Discover millions of ebooks, audiobooks, and so much more with a free trial

Only $11.99/month after trial. Cancel anytime.

The One
The One
The One
Ebook210 pages2 hours

The One

Rating: 5 out of 5 stars

5/5

()

Read preview

About this ebook

Kung may natutunan man si Johanna sa buhay pagkatapos siyang takbuhan ng mapapangasawa niya sa araw ng kanilang kasal, sa mismong harap ng altar, iyon ay walang kasiguruhan ang anumang bagay sa mundo. Napagpasyahan niyang umuwi sa Pilipinas upang paghilumin ang mga sugat. Nagtungo siya sa bar gabi-gabi. Her best friend was afraid she would self-destruct.


Sa unang bar na napuntahan ay nakilala ni Johanna ang isang napakaguwapong lalaki. They talked without giving each other's name and number. Nang sumunod uling gabi, sa ibang bar ay muli silang nagkita nang hindi sinasadya. Makailang beses silang nagtagpo kahit na hindi nila pinag-uusapang magkita. Naisip niya na waring pinagtatagpo sila ng tadhana.


Dahil sariwa pa kay Johanna ang nangyaring pag-iwan sa kanya ng longtime boyfriend, ayaw muna niyang mapaugnay sa kahit na sinong lalaki. She stopped going in the bars. Ngunit waring talagang pinagtatagpo sila ng lalaki dahil muli silang nagkita sa loob ng operating room. The man was Dr. Garrett Mendoza, isang mahusay na siruhano sa bagong ospital na pinagtatrabahuhan ni Johanna.


Was he the one? Iyon ba ang nais sabihin ng tadhana sa kanya? 

LanguageFilipino
PublisherBelle Feliz
Release dateFeb 5, 2023
ISBN9798215460177
The One
Author

Belle Feliz

Belle Feliz writes Tagalog romance.

Read more from Belle Feliz

Related to The One

Reviews for The One

Rating: 5 out of 5 stars
5/5

9 ratings1 review

What did you think?

Tap to rate

Review must be at least 10 words

  • Rating: 5 out of 5 stars
    5/5
    This is one of my FAVE Hotshot Series!!:) love it:)

Book preview

The One - Belle Feliz

PROLOGUE

Cambridge, Massachusetts

HINIHINTAY NI JOHANNA si Kurt sa bar na iyon. Doon nila napagkasunduang magkita. Ilang araw na niyang hindi nakikita ang nobyo kahit na nakatira sila sa iisang apartment. He had been busy with his studies. Minsan ay halos sa library na ito nakatira. Patapos na si Kurt sa med school kaya naman masyado na itong abala.

Nais niyang mag-relax naman ang nobyo kaya niyaya niya itong lumabas nang gabing iyon. Nakalimutan yata nitong may usapan silang magkikita. Kung hindi pa siya nag-text ay hindi pa aalis ng library si Kurt.

Johanna loved Kurt so much. Sinundan niya hanggang sa Massachusetts ang binata kahit na ayaw sana ng mga magulang na mawalay siya sa mga ito. Hindi niya pinagsisihan ang naging pasya. Kahit na walang panahon si Kurt sa kanya, alam niyang mahal siya nito. Mananatiling mahal habang-buhay.

Hindi lang niya maiwasan na bahagyang mairita tuwing nakakalimutan siya ni Kurt. Naiintindihan naman niya ang kaabalahan ng nobyo ngunit sana ay maintindihan din nitong babae siya. Ayaw na ayaw ng mga babae na hindi napapansin. Ngunit hindi magrereklamo si Johanna, hindi magde-demand. Ayaw niyang dagdagan pa ang stress ni Kurt. Lilipas din ang kaabalahan nito. Matiyaga na lang siyang maghihintay sa bar.

