Discover millions of ebooks, audiobooks, and so much more with a free trial

Only $11.99/month after trial. Cancel anytime.

Then You Happened
Then You Happened
Then You Happened
Ebook268 pages4 hours

Then You Happened

Rating: 5 out of 5 stars

5/5

()

Read preview

About this ebook

Minsan na nagsalo sa mainit na halik sina Devney at Reggie. May binuhay ang halik na iyon sa kanila, pero hindi pa nila panahon. Ang sabi ni Reggie ay kaaalis lang nito sa isang relasyon. Hindi pa yata ito handa.

Nagkaroon uli sila ng pagkakataon. This time, they wanted to make things work. Aware sila sa ilang hurdles. Magkaiba ang buhay nilang dalawa. Magkaiba ang tirahan. Magkaiba ang nakasanayan. Magkaiba ang mundong ginagalawan.

Sino ang dapat na magsakripisyo sa kanilang dalawa? What if they truly didn't make sense?

But they were determined to work on things that prevented them from being together. Because they belonged together. They only wanted each other.

LanguageFilipino
PublisherBelle Feliz
Release dateJun 28, 2023
ISBN9798223852940
Then You Happened
Author

Belle Feliz

Belle Feliz writes Tagalog romance.

Read more from Belle Feliz

Related to Then You Happened

Reviews for Then You Happened

Rating: 5 out of 5 stars
5/5

6 ratings2 reviews

What did you think?

Tap to rate

Review must be at least 10 words

  • Rating: 5 out of 5 stars
    5/5
    Done reading po, Ms Belle ♥️
    Thank you so much po sa story ni Reggie and Devney.

    At nakapunta na naman po ako sa place na punong-puno ng pag-ibig, whoah!
    Grabe ang trials between them.
    At sobrang nakaka-inlove ?
    Ang bongga nung "Home is here with you!"
    At na-inlababo na naman po ako ng bongga sa mga characters mo po, Ms Belle ?

    Ang sarap lang ng feeling ng may mga kaibigan ka na sasamahan ka through ups and downs. Super love them.

    I'm sorry for this but so much hate for ate Annemarie. Nainis ako ng bongga. Nadala yung feelings ko ?

    Thank you so much po ulit.
    Looking forward for more story ❤️?

    Ms Belle si Kuya Pippo ?


  • Rating: 5 out of 5 stars
    5/5
    As always, a great story..sana may story din ang ibang kaibigan tulad ni Lily and henri.:)If ever magkakaroin, i am looking forward to it.:)

Book preview

Then You Happened - Belle Feliz

Chapter One

AKO NA ANG MAG-ARRANGE ng restaurant. I know a good place, sabi ni Devney kay Abby na kausap niya sa phone. Nasa sasakyan siya pauwi. Nakangiti siya. She finally had something to be happy about, to be excited about.

You know all the good places, tugon ni Abby sa magaang tinig.

I do. Excited akong makita kayo ni Kuya Pippo. Sawa na sa akin sina Lily at Henri. Tunog nagbibiro siya pero may munting bahagi sa kanya ang bahagyang nag-aalala na baka ganoon nga.

I’m sure that’s not true. Excited akong makita kayo and spend some time.

Excited ka ring makita ang mga magulang at kapatid mo.

Yes. Ang cute ng pamangkin ko.

Natawa si Devney. Luluwas sa weekend ang mga kaibigan niya. Sa isang maliit na bayan sa probinsiya na permanenteng nakatira ang dalawang matalik na kaibigan. Isang chief admin ng isang malaking klinika si Kuya Pippo. Nagtatrabaho bilang nurse roon si Abby. Sa maliit na bayan na rin na iyon nakahanap ng mapapangasawa si Abby.

Matagal na nagtrabaho sa ibang bansa si Abby bilang isang nurse. Mayroon itong naiwan na boyfriend. LDR ang dalawa sa loob ng mahabang panahon. Akala nilang lahat ay maayos ang relasyon ng dalawa.

Umuwi si Abby at planong mag-propose sa boyfriend para lang masaksihan na ikinakasal ang boyfriend nito sa sariling kapatid. Sinabi ng mga magulang nito na hayaan na lang at huwag nang humadlang.

Parang gumuho ang mundo para kay Abby. Sumama ang kaibigan kay Kuya Pippo pauwi ng probinsiya. Doon nito nakilala si Eloy, isang retired rockstar turned vegetable farmer. Abby and Eloy fell in love very quickly and very easily. They were married in months.

