Discover millions of ebooks, audiobooks, and so much more with a free trial

Only $11.99/month after trial. Cancel anytime.

The Bride
The Bride
The Bride
Ebook297 pages4 hours

The Bride

Rating: 5 out of 5 stars

5/5

()

Read preview

About this ebook

Isang bagay ang na-realize ni Aaron nang dumating sa emergency room ng ospital si Tamisha. He couldn't really be happy without her. Muntik nang tuluyang mawala sa buhay niya ang dalaga. Hindi na siya puwedeng magsayang ng panahon.

Kahit na alam niyang kinamumuhian siya ni Tamisha, determinado pa rin siyang magbalik sa buhay nito. Determinado siyang paibigin uli ito dahil naniniwala siyang silang dalawa ang para sa isa't isa.

Apektado pa rin si Tamisha kay Aaron kahit na ilang taon na silang hiwalay at hindi nagkikita. Napapabilis pa rin nito ang tibok ng kanyang puso. Pero hindi na niya gustong bumalik ang lalaki sa kanyang buhay. Hindi na niya gustong mahalin si Aaron. Lalong hindi pa niya gustong patawarin ang lalaki sa ginawa nitong pag-atras sa kasal nila noon.

Paglalabanan niya ang nararamdaman anuman ang mangyari. Sino ang magwawagi sa kanilang dalawa?

LanguageFilipino
PublisherBelle Feliz
Release dateFeb 18, 2024
ISBN9798224439904
The Bride
Author

Belle Feliz

Belle Feliz writes Tagalog romance.

Read more from Belle Feliz

Related to The Bride

Reviews for The Bride

Rating: 5 out of 5 stars
5/5

3 ratings0 reviews

What did you think?

Tap to rate

Review must be at least 10 words

    Book preview

    The Bride - Belle Feliz

    PROLOGUE

    ANG SABI NILA, BAD luck daw kapag nagkita ang mga ikakasal bago ang seremonya ng kasal. Sa ibang pagkakataon ay walang pakialam si Tamisha sa mga pamahiin. Naniniwala siya na tao ang gumagawa ng sariling kapalaran. Ang will ng tao ang dahilan kung nangyayari ang mga bagay-bagay. Ikakasal na siya bukas dahil hindi niya pinakinggan ang sinabi ng marami na hindi sila bagay ni Aaron.

    Tamisha sighed dreamily. May parte pa rin sa kanya ang hindi makapaniwalang ikakasal na siya sa lalaking pinakamamahal. Bukas ay matutupad na ang lahat ng kanyang pangarap. Ang lapit-lapit na.

    Kaya naman kahit na gustong-gustong makita ni Tamisha ang kanyang groom ay pinigilan niya ang sarili na sumilip sa kuwarto nito. Nagkulong siya sa magarang suite niya at pilit na pinanatili ang sarili roon. Habang nakahiga at nakatitig sa magandang chandelier na nakakabit sa tapat ng kama, pinlano niya ang kinabukasan nila ni Aaron na magkasama. Halos mamilipit siya sa kilig. Gustong-gusto niya ang mga planong nabubuo sa kanyang isip. Gustong-gusto niya ang mga larawan na kanyang nabubuo.

    May maliit na parte kay Tamisha ang parang duda sa mga mangyayari bukas. Was she really going to marry Aaron? Ang lalaking pinangarap niyang makasama habang-buhay mula pa noong high school siya? Ang lalaking minahal na agad ng kanyang puso noong subukan siyang ipagtanggol ng lalaki sa bully? Ang lalaking patuloy niyang minamahal sa mga nakalipas na taon. Ang lalaking alam niyang mamahalin nang buong puso habang-buhay.

    Wala na dapat duda. Wala nang dapat tanong kung tama ang kanyang ginagawa.

    Ang sabi ng iba niyang mga kaibigan, she had worked hard to get him. May parte sa kanya ang sumasang-ayon. She had truly worked hard the past years. May parte naman ang nagsasabi na hindi iyon hard work. Love was never hard work. She just loved Aaron. She had loved loving him. Kahit na noong mga panahong walang kasiguruhan ang mga bagay-bagay sa pagitan nilang dalawa.

    Bukas, magsisimula ang bagong kabanata ng kanilang buhay. Niyakap niya nang mahigpit ang kanyang unan. Aabutin sana niya ang phone para makapagpadala siya ng text kay Aaron nang marinig niya ang katok sa pinto. Nagsalubong ang kanyang mga kilay. Wala na siyang inaasahang sisilip sa kanya. Gabing-gabi na at dapat ay hinahayaan na siya sa kanyang beauty rest para sariwang-sariwa siya bukas.