Kaka-order lang niya ng ikalawang white wine nang maramdamang may tumabi sa kanya. Halos wala sa loob na nilingon niya ito. Isang Pinoy, ang kaagad na nabatid niya. Isang napakaguwapong Pinoy. Kaagad nagsalubong ang kanyang mga kilay nang matanto ang daloy ng kanyang isipan. Ayaw niyang humanga sa ibang lalaki, lalo na kung lalaki sa isang bar. Kahit pa Pinoy ito.

Ibinaling ni Johanna sa ibang direksiyon ang tingin at pinagtuunan ng pansin ang inumin. Narinig niyang humingi ng beer ang lalaki sa bartender. Pinakiramdaman niya kung aalis na ang lalaki pagkakuha nito ng beer ngunit nanatili ito.

Pinay?

Alam niya na siya ang kinakausap ng lalaki. Ang sabi niya ay hindi siya lilingon. Kapag hindi niya ito pinansin, lulubayan din siya nito. Ngunit sa hindi malamang kadahilanan, lumingon siya. Tila may puwersang nagpagalaw sa kanyang ulo.

Nakangiti na kay Johanna ang lalaki. Bakas sa mga mata nito ang interes at paghanga. Waring may pumitlag sa kanyang puso nang matitigan ang guwapo nitong mukha.

Is this seat taken?

Bahagya na siyang natauhan. Hindi niya mapaniwalaan na humahanga siya sa isang lalaki na hindi niya nobyo. Nasobrahan lang marahil siya sa caffeine kaya ganoon na lang ang reaksiyon ng puso niya. Hindi iyon pumipitlag sa lalaking hindi si Kurt.

I’m taken. Pagkasabi niyon ay tumayo na si Johanna at iniwan ang lalaki.

Nagmamadali siyang lumabas ng bar. Ipinatong niya ang kamay sa ibabaw ng kanyang puso. Hindi pa rin nagnonormal ang tibok ng kanyang puso. Nais talaga niyang pagtakhan ang naging reaksiyon sa estranghero. Hindi iyon ang unang pagkakataon na may lalaking lumapit sa kanya sa bar at sinubukang magpakilala. Ngunit iyon ang unang pagkakataon na labis na napukaw ang kanyang atensiyon at damdamin.

Nang makita ni Johanna si Kurt na palapit sa kanyang direksiyon ay napagpasyahan na lang niyang huwag nang gaanong pakaisipin ang nangyari. Hindi iyon importante. Buburahin na rin niya sa kanyang isipan ang lalaki.

CHAPTER ONE

Baltimore, Maryland

I’M SO VERY SORRY, Johanna, but I really can’t do this. This is not right. I can’t. I can’t marry you. You’re not the one. I’m in love with someone else.

Tulala si Johanna habang hinuhubad ni Sybilla, ang matalik niyang kaibigan, ang wedding gown sa kanyang katawan. Paulit-ulit na umaalingawngaw sa kanyang isipan ang mga huling sinabi sa kanya ni Kurt, ang lalaking dapat ay pakakasalan niya sa araw na iyon.

Paano nangyaring sa ganito nauwi ang lahat? The day started out great. Nagising siyang puno ng enerhiya at sabik na makarating sa simbahan na pagdadausan ng kasal. Napakaganda niya. Halos hindi niya nakilala ang sarili nang matapos ang make-up artist sa kanya. It had been perfect, walang nangyaring mga aberya. Kurt was waiting at the altar when Johanna walked down the aisle. There was no indication that something catastrophic was about to happen. Nais niyang maniwala na isang masamang panaginip lamang ang lahat at anumang sandali ay magigising na siya. Paggising niya ay matatagpuan niyang maayos ang lahat, walang kaguluhan o komplikasyon. Everything was exactly where they were supposed to be. When she wakes up, everything in her life would be perfect again. She just had to go through this nightmare. She would wake up soon.