Mas excited akong makasama ang asawa ko, sabi ni Abby. Parang gusto kong pagsisihan ang pag-encourage sa kanya na mag-comeback for an album. I didn’t know he’d be so... meticulous.

Eloy was in Manila. When they were falling in love, Eloy had written songs. He basically made a whole album about Abby.  Sampung taon na rin na hindi aktibo sa pagbabanda si Eloy, pero nagsusulat pa rin ng mga kanta para sa ibang artists. For the first time in a long time, his band collaborated in making new music. The songs were too personal to give them to other artists.

So Eloy’s band White Arrows was making a comeback album. Ang alam ni Devney ay ilang linggo nang abala ang asawa ng kaibigan sa recording. Ilang linggo nang pabalik-balik ng Manila.

Devney was a fan of the band. Hindi fan na fan pero hindi maaaring hindi makabisa ng sinuman ang mga kanta ng White Arrows noon dahil madalas na marinig kahit na saan. White Arrows was a huge deal in the early 2000s. Kaya naman excited siya sa bagong album ng mga ito. Alam niya na hindi lang siya ang mae-excite. Mukhang maganda rin ang tiyempo ng mga ito. Old songs from bands were going viral again. Mukhang trend ang pag-comeback ng local bands.

I’m sure he misses you, too. And this album is going to be epic, sabi ni Devney.

Naramdaman niya ang kudlit ng inggit sa dibdib. Masaya siya para sa kaibigan. Abby deserved all the love and happiness in the world especially after everything that she had been through. Pero hindi rin naman niya maikakaila na gusto rin niya ang natagpuan nito. Gusto niya ng kaparehong kaligayahan. Gusto rin niya ng ganoong klase ng pag-ibig.

She wanted someone to love her with all of his heart.

Nakita niya na palapit na sila sa gate ng tahanan niya. Malapit na ako sa bahay. Ako na ang bahala sa dinner sa Sabado. I will coordinate with the girls. Just tell me how many people you’re bringing. If your sister is going to be—

No, she’s not going to be invited. Alam niya na hindi na kayo friends.

She’s your sister and you love her—you love them. But we’re your friends, we get to hold a massive grudge forever. Abby might have forgiven her sister and ex-boyfriend, but Devney had not. Wala siyang pakialam kung wala man siyang karapatang magalit.

Marahan na natawa si Abby. Thank you. I’ll see you on Saturday. May gusto ka ba from here?

Reggie. Regular ka nang nagpapadala ng mga gulay. I’m good.

Okay. `See you.

Inilagay niya sa bag ang phone pagkatapos nilang mag-usap ni Abby. Nginitian niya ang driver niya nang pagbuksan siya nito ng pinto. Bumaba muna siya bago niya kinuha ang mga bag niya. Bumukas ang front door at iniluwa niyon ang Ate Annemarie niya.

`Buti naman naisipan mo na sa wakas umuwi, salubong nito sa kanya.

Lumabas din si Barbie, ang assistant niya, at nilapitan siya. Kinuha nito mula sa kanya ang mga dala niya.

Sinikap niyang ngitian ang nakatatandang kapatid. Hi, Ate. Hindi sila pareho ng tirahan ni Annemarie pero alam niya na kahapon pa ito naroon kasama ang dalawang anak nito. Bukas naman palagi ang tahanan niya para sa pamilya. Medyo wala lang yata siyang enerhiya para pakitunguhan ang kapatid. Inakala niya na naihanda na niya ang sarili kahit na paano sa madaratnan niya sa bahay niya, pero hindi rin pala. Gusto na lang niyang dumeretso sa kuwarto niya at magkulong.

Where have you been? tanong ng kapatid niya habang papasok sila sa loob ng bahay. Nagtungo siya sa kusina at kaagad iyong pinagsisihan. I have been baking, paliwanag nito habang nakatingin siya sa mga kalat sa kusina niya.

And filming. Napatingin siya sa camera set-up. Pinigilan niya ang pagkawala ng buntong-hininga. Pinigilan niya rin ang parang pag-creep in ng anxiety. Tinungo na lang niya ang ref at naglabas ng tubig.

I was trying a new cupcake recipe. The kids helped me.

Tumango si Devney at sinikap na magmukhang maaliwalas ang ekspresyon ng mukha niya. Alam ng lahat ng diyos na mahal niya ang ate niya, pero mas sumasama ang kanyang pakiramdam sa kasalukuyan. Sinabi niya sa sarili na hindi na siya dapat na nakikialam sa ilang desisyon ng kapatid lalo sa mga anak nito. Si Annemarie ang ina.

