, Kapag nagkataon, wala na akong pag-asang lumaya nun, hindi ba? I just chose the lesser evil, Chief Inspector Ramirez.

    Pero nagsayang ka ng limang taon dito sa kulungan...

    Lucas smiled at him. Hindi naman. Marami din naman akong natutunan sa loob ng limang taon na 'yun. Nakapag-isip din ako. Medyo hindi okay 'yung pagkain at tulugan, pero okay ang mga kasama ko. They're good people.

    Umiling-iling na lamang ang chief inspector. Hindi ka dapat sumali sa kalokohan nina Ortega, Lucas. Matalino ka. Malayo sana ang narating mo kung ginamit mo ang talino mo sa mabuti.

    Lucas chuckled, before a smirk emerged on his thin, pinkish lips. You know, I always believe that life is a game. But the game is rigged, and it definitely does not reward people who play by the rules.

    And you think you can justify your crimes by believing in that?

    No, Lucas said in a high-pitched tone, just like a kid, while shaking his head, But it will make me feel less bad about the crimes I did.

    Umiling-iling na lamang ang pulis habang naglalakad sila papunta sa front desk kung saan pipirma si Lucas ng ilang mga papeles bago siya tuluyang makalabas.

    Kapag gumawa ka ulit ng kalokohan, sisiguraduhin ko talagang hindi ka na basta makakalabas ng kulungan, Rivera.

    Isang maaliwalas na ngiti ang gumuhit sa mukha ni Lucas habang pinipirmahan ang mga papeles na iniabot sa kanya ng isa sa mga pulis. Ibinigay sa kanya ang isang kopya, at ibinalik niya naman ang ballpen na ginamit sa desk. Pagkatapos ay muli niyang ibinaling ang tingin kay Ramirez.

    At sa tingin mo, magpapahuli pa ako?

    Hindi agad nakatugon si Chief Inspector Ramirez, na tila nag-isip muna ng isasagot kay Lucas. Hindi nagtagal ay sumilay ang isang ngisi sa mukha nito.

    Sira ulo ka talaga, Rivera.

    Isang masiglang tawa lamang ang isinagot ni Lucas sa pulis, bago ito tuluyang lumabas ng gate ng city jail dala ang iilang gamit na nakapaloob sa isang backpack.

    Sinundan na lamang siya ng tingin ng chief inspector, at pumasok lamang muli sa loob nang hindi niya na makita ang likuran ng bagong-layang binata.

    Chapter One

    Diamonds Are Forever

    Hindi ka na ba babalik dito next week, Teacher?

    Tinugunan ni Alessa ng isang ngiti ang pitong taong gulang na half-Chinese na batang lalaki na katabi niyang nakaupo sa sofa. Pinagmamasdan siya ng bata habang inaayos niya ang mga aklat at ang laptop na pag-aari sa loob ng bag.

    Hindi na eh. Sabi ko kasi sa Mommy mo, sobrang galing mo na... ani Alessa habang pinipisil ang pisngi ng bata bago tinali ang buhok na abot hanggang balikat gamit ang scrunchie na suot niya sa kamay, Kapag magaling ka na sa lessons, hindi mo na kailangan si Teacher.

    Malungkot ang ekspresyon sa mukha ng bata habang nakatingin ito sa matataba nitong mga daliri. Pero hindi pa ako magaling... Gusto pa kitang makita ulit, Teacher.

    Huwag kang mag-alala, Timothy... Pwede pa naman tayong magkita eh. Pwede naman kitang bisitahin sa school mo, o kaya dito sa bahay ninyo... Habang nagsasalita si Alessa ay isang malakas na busina ang narinig nila mula sa labas ng bahay, Mukhang andito na ang parents mo...

    Masiglang nagtatakbo ang bata palabas ng bahay, habang nakasunod naman si Alessa habang dala ang bag niya. Napansin niyang nagtatalo ang mag-asawa na papalabas pa lamang sa kotse nila.

    Sisantehin mo 'yang bagong katulong na hinire mo, Jerome... ani ng babae, Sigurado talaga ako na 'yan ang kumukuha ng mga alahas ko eh.

