Discover millions of ebooks, audiobooks, and so much more with a free trial

Only $11.99/month after trial. Cancel anytime.

Us and Them: Evie
Us and Them: Evie
Us and Them: Evie
Ebook417 pages5 hours

Us and Them: Evie

Rating: 5 out of 5 stars

5/5

()

Read preview

About this ebook

Parang perpekto ang buhay na mayroon ako. Ipinanganak ako na may komportableng buhay. I was a chemist and I had my own department in my father's company. Mahusay ako sa ginagawa. A lot of people adored me. Maituturing na hindi ako nahirapan sa buhay.

Maliban na lang siguro sa larangan ng pag-ibig. I had been in love with my best friend Odin for a very long time but the feeling wasn't mutual.

May mapanganib na kaaway si Odin. Plano ng kaaway na iyon na paghigantihan ang matalik na kaibigan at saktan nang husto. Dinampot ako at ikinulong sa isang abandonadong gusali. May nangyaring pagsabog na akoe mismo ang may gawa. Kung mamamatay ako, isasama ko ang taong gustong manakit kay Odin.

Pero hindi ako namatay. Nagising ako at kaagad kong nabatid na nasa ibang mundo ako, nasa ibang realidad. Sa realidad na iyon, maunlad ang Pilipinas. Walang traffic sa EDSA. 

Sa reality na iyon, ako si Eve. Ulila at isang pulis. 

Sa reality na iyon, in love sa akin si Odin.

 

LanguageFilipino
PublisherBelle Feliz
Release dateDec 26, 2022
ISBN9798215938294
Us and Them: Evie
Author

Belle Feliz

Belle Feliz writes Tagalog romance.

Read more from Belle Feliz

Related to Us and Them

Reviews for Us and Them

Rating: 5 out of 5 stars
5/5

3 ratings0 reviews

What did you think?

Tap to rate

Review must be at least 10 words

    Book preview

    Us and Them - Belle Feliz

    Prologue

    NAGMULAT AKO NG MGA mata. Nanlalabo ang paningin ko. Kailangan kong ikurap-kurap ang mga mata ko para luminaw kahit na paano ang paningin ko. It was a struggle. Parang ang bigat ng talukap ng mga mata ko. Pero pinagsumikapan ko pa rin. Unti-unti na nagkaroon ng puwersa ang mga talukap at unti-unti ring luminaw ang paningin ko sa bawat pagkurap. Habang tumatagal ay mas napakikiramdaman ko ang sarili ko.

    Nauuhaw ako.

    Hindi agad-agad rumehistro pero paglaon ay nabatid kong nakahiga ako sa kama. I was waking up. Bahagyang nagsalubong ang mga kilay ko nang mabatid na wala ako sa sarili kong silid. Hindi ganoon kaputi ang kisame ko. Nagsimulang gumalaw ang kamay ko. Noong una ay parang ayaw niyong sumunod sa utos ng aking isipan. Pero paglaon ay nagkaroon na iyon ng pakiramdam. These were not my sheets. May mas mababang thread count ang sheets na kasalukuyan kong hinihigaan. Why was I not in my bed?

    Noong una ay nababalot ako ng katahimikan. Wala talagang kahit na anong tunog akong naririnig. Parang gusto kong mag-alala dahil doon. Pero unti-unti ay gumana ang pandinig ko. Unti-unti na nanuot sa kamalayan ko ang tinig ng isang lalaki. Tinatawag niya ang pangalan ko.

    Eve? Eve? Eve?

    Eve? Kailan pa ako naging Eve? Evelyn ang buo kong pangalan pero hindi ko maalala kung naging Eve ako sa buong buhay ko. Nakasanayan ko na ang palayaw na Evie. I had always been Evie for as long as I remembered. Iyon ang pangalan na ginagamit ko sa tuwing ipinakikilala ko ang sarili ko sa ibang tao. Madalang kong nagagamit ang buong pangalan ko.

    Lumitaw sa line of sight ko ang isang mukha. Ikinurap-kurap kong muli ang mga mata ko para ganap na luminaw ang mukha na iyon. Isang lalaki. Good looking. A little scruffy but undeniably good looking. Nagsalubong ang mga kilay ko. Alam ko na hindi pa ganap na functional ang utak ko at wala akong ideya kung bakit ako nasa ganoong estado, pero sigurado ako na estranghero ang lalaking kasalukuyan kong nakikita.