    Sino `yan?

    Aaron.

    Mabilis na bumaba si Tamisha sa kama at tinakbo ang pintuan. Bago pa man niya maalala ang pamahiin ay nabuksan na niya ang pinto. Agad niyang ibinato ang sarili kay Aaron. Napaatras ng isang hakbang ang mapapangasawa dahil kahit na madalas niya iyong gawin ay hindi pa rin nito napaghahandaan. Hindi naman mahina ang katawan ng lalaki na maibabagsak ng puwersa niya. She was admittedly a big woman. Not really fat, just big. Agad nitong naibalik ang balanse ng katawan. Pumaikot sa kanya ang mga braso nito.

    I’m sorry, sabi niya habang ibinabaon ang mukha sa leeg nito. He always smelled good.

    Can we talk? hiling ni Aaron.

    Natigilan si Tamisha. May kung anong kakaiba sa boses ni Aaron. Masyado iyong pormal. Agad na sinalakay ng hindi magandang pakiramdam ang kanyang dibdib. Hindi niya gustong makaramdam ng ganoon. Hindi niya gustong mag-isip ng hindi magandang bagay. Ikakasal na sila bukas. Ilang oras na lang. Walang puwedeng mangyaring masama.

    Iyon ang mga pilit niyang pinaniniwalaan pero habang tumatagal ay lalong sumasama ang kanyang pakiramdam.

    G-gabi n-na, sabi ni Tamisha habang banayad na itinutulak palayo sa kanya si Aaron. Kailangan na nating magpahinga. Big day tomorrow. We’re getting married!

    Hindi siya hinayaan na tuluyang makawala ni Aaron. Hinawakan nito ang kanyang mga braso at sinalubong ang kanyang mga mata.

    Pakiramdam ni Tamisha ay unti-unting namamatay ang puso niya. Alam na niya ang mangyayari, ang mga sasabihin nito sa kanya bago pa man maibuka ni Aaron ang bibig. Umiling-iling siya. N-no. Pilit siyang lumayo at sa pagkakataong iyon ay hinayaan na siya ng lalaki. Patuloy sa pag-iling ang kanyang ulo. Hindi iyon nangyayari. Hindi maaari. Nakatulog na siguro siya at binabangungot lang. Magigising na siya anumang sandali.

    Tami, listen to me—

    No! singhal ni Tamisha. Hindi niya namalayang umiiyak na siya. Naninikip ang kanyang dibdib. Nagpalakad-lakad siya sa loob ng kanyang suite. Pilit siyang nag-iisip ng solusyon. Alam niyang mayroong solusyon. Kaya niyang ayusin iyon. Sa loob ng mahabang panahon ay nakaya niyang makarating sa puntong ito. Hindi na niya basta na lang susukuan o hahayaang masira.

    You can’t do this to me, Aaron, sabi niya sa nagmamakaawang boses.

    I’m sorry, Tami. Hindi ko gustong gawin ito sa `yo.

    Then `wag mong gawin sa `kin ito! Wala akong narinig mula sa `yo. Go back to your room and we’ll pretend this never happened. This is not happening! It can’t be.

    Tami, I don’t know if I can do this. I don’t think I can marry you tomorrow.

    Nanghihinang napaupo si Tamisha sa gilid ng kama. You just have to say, don’t you?

    Sa palagay ko ay ito ang makabubuti sa ating dalawa.

    Hindi magawang sumagot ni Tamisha kahit na parang napakarami nang tumatakbo sa kanyang isip nang mga sandaling iyon. She was trying hard to pull herself together because she was falling apart so fast. Her heart was breaking in tiny pieces. Hindi niya sigurado kung ano ang gagawin, kung ano ang sasabihin. Nahiling niyang sana ay magising na siya kung bangungunot nga iyon.

    Lumuhod si Aaron sa kanyang harap. I’m sorry.

    Why are you doing this? Why are you changing your mind?

    I think it’s the best for both of us. Pareho tayong bata pa.

    Napahagulhol si Tamisha. Sinubukan siyang yakapin ni Aaron pero nagpumiglas siya. You don’t love me, she said brokenly.

    That’s not true. Kahit na ano pa ang ginagawa ko ngayon—

    You never did.

    Tami—

    Don’t do this to me, pagmamakaawa ni Tamisha. Don’t change your mind. Please naman, Aaron. Narito na tayo. Huwag nang magbago ang isip mo. Please. Nagmamakaawa ako sa `yo. Huwag mong gawin sa `kin `to.

