Discover millions of ebooks, audiobooks, and so much more with a free trial

Only $11.99/month after trial. Cancel anytime.

The Explorers: King Maximillian (Tagalog Edition)
The Explorers: King Maximillian (Tagalog Edition)
The Explorers: King Maximillian (Tagalog Edition)
Ebook709 pages9 hours

The Explorers: King Maximillian (Tagalog Edition)

Rating: 3.5 out of 5 stars

3.5/5

()

Read preview

About this ebook

Ang The Explorers: King Maximillian ay kasunod ng The Explorers ni Kirsten Nimwey. Ang kuwento ay nangyari pagkalipas ng pitong taon nang matapos ang unang libro, kung saan nalaman ng mga Wielders na may isang maalamat na mandirigma ang mapapalaya at muling isisilang pagkatapos ng 25 taon nitong pagkakabilanggo sa ilalim ng kapangyarihan ng Great Seal.

Nanumbalik na ang kapayapaan sa mundo ng mga tao nang mapabagsak ng Explorers ang grupo ng Expland pitong taon na ang nakaraan, ngunit si Kenji ay sumasailalim pa rin sa sumpa ng itim na mahika. Siya at Genji ay malapit nang ipagdiwang ang kanilang ika-25 na kaarawan sa loob ng ilang araw. Ngunit si Reinhardt, na ngayon ang pinuno na ng DDE, ay nagsabi na mayroong isang di malilimutang kasaysayan ang mauulit pagkaraan ng dalawampu't limang taon, at ito ay mauulit sa kaarawan ng kambal. Ang isang maalamat na paladin, na siyang pinakadakilang mandirigma at hari ng Reminescence ay muling mabubuhay pagkatapos siyang ikulong ng mga Pioneers sa kanilang espesyal na kapangyarihan na tinatawag na Great Seal. Nagulat ang mga Element Wielders patungkol sa hindi nila inaasahang pangyayari na darating, at iniutos na ng lider ng DDE ang mga Explorers na maghanda na para sa pagbabalik ng Reminescence sa kaarawan ng kambal.

Pagkalipas ng ilang araw, ipinagdiriwang na nina Kenji at Genji ang kanilang ika-25 na kaarawan sa mansyon ng DDE. Tulad ng inaasahan ay nasira nga ang Great Seal at napalaya na nito ang hari ng Reminescence. Nagbalik rin ang maalamat na pangkat ng mga unang mandirigma ng Reminescence. Alam na ng mga Explorers ng kanilang pagbabalik, at ang kasaysayan ay muli na namang naulit...

Nagustuhan mo ba ang The Explorers: King Maximillian? Bigyan ito ng magandang rating at review!

LanguageTagalog
Release dateMar 23, 2015
ISBN9781311451767
The Explorers: King Maximillian (Tagalog Edition)
Author

Kirsten Nimwey

Kirsten Nimwey is an artist, illustrator, and a novelist. She was born in Manila, Philippines on March 23, 1990 to both Filipino parents. She graduated in college under Bachelor's Degree in Information Technology and is currently working as an artist, specializing in cartoon illustration industry. Her first novel series, "The Explorers" was published on November 2013 in Filipino Edition.

Read more from Kirsten Nimwey

Related to The Explorers

Titles in the series (4)

View More

Related ebooks

Reviews for The Explorers

Rating: 3.5 out of 5 stars
3.5/5

2 ratings1 review

What did you think?

Tap to rate

Review must be at least 10 words

  • Rating: 5 out of 5 stars
    5/5
    beautiful

Book preview

The Explorers - Kirsten Nimwey

1 THE EXPLORERS

Maraming taon na ang lumipas nang ako ay nakatikim ng mga unang pagsubok na dumating sa aking buhay... Nang ako ay magkamalay, natuto akong harapin ang mga bigay sa akin ng mundong ibabaw...

...Marami na akong napagdaanan... Ipinanganak sa mundong nabubuhay sa gulo at samu’t-saring giyera, lumaki sa piling ng ibang tao, nabuhay ng maraming taon na may sumpa... Akala ko noon ay tuluyan na akong nawala...

...Nagsimula akong maglakbay mag-isa upang alamin ang lahat ng mga nangyayari sa aking buhay. Akala ko noon ay magagawa ko na ang pinakamisyon kong ilantad ang buong katotohanan sa buhay ko ng mag-isa...

...Ngunit nabigo ako...

Nabigo ako sa inaasahan ko noon... Na alamin rin kung sino at ano talaga ako!

Lumipas pa ang napakaraming panahon, hanggang sa nagkaroon na ako ng mga kasama’t kaibigan... At nagkaroon rin ng kakaibang kapangyarihan na biyaya ng haring diyos... Nilagpasan ang mga napagdaanang pagsubok, maraming nakalaban...

Karamihan sa mga sinasabi nila sa akin ay... Ako raw ay hindi ordinaryong nilalang... Hindi ko maintindihan kung bakit paulit-ulit na lang silang pumapasok sa isip ko... Mula sa lahat ng mga taong nakakaharap ko noon...

Mayroon pa raw silang pinaniniwalang alamat patungkol sa amin. Ako at ang kakambal ko ay may kinalaman raw sa tadhana ng lahat... Isang tadhana na hindi ko naman maintindihan kung ano nga ba...

...Katulad na lamang ng sinasapit ko ngayon... Na nabubuhay pa rin sa ilalim ng itim na sumpa... Patay sa umaga... Buhay naman sa gabi...

Teka... S-Sino nga ba talaga ako? Ano rin ba talaga ako? Ito ba ang sinasabi nila na ‘tadhana’?

Totoo ba ang lahat ng mga sinasabi nila? Gustung-gusto ko nang alamin ang lahat ng mga nakaraan mula nang isilang kami ng kakambal ko...

...Ang Kambal nga ba ng Tadhana? O Kambal ‘raw’ ng Pagguho...

...Hinde! Hindi iyon mangyayari, natatakot ako... Ayokong mangyari ang inaasahan ng mga masasama...

AYOKO!

Gusto kong pigilan ang ganitong tadhana, ngunit paano? Habang nasa ilalim pa rin ako ng itim na sumpang ito mula pa noong pitong taon nang nakakaraan?

M-Magpipitong taon pa lang pala... Oo, magpipitong taon na akong nabubuhay sa walang kuwentang sumpa na ito!

Gusto ko nang mawala ito... Gusto ko na uling mabuhay bilang isang normal na tao katulad ng mga nakararami... Gusto ko nang maging malaya...

Pero paano? Hindi ko alam kung paano hanapin ang lunas nito. Tama na...

Lalo pa’t...

...Malapit na naman ang kaarawan ko...

Pakiusap... ang tanging kahilingan ko na lamang sa nalalapit kong kaarawan ay sana... T-Tuluyan nang mawala ang sumpang ito sa akin...

...habambuhay...

At sana... Mahanap ko na rin kaagad ang lahat ng mga nakabaong katotohanan patungkol sa akin, at sa mga nakaraan ko...

...At ang magiging tadhana, sa nalalapit nang panahon...

Kasalukuyang panahon. Pitong taon na ang nakalipas mula nang huling nakalaban ng Explorers ang Expland. Oo, natalo na nga ng tuluyan ang mga Expland at natapos na ang mahabang labanan.

Matapos kalabanin ng Explorers ang Expland ay hindi inasahan ng lahat ang biglaang pagdeklara noon ng dating lider na si Spencer Briant sa bagong lider na papalit sa kanyang puwesto sa DDE. Siya si Reinhardt Foster, na ngayo’y isa na ring ganap na Master Wielder ng Darkness Element. At ngayong pitong taon na siyang namumuno bilang DDE Leader, hindi pa rin niya nalilimutan ang pait na nadarama niya mula nang malaman niya noon na wala na pala ang kanilang ama, na matagal na matagal na niyang hinahanap...

Sa loob ng pitong taong katahimikan at normal na takbo ng mundo ay doon na nagkaroon ng pagkakataon ang lahat ng mga Explorers na makapag-ensayo ng napakatagal. Pakiramdam kasi ni Reinhardt na kahit normal na uli ang takbo ng mundo ay hindi pa rin basta-basta nagtatapos ang lahat. Maaari pa silang may makasagupa ng mas higit pa ang tinataglay na lakas at galing kaysa sa Expland, at alam na iyon ni Reinhardt kung sino sila.

