Discover millions of ebooks, audiobooks, and so much more with a free trial

Only $11.99/month after trial. Cancel anytime.

Lovesick
Lovesick
Lovesick
Ebook313 pages4 hours

Lovesick

Rating: 5 out of 5 stars

5/5

()

Read preview

About this ebook

Sa batang edad ay inibig na ni Lavender ang guwapo at sikat na pintor na si Pablo Vicente Munis. Kahit hindi siya pinapansin ni Pablo ay patuloy pa rin ang puso niya sa pagtibok para dito. Patuloy siyang umaasa na magkakaroon sila ng mala-fairy tale na love story.
But he broke her young heart.
Sinikap niyang kalimutan ito; napagtagumpayan naman niya.
And they eventually became friends.
Nagawa rin niyang umibig sa ibang lalaki. When someone broke her heart again, Pablo was there and kept her sane.
Biglang nagbago ang relasyon nila nang dumating sa buhay nila ang limang taong gulang na bata na diumano ay anak ni Pablo. Nag-iba ang ikot ng kanilang mundo. Mas naging malapit sila sa isa't isa at mas nakilala niya ito. Muli, nahulog siya rito. Sa pagkakataong iyon ay hindi na siya sigurado kung makakaahon pa siya. Ang natitiyak lamang niya ay nakahanda siyang isugal uli ang kanyang puso, mabigo at masaktan kung ang mga iyon lamang ang paraan upang maipadama niya rito ang wagas na pagmamahal niya.

LanguageFilipino
PublisherBelle Feliz
Release dateJan 17, 2023
ISBN9798215743065
Lovesick
Author

Belle Feliz

Belle Feliz writes Tagalog romance.

Read more from Belle Feliz

Related to Lovesick

Reviews for Lovesick

Rating: 5 out of 5 stars
5/5

5 ratings0 reviews

What did you think?

Tap to rate

Review must be at least 10 words

    Book preview

    Lovesick - Belle Feliz

    CHAPTER ONE

    SIYA SI PABLO, LAVENDER. Pablo, I want you to meet my lovely stepdaughter, Lavender.

    Biglang naging eratiko ang tibok ng puso ni Lavender na tila tumakbo siya nang ilang milya. Hindi rin niya maalis ang kanyang mga mata sa matangkad na lalaki sa harap niya. Ang guwapo nito kahit hindi pa ito nag-aahit at nagpapagupit. May matipid na ngiti ito sa mga labi. Habang lumilipas ang bawat segundo na nakatitig siya rito ay lalo itong nagiging makisig sa paningin niya.

    Nasa bahay nila ito dahil kaibigan daw ito ng Ate Blythe niya. Nanalangin siya na sana ay hindi ito nobyo ng stepsister niya dahil crush na niya ito.

    Noon lang nagwala nang ganoon ang buong sistema niya dahil sa isang lalaki. Noon lang bumilis ang pintig ng kanyang puso. Noon lang din siya humanga nang ganoon katindi sa isang lalaki. Madalas niyang naririnig sa mga kuwento ng mga kaibigan niya ang mga ganoong pakiramdam sa mga crush ng mga ito. Ang akala niya ay exaggeration lang ang sinasabi ng mga ito dahil ang totoo, hindi pa siya nagkakaroon ng totoong crush. Totoo pala na bumibilis ang tibok ng puso sa simpleng tingin. Hindi niya iyon nararamdaman sa mga artista at boy bands na hinahangaan niya nang lubos.

    Bahagya lang niyang narinig ang sinabi ng stepfather niya na ang pamilya ni Pablo ang pinakamalapit nilang kapitbahay dahil nakatutok ang buong atensiyon niya sa binata. Hindi niya maalis ang tingin dito. Nais niya itong titigan hanggang sa magsawa siya.

    Nang tumingin uli sa kanya si Pablo ay nagsalubong ang mga kilay nito. Nababaghan marahil ito sa tingin na ibinibigay niya rito. Siguro ay mukha siyang tuta na nakatanghod sa amo. Kahit sawayin niya ang sarili, hindi niya magawa. Mahirap magpakapormal sa harap nito.