    Tami, maniwala ka sana na hindi rin madali ang ginagawa kong ito. Nasasaktan din ako. I just thought this through a lot. Sa palagay ko ay hindi tayo dapat magpakasal bukas. I’m sorry. One day, this would make sense for both you and me. I’m really sorry.

    Umiling-iling si Tamisha. Hindi ako papayag. Maghihintay pa rin ako bukas. Mag-aayos pa rin ako. Isusuot ko pa rin ang wedding gown ko. Hihintayin pa rin kita.

    Nanlaki ang mga mata ni Aaron. Tami, please.

    No. Gagawin ko ang anumang gusto ko tutal ginagawa mo naman kung ano ang gusto mo. I’m gonna wait for you tomorrow. Talaga bang gusto mo `kong ipahiya sa lahat ng mga kaibigan at kapamilya natin?

    Tami...

    I’m gonna marry you tomorrow, pangako ni Tamisha.

    Umalis si Aaron sa kanyang kuwarto na wala nang anuman pang sinasabi. Hindi matigil ang mga luha ni Tamisha. Hindi niya mapatahan ang sarili. Parang mamamatay siya sa sakit na iniinda. Paulit-ulit niyang itinanong sa sarili kung paano nangyari iyon. Paanong sa ganito mauuwi ang lahat?

    Hindi pa rin niya magawang tuluyang sumuko pagsikat ng araw. Kahit na parang namatay ang malaking bahagi ng kanyang puso, pinilit pa rin niyang bumangon sa higaan. Naligo siya at nag-ayos. Pagdating ng make-up artist ay agad siyang pinagalitan nito dahil sa pamumugto ng kanyang mga mata. Pilit siyang tinatanong kung ano ang nangyari. Hindi siya sumagot. Hindi rin niya napapakinggan sa totoo lang ang sinasabi ng make-up artist. Nang mapansin na hindi talaga siya magsasalita ay tahimik na lang siyang inayusan nito.

    Nagpunta sila sa simbahan. Agad na nahalata ng kanyang ama na may kakaiba sa kanya. Tinatanong siya nito kung ano ang problema. Nanatiling tikom ang kanyang bibig. Gusto niyang humagulhol ng iyak pero hindi na niya hinayaan ang sarili. Patuloy sa paninikip ang kanyang dibdib, gayunman.

    Naghintay siya sa bridal car. Hindi na niya gaanong inintindi ang paglipas ng oras. Nararamdaman niya ang komosyon sa labas ng sasakyan. Wala siyang pakialam. Kahit na noong bumukas ang pinto at naramdaman niyang may sumakay.

    He’s not coming, Tami.

    Dahan-dahang nilingon ni Tamisha si Amy. Si Amy na pinakamatalik na kaibigan ni Aaron. Hindi nito suot ang magandang gown na pinili niya para sa babae. Nakasuot ito ng kupasing pantalon at T-shirt. Nasa mga mata nito ang matinding awa para sa kanya.

    I hate you so much, sabi niya sa munting boses.

    Tumango si Amy. I know. I’m sorry.

    Tell him, tell him I’m so done loving him.

    She had meant that. Hindi inakala ni Tamisha na darating ang araw na ito. Hindi niya naisip dati na posibleng bigla na lang tumigil sa pagmamahal ang kanyang puso. Ang akala niya ay walang limit ang nararamdaman niyang pag-ibig para kay Aaron.

    She was done loving him.

    CHAPTER ONE

    Five years later...

    I HAVE TO BE WITH GARRETT today. We’re testing new robots. It’ll take us all day siguro. Can you manage my post ops and teach the residents and interns in my department’s rotation this week? Try not to dazzle them with all this.

    Naitirik ni Aaron ang mga mata nang imuwestra ni Dr. Andrew Mendoza ang kabuuan niya. Dapat ay sanay na siya sa ganoong mockery pero biro lang talaga ang pagiging ganoon nito. Madalas ipaalam ng kanyang teacher sa kanya na masyado siyang maganda para sa isang lalaki.

    Got it, boss.

    I’d ask Amy to help you out but she’s in the ER today. She’s so good Collin requested for her. Hindi na gaanong nakakagulat o nakapagtataka. I trained her to be the best. She’s my favorite, you know.

    Naitirik uli ni Aaron ang mga mata. Sanay na rin siya sa ganoong linya nito. Kapag si Amy naman ang kaharap ni Dr. Andrew Mendoza ay siya ang paborito.

