Discover millions of ebooks, audiobooks, and so much more with a free trial

Only $11.99/month after trial. Cancel anytime.

The Mafia's Obsession
The Mafia's Obsession
The Mafia's Obsession
Ebook474 pages6 hours

The Mafia's Obsession

Rating: 0 out of 5 stars

()

Read preview

About this ebook

"Dahil sa pag-imbita kay Thiago na pumunta sa isang illegal na Auction kung saan nagbebenta ang isang sindikato ng mga babaeng berhen ay nakilala niya si Keyla. Ang unang babaeng bumihag sa kanyang pihikan na puso. Ang babaeng binili niya kapalit ng isang daang million. Isa kasi ito sa inihain sa Auction at nabihag agad siya sa ganda ng katawan

LanguageEnglish
Release dateDec 5, 2022
ISBN9789360493332
The Mafia's Obsession

Related to The Mafia's Obsession

Related ebooks

General Fiction For You

View More

Related articles

Reviews for The Mafia's Obsession

Rating: 0 out of 5 stars
0 ratings

0 ratings0 reviews

What did you think?

Tap to rate

Review must be at least 10 words

    Book preview

    The Mafia's Obsession - Proserfina

    Chapter 1

    KEYLA

    N

    arito ako ngayon sa itaas ng stage nakasuot ng kapirasong saplot sa katawan at natatakpan lang ng kulot at burgundy hair color ang aking dibdib. Tanging kapirasong string bikini lang ang suot ko sa panloob at kulay pulang lace ang suot kong gown habang natatapatan ako ng kulay pulang ilaw. Daig ko pa ang ruby stone na kumikinang sa mga mata ng kalalakihan na naririto sa isang malawak na auction hall kung saan ay illegal silang nagbebenta ng laman. Mga sariwang laman ng berhen na babaeng binibenta nila na parang sariwang isda sa merkado. Ngunit hindi lang ito basta bentahan ng mga berhen na babae. Dahil milyones ang nilalabas ng mga lalaking ito para lang makakuha ng bata at sariwa na puwede nilang gawing sex-slaves, kabit, asawa o kahit ano pa man na gusto nila.

    Keyla? Are you ready sister? Tanong ni Nara. Naririnig ko ang malakas niyang boses sa earpiece na suot ko sa kaliwang tenga. Sinadya ‘kong ipadukot ang aking sarili upang mapagtagumpayan ang aming misyon ni Nara ang kakambal ko. Sabay kaming nagsanay bilang mga assassin ng TAJSO or trial and justice secret organization. Layunin ng aming organization na supilin ang mga makapangyarihang taong napatunayan na nagkasala sa gobyerno at hindi mapanagot dahil sa kanilang taglay na mataas na kapangyarihan.

    Ready na ako sissy, ako na ata ang susunod na ibebenta. Magkano kaya ang halaga ko? Mahinang bulong ko sa kanya upang hindi makahalata ang mga lalaking nakatitig sa akin.

    Mula nang malaman namin sa aming mga magulang na sila pala ay kasapi ng isang underground secret organization. Ay ginusto na rin namin ni Nara ang maging kagaya nila. Actually, triplets kami ni Nara at Isaiah pero mas nag-focus ang kakambal namin ni Nara na si Isaiah sa pagiging magaling na doctor kaysa maging kagaya namin. Hindi rin kami kagaya ng mga kambal na pareho ang mga mukha. Pero dahil maganda si Mommy at may taglay na ka-guwapuhan naman si Daddy. Ipinanganak kaming biniyayaan ng magandang mukha. Noong una ay tutol pa sina Mom at Dad na sumabak kami sa ganitong trabaho. Kaya ginawa namin ang lahat upang payagan nila kami, pinagbuti pa namin ang aming pag-aaral habang sekretong nagsasanay. Accelerated student kami kaya mas maaga naming natapos ang aming mga kurso. Ako ay bilang isang virtual artist si Nara naman ay nagpalit ng kursong BSIT. Samantalang si Isaiah ay kaka-graduate lang upang maging doctor. Wala na rin sa serbisyo ang mga magulang namin dahil abala na sila sa pamamahala sa farm sa probinsya.