Johanna refused to believe everything that happened was true. Hindi niya nais paniwalaan na tinakbuhan siya ni Kurt sa altar. Hindi sinabi ng lalaki na hindi na siya nito mahal, na may mahal na itong iba. How could that even be a possibility? They had been together for almost sixteen years. How could he stop loving her? How could he fall for someone else? How could she not be the one?

Halos hindi niya namalayan ang pagbukal ng luha sa kanyang mga mata. She supposed it was okay to cry when one was dreaming. Nakakaiyak namang talaga kung iisiping nangyayari iyon sa totoong buhay. Kurt left her in her dream. He ran away when they were about to exchange vows.

She was going to sleep. She was going to sleep in her dream. Paggising niya, araw na ng kanyang kasal. Ibinagsak ni Johanna ang sarili sa kanyang kama. Paggising niya ay magiging perpekto na uli ang lahat, iyon ang kanyang naiisip bago niya ipinikit ang mga mata. Paggising niya, nakangiting mukha ni Kurt ang bubungad sa kanya.

Ngunit mukha ni Sybilla ang unang bumungad pagmulat ng mga mata ni Johanna. Puno ng pag-aalala ang mga matang nakatunghay sa kanya. Hey, nakangiti at banayad nitong bati. Sinikap na huwag ipakita sa kanya ng kaibigan ngunit nakita pa rin ni Johanna ang awa sa mga mata nito. How are you feeling?

Kurt? tanong ni Johanna. Hindi niya nakakalimutan ang naging panaginip. Iniwan daw siya ni Kurt sa simbahan. Hindi natuloy ang kanilang kasal.

Hindi kaagad siya nasagot ni Sybilla. Napuno ng pag-aatubili ang mga mata ng kaibigan. Ibinuka nito ang bibig ngunit walang anumang nanulas, tila hindi malaman ang sasabihin sa kanya.

Tell me, ang mariing utos ni Johanna. Hanggang maaari ay hindi nagsisinungaling sa kanya si Sybilla.

He... he’s gone, Johanna.

Hindi na siya gaanong nagulat. Unti-unti nang nanunuot sa kanya ang katotohanan na hindi masamang panaginip lang ang naganap. Totoong iniwan siya. Totoong hindi natuloy ang kasal. Ngunit hindi niya hinayaan na lubos iyong matanggap ng sarili. Umiling-iling si Johanna. No. No. No.

Muling ipinikit ni Johanna ang mga mata. Hindi pa tapos ang panaginip. Hindi pa siya ganap na nagigising. Nagbalik siya sa pagtulog.

Nang muling magmulat ng mga mata si Johanna ay umiiyak na anyo ng kanyang ina ang kanyang nabungaran. Unti-unti siyang bumangon sa kama. Napakabigat ng kanyang ulo. Napakabigat ng kanyang buong katawan. Inabot siya ng ina at humahagulhol na niyakap siya nang napakahigpit.

Ang walanghiya! Walanghiya! wika nito sa pagitan ng paghagulhol.

Johanna knew something terrible had happened. Something more terrible than the fact that she had been jilted. Tumingin si Johanna kay Sybilla na malapit din sa kama at naghintay ng sagot sa tanong na hindi na niya kailangang isatinig.

Umiling ang matalik niyang kaibigan. Alam ni Johanna na may nalalaman si Sybilla ngunit ayaw nitong dito manggaling. The news must have been so bad. Hindi niya nilubayan ng tingin si Sybilla. She wanted to know.

Sa bandang huli ay napabuntong-hininga na lang ang kanyang kaibigan at sinabi sa kanya ang nalalaman. He’s married.

Hindi kaagad naintindihan ni Johanna ang sinabi ni Sybilla. W-what?

Nagpakasal na sa ibang babae si Kurt.

W-what? No! Nahiling ni Johanna na sana ay hindi na lang niya ganap na naintindihan ang sinabi sa kanya. No! Naramdaman niya ang paghigpit ng mga braso ng ina na nakayakap sa kanya ngunit nagpumilit siyang kumawala. Hindi siya maaaring magpakasal sa ibang babae! Sa akin siya ikakasal. You’re lying to me, Sybilla! Why are you lying to me?