    Just go, pagtataboy ni Aaron kay Andrew. Ang totoo ay medyo excited siyang maging semi in-charge sa pediatric department sa araw na iyon.

    Call me if there’s an emergency.

    I can handle any emergencies. You know that. I’ve been off my training wheels for a while now. You know you don’t have to worry.

    Okay, fine. Alam mo naman na there will be a hell of a price to pay `pag napabayaan mo ang department ko.

    Kung noon ay natatakot siya sa mga ganoong pananalita ni Andrew, hindi na ngayon. Hindi dahil sa alam niyang hindi nito tototohanin ang banta—alam ni Aaron na tototohanin ni Andrew ang banta. Kilala lang niya ang paboritong teacher na tough love ang paboritong way of teaching. He might be tough, but he was never unfair, unreasonable or biased. Andrew was not just a brilliant doctor; he was also a brilliant human being even if it doesn’t show most of the time.

    Aaron admired Andrew. He looked up to him. He wanted to be him when he grew up, ang biro pa niya madalas. Mula sa unang taon ng residency nila ni Amy ay ginusto na nilang matuto kay Andrew. Kahit na kinatatakutan ang mahusay na pediatric surgeon ng maraming residente at interns sa ospital na iyon, hindi sila ni Amy. Nakita nila kung paano sila matututo nang husto, kung paano magiging isa sa mga pinakamahuhusay. Agad din nilang nakita na sa department ng pediatrics sila makakatulong at magiging mas mabuting doktor at tao.

    Itinatag nina Dr. Andrew Mendoza at Dr. Tawny Ann Peralejo ang Joy Madrid program, ang pinakamalaking indigent program sa buong ospital na may sarili nang wing. Hinahanap nila ang mga bata na nangangailangan ng medical care sa buong bansa at dinadala roon. Mas lumalawak ang programa at mas dumarami ang tumutulong at nagbibigay. Totoong mas sina Dr. Mendoza at Dr. Peralejo ang nahirapan sa pagbuo ng Joy Madrid. Pero nakaalalay sila palagi ni Amy kay Dr. Mendoza lalo na noong kinailangang umalis ni Dr. Peralejo. Nakatulong din sila nang husto. Halos sa Joy Madrid napunta ang lahat ng free time nila ni Amy.

    Masaya naman silang makatulong sa mga nangangailangan. Kahit na madalas na pagod, masarap pa rin sa pakiramdam ang kaalamang may natulungan silang buhay. May kinabukasan na mas nagliwanag.

    Aaron was going to be a pediatric surgeon; he was set on that specialty. Mahirap ang maging surgeon para sa mga bata. It had been more than just cutting. Hindi maiiwasang ma-involve ang emosyon at puso sa department na iyon. Minsan ay napakasakit kapag nawawala sa kanya ang mga pasyente o wala siyang ibang magawa para makatulong. Kailangan ay extra ang tatag ng dibdib para makatagal. He loved the challenge. He loved the work. He loved helping children in need. He loved his current life, to be honest. He almost had all he ever wanted.

    He was happy. Almost.

    Wala namang dahilan para hindi maging masaya si Aaron. He was one of the best surgeons. Nagtatrabaho siya sa isa sa pinakaprestihiyosong ospital. Wala siyang gaanong social life pero marami naman siyang kaibigan. Marami naman siyang nagagawang kapaki-pakinabang. He had a very impressive shoe collection. His mother and her businesses were doing well. Napakarami niyang dapat na ipagpasalamat.

    Hindi na niya pinansin ang boses na parang bumubulong na hindi talaga siya ganap na masaya.

    Aaron made a choice, and he had no right to feel any remorse or regret. He got the things he wanted in life. He had sacrificed some things to be where he was now, but it had been his choice. He had to believe everything had been worth it. Hindi na rin niya gaanong pinansin ang bahagyang paninikip ng kanyang dibdib.

    Inabala na lang ni Aaron ang sarili sa mga trabaho. Nag-rounds siya kasama ang ilang residente na nasa rotation na mukhang na-relieve nang malaman na siya ang magtuturo sa araw na iyon. Sinubukan niyang maging mahusay na teacher. Hindi niya gaanong magaya ang teaching methods ni Andrew dahil kahit na anong gawin niya ay hindi siya nakakatakot.

