Discover millions of ebooks, audiobooks, and so much more with a free trial

Only $11.99/month after trial. Cancel anytime.

Beautiful Dream
Beautiful Dream
Beautiful Dream
Ebook320 pages4 hours

Beautiful Dream

Rating: 5 out of 5 stars

5/5

()

Read preview

About this ebook

Batang-bata pa si Khloe nang umibig kay Zantiago. Kumbinsido ang dalaga na si Zantiago ang lalaking para sa kanya at mahal din siya ng binata. Hindi alintana ni Khloe kahit na buo ang paniniwala ng lahat na isang "binabae" si Zantiago. Alam ng kanyang puso na isa itong tunay na lalaki. Napatunayan na niya iyon nang minsang hagkan niya si Zantiago at tumugon ang katawan nito.


Alam ni Khloe na kailangan lang ni Zantiago na magpanggap na binabae upang makasali sa isang beauty pageant na may malaking premyo. Kailangan ng pera ni Zantiago kaya sinuportahan ni Khloe sa abot ng kanyang makakaya. Minahal niya ang binata at niyakap ang buong pagkatao nito.
Pagkakuha ni Zantiago ng korona, umalis ito at iniwan si Khloe. Labis na nasaktan si Khloe ngunit wala nang nagawa kundi pakawalan ang binata kahit na nasaktan nang labis ang kanyang batang puso.


Pagkalipas ng maraming taon, nagbalik sa buhay ni Khloe si Zantiago. Madurugtungan ba nila ang kahapon sa kabila ng pagkakaroon ng magkaibang buhay? Sila pa rin ba ang dalawang batang wagas na nagmahalan noon?

LanguageFilipino
PublisherBelle Feliz
Release dateJan 9, 2023
ISBN9798215550182
Beautiful Dream
Author

Belle Feliz

Belle Feliz writes Tagalog romance.

Read more from Belle Feliz

Related to Beautiful Dream

Reviews for Beautiful Dream

Rating: 5 out of 5 stars
5/5

5 ratings0 reviews

What did you think?

Tap to rate

Review must be at least 10 words

    Book preview

    Beautiful Dream - Belle Feliz

    CHAPTER ONE

    NAPANGITI SI KHLOE pagmulat ng kanyang mga mata. Madilim pa sa labas. Kinapa niya ang phone sa ilalim ng unan upang tingnan ang oras. Alas-singko pa lang ng umaga. Bumangon na siya at nag-inat. Isinuot niya ang tsinelas habang itinatali ang mahabang buhok. Lumabas siya ng silid at tinungo ang banyo sa dulo ng pasilyo. Pagkatapos maghilamos at magsepilyo ay bumaba na siya. Hindi na siya nagulat nang makitang bukas na ang ilaw sa kusina. Napakaagang magising ng kanyang ina.

    Matutuloy ba ang paglabas mo ngayon?

    Tumango si Khloe. Kailangan niyang magtungo sa kabisera upang mag-withdraw ng pera. Wala na rin silang supplies sa bahay. May ipapabili pa po ba kayo?

    Dahil malayo ang kabisera sa bayan nila, sinisiguro niyang nabibili na ang lahat ng kailangan nilang mag-ina na doon lang nabibili, katulad ng gamot nito. Minsan sa loob ng isang linggo lang siya kung umalis ng bahay. Kapag hindi kailangan, minsan sa loob ng dalawang linggo lang.

    Iyong mga nasa listahan lang, anak. Nabili mo naman na ang lahat ng kailangan nating abono at pamatay ng mga damo. Huwag kang magmamadaling umuwi. Manood ka ng sine.

    Manonod talaga siya ng sine. Itinaon talaga niya sa araw na iyon ang paglabas. Hindi nga lang niya mapigilang ma-guilty. Sumama na lang po kayo sa `kin.

    Inilapag ng kanyang ina sa harap niya ang paborito niyang mug na may lamang umuusok na kape. Hindi na. Alam mo namang mahihiluhin ako sa biyahe kahit na ang lapit-lapit lang ng pupuntahan ko. At saka, baka manganak ang mga inahin ko.

