Discover millions of ebooks, audiobooks, and so much more with a free trial

Only $11.99/month after trial. Cancel anytime.

My Darling Brat
My Darling Brat
My Darling Brat
Ebook220 pages2 hours

My Darling Brat

Rating: 5 out of 5 stars

5/5

()

Read preview

About this ebook

Phylbert had loved Jace since forever. Sa palagay niya ay wala na siyang ibang mamahalin kundi ito lamang. Anong saya niya nang matupad ang pangarap niya na maangkin ito. She had loved him with all of her heart. Ginawa niya ang lahat upang maging masaya ito sa relasyon nila.


Ngunit isang araw ay nalaman niya na hindi pala siya ang totoong iniibig nito kundi ang kanyang matalik na kaibigan. Ginawa lamang siya nitong panakip-butas.

 

Nasaktan siya nang labis. Pagkatapos niya itong sukuan ay nagdesisyon siyang lumayo na lang at paghilumin ang mga sugat na nilikha nito sa puso niya.


Hindi naglaon ay nagawa rin nilang maging magkaibigan kahit magkalayo sila. Naghilom ang mga sugat at nagawa niyang magmahal ng iba. Akala niya ay maayos na sila, ngunit sa muli nilang pagkikita pagkatapos ng limang taong pagkakalayo ay napagtanto niyang hindi pa rin siya lubusang nakakawala sa pag-ibig niya rito.

LanguageFilipino
PublisherBelle Feliz
Release dateNov 27, 2022
ISBN9798215151723
My Darling Brat
Author

Belle Feliz

Belle Feliz writes Tagalog romance.

Read more from Belle Feliz

Related to My Darling Brat

Reviews for My Darling Brat

Rating: 5 out of 5 stars
5/5

9 ratings4 reviews

What did you think?

Tap to rate

Review must be at least 10 words

  • Rating: 5 out of 5 stars
    5/5
    Kinilig, naiyak, nainis, natawa. Thank you po sa lahat nang feels na naranasan ko
  • Rating: 5 out of 5 stars
    5/5
    I read this before, inulit ko lang ngayon.. same effect pa rin just like the first time I read.. masarap main-love! Thank you Ms. Belle..?
  • Rating: 5 out of 5 stars
    5/5
    na miss ko ang story na to,
    next is kay prn ang joax namn
  • Rating: 5 out of 5 stars
    5/5
    Ang sakit sa puso ??i want her to be with juan cristobal???

Book preview

My Darling Brat - Belle Feliz

CHAPTER ONE

NAKANGITING SINALUBONG ni Phylbert si Jace na papasok sa kanilang bahay. Hi! masiglang bati niya rito na lalo pang ginandahan ang kanyang pagkakangiti.

Hi, matipid na ganti nito. Matipid din ang ngiting ibinigay nito sa kanya. Tila wala itong gana na makita siya. Where’s your brother?

Napalabi siya. In his room, tugon niya. Jace was her brother Joaquin’s best friend. Halos sabay na lumaki ang mga ito. Matalik na magkaibigan din ang mga ama nila.

Nagpaalam ang binata na pupuntahan ang kapatid niya. Bago pa man siya makapagprotesta ay mabilis na itong nakaakyat sa hagdan. Nais sana niyang sabihin dito na abala si Joaquin sa mga larawan nito ngunit alam din naman niya na kahit na gaano kaabala ang kanyang kuya ay maglalaan ito ng panahon para sa matalik na kaibigan.

Pinigilan ni Phylbert ang sarili na magdabog. Matagal nang sinasabi sa kanya ni Jace na dalaga na siya at hindi na dapat nagdadabog tuwing hindi niya nakukuha ang kanyang mga gusto. Hindi naman siguro ito aalis kaagad at maaaring magkaroon siya ng pagkakataon na makakuwentuhan ito pagkatapos nitong kausapin ang kanyang kuya.

Nagtungo na lang si Phylbert sa kusina. Nadatnan niya roon na abala sa pagluluto si Bianca Cipriano. Ito at ang asawa nitong si Hiram ang kumalinga sa kanya mula nang mamayapa ang kanyang tunay na mga magulang.