    TULUYAN NANG NAGBAGO ang buhay ni Lavender mula nang pakasalan ng kanyang ina na si Lara ang Papa Simeon niya. Bago dumating si Papa Simeon sa buhay nilang mag-ina, simple lang ang buhay nila.

    Cashier sa isang department store ang kanyang ina. Limang taong gulang pa lang siya nang mamatay sa isang aksidente sa construction site ang kanyang ama. Mula noon ay mag-isa na siyang itinaguyod ng kanyang ina. Kahit gaano kahirap ang buhay, sinikap nitong ibigay sa kanya ang lahat ng pangangailangan niya. Mula kinder ay sa pribadong paaralan siya pinag-aral nito dahil matalino raw siya.

    Hindi niya inakala na may minahal itong iba bago ang kanyang ama. Mayaman na mayaman ang lalaki kaya hindi umubra ang kanyang ina na anak lamang ng isang labandera. Nakatakda nang ikasal noon si Papa Simeon sa babaeng gusto ng mga magulang nito para dito at wala nang pag-asa ang kanyang ina. Alam nito na hindi ito matutulad sa mga babaeng bida sa mga telenobela.

    Lumayo ito pagkatapos ng kasal. Natagpuan nito ang kanyang ama at umibig ito rito. Naging masaya raw ito sa piling ng kanyang ama. Ang tatay raw niya ang nababagay na lalaki para dito. Magkalebel daw ang estado ng buhay ng mga ito at magkasundo ang mga ito sa lahat ng bagay.

    Natagpuang muli ni Papa Simeon ang kanyang ina nang minsang maligaw ito sa department store na pinagtatrabahuhan ng huli. Sinuyo ni Papa Simeon ang  kanyang ina. Namayapa na rin pala ang asawa nito. Hindi akalain ng nanay niya na umibig din pala si Papa Simeon dito sa kabila ng magkaibang estado ng mga ito. Nanariwa ang dating pag-ibig ng mga ito. Tila muling nagdalaga ang kanyang ina. Naging napakasaya nito. Mas matamis ang mga ngiti nito at mas makinang ang mga mata  kapag nasa malapit lang si Papa Simeon.

    Noong una, ayaw ng kanyang ina na mapaugnay kay Papa Simeon. Ayaw nitong maakusahan na nananamantala. Langit at lupa pa rin kasi ang agwat ng mga ito sa isa’t isa. Ayaw mangarap nang gising ng kanyang ina.

    Ngunit matiyaga si Papa Simeon. Mahal talaga nito ang kanyang ina at wala itong balak na palagpasin pa ang ikalawang pagkakataong ibinigay sa mga ito. Ang sabi nito noon sa kanya nang kausapin siya nito, ayaw raw nitong pagsisihan ang lahat. Hindi pa naman daw huli ang lahat para dito at para sa kanyang ina. Nais nitong maging masaya kasama ang kanyang ina. Nais nitong maging isang pamilya sila. Ayaw raw nitong mamatay na hindi nagkakaroon ng katuparan ang pag-ibig ng mga ito.

    Nagbunga ang pagtitiyaga nito. Wala nang nagawa ang kanyang ina kundi hayaan ang sarili nito na maging masaya sa lalaking iniibig.  Pati siya ay agad na napamahal kay Papa Simeon. Wala pa siyang muwang nang iwan siya ng kanyang ama. Habang lumalaki ay kinaiinggitan niya ang kanyang mga kaibigan na may mga ama.

    Hindi lang ama ang ibinigay ng kanyang ina sa kanya nang magpakasal ito kay Simeon Groesbeck, binigyan din siya nito ng isang ate. Ate na ubod ng ganda. Natulala siya nang unang masilayan ng kanyang mga mata ang kagandahan ni Blythe Groesbeck. She was tall and beautiful. Dinaig nito nang ilang ulit ang kagandahan ng mga modelo at artista sa telebisyon. Perpekto ito mula ulo hanggang paa.

    She was a goddess.