"Bata pa lang ako noon... Kinuha nila ako..."

Kaya, saka na siya gumawa ng kautusan na mag-ensayo na ng mag-ensayo ang lahat para sa paghahanda hanggat normal pa ang lahat. Panahon na upang kabisaduhin ng mga Wielders ang kani-kanilang mga kapangyarihan, mapa-Element Wielder o Magic Wielder sila.

Sa loob ng kanilang pitong taong pagsasanay ay marami na silang natutunan at natuklasan. Marami na silang nakabisadong mga magic commands, gayundin ang mga summoning commands. Pero hindi pa rin titigil sa pag-ensayo ang lahat. Hindi pa rin iyon sapat.

"Mga Wielders, tawag ni Reinhardt sa mga nag-eensayong Explorers. Maaari na kayong magpahinga. You all did a very good job!"

"Hehehe, as always naman di ba, Sir Reinhardt?" tanong na sagot ni Lucky.

Pitong taon na ang nakakaraan mula nang huli nating nakalaban ang mga Expland, masayang wika ni Isagani. At sa matagal na matagal nang panahon ang lumipas ay lubusan na tayong magkakilalang lahat ng tunay.

Tama ka d’yan Isagani, si Clio. Marami na rin tayong mga natutunan sa mga bawat bagay na mga napagdaanan natin.

Maging ako man... mahinang wika ni Reinhardt. Ngayon ko lang rin nalaman kung ano nga ba talaga ako bilang isang Explorer...

Hahaha, grabe tumatanda na tayo! si Claude. Parang nararamdaman ko na!

O sige na, nakangiting wika ni Reinhardt. Bumalik na kayong lahat sa mansyon. Maya-maya’y makakabawi na kayong lahat.

"Salamat Sir Reinhardt!" wika ng lahat.

Tumawa si Reinhardt. "Kayo talaga! Ilang beses ko pa bang dapat sabihin sa inyo na huwag na ninyo akong tatawaging ‘sir’? Tawagin ninyo pa rin ako kung paano tayo nagsasamang lahat. Pantay-pantay pa rin tayo."

Kuya Reinhardt! masayang wika ni Marion, na isa na rin palang DDE.

Ngumiti si Reinhardt at hinimas nito ang ulo ng nagbibinata nang Explorer. Pumikit. Tama ka Marion... Tawagin ninyo ako kung paano n’yo ako nakilala bilang ako...

Bumalik na ang lahat sa loob ng mansyon ng DDE. Sa lobby ng mansyon ang pagkikita-kita ng lahat. Nagkawayan sa isa’t-isa.

Tara at magsikain na muli tayo! sigaw ni Jon. "Whew, kapagod talaga ang long time training!"

Oo, kumukulo na nga ang tiyan ko eh, si Tyrone. Hanep, matagal na pala tayong naninirahan dito. Noong una ay naninibago pa ako.

"Well, ganoon talaga sa umpisa, si Cyan. Lahat talaga ay dadaan sa first time!"

Lumingon ang lahat kay Cyan. "Hanep talaga itong si Mr. Valedictorian na ngayon ay Summa Cum Laude pa! Bumabanat na naman ng pamatay na quote!"

"Hmpt, wala naman akong sinabing quote doon ah!"

Hinde, basta ‘pag ikaw na ang bumabanat, nauutal na kami! si Lucky. Tawanan.

Magkakasamang naglakad ang mga magkakaibigan papunta sa marangyang dining hall ng DDE. Always stick together na sila. Binigyan na rin ni Reinhardt ng break ang iba pang mga DDE doon. Nang makarating na sila sa hall ay sabay-sabay na silang nagsiupo. Kasama nila si Marion.

Nasa kanyang hot seat na si Reinhardt na mismong inuupuan noon ni Spencer noong siya pa ang lider ng DDE. Solo na niya ang upuan sa dulo ng napakahabang mesa sa dining hall.

Matagal na rin akong nangangarap ng tulad mo kuya Reinhardt, si Marion. "Alam mo, gustung-gusto ko talaga kayong dalawa ni kuya Xandir (Xandir na ang tawag ng mga Explorers kay Prinsipe Maximus na siyang tunay na first name niya) dahil pareho kayong magaling at deserving!"

Naalalang bigla ni Reinhardt ang salitang deserving na pinag-awayan nila noon ni Tyrone matapos nilang talunin ang Expland. Sinulyapan niya ng saglit ang nakaupong si Tyrone na umiinom lang ng tubig. Wala, wala naman itong kahit na anong reaksyon.

Di ba kuya Reinhardt?

Ah, oo naman... Kung gayon salamat ha, Marion?

Bago kumain ang lahat ay nagdasal muna sila sa pamumuno ni Isagani. Maraming salamat po sa pagkaing ibinigay po ninyo sa amin dito...

Pagkatapos ay nagsipag-ayos. Nagpatong ng mga table napkins sa kani-kanilang kandungan. Nagpunas ng kani-kanilang kutsara’t tinidor, pati na rin ang mga plato.

Kainan na! sabay-sabay na sigaw ang lahat na parang mga bata at nagsimula na silang kumain.

Siguro tapos na talaga ang lahat, ano? tanong ni Shingue habang kumakain. Napakatagal na ng panahon nang talunin natin ang pinakamalakas na grupo noon na Expland.

Oo nga e, si Clio. Napakatagal nang panahon. Dahil doon ay tumigil na nga ng tuluyan ang kaguluhan.

Napatingin sina Reinhardt, Zoroaster, at Xandir sa mga kumakain na Wielders at nagtinginan ang tatlo sa isa’t-isa habang kumakain.

Ay, sayang naman kung ganoon na nga ang mangyayari! si Lucky. "Sayang naman ang na-master ko nang elemento ko kung hindi ko na magagamit habambuhay."

"Di bale, at least may preparations pa rin..." si Genji.

Haaayyy, saan na lang natin magagamit ang ating kapangyarihan kung wala na ngang gulo? si Shingue. Pero ang ikinaganda na lang nito ay ligtas na nga ang mundo ng tuluyan.

Patuloy pa rin sa pagkain ang lahat nang biglang magparinig si Reinhardt. Huwag kayong lahat pakasisiguro. Natatandaan ninyo pa ba? Nag-uumpisa pa lang tayong lahat. Hindi pa rin tayo kasinggaling ng Expland. Magsasanay pa rin tayo ng magsasanay. Hindi pa iyan sapat. Maging handa pa rin tayo.

Patlang.

Kung sabagay, si Tyrone. Isang beses pa lang tayong may tinalo nang higit pa sa lakas nating lahat, at ngumuya. Maging handa pa rin sakali mang may mangyari na hindi natin inaasahan...

Tama ka diyan, Tyrone... sagot ni Xandir, at uminom ng tubig.

"SI IDOL! masayang wika ni Marion. Sa wakas ay narinig ko na namang magsalita si IDOL!"

Marion, si Clio. Manahimik ka nga...

Patlang uli. Pagkatapos ng limang minuto ay bigla namang tumunog ang smartphone ni Cyan. Mabilis na sinilip ni Cyan ang kanyang text message. "Uh-oh! Si tita Merlyn ang nag-text sa ‘kin."

"O, eh ano naman kung nag-text ang tita mo, Cyan? tanong ni Claude. Nami-miss ka na ‘ata."

"‘Eto sabi niya. Nitong nakaraang linggo lang pala niya nabalitaan na Master Degree graduate ako at Summa Cum Laude (nagpaparinig)! Atsaka... huli na rin niyang nabalitaan na isa na rin akong DDE!"

"Ah okay, iko-congratulate ka niya?" si Lucky.

Oo, PUPUNTA DAW SI TITA DITO SA ATIN NGAYON NA!

"Wow, si Genji. Aba’y welcome naman siya dito, pero ang tanong lang eh... Alam ba niya ang papunta dito?"

Nakatingin pa rin sa kanyang smartphone itong si Cyan. H-Hindi ko alam eh, basta ang sabi lang niya ay pupunta na daw siya dito ngayon...

Naku, mahirap ‘yan Cyan, nag-aalalang wika ni Zoroaster. Baka akala niya eh nasa Hunsterdam ka pa.

Hindi naman, kasi alam na ni tita na DDE na ako.

Sino ang kasama ng tita mo papunta dito? si Reinhardt.