    May piggery ang kanyang ina na nakalagay sa dulo ng bukirin nila kung saan walang gaanong nakatira. Sadyang doon iyon ipinatayo upang hindi makaperhuwisyo ang amoy sa mga kapitbahay. Medyo may-kalayuan ang piggery sa bahay nila ngunit nagba-bike ang kanyang ina araw-araw patungo sa bahaging iyon. May dalawang binatilyo itong kinuha upang alagaan ang tatlumpung baboy—lima sa mga iyon ay mga inahin, labinlima ang biik, at ang natitira ay maaari nang ibenta sa karnehan. Madaragdagan na naman yata ang mga baboy sa araw na ito.

    Pinagmasdan ni Khloe ang ina na nakangiti at maaliwalas ang mukha. Minsan, iniisip niya kung saan nito nahuhugot ang lahat ng enthusiasm at optimism na ipinapakita sa araw-araw. Tila hindi nababagot ang kanyang ina sa araw-araw na gawain. Hindi naghahangad nang sobra, kontento na sa kung ano ang mayroon at malaki ang pasasalamat sa bawat biyayang dumarating. Hindi rin marunong magalit nang matagal ang kanyang ina. Hindi marunong magtanim ng sama ng loob. Her mother was the most wonderful creature on the planet.

    Sigurado po kayo?

    Nakangiting tumango ang kanyang ina. Mag-enjoy ka. Mamili ka ng mga damit. Matagal na mula nang huling beses kang namili para sa sarili mo.

    Opo. Hindi na sinabi ni Khloe na hindi naman niya kailangang mamili ng mga bagong damit dahil wala namang paggagamitan ng mga iyon. Nasa bahay lang naman siya palagi. Hindi kailangang pumorma sa loob ng kanilang bahay.

    At mga libro. Bumili ka ng mga bagong libro. Ayokong nagbabasa sa mga gadget mo. Masakit sa mata. Gusto ko ng totoong libro.

    Napangiti si Khloe habang humihigop ng mainit na kape. Noong bata-bata pa, hindi siya mahilig magbasa. Mas gusto niyang manood ng pelikula at serye sa TV. Nang subukan niyang magbasa ng isang romantic novel, nagtuloy-tuloy na iyon. Siyempre ay hindi lang romance ang kanyang binabasa ngayon. Kahit na ano ay binabasa niya at mahilig pa rin siyang manood ng pelikula at serye sa TV. Paminsan-minsan ding nagbabasa ang kanyang ina. Ayaw kasi nitong maging makakalimutin kaya kapag may oras ay nanghihiram ng libro sa kanya.

    Opo. Bibili ako ng marami. Mas malaki ang nagagastos ni Khloe sa mga libro at DVDs kaysa sa mga damit at sapatos. Punong-puno na ang kanyang silid ng mga libro at DVDs at naiisip na ng kanyang ina na gawing library cum video room ang isa sa tatlong bakanteng silid sa bahay. Mga silid iyon ng mga nakatatanda niyang kapatid na lalaki. Tuwing may okasyon lang nagagamit ang mga silid na iyon dahil may asawa na ang dalawang nakatatandang kuya niya at may sarili nang bahay. Ang bunsong lalaki ay kasalukuyang nasa Dubai at abala sa pagiging engineer. Apat na taon na rin mula nang huli itong umuwi sa kanila.

    May hinugot ang ina ni Khloe na isang envelope sa bulsa ng daster. Huwag ka nang mag-withdraw. Hindi ko pa nagagalaw itong napagbentahan natin ng mangga. Ito na lang ang gamitin mo. Bilhin mo ang lahat ng gusto mo.

    Umiling si Khloe ngunit tinanggap pa rin ang iniabot ng ina. Ide-deposit ko po ito sa savings account natin. May pera pa naman po ako. Saka, bakit po ba ayaw n’yong galawin ito? Bakit hindi n’yo bilhin ang mga gusto n’yo?