    Hindi niya noon alam kung paano ito pakikitunguhan. Napakataray ng dating nito. Kahit hindi nito lantarang sabihin sa harap nilang mag-ina, ramdam nila na tutol ito sa pagpapakasal ng kanilang mga magulang. Madalas na hindi nito pinapansin o kinakausap ang kanyang ina. Hindi naman sila inaapi nito; hindi lang sila nito gaanong pinapansin. Naiintindihan naman nila ito ng kanyang ina. Kinailangan nila pare-pareho ng panahon upang mag-adjust sa isa’t isa.

    Hindi niya masasabing mag-best friend na sila ng Ate Blythe niya ngayon. Magkasalungat na magkasalungat sila. Magkaiba ang mga ugali nila, ang mga gusto at ayaw nila, pati ang pananaw nila sa mga bagay-bagay. Ngunit magkasundo na sila. Itinuturing niya itong ate. Nalaman din niya na mabait pala ito.

    Ang mga dating materyal na bagay na pinapangarap lang niyang makamit ay abot-kamay na lang niya ngayon. Hindi na niya kailangang mag-ipon nang napakatagal bago niya mabili ang mga gusto niyang libro, sapatos, at damit. Nakakapag-aral siya sa isang kilalang unibersidad. Hindi na kailangang problemahin ng kanyang ina kung saan nito kukunin ang pangmatrikula niya. Matutupad na niya ang pangarap niyang maging doktor. Kinse anyos pa lang siya pero first year college na siya sa premed course niyang Medical Technology.

    Hindi niya inaabuso ang kabaitan ni Papa Simeon. Simple lang ang pangangailangan niya. Basta nakakapag-aral siya ay masaya na siya. Labis-labis na iyon para sa kanya. Hindi naman siya pinalaki ng kanyang ina na maluho.

    Naglalakad-lakad siya sa malaking parke na malapit sa bahay nila. Maraming mga batang naglalaro sa playground. Umupo siya sa isang bench at inilabas ang librong dala niya. Maganda ang kapaligiran sa bago nilang tirahan. Maraming puno roon kaya malinis ang hangin na nalalanghap niya. Ang lahat ng mga nakatira doon ay pulos mayayaman. Hindi niya alam kung gaano na siya katagal doon nang may bigla na lang tumawag sa pangalan niya. Nag-angat siya ng paningin.

    Ikaw nga ba `yan, Lavender?

    Namilog ang kanyang mga mata nang makilala niya ang lalaking tumawag sa kanya. Kuya Cef? namamanghang sabi niya.

    Lumapad ang ngiti nito. Ako nga. Hindi ko akalaing dito uli kita makikita, Lavender.

    Dati nilang kapitbahay si Ceferino. May dalawang taon na rin marahil niya itong hindi nakikita. Ang totoo, ang kaibigan talaga niya ay ang kapatid nitong si Jennifer. Noong bata pa siya, sa bahay ng mga ito siya iniiwan ng kanyang ina. Dahil kapareho niyang wala nang tatay ang magkapatid at palaging wala rin ang nanay ng mga ito upang maghanapbuhay. Si Ceferino ang madalas na nag-aalaga sa kanila ni Jennifer.

    Isa si Ceferino sa mga dahilan kung bakit nais niyang maging doktor. Bumilib siya rito nang husto noong makapasa ito sa UP Manila. Doon ito nag-aral ng premed course nito hanggang sa makakuha ito ng scholarship na makapag-aral ng Medisina sa Amerika. Ang tali-talino kasi nito. Ang sipag-sipag pa nito. Hindi hadlang ang kahirapan upang makamit nito ang mga pangarap nito sa buhay.

    Itinuturing na rin niya itong kuya kaya nalungkot siya nang magtungo ito sa ibang bansa upang mag-aral. Nalungkot siya pero maligaya rin siya dahil unti-unti na nitong natutupad ang mga pangarap nito. Nais niyang maging katulad nito. Nais niyang makapanggamot at makatulong sa ibang tao.

    Inudyukan niya itong maupo sa tabi niya na ginawa naman nito. Ikinasal uli si Nanay, masayang pagbabalita niya rito. Dito na kami nakatira.

    Nasabi nga sa akin ni Nanay na ikinasal uli si Tita Lara. Mayaman daw ang napangasawa ng nanay mo. Kukunin ko talaga ang address mo kay Jenny  para mabisita kita bago uli ako umalis. Maigi at nakita na kita rito. Pinisil nito ang pisngi niya. I’ve missed you.