    Galingan mo at wag kang magpapagalos man lang. Kailangan pa nating umuwi sa farm dahil kay Isaiah. Paalala ni Nara. Nasa labas naman siya at ini-intay ang go signal ko para sumugod sila rito.

    Don’t worry sister, nandito naman ang target natin wala pang thirty minutes sigurado bagsak na ang mga ito. Naka-abang na ba ang back-up natin? Paniniguro ko sa kanya.

    Oo, signal mo na lang ang ina-antay.

    Matapos ng pag-uusap namin ay nakatuon na ang atensyon ko sa aming target ngayong gabi.

    Let’s start the bedding of this beautiful and sexy virgin lady at one million! Sigaw ng announcer na nasa aking tabi.

    Two million! Sigaw ng lalaking gusto akong bilhin. Nakatayo lang ako sa gitna at nag-aantay na pataasin ang aking halaga. May-usapan kasi kami ni Nara na pag-umabot ang bid ko ng one hundred million ay ibibigay niya sa akin ang kulay red na Lamborghini niya at pumayag naman siya.

    Fifteen million! Sigaw naman ng matanda sa unahan.

    Wala na bang itataas? Inip na bulong ko sa aking sarili.

    Na-agaw ng atensyon ko ang isang lalaki na kakarating pa lang naka-black suit ito at mukhang Turkish actor. Guwapo, matangkad at maumbok ang ibaba. Sa unahan kasi ito dumaan kaya na-agaw niya talaga ang atensyon ko.Nakagat ko ang ibabang labi nang pasadahan niya ako ng tingin. Tumaas ang kilay nito at hinagod ako ng tingin.

    I think, I found my soulmate sis. Mahinang bulong niya na si Nara lang ang nakakarinig dahil natatabunan ng earpiece ang kulot at pula niyang buhok.

    Who? Don’t tell me, matanda na ang tipo mo ngayon? Natatawang wika ni Nara. Kung nasa malapit lang ang kapatid ko ay nabatukan ko na ito.

    Fifty million! Sigaw ni Mr. Facondo. Ang target namin ngayon. Ang mayamang bilyonaryong kabilaan ang illegal na transaction ng droga at lalo na ang human trafficking!

    Going once? Going trice?

    Sixty million! Sigaw ng lalaking kanina pa naka-agaw ng atensyon ko. Lalong kumabog ang dibdib ko kakaiba din ang boses ng lalaki yun. Parang pang bedroom voice with an accent. Boses pa lang parang mag-iinit ka na. Gusto kong matawa sa aking sarili ngunit baka mahalata ng nakatingin sa akin.

    Malaki na rin ang sixty million sis, diba?

    Don’t tell me siya yung narinig kong nagsalita? Sa pagkakarinig ko mukhang hindi pa siya matanda. Saad naman nito matalas talaga ang pandinig ni Nara.

    Mamaya na kita kakausapin baka mahalata ako. Nakayukong bulong ko.

    Seventy Million! Sigaw ulit ni Mr. Facondo. Siguro balak niya akong ibenta sa mga yakuza niyang kaibigan sa doubleng halaga.

    Seventy million! May magbi-bid pa ba para sa napaka-ganda at napakasariwang dalaga na ito? Tanong ng auctioneer. Talagang sariwa ako dahil hangang ngayon ay wala pa rin akong nagiging boyfriend. May trust issues na kasi ako sa lalaki. Dahil kahit pangit ngayon ay marunong ng mag-cheat at isa pa wala pang lalaking nakakakuha sa attention ko. Siya pa lamang. Mariin akong nakatingin sa lalaking hindi inaalis ang tingin sa akin.

    One hundred million!