    Ano pa ba ang bibilhin ko? Narito na ang lahat ng kailangan ko. Binibili na ninyong magkakapatid. Wala na akong maisip na puwedeng maging luho. Sige na, gastusin mo na `yan.

    Tumango na lang si Khloe dahil alam niyang hindi siya mananalo rito. Iisip na lang siya ng magandang bagay na maaaring bilhin para sa ina, isang bagay na masisiyahan ito.

    Kumain ka bago ka umalis, bilin nito. Mayroon pang binagoongan at hinog na ang mga saging. Kung gusto mo ng hinog na mangga, mayroon akong inilagay sa ref.

    Opo.

    Dahil maaga pa, nagligpit muna si Khloe sa loob ng bahay. Dahil dalawa lang naman silang mag-ina na naninirahan doon, walang gaanong kalat na kailangang iligpit. Pinakamakalat sa kanyang silid. Ibinalik niya sa bookshelf ang mga librong nakakalat sa kama. Tinipon ang mga papel, ballpen, paper clip, at notebook na nakakalat sa computer table. Pinigilan ni Khloe ang sarili na buksan ang computer. Pagpapahingahin muna niya ang aparato sa araw na iyon.

    Dinampot ni Khloe ang desk calendar sa malapit. May mga ekis na pula ang mga petsa bago ang nakabilog na numero. Napangiti siya sa kanyang isinulat sa ilalim ng petsa sa araw na iyon.

    Movie date with Ziggy!!! ☺☺☺

    Matagal nang pinananabikan ni Khloe ang araw na iyon. Gustong-gusto na niya itong makita. Nakahanda na ang almusal pagkatapos niyang magligpit. Pagkakain nila ay nagpaalam na ang kanyang ina, pupuntahan na nito ang mga baboy. Siya na ang naghugas ng mga pinagkainan.

    Palaging inaabala ng kanyang ina ang sarili. Hindi raw ito mapakali nang walang ginagawa. Hindi lang mga baboy ang pinagkakaabalahan ng ina. Mayroon silang malawak na taniman at may manggahan din. Kumikita naman sila dahil sa mga iyon. Kita na kung tutuusin ay hindi na nila kailangan.

    Kahit may sarili nang pamilya ang dalawang kuya ni Khloe, regular pa ring nagpapadala ang mga kapatid ng allowance nilang mag-ina. Pati ang kuya niyang nasa Dubai ay malaki ang ipinapadala sa kanila buwan-buwan kahit na sinasabihan ng kanilang ina na ipunin na lang ang pera. May natatanggap ding pensiyon ang kanyang ina na ginagamit nitong pambili ng maintainance na gamot sa hypertension. Ang gusto ng mga kapatid niya ay pumirmi na lang ang kanilang ina sa bahay at huwag nang magtrabaho ngunit mababaliw daw ito sa pagkabagot kaya hinahayaan na lang niya.

    Alas-siyete y medya ay handa nang umalis si Khloe. Ikinandado niya ang mga pinto kahit alam niyang walang mangangahas sa baryo nila na pagnakawan si Adorada Nana Adeng Mislang. Mahal ng lahat ng tagabaryo ang kanyang ina.

    Alas-nuwebe y medya pa lang ay nasa mall na si Khloe. Hindi pa iyon bukas kaya naghintay muna siya. Hindi siya naiilang kung mapagsabihan mang jologs sa paghihintay sa harap ng entrance sa pagbubukas niyon. Masyado siyang masaya at sabik upang makaramdam ng iba pa. She had been looking forward to this day for months.

    Hindi rin nainip sa paghihintay si Khloe. Pagbukas ng mall ay kaagad siyang dumeretso sa ticket booth. May kuwarenta minutos pa bago ang pinakamaagang showing ng pelikula kaya nag-ikot-ikot muna siya. Walang gaanong nakapukaw ng kanyang interes sa mga produktong nakikita.