    Napangiti siya nang matamis. Na-miss din kita. Kumusta ka na? Kumusta ang Amerika? Maganda ba ro’n? Nakakita ka na ng snow? Malamig ba talaga ro’n? Ikaw, ha? Hindi ka na sumusulat sa `kin. Bakit ka nga pala narito?

    Tumawa ito nang marahan at ginulo ang kanyang buhok. Ganoon ito palagi tuwing magkasama sila noon. Ang sabi nga nito, parang mas kapatid siya nito kaysa kay Jenny—hyper ito—dahil mas magkasundo sila. Mas pareho ang mga hilig nila. Pareho silang masaya habang nasa isang sulok at nagbabasa ng libro habang ang kapatid nito ay hindi mapakali sa iisang lugar. Madalas nitong sabihin na dalaga na ang kapatid nito kaya hindi na nito ginugulo ang buhok ni Jenny.

    Busy lang ako sa pag-aaral at pagtatrabaho kaya hindi na ako gaanong nakakasulat. Saglit lang ako rito, babalik din agad ako sa Amerika. Kinulit lang ako ni Nanay na umuwi dahil miss na miss na niya ako. Maganda sa Amerika pero medyo malungkot kasi malayo ako sa pamilya ko, sa mga kaibigan ko. Alam mo—

    Narito ka lang pala, akala ko kung saan ka na napadpad.

    Bigla siyang napatingin sa pinanggalingan ng pamilyar na tinig. Nang makita niyang palapit sa kanila si Pablo ay agad na naging eratiko ang tibok ng kanyang puso. Habang palapit ito ay mas lumalakas at mas bumibilis ang pintig niyon. Tila sasabog na ang kanyang dibdib anumang sandali.

    He was the most gorgeous man she had ever seen! Inililipad ng hangin ang buhok nito na kumawala sa pagkaka-ponytail. Hindi ito ngumingiti pero para sa kanya ay ito pa rin ang pinakamakisig na lalaking nakilala niya.

    Nakatulala lang siya rito hanggang sa makalapit ito sa kanila ni Ceferino. Kahit kapitbahay nila ito, hindi niya ito madalas na nakikita sa paligid. Dahil isa itong pintor, madalas itong nakakulong sa malaking bahay ng mga ito. Kahit gustuhin niyang puntahan ito, nahihiya siya. Hindi kasi masasabing magkaibigan sila. Kahit na ang Ate Blythe niya na kaibigan nito ay hindi nagpupunta sa bahay ng mga ito.

    Tinapik nito ang balikat ni Ceferino. Mas nawala yata sa ayos ang buong sistema niya nang sa wakas ay ngumiti ito. Hindi man ito sa kanya nakatingin, hindi man para sa kanya ang ngiting iyon, she was still mesmerized.

    Iniwan mo na lang ako basta para makipagkilala sa neighbor ko? tanong nito kay Ceferino. Sinulyapan siya nito at kinindatan. Huwag kang magpapaniwala sa boladas nitong kaibigan ko, Lavender.

    Tuluyan na yata siyang nawala sa sarili. Hindi nito nakalimutan ang pangalan niya! Hindi lang iyon, nakangiti ito sa kanya. Kinindatan pa siya nito!

    Ah, heaven!

    `Tado, matagal ko nang kaibigan itong si Lavender. Nagkataong nakita ko siya rito. Magkakilala na pala kayo? Saan...

    Hindi na niya nawawaan ang ibang mga sinabi ni Ceferino kay Pablo. Wala siyang ibang naririnig kundi ang malakas na tibok ng kanyang puso. Wala siyang ibang nakikita kundi ang guwapong mukha ni Pablo. Wala na rin siyang pakialam kung mukha siyang lovesick nang mga sandaling iyon.

    Nahigit niya ang kanyang hininga nang balingan siya ni Pablo. Nabasa niya ang magkahalong pagkasuyo at kaaliwan sa mga mata nito. Pinisil nito ang ilong niya.

    You’re so cute when you look at me like that, tila wala sa loob na sabi nito.