Mommy, pilitin mong dito na lang kumain ng dinner si Jace, ha, hiling niya rito habang umuupo sa isang high stool sa  harap ng kitchen counter top.

Ngumiti ito. `Wag ka kasing masyadong makulit.

Napalabi siya. Hindi naman, ah.

Banayad itong tumawa. Hindi raw. You’re all over him, Phylbie. Naiilang na siya sa `yo. Pati kuya mo, hindi na alam kung sasawayin ka o ano.

Nagulat pa ba siya nang sabihin kong mahal na mahal ko siya? Everyone knows about my feelings for him, Mommy. I’ve been in love with him since the day I laid eyes on him. Hindi na siya dapat na naiilang. Hindi niya ako kailangang iwasan.

Honey, you were just ten when you first laid eyes on him.

Nakangiting tumango siya. Uh-huh! I’ve loved him ever since. Isn’t that great? He’s my first love and he’s gonna be my last because I’ll never love anyone else.

Nakangiting hinaplos nito ang kanyang buhok. You just turned eighteen, baby.

Finally. I’ve waited so long to be of legal age. Dalagang-dalaga na ako. Hindi na ako pagbabawalang makipag-boyfriend ni Daddy. I’m no longer a baby. Everyone—almost everyone adored her. Mula nang dumating siya sa Pilipinas sampung taon na ang nakararaan ay animo baby kung tratuhin siya ng lahat ng taong nakapaligid sa kanya.

You’re still my baby. Kahit na treinta ka na, ikaw pa rin ang baby ko.

Biglang napalingon si Phylbert sa entrada ng kusina. Naroon si Hiram Cipriano. Daddy! masayang bulalas niya. Sinalubong niya ito at niyakap. Pasalubong ko.

Tumatawang ibinigay nito sa kanya ang isang kahon ng tsokolate. Thank you, aniya bago hinagkan ang pisngi nito. `Love you, Dad. You’re the best! Pero sa susunod, flowers na lang kasi dalaga na ako.

Tumatawa pa ring pinisil nito ang kanyang ilong. Huwag kang magmamadali sa paglaki, anak. Hindi pa ako handa. Hindi pa ako handang may makahati sa ganito mong paglalambing.

Umingos siya. Hindi na nga ako lumaki, eh. Five feet flat lang ang taas niya. Matangkad ang kanyang tunay na ama pero ang namana niya ay ang pagiging petite ng kanyang ina. Ayon kay Mommy Bianca, manang-mana siya sa kanyang tunay na ina. Kamukhang-kamukha raw niya ito noong kaedad siya nito.

Daddy, lalambingin pa rin naman kita kahit na asawa ko na si Jace. `Tapos, magkakaanak kami, magkakaapo ka na. Madaragdagan ang baby mo na maglalambing sa `yo.

Halos magkasabay na tumikhim ang mga ito. Masyado ka pang bata para isipin ang mga ganyang bagay, Phylbie, sabi ni Daddy Hiram.

I’ve been dreaming about it since I was thirteen.

Anak, you’re still too young, giit nito.

You’ve also been telling me that since I told you I was in love with Jace. Minsan, hindi niya masabi kung suportado siya ng mga ito sa nararamdaman niya para kay Jace. It felt like they were talking her out of it. Mommy Bianca encouraged her to have crushes on other boys. They had been telling her that she was still too young to really understand love.

Jace had been part of that family longer than she had been. Mula pa noong high school days ng Daddy Hiram niya ay kaibigan na nito si Tito Lyle, ang ama ni Jace. Nakilala ng mga ito si Mommy Bianca noong college na ang mga ito. Best friend ni Mommy Bianca ang kanyang tunay na ina na si Yoanna.