    Ang sabi ng ilang kaibigan niya, ang sarap ng kanyang buhay. Mabuti pa raw siya, nasa bahay lang at pa-shopping-shopping kung kailan gustuhin. Hindi kailangang magtrabaho dahil hindi naman niya kailangan ng pera. Kusa na siyang binibigyan ng mga kapatid at ng kanyang nanay. Siguro nga ay ganoon ang kanyang buhay  pero inggrata siya dahil hindi siya gaanong masaya.

    Ipinilig ni Khloe ang ulo. Ayaw niyang pakaisipin ang mga iyon ngayong araw. She wanted to be the happiest girl on this day. Ayaw niyang isipin ang mga problema—na hindi naman talaga maituturing na problema in the first place. Mas angkop yata iyong tawaging reklamo sa buhay.

    Pagkatapos ng beinte minutos na paglilibot ay nagdesisyon si Khloe na magbalik sa sinehan. Hindi siya bumili ng popcorn at soda. Hindi siya ang tipo ng tao na mahilig kumain ng popcorn habang nanonood. Ayaw niyang mamigat ang kanyang pantog habang nasa kalagitnaan ng pelikula kaya hindi rin siya umiinom. Gusto niyang nakatutok ang buong atensiyon sa pinapanood.

    Naghanap si Khloe ng magandang puwesto. Dahil maaga pa, wala pang gaanong tao, ngunit sigurado siya na sa mga susunod na oras ay marami na ang mga manonood. It was one of the most anticipated superhero movies of the year. Kahit tahimik sa sinehan, ramdam ni Khloe ang excitement ng lahat.

    Nang magsimula ang pelikula ay tutok na tutok ang mga mata ni Khloe roon. Unang bumungad ang mukha ng kalaban. Nahigit niya ang kanyang hininga. Tumigil sandali sa pagtibok ang kanyang puso. Naikuyom niya ang mga kamay. Namasa ang mga mata. She was overwhelmed by so many emotions. Ziggy Black was heavily made up but he was still the most beautiful villain in the whole world. He was the kindest bad guy she knew.

    Alam ni Khloe na sa loob ng sinehang iyon ay hindi lang siya ang humanga nang husto sa Hollywood actor. Hindi kaila sa lahat na may dugong Pinoy si Ziggy Black. Ang totoo ay ipinanganak at lumaki ito sa Pilipinas. Kahit na tinaguriang most hated and creepiest villain in Hollywood, mahal na mahal pa rin si Ziggy ng mga Pilipino. Every Filipino was proud of him. Sa kabila ng katotohanang kahit minsan mula nang magsimulang maging artista si Ziggy sa ibang bansa ay hindi na  bumisita ang lalaki sa Pilipinas. Naiintindihan niya si Ziggy. She understood him more than anyone else did. Kahit siya ay hindi na uuwi sa bansa kung ganoon kaganda ang kanyang buhay sa Amerika. Alam din niya kung gaano kahirap ang naging buhay nito sa Pilipinas.

    Khloe could say that she was his biggest fan. Medyo gasgas na at malamang na marami ring nagsasabi niyon ngunit siya talaga ang pinakamasugid na tagahanga ni Ziggy. She had been supporting him since his first appearance on America’s hit crime series. Sinuportahan niya ang lahat ng pelikulang kinabilangan nito. Aktibo siya sa social media dahil sa paghanga niya rito. Sa loob ng maraming taon, naging maligaya siya dahil kay Ziggy.

    Hindi napigilan ni Khloe ang maluha nang matalo at mapaslang si Ziggy ng bidang superhero. Ziggy did a very wonderful job. It was the final installment of the series. Ang lalaki ang pinakamahigpit na kalaban ng bida mula sa unang pelikula. Palaging natatalo sa ending ngunit palagi ring nakakabalik. Palagi siyang natutuwa dahil doon. Ngayon, alam niyang hindi na talaga mabubuhay ang karakter ni Ziggy. Mas mahal niya ang kontrabida kaysa sa bida ng pelikula.