    Pakiramdam niya ay nalaglag ang puso niya sa kinalalagyan niyon. Hindi na niya ito crush. In love na siya rito.

    ATE SION, PUPUNTAHAN mo ba si Kuya Bert? nakangiting tanong ni Lavender sa isa nilang kawaksi pagpasok na pagpasok niya sa kusina. Dito siya pinakamalapit dahil ito ang madalas na nakakakuwentuhan niya.

    Naging mapanudyo ang mga mata at ngiti ni Sion. Bakit? May sulat na naman ba akong kailangang ihulog sa mailbox? Naghihinala na sa `kin si Bert, baka akala mo, señorita.

    Napanguso siya kay Sion. Matagal na niya itong sinabihan na huwag siyang tawagin na señorita at hindi naman iyon bagay sa kanya. Sadyang ganoon lang ito tuwing tinutudyo siya nito. Isa ito sa mga nakakaalam ng lihim niyang pagtingin kay Pablo kaya tinutulungan siya nito sa panliligaw niya.

    Nahihiya man, inilabas niya ang isang magandang sobre mula sa kanyang shorts at iniabot iyon dito. Tinanggap nito iyon at ibinulsa. Hindi nabubura ang mapanudyong ngiti sa mga labi nito.

    Tinamaan ka talaga kay Pablo, `no? tanong nito. Ipinagpatuloy na nito ang paghihiwa ng mga gulay.

    Huwag kang maingay at baka may makarinig sa `yo, Ate Sion, aniyang bahagyang nag-init ang mga pisngi. Umupo siya sa counter at pinanood ang ginagawa nito. Gustuhin man niyang tumulong, alam niyang kokontra ito. Nang minsang tumulong siya sa pagluluto dahil nais niyang ipagluto si Pablo, kinailangan nitong ulitin ang putahe. Tila may sumpa sa pagluluto ang kamay niya. Basta nakialam siya, hindi masarap ang kinalalabasan.

    Huu! Sekreto pa ba ang nararamdaman mo kay Pablo? Lahat ng taong nakapaligid sa `yo, alam na ang lihim na pagsinta mo, `ne.

    Lalo yatang nag-init ang mga pisngi niya. Ganoon na ba ako ka-obvious, Ate?

    Tumirik ang mga mata nito. Obvious na obvious na obvious! Kung makatingin ka kasi sa kanya tuwing naliligaw siya rito o aksidente kayong nagkakasalubong, parang siya lang ang lalaki sa buong mundo. Parang siya na ang sentro ng buong mundo mo.

    Kahit hindi niya nakikita ang sarili sa salamin, alam niyang pulang-pula na siya. Bahagya rin siyang nanliit dahil sa mga sinabi nito. Ano kaya ang tingin ng mga tao sa kanya? Pati ba si Pablo ay nakakahalata na? Ano ang iniisip nito? May katugon ba ang damdamin niya?

    Napailing-iling si Ate Sion. Bata ka pa, Lavender. Marami ka pang hindi alam tungkol sa pag-ibig. Marami ka pang dapat matutuhan. Hindi kita masisisi kung bakit nabighani ka sa gandang-lalaki ni Pablo. Makisig naman talaga siya at lalaking-lalaki. Enjoy-in mo lang dahil parte iyan ng kabataan. Huwag mong masyadong dibdibin kapag hindi umayon ang lahat sa kagustuhan mo.

    Umusli ang nguso niya. Ate naman, eh. Kahit kolehiyo na siya, batang munti pa rin ang tingin sa kanya ng lahat. Dahil marahil kompara sa ate niya na dalagang-dalaga na, mukha pa rin siyang grade six. Madalas nga siyang tuksuhin ng mga kaklase niya dahil sa pagiging baby face niya.

    Tila rin may kumurot sa puso niya dahil sa mga sinabi ni Ate Sion. Tila inaasahan na ng mga ito na hindi magkakaroon ng katuparan ang lahat ng makukulay na pangarap niya kasama si Pablo. Hindi ganoon ang paniniwala niya. Someday, they would be together.