Calm down, honey, ang malumanay na tugon ni Sybilla.

Don’t tell me to calm down! singhal ni Johanna. Kailan ba matatapos ang bangungot na ito? Kailan ako magigising? I can’t take it anymore!

Nang makawala si Johanna sa ina ay si Sybilla naman ang yumakap nang mahigpit sa kanya. It’s going to be okay, honey. Everything’s going to be fine.

Paano nasasabi sa kanya iyon ng kaibigan? Paano nito nasasabing magiging maayos pa ang lahat? Hindi na kailanman magiging maayos ang lahat kung hindi siya magigising sa bangungot na iyon.

This can’t happen to me. This is not happening to me! Nagpumiglas si Johanna. This is not how it’s supposed to be! I’m supposed to be the woman he marries. Ako! Ako na nakasama niya sa mahigit labinlimang taon!

Johanna was not aware she was being hysterical already. Pumapalag na siya at sumisigaw. Everyone tried to calm her down. Everyone tried to hug her, restrain her. Hindi rin kasi siya aware na nagwawala na siya. She was not aware she started throwing things against the wall. She was not aware she had been crying so loud.

Hindi maipaliwanag o mabigyan ng akmang salita upang mailarawan ang sakit na kanyang nadarama. She refused to believe everything but her mind could still process the fact that Kurt married someone else. Her heart just couldn’t take it. It was as if someone dug a hand on her chest and it had been shredding it apart. Pakiramdam niya ay mababaliw na siya nang mga sandaling iyon. Hindi niya alam ang kanyang gagawin. Hindi niya alam kung paano susulong. Hindi niya alam kung paano magpapatuloy ang buhay na walang Kurt.

NAKILALA NI JOHANNA si Kurt sa unang araw bilang high school student kung saan siya nag-transfer sa Baltimore. She was a sophomore, he was a senior. He had been every girl’s dream man. He was the football team’s quarterback and the smartest in his class. He was tall and blond—a blue-eyed gorgeous. Tandang-tanda ni Johanna ang naramdaman niya habang papasok sa bagong eskuwelahan. She had been scared to death. She knew she would be a freak to her new school. Hindi niya alam kung paano pakikitunguhan ang mga kaklase na iba ang lahi.

Ipinanganak si Johanna sa Pilipinas. Parehong doktor ang kanyang mga magulang, ngunit nang magtungo sa Amerika ay naging nurse na ang mga ito. Hindi alintana ng mag-asawa ang trabaho. Higit na mas malaki ang suweldo sa pagiging nurse sa Amerika kaysa sa pagiging doktor sa Pilipinas. Noong una ay ama lang ni Johanna ang nagtatrabaho sa ibang bansa. Dalawang taon lamang siya nang umalis din ang kanyang ina at sinamahan ang kanyang ama sa paghahanapbuhay.

Masasabing namulat sa masaganang buhay si Johanna. Parehong maituturing na may-kaya ang mga pamilya ng mga magulang. May ilang ektaryang palayan ang Lola Linda niya, ang ina ng kanyang papa, sa Pangasinan. Sa lola na iyon siya lumaki. Ang pamilya ng kanyang mama ay mayroong private family clinic at ilang medical supply stores na nasa iba’t ibang bahagi ng Maynila.

Parehong masinop ang kanyang mga magulang at nag-iisa lang siyang anak kaya nakakaipon ang mag-asawa. Nakapag-aral siya sa international school sa Maynila. Pagsapit niya sa edad na kinse, nagtungo na siya ng Amerika upang makasama ang mga magulang. Citizen na ang kanyang mga magulang noon. Sapat na ang naiipon upang makapanirahan nang maayos sa Maryland. Nakabili na ang mag-asawa ng isang komportableng bungalow house sa isang tahimik na residential area.