    Literal na nalaglag ang panga ko nang marinig kong isinigaw niya yun. Hindi ko akalain na para lang makuha ako ay handa siyang magbayad ng ganun kalaking halaga! Panghuli na ako sa bidding kaya patapos na rin ang auction. Nag-uumpisa narin na magpulasan ang mga tao sa loob ng session hall pati narin ang pakay namin na si Mr. Facondo na mailap at madulas.

    Sis! Ngayon na!

    Kaagad kong inagaw ang baril na nasa tagiliran ng lalaking ha-hawak sana sa akin upang ihatid ako sa guwapong lalaki. Pinaputukan ko agad ito at nagsimulang magkagulo at magtakbuhan ang mga tao sa loob. Kaagad akong tumalon kahit mataas ang heels na suot ko at tinungo si Facondo na napapaligiran ng mga tauhan niya. Nakita ko din ang gulat sa mata ng lalaking bumili sa akin. Ngunit kinindatan ko lang ito at nilagpasan. Kaagad kong nilapitan si Mr. Facondo at nakipagpalitan ako ng putok ng baril sa mga tauhan niya. Nagsidatingan naman ang mga pulis at hinuli ang iilang mga naabutan na sumali sa auction.

    Who the hell are you?! Akala mo ba mapapakulong mo ko nang ganun-ganun lang? Nagkakamali ka! Sigaw ni Facondo nang walang kahirap-hirap kong ubusin ang lahat ng bodyguards niya. Tinutukan niya ako ng baril kaya mabilis akong nagtago sa mga silya na narito.Naubos na rin ang bala ng baril ko kaya yumuko ako upang hindi niya ako tamaan at mabilis kong tinakbo ang isang tauhan niya na nakahandusay sa sahig. Pinulot ko ang baril at kaagad na tinutok sa kanya. Hindi na ako nagdalawang isip na paputukan siya ng sunod-sunod hangang maubos ang bala ko.

    Hindi ka na dapat ikulong pa. Dapat sa’yo derecho impyerno. Walang emosyon na wika ko sa kanya. Akmang aalis na sana ako ngunit may malakas na kamay na humablot sa braso ko.

    Where do you think you’re going? Tanong ng lalaking may baritonong boses na nakahawak sa akin.

    Nabili na kita kaya sumama ka na sa akin. Seryosong wika niya na ikinangisi ko.

    Some other time na lang babe, kailangan ko pang mag-pakain ng mga manok at magpastol ng mga hayop mamaya sa farm. Nakangiting sagot ko sa kanya.

    Don’t play with me, let’s go!

    Abay sandale! Hinila ko ang lace gown at tinaas dahil na-apakan ko na ito sa paghila niya sa akin.

    Bitawan mo siya! Sigaw ng kakarating lang na si Nara. Matalim ang matang ipinukol niya sa lalaking kumaladkad sa akin.

    And who the hell are you? Tanong ng misteryosong lalaki sa kapatid ko.

    I said let her go! Ulit pa niya.

    Sissy, easy ka lang. Saway ko sa kanya. Dahil baka lalo lamang uminit ang ulo ni Nara baka barilin niya nga ang lalaking ito.

    Sister? Di makapaniwalang tanong niya.

    Damputin niyo na yan! Utos ni Nara na sinunod naman ng mga pulis at pinusasan ang lalaki. Kaagad niya namang ini-abot ang malaking coat na pambalot sa katawan ko.

    Tara na Keyla.

    Sandali sis! Pigil ko sa kanya na ikinapagtaka naman niya.

    Bakit anong gagawin mo— Keyla! Tawag niya sa akin nang tumakbo ako papalapit sa lalaking kinakaladkad na ng mga pulis. Hinila ko ang string bikini na suot ko at mabilis na inabot ko sa kanya.

    Sayo na yan! Pagnakalaya ka at nagkita tayo ulit saka muna ako singilin! Bye! Nakangiting sabi ko sa kanya. Nag-flying kiss pa ako bago ko siya tinalikuran.