    Sinubukan kong magsalita. Hindi ko uli kaagad napagtagumpayan ang plano. Parang nahihirapan akong ibuka ang bibig ko. Nang magawa kong igalaw-galaw ang mga labi ko ay parang walang tinig na lumalabas. Pero sa pagsusumikap at hindi pagsuko ay napagtagumpayan kong magsalita.

    W-who a-are y-you? sabi ko. Sa pandinig ko ay parang kakaiba ang tinig ko. Halos parang hindi akin. May garalgal. Parang matagal-tagal na hindi nagamit. Medyo tuyo at nananakit din ang lalamunan ko. Muli kong naalala na nauuhaw ako.

    T-tubig. Marami akong gustong itanong pero naisip ko na mas kailangan kong maipabatid ang pangangailangan para masabi ko nang tama ang mga tanong na tumatakbo sa isipan ko. Mga tanong na habang lumilipas ang mga sandali ay nadaragdagan.

    Nasaan ako? Bakit hindi ko maalala kung nasaan ako at kung paano ako napunta roon? Bakit parang nahihirapan akong igalaw ang katawan ko? Bakit hindi ko gaanong maramdaman ang sariling katawan? Ano ang nangyayari? Bakit napakarami kong hindi maalala?

    Nalukot ang mukha ng lalaki sa harapan ko. Diyos ko, naibulalas niya. Eve? Eve? May iba pang sinasabi ang lalaki pero ang pag-usal lang niya ng parte ng buong pangalan ko ang naintindihan ko.

    Bahagya akong nasilaw sa ilaw na dumaan-daan sa aking paningin. Isang bagong tinig ang narinig ko. Nang makapag-focus uli ang mga mata ko ay isa na namang estranghero ang nasa line of sight ko. Pinagsumikapan kong pakinggan at intindihin nang husto ang mga sinasabi niya sa akin.

    Kumusta, Evelyn. Maligayang pagbabalik. Ako si Doctor Cornelio Balagtas. Nasa isang ospital ka. Naririnig at naiintindihan mo ba ako?

    Marahan akong tumango. Labis kong ipinagtataka kung bakit nasa ospital ako. Bakit hindi ko maalala ang dahilan ng pagparoon ko? Hindi ako madalas na nao-ospital. Hindi ako madalas nagkakasakit. Sa katunayan, may anxiety akong nadarama sa tuwing nakakapasok ako sa ospital. Ang sabi ni Mom, dahil yata iyon sa ginugol ko ang mahaba-habang panahon sa ospital noong sumabog ang lab na pinagtatrabahuhan ni Dad. It was the most stressful time in my and Mom’s life. Sa loob ng halos dalawang linggo, hindi kami sigurado kung mabubuhay si Dad.

    Dahil sa memory ng nangyari kay Dad, bigla na lang nagbalik sa akin ang lahat. Pagsabog. May nangyaring pagsabog. Ako ang lumikha ng pagsabog na iyon. Bigla ang buhos ng alaala sa isipan ko. Hindi ko napigilan.

    Nanumbalik sa isipan ko ang mga pinagdaanan ko sa abandonadong gusali na iyon.

    May mga naririnig akong tunog. Frantic beeping sounds. Naramdaman ko rin ang pagkakagulo sa paligid ko. May mga humahawak sa akin. May sinasabi sila na medyo pamilyar pero hindi ko ganap na maunawaan, hindi talaga maiproseso ng utak ko.

    Hindi ko naman talaga mapaglaanan ng atensyon ang nangyayari sa paligid dahil ang isipan ko ay abala sa pag-alala ng tungkol sa nangyari. I had never been terrified and livid. I had given my all. Itinaya ko maging ang buhay ko. I was in a hospital and I was alive. Anger and hate had kept me alive. I made it.

    Gusto kong malaman kung napagtagumpayan ko ang plano kong gawin. Did I manage to kill her? Did I win? I wanted her dead. She had to be dead.

    Ibinuka ko ang bibig ko para magtanong pero nagdilim ang lahat. Sinubukan kong kumapit nang husto sa kamalayan pero wala akong laban sa kadiliman. I didn’t want to be in the dark.

    NANG MULI AKONG MAGMULAT ng mga mata ay mas mabilis na ang pagbalik ng reflexes ko. Pinakiramdaman ko ang sarili ko. Mas gumagana na ang aking senses. Muli kong nakita ang estranghero. He looked scruffier than the last time I remembered. His eyes were red and puffy.

    Napangiti ang lalaki nang makita na nakamulat ang mga mata ko. Hello, bati niya sa banayad na tinig. Salamat naman at nagising ka na uli. Pinag-alala mo `ko. Huwag mo na itong uulitin.