    Napakamot na lamang ang lalaki habang kinukuha ang ilang mga groceries mula sa trunk ng kotse. Ano ba naman 'yan, Suzette... Hindi ba nga chineck mo na sa mga gamit niya? Wala naman doon ang mga alahas mo. For sure, na-misplace mo lang 'yun. Tsaka bagong-salta pa lang 'yun sa 'tin... Walang kaalam-alam 'yun kung nasaan ang mga alahas mo...

    Ah, basta... ani ng babae habang padabog na naglalakad palapit sa bahay nila, Sa susunod nga, magpalagay ka na ng CCTV sa loob ng bahay natin... Para naman makasigurado tayo...

    Natigil lang ang mag-asawa sa pagtatalo nang makita ng mga ito si Alessa at ang anak nila na naghihintay sa kanila sa may pintuan ng bahay.

    Agad na gumuhit ang isang ngiti sa mukha ng babae na tuwang-tuwa nang makita ang dalaga at ang anak. Hi baby... How's your day? tanong nito sa anak habang pinapaliguan ng mga maliliit na halik ang bilugan nitong mukha. Tapos ay nginitian nito si Alessa. Naku, pasensya na kung natagalan kami ha?

    Wala po 'yun, Ms. Suzette, aniya sa babae, Isa pa, sinamantala ko na rin 'yung pagkakataon na makasama 'tong si Timothy. Mamimiss ko po ang anak ninyo, pati na kayo.

    Bakas ang lungkot sa mukha ng babae bago nito hinawakan ang kamay ni Alessa. Salamat ha? Natulungan mo talaga ang anak ko na tumaas ang grades niya... Kumuha ito ng isang envelope mula sa mamahalin niyang bag at inilagay ito sa palad ng dalaga. Ito na 'yung bayad ko sa'yo. Meron ding pasobra 'yan. Take it as a token of my appreciation para sa nagawa mo sa baby ko.

    Naku, salamat po dito, nakangiting tugon niya sa babae. Salamat rin po sa pagkuha ninyo sa akin bilang private tutor ni Timothy. Mabait po siyang bata, kaya nakakaaliw po siyang turuan.

    Naku, natutuwa rin 'yang anak ko sa'yo. Mabuti na lang talaga, nirekomenda ka sa amin ni Jackson... biglang singit ng lalaki na karga na si Timothy, Laging ikinukwento sa amin ng batang 'to ang mga ginagawa ninyo. Hindi daw siya nabobore kapag tinuturuan mo siya... By the way, gusto mo bang dito na lang mag-dinner? Magpapahanda kami.

    Huwag na po, Sir, magalang na tumanggi si Alessa, May lakad po kasi kami ngayon ng nanay ko eh. Thank you po sa pag-imbita sa akin na mag-dinner kasama kayo pero nakapangako na po kasi ako... Pasensya na po.

    Tumango ang babae. Ganun ba? Naku, unahin mo na 'yang nanay mo. Family first, ika nga. Pero basta ha, bibisita ka dito.

    Opo, Ms. Suzette. Basta po hindi ako busy, bibisita ako dito sa inyo...

    Pagkatapos magpaalam sa pamilya ng batang tinuturuan niya, kalmadong lumabas ng bahay na iyon si Alessa. Naglakad na lamang siya palabas ng subdivision, bago kumuha ng isang taxi at doon na sumakay para makauwi na.

    Habang nasa loob ng sasakyan, tinanggal niya ang suot na wig, pati na ang net na nagtatago sa mahaba at malago niyang buhok. Agad niya ring pinunasan ng wet wipes ang make-up sa mukha niya, at tinanggal ang contact lenses na nasa mga mata niya. Agad niya iyong isiniksik sa isang bukas na zipper sa likod ng hand bag na dala niya.

    Sunod niyang binuksan ang pinakamalaking zipper ng hand bag. Kinuha niya ang isang makapal libro at binuksan ito. A rectangular space is carved on the thick pages of the book, turning it into a makeshift container. Laman ng malalim na espasyong iyon ang ilang mga singsing, hikaw, gintong kwintas at pulseras na ninakaw niya mula sa bahay na pinanggalingan.

    Napangisi na lamang siya habang umiiling-iling bago sinara ang libro at ibinalik ito sa loob ng bag niya. Pagkatapos ay komportable siyang naupo sa loob ng taxi habang nakatanaw sa labas ng bintana.

    That was easy... she murmured to herself.