    "Nasisiraan ka na ba? Wala ka na nga halos suot binigay mo pa sa

    lalaking yung panty mo!" Singhal ni Nara sa akin.

    Hayaan mo na sigurado naman akong hindi na kami magkikita pang muli. Sagot ko na ikinahaba ng nguso niya. Kaagad na kaming umalis sa auction hall para umuwi na sa farm kung saan naghihintay ang aming pamilya para sa celebration namin sa pagtatapos ni Isaiah.

    Chapter 2

    THIAGO

    K

    asalukuyan akong nakaharap sa salamin at tanaw mula rito ang nagki-kislapang ilaw sa labas ng mirage hotel & casino dito sa Las Vegas. Kinailangan ko kasing makipagkita sa isang mahalagang tao para sa aking negosyo. Tumunog ang phone ko at rumihistro ang numero ni Harvey kaya kaagad kong sinagot ang tawag niya.

    Nahanap mo na ba ang babaeng matagal ko nang pinapahanap sa’yo? Tanong ko sa kanya.

    Yes, Thiago.

    Nakaramdam ako ng excitement dahil sa sagot niya at sa sasabihin pa niyang impormasyon tungkol sa babaeng yun.

    Pero nagtataka naman ako sa’yo. Kailan ka pa nagka-interesado sa babaeng nagpapatuka ng mga ibon at manok? Nagpapakain ng mga damo sa mga hayop, nangangabayo sa malawak nilang hacienda. At bakit mo siya pinapahanap? Nagtatakang tanong niya sa akin. Sumilay ang ngiti sa aking labi.

    Hindi mo na kailangang malaman, Harvey. Huwag mong i-aalis ang pagbabantay mo sa kanya. Siguraduhin mong sa pagbalik ko ay alam ko parin kung saan ko siya makikita. Utos ko sa kanya. Siya ang pinakamalapit 'kong kaibigan at tauhan na rin. Siya din ang pinagkakatiwalaan ko sa lahat kaya siya ang pinahanap ko sa babaeng hindi nawala sa aking isip simula ng gabing yun.

    Kung puwersahan na lang namin siyang kunin? Hirit ni Harvey na ikina-init agad ng ulo ko.Wag mong gagawin yan! Singhal ko sa kanya.

    Bakit? Kung gusto mo siya madali lang naman siyang kunin. Bakit kailangan pa nating patagalin? Pinilit ‘kong ikalma ang aking sarili dahil hindi naman alam ni Harvey ang pagkatao ng babaeng pinapahanap ko sa kanya. Hindi rin nito alam kung paano nagawang patayin ng babaeng yun ang kanyang target sa auction. Tanging pangalan at mukha lang ng babae ang ibinigay 'kong pagkakakilanlan nito at ilang buwan din ang lumipas bago siya matagpuan nito.

    She’s a dangerous woman, kaya wag kang gagawa ng mga bagay na ikakapahamak mo. Pagkatapos kong sabihin yun ay pinatay ko na ang tawag. Nagtungo ako sa lagayan ng mamahaling alak at nagsalin sa baso. Inisang lagok ko lang ito upang ma-relax at makatulog ako ngayong gabi. Mula nang makita ko ang babaeng yun na binili ko mula sa auction sa halagang isang daang milyon ay palagi na lamang itong laman ng isip ko. Hindi ko makakalimutan ang tanging babae na kumuha ng aking atensyon. Pagkalagay ko ng baso ay nagtungo na ako sa kama. Ibinagsak ko ang aking pagod na katawan sa malambot na higaan. Hangang ngayon ay naalala ko pa rin ng magandang mukha niya. Ang maganda at perpektong katawan niya. Ang magandang kulay ng buhok na bumagay sa kanyang maliit na mukha. Ang hugis puso nitong labi at ang maganda nitong mga mata. Hangang ngayon ay naamoy ko pa rin niya ang mabangong kamay nito na tanging nahawakan ko ng gabing yun. At hangang ngayon ay hindi ko pa rin nakakalimutan kung gaano ito katapang na labanan ang isang sindikato. Unti-unting bumigat ang talukap ng mga mata ko. Pero naalala ko pa din ang eksena kung paano ko siya tinignan habang nakatayo sa itaas ng stage at ipinapakita ang kanyang alindog. Hindi lang ako ang nabihag niya ng mga oras na ‘yon. Dahil maski ang ibang lalaki ay ginusto siyang bilhin sa malaking halaga. Dahil sa alak na ininom ko at sa init na hatid nito sa aking katawan ay kaagad na rin akong nilamon ng antok.