    Hindi man sila madalas na nagkikita o nagkakausap, alam niyang isa sa mga darating na araw ay magkakaroon sila ng pagkakataon. Magkakalapit din sila at magkakaroon ng tugon ang damdamin niya. Alam niya na magiging espesyal siyang babae sa buhay ni Pablo Vicente Munis. Naniniwala siya na siya na ang babaeng nararapat dito. Siya ang makakasama nito habang-buhay. Magmamahalan sila at magiging masaya.

    Forever.

    Paminsan-minsan lang naliligaw si Pablo sa bahay ni Papa Simeon upang kausapin si Ate Blythe o si Papa Simeon mismo. Simpleng hi at hello lang ang palitan nila. Palaging matipid ang ngiti nito na tila naoobliga lang itong gawin iyon. Pero masayang-masaya na siya sa ganoon. Hindi na uli niya nakita ang masigla at matamis na ngiti nito na nakita niya noong kasama nila si Ceferino.

    Tuwing weekend ay madalas siya sa parke. Naroon kasi ito tuwing umaga at hapon. Palagi itong may dalang canvas at charcoal. Tahimik itong gumuguhit kahit napakaraming batang naglalaro sa paligid nito. Mula sa malayo ay walang-sawa niya itong pinagmamasdan. Masarap itong panoorin. Nakikita niyang masaya ito sa ginagawa nito. Nakikita at nararamdaman niya ang passion nito sa pagpipinta. Tila kontento na ito na nakaupo roon habang gumuguhit  at wala itong pakialam sa buong mundo. Nakatuon ang buong atensiyon nito sa ginagawa.

    Habang lumilipas ang panahon, lalong lumalago ang pag-ibig sa puso niya. Masaya siyang ibigin si Pablo. Iibigin niya ito magpakailanman.

    Ate, `wag kang magpapahalata kay Kuya Bert, ha? bilin niya kay Ate Sion. Ang sulat na ibinigay niya rito ay sulat niya para kay Pablo. Boyfriend ni Ate Sion ang hardinero nina Pablo na si Kuya Bert. Tuwina ay dinadalhan ni Ate Sion ng hapunan si Kuya Bert. Hindi naman nito ginagamit ang supplies nila kaya okay lang kay Papa Simeon.

    Sekretong inilalagay ni Ate Sion sa mailbox ng mga Munis ang mga sulat niya. May mga pagkakataon din na siya mismo ang naghuhulog. Mas safe nga lang kung si Ate Sion ang gagawa niyon. Natatakot kasi siyang mabisto. Natatakot siyang makompronta ni Pablo. Sana ay natutuwa ito kahit paano sa mga sulat niya. Sana ay huwag itong ma-corny-han o maalibadbaran.

    Ako na ang bahala, `be. Sana nga ay matupad iyang pangarap mo. Sana ay maging masaya ka at huwag mabigo sa unang pag-ibig mo.

    Hindi na siya nakasagot dahil pumasok sa loob ng kusina si Ate Blythe. Inutusan nito si Ate Sion na gumawa ng fruit shake. Hindi na lang niya gaanong pakakaisipin ang mga negatibong sinabi ni Ate Sion. Hindi siya mabibigo sa kanyang unang pag-ibig.

    CHAPTER TWO

    KINABAHAN SI LAVENDER nang biglang gumawi ang mga mata ni Pablo sa direksiyon niya. Dahil ayaw niyang mahuli siya nito na kanina pa niya ito pinagmamasdan, dali-daling binuklat niya ang librong dala niya at itinakip iyon sa kanyang mukha.

    Nasa parke na naman siya; malapit nang lumubog ang araw. As usual, absorbed na absorbed si Pablo sa pagpipinta. Kaya kunwari ay absorbed na absorbed din siya sa pagbabasa. 

    Baliktad `yang librong binabasa mo, ani Pablo nang akma siyang sisilip sa libro.

    Nanigas siya at nanlaki ang mga mata nang malamang baliktad nga ang librong hawak niya. Kagaya ng madalas na nangyayari kapag malapit ito sa kanya, nawala sa ayos ang buong sistema niya. Hindi niya alam ang gagawin niya nang umupo ito sa tabi niya sa bench.

