Discover millions of ebooks, audiobooks, and so much more with a free trial

Only $11.99/month after trial. Cancel anytime.

Sa Butas 2012 ( Tagalog Gay Story ): Sa Butas Series, #2
Sa Butas 2012 ( Tagalog Gay Story ): Sa Butas Series, #2
Sa Butas 2012 ( Tagalog Gay Story ): Sa Butas Series, #2
Ebook154 pages2 hours

Sa Butas 2012 ( Tagalog Gay Story ): Sa Butas Series, #2

Rating: 4 out of 5 stars

4/5

()

Read preview

About this ebook

TEASER:

Akala ko’y puro init lang ng katawan ang kayang ihatid sa akin ni Gio. Hindi pala ganun lang, sapagkat habang pinagmamasdan ko siya ay unti-unti kong nararamdaman ang kakaibang paghanga sa binata. Na mas marami pala ang alam pa niya kaysa sa iniisip kong ang kaya niya lang ay ang maging parausan ko.
===

Ito ang ikalawang diary sa seryeng 
Sa Butas ( Tagalog Gay Series). 

Already Published:

Sa Butas 2013
Sa Butas 2012

Upcoming Part of this Series:

Sa Butas 2011
Sa Butas 2010
and
Sa Butas 2009

Sa Butas 2012 is written in Tagalog and narrated by the main character Lawrence. 
 

LanguageEnglish
PublisherTaga Imus
Release dateMay 21, 2014
ISBN9781499648676
Sa Butas 2012 ( Tagalog Gay Story ): Sa Butas Series, #2
Author

Taga Imus

Gay Fiction o Gay Teen Fiction, maiikling kwento, may halong pantasya o erotika o simpleng romansa at gigil na may drama o komedya sa pagitan ng dalawang lalaki, nagmamahalan man o naggagamitan, anumang uri ng lihim nila, ito ang kwento niya, ni Taga Imus. Nagsimula ang kanyang pagiging manunulat nang mula sa 1 ay umabot na sa 8K Fans (at patuloy na dumadami) ang kanyang Fanpage na Ang Mga Lihim ng Pulang Diary ( Pinoy Gay Stories). Ang ilan sa mga akda niyang una at libreng nabasa sa fanpage ay pwede na ring ma-download sa inyong mga smartphone at tablet mula sa mga  kilalang eBook app store. Siya ay bukas sa inyong mga komento. Kaya’t kung nagustuhan o hindi ninyo ang nabasang kwento niya ay karapatan ninyong mag-iwan ng review at rating sa inyong ebook apps store. Sa mga nobelang kanyang nagawa, paborito niya ang Sa Clan at Sa Sleeping Quarter. Isa pa, masaya siyang may iniibig ngayon at bukod dun, may tatlong pusa siya. Author, Self-publisher, Cat lover and Sweet Lover. Siya si TAGA IMUS, na naniniwalang bawat tao ay may lihim at bawat lihim ay may kwento.

Related to Sa Butas 2012 ( Tagalog Gay Story )

Titles in the series (1)

View More

Related ebooks

Gay Fiction For You

View More

Related articles

Related categories

Reviews for Sa Butas 2012 ( Tagalog Gay Story )

Rating: 4.2 out of 5 stars
4/5

5 ratings1 review

What did you think?

Tap to rate

Review must be at least 10 words

  • Rating: 5 out of 5 stars
    5/5
    fghczzs

    1 person found this helpful

Book preview

Sa Butas 2012 ( Tagalog Gay Story ) - Taga Imus

This is a work of fiction. Names, characters, businesses, places, events and incidents are either the products of the author’s imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental.

This story is for adults and mature readers only.

Salamat sa mga nagmamahal.

Bawat tao ay may lihim at bawat lihim ay may kwento...

-Taga Imus

1

June 04, 2012 Monday

––––––––

Eh Tito, kailan mo sasabihin kay Miguel na ‘di mo siya tunay na anak, kailan malalaman nina Ronan at Ronnie na anak mo sila? Hanggang kailan nila gagamitin ang apelyido ng nanay nila imbes na ang sa’yo?

