Discover millions of ebooks, audiobooks, and so much more with a free trial

Only $11.99/month after trial. Cancel anytime.

The Perfect Timing
The Perfect Timing
The Perfect Timing
Ebook199 pages2 hours

The Perfect Timing

Rating: 5 out of 5 stars

5/5

()

Read preview

About this ebook

Pakiramdam nina JC at Corrine ay perfect example ng bad timing ang bawat pagkikita nila. Naitatanong tuloy nila kung bakit patuloy silang pinagtatagpo, kung bakit nananatili ang espesyal na koneksiyon kung ganoon din lang pala.
Corrine was too young when they first met. JC was from a different country. Corrine was in love with Mathias. JC fell in love with his former patient Phylbert. Kung hindi ikakasal ang isa, nasa isang committed relationship naman ang isa.
Darating pa kaya ang perfect timing para sa kanila? Were they ever meant to be together?

LanguageFilipino
PublisherBelle Feliz
Release dateMar 13, 2023
ISBN9798215539552
The Perfect Timing
Author

Belle Feliz

Belle Feliz writes Tagalog romance.

Read more from Belle Feliz

Related to The Perfect Timing

Reviews for The Perfect Timing

Rating: 5 out of 5 stars
5/5

9 ratings0 reviews

What did you think?

Tap to rate

Review must be at least 10 words

    Book preview

    The Perfect Timing - Belle Feliz

    Chapter One

    CORRINE SMOOTHENED her long and naturally curly hair. Perpekto na iyon kung tutuusin pero hindi niya mapigilan ang sariling mga kamay. Sobra siyang kinakabahan. Kahit siya, nakita iyon nang malinaw sa repleksiyon niya sa vanity mirror. Naitanong na naman niya kung tama ba ang kulay at istilo ng damit na kanyang pinili para sa gabing iyon. Ang sabi ng kanyang mama ay perpekto iyon. Maging ang pagkakalagay nito ng kaunting makeup sa kanyang mukha ay perpekto.

    Lumaki siyang madalas na naririnig sa kanyang mga magulang na perpekto siya. Sa halos lahat ng pagkakataon, pinaniniwalaan niya iyon. Ipinanganak siya sa isang masaya at mariwasang pamilya. Marangya ang kanyang pamumuhay mula nang ipanganak siya. Mayroon siya ng magagandang bagay na puwedeng bilhin ng pera. Hindi siya kahit kailan nagutom o napagkaitan. Mapagmahal ang kanyang mga magulang. Hindi katulad ng mga magulang ng kanyang mga kaibigan, mahal ng kanyang mga magulang ang isa’t isa. Mahal siya ng mga ito. Hindi siya napagkakaitan ng atensiyon at oras.

    Pero dahil teenager, parang hindi pa rin sapat ang lahat. Parang palaging may kulang. Palaging may inaasam ang batang puso ni Corrine. Isa sa mga bagay na iyon ay ang pagmamahal ni Mathias Mendoza. She had been in love with him since forever. Mula nang maintindihan niya ang salitang ‘crush’ ay lumago na ang espesyal na nararamdaman niya para sa binata. Kumbinsido siya na silang dalawa ang nakalaan para sa isa’t isa.

    Mathias Mendoza was a family friend. Ang pamilya Arqueza at Mendoza ay masyadong malapit sa isa’t isa. Ang great-grandfather ni Corrine at great-grandfather ni Mathias ay itinatag ang isang malaking tertiary hospital na kilala ngayon bilang Dr. Rizalino Mendoza Memorial Hospital. Ang ospital ang maituturing na pinakamahusay at pinakamodernong pribadong ospital sa bansa at isa sa mga pinakamahuhusay sa buong Asya.

    Malaki ang pamilya Mendoza. Ang totoo, hindi nakikita o nakakasalamuha ni Corrine ang lahat ng mga Mendoza. Pero mula nang makilala niya si Mathias sa unang pagkakataon noong twelfth birthday niya ay hindi na nawala sa kanyang isipan at pantasya ang binata. Kahit na hindi niya madalas na nakikita si Mathias, hindi nawala ang mga espesyal na damdamin.

    Sa ibang bansa nakatira si Mathias sa kasalukuyan. Noong una silang nagkakilala ay nasa medical school ang binata. Ayon sa narinig niya mula sa kanyang lolo, sisimulan na nito ang residency sa isa sa pinakaprestihiyosong program sa Amerika. Madalas niyang marinig ang mga papuri mula sa kanyang lolo para kay Mathias. He was brilliant. Walang duda na magiging mahusay na doktor ang binata balang-araw.