    Nagsalubong ang mga kilay ko sa labis na pagtataka. Hindi ko kilala ang lalaking ito pero kinakausap niya ako na para bang kilala niya ako. He was talking to me not just as though he knew me, but as though he cared so much for me. Sa kabila ng mga nangyari sa akin, alam ko–siguradong-sigurado ako na hindi ko kilala ang lalaking ito. Sigurado ako na ngayon ko lang siya nakita.

    Ibinuka ko ang bibig ko at sinubukn kong magsalita. S-si... T-tubig... Ipinagpaliban ko ang tanong dahil naramdaman ko ang panunuyo ng lalamunan ko.

    Naging mabilis naman ang lalaki. Inilapit niya sa akin ang isang cup na may straw. Siya mismo ang naglagay ng straw sa bibig ko.

    Dahan-dahan. Huwag mong agarin, bilin ng lalaking hindi ko talaga kilala.

    Tumalima ako kahit na uhaw na uhaw talaga ako. Marahan akong sumipsip. Halos mapaungol ako nang maginhawaan ang lalamunan ko. Gusto ko pa sana pero nagpasya akong huwag biglain ang sarili ko.

    T-thanks, sabi ko pagkatapos pakawalan ang straw.

    Tatawag lang ako ng nurse, anang lalaki habang inilalapag ang cup.

    Y-you’re not?

    Nagsalubong ang mga kilay niya sa pagtataka. Ha?

    You’re not a nurse? Noon ko napansin na hindi siya nakasuot ng uniform ng isang nurse. He was wearing a navy V-neck shirt and faded jeans.

    Eve–

    Who are you and what are you doing here? Where are my parents? Kung nasa ospital ako, nasisiguro ko na hindi ako hahayaang mag-isa ng Mom at Dad. Didikitan nila ako nang husto. Ano ang nangyari? Can you get my mom and dad? Kung may makakapagbigay-linaw ng lahat, ang mga magulang ko iyon. Hindi nila ako pababayaan. Hindi nila ako basta-basta na lang ipagkakatiwala sa isang estranghero. They had to be near.

    Mas nagsalubong ang mga kilay ng lalaki. Hindi na lang siya confused, mukhang labis nang nag-aalala para sa akin.

    Ano ang sinasabi mo? Mom and Dad?

    Yes! Can you get them, please? Gusto kong makita ang mga magulang ko at siguruhin na maayos sila. Bigla kong naisip na baka naman idinamay sila ng walanghiyang babaeng iyon. Labis akong nag-aalala at natatakot.

    Eve, patay na ang mga magulang mo.

    Nanlaki ang mga mata ko. Natigil ako sa paghinga. Pagkatapos ay ang lakas ng kabog ng aking dibdib. Muli kong naririnig ang ilang frantic beeping sounds. Noon ko talaga naiproseso na galing ang mga tunog na iyon sa mga machine sa bedside, mga machine na nakakabit sa akin.

    She killed my parents!

    Nagsisinungaling ka! sabi ko sa marahas na tinig. Hindi ko gustong tanggapin ang sinasabi niya. Walang saysay ang buhay ko, ang pagkaligtas ko sa sarili ko kung wala na sa mundo ang mga magulang ko.

    Eve–

    Bumukas ang pinto at napatingin ako roon. Kaagad kong nakilala ang bagong dating. Odin! Odin was here. Nagsimula akong gumalaw. Nagpasalamat ako na sumunod ang katawan ko sa pagkakataon na iyon. Pero bago pa man ako ganap na makabangon ay napigilan na ako ng estranghero.

    Hindi ka pa dapat nagkikikilos, sabi niya.

    Sinubukan kong magpumiglas pero wala pa ring gaanong puwersa ang katawan ko. Tumingin na lang ako kay Odin na ganap nang nakalapit sa amin. Nasa buong mukha niya ang pag-aalala. Tinulungan niya ang estranghero na pigilan ako sa pagbangon. Itinuon ko na lang ang pansin kay Odin.

    This guy is telling me my parents are dead. Tell me that’s not true. Please. Tell me that is not true!

    Nangingibabaw pa rin ang pag-aalala sa mukha ni Odin pero nabahiran iyon ng kalituhan. Eve, kumalma ka, sabi niya sa malumanay na tinig.