Sa unang araw ni Johanna sa bagong high school, pakiramdam niya ay nakatingin sa kanya ang lahat. She felt like a fish out of water. Marami siyang kaklaseng foreigner sa Pilipinas ngunit ibang-iba pa rin ang vibe ng eskuwelahan para sa kanya. Nasa ibang bansa na siya na may ibang kultura sa kinalakhan niya.

Johanna and Kurt bumped into each other in the hallway. Nagmamadali na siya dahil malapit nang magsimula ang unang klase ngunit hindi pa niya nahahanap ang kanyang classroom. Nais na niyang mag-panic. Naalala niyang labis siyang nainis sa abala nang mapagmasdan ang mukha ng nakabangga sa kanya. Her heart skipped a beat. She believed she just met the most beautiful man in the world.

Tinulungan siya ng lalaking makatayo at tinanong kung okay lang siya. Dalawang beses siyang tinanong bago napanumbalikan ng katinuan si Johanna. Sinabi niya na okay lang at kailangan na niyang magtungo sa kanyang klase. It turned out, she was headed on the opposite direction. Inihatid siya nito hanggang sa classroom niya.

Habang naglalakad patungo sa classroom ay nalaman ni Johanna ang pangalan ng binatilyo. Kurt Evans. Lahat kasi ng makasalubong nila ay binabati ito. Kilala ang binatilyo sa buong eskuwelahan. Naihatid siya ni Kurt na hindi tinatanong ang kanyang pangalan. Inisip ni Johanna na hindi interesado sa kanya ang binatilyo. Bahagya niya iyong ikinalungkot ngunit mas piniling huwag nang gaanong magdamdam. Mas itinuon niya ang atensiyon sa kanyang klase.

Nagbago ang akala niyang hindi interesado sa kanya ang lalaki pagsapit ng tanghalian. Nagulat siya nang samahan siya nito sa isang mesa sa sulok. Wala pa siyang kaibigan na makakasalo sa tanghalian.

I realized I haven’t formally introduced myself, nakangiting sabi ni Kurt sa kanya. He looked so charming and adorable. Hindi malaman ni Johanna kung paano niya kinaya ang kilig. I’m Kurt Evans. You are? Inilahad pa nito ang kamay sa kanya.

Johanna Torillo. Nagpasalamat siya na hindi siya nautal bagaman bahagyang nanginig ang kanyang kamay na tumanggap sa pakikipagkamay nito. Nanlamig at bahagyang nagpawis din ang kanyang palad.

Mula noon, regular na siyang inaabangan ni Kurt sa harap ng eskuwelahan tuwing umaga at inihahatid siya sa kanyang classroom. Sabay silang magtatanghalian. Masasabing naging madali ang adjustments niya sa eskuwelahan at sa Baltimore dahil kay Kurt. Naging mabait ang lahat sa kanya dahil din sa lalaki. Isang araw ng Biyernes, niyaya siya nitong manood ng sine.

When he took her home that night, he had given her her first kiss. It was magical.

Mula noon ay halos hindi na nagkahiwalay ang dalawa. Kurt made it to Harvard. Napanatili nila ang magandang relasyon kahit hindi sila araw-araw na nagkikita. Nang magtapos ng high school ay sumunod siya sa Massachusetts. Nagdesisyon silang sa isang apartment na lang manirahan. Kurt went to med school. Johanna went to nursing school. She specialized being a scrub nurse. Kurt started his surgical internship. They went back to Baltimore to continue Kurt’s residency. They had always been a good team. They were a perfect pair—everyone told them so.

Hindi inisip nino man na balang-araw ay magkakahiwalay sila. Nang ianunsiyo nila ang kanilang pagpapakasal, wala nang gaanong nagulat. Some said

Enjoying the preview?
Page 1 of 1