    Sobrang natuwa si Corrine nang malaman na magbabakasyon sa Pilipinas si Mathias bago nito simulan ang residency. Dadalo ang binata sa kanyang sweet sixteen birthday party. Malalapit na kaibigan at kapamilya lang ang mga imbitado sa party. Hindi kasi kahit kailan nahilig si Corrine sa kasiyahan na masyadong maraming tao at masyadong magarbo. Gusto niya ng intimate na selebrasyon para sa kanyang birthday.

    Humugot siya ng malalim na hininga at ngumiti pagkatapos. Pinilit niyang burahin ang kaba at mga pag-aalala. Alam niyang hindi siya maaaring umasa na magkakaroon ng katuparan ang kanyang mga pangarap sa gabing iyon. Magiging masaya na lang muna siya dahil makikita at makakasayaw niya si Mathias. Ang pagdalo nito ay maituturing nang malaking regalo para sa kanya. When she turned eighteen, she was certain they would be together.

    Pumasok ang mga magulang ni Corrine sa silid. Napangiti sina Damian at Lou Ann Arqueza nang makitang nakangiti ang nag-iisang anak. All the parents ever wanted for their princess was everything good in life.

    Lumapit si Damian at inalalayan si Corrine sa pagtayo. I can’t believe you’ve turned sixteen, sabi nito na bagaman nakangiti ay nagsisimula nang mamuo ang luha sa mga mata. Parang kailan lang, ang liit-liit mo lang. Bakit ang bilis lumipas ng panahon?

    Niyakap ni Corrine ang kanyang papa. She had always believed she was a daddy’s girl. Hindi naman ibig sabihin niyon na hindi niya mahal ang kanyang mama. Masasabing malapit din sila sa isa’t isa. She loved her parents equally. But her father had always adored her so much. He had always spoiled her. Napipilitan tuloy ang kanyang mama na maging disciplinarian.

    You are beautiful, Corrine, sabi ng kanyang mama. Si Lou Ann ang ina na hindi kahit kailan nakita ang kapintasan sa kanyang panlabas na anyo. She had always been perfect and beautiful. Pero habang lumalaki ay ipinapaintindi rin nito sa kanya na hindi lang panlabas na anyo ang mahalaga. Mas kaakit-akit ang kagandahan ng loob, ang kabutihan na ipapakita sa ibang tao.

    Thank you, sagot ni Corrine sa mga magulang. Bahagyang lumobo ang kanyang puso sa sobrang pagmamahal at kaligayahan. Naglaho ang kaba na kanyang nararamdaman kanina. Nanatili ang pananabik at kaligayahan. Pakiramdam niya, siya na ang pinakamapalad na dalagita sa buong mundo. Naroon ang lahat ng kanyang minamahal para makisaya sa kanyang kaarawan. It felt like living her happy ever after.

    Bumaba na sila nang sabihin ng event organizer na naroon na ang lahat ng mga importanteng bisita. Nauna ang kanyang mga magulang sa pagbaba sa grand staircase. Ginusto talaga ni Corrine na sa marangyang bahay nila ipagdiwang ang kanyang kaarawan at hindi sa events’ place o sa reception ng five star hotel para makaentrada siya sa grand staircase na iyon. Hindi na niya mahintay ang kanyang eighteenth birthday.

    Ngiting-ngiti si Corrine habang pababa ng hagdanan. Hindi siya gaanong nasilaw sa mga ilaw. Everyone was looking at her. Nakangiti ang halos lahat. Ang ilan ay itinaas ang champagne flute para sa kanya. Hinanap ng kanyang mga mata si Mathias at kaagad niya itong nakita sa tabi ng kanyang Lolo Monching. Nakangiti ang binata sa kanya. Mukhang masaya itong makita siya uli.

    Bumilis ang tibok ng puso ni Corrine pero mas tumamis at mas lumawak ang kanyang ngiti. Mas makisig si Mathias kaysa noong huling beses silang nagkita. Ang ganda ng sukat ng suit sa katawan nito. He looked so manly and sexy. Hindi niya maalis ang kanyang mga mata rito hanggang sa ganap siyang makababa.

    My lovely daughter, Corrine Marie Arqueza, pagpapakilala sa kanya ng kanyang papa sa lahat.

    Pumailanlang ang masigabong palakpakan. Nanatili ang ngiti sa kanyang mga labi habang binabati ang mga naunang lumapit sa kanila. Kahit na gusto niyang lumapit kaagad kay Mathias ay hindi niya magawa dahil ayaw niyang maging bastos. Nilapitan din si Corrine ng kanyang mga malalapit na kaibigan. Masigla siyang binati ng bawat isa.