    Napapangiti si Khloe habang palabas ng movie house. Masaya at kontento na siya. Nakita at nakasama na niya si Ziggy. Maaaring isipin ng ibang tao na baliw siya dahil ganoon na lang ang kaligayahan niya, ngunit wala siyang pakialam. Napagtanto niya na kailangang humugot ng kaligayahan kahit sa munting bagay lang. Kailangan niyang pasalamatan kahit ang maliliit na biyayang ibinibigay sa kanya.

    Malaki na ang pasasalamat ni Khloe na nakikita at nalalaman niya ang nangyayari sa buhay ni Ziggy. Nasusubaybayan niya ang career ni Ziggy. Malaking biyaya na iyong maituturing sa kanya.

    Pumasok si Khloe sa department store upang tumingin ng maaaring maging pasalubong para sa kanyang ina. Nakakita siya ng isang set ng silverware na maganda ang disenyo. Marami nang ganoon ang kanyang ina at halos hindi nagagamit ngunit binili pa rin niya dahil alam niyang magugustuhan nito iyon. Magandang pandagdag sa mga koleksiyon ng kanyang ina.

    Tumuloy siya sa bookstore pagkatapos. Bumili siya ng mga bagong librong babasahin. Pagkagaling doon ay tumuloy siya sa bilihan ng DVD. Wala siyang nagustuhan sa mga pelikula kaya wala siyang nabili.

    Nagtanghalian si Khloe sa isang fast-food restaurant. Binilisan niya ang kain dahil naiilang siyang kumaing mag-isa sa publiko. Hindi na rin niya inilibot ang tingin sa paligid. Baka kasi malungkot lang siya kapag nakitang may kasalo sa pagkain ang mga taong nakapaligid sa kanya.

    Paglabas ng mall ay tumuloy siya sa bangko. Idineposito niya ang pera ng ina sa savings account. Ayaw ng kanyang ina na dito nakapangalan ang account, iginiit na gamitin niya ang kanyang pangalan. Ang sabi ng kanyang ina ay hindi na nito gaanong kailangan ang malaking pera.

    Khloe’s mother had always been like that. Sa isang mahirap na pamilya ipinanganak ang kanyang ina. Pumanaw ang ama ng nanay niya noong tatlong taong gulang ito. Noong limang taong gulang naman ang kanyang ina ay umalis naman ng probinsiya ang nanay nito upang magtrabaho sa Maynila. Naiwan sa lola ang kanyang ina. Hindi na nagbalik sa probinsiya ang ina ng nanay niya mula nang umalis.

    Hanggang ngayon, ikinukuwento pa rin kay Khloe ng kanyang ina kung gaano kahirap ang naging buhay nito noon. Ang hirap sa pagbayo ng palay upang may maisaing. Ang pagpunta sa kung saan-saan upang makakuha ng pagkain. Kung gaano ito kabata noong naobligang magtrabaho sa bukid upang matulungan ang matandang lola. Pati na rin ang hirap at pagod sa paglalakad nang malayo patungo sa eskuwelahan upang makapag-aral. Pumapasok daw ang nanay niya na nakabalot sa dahon ng saging ang baong kanin at daing na isda. Nangunguha raw ang kanyang ina ng sampalok o bayabas upang ipamalit ng papel sa mga kaklase.

    At labis na hinahangaan ni Khloe ang kawalan ng bitterness sa tinig at anyo sa tuwing nagkukuwento ang kanyang ina. She had a dreamy look in her eyes and she wore a bright and wide smile on her face. Masaya iyong alaala at hindi alaala ng paghihirap. Tinuruan silang magkakapatid ng kanilang ina na huwag sambahin ang pera.

    Noong bata pa si Khloe, naalala niyang palaging aligaga at nag-aalala sa pera ang pinakamatanda niyang kuya. Hindi pa ganoon kaganda ang buhay nila noon. Obsessed ang kanyang kuya sa pagkakaroon ng maraming pera. Palagi niyang naririnig na sinasabi ng kanyang ina na dapat nitong tigilan ang pag-aalala dahil kusang papasok ang biyaya. Huwag daw madaliin, huwag mainip.