Hindi ikaw ang nanay. Hindi mo alam kung paano maging nanay. Akala mo lang alam mo pero hindi. Mas alam ko kung ano ang makabubuti sa mga bata. Para sa kinabukasan din nila ito.

Kung interesado kang makita ang mga pamangkin mo, nasa mga kuwarto nila sila. Natutulog si Morgan kasama ang yaya. Nagkukulong si Frida sa kuwarto niya at ayaw akong papasukin. Katukin na lang daw siya kapag uuwi na kami. Teenagers.

Gustong makita ni Devney ang mga pamangkin lalo na si Frida. She was sixteen years old. Siguro ay medyo normal na at some point ay may contentious relationship sa ina ang anak na babae lalo kapag nasa ganoong edad. Naalala niya noong teenager siya na palagi rin silang nagkakainisan na mag-ina. Maraming pagkakataon na hindi nila maintindihan ang isa’t isa.

Pero kilala ni Devney ang kapatid. Hindi rin niya katulad si Frida. She was not like her mother or anyone in their family. She was unique and special. She was kind and sweet. Frida was quiet and sensitive. Naisip niya na hindi alam ni Annemarie kung paano pakitunguhan ang anak. Parang hindi nito gaanong kilala ang anak. She never said that out loud. She never thought of loudly criticizing her sister’s parenting. But she felt bad for thinking about it.

Devney wanted to believe her sister was doing her best as a mom. There was no doubt that she loved her daughter.

Saan ka ba galing? Hindi ka nag-film ng content dahil hindi mo kasama ang team mo. Sayang ang pinapasahod mo sa napakaraming tao. Nakatanga lang sila rito. Kung hindi kami nagpunta rito ng mga bata ay ang sarap ng mga buhay nila. Sariling-sarili nila ang bahay mo. Ayaw sagutin ng camera man mo ang tawag ko. Si Barbie tuloy ang nag-man ng cameras. Tapos `yong editor mo, kabagal mag-edit ng videos ko. Sayang ang araw. Wala naman yata siyang ginagawa dahil halos isang buwan ka nang walang matinong content.

Nasapo ni Devney ang noo. Parang nanikip bigla ang dibdib niya. Parang gusto rin niyang kumaripas ng takbo palayo at kauuwi lang niya. She didn’t want to deal with this.

I spent time with Henri and Lily, tugon niya habang pilit na nagtitimpi.

Hindi ka puwedeng magtamad, Dev. You need content. Ilang linggo nang walang bagong upload sa channel mo. Stock at old photos pa `ata ang mga ipinopost ng assistant mo sa mga social media mo. Wala kang bagong TikTok. Pababa nang pababa ang views mo. I mean, okay pa rin naman pero compared sa dati, mababa. Imbes naman na mas mag-film at maglabas nang maglabas ng content,  nagtatamad ka. Kung kailan kailangan mong mas maging relevant saka ka walang ginagawa. Aba, huwag mo naman gaanong ugaliin `yang pagtatamad mo. Kahit nga iyang mga kaibigan mo nagtatrabaho.

Bakit hindi ako puwedeng magtamad? aniya. Hindi niya intensiyong sabihin nang malakas ang tumatakbo sa isipan niya.

Excuse me? anang ate niya, kunot na kunot ang noo.

Sinabi niya sa sarili na itikom na lang niya ang bibig at huwag nang pahabain ang usapin na ito. Pero parang may sariling isip ang bibig niya. Parang bigla siyang nawalan ng kontrol sa kontrol niya.

Bakit hindi ako puwede magtamad? sabi uli niya. I can afford to be lazy. I have savings and I have investments. May deals pa ako with brands. Kahit na humilata ako hanggang sa susunod na taon, okay lang. May pambili pa ako ng luho at may panuweldo pa ako sa mga tao ko.

Kahit na sa pandinig mismo ni Devney ay hindi niya nagustuhan ang ginamit niyang tono. Hindi naman siya nagyayabang talaga. Nagsasabi lang naman siya ng totoo. Pero off pa rin ang delivery niya. Siguro ay naiinis siyang talaga sa mga naririnig mula sa sariling kapatid. Ni hindi man lang siya nito kinumusta. Maayos ba siya? Bakit mga kaibigan niya ang kasama niya sa nakalipas na apat na araw? May problema ba siya o pinagdadaanan? Bakit hindi siya makagawa ng matinong content? Kumusta ang mental health niya?