Kapag handa na ako, sagot ng Tiyo Alphonse sa sunod-sunod kong tanong tungkol sa kinakaharap niyang problema.

Kayo po ang bahala.

Dahil ang sa akin lang nama’y bakit pa kailangang magtago ng lihim? Bakit ba kung minsan kailangan mong pagtakpan ang isang pagkakamali para maitama ang sitwasyon? Ang hirap mabuhay sa sikreto. Madalas hinahanapan ka ng butas at madalas hindi ka na makalusot sa butas na ikaw mismo ang gumawa. Tulad ni Tiyong Alphonse at maging ng tulad ko.

O siya, mauna na ako. Basta sure buyer ako pakisabi sa Daddy mo. Ayusin ko lang ang mga papeles. Si Tiyo Alphonse na nagpaalam na’t ang tinukoy ng kanyang mga huling nasabi ay ang pagbebenta ko sa kanya ng lupa’t mga apartment na pamana sa akin ng Daddy ko.

Sige po. Ingat po kayo.

Monday 7AM

Unang araw ko bilang guro sa St. Jude. Isang taon lang siguro ako dito dahil wala naman akong balak na magtagal. Kailangan ko rin kasing magpunta sa Dubai.

Maya ka na tumawag. Late na ako.

Ibinaba ko na ang tawag.

Nagmamadali na kasi ako sa pagmamaneho ng kotse ko para  makarating sa saktong oras ng klase. At dahil nga sa pagmamadali ko'y muntik na akong makabangga ng tumatawid na binata.

Oh shit! pagkagulat ko sabay baba ng kotse ko't lumapit ako sa binata para humingi ng dispensa pero sinalubong niya ko ng galit. 

Tang’ina naman oh! ‘Di kasi kayo nag-iingat. Pagmumura niya’t nang gawin niya iyon ay biglang umakyat ang dugo ko sa ulo. Imbes na mag-alala ako ay nakaramdam ako ng pagka-inis.

Sa kamalas-malasan nga ay mukhang sanggano pa itong muntik kong nabundol at sana napuruhan ko na lang.

Kung anong amo ng hitsura'y ganun kagaspang ang ugali. Kalbo, maputi, may kasingkitan ang mga mata, matangos ang ilong, maganda ang ngipin, matangkad at may ipagmamalaking katawan ang barumbado. 

Oh! Shit! Dapat naiinis ako ah, sabi ko sa sarili pero imbes na ganun ay parang mas napansin ko pa ang ilan sa mga katangian niyang iyon.

Tang’ina ka...’wag kang magpapakita ulit sa akin ha. Tabi nga. Sabay tulak sa akin at hindi na nga ako nakapalag pa dahil kahit saan ko naman tignan ako naman talaga ang nagkamali.

Hanggang sa pagbalik ko sa pagmamaneho maging hanggang sa marating ko na ang faculty ay pumapasok sa isip ko ang aksidente kanina. O mas saktong sabihing iniisip ko ‘yung barumbadong teenager. Ngayon lang ako nakaharap ng ganung klaseng tao.

You’re 25 years old. Ang bata mong guro and I’m sure marami ka pang makakasalamuhang mga gaya nun...dito pa..sa skul ng mga barumbado’t walang modong estudyante. Haha... kwento sa akin ng co-teacher ko.

AB Comm. Ethics class. Second Year. 8AM. Ito ang unang klase ko at imbes na magpaka-close ako sa mga estudyante  ay pinili kong mag-mukhang strikto sa kanila. Dahil kung tama nga ang sinabi ng mga co-teacher ko na ganun nga dito sa St. Jude, kahit sa College Department pa, ay hindi ko hahayaan mabastos ulit ng ganun.