    He was kind of tired hearing everyone say he looked too beautiful for a male. May ilan pa ngang nangangahas sabihin sa mukha niya na hindi na lang dapat siya naging doktor, dapat ay naging modelo o artista na lang siya. Bakit pa raw siya nagpapakahirap mag-aral at magpakadalubhasa? Madalas niyang sabihin na nagdoktor siya para patunayan sa lahat na hindi lang siya pretty face, may utak din siya. May kakayahan siyang magligtas ng buhay. Minsan ay naitatanong din niya kung bakit parang mas marunong pa ang ilan kaysa sa kanya? Gusto niyang maging doktor at naging doktor siya.

    Si Aaron ang maituturing na kaibigan ng mga residente at intern. Siya ang madalas na lapitan at hingan ng tulong. He was the good cop to Andrew’s or Amy’s bad cop. But that does not mean he tolerated mistakes or stupidity. Kahit na friendly siya, sinusubukan pa rin niyang turuan ang mga intern at residente under sa kanya. Kailangan ay alam ng mga ito ang ginagawa dahil buhay ng tao ang nakasalalay.

    Naging maayos naman ang buong araw para kay Aaron. Nagbibilin na lang siya sa mga residente na mananatili sa ilang pasyente nang maramdaman ang pag-vibrate ng kanyang cell phone. Sandali niya iyong sinilip. Si Amy ang tumatawag. Siguro ay patapos na rin ang shift nito sa ER at tatanungin lang siya siguro kung sasabay na siyang umuwi. Sa iisang condominium unit lang sila tumutuloy na dalawa. Hindi muna niya iyon sinagot at tinapos ang pagbibigay ng orders sa mga iiwanan niyang doktor.

    Tumawag uli si Amy habang papunta siya sa resident’s lounge para magpalit at kunin na ang kanyang mga gamit. Sinagot na niya ang tawag sa pagkakataong iyon. I’ll be down in ten minutes. Hintayin mo na ako. Sabay na tayong umuwi. Mag-take out na rin tayo ng dinner.

    Bumaba ka sa ER ngayon din, frantic nitong sabi, hinihingal.

    Why? Kailangan mo ba ng tulong? Nagsalubong ang mga kilay ni Aaron sa pagtataka. May kung ano sa boses ng matalik na kaibigan. Parang naririnig din niya sa background ang kaguluhan. Someone was shouting rapid fire orders. Base sa pagkakaintindi ay mukhang nasa malalang kondisyon ang isang pasyente sa Emergency Room. It doesn’t sound so good.

    Basta bumaba ka na lang dito. I can’t talk right now.

    Bago pa man makasagot si Aaron ay nawala na sa linya si Amy. Kunot pa rin ang noo na pinuntahan niya ang pinakamalapit na elevator. Pitong taong gulang siya nang makilala sa unang pagkakataon si Amy. Naging magkapitbahay silang dalawa. Si Amy ang tipo ng bata na laging pawisan sa paglalaro. Galawgaw. Kahit na paano pagsabihan ng ina nito na huwag gaanong magpapaaraw at tatakbo para hindi mangitim at masugatan kapag nadapa, matigas ang ulo nito. Siya ang bata na hindi masyadong nagpapaaraw at tumatakbo. Ingat na ingat sa kanya ang ina na si Emelia. Naalala niyang palagi siyang nakatanaw mula sa terrace ng bahay nila, pinapanood ang pakikipaglaro ni Amy sa ibang mga bata at tahimik na naiinggit.

    Dahil iba si Aaron sa ibang mga bata sa paligid, madali para sa mga ito na husgahan siya. Noon pa man ay napagkakamalan na siyang bakla dahil masyado nga siyang maganda para sa isang lalaki. Masyadong pino ang kanyang galaw. Masyadong malumanay ang kanyang pagsasalita dahil malumanay ring magsalita ang kanyang ina at nakasanayan na niya. Pero sa kabila ng lahat ng iyon, sa kabila ng mga indikasyon daw na binabae siya, hindi siya na-confuse sa sexuality niya. Nang magkalakas siya ng loob na lumabas ng gate at makipaglaro sa iba ay tinukso siyang bakla ng ilang mga bata. Ipinagtanggol siya ni Amy. Sinuntok pa nito ang isang batang nanulak sa kanya.

    Mula nang araw na iyon ay naging magkaibigan na silang dalawa. Hindi na ito nakipaglaro sa mga bully, sa kanya na lang. Pakiramdam noon ni Aaron ay mas pinili siya ni Amy at naging masaya naman siya. Mula noon ay ipinagtatanggol na nila ang isa’t isa. Hindi na sila napaghiwalay. Mula grade school hanggang sa residency program. Marami ang namamangha sa friendship nila. Paano nila raw nagawa iyon? Paano nila na-sustain ang friendship? Hindi pa ba sila sawa sa isa’t isa? Na-in love ba sila sa isa’t isa o naisip man lang ba nila ang posibilidad ng romantic involvement?