    Kinabukasan ay inayos ko na ang mga gamit at maleta na dadalhin ko pauwi ng Pilipinas. Hindi na rin kasi ako makapag-antay na makita siyang muli. Iniwan ko na kay Victor ang pamamahala sa aking negosyo. Makalipas ang halos sixteen hours na biyahe ay nakalapag na rin ang airplane na sinakyan ko. Pagkalabas ko sa airport ay sumakay na agad ako sa bugatti car. At lumipat naman ang driver nito sa likurang sasakyan kung saan naka-convoy sa akin ang aking mga bodyguards.

    I connected my phone sa bluetooth headset upang matawagan ko si Harvey while driving.

    Where is she? I asked.

    Thiago, mabuti naman tumawag ka. Kung pupunta ka dito wag mo na ituloy. Kanina pa namin sinusundan ang sasakyan niya at kakalampas lang namin sa NLEX going to Manila kaya—

    Naputol ang sasabihin ni Harvey sa akin at narinig ko na lamang na nagkakagulo ang mga ito sa kabilang linya.

    What happen? Seryosong tanong ko dahil narinig ko ang pagsigaw ni Harvey.

    Harvey? Tell me what happen?

    Bigla siyang nawala! Nalaman niya sigurong nakasunod kami sa kanya kaya binilisan niya ang patakbo ng kotse. Kasalukuyan na namin siyang hinahabol kaya wag kang mag—

    Damn it! Stop your fucking car! Now!

    Why? Hindi na namin siya maabutan. Inis na sagot ni Harvey sa akin. Ito ang pinaka-ayaw ko sa lahat kung gaano ito katapat sa akin ay ganun din katigas ang ulo nito.

    Listen to me! She’s not an ordinary girl. Kapag sinundan niyo pa siya I doubt it kung makakatakas kayo sa kanya. I told you, she’s dangerous! So stop that fucking car now! Ma-authoridad na utos ko sa kanya. Ang totoo hindi lang siya ang inaalala ko. Inaalala ko din na baka manlaban ‘to at mapuruhan ng mga tauhan ko. Halos lahat ng mga tauhan ko ay skilled sa pagamit ng armas at magagaling din sila sa martial arts. Ngayon pa lamang ako nakaramdam ng ganitong takot para sa isang tao. Baka ikapahamak nito ang gagawin ng aking mga tauhan. Hindi yun ang gusto kong mangyari. Hindi ko rin alam kung bakit ganito ako nahuhumaling sa kanya. Pero alam ko na hindi ito ang klase ng babae na madaling makuha. Lalo pa’t malakas ang kutob ‘kong hindi lamang ito alagad ng batas.

    Harvey? Ano na ang nangyari? Kinakabahan pa rin na tanong ko sa kanya.

    We stop chasing her, yun utos mo diba? Kaya yun ang masusunod. Umiba kami ng daan dahil baka kami naman ang abangan niya. Paliwanag niya sa akin. Nakahinga ako ng maluwag nang sabihin niya yun.

    Good, magkita na lamang tayo sa solaire. Wika ko sa kanya at nagpaalam na rin ako.