Good morning class. I’m Mr. Lawrence Santillan. Pakilala ko sa klase na masungit ang mood. Suot ko pa ang props kong eyeglasses na wala namang grado para mas lalong striktong tignan.

Ang gwapo ni Sir. Kamukha niya si Diether Ocampo..... dinig ko ang bulungan at hagikhikan na iyon ng mga estudyante sa Row 4. Gusto ko sanang pagalitan ang mga iyon sa pag-iingay nila pero mas pumukaw ng atensyon ko ang late na pagdating ng isang estudyante at nang makita ko nga siya ay nagulat ako dahil siya ulit ang nakita ko. Ang barumbadong iyon!

Pareho kaming nasurpresa nang magkatama ang mga tingin namin. Napakaliit ng mundong ito na sa dinami-dami ng mga taong pwede kong maging estudyante ay siya pa.

Pero imbes na mahiya ay ang kapal pa ng mukha nitong umupo sa harapan malapit sa kinatatayuan ko’t salbaheng pinaalis sa upuan ang isang estudyante.

Hello class. Gio Altamirano here. B.S Criminology 3rd year student. Text me girls. Kumindat pa sa mga malalandi kong estudyante ng Ab Comm Arts. Kilig na kilig naman ang mga ito. Tipong mga naglaglagan ang panty sa kanyang maangas na entrance.

Saglit pa'y ibinaling ang tingin sa akin at tila walang takot na guro ang kaharap niya. Nakakapikon pero sa isang banda'y nadadala ko sa amo ng kanyang mukha. Para tuloy sa isip ko'y nagpapanggap lang siyang sanggano kahit ang totoo'y ganun naman talaga ang ugali niyang hinayupak siya!

Hindi ako magpapatalo sa'yo, sabi ko sa sarili.

Sir, Gio Altamirano. At your service. biro niya pa't tila may ibig pakahulugan ang nasabi niya. Ganun ba siya kahusay makaamoy ng mga kagaya ko o ako lang itong paranoid mag-isip.

Siya nga. Si Gio Altamirano nga na sa kamalas-malasan ay naging estudyante ko pa. Pero kung inaakala niyang kaya niya akong pataubin ay nagkakamali siya. Ako ang teacher, ako ang hahawak sa ulo niya, siya ang tutuntong sa mga numero hindi ako.

Mr. Altamirano, no more lates. Sa klase ko bawal ang nale-late.

Wow naman, eh kung ‘di naman kasi ko muntik masagasaan ng mga tatanga-tanga sa kalye...hindi naman ako male-late. Nang-iinis niyang sagot sa akin.

Tawanan ang klase.

Anong nakakatawa? Get 1/4...mag ku-quiz tayo!

Gulat sila nang marinig nila iyon sa akin. Pero mas nagulat ako dahil hindi ko naman plano ang magpa-quiz sa unang araw ng klase. Nadala lang ako ng pagkapikon ko kay Altamirano. Pasalamat pa nga siyang Ethics ang hina-handle kong subject dahil kahit papaano’y kailangan  ko pa ring maging maingat sa mga aksyon ko.

Third time ko na ito sa Ethics, ngayon lang ako nakaranas ng quiz sa first day. Terible... mahinang sabi ni Gio.

Altamirano get ¼. Kung gusto mong pumasa na sa Ethics. Good luck. Pag-aangas ko.

Kitang-kita ko sa mukha niya ang pagkainis at pagkapikon. Sa wakas, nakabawi rin ako sa kayabangan niya. Hindi ang tulad niyang teenager ang kayang sumira sa akin. Hindi siya.

Class Dismissed. 

Tapos ang klase sa Ethics, balik ako sa faculty at ikinuwento sa mga co-teacher ko ang una kong karanasan sa mga estudyanteng tulad ni Gio Altamirano. Kumukulo ang dugo ko sa kanya. Sana nabundol ko na lang siya, nadala sa hospital pagkatapos ay sa morgue.