H-Hindi ko rin alam eh, basta ang sabi lang niya’y pupunta na raw siya dito ngayon.

Mahirap nga ‘yan, si Lucky. Baka maligaw siya.

Tawagan mo, suhestiyon ni Xandir. Habang nasa gitna pa siya ng biyahe.

Grabeh, napakalayo nito! at tumindig muna si Cyan sa kinauupuan at mabilis na nag-dial ng smartphone. "Ah, long distance ito!"

Nag-ring ang kabilang linya pero walang sumasagot. Tita Merlyn, sumagot ka naman po.

Nagpatuloy sa pagkain ang mga boys. Muling nag-dial si Cyan. Nag-ring uli pero wala pa ring sumasagot.

Sumuko na si Cyan. Si tita Merlyn talaga, pinag-aalala pa tuloy niya ako, ni wala siyang ideya kung paano ang papunta dito!

Alam mo Cyan, kung hindi na siya nagtanong ng papunta dito ay marahil alam na niya ‘to, pampalakas-loob ni Isagani. Baka malapit na siya dito.

"Hindi ko inaasahan ang ganitong text niya, si Cyan. Kung sabagay, napakatagal na rin ng panahon noong huli kaming magkita..."

"Iyon nga ang ibig sabihin nu’n. Sa madaling salita ay iko-congratulate ka niya and at the same time ay nami-miss ka na rin niya! si Claude. Basta ipagdasal mo lang ang kanyang safe trip!"

Bumalik uli sa kanyang kinauupuan itong si Cyan. Ingat na lang kay tita... Nag-aalala tuloy ako para sa kanya...

Pagkatapos ng kalahating oras, hanggang ngayon ay nasa dining hall pa rin sila nang dumating na nga ang tita ni Cyan. Agad itong pumasok sa loob ng dining hall nang di inaasahan ng lahat. Sabay tawag. CYAN!

Nagulat ang lahat, lalung-lalo na si Cyan. Tita?!

Oh Cyan! Oh Cyan! at mabilis na tumakbo ang tita ni Cyan papalapit kay Jon, na akala nito ay mismong si Cyan. Niyakap ng mahigpit si Jon. Takang-taka ang lahat.

JON! sigaw ng lahat na mga nasa mukha ng pagtataka.

OH, CYAN! habang yakap-yakap ng tita ni Cyan si Jon. "NAMI-MISS ko na ng sobra-sobra ang pinakamamahal kong pamangkin! Kumusta ka na? Natutuwa ako sa iyong great success..." at napaluha.

Ah... T-Tita... si Cyan, namumula sa hiya.

Cyan! Napakagaling mo talagang bata ka! at muling niyakap si Jon habang umiiyak sa tuwa. Napakatagal nang panahon nang huli kitang makapiling, at pinisil ang magkabilang pisngi ni Jon, saka lang niya napansin na wala itong suot na salamin sa mata. Cyan? Nawala na ang salamin mo sa mata!

"Actually tita, sumagot si Jon na pisil-pisil pa rin ng tita ni Cyan ang kanyang pisngi. Tinuro si Cyan. ‘Ayun po ang inyong Mr. Incredible na si Cyan at hindi po ako..."

Tiningnan munang mabuti ng tita ni Cyan ang mukha ni Jon, pagkatapos ay si Cyan.

AAAAYYYY! namula tuloy sa kahihiyan ang tita ni Cyan at mabilis na inalis ang mga kamay sa magkabilang pisngi ni Jon. P-Pasensya na iho, magkamukhang-magkamukha kasi kayo ng buhok e, hehehe! Ngayon ko lang napansing iba pala ang kulay ng buhok mo! sabay takbo papalapit naman kay Cyan. "Oh, Cyan! Nami-miss na kita!" at muling lumuha.

Ah eh, tita... si Cyan. "P-Paano kayo nakarating dito? I mean, paano po ninyo nalaman ang papunta dito na mag-isa lang po kayo?"

Bumulong si Lucky kay Cyan. Ei, hindi ka pala magalang! Bukod sa ganyan agad ang tanong mo, eh hindi ka pa nagmamano sa kanya.

Ooopppsss! nagulat si Cyan at niyakap na niya ng mahigpit ang kanyang tita, sabay nagmano. Mano po tita...

Ang galing talaga ng pamangkin ko! wika ng tita ni Cyan at hinalikan naman niya sa pisngi ng kanyang pamangkin na parang bata.

Namula si Cyan, at pinigilan ang tita. Tita Merlyn, ‘wag po!

Tawanan. Pagkatapos ay muling tinanong ni Cyan ang kanyang tita kung paano ito nakarating sa DDE. Paano ako nakarating dito sa inyo? Kasi iho, matagal na ‘kong lumipat ng ibang bahay na tatlong oras ang biyahe mula dito. Nang makarating na ako malapit dito, may isang lalaking kakilala mo raw ang naghatid pa sa akin dito.

T-Talaga po? Sino naman po iyon?

Nagtataka pa rin ang lahat nang may nagsalita sa hall. Uy, nahuli na ba ako sa kainan diyan? Hehehe...

Sabay lingon ng lahat sa pinagmulan ng boses. Pssst, dito! at lumabas si Akira sa harap ng hall. Inuman na ba? Biro lang!

Akira? si Clio.

Ah oo, mga iho, wika ng tita ni Cyan. "Siya ang naging guide ko papunta dito kaya nakarating ako ng ligtas."

Si Akira ang nagdala po sa inyo dito? si Cyan.

"Oo, siya ang naghatid sa akin dito. Kasi, kahit naman ako eh hindi ko alam ang papunta dito. Baka magta-taxi na lang ako," at tumawa.

Ba’t ka naman po naglakas-loob na sumama sa kanya kahit hindi n’yo po siya kilala? Baka mamaya eh sa’n ka na po tangayin ng pangit na ‘yan! pabirong wika ni Cyan.

"Nakita ko siya sa bandang Fairview Street nang di sinasadya, sagot ni Akira. Doon ko nalaman na patungo pala siya ng DDE kaya sinabi ko ang daan papunta dito. Siyempre, hindi naman naniwala agad ang tita mo sa akin eh, kaya ipinakita ko ‘tong family picture natin sa kanya! Kasama ang pangit rin niyang pamangkin," at ipinakita ni Akira ang kanyang pocket-sized picture nilang lahat na magkakasama. At isa pa, ikinuwento ko pa sa kanya ang lahat ng tungkol sa ‘yo!

Salamat sa paghatid mo sa akin dito sa DDE guwapong ginoo, ha? pasasalamat ng tita ni Cyan. Laking utang na loob ko sa iyo...

Ahm, walang anuman po, si Akira, nagkamot ng ulo. Grabe naman po kayo, anlakas ng loob po ninyong pumunta dito mag-isa!

Yumuko ang tita ni Cyan, namula. "Eh kasi, gusto ko lang talagang makita ang pamangkin ko. Sobra-sobra ko na siyang nami-miss... Grabe din, isa na pala siyang ganap na doktor!"

Nagkamot ng ulo si Cyan. Haaayy... Si tita Merlyn talaga...

Lumapit naman si Akira kay Reinhardt. Pare, pasensya na ha? Noong una ay pinipigilan ko pa siya na pumasok dito nang walang pahintulot sa iyo, eh kaso... at pinagmasdan ang mag-tita.

‘Kaw talaga Akira, nakangiti naman si Reinhardt at tinapik ang balikat nito. "Naiintindihan ko naman kung gaano niya nami-miss ang pamangkin niya ng sobra-sobra, at hindi naman ako ganoon kahigpit!"

"Okay, pero nakakapanibago na ngayong wala na ngang gulo ano?"

Tumigil si Reinhardt. Inalis na niya ang nakapatong niyang kamay sa balikat ni Akira. Nag-isip muna ng malalim. Maya-maya ay iniba ang topic. Gusto mo bang kumain?

Naging tuldok ang mga mata ni Akira sa di inaasahang tanong sa kanya ni Reinhardt. EH?!

Hindi nga, gusto mong kumain Akira? Nagugutom ka na ba?

Um, bakit Rain?

Kung nagugutom ka na... sabay nagbiro. Eh di umuwi ka na lang hahaha!!!

Mas lumiit pa ang mga tuldok na mata ni Akira. Tinapik uli ni Reinhardt ang balikat nito. Biro lang, Akira. Heto, kumain ka na dito kung gusto mo!