    Halos hindi ko namalayan ang pag-alpas ng mga luha. No! I cried. It’s not true, Odin. Umiling-iling ako. Paano mo iyon hinayaan? Paano mo hinayaang patayin ni Jenny ang mga magulang ko?

    Hindi na lang bahid ng kalituhan ang nasa mukha ni Odin. He looked completely and utterly confused now. Sandali siyang tumingin sa estranghero.

    Tatawag ako ng doktor, sabi ng estranghero. Mababakas sa buong pagkatao niya ang pag-aalala.

    Sinalubong ni Odin ang mga mata ko kapagkuwan. Nasa mga mata niya ang labis na kalituhan at pag-aalala. Eve, matagal nang patay ang mga magulang mo, malumanay niyang sabi. Hinawakan niya nang mahigpit ang mga kamay ko para mapigilan ang biglaang paggalaw. Namatay ang tatay mo sa pagsabog sa HP. Hindi nagtagal ay sumunod ang nanay mo. Halos dalawang dekada na ang nakalipas. Sino si Jenny?

    Ilang sandali ang kinailangan ko para iproseso ang mga narinig ko. Kinailangan kong siguruhin na tama ang dinig at pagkakaintindi ko. Kapagkuwan ay napailing-iling ako. That couldn’t be. That just simply couldn’t be.

    Ano ang sinasabi mo? Alam mo na hindi ganoon ang nangyari. Hindi namatay ang dad sa pagsabog sa HP. Nakaligtas sila ng dad mo. Kamuntikan na pero nakaligtas sila. They had recovered from their injuries.

    Mas nagsalubong ang mga kilay ni Odin. Hindi sila nakaligtas. Ang tatay mo at tatay ko. Hindi sila pinalad. Alam mo na namatay ang tatay ko sa pagsabog na iyon. Alam mo. Eve, ano ang mga pinagsasabi mo?

    Ikaw ang ano ang pinagsasabi mo?! Paano mo nasasabing namatay ang mga tatay natin sa pagsabog na iyon?

    Dahil namatay sila sa pagsabog na iyon. Inatake sa puso ang nanay mo pagkatapos. Si Adam lang ang talagang itinuturing mong pamilya.

    A-Adam?

    Ang partner at matalik mong kaibigan. Ang prantikong naghahanap ng doktor sa kasalukuyan. Hindi mo siya maalala? Ano ang nangyayari, Eve?

    Ibinuka ko ang bibig ko pero walang anumang salita ang namutawi. My mind was all over the place. Hindi ako sigurado kung saang parte unang itutuon ang aking atensyon. Parang sasabog din ang utak ko. Pinagmasdan ko si Odin. Sa loob ng ilang sandali ay ipinagpasalamat ko na nasa maayos siyang kalagayan. Pero habang tumatagal ang pagmamasid ko ay may napansin ako.

    Odin looked different. He had the same physique and face but he felt a little off. Wala ang warmth at fondness na madalas kong nakikita sa mga mata niya. He seemed a little bigger. He looked a little...rougher. Medyo hindi nagme-make sense pero iba talaga ang pakiramdam ko. Mula pagkabata ay magkasama na kami ni Odin kaya naman kabisado ko na siya. Bakit parang hindi si Odin ang kaharap ko?

    Hindi ang Odin ko.

    The thought was just so absurd. Siguro ay nasa isang panaginip lang ako. Siguro ay hindi pa ako ganap na nagigising.

    Pumasok sa loob ang isang doktora. Ipinakilala niya ang sarili at sinabi ang ospital na kinaroroonan namin. Hindi ko mapaniwalaan na dinala ako sa isang public hospital. I checked the doctor out. She asked me questions that I thought were simple neuro tests.  Kailangan ko daw maghinay-hinay sa pagkilos. Maayos ang paghilom ng gunshot wound ko, pero hindi naging maganda ang pagkahulog ko sa halos dalawang palapag.

    Napatingin ako sa aking dibdib. Nang banggitin ng doktora ang gunshot wound, parang naramdaman ko ang biglang pagkirot ng bahaging iyon. Sandali ko iyong sinilip at nakita ko na nakabandage ang kalahating bahagi ng aking dibdib.

    I was shot. Sa pagkakaalala ko ay hindi ako natamaan. Ang naaalala ko lang ay ang pagkahulog. Sa simula ay parang walang katapusan, parang hindi ko kaagad narating ang dulo. Iyon ang huling alaala na mayroon ako bago nagdilim ang lahat.