Hahaha...grabe ‘wag ka ma-highblood, masanay ka na Mr. Santillan, sabi ng co-teacher ko pagkatapos kong magkwento. Sinabayan niya ng malalakas na tawa at biro para kahit papaano’y maalis ang inis ko sa unang araw ko sa pagtuturo.

Hay, maka-pag C.R nga muna ma’am...

Haha, naihi ka na sa inis. O sya, may klase pa ako. Good luck to your next class.

Good luck nga sa akin at sana nama’y walang Gio Altamirano o walang gaya niya ang mayroon sa susunod kong subject.

Breaktime ko muna’t tumungo ako sa C.R para umihi. Pasok doon, walang tao. Pasok sa cubicle dahil hindi ako sanay na umiihi sa urinal. Basa ang sahig, panay vandal ang tabing. Madumi at mapanghi ang inodoro at may lumulutang pang kung ano.

Oohh....Ooohhhh...

Pero imbes na doon sa panghi ng cubicle matuon ang atensyon ko ay mas nakapukaw sa akin ang mga impit na iyon. Mga paghalina ng lalakeng tila may ginagawang milagro sa katabing cubicle ko.

Ahhhh...

Tuloy lang ang mga halina pero bahagyang nawala nang magsimula ng bumuhos sa inodoro ang ihi ko. Siguro’y dahil naramdaman niyang may iba ng tao sa banyo.

Psshhhhh.....

Tuloy lang ang tunog ng ihi ko’t sa pagsilip ko sa basang sahig ng banyo’y aninag ko ang kargada ng lalake sa kabila.

Oh shit.. mahina kong sabi sa sarili nang makita ko sa basang sahig na nagma-mariang palad ang lalake.

Pshhhh....

Tuloy lang ang pag-ihi ko’t nang makita ko nga iyon ay dinedemonyo ako ng isip kong bosohan sa kahit anong paraang kaya ko ang lalake sa kabilang cubicle. Pero paano, dapat ba? Karapatan ko bang gawin iyon sa eskwelang dapat ay isa kong kagalang-galang na guro? Hindi ko malabanan, libog na libog ako sa nakikita sa sahig.

Nagbabayis ‘yung lalaki! Ang laki laki ng kanya! Ang sarap  tikman. Gusto ko siyang katukin, pasukin at bahala na.

Wew.

Pero hanggang sa matapos ang pag-ihi ko’y mas pinili ko na lang magpakatino. Guro ako. Hindi ako dapat na ganito. O kung hindi ko man kayang tiisin ang libog ko’y hindi ito ang tamang lugar para magkalat.

Itinaas ko na ang zipper at nagsinturon. Saglit pa’y nilabas ko na ang cubicle kasabay ng pagbubura sa isip ko sa kung ano man iyong kahalayang nakita ko. Pero akala ko’y tapos na, ngunit hindi pala ganun kadali, lalo’t sa paglabas ko’y kasabay kong lumabas din ang lalakeng nabosohan ko sa cubicle.

Sir... pagkagulat niya kasabay ng pagkagulat ko din o tamang sabihing pagkamangha kong makita siyang hindi nakasuot ng kanyang polo at sando. Hubad ang maputing katawan, naninigas ang mga utong. May kaunting buhok o balahibo sa bandang puson at nagsisimula nang magkaroon ng masasarap na muscles at abs. Bakat ang kanya sa pantalon niyang itim. Siya nga, si Gio pala ‘yun!

  Nasan ang uniporme mo Mr. Altamirano? ewan ko ba't iyon ang lumabas sa bibig ko.

Sa bag ko sir. Magpapalit ako ng pang-basketball, may laro ho kami. Paliwanag niyang hindi nakatingin sa mga mata ko. Siguro’y nahihiya dahil alam kong alam niya o alam niyang alam ko kung anong kalokohan ang ginagawa niya sa loob ng cubicle.

 Ah...sige... ‘yun na lang ang nasabi ko’t iniiwas ko na ang pagbababad ng mga mata ko sa

Enjoying the preview?
Page 1 of 1