Tumawa si Akira. Sige, salamat ha? Sinabi mo eh! Hindi ko na ito idadaan pa sa hiya dahil matatalo naman ako sa ganitong pagkakataon! at kinamayan si Reinhardt.

2 THE GREAT HISTORY

Gabi na. Nandoon pa rin ang kanilang bisita na tita ni Cyan. Inanyayahan na rin nila ito sa kanilang hapag-kainan kasabay si Akira. Noong una ay nag-aalangan pa ang tita ni Cyan dahil hindi ito sanay kumain na may kasabay na ibang tao, lalo pa’t kung lalaki ang kasabay. Pagkatapos kumain ay nag-tour ang magtita sa buong mansyon ng DDE. Laking tuwa ng tita ni Cyan nang maikot nito ang buong mansyon for the first time.

Nang magsama na ang magtita ay saka na nagdesisyon si Reinhardt na ibalik uli sa pagsasanay ang mga boys pagkatapos nilang magpahinga sa kabusugan. "Mga DDE Wielders, bumalik na kayong lahat sa inyong pagsasanay. Mamayang alas-otso, gawin n’yo na ang lahat ng gusto ninyo."

"It’s about time! masayang wika ni Claude. Makakapag-warm up na uli ako!" sabay takbo papalayo.

"Si Claude talaga, mahilig sa mga physical activities," si Lucky.

Madali lang naman ‘yan dahil mamaya, bahala na kayo kung anong mga gusto ninyong gawin, nakangiting wika ni Reinhardt. "Take your time!"

"YES SIR!" sigaw ng lahat sabay alis.

Pumasok naman ang mga mayordomo sa dining hall upang ligpitin na ang kanilang hapag-kainan. Binati muna ni Reinhardt ang mga ito at sumagot naman sila ng matatamis na ngiti sa kanya.

Umalis na rin ng hall si Reinhardt nang makita niya doon si Zoroaster na nakasandal sa isang pader. Binati siya nito. Magandang gabi kuya...

Napahinto sa paglalakad si Reinhardt. Zoroaster, ba’t nakatayo ka pa diyan? Anong problema?

Tumawa ng maikli si Zoroaster. May naalala lang kasi akong bigla eh, sana’y maalala mo rin...

Napaisip si Reinhardt.

Mukhang malapit na malapit na ang inaasahan natin pagkatapos nating antayin ang napakaraming taon...

Zoroaster?

Natawa si Zoroaster. Kuya naman, huwag ka nang magkunwari pa na wala kang alam! Mas marami ka pa ngang nalalaman kaysa sa akin eh.

Hehehe, alam ko iyon Zoroaster.

Tama lang na magsanay na tayo ng magsanay ng matagal nang makapaghanda, at umalis na sa kanyang kinasasandalan si Zoroaster. Tama ka kuya sa sinabi mo kanina, na nag-uumpisa pa lang tayong lahat.

Yumuko si Reinhardt. Ako, sigurado na ‘kong mangyayari na nga ang inaasahan natin... Lalo pa’t...

Inantay muna ni Zoroaster ang sasabihin ni Reinhardt.

...Malapit na malapit na ang kaarawan ni Kenji...

Lumapit si Zoroaster sa kapatid. Kuya, ilang taon na ba ang kapatid natin ngayong darating na kaarawan niya?

Tinitigan na siya ng seryoso ni Reinhardt. Dalawampu’t limang taong gulang na siya sa darating na kaarawan niya...

Nagulat si Zoroaster. Ah! Malapit na malapit na nga!

Patlang. Napaisip uli si Reinhardt. "Ah, siyanga pala bro..."

Ano?

N-Nawala sa loob ko na kaarawan rin pala iyon ni Genji...

Tumawa si Zoroaster. Ay, oo nga pala! Kambal nga pala ang dalawang iyon ano, hahaha!

Sa mga boys naman, sa Training Room.

"Uy, malapit na ang birthday nina Kenji at Genji! masayang wika ni Clio habang nagsasanay. Genji, pa-kanton ka naman diyan!"

Bubusugin ko na lang kayong lahat ng masigabong palakpakan, si Genji.

"Eh? Hindi naman nakakabusog ‘yon eh! Treat n’yo kaming lahat sa isang five-star resto na eat-all-you-can! pabirong wika ni Isagani. Sa ibang restaurant ha? ‘Wag ‘yung sa atin! Kabisado ko nang mga lasa nu’n eh, saka ayokong magtrabaho!"

Tumawa si Genji. "Baliktad, dapat akong treat ninyo!"

Samantalang si Xandir ay kanina pa palang hindi makatiis sa naririnig niyang topic of the day. Tinanong niya ang binata. Genji, ilang taon na kayo ni Kenji sa darating na kaarawan ninyo?

Magdadalawampu’t limang taong gulang na kami ng kakambal ko.

"Nice! Binatang-binata na ang dalawa oh," si Tyrone.

Ano ka? Matandang binata na nga eh, hahaha! tawa ni Shingue.

Seryoso na ang mukha ni Xandir. "25 years... Mangyayari na pala..."

Lumingon ang lahat kay Xandir nang magsalita ito ng seryoso.

Ano iyon, Xandir? si Jon.

"25 years... Malapit na natin makaharap ang..."

Inaantay lang ng mga boys ang idudugtong ni Xandir, pero hindi na niya itinuloy. H-Hayaan n’yo na, basta maghanda na lang tayong lahat...

Mabilis na siyang nilapitan ni Claude at malakas na hinila ang kanyang baro.

"Anong sinasabi mo na may mangyayari na sa 25 years ha, Xandir?"

Claude! tawag nina Clio.

Ang pinag-uusapan natin dito ay ang nalalapit na kaarawan ng kambal, at ligtas na ang mundo! Tapos na ang gulo, masama na ang tingin ni Claude kay Xandir. "Kaya tigilan mo na ang pagpe-predict mo ng kung anu-ano na wala naman!"

H-Hindi ninyo naiintindihan... Hindi pa nagtatapos ang lahat...

Biglang sinuntok ni Claude si Xandir. Gimbal ang lahat!

Nakikita mo naman siguro ang patunay na wala na ang gulo sa mundong ito, hindi ba?! naiinis na tanong ni Claude. Pitong taon na ang nakakaraan nang huli nating nakalaban ang Expland! Wala na, tapos na!

Pinigilan na ni Shingue si Claude. "Pare, hina-highblood ka na naman eh, relax ka lang... Ayos lang ang lahat..."

O siguro kaya ka nagsasalita ng ganyan dahil may masama ka nang binabalak sa amin ano?! galit pa ring tanong ni Claude. Kilala ka namin, hindi ka pa rin isang Explorer!

Claude, hindi n’yo pa nalalaman ang posibleng mangyari... wika ni Xandir. May dugo na ang labi nito mula sa suntok ni Claude. "History repeats itself..."

Gimbal na naman ang lahat!

Anong ibig mong sabihin, Xandir? si Akira.

‘Wag mo sabihing mabubuhay muli ang mga Expland ha? si Genji.

Walanghiya ka! sigaw ni Claude. Baka ikaw na ang susunod na kalaban namin!

Hinde! Mali ang sinasabi ninyong lahat! galit na rin si Xandir.

Kung ganoon, umamin ka na kasi Xandir! pangungulit ni Akira. Isa ka na ba naming kalaban ngayon o isang tunay na kaibigan?

G-Gusto n’yo bang malaman?

Sino ba namang hinde?! si Claude.

‘E-Eto ang mangyayari... Mayroon na tayong makakalaban na mas higit pa ang lakas kaysa sa Expland sa nalalapit nang panahon... Magbabalik na sila...

Huh? Sinong sila? tanong ni Tyrone.

Saktong pumasok sa Training Room sina Reinhardt at Zoroaster. Tinulungan ni Reinhardt ang prinsipe na bumangon. Mukhang alam na niya na may awayan nang nangyayari ngayon.

Mga DDE, alam n’yo ba na ang Reminescence ang siyang pinakamagaling na grupo ng mga kalaban natin sa lahat? umpisa ni Reinhardt.

Reminescence? tanong ni Claude. Pinakamagaling?

Ang Reminescence ay binubuo ng pinakamagagaling at pinakamalalakas na mga mandirigma sa lahat. Ang kanilang mga mandirigma ay ubod ng lakas at napakahusay sa pakikipaglaban, dugtong ni Reinhardt.