Patapos na ng college ang kanyang mommy nang mag-migrate ito sa Canada. Parehong nurse kasi roon ang kanyang lolo at lola na magkasabay na namatay sa isang road accident bago pa man magpakasal ang kanyang ina at ama. Doon na ito nanirahan ngunit hindi nawala ang komunikasyon nito at ni Mommy Bianca. Sa Canada na natagpuan ng kanyang ina ang kanyang ama. Nagpakasal ang mga ito at siya ang naging bunga ng pagmamahalan ng mga ito. Tahimik ang buhay nila roon hanggang sa ma-diagnose na may cancer ang kanyang ina. Sa loob ng halos apat na taon ay nagpabalik-balik ito sa ospital. Halos sa ospital na sila manirahan ng ama niya.

She was eight when her mother succumbed to cancer. Iyak siya nang iyak noon. Hindi niya alam kung paano mabubuhay na wala ang kanyang ina. Ngunit sa tagong bahagi ng kanyang batang puso, naroon ang relief. She hated herself for feeling that. Hindi lang marahil niya maiwasan. She had witnessed how her mother suffered, how she endured pain, and how she forced a smile for her despite the pain. Maraming pagkakataon na awang-awa siya sa kalagayan nito. Batang-bata pa siya noon kaya wala siyang magawa kundi ang umiyak sa loob ng banyo. Naisip niya na kung kasama na nito si Papa Jesus, hindi na ito mahihirapan. She didn’t have to endure anything.

Hindi pa man siya nakaka-recover sa pagkawala ng kanyang ina ay sumunod kaagad dito ang kanyang ama. Isang gabi ay nakita niya itong umiiyak habang binabasa ang journal ng kanyang ina. Noon lang niya ito nakitang umiyak nang ganoon katindi. Kahit nang ihatid nila sa huling hantungan ang kanyang ina ay pinilit nitong magpakatatag. Halos mabiyak ang puso niya at muli ay hindi niya alam kung ano ang gagawin.

Mula noon ay palagi na itong lasing kung umuwi. Hindi na siya nito naaasikaso. Ni hindi siya nito pinapansin. May mga araw na gutom na gutom siya ngunit wala siyang makain dahil hindi nakapag-grocery ang kanyang ama. Maraming gabi na namamaluktot at umiiyak siya sa kanyang kama—hindi lang dahil sa gutom kundi dahil na rin sa pag-iisa. Wala siyang malapitan.

Isang umaga ay nagulantang na lang siya nang may mga taong pumunta sa bahay nila at sinabing wala na ang kanyang ama. He was driving while drunk one snowy night. Nakabanggaan nito ang isang truck. Namatay ito bago pa man ito madala sa ospital. Dahil wala siyang pamilyang naroon, nanatili siya sa child welfare ng ilang araw.

Bago pa man siya mapunta sa isang foster home, dumating sina Mommy Bianca at Daddy Hiram. Kinuha siya ng mga ito. Bago pala mamatay ang kanyang ina ay inihabilin na siya nito sa mag-asawa. Kompleto si Daddy Hiram ng mga dokumento na nilagdaan ng kanyang ina, kabilang doon ang papeles na nagsasabi na ipinapaampon siya nang legal sa mag-asawa. Hindi niya alam kung paano nalaman ng mommy niya na susunod kaagad ang kanyang ama kapag nawala ito upang maghanda ito nang ganoon. Maybe, she knew her father loved her so much.

Hindi nagdamdam si Phylbert kahit na tila hindi inisip ng kanyang ama ang kanyang kalagayan. She couldn’t blame him for loving her mother so much. Nabasa rin niya ang journal ng kanyang ina. Nakasulat doon kung gaano nito kamahal ang kanyang ama.

I will die loving only one man. Ipinangako ko sa kanya na siya lamang ang mamahalin ko habang-buhay at tinupad ko iyon. Mahal na mahal na mahal ko pa rin siya...

Iyon ang isang talata na nakalagay sa journal. It was dated a week before she died. Iniisip na lang niya ngayon na at masaya ng magkasama ang mga magulang niya.