    Her mother’s life was never easy. Napakarami nitong pagdurusang pinagdaanan sa buhay. Palaging naiiwan. Palagi napagsasamantalahan ang kabutihan ng kalooban. Ngunit hindi kailanman nagtanim ng sama ng loob ang kanyang ina. Hindi sinasabi ni Khloe na hindi ito marunong magalit o hindi nakakaramdam ng hinanakit. Nagagalit din ang nanay niya, nagtatampo, at nasasaktan. Tao lang naman ang kanyang ina. Ngunit hindi nito hinahayaang manatili sa sistema ang galit, hinampo, at sakit. Palaging nagpapatawad. Palaging inilalabas ang lahat ng negatibong pakiramdam sa puso. Hindi alam ni Khloe kung paano iyon nagagawa ng kanyang ina. Minsan ay hindi niya napigilang tanungin ang ina.

    Mahirap minsan pakawalan ang hinanakit at galit, anak. Mas mahirap pakawalan ang poot. May comfort ka kasing nararamdaman minsan sa mga pangit na pakiramdam na iyon. Para iyong gasolina na magpapatakbo sa `yo. May dahilan kang gumising at tumayo sa umaga. Pero darating ang sandaling mararamdaman mo na lang ang bigat niyon. Mapapansin mo na binabago ka na ng mga pakiramdam na iyon. Hindi mo na makita ang mga katangiang minahal mo sa sarili. Nagiging ibang tao ka na at nakikita mo ang epekto niyon sa mga mata ng mahal mo sa buhay. Mahirap pero hindi imposibleng ipagpasa-Diyos ang lahat. Hindi imposible ang pagpapatawad at pagle-let go kung pipilitin mo. At kung tama ang pagpiling gagawin mo. Siguro, nagagawa ko iyon dahil sa inyo ng mga kuya mo. Palagi kong isinasaisip na napakalaking biyaya ang ibinigay sa `kin ng Panginoon. Napakaraming bagay ang dapat kong pasalamatan. Bakit ko aaksayahin ang panahon ko na magalit sa mga taong nakagawa ng hindi maganda sa `kin? Mas makabubuti kung magiging kontento at masaya ka sa buhay na ipinagkaloob sa `yo.

    Napabuntong-hininga si Khloe paglabas ng bangko. Hindi pa rin niya iyon ganap na maintindihan hanggang sa ngayon. Letting go was the hardest thing to do. At hindi lang iyon ang mahirap gawin. Nahihiya siyang aminin kahit sa sarili lamang na hindi siya ganap na makontento sa buhay. Mahirap maging lubos na masaya. Maraming pagkakataon pa rin na nalulungkot siya.

    Humugot si Khloe ng malalim na hininga. Inisip niya si Ziggy. His movie was going to be a huge success. Masaya ito saan man naroon. He had the life he deserved. Pinilit niya ang sarili na maging masaya dahil alam niyang masaya si Ziggy sa buhay.

    Pinilit ni Khloe ang sarili na ngumiti. Kahit hindi sila magkasama, maginhawa at masaya si Ziggy. Makokontento na lang siya roon kahit tila iba ang ibinubulong ng munting bahagi ng kanyang puso.

    CHAPTER TWO

    ZIGGY WAS FAR FROM being happy and content. Kahit masaya niyang sinasagot ang mga katanungan ng isang reporter sa kasalukuyan, taliwas ang kanyang nararamdaman. Kung wala siyang pelikula na kasalukuyang ipino-promote, malamang na nagtuloy-tuloy na siya sa sasakyan paglabas ng restaurant. Ayaw na nga sana niyang lumabas ng bahay ngunit iginiit ni Georgie na pagbigyan ang hiling ng kanyang nobyang si Ginni na lumabas sila. Dahil pareho silang kilala, hindi na nakapagtatakang sundan ng paparazzi ang bawat galaw nilang magkasintahan.