Isa si Xandir sa mga Reminescence hindi ba? si Lucky.

Oo, pero umalis na ako sa kanila... Ang ama ko mismo ang umaabuso sa akin, na siya mismong bagong pinuno’t hari ngayon ng Reminescence. Si Haring Maximus X. Pero may nauna pa sa kanya...

Kung ganoon ay isa ka sa pinakamagagaling na mandirigma ng Reminescence, turo ni Akira kay Xandir. Kung nasa kanila ka pa hanggang ngayon ay kalaban ka pa pala namin.

Oo, kaya ang Reminescence naman ang makakaharap na natin ngayon, si Zoroaster.

Gimbal ang lahat. Ang Reminescence!

Hayaan ninyong ikuwento ko muna sa inyo ang naging kasaysayan ng Explorers at ng Reminescence noon, si Reinhardt, sabay lingon kay Akira. Sa totoo nga eh, may kinalaman rin ang Pioneer dito...

Whoa! gimbal si Akira. Kami?

Pumikit na si Reinhardt at sinimulan nang kuwentuhan sila ng isang kuwento ng kasaysayan:

Tatlumpu’t dalawang taon na ang nakakaraan nang magkaroon ng labanan sa pagitan ng Explorers, Pioneer, at Reminescence. Ang Reminescence ang pinakamalakas sa tatlong grupo dahil sila lang ang may mga mandirigma na ubod ang tinataglay na lakas at galing sa pakikipaglaban, na kahit mismong ang mga Explorers at Pioneers ay hirap na hirap silang talunin.

Noong panahon na iyon, naglakas-loob ang aming ama na si Alex Foster na kalabanin ang Reminescence, ngunit nabigo siya. Ang ama namin noong panahon ring iyon ay isa nang lider ng DDE. Humingi siya ng tulong sa DDE, ngunit natalo pa rin sila. Ang pinuno naman noon ng Reminescence ay tinatawag nilang greatest warrior of paladins. Kasi, wala pang sinuman ang nakakatalo sa kanya dahil sa kanyang itinataglay na lakas at kapangyarihan, na hinding-hindi mapantayan ng mga sinumang mandirigma. Sobra-sobra ang lakas ng kanilang lider noon, na dating hari rin ng Reminescence.

"Isa siyang hari noon and at the same time ay ang greatest warrior pa?" si Isagani.

Oo, napakalakas talaga ng kanilang hari. Maski ang mga pinakamagagaling na mandirigma ng Explorers at Pioneer ay hirap din siyang talunin.

Tumango ang mga boys. Pero patay na siya ngayon, hindi ba?

Dinugtong muna ni Reinhardt ang kuwento. Hanggang sa nabubuhay na ako noon sa mundong ito ay hindi pa rin nagtatapos ang gulo sa pagitan ng tatlong grupo.

Siyanga pala Reinhardt, pang-interrupt ni Claude. Ano nga pala ang dahilan ng away ng tatlo?

"As usual, ang mga labing-apat na elemento noon ni Haring Jethro ang pinag-aawayan ng Explorers at Pioneer, kasabay na rin ang mga sagradong bagay na nakuha na ng mga Explorers noon. Ngunit ang nais naman ng Reminescence ay ang pagkuha nila ng isang kontinente sa mundo ng mga tao upang pagtayuan ng kanilang teritoryo. Ngunit, pinigilan sila ng Explorers at Pioneer."

Tumango ang lahat.

Ilang taong nahirapan ang mga Explorers at Pioneers na talunin ang Reminescence noon. Hanggang sa dumating na ang panahon na isilang ng pinakamamahal naming ina ang kambal na sina Kenji at Genji. Apat na taong gulang na ako noon nang kunin ako ng Reminescence kasama sina Zoroaster at ang isa ko pang kapatid. Nang malaman ng hari ng Reminescence na isinilang na ang pinaniniwalaang Kambal ng Tadhana ay binalak nitong patayin ang kambal, dahil naniniwala ang lahat sa isang alamat na guguho raw ang mundo kapag nagsama ang kambal sa pinakadulo ng mundo.

Nang malaman ng Explorers na papatayin nga ng Reminescence ang kambal ay agad silang kumilos upang pigilan ang grupo. Ngunit sa huli ay humingi na sila ng tulong sa Pioneer upang makipagsanib-puwersa sa kanila. Nagtulungan ang dalawang grupo at sa wakas ay natalo na nila ng sabay ang hari ng Reminescence. Nawala ang hari na parang bula na sa pag-aakala ng lahat at tuluyan nang namatay.

"Nang matalo ang dating hari ay nabawi na ako ng aking ama sa kamay ng Reminescence, pati na rin si Zoroaster at ang isa ko pang kapatid. Nawala rin ang buong Reminescence kasabay ng pagkawala ang kanilang hari. Naging mapayapa ang mundo. Ngunit, may natuklasan ang mga Pioneers na may dugong immortal pala ang dating hari ng Reminescence at kaya nitong i-reanimate ang sarili sa pamamagitan ng kanyang kaluluwa. Dahil doon ay muli itong nabuhay at itinuloy ang plano na patayin ang kambal at angkinin ang isang kontinente. At nang siya ay nabuhay, nabuhay rin ang Reminescence…"

"Nagkagulo muli. Pinagtanggol na ng ama ko ang aming ina at itinakas. Tinalo muli ng mga Pioneers ang hari ng Reminescence, ngunit nabubuhay pa rin ito hanggat buhay pa ang kanyang kaluluwa dahil sa kanyang pagka-immortal. Hindi na malaman ng mga Explorers at Pioneers ang gagawin upang tuluyan nang mapuksa ang hari nang mawala na rin ang buong Reminescence. Akala ng lahat noon ay wala na ngang paraan pa upang matalo na ito at mamatay na habambuhay..."

Hindi na namamalayan ng lahat na nakapasok na pala si Kenji sa Training Room at na-interrupt uli si Reinhardt nang magsalita ito. K-Kuya, marami ka palang nalalaman... Bakit hindi mo pa sinabi sa amin ito noon pa?!

Gising ka na pala Kenji, bati ni Reinhardt. "Maraming taon ka nang nabubuhay sa Black Curse na ‘yan ano..."

Mabilis na nilapitan ni Kenji si Reinhardt. Kuya, nagsinungaling ka sa akin... Bakit? Marami ka palang nalalaman patungkol dito!

Pasensya ka na Kenji, si Reinhardt. Marahil hindi pa noon ang tamang panahon upang malaman ninyo kaagad... at itinuloy niya ang kuwento. "Noon ay sumuko muna ng pansamantala ang mga Explorers at Pioneers laban sa Reminescence. Muli, kinuha na naman kaming tatlo ng Reminescence bilang kapalit sa buhay naman ng kambal. Naglakas-loob uli ang mga Explorers at Pioneers na kalabanin ang Reminescence. Sa wakas ay nagdesisyon uli silang magsanib-puwersa. Dahil doon ay natalo nilang muli ang hari ng Reminescence. Nanatili uli itong isang kaluluwa, ngunit hindi na hinayaan pa ng Pioneer na muli itong mabubuhay sa kabila ng kawalan ng ideya kung paano nila ito pupuksain ng tuluyan. Kaya, gumawa na lamang sila ng isang Great Seal, na siyang magsisilbi nitong kulungan upang hindi na ito mabuhay na namang muli."

"Great Seal? si Shingue. Ano ang Great Seal?"

"Ang Great Seal ay isang ispesyal na kapangyarihan (magic) ng Pioneer na magsisilbing kulungan ng kaluluwa ng hari upang hindi na ito mag-reanimate."

"Kulungan? Ang paraan na lamang nila upang hindi na mabuhay muli ang hari ay ikulong na lang siya sa isang napakalakas na seal ganu’n ba ‘yon?"

"Tama. Nang makulong ang hari ay marahil, nasama rin sa seal ang buong Reminescence!"

Pero paano naman siya nakulong? tanong ni Genji. "Saan siya naka-seal?"

Patlang. Maya-maya’y nagtanong rin si Akira. "Reinhardt, ano nga pala ang pangalan ng hari ng Reminescence na siya palang greatest warrior?"

Ngumiti ng seryoso si Reinhardt. Tiningnan si Kenji.