    Isang oras din siguro ang nakalipas bago nakalapit si Mathias sa kanya. Kasama nito ang kanyang Lolo Monching. Hindi na nakapagtataka dahil isa si Mathias sa mga paboritong Mendoza ng lolo niya. Halos lahat ng impormasyon na alam niya, nanggaling sa matanda. Hindi nito mapigilan ang sarili na dumaldal tuwing nauungkat ang pangalan ni Mathias. He was just really brilliant and her grandfather adored and respected brilliant and promising doctors. Nasisiguro ni Corrine na magiging isa sa pinakamahuhusay si Mathias sa mundo ng Medisina.

    Happy birthday, princess, nakangiting pagbati ni Mathias sa kanya. Ibinuka nito ang mga braso para yakapin siya.

    Kahit na hindi nakikita ni Corrine ang sarili, alam niyang namumula ang kanyang mukha habang ninanamnam ang paglalapit nila ng man of her dreams. Madalas sabihin ng kanyang mga kaibigan na masyadong obvious ang kanyang nararamdaman para kay Mathias. Hindi niya iyon maitago. Sa katunayan, hindi niya maitago ang kanyang totoong nararamdaman sa kahit na ano o kahit na kanino. She was too transparent.

    Hindi lang niya masabi kung napapansin din ba ni Mathias ang kanyang nararamdaman, kung malinaw din ba rito. May mga pagkakataon na gusto niyang isipin na pareho sila ng nararamdaman at na hinihintay lang siya nitong lumaki—dumating sa tamang edad. Gusto niyang paniwalaan na ang walong taon nilang agwat sa edad ang tanging hadlang sa kanilang forever.

    Buong puso na naniniwala si Corrine na darating ang araw na magkakasama silang dalawa ni Mathias. Darating ang tamang panahon para sa kanilang dalawa.

    Hindi pa siya kontento pero kumalas na si Mathias sa kanya. You are beautiful.

    Mas nag-init ang kanyang mga pisngi sa kanyang narinig. Ilang beses na niyang narinig ang papuri na iyon pero iba ang epekto kapag galing kay Mathias.

    She really is, nakangiting sabi ni Lolo Monching, nasa tinig ng matanda ang pagmamalaki. And she’s going to be a doctor—a surgeon just like you.

    Bahagyang nabura ang ngiti sa mga labi ni Corrine sa mga narinig. Hindi nakaligtas sa kanya ang kasiguruhan sa boses ng matanda. Mukhang hindi na rin ito makapaghintay na matapos siya ng high school at simulan ang isang pre-med course sa college. Hindi niya maintindihan kung bakit hindi pa siya masanay-sanay kay Lolo Monching. Mula yata noong ipinanganak siya, pinlano na nito ang kinabukasan niya. She was going to be a doctor—a surgeon just like him.

    Noong bata siya, madalas nitong sabihin na magiging mahusay siya katulad nito. He had big dreams for her. Noong bata siya, gusto talaga niyang maging doktor katulad ng kanyang lolo. Pero nagbago ang lahat pagtuntong niya ng high school. Gusto niyang maging isang teacher. Hindi niya masabi ang bagay na iyon sa kanyang Lolo Monching dahil alam niyang hindi nito iyon ikatutuwa. Hindi pa rin niya masabi hanggang sa ngayon dahil medyo natatakot siya. Ayaw rin niyang ma-disappoint sa kanya ang matanda. Ayaw niyang gumuho ang mga pangarap nito.

    Nasabi na ni Corrine ang tungkol sa pangarap niya sa kanyang mga magulang. Sinusuportahan siya ng mga ito. Puwede raw niyang gawin ang kahit na anong gusto niya sa buhay. Kung hindi niya gustong maging doktor ay hindi siya magiging doktor kahit na paano siya pilitin ng Lolo Monching niya. Susuportahan siya ng mga ito sa anumang talagang gusto niyang gawin sa kanyang buhay. Nagpapasalamat siya sa suporta ng kanyang mga magulang pero may parte rin sa kanya na gustong pagbigyan ang lolo niya. Ang sabihing nadismaya ang matanda nang maging negosyante at hindi doktor ang nag-iisang anak nitong si Damien ay kulang. He was livid. Sa palagay ni Corrine ay hindi naka-get over ang lolo niya kahit na isang matagumpay na negosyante ang kanyang papa. Damien built a business empire. Kaya naman sa kanya napasa ang pangarap ng matanda na magkaroon ng successor sa mundo ng medisina.