    Ang totoo ay hindi nila alam ni Amy ang isasagot sa mga nagtatanong kung ano ang sekreto ng kanilang pagkakaibigan. Wala naman kasi yatang sekreto. Nagkataon lang na nagkasundo silang dalawa at nagturingan na magkapatid. Hindi rin nila sigurado kung paano sila hindi nagsawa sa isa’t isa. Marami silang pagkakapareho pero marami rin namang pagkakaiba. Pareho silang pinalaki ng single moms pero magkaibang-magkaiba ang kanilang mga magulang.

    Sanay ang ina ni Amy na sinusustentuhan ng boyfriend nito. Ang kanyang ina ay pinalago ang napanalunan sa lotto. Nagpatayo ng ilang negosyo ang kanyang ina at hindi na kahit kailan umasa sa isang lalaki pagkatapos iwanan ng kanyang ama.

    Pareho nilang ginustong maging surgeon ni Amy. Nag-aaway rin naman sila. Madalas din namang magkaiba ang kanilang mga opinyon sa mga bagay-bagay. May mga pagkakataong hindi sila nag-uusap kapag nagkakatampuhan. Pero hindi sila kahit kailan umabot sa punto na halos magkasolian sila ng kandila. Palagi nilang naayos ang away at tampuhan.

    Isa si Amy sa mga taong ayaw ni Aaron na mawala sa buhay niya. Nagpapasalamat siyang may kaibigan siyang laging nakaalalay. Kaibigang kakampi niya sa lahat ng bagay. Kaibigang hindi siya kukunsintihin kapag may nagawa siyang kamalian. She knew when exactly to lift him up or ground him down.

    Masaya si Aaron para kay Amy ngayong nahanap na nito ang lalaking mag-aalaga at magpapasaya sa kaibigan, si Wyatt. She deserved to be happy and to be loved. Kailangan niyang aminin na medyo naiinggit din siya sa ibang uri ng kaligayahan na tinatamasa ng kaibigan. Sa mahabang panahon ay hindi niya iniisip ang pagkakaroon ng life partner, ang falling in love. Ngayon ay gusto sana niyang maranasan uli ang rush.

    Tuwing nakikita niya sina Amy at Wyatt na magkasama ay naaalala niyang minsan ay may ganoon din siya. Naging masaya rin. Kinailangan lang niyang pakawalan ang pag-ibig na iyon, ang isang pagkakataon.

    Pumasok siya sa Emergency Room at sinubukan niyang kalimutan na muna ang ilang bagay na tumatakbo sa kanyang isip. Nakakumpol ang emergency team sa isa sa mga trauma room. Dr. Collin Ignacio, the new head of the emergency medicine, was the one barking rapid-fire orders. Usually ay payapa at palakaibigan ang mukha ng mahusay na doktor, ngayon ay determinado at concentrated ang mukha nito sa isang pasyente.

    Halos wala sa loob na lumapit si Aaron sa kuwarto kung saan naroon din si Amy. Nasa mukha ng kaibigan ang pinaghalong sindak, takot at sobrang pag-aalala. Noon lang niya nakita ang ganoong mukha ng kaibigan habang ginagamot ang isang pasyente. Habang lumilipas ang taon ay nakontrol na nila ang paglabas ng kanilang mga emosyon sa kanilang mga mukha habang nagtatrabaho. Ipinag-alala tuloy niyang baka kaibigan o kakilala nito ang pasyente.

    Isang nurse ang umalis sa isang bahagi ng kama kaya mas napagmasdan ni Aaron ang pasyente. It was a woman, a tall woman. Most of her clothes were scissored down. Kaya naman nakita niya ang tan and muscled skin. Parang walang taba sa katawan nito. Siguro ay health buff o atleta ang pasyente.

    Aaron...

    Napatingin siya kay Amy na nasa ulunan ng pasyente. Her eyes were worried and tortured. She was getting ready to intubate the patient.

    What— Biglang natigil sa pagsasalita si Aaron nang mapagmasdan niya nang mas matagal ang mukha ng pasyente. Hindi siya nakagalaw. Pakiramdam niya ay nanlamig ang kanyang buong katawan. Parang nawala bigla ang

    Enjoying the preview?
    Page 1 of 1