"Ang pangalan ng hari ay... King Maximillian of Reminescence!"

Nagulat ang lahat. Kung gayon ay kapangalan pala niya si Kenji! si Akira.

Tinanong na uli ni Genji ang tanong niya kanina. Kuya, sa’n na siya nakakulong ngayon?

Tumindig na si Reinhardt. "Kenji, may mga bagay na akong aaminin sa iyo... Patawarin mo ako kung masyado rin akong naglihim sa iyo, pero dahil nalalapit na ang big event, tingin ko’y panahon na upang malaman mo na ang buong katotohanan..."

Kuya, napaluha si Kenji. Naglihim ka sa akin... Marami ka palang nalalaman... Nagsinungaling ka...

"Kenji... Ang Great Seal ay... Nasasaiyo!"

HAAAAA!!! napaatras ang lahat sa sobrang pagkagimbal. Lalung-lalo na si Kenji!

"N-Nasa akin ang Great Seal?"

"Oo, Kenji. Tama ka. Sanggol ka pa lang noon nang gumawa na ng huling desisyon ang Pioneer na ikulong nila si Haring Maximillian sa loob ng katawan mo kaya diyan nila inilagay ang Great Seal. Sa loob mismo ng katawan mo!"

P-Pero bakit? umiyak na si Kenji. B-Bakit sa akin pa?!! BAKIIITTT?!!

"Kinuha ka ng mga Pioneers noon at sa iyo sila nag-cast ng Great Seal upang sa iyo ikulong ang lider ng Reminescence na si Haring Maximillian, kaya ka nila ipinangalang ‘Maximillian’. Wala nang nagawa noon si ina kundi tanggapin na lamang ang dapat mong sapitin. Ngunit ang Great Seal ay pansamantala lamang. Mawawalan ito ng bisa pagkatapos ng dalawampu’t limang taon, dahil iyon ang edad ni Haring Maximillian noong ikulong siya sa loob ng katawan mo. Kapag nasira na ang Great Seal sa loob ng katawan mo ay mabubuhay na muli si Haring Maximillian."

H-Hinde... umiiyak pa rin si Kenji. Hindi totoo ‘yon kuya!

Nagpasya kami nina Prinsipe Xandir na huwag mo munang alamin ang lahat ng nangyayaring kasaysayan noon...

Bakit?! iyak pa rin ng iyak si Kenji. "Hirap na hirap na ‘ko sa kalagayan ko ngayon... Patay sa umaga, buhay sa gabi... Halos araw-araw... Tapos, may Great Seal pa pala ako! Maski man lang umamin ka na sa ‘kin noon pa hanggat nabubuhay pa ‘ko!"

"Pero Kenji isa pa... Alam mo ba na ‘yang pitong taon mong paghihirap sa Black Curse na ‘yan ay malapit na ring mawala?"

H-Ha? natigilan si Kenji. Anong ibig mong sabihin?

"Naisip ko rin nga pala. Kapag nasira na ang Great Seal sa katawan mo ay masisira rin ang Black Curse na halos pitong taon mong nakasama. Dahil madadamay ang Black Curse sa pagkasira ng Great Seal sa katawan mo."

Ibig sabihin... Tuluyan nang mawawala ang sumpang ito sa akin? Totoo ba ito, kuya Reinhardt?

"May nalalaman ako patungkol sa Great Seal na iyan bilang isang Pioneer, si Akira. Oo, hindi panghabambuhay ang Great Seal, may duration lang ang bisa nito at tama si Reinhardt, Kenji. Tuluyan na ngang mawawala ang Black Curse sa iyo kapag nasira na ang Great Seal, dahil madadamay nga sa pagkasira ng Great Seal ang sumpang iyan."

Sana noon mo pa ito sinabi sa akin, kuya… nang hindi na ‘ko nabubuhay pa sa sumpang ito ng ganitong katagal--

"Hindi mo masisira ng basta-basta ang Great Seal dahil kusa na lamang ito masisira after 25 years... si Reinhardt. Matagal na nating hinahanapan ng lunas ‘yan hindi ba? Pero wala. Kaya wala na kaming nagawa pa kundi hayaan ka na lang naming mabuhay ng ganyang katagal sa ilalim ng sumpang iyan, hanggang sa masira sa iyo ang Great Seal."

Hindi mapakaniwala ang lahat nang malaman na nila ang ganoong kalupit na kasaysayan noon ng Reminescence. Hindi rin sila makapaniwalang lahat na marami palang nalalaman itong sina Reinhardt, Zoroaster, at Xandir patungkol dito.

Kung nawala rin ang Reminescence noon kasabay ng pagkawala ni Haring Maximillian, eh bakit may ilan pa rin sa kanila ang nanggugulo dito sa atin hanggang ngayon? tanong ni Akira. Naalala ko noon nu’ng magkita kami ni Kenji sa Bondore ay mismong Reminescence ang sumakop sa bayan na iyon.

Iyon na ang mga sumunod na Reminescence sa moderno nating panahon, sagot ni Xandir. "Kami na ang mga second-generation Reminescence na pinamumunuan naman ng ama ko na si Haring Maximus X. Pero mas matitindi ang mga first-generation Reminescence na naka-seal sa katawan ni Kenji, na sila talaga ang mga orihinal na lahi ng Reminescence."

"Kaya aasahan nating lahat na sa mismong kaarawan nina Kenji at Genji ay muli na namang mabubuhay ang pinakamalakas na grupo sa lahat, ang Reminescence. Kasama na rin ang tinagurian nila na ‘greatest warrior’ na si Haring Maximillian..."

Nakaluhod si Kenji. Hindi makapaniwala sa mangyayari kaya nagtanong uli siya sa kapatid.

"Kuya, maaari kaya nating pigilan ang pagkawala ng bisa ng Great Seal sa akin upang hindi na sila mabuhay pa at manggulo muli?"

Si Akira na ang sumagot ng patanong rin at seryoso. Kenji, kung ikaw naman ang tatanungin namin. Mas pipiliin mo bang mabuhay na lang sa ilalim ng sumpa na iyan habambuhay kung nanaisin mo naman na huwag silang pakawalan sa iyo?

Hindi nakasagot si Kenji. Hindi alam ang gagawin. Hindi makapagdesisyon.

3 THE PREPARATION

Lumipas pa ang ilang araw at hanggang sa kinabukasan na ang kaarawan nina Kenji at Genji. Katatapos lang magsanay ng mga Explorers nang mabuhay uli si Kenji ng alas-sais ng gabi, at nagsanay din siya upang mag-master ng kanyang elemento. Pagkatapos ay nanatili siya sa isang kuwarto kasama ang kanyang kakambal.

"Bukas na ang main event natin kuya, lalung-lalo na sa ‘yo, wika ni Genji, Akala natin ay tapos na talaga ang lahat. Kaya pala sabi ni kuya Reinhardt noon na nag-uumpisa pa lang tayong lahat. Ngayon ay alam ko na kung bakit..."

Tahimik si Kenji. Hindi kumikibo.

Pero ang magandang balita naman niyan ay tuluyan nang mawawala ang sumpang iyan sa iyo... Pero ang kapalit naman ay ang muling labanan at giyera...

Nag-isip muna ng malalim si Kenji, at maya-maya’y nagsalita na. Kuya Genji, binanggit ba ni kuya Reinhardt noong nagkuwento siya kung sino ang nagbigay ng pangalang ‘Maximillian’ sa akin ha?

"Well, ang natatandaan ko noong sinabi niya, ang Pioneer ang nagkulong sa Reminescence sa katawan mo kaya ka nila ipinangalan na ‘Maximillian’. Kaya marahil, ang mismong Pioneer ang nagbigay ng ganoong pangalan sa iyo."

Lahat ba talaga ng Reminescence ay nasa loob ko? O, si Haring Maximillian lang?

"Hm, ang natatandaan ko noon sa kuwento n’ya ay mismong si Haring Maximillian talaga ang ikinulong nila sa iyo. Nang mawala si Haring Maximillian ay nawala rin ang buong Reminescence. Natatandaan ko kasi ‘yung sinabi noon ni kuya na ‘Nawala rin ang buong Reminescence kasabay ng pagkawala ang kanilang hari’."

"Kung gano’n, mabubuhay na ngang muli ang Reminescence kapag pinakawalan ko na bukas ang kanilang ‘greatest warrior in history’, tama ba ako?"