Hindi man lang ba sumagi sa isipan nito na baka may dahilan kung bakit napakadalang na niyang mag-post ng content? She had been an influencer  for almost fifteen years now. She had started vlogging when vlogging was barely a thing in the Philippines. She started out as a beauty vlogger. Isa siya sa mga itinuturing na OG locally. She started with simple makeup tutorials, story times and a bunch of GRWM videos. Hindi agad-agad ang success niya. Halos dalawang taon bago pa talaga niya napagkakitaan ang mga video niya at bago talaga siya nagkaroon ng solid number of following.

Devney was still one of the most followed influencers. She was still a household name. It took so much work to build the following and the brand that she had. It took so much hard work, persistence and dedication to be who she was right now. Aware siya sa impresyon ng ibang tao sa mga influencer. Hindi talaga nagtatrabaho. Pa-video-video lang ng sarili. Madali ang pera.

Aminado naman siya na madali ang trabaho sa ilang aspeto. Pribilehiyo na maging influencer. Alam niya na hindi niya kasingpalad ang ibang tao. Naranasan naman niyang magtrabaho katulad ng iba. She hated it so much. Kaya nga pinagpursigehan niyang maging matagumpay sa pag-video-video niya. Hindi palaging madali. She worked so hard for a long time. She had success at parang wala siyang karapatang magreklamo kaya rin siguro ganoon ang tono niya.

Natawa si Annemarie. Hindi nito maitago ang pang-uuyam. Wow. `Must be nice, `no? It must be really nice to have that, to afford something like that.

Bakit ba ganyan ang tono mo?

Anong tono?

Na parang banas na banas ka sa akin dahil puwede akong magtamad. Siguro ay kailangan lang niyang makita ang concern nito sa kanya. Gusto naman niyang maramdaman na pinagmamalasakitan siya ng kapatid. O kahit na maisip lang sana nito ang maaari niyang pinagdadaanan.

Pero mukhang mas naiinis ito sa kanya dahil totoo ang sinabi niya.

Dahil napakayabang mo.

Parang may mariin na pumisil sa puso niya. Tumingin siya sa mga mata ng kapatid. Matalim at puno ng disgusto ang tingin na ipinukol nito sa kanya.

Siguro nga talagang mayabang ang dating niya. Siguro nga mali ang dinig nito sa tono niya. O sadyang mali ang tono na ginamit niya.

Siguro rin ay hindi niya kailangan ang kapatid niya roon pag-uwi niya at bigyan siya ng attitude pagkakita sa kanya.

Ang yabang mo, eh, sinuwerte ka lang naman. Nagkataon lang na tama ang tiyempo mo. Wala ka namang kuwenta talaga. Kadali ng mga ginawa mo. Nagkataon lang na maaga kang nagsimula. Hindi pa saturated. Pero kaya ng kahit na sino na mag-makeup sa harap ng camera.

Ibinuka niya ang bibig at napakarami sana niyang gustong sabihin, pero sa huling sandali ay nagpasya siyang itikom na lang ang bibig. Humugot siya ng malalim na hininga pagkatapos. Naramdaman niya ang pag-iinit ng mga mata niya at pananakit ng lalamunan sa pagpipigil na maiyak.

Okay, fine. I’m sorry. Iyon lang ang kinaya niya, kinailangan na niyang tumalikod at lumayo. Ipinagpasalamat niya na hindi na siya tinawag o sinundan ng kapatid.

Nasalubong niya si Barbie at akmang may sasabihin sa kanya, pero nang makita nito ang mukha niya ay kaagad siyang hinayaan. Pumasok siya sa kuwarto niya. Isinandal niya ang sarili sa nakasarang pinto at humugot uli ng malalim na hininga. Pilit niyang kinalma ang sarili.

You should’ve told her off.

Kamuntikang mapatalon si Devney. Nasapo niya ang dibdib dahil parang aatakehin siya sa puso. Napatingin siya sa pinanggalingan ng tinig.

Relief flooded her. Babe. Nilapitan niya si Frida na nakaupo sa gilid ng kama niya. She looked a little upset. Hindi na mahirap hulaan kung bakit ganoon ang ekspresyon ng mukha nito.

Naupo siya sa tabi nito at niyakap ang pamangkin. She wished Frida didn’t have to hear or see her mother treat her that way.

You shouldn’t always let her get away with that, sabi uli ni Frida. Nakakasanayan niya.