Iniuwi siya nina Mommy Bianca at Daddy Hiram sa Pilipinas. Nakilala niya ang nag-iisang anak ng mga ito na si Joaquin. Kaagad niyang naramdaman na parte siya ng pamilya ng mga ito. Napakabuti nina Mommy Bianca at Daddy Hiram. Hindi niya nakakalimutan ang mga tunay niyang magulang ngunit hindi niya maitatanggi na masaya rin siya sa pamilya niya ngayon. May mga magulang siya at kapatid na matagal rin niyang inaasam.

Minahal siya ng mga ito na tila tunay na kapamilya. They spoiled her rotten. Nakalimutan niya ang matinding lungkot na umalipin sa kanya nang mawalan siya ng mga magulang. Hindi na uli niya naramdamang nag-iisa siya. She was sure her parents were happy to see her happy right now.

Ang tanging mahihiling na lamang niya sa ngayon, sana ay magkaroon ng katuparan ang pangarap niya—si Jace. Totoo ang sinabi niya kanina na minahal niya ito sa unang beses pa lang na nasilayan niya ito. Hindi niya gaanong maipaliwanag iyon. Basta iba ang nadama niya rito kaysa sa nadama niya kay Joaquin. He adored Joaquin. Ito ang katuparan ng pangarap niyang magkaroon ng nakatatandang kapatid na lalaki. A big brother who would protect her and bully her but would adore her at the same time.

Ipinakilala si Jace sa kanya nang bumisita si Tito Lyle kasama ito sa kanilang bahay. He was five years older than she was. Tipid na ngiti ang ibinigay nito sa kanya, hindi katulad ni Joaquin na giliw na giliw kaagad sa kanya. Hindi niya maintindihan noon kung bakit gustong-gusto niya itong makita, kung bakit gustong-gusto niya itong makasama. Hindi kompleto ang araw niya kapag hindi ito nasisilayan ng kanyang mga mata. Masaya siya na ito ang palaging kasama.

Palagi siyang nakabuntot dito. Palagi niya itong kinukulit na makipaglaro sa kanya kahit na thirteen na ito. Noong una ay pinagbibigyan siya ni Jace, pinagpapasensiyahan. Hanggang sa tila hindi na nito matiis ang kakulitan niya. Sinusungitan na siya nito at itinataboy. Hindi naman niya alintana iyon; patuloy pa rin siya sa pagbuntot at sa pangungulit dito. Hanggang sa tila nasanay na rin ito sa kanya.

She was thirteen when she knew she had a crush on him. She was fifteen when she found this old book of Mommy Bianca. Halos gutay-gutay na iyon at kailangang maging maingat upang hindi mapunit ang mga pahina. Nakasulat doon ang pagkakaiba ng love at infatuation. May ilang mga sitwasyon at tanong na kung pulos yes ang sagot ay in love daw ang nagbabasa. Pulos yes ang naging sagot niya. She was in love with Jace. Masyado lang siyang bata noon kaya hindi niya nalaman kaagad na pag-ibig na ang nararamdaman niya.

Si Jace ang huling naiisip niya bago siya matulog at ito rin ang unang naiisip niya paggising niya. Wala siyang ibang lalaking nagustuhan maliban dito. Hindi niya maipaliwanag ang kaligayahan niya tuwing nakikita niya ito. Iba ang tibok ng kanyang puso tuwing malapit siya rito. Hindi niya makita ang bukas niya na hindi ito ang kasama.

Nakatatak na sa isip niya na ito ang magiging asawa niya balang-araw. Ito ang makakatuluyan niya at wala nang iba. Ayaw niya ng ibang future, ng ibang lalaki.

May panggigigil na niyakap siya ni Daddy Hiram. Huwag munang ganyan ang isipin mo, baby. Enjoy life. Explore. Have fun.

I enjoy life. I enjoy every minute that I’m in love with Jace.

Parehong umiling-iling ang mag-asawa. They thought she was still too young. Masyadong ina-underestimate ng mga ito ang damdamin niya, ang pag-ibig sa kanyang puso. Pero hindi niya masisi kung ganoon ang reaksiyon ng mga ito. They were her foster parents.