Yumuko si Genji. "H-Hindi ko alam, only time will tell..."

Sa labas naman ng mansyon, sa Green Leaf Garden...

Lucky, anong ginagawa mo diyan? unang tanong ni Tyrone nang makita niya si Lucky na may kausap sa garden.

"‘Eto, sabi nga ng mga halaman e… nais lang nilang batiin ang kambal sa kanilang 25th birthday para bukas," sagot ni Lucky habang kinakausap niya ang mga halaman sa garden.

Nakakausap mo ang mga halaman?

Alam mo ba Tyrone? Huli ko nang nadiskubre na may kakaiba pala akong kakayahan? Nakakausap ko pala ang mga halaman at hayop!

Namilog ang mga mata ni Tyrone. Oh?

"Na-master ko muna ‘to bago ko nalamang nakakausap ko pala ang mga puno’t halaman dito. Maging ang mga hayop."

Eh ang hangin?

Hindi ko sila nakakausap. Baka si Cyan.

Sinubukan ni Tyrone na kausapin ang mga halama’t bulaklak sa garden. "Pssst, mga tol. Bukas ay magpapa-party kami. Marami ang mga pupunta dito bukas. UE, EUE..."

Walang narinig na anumang response si Tyrone mula sa mga halaman.

Hmpt, hindi ako naniniwala sa iyo Lucky. Hindi ako sinasagot ng mga halaman.

Nagkakamali ka, Tyrone. Sumagot nga sila sa ‘yo eh. Sabi nila ay sabik na sabik na raw silang makita ang mga bisita bukas.

Hindi convinced si Tyrone. Weh, di nga?

"Ang sabi pa ng mga halaman sa ‘yo, hindi ka raw kasi Time Wielder."

Gusto mo patingin kita sa albularyo ha, Lucky?

Natawa si Lucky. "Shut up."

Balik uli tayo kay Kenji. Katatapos lang niyang kausapin sa isang online chat sina Percy at Tadteo gamit ang kanyang sariling laptop. Pumasok si Reinhardt upang kumustahin ang kapatid. Kumusta ka na Kenji?

Kapapatay lang ni Kenji ng kanyang laptop. "Heto, katatapos ko lang kausapin sa chat sina Percy at Tadteo. Sobra ko na nga sila nami-miss eh. Napakatagal na pala mula nang huli kaming magsama, at kinuha niya sa kanyang bulsa ang litrato nilang tatlo: sina Kenji, Percy, at Tadteo. Binati na nila ako ng ‘maligayang kaarawan’. Gusto nilang magpunta dito sa atin bukas..."

Ngumiti lang si Reinhardt nang magsalita uli si Kenji. "Kuya, alam mo ba ang eksaktong oras kung anong oras masisira ang Great Seal bukas?"

Hinimas ni Reinhardt ang kanyang baba. Hindi ako sigurado, pero aasahan nating lahat bukas ang paglaya ng hari ng Reminescence mula sa iyong katawan.

Yumuko si Kenji at parang kinabahan. Sinubukan munang ibahin ni Reinhardt ang topic nang mahalata niya ang kapatid.

Kenji, gusto mo... Kunin na lang natin sina Percy at Tadteo, at dito na rin sila maninirahan para makapiling mo na uli sila araw-araw?

Biglang napatingin si Kenji sa nakatatandang kapatid. Ha? Pwede mo bang gawin ‘yon, kuya?

Oo naman.

Nanumbalik na ang masayahing mukha ng binata. "Wow naman, maraming salamat kuya Reinhardt! Sigurado akong matutuwa ang dalawa ‘pag narinig nila ang magandang balita na ‘yan mula sa akin!"

Hmm, ba’t hindi ko pa naisip ‘yan mula pa noong una?

Kaya nga eh! Dapat noon ko pa pala sila kinuha!

Nawala kasi sa isip ko na may alaga ka nga pala, hahaha!!!

Oo, naaalala ko nu’ng sinabi sa akin ni Percy na misyon ko raw na alagaan sila ni Tadteo kahit na anong mangyari. Atsaka, binigay sila sa akin ni Ninang Vanice noon.

Sige. Mula ngayon, sabihan mo na agad silang dalawa na iempake na nila ang kanilang mga kagamitan. Dahil bukas, pagpunta nila dito sa DDE ay siguradong hindi na sila babalik pa doon sa UE!

"Yes! masaya na muli si Kenji. Sige, tatawagan ko na sila."

Patlang. Maya-maya’y...

Kuya Reinhardt?

"Yes, Kenji?"

Hindi ko na alam itong nararamdaman ko ngayon dahil parang natutuwa ako na para ding natatakot.

"Natutuwa ka dahil tuluyan nang mawawala ang Black Curse sa iyo, at natatakot ka naman dahil mabubuhay na muli ang Reminescence. Ganoon ba iyon?"

O-Oo...

Matagal na tayong nagsasanay. Siguro naman ay handang-handa na tayong lahat. Ang kailangan na lang natin ay preparasyon.

"Kasi kuya, ang sabi mo sa kuwento mo nu’n ay talagang malalakas ang mga Reminescence. Sabi mo, ang grupong ito ay binubuo ng mga magagaling na mandirigma. Na pinamumunuan pa ng isang hari na siyang ‘greatest warrior in history’. Kung gayon, sila naman pala ang susunod na nating makakalaban matapos nating talunin ang Expland, pitong taon nang nakakaraan."

Oo, pero mas magagaling at malalakas ang Reminescence kaysa sa Expland. Kaya sasabihan ko na ang lahat na maghanda na ngayon at lalung-lalo na para bukas.

Ikaw kuya, handa ka na ba?

Alam ko nang mangyayari ‘yan, kaya matagal na matagal ko nang pinaghahandaan ‘yan.

Ngumiti si Kenji. Hahaha, bilib talaga ako sa iyo. Atsaka kuya, ilihim muna natin ito sa lahat. Hayaan na lang nating makita nila ang mangyayari bukas.

"Okay sige, kung iyan ang gusto mo..."

Kuya, napakatagal na rin ng panahon mula nang huli kong makita ang araw at ang umaga...

"Well... Baka bukas... Makikita mo na..."

Kaya kahit ako ay maghahanda na!

Sa hall ng DDE.

Uy Genji, tawag ni Shiela. Bukas ay may ireregalo kami ng asawa ko sa ‘yo ha? Meron rin siyempre para kay Kenji!

Hehehe, ano naman kaya iyon?

"Secret! Bukas mo pa lang malalaman!"

Lumapit si Claude. "Ei, bukas ba ay may party-party pa?"

Si Aaron ang sumagot. "Aba’y oo naman! Nu’ng nakaraang birthday ni Marion ay may party pa!"

"Ang sabihin mo na lang Aaron, lahat ng mga magbe-birthday na Explorers ay binibigyan talaga natin ng party," si Shiela.

Pupunta raw ang mga UE at EUE dito bukas, sabi ng asawa ni Shiela. Marami pa ang pupunta.

E-Eh? si Claude. Di nga?!

Aba’y siyempre ano! si Aaron. "Maraming invited!"

Nagtinginan sina Claude at Genji.

O, ba’t kayo nagtinginan diyan?

Ah, eh... Wala! si Genji. Nagkamot ng ulo.

Dapat nga mas masaya ‘yon dahil mas maraming regalo ang matatanggap ninyo ni Kenji bukas, devah? si Shiela.

Nagtinginan uli ang dalawa.

Genji! Claude! nakapameywang na si Shiela.

Ah, aha! Sige, u-oo na lang kami... at nagbuntung-hininga ang dalawa ng sabay.

Kina Kenji at Reinhardt uli.

Kenji, alam mo ba ang dapat mo talagang pangalan ha? tanong ni Reinhardt.

Um... Kenji?

"Hinde, nickname mo lang ‘yan."

M-Maximillian? Pero ginaya lang pala nina inay iyon kay Haring Maximillian.

Hindi rin Maximillian...

Eh, ano?

Ngumiti si Reinhardt sa kanya nang titigan na siya ng diretso nito.

Gromete...

G-Gromit?

Hinde, Gromete--

Gro...

GRO-ME-TE...

Gromete? nagtaka si Kenji. Ampangit naman!