    Pagkarating ko sa solaire ay kumuha na ako ng dalawang magkatabing premiere suit para sa akin at para sa aking mga bodyguards. Kaagad akong hinatid ng staff sa 7th floor kung nasaan ang aking magiging room. Pagkatapos ay nagpaalam na rin ito. Pagkalapag ko ng aking mga gamit sa sofa ay tinawagan kong muli sa Harvey upang ipaalam na nandito na ako at umakyat na lamang siya sa room ko kapag nakarating na siya. Kilala naman ako dito dahil madalas akong dito nagpapahinga kapag may inaasikaso ako sa Manila. Pagkatapos kong kausapin si Harvey ay nagpasya muna akong mag-order ng pagkain para sa akin at sa kabilang room dahil wala pa rin kasi kaming hapunan. Kung tutuusin ay hindi ko naman kailangan ng bodyguards dahil kaya kong protektahan ang aking sarili. Pero dahil mas lumalawak ang aking empluwensya sa black market ay mas dumadami din ang nakikipag-kompetensya sa akin at may ibang pilit akong ibinababa. Minsan na ring nanganib ang buhay ko. Kung hindi dahil kay Harvey na noon ay bodyguard ko pa lamang ay siguradong ako ang tatamaan ng sniper na gustong magpatumba sa akin. Napansin kasi ito ni Harvey at tinulak niya ako kaya imbis ako ang tataman ay siya ang tinamaan ng bala sa dibdib. Mabuti na lamang at hindi sumentro sa puso nito ang bala dahil kung nagkataon siguradong wala na rin ang tapat kong tauhan. Pagkarating ng pagkain ko ay kumain na rin ako. Makalipas ang isang oras ay dumating na rin si Harvey. Pinapasok ko siya sa loob at pinaupo sa receiving area.

    Nakakamangha ang babaeng yun Thiago. Hindi lang sa kabayo mabilis magpatakbo. Daig pa ang car racer queen kanina kung takasan kami. Seryosong sabi ni Harvey sa akin na bahagyang kong ikinangiti.

    Harvey, bukod sa farm na inuuwian niya. Wala ka na bang ibang nalaman tungkol sa kanya?

    Napabuntong-hininga ito bago sumagot sa akin.

    Yun nga ang nakakapagtaka Thiago. Walang information about her. Kung hindi dahil sa sketch na binigay mo hindi pa namin siya mahahanap. Reklamo niya sa akin. Ilang buwan din ang lumipas kaya siguradong nahirapan si Harvey sa paghahanap. Napatayo ako at humarap sa salamin upang makita ang labas ang kabuohan ng Manila Bay na ngayon ay napaka-aliwalas na tignan mula sa kinaroroonan ko.

    She’s not just a dangerous woman, she’s mysterious too. That’s why she’s always bugging my mind. I want you to find her again. Kung kailangan baliktarin niyo ang buong Pilipinas para mahanap niyo siya ulit ay gawin niyo. Seryosong utos ko sa kanya. Kapag nakita ko na siyang muli ay ako mismo ang kukuha sa kanya.

    Chapter 3

    THIAGO

    K

    akagising ko palang ay hinarap ko na ang ilang papeles na hindi ko pa napi-pirmahan sa nakalipas na ilang araw ko sa Las Vegas. Lumapit si Harvey sa akin na may dalang itim na envelope.

    Thiago, dadalo ka ba sa inihandang pagdiriwang ni Mr. Fang sa casino imperial? Tinigil ko ang pagpirma ng mga dokumento at kinuha ang itim na envelope na inabot niya sa akin.

    At ano naman ang gagawin natin doon? Alam kong isa si Mr. Fang ang humahadlang sa mga transactions ko sa black market. Kunwari pa siyang gusto akong maging kaibigan. Pero ang totoo, hinaharang niya ang lahat ng mga negosyante na balak lumapit sa akin. Kinuha ko ang nilalaman ng imbitasyon at binasa ‘to.

    