Discover millions of ebooks, audiobooks, and so much more with a free trial

Only $11.99/month after trial. Cancel anytime.

Bible Basics For New Believers: Tagalog and English Languages
Bible Basics For New Believers: Tagalog and English Languages
Bible Basics For New Believers: Tagalog and English Languages
Ebook52 pages38 minutes

Bible Basics For New Believers: Tagalog and English Languages

Rating: 0 out of 5 stars

()

Read preview

About this ebook

This book will guide you through your Bible to have a Basic understanding of God's Word. The Lessons include:
1) The Old Testament Law and Its Purpose
2) Who is Jesus?
3) What is Salvation?
4) Your New Identity in Christ
5) How to Pray
6) What is Communion?
7) What is Baptism?
8) How to Study Your Bible

LanguageTagalog
Release dateJul 16, 2012
ISBN9781476275703
Bible Basics For New Believers: Tagalog and English Languages

Related to Bible Basics For New Believers

Related ebooks

Reviews for Bible Basics For New Believers

Rating: 0 out of 5 stars
0 ratings

0 ratings0 reviews

What did you think?

Tap to rate

Review must be at least 10 words

    Book preview

    Bible Basics For New Believers - James McCreary

    PANGUNAHING KATURUAN NG BIBLIA

    Para sa mga Bagong Mananampalataya

    Nirebisang Edisyon

    James McCreary

    Karapatang-ari © 2007 ni James McCreary

    Smashwords Edisyon

    Ang mga talata sa Biblia ay hinango mula sa Magandang Balita Biblia

    Karapatang-ari © 1973 ng Philippine Bible Society. Ginamit nang may pahintulot

    PANGUNAHING KATURUAN NG

    BIBLIA PARA SA MGA BAGONG

    MANANAMPALATAYA

    Binabati kita sa ginawa mong pinakamahalagang desisyon sa iyong buhay! Ngayong ikaw ay nagpasyang magtiwala at tanggapin si Jesus bilang iyong sariling tagapagligtas, ano ang kasunod? Mayroon akong ginawang ilang mga pag-aaral sa Biblia, mga pangunahing katotohanan ng Cristianismo na maaari mong pag-aralan.

    Narito ang kabuuan ng mga sumusunod na walong aralin:

    1) Ang Kautusan ng Lumang Tipan at ang Layunin Nito

    2) Sino si Jesus?

    3) Ano ang Kaligtasan?

    4) Ang Iyong Bagong Pagkatao kay Cristo Jesus

    5) Paano Manalangin

    6) Ano ang Komunyon?

    7) Ano ang Bautismo?

    8) Paano Mag-aral ng Biblia

    Habang pinag-aaralan mo ang bawat aralin, sikapin mong basahin ang mga talata hanggang sa iyong makakaya. Mahalagang mabasa mo ang mga ito sa iyong sarili.

    ARALIN #1

    ANG KAUTUSAN NG LUMANG TIPAN AT KUNG PAANO ITO NAAANGKOP SA ATIN

    Ano ang Kahulugan ng Kautusan ng Lumang Tipan?

    Mayroong iba’t-ibang uri ng Kautusan sa Lumang Tipan:

    Panlipunan (Exodo 23:10-12; Levitico 24:10-27:34)

    Pangkalusugan (Levitico 11:1-17:16)

    Pang-Relihiyong Seremonya o Rituwal (Exodo 23:14-19; 25:2-31:18; Levitico 21:1-24:9)

    Pang-Moral (Exodo 20:1-17; 23:1-9; Levitico 18:1 -20:27)

    Sa araling ito, itutuon natin ang ating pag-aaral sa Kautusang Moral. (Halimbawa ay ang Sampung Utos sa Exodo 20:3-17)

    Ano ang Layunin ng Kautusang Moral?

    Nais ng Diyos na tayo ay maging ganap (Mateo 5:48). Ikaw ba ay nagsinungaling

    na kahit minsan (Exodo 20:16)? Nakapagnakaw ng kahit na anong bagay? Gaano

    man ang halaga ay hindi importante (Exodo 20:15). Ikaw ba ay nagnasa (Mateo 5:27-28)? Mayroong kinapootan (1 Juan 4:20)? Ikaw ba ay nakapandaya ng iyong

    kapwa (1 Corinto 6:8)? Kung oo ang sagot mo sa alinmang mga katanungang ito,

    ikaw ay hindi makakapunta sa langit dahil sa pagsuway mo sa Kautusang Moral na

    Ganap ng Diyos (Santiago 2:8-11).

    Ang Kautusang Moral ay tulad ng salamin. Ito ay nagpapakita na tayo ay mga

    makasalanan at hahatulan ng Diyos dahil sa pagsuway sa Kanya (Roma 3:20).

    Yamang alam natin na tayo ay parurusahan, naghahanap tayo ng tagapagligtas

    (Roma 3:21-24).

    Kailangan pa ba nating sundin ngayon ang mga Kautusan ng Lumang Tipan?

    Kung tinanggap mo si Hesus bilang iyong Tagapagligtas, samakatuwid kanya nang

    binayaran ang kaparusahan ng iyong pagsuway sa kautusan. Bagama’t di mo na

    kinakailangang sundin ang kautusan para maligtas (ikaw ay napagkalooban na),

    kinakailangan mo pa ring sundin ang Kautusang Moral (Mateo 22:37) sapagkat ito

    ang mag-iingat sa iyo sa pagkawasak dulot ng kasalanang kinamumuhian ng Diyos

    (Roma 3:27-31; Santiago 1:22-25). Kinakailangan mo lang tandaan ang Mateo 7:12;

    22:35-40.

    Pagsasagawang Katanungan

    Ikaw ba ay sumuway laban sa Diyos? Gusto mo bang patawarin ka sa ginawa mong pasakit sa Diyos?

    Talatang Dapat Tandaan

    Sapagkat ang lahat ay nagkasala at walang sinumang karapat-dapat sa paningin ng Diyos.

    (Roma 3:23)

    ARALIN #2

    SINO SI HESUS?

    Enjoying the preview?
    Page 1 of 1