    ***

    Pagdating ni Alessa sa nirerentahang apartment, napansin niyang nabuksan na ang padlock ng pinto, at nakalikot na ang door knob nito. Maliban kasi sa lock ng door knob, nilagyan niya rin ng padlock ang pinto sa bandang taas ng pinto ng tinitirhan niya.

    Realizing that somebody broke in, she immediately became alert. Inilabas niya ang Swiss knife mula sa dala niyang bag at inihanda ito kung sakali mang kailanganin niya.

    Nang buksan niya ang pinto ng apartment, napansin niya ang madilim na pigura ng isang lalaki na nakatayo sa may bintana. Malayo ang switch ng ilaw sa pintuan, kaya balak niya na sanang sugurin ang lalaki. Pero nang gagawin niya na iyon ay natigilan siya nang mapansing tila pamilyar sa kanya ang taong pumasok sa tinitirhan niya nang walang paalam.

    Lucas... Ikaw ba 'yan? Alessa walked towards the switch and turned the lights on, and finally smirked and crossed her arms when she finally confirmed Lucas is the one who broke inside her apartment.

    Long time no see... I wasn't expecting your visit, old friend, kalmadong bati ni Alessa sa binata.

    Inilapat ni Lucas ang mga kamay sa dibdib niya at umarteng parang na-touch siya sa sinabi ng dalaga. Aw, makikilala mo pa rin pala ako pagkatapos ng limang taon?

    How can I forget your face, you fucking spawn of evil? Alessa's smirk was a mix of annoyance and amusement.

    Wow... Harsh. That's nice. You're still feisty. I like that.

    Thank you, Alessa replied as she removed her high heels and slipped her tired feet into some slippers. So, kumusta naman ang experience mo sa kulungan? Life-changing ba?

    Okay naman. Hindi maayos ang pagkain pero okay ang mga kasama kahit medyo masikip ang selda. Dapat na talagang pagtuunan ng gobyerno ang mga kulungan natin eh. Hindi naman porke mga kriminal ang nandun, hindi na sila mga tao. Pero all in all, it was a good experience. Para nga akong nag-sabbatical eh.

    The woman hissed. Putanginang sabbatical 'yan...

    Huwag ka ngang magmumura.

    Tinaasan siya ng kilay ni Alessa. Bawal bang magmura ang mga babae?

    Hindi naman. Kaya lang masyado kang maganda para magmura. Hinubad ni Lucas ang suot na jacket at halos mahiga na ito sa malambot na sofa sa apartment ng dalaga. Ikaw ha, nakakatampo ka... Bakit hindi mo man lang ako binisita dun?

    At bakit kita bibisitahin? Pagak na tumawa si Alessa, You betrayed me, motherfucker. Sa kagustuhan mong kumita ng mas malaki, iniwan mo kami ni Jackson sa ere at sumama ka kina Ortega.

    Alessa knew he hated it so much when he is being hit by his own faults and errors.

    Lucas rolled his eyes in response. Oo nga. Pero nakulong na ako... Karma ko na 'yun.

    Isang sarkastikong ngiti ang nasa mukha ni Alessa habang tumatango-tango ito. Good for you, then.

    Napabuntong-hininga na lamang si Lucas habang pinagmamasdan ang dalaga. Five years already passed and you haven't changed a bit... Ang tigas mo pa rin.

    Napailing na lamang si Alessa bago itinapon ang dala niyang bag sa sofa. Ano ba talaga ang kailangan mo, Lucas?

    Ikaw... Kailangan kita, Alessa... he said with dreamy-looking eyes. It was obvious that he was acting, and Alessa is definitely not buying any of it.

    Binigyan lamang siya ng malamig na tingin ng dalaga, bago ito napangisi. Diretsuhin mo na ako.

    Napangiti si Lucas, bago tuluyang nahiga sa sofa. It's a job.

    Hindi ko na ginagawa 'yun, Lucas. Kaya kung pwede lang, umalis ka na.

    Oh, hindi na ba? He then takes out a piece of jewelry from his pocket and plays with it, twirling the necklace on his fingers. Nakita ko 'to sa loob ng kwarto mo. Nice piece. Saan mo 'to nakuha?