    Gustong tularan ni Corrine ang kanyang papa. Hindi niya gustong maging negosyante. Gusto niyang patunayan ang sariling kakayanan. Iyong walang anino o yapak na susundan. Gusto niyang magtagumpay sa larangan na alam niyang mahal niya. Sigurado siya na hindi pagiging doktor ang gusto niya o ang nakatadhana sa kanya. Ni hindi niya matagalan ang dugo. Paano siya magiging surgeon?

    Naisip ni Corrine na puwede siyang maging asawa ng isang surgeon. Magiging sobra na siyang masaya sa pagiging asawa ni Mathias. She could be a full-time housewife one day. Nasisiguro niyang magiging napaka-cute ng mga magiging anak nila ni Mathias.

    That’s good to hear, Corrine, sabi ni Mathias.

    Ilang sandali na binalikan ni Corrine ang naging usapan nila at kung bakit ganoon ang sinabi nito sa kanya. Lumipad na ang kanyang isipan at kung saan-saan na napunta. Madalas talaga iyong mangyari sa kanya kapag nasa malapit si Mathias.

    Yes, simpleng sagot niya dahil sa totoo lang, hindi niya alam kung ano ang puwedeng sabihin. Naitanong niya kung madidismaya rin ba si Mathias kapag nalaman nitong hindi siya magiging katulad nito.

    No. I think Mathias would want me to do the thing I love. Hindi niya ako pipilitin. He’s perfect that way.

    Mangungumusta sana si Corrine tungkol sa buhay nito sa Amerika nang samahan sila ng isang lalaki. Hindi sana niya gustong bigyan ng pansin ang bagong dating pero nabaling dito ang atensiyon ni Mathias. Isa pa, hindi siya pinalaking bastos ng kanyang mga magulang. Nakaguhit ang ngiti na itinuon din niya ang paningin at pansin sa lalaki.

    JC, masayang bulalas ng kanyang lolo. Mahihimigan sa boses ng matanda na gusto rin nito ang lalaking bagong dating. Are you having fun so far?

    Nabura ang ngiti sa mga labi ni Corrine nang mapagmasdan nang husto ang mukha ng lalaki. Nasisiguro niyang hindi pa niya ito nakita o nakilala dati. Kahit na marami siyang nakikilala dahil parehong malawak ang koneksiyon at circle ng kanyang papa at lolo, matandain siya sa mga pangalan at mukha. Hindi niya maipaliwanag ang epekto ng lalaki sa kanya. Hindi niya maalis ang kanyang mga mata rito. Ang sabihin na guwapo at makisig ito ay kulang.

    Hindi maintindihan ni Corrine kung bakit parang may puwersa na tumama sa kanya. Muling bumilis ang tibok ng puso niya na sandali pa lang kumakalma. Natigil siya sandali sa paghinga nang salubungin nito ang kanyang tingin. He was smiling at her. Fascinated siya sa nakikitang warmth sa mga mata nito habang nakatingin sa kanya. He was looking at her like he already adored her. Adoration na ibang-iba sa nababasa niya sa mga mata ni Mathias tuwing nakatingin sa kanya. Mathias’s adoration was more tender and calmer. This guy’s adoration was... warmer. Much more fiercer?

    Hindi sigurado si Corrine kung tama ba ang salita na ginamit niya para i-describe ang nakikita sa mga mata ng binata. It felt a little inadequate.

    Happy birthday, beautiful girl.

    Napakurap-kurap si Corrine. Ilang sandali muna ang lumipas bago naiproseso ng kanyang utak ang sinabi ng lalaki. Ibinuka niya ang bibig pero walang anumang salitang lumabas doon. Ni hindi malinaw sa kanya sa kasalukuyan kung ano ang gusto niyang sabihin. Noon lang nablangko nang ganoon ang kanyang isipan.

    Banayad na natawa si Mathias. Tinapik nito ang balikat ng lalaki. Corrine, I’d like you to meet a very good friend, Juan Cristobal Boyce. JC, this is Corrine.

    Pleasure to meet you, kaagad na sabi ni JC, isang matamis na ngiti ang nasa mga labi. Inilahad nito ang kamay sa kanya.

    Pilit na inipon ni Corrine ang matinong kaisipan sa kanyang utak. Bahagya siyang nainis sa sarili dahil nagkakaganoon

    Enjoying the preview?
    Page 1 of 1