    You are doing well, Inspector Maharlika. Rest for now. Sasailalim ka sa ilang diagnostic test. Mauuna ang mga head scans para siguruhin na walang permanenteng damage sa iyong utak. Hindi naging maganda ang bagsak mo. Alam ko na may mga bagay na nakakalito at mahirap intindihin. Gusto ko sana na payapain mo kahit na paano ang iyong isipan, ang iyong sarili. May mga ibang doktor na titingin at makokonsulta para sa diagnosis at treatment mo. Mahusay silang lahat, hindi mo kailangang mag-alala.

    Inspector Maharlika? Was she referring to me?

    Hindi ko magawang magsalita. Nakatingin lang ako sa doktora na napakabait ng mga mata. She looked confident and competent enough. She might be thinking that I was suffering from a major head injury. Pero malinaw ang aking isipan. I was of sound mind. I could remember everything from my past. Hindi ko alam kung bakit sinasabi ng mga tao sa harapan ko na iba ang buhay ko. Alam ko kung sino ako. Sigurado ako. Malinaw na malinaw para sa akin.

    Pakiramdam ko ay nasa ibang mundo ako. At siguro nga ay nasa ibang mundo ako.

    Pero alam ko kung sino ako.

    Evie. I was Evie.

    I was a chemist and my parents were very much alive.

    Part I

    Chapter One

    SA PALAGAY MO AY POSIBLENG totoo iyan? kaswal na tanong ko kay Odin na katabi ko sa sofa. Nasa harapan kami ng malaking flat screen TV at tuon ang mga mata ko sa pinapanood. Isa iyong TV series tungkol sa alternate universe. I had been into that show since the first time I saw the first episode on the Internet.

    Napanood  ko na ang lahat ng limang season. I loved every episode. Kaya naman hindi lang limang beses kong naulit panoorin ang palabas. Sa bawat panonood ay hindi ko maiwasan ang mapaisip tungkol sa alternate realities. Alam kong palabas lamang iyon na may napakagandang konsepto, pero may mga pagkakataon talaga na gusto kong maniwala na may ibang universe. On it was a different version of myself. Someone who made different choices in life. Someone who had everything she hoped she had in this life.

    It’s a good idea for a show. Thought provoking, tugon ni Odin. Maganda ang mga kuwento. Nakakaaliw ang mga character.

    Lumaki kaming magkasama si Odin. Kilalang-kilala na namin ang isa’t isa. Alam ko na hindi pa niya sinasabi sa akin ang lahat ng tumatakbo sa isipan niya. But...? I urged.

    But it’s just a show. It’s a concept. Hindi natin malalaman kung totoo ang alternate universe, or how to even get there. Personally, hindi ko gustong isipin kung ano ang another version of me sa ibang universe. I just want to live my life in this universe, or in this dimension. I have made my choices and I have to live with them. Walang saysay kung pagsisisihan ko ang mga naging desisyon ko, o choices. They were made and I have to live with the consequences of it. Those choices shaped me, the person that I am now.

    You have a point, tugon ko. Majorly, wala naman akong pinagsisisihan sa buhay ko, sa mga naging desisyon ko. I love my life the way it is. I know I have been luckier than most people. I know I have it good. Aware ako na mula pagkabata ay maganda ang naging buhay ko. Nabuhay akong walang gaanong alalahanin. My parents provided for everything. I didn’t have to work really hard for the few things that I want in life. Siguro, I just find it fascinating. I just like to wonder.

    Tumango-tango si Odin habang nakangiti. Kilalang-kilala na rin niya ako  at alam kong alam na niya ang fascination ko sa parallel universe.

    I wonder, you know. Sabi nga sa palabas, life shouldn’t be linear the way we see and perceive it. Life branches out. Depende na lang sa mga choices na binubuo natin sa araw-araw. Life presented those choices every day.

    You always wonder about the road you didn’t take, about the choices you didn’t make, pagtatapos ni Odin.

    Tumango ako. But you’re also right. I have to live with the choices I made. I can’t know what’ll happen kung itong choice na ito ang pinili ko. I can’t have it all. I just wonder sometimes.

    Pinisil ni Odin ang ilong ko na mas nagpabilis ng tibok ng puso ko. Pinigilan ko ang pagkawala ng buntong-hininga. Pinigilan ko  din ang puso at sarili ko sa pagbibigay ng ibang kulay at kahulugan sa munting gesture na iyon. Odin was just being friendly. It had been a habit.

    We were just friends. Best of friends.