    Mula sa simula, lantad na sa publiko ang relasyon nila ni Ginni. Sinusundan ang bawat galaw. Wala siyang maalalang pagkakataon na namasyal sila o kumain sa labas na walang nakasunod at nakatanghod na paparazzi. Pati ang kinakain sa date ay naibalita na sa Internet bago pa man nila iyon maubos. Kahit na ang mga bakasyon ay alam ng lahat. Bawat galaw nila ay nakukunan ng larawan. Bawat halik at yakap na dapat ay pribado ay naisasapubliko.

    It’s a tiny price we have to pay, dearie, nakangiting sabi ni Ginni nang magreklamo si Ziggy tungkol doon.It comes with stardom.

    Pareho na silang sikat na artista nang magkakilala ni Ginni. She used to be a Victoria’s Secret model. Dahil napakahusay ring umarte, naging madali para kay Ginni ang magkaroon ng career sa Hollywood. Kilala ang babae sa pagiging leading lady sa mga action movie. She was going to star in one of the most anticipated erotic movies ever. Dalawang taon na silang magkarelasyon.

    When are you two going to tie the knot?

    Nginitian ni Ziggy ang paparazzi na nagtanong. Hindi niya alam kung makailang ulit na iyong itinanong sa kanila. The people loved them as a couple. Buo sa isipan ng mga tao na perpekto sila. They looked so good together. Everyone said they belonged together. Hindi pa sila nasasangkot sa eskandalo. Hindi niya sigurado kung may kinalaman ang kanyang pagiging Pinoy, ngunit ang tingin ng lahat ay tapat siya at mapagmahal na nobyo. Kilala rin siya sa pagiging maginoo sa mga babaeng nakakasama sa trabaho—sa likod nga lang ng camera.

    Madalas na kontrabida ang role ni Ziggy kaya maraming beses na siyang nakapanakit ng babae sa mga pelikula. He even had to act like he raped some of them. Hindi sila nali-link ni Ginni sa iba kahit aminadong maraming beses siyang kamuntikan nang bumigay sa tukso. Everyone expected them to get married one day.

    Hindi alam ng marami ang totoong nangyayari sa kanila ni Ginni. Nais ngang matawa ni Ziggy minsan. Everyone had been praising them for being brilliant in their films and TV series. The critics loved him. Alam ng lahat ng tao kung gaano siya kahusay. Patunay roon ang ilang major awards na natanggap niya sa loob ng walong taon. No one probably thought they were just acting most of the time. He could not really understand why he was bothered by that—and keep on being bothered by that.

    Siguro ay dahil minahal naman talaga ni Ziggy si Ginni at naramdaman din niyang minsan ay minahal din siya ng babae. He liked that she was not just a beautiful woman with a knockout body, she was also strong and independent. She was not vain. She was just obsessed with what people thought and said about them. She was obsessed with stardom. Ayaw nitong maging pribado ang lahat sa pagitan nila. Mula nang una siyang magpakita ng interes kay Ginni, alam ng publiko dahil sa tweets nito.

    Unti-unti, naparam ang pag-ibig sa pagitan nila. O baka hindi lamang iyon nag-alab.

    If and when I buy a ring to propose to her, you guys will be the last to know, pabirong sabi ni Ziggy. Kahit hindi pa niya nakikita ang mga larawang kinukunan ng mga paparazzi, alam niyang may kinang ang kanyang mga mata. No one would know he would never buy her a ring. Alam niya sa sarili na hindi si Ginni ang nais niyang makasama habang-buhay.

    Sa palagay ni Ziggy ay alam rin iyon ng dalaga.

    Sa sandaling ianunsiyo nila sa publiko ang kanilang paghihiwalay, labis na ikabibigla iyon ng lahat. The breakup was inevitable. They both knew it was coming. He could feel it.

    Inakbayan ni Ziggy si Ginni at hinagkan ang sentido. Come on, guys. You’ve had your fill. We’d like to go now. Please? Nanatili pa rin ang ngiti sa kanyang mga labi. Kahit madalas na sumusobra na

    Enjoying the preview?
    Page 1 of 1