Mommy is just... tired, okay? Ganoon lang talaga ang mommy mo. Mahal ako n’on, hindi lang halata minsan. Naniniwala pa rin naman siya sa sinabi niyang iyon. Mahal siya ng kapatid niya. Mahal din niya ito. Palagi nilang mamahalin ang isa’t isa dahil magkapatid sila. Kahit na parang hindi sila magkasundo.

"You weren’t lucky, you worked so hard all these years. Hindi ka rin po mayabang. You can afford to not do anything. Because you worked hard for so many years. And what you do is not easy. Not at all. If it’s as easy and simple as everyone thinks it is, everyone should be an influencer by now. Not everyone can be an influencer, can be like you. Mom can’t do it no matter how hard she tries. She wants to be like you, pero hindi lang niya maamin talaga. Because she doesn’t want to want to be like you. She’s pissed and acts like that because masakit sa pride niya na hindi niya kayang gawin ang ginawa mo. It’s been three years since she started her channel at hindi pa rin siya nakakalapit sa success mo."

Growing a channel takes time. Sana ay may iba siyang maaaring sabihin sa pamangkin. Mas upset na ang dalagita. Bahagyang sumama ang pakiramdam niya dahil pakiramdam niya ay kailangan niyang mas ipagtanggol ang ate niya. Hindi niya gustong ganoon ang isipin ni Frida sa sariling ina. Alam niya na lumalaki ang distansiya ng mag-ina at dapat na may gawin siya.

Parang wala lang siyang lakas sa kasalukuyan. Parang hindi niya sigurado kung ano ang mga dapat sabihin.

Yes, but let’s also face it, Tita Dev, people are not very much interested in her. People don’t really care about her and our family. May leg-up na nga siya dahil kapatid mo siya. People checked her—us out because she is your sister. You’ve done your best to make this work for her kahit na hindi ka talaga naniniwala.

Frida, babe, naniniwala ako sa Mommy mo. She is brilliant and a good mom—great mom. She is doing her best. She is a wonderful person—

"Stop! You need to tell it what it is. Vlogging is not for her. She can’t be one of those lifestyle slash mom influencers. We’re not meant to be a family vlogger. Halatang pilit na pilit. We are not relatable or adorable. Or even interesting enough. Dad doesn’t want to be on camera. I don’t wanna be on camera. Morgan is a baby. Hindi pa talaga niya alam ang nangyayari sa paligid. Mom is not relatable or desirable. She is not likable. She thinks she’s better than everyone else and it shows, okay? Kahit na paano niya itago, it shows. Madali siyang maapektuhan ng mean o kahit na medyo sablay lang na comments. Hindi siya tumatanggap ng criticisms. May mapansin lang na mali sa ginagawa niya bilang mom, parang ready na siya to go into war. She’s insecure, Tita. I know you know that even if you’re never gonna say it out loud.

"Narinig ko kayo dati. Tinatanong ni Mommy kung bakit hindi mo ako isinasama sa mga vlog mo. You can have so much content with me, mula pa noong baby ako. But you refrain from it. Sabi mo, you don’t want to exploit me. You know I don’t wanna be in those videos. I love you but I don’t want to be out there. I don’t want people watching me. You respect that. And you’ve been very firm on not exploiting us. Kahit na sabihin ni Mommy na wala kang ganap. Iyong mga kasabayan mo, kinasal na at may mga anak nang ipinapakita sa vlogs nila. She basically told you to use her kids for clout in exchange for a shared profit. When you don’t wanna do it, she decided she could start her own channel and be a mom slash lifestyle influencer. Kasi gaano ba kahirap? You made it. She decided to showcase our family and no one really wants us.

She didn’t realize how much funds it would take to show a certain aesthetic lifestyle online. We can’t afford it. Kaya narito kami. Nag-film siya and she wanted me to participate and be this teenager that is not me. I am not gonna be the adorable, fashionista teen like that teenager from that popular family channel. Kahit na ipasuot niya sa akin ang ilang damit at accessories mo. How can a mother not know her daughter? How can she not see that I like being me kahit na hindi interesting or relatable or conventionally pretty? You taught me how to love me, how to appreciate me. But I am not good enough for her.

Hinigpitan niya ang pagkakayakap niya sa pamangkin. She was crying now. You’re always welcome here, babe. This house is made and designed to be filmed at.

Pero parang walang narinig si Frida. "Naiinggit at naiinis siya sa `yo. Hindi niya iyon kayang aminin sa sarili niya kasi mahal ka rin niya. Hindi talaga niya gustong mainggit at mainis. Pero nahihirapan

Enjoying the preview?
Page 1 of 1