    Nag-iba ang ekpresyon ng mukha ni Alessa, at tuluyang nabura ang ngisi sa mukha ng dalaga. Bitawan mo 'yan -

    You definitely didn't buy this... Hindi ka naman mahilig magsuot ng alahas eh, Lucas then sat up and sighed as he smiled slyly. Private tutor ka sa mga mayayamang pamilya, hindi ba? So tell me, kaninong bahay mo ba 'to nakuha?

    Alessa finally sighed in defeat, grabbed a chair, and sat adjacent to Lucas. Why do you need my help?

    Lucas chuckled, before getting a phone from his backpocket. Hinanap niya ang isang larawan sa gallery, bago ito ipinakita kay Alessa.

    It's the Luna y Estrella Tiara, made for an infanta from the Spanish royal family during the late 18th century. It was stolen in the 1900s, at tuluyang nawala sa kamay ng royal family ng Spain. It resurfaced rarely in the following decades, hanggang sa mapunta ito sa kamay ng isang mayamang pamilya mula sa Germany. Currently, this family owns the tiara illegally, and is planning to sell it through a private auction that will be held three months from now.

    What's so special about this tiara at gustong-gusto mo 'tong makuha? ani ng dalaga bago ibinalik ang phone kay Lucas.

    Aside from the finest cascade of diamonds all over it, as well as being embedded on gold, it includes something even more special - the 76-carat Archduke Joseph diamond.

    The mere mention of 'diamond' seemed to pique Alessa's interest. What about it?

    Just the diamond itself costs 21 million... U.S. dollars, of course. Pero kung 'yung buong tiara na ang pag-uusapan, aabot ang presyo nito hanggang 50-60 million dollars. Gusto mo bang i-convert ko pa 'yun sa Philippine peso? Lucas asked as he wiggled his eyebrows playfully.

    Saglit na nag-isip si Alessa, bago tumayo mula sa kinauupuan at dumiretso sa refrigerator para kumuha ng isang baso ng malamig na tubig.

    Ayoko. Hindi ako tutulong sa'yo, mariing saad ng dalaga habang binibigyan ng isang seryosong tingin ang lalaking nakaupo sa sofa niya.

    So anong gusto mo? Habambuhay ka na lang na mangungupit sa mga bahay kung saan ka nagtatrabaho?

    Iba 'yun, Lucas. Mas malaking trabaho 'tong hinihingi mo. At sa tingin mo, ganoon kadaling magnakaw ng isang tiara sa isang private auction?

    Alam ko. Kaya nga kinukuha ko ang serbisyo mo, hindi ba? More heads are better than one, Alessa. Malaking pera ang naghihintay sa'yo kapag nakuha natin 'to, Lucas coaxed her calmly.

    Kahit na, she sounded really firm, Ayoko pa rin.

    Tumango-tango si Lucas, at inayos ang pag-upo. Hindi lang pera ang makukuha mo dito, Alessa.

    What's in it for me then? she asked nonchalantly before sipping some more water from her glass.

    Tumayo si Lucas mula sa pagkakaupo at naglakad palapit sa dalaga hanggang sa tuluyan na silang magkaharap. He then moved his face closer to her ears, and whispered something that made Alessa's expression change.

    Nang lumayo na si Lucas mula kay Alessa, kitang-kita niya sa mga mata ng dalaga ang galit. He smirked, before taking some stray strands of her hair and placing it behind her ear.

    Alam kong hindi mo kakagatin ang offer ko kung pera lang ang makukuha mo, bulong ni Lucas, So I thought that I should give you something you really want...

    Humigpit ang hawak ni Alessa sa baso, bago nagtama ang mga mata nila ni Lucas. Paano natin nanakawin ang tiara na 'yun?

    Lucas smiled, before slipping his hands into his pockets and rocked his body back and forth like a kid.

    I have a plan, he replied, before winking teasingly.

    ***

    Sinindihan ni Alessa ang dalawang puting kandila na inilagay niya sa tapat ng isang puntod at inayos ang bulaklak na dala bago tuluyang naupo sa damuhan. Binuksan niya ang isang pack ng mamon at inilagay ang isa sa ibabaw ng puntod, bago sinimulang kainin ang isa pang piraso na hawak niya.

    Humihingi ng tulong sa akin si Lucas, Alex... It's a big job, you know, she grinned, before her eyes drifted on

    Enjoying the preview?
    Page 1 of 1