Iyon talaga dapat ang ipapangalan sana sa iyo nina inay at itay noong ipinagbubuntis pa niya kayo ni Genji. Denver na talaga ang naisip nilang ipangalan kay Genji noon. Samantalang ikaw naman ay Gromete.

Hm, parang nasasagwaan naman ako sa ganoong pangalan. Tunog ‘torete’!

Hahaha, ganoon ba? Ibig sabihin ay mas ginusto mo pa na ang pangalan mo ay Maximillian?

Hindi naman, lumaki na kasi ako sa pangalang Kenji.

Pumikit si Reinhardt. Tama ka... Kahit ako, mas nasanay na rin akong tawagin kitang Kenji kaysa sa mismong Maximillian.

Sa kitchen naman ng DDE. Nandoon sina Tyrone at Isagani upang simulan na ang pagluluto ng mga pagkain para bukas. Nandoon na rin ang mga kumpletong sangkap.

Isagani, tuluyan na nga ‘atang nababaliw itong si Lucky ngayon... wika ni Tyrone habang naghihiwa ng mga sangkap. Biruin mo naman, hanggang ngayon eh kausap pa rin niya ang mga halaman sa labas.

Iyon ay dahilan na may natatangi siyang abilidad na wala sa atin, naghihiwa rin si Isagani. Tyrone, amin na ‘yung bawang.

Binigay naman ni Tyrone ang bawang na hinihingi ni Isagani. "Hm, anong ibig mo namang sabihin? Unfair naman ‘ata sa atin iyon ah!"

Nabiyayaan kasi siya ng ganoong abilidad na wala sa atin sa tulong ng kanyang elemento, ‘yun lang.

Siya lang napili?

Tumigil muna sa pagbabalat ng bawang si Isagani at inangat ang dalawang palad. Kumumpas muna at saka nagsalita. O, liwanag ng Kabutihan... Bigyan mo ako ng biyaya ngayong araw na ito... Hihingin ko mula sa iyo ang... Mas marami pang mga bawang!

Pagkatapos ng isang segundo ay natupad nga ang munting kahilingan ni Isagani. Bumagsak mula sa liwanag sa itaas ang sandamukal na mga bawang, at tumilapon ang mga ito sa sahig ng kanilang malawak na kitchen.

Waaahhh! na-impressed si Tyrone. At paano mo naman nagawa iyan ha, Isagani? Ngayon ay ubod na ng dami ang ating mga bawang ngayon!

"Ito naman ang ating ‘power of the lifetime’!"

Atin?

Biro lang, aking abilidad lang siguro.

At ano naman iyon, ha? inggit si Tyrone.

"Isa rin ako sa nabiyayaan ng kakaibang abilidad tulad ni Lucky, na wala sa ibang mga Element Wielders. Sa aking abilidad, matutupad ang lahat ng mga kahilingan ko depende lang sa nakakayanan ng aking elemento. ‘Yun nga lang ay maaari lang akong humiling dito ng isang beses lamang sa bawat araw..."

Inggit talaga si Tyrone. "At ngayon ay nahiling mo na ang wish mo for the day! Kung alam ko lang, sana ang hiniling mo na lang pala ay puro mga lutong pagkain na nang hindi na tayo magluluto pa!"

"Pasensya na, Tyrone. Ayoko lang maging spoiled sa aking kapangyarihan. Minsan, nawawalan na ng gana ang biyaya kapag inabuso mo na."

Kung nasa akin lang ‘yang elemento mo eh halos araw-araw ay may hihilingin ako diyan! Pera dito, kayamanan doon...

Hay naku Tyrone, at nagbuntung-hininga si Isagani habang pinupulot niya ang mga nakasabog na bawang sa sahig. "Ang ibig sabihin lang kasi niyan ay hindi ka nga deserving para i-handle ang ganito ring elemento."

ANO?!

"Be contented with what you have... ‘Yun lang naman..." at pagkatapos ay naghiwa na muli si Isagani.

"Isagani, hindi kaya lahat tayong mga Element Wielders ay may mga kanya-kanya ring abilidad na wala sa iba?"

Bakit? Sa iyo ba Tyrone eh, hindi mo pa rin natutuklasan ang sa iyo?

Nag-isip pa muna si Tyrone habang nagsasama naman ng mga sangkap.

Parang wala pa kong natutuklasang kahit na ano eh...

Hindi na sumagot si Isagani.

Kina Kenji uli. Nandoon na rin si Claude upang kumustahin rin si Kenji.

Hanggang bukas na lang ang paglilihim natin sa ‘ting mga kapwa-Explorers patungkol diyan sa sumpa mo Kenji, nakangiting wika ni Reinhardt.

Oo nga eh, si Claude. "Marami na nga sa kanila ang nagtatanong kung bakit tuwing ika-pito na ng gabi palagi ang birthday party ninyo ni Genji sa loob ng magpipitong taon, at nagkamot ito ng ulo. Tapos bukas eh, alas-siyete na naman ng gabi ang party, hahaha!"

"Kaya nga eh, kasi iyon lang ang tamang oras na simulan ang party dahil sa gabi lang ako nabubuhay, sagot ni Kenji. Di bale, hanggang bukas na lang ang sumpang ito sa akin, at sa susunod pa naming mga birthday ni kuya Genji ay gawin na uli natin sa umaga."

"Tama ka, pero bukas kailangan nating maghanda ‘pag nasira na ang Great Seal sa katawan mo, Kenji. Baka kasi bukas magkagulo ang lahat, hindi ko alam..." si Reinhardt.

"Naku, ‘wag naman sanang guluhin ni Haring Maximillian ang main event ninyo ni Genji bukas, si Claude. Sana next time na lang!"

Kuya Reinhardt, may ideya ka ba kung anong eksaktong oras lalabas si Haring Maximillian? tanong uli ni Kenji.

Wala nga akong ideya, at napapikit na tuloy si Reinhardt sa kakulitan ni Kenji. "Basta kahit na anong mangyari, habang nasa gitna pa lang ng party ay ihanda na nating lahat ang ating mga sandata... Pero patago, para hindi magulat ang mga bisita, pati na rin ‘yung ibang mga Explorers."

Pero paano natin magagawa iyon, Reinhardt? nag-aalalang tanong ni Claude. "Kung masisira na talaga ang seal ay wala na tayong magagawa pa kundi hayaan na lang silang masaksihan ang muling pagsilang ni Haring Maximillian... Bakit hindi na lang kaya natin sabihin ito sa lahat nang makapaghanda na rin sila para bukas?"

H’wag Claude, pigil ni Reinhardt. "Basta be alert! Huwag nating sirain ang kasiyahan bukas."

Pero magkakagulo pa rin bukas hindi ba?

Basta tingnan na lang nating lahat ang mangyayari bukas, seryoso na si Reinhardt. Ano man ang mangyari, itutuloy pa rin natin ang selebrasyon, pero maging handa pa rin tayo sa lahat, sabay lingon kay Kenji. Lalung-lalo ka na, Kenji...

Nakayuko si Kenji. Ummm...

"Kapag nag-umpisa nang lumusob ang hari ng Reminescence, saka na natin ipatigil ang kasiyahan. Pero hanggat ayos pa ang lahat, the show must go on!"

Isang oras na ang nakakaraan nang maisipan ni Kenji na lumabas muna sa kanyang kuwarto upang magmasid. Pagkalabas niya ay nagulat siya nang makita niya ang buong mansyon na nakaayos na pala para sa birthday party nila ni Genji bukas.

Whoa! napaatras ang binata. Ang buong mansyon...

Nakita rin niya ang tita ni Cyan doon na nag-aayos ng mesa na nilalagyan rin ng mga puting rosas sa flower vase. Nandoon rin si Cyan.

Magandang gabi sa ‘yo, Kenji! bati ni Cyan.

Magandang gabi rin sa iyo, Cyan, nakangiting bati rin ni Kenji. Salamat sa pag-aayos ninyong lahat, ha? Ah, siyanga pala, at mabilis siyang lumapit kay Cyan, at hinila muna niya ito papalayo sa kanyang tita. Binulungan. Cyan, may nalalaman ka na ba sa mangyayari bukas?

"Ang alin? ‘Yung tungkol sa party?"

Bukod pa doon... Sa akin...

Ah, sa iyo? at inangat ni Cyan ang kanyang hintuturo. "Oo. Kinuwento na sa akin nina Clio

Enjoying the preview?
Page 1 of 1