    Hindi siya makagalaw kahit utusan niya ang kanyang katawan. Nakataas pa rin ang libro sa mukha niya. Ni hindi niya magawang baliktarin iyon. Mukha siyang tanga, alam niya. Hindi lang talaga niya malaman kung paano kikilos nang tama. Hindi niya alam ang sasabihin. Buking na buking siya.

    Lalong nagulo ang buong sistema niya dahil napakalapit nito sa kanya. Iyon ang unang pagkakataon na magkakausap sila nang sila lang at walang ibang tao. Iyon na ang pagkakataon niya pero pumalpak pa siya.

    Maraming beses mo na akong pinanonood mula sa malayo. Hindi ka pa ba nagsasawa, Lavender? kaswal na tanong nito.

    Hindi pa rin niya magawang tumugon sa sinabi nito.

    Nagbuga ito ng hangin, tila nauubusan na ito ng pansensiya. I don’t like stupid women. Pagkasabi niyon ay tumayo na ito at iniwan siya.

    Nang makalayo ito ay saka lang siya nahimasmasan. Nabitiwan niya ang librong hawak niya nang tumimo sa kanya ang katangahan niya at ang sinabi ni Pablo sa kanya. Napapaungol na sinabunutan niya ang sarili. She was so stupid! Iyon mismo ang tingin sa kanya ni Pablo. Nakakahiya siya. Hindi man lang siya nakapagsalita.

    PAGKATAPOS MAGHAPUNAN ay ipinatawag si Lavender ng Ate Blythe niya sa silid nito. Iniabot nito sa kanya ang isang paper bag.

    Akin na talaga `to, Ate Blythe? Maraming salamat! natutuwang sabi niya habang nakatingin sa magandang bestida.

    Nagkibit-balikat ito. Yes. You don’t have to look so happy, Lavender. Simpleng dress lang `yan. I went shopping and I saw the dress. I thought it would look good on you. Napansin ko rin na luma na ang mga damit mo na pulos pantalong maong at T-shirt. You don’t even own a dress.

    Maraming salamat pa rin, Ate! Natutuwa siya sa pagiging maalalahanin nito. Noong una ay inakala niyang mataray ito. Inihanda na nga niya ang kanyang sarili. Tinanggap na niya bago pa man ang kasal ng mga magulang nila na hindi siya nito magugustuhan. Ang totoo, mabait ito kahit na mukha itong suplada—magandang suplada.

    Naiinggit siya sa kagandahan nito. Her beauty was classic. Hindi nakakasawang tingnan ang mukha nito. Tila paganda ito nang paganda sa paglipas ng mga araw. Kapag ngumiti ito, wala nang hihigit pa sa kagandahan nito. Hindi lang ito maganda, matalino rin ito. Balang-araw, ito ang magmamana ng napakalaking kayamanan ng ama nito. Napakasuwerte ng lalaking iibigin nito. Masuwerte rin siya dahil nakilala niya ito. Sana ay maging malapit sila sa isa’t isa. Nais niya itong tularan. Hindi man siya maging kasingganda nito, sana ay matutuhan niya ang kaunting sopistikasyon at elegance nito.

    I’m having a party next week, sabi nito sa kanya. May isusuot ka na ba?

    Bahagyang nagsalubong ang mga kilay niya. Alam na niya ang tungkol sa party na iyon dahil narinig niya ang paghahanda ng mga kawaksi nila tungkol doon. Nabanggit na rin ng kanyang ina ang bagay na iyon.

    Kasama ba ako do’n? tanong niya.

    Ngumiti ito. Of course!

    Ngumiti siya nang malapad. Talaga?

    Bakit parang gulat na gulat ka? Puwede ba namang hindi ka invited sa party? Ngumiti ito.  If you have time tomorrow, let’s look for a beautiful dress for you.

    Sa sobrang kaligayahan niya ay nayakap niya ito. Thank you, Ate.

    Hindi niya akalain na masarap palang magkaroon ng nakatatandang kapatid na babae. Masaya siya hindi dahil makaka-attend siya sa party nito. Mas masaya siya dahil malaki ang posibilidad na makikita niya roon si Pablo. Kaibigan ito ng stepsister niya

    Enjoying the preview?
    Page 1 of 1