BAKIT KA BA NAGMAMADALING umuwi? Hindi pa nga tayo nakakapagkuwentuhan, nakasimangot na sabi ni Phylbert kay Jace. Pigil na pigil niya ang sarili sa pagmamaktol nang full force.

Nasa labas sila ng bahay nila at pinipigilan niya ang pag-alis nito. Katatapos lang nilang maghapunan. Halos hindi nga siya nito kinibo habang nasa hapag sila. Ang mga magulang niya ang kinakausap nito.

Isinuklay ni Jace ang mga daliri sa buhok. Tila malapit na itong maubusan ng pasensiya at mukhang naiinis na ito sa kanya. Ngunit alam niya na hindi nito magagawang lubusang mainis sa kanya. Bakit ba ang kulit mo? anito. I have some things to do at home. May mga trabaho akong iniuwi. Dumaan lang talaga ako rito dahil sa isang business proposal para sa kuya mo.

Napalabi siya. Wala namang interes si Kuya sa business, Jace. Ang gusto lang n’on, mag-travel at kumuha ng mga larawan. Sa akin mo na lang sabihin ang business proposal mo. I’m interested. Then she smiled sweetly.

Lalong nalukot ang mukha nito. Your only interests lie in fashion and jewelry.

Nagkibit-balikat siya. I’m interested in you. You know naman I always listen to what you say kahit na ano pa `yan. Para sa akin, lahat ng lumalabas sa bibig mo ay interesting. Kahit nga hindi gumagalaw iyang bibig mo, interesting pa rin. Kissable. `Sarap halikan. Ikinawit niya ang braso sa braso nito. `Wag ka nang mainis kasi. `Lika, kuwentuhan mo ako tungkol sa business proposal na `yan.

Phylbie... angal nito.

Jace, I love you. I’m so in love with you. Kaya pagbigyan mo na ang aking pusong nangungulila. Be with me.

Natutop nitong bigla ang bibig nito. Tila nais nitong tumawa ngunit pinigilan nito ang sarili. You’re so... corny. Umalpas pa rin ang pinipigilan nitong tawa. Kahapon lang tayo nagkita sa university, nangungulila na kaagad ang puso mo. Muli itong tumawa.

Napanguso siya. Jace seldom laughed and she was always glad she was able to make him laugh. Para sa kanya ay malaking accomplishment iyon dahil hindi iyon kayang gawin ng iba. Ngunit naiinis din siya dahil tila pinagtatawanan nito ang kanyang damdamin, ang pag-ibig niya. Tila hanggang ngayon ay hindi pa rin ito naniniwala na iniibig niya ito.

I love you. Matagal mo ng alam ang bagay na iyan.

Tumango ito. You didn’t have to announce it to the world.

Kaya ba parang iniiwasan mo ako nitong mga nakaraang araw? Kaya palagi kang naiinis sa akin? Noong debut party niya ay idineklara ni Phylbert ang nararamdaman niya sa lahat ng bisitang naroon. Nais niyang malaman ng lahat ang kanyang pag-ibig kay Jace. She legally became an adult and she wanted everyone to know that she was going to marry Jace Angelo Carillo.

Bumuntong-hininga ito. Nabura ang lahat ng katuwaan sa mga mata nito. Nakakahiya. Everyone is teasing me about it. Alam mo namang malapit na magkaibigan ang mga pamilya natin. Iisa ang circle na ginagalawan natin. Pinagtatawanan tayo, Phylbie.

Bakit nila tayo pagtatawanan? Inggit lang sila dahil they don’t have a love like ours. Hindi niya naisip na nakakahiya ang ginawa niya. Marahil, nais din niyang iparating sa lahat na pag-aari na niya si Jace. Hindi na ito maaaring kunin ng iba. Kakalabanin niya ang sinumang hahadlang sa kaligayahan nilang magkasama—maliban na lang sa ina nito.

Hindi siya gaanong gusto ni Tita Rachelle. Noong una ay

Enjoying the preview?
Page 1 of 1