    At least para kay Odin ay magkaibigan lang kaming dalawa. May espesyal na damdamin ako sa matalik kong kaibigan. Hindi ko na  maalala kung kailan iyon unang umusbong. Ang alam ko lamang  ay lumalago ang espesyal na damdamin na iyon sa paglipas ng mga panahon.

    I had been waiting for him to feel something special for me, too. Something romantic. In fact, I had been waiting for a long time. Ayaw tumigil ng puso ko sa pag-asam. Madalas sabihin ng utak ko na hanggang pagkakaibigan lang ang kayang ibigay sa akin ni Odin pero ayaw makinig ng puso ko.

    Sa palagay ko ay alam ng lahat ng taong nakapaligid sa amin ang aking nadarama, maliban na lang kay Odin. Alam ng lahat na umaasa ako at naghihintay, maliban na lang kay Odin.

    Dinner is ready, kids!

    Isang malawak at nasisiyahan na ngiti ang gumuhit sa mga labi ni Odin. Okay! Kanina pa ako gutom. Tumayo siya mula sa pagkakaupo sa sofa at tinungo ang dining room area.

    Hindi ako sumunod pero nilingon ko ang gawi na pinuntahan ni Odin. Nakaakbay na ang best friend ko kay Mom na may inilalapag na ulam sa malaking dining table. Nakita ko na nag-uusap ang aming mga ama.

    Our families were close. Kaya matalik kaming magkaibigan ni Odin. We had practically grown up together. My father and his father used to work in the same big laboratory as chemists.

    Nagkaroon ng pagsabog sa isang palapag ng gusali, ang palapag kung saan naroon ang work space ni Edward, my dad at ni Ollie, Odin’s dad. Hindi malinaw kung ano ang naging sanhi ng pagsabog. Walong taon lamang ako nang mangyari iyon pero malinaw kong naaalala ang labis na takot at pag-aalala na naranasan naming mag-ina.

    Luckily, Odin’s dad and my dad were on another floor when the explosion happened. Kung mas malapit sila sa pagsabog ay hindi na  sila nabuhay. For almost two weeks, we weren’t even sure if Dad would survive. It had been bad. He was in a coma. Kahit na ang mga doktor ay hindi gaanong optimistic.

    But my father pulled through. A little medical miracle, the doctors even said.

    Ngayong gabi ang anibersaryo ng pagsabog na iyon. Taon-taon, nagsasama-sama kami sa tuwing dumarating ang araw na iyon. Today was extra special because it had been twenty years since that happened. Sa dalawang dekada, nagpapasalamat pa rin kami sa milagro. Hindi nawala sa amin ang dad. Ipinagpapasalamat pa rin namin na magkakasama kami at buo ang aming pamilya. Ganoon din ang pamilya ni Odin.

    Tumayo na ako at nilapitan ang pamilya ko. Ibuka ni Dad ang mga braso at kaagad kong ipinaloob ang sarili ko roon. I had always been a daddy’s girl. I would forever be a daddy’s girl.

    Totoo ang sinabi ko kay Odin na alam ko kung gaano ako kasuwerte sa buhay. Maituturing na masagana ang aming buhay. Hindi na naging operational uli ang lab pagkatapos ng pagsabog. Nang ganap na maka-recover si Dad, isinugal niya ang nakuhang pera mula sa kompanya at nagtatag ng sarili niyang laboratory. Odin’s father also invested in that lab. They gave birth to E&O Laboratories. Pinagsumikapan ng dalawa na palaguin ang laboratoryo na iyon hanggang sa maging ganap na kompanya.

    Makeups and fragrances. Mga formulation ng make-ups at pabango ang ikinabuhay ng dalawang pamilya pagkatapos ng pagsabog. Noong una ay puro commissioned work lang ang tinatanggap nila. Maliit lang ang lab at naging kontento muna ang mga dad sa ganoon. Pero hindi naglaon ay naging mas competitive na sila. Nakita nila na may market. They had decided to build their own makeup line. Their prices were so much cheaper than the leading products in the market, pero hindi nagsa-suffer sa quality.

    Sa ngayon ay nagtatrabaho na rin ako sa E&O. I had been working there since high school. Part-time muna, pagkatapos ay naging intern hanggang sa maging full-time employee ako pagkatapos na pagkatapos ko ng kolehiyo. I was one of the chemists. Nasa fragrance department ako. Ako na ang head ng fragrance department. May mga tao na iniisip na ibinigay ng dad ko ang posisyon pero mas gusto kong paniwalaan na pinagtrabahuhan ko nang husto ang posisyon iyon. I deserved to be in that position. Not because I was the daughter of one of the founders but because I was good.

    I had a good nose, my father had said. I had been playing with scents since I was a kid. Hindi ako ang tipo ng babae na may signature scent. Iyong tipo na iisa lang ang ginagamit na pabango. Hindi ko gustong isipin na ganoon ako ka-boring. Hindi ko naman  sinasabi na boring ang lahat ng taong may iisang scent. That worked for some people. Finding the one perfect scent. Depende lang talaga sa mood at panahon ang gamit kong pabango. One day, I wanted to smell flowery. Sometimes, I wanted a little musk. Minsan, clean and fresh.

    Naisip ko na para saan pa at naging anak ako ng tatay ko kung hindi ko hahayaan ang sarili na magpaiba-iba ng scent?

    I was happy and content with my life. May mabubuti at mapagmahal akong pamilya at mga kaibigan. May maganda akong trabaho. Kalabisan na siguro ang maghangad pa habang nalalaman ko na maraming tao ang nagdurusa sa mundo at walang resources kagaya ng kung anong mayroon ako, pero parang may kung anong maliit na void sa aking pagkatao. Parang palaging may kulang.

    Napatingin ako kay Odin na nakaupo na sa puwesto niya. Nakatuon ang mga mata ng kaibigan ko sa mga pagkain sa hapag.

    Nagsiupo na rin kaming lahat sa harap ng hapag. Ynes, my mom, said the prayer of thanks. Then Odin started digging in.

    Kumusta ang trabaho, Odin? kaswal na tanong ni Dad. May banayad na ngiti sa mga labi niya habang nakatingin sa binata.

    Gumanti ng ngiti si Odin. Nilunok muna niya ang kinakain bago tumugon. Okay naman po, Tito Ed.

    You’re not doing anything dangerous, are you? tanong ni Mom.

    Banayad na natawa na lang si Odin at pinuno ang bibig ng pagkain. Ang suspetsa ko ay para hindi na niya kailangan pang sagutin ang tanong na iyon.

    Napatingin ako sa mga magulang ni Odin. Nakita ko na sinubukan nilang itago pero nakita ko pa rin  ang sandaling pagngiwi sa mga mukha nila. Hindi sikreto na hindi nila gusto ang trabaho ng nag-iisang anak pero dahil mahal nila si Odin at walang ibang gustong gawin si Odin, pinagsusumikapan na lang nila na maging supportive. We all knew it had been hard.

    Hindi lang minsan sinabi ng mga magulang ni Odin na sana ay gayahin ako ng matalik na kaibigan at magtrabaho na lang sa lab. Odin couldn’t stay cooped up inside a lab. He would go crazy. He had restless energy. When we were young, his parents enrolled him in a lot of sports. He loved so many sports but he didn’t focus or commit to one. He was good but he didn’t love any sport enough to be a pro–or to even just consider being a pro.

    What he really loved beyond anything else was catching bad guys. He was an NBI agent. He had worked hard to be one. Hindi ko talaga  sigurado kung ano ang ginagawa niya sa bureau dahil ayaw niyang idetalye sa akin, pero alam ko na may mga pagkakataon na mapanganib ang mga assignment niya. May mga pagkakataon na kailangan niyang magtungo sa isang lugar at ilang linggo kaming hindi makakarinig ng kahit na ano mula sa kanya.

    Hindi na pinalawig ng mga matatanda ang usapin tungkol sa trabaho ni Odin, na labis kong ipinagpasalamat. Nagpatuloy kami sa pagkain at kaswal na pagkukuwentuhan. Tinanong na naman ako kung may nobyo na ako at hindi ko mapigilan ang pagkawala ng buntong-hininga.

    Take your time, honey, ani Dad, may banayad na ngiti sa mga labi.

    Not too much time, ani Mom. Gusto ko ng apo, Edward. She should get out of the lab more often.

    Natawa si Odin. Masama ang naging tingin ko sa matalik na kaibigan. Hindi iyon ang unang pagkakataon na narinig ko ang ganoong linya mula kay Mom. May mga pagkakataon na talagang naiinis ako dahil parang hindi niya alam na hindi ko kagustuhan ang kasalukuyang sitwasyon. Gusto ko na ring magkaroon ng boyfriend, asawa–pamilya. Ang problema ay hindi pa nababatid ni Odin na para kami sa isa’t isa.

    O hindi ko pa talaga  ganap na natatanggap na hindi kami ang nakatadhana para sa isa’t isa.

    Naiisip ko minsan na sinasadya na ni Mom na pagsalitaan ako nang ganito sa harap ni Odin para magising na ako sa katotohanan, para tumigil na ako sa paghihintay sa isang bagay na hindi darating. Kagaya ng sinabi ko, alam ng lahat na higit pa sa kaibigan ang tingin ko kay Odin. Alam ng mga magulang ko ang tungkol sa damdamin na iyon.

    She’ll get there, Tita, ani Odin na bahagya pa ring natatawa. She’ll find the right man.

    Pinanatili ko ang ngiti kahit na nanamlay bigla ang aking puso. Masakit pa rin ang mga ganoong salita galing sa lalaking lihim kong minamahal kahit na hindi iyon ang unang pagkakataon na narinig ko iyon. Hindi ko naman  malaman kung bakit ayaw pang tumigil ng puso ko sa pag-asam, sa paghihintay.

    Mukhang nalungkot din ang mga magulang ko kaya naman nagpasya ako na ilihis na lang muna ang usapan–o ibalik sa dating paksa. Bakit hindi natin balikan ang tungkol sa trabaho ni Odin? sabi ko na lang .

    Si Odin naman ang masama ang tingin sa akin.

    Halos sabay-sabay na nagpakawala ng buntong-hininga ang apat na mga magulang.

    TANGAN ANG BOTE NG beer, nilapitan ko si Odin sa may terrace nang makitang ibinulsa na niya ang phone. Lumabas siya para tanggapin ang isang mahalagang tawag sa trabaho. Bahagyang nalukot ang mukha ng mga magulang niya pero sanay na sila sa trabaho ng anak.

    Thanks, ani Odin pagkatapos kunin sa akin ang bote ng beer. Kaagad niya iyong dinala sa bibig at halos napangalahati na niya ang laman nang ibaba sa pinakamalapit na flat surface.

    Nagsalubong ang mga kilay ko habang mataman kong pinagmamasdan ang mukha ni Odin. He looked angry. Nakikita kong sinusubukan niyang itago o kontrolin ang galit na iyon pero hindi gaanong napagtatagumpayan.

    `You okay? tanong ko  pa rin kahit na alam ko na  ang sagot.

    Humugot nang malalim na hininga si Odin bago ako sinagot. I will be. Just give me a minute.

    I take it, hindi magandang balita ang phone call na tinanggap mo? Hindi ako nag-aalala na baka isipin ni Odin na masyado akong mausisa. Mula pagkabata ay komportable na kaming sabihin ang kahit na ano sa isa’t isa. Hindi ko kayang sabihin na wala kaming sekreto sa isa’t isa dahil obviously kasinungalingan iyon. Pero bukod sa nadarama ko, ang trabaho ni Odin ang hindi namin gaanong napag-uusapan. Madalas akong mangulit lalo na noong nagsisimula ang kaibigan pero tikom ang bibig niya. Dahil siguro masyado pa siyang green o newbie noong mga panahon na iyon na wala naman talagang maikukuwento sa akin.

    Paglaon, pakiramdam ko ay pinoprotektahan ako ni Odin sa horror at evilness ng ibang tao sa mundong ibabaw kaya mas pinipili niyang huwag mamahagi ng kuwento.

    O maaari rin namang ayaw nang balik-balikan ni Odin ang mga hindi magagandang pangyayari sa linya ng trabaho niya.

    Tumango si Odin. Something like that.

    I’m sure everything is going to be okay. Hindi ko na  sinasabi kung gaano ako nag-aalala kay Odin mula nang maging opisyal ang pagsuong niya sa mga panganib. Madalas kong ipagdasal na sana ay hindi siya mapahamak o manganib ang buhay. Naisip ko na mas maigi nang wala akong gaanong alam tungkol sa trabaho niya dahil malamang na hindi ako makatulog sa gabi sa labis na pag-iisip at pag-aalala.

    Nagpakawala nang marahas na buntong-hininga si Odin. Yeah.

    Do you want to talk about it?

    Hindi gaano. Nakatakas ang isang mapanganib na tao sa bilangguan.

    I assume you put him in there?

    Her, actually.

    Nagsalubong ang mga kilay ko. Her.

    Her. She was a really smart criminal. The smartest I’ve encountered, if I’m being honest. Drugs, trafficking, corruption, kidnap-for-ransom, and terrorism. She was the leader of a criminal organization.

    Wow. A woman? Alam ko na maraming masasamang tao sa mundo at hindi lahat ay

    Enjoying the preview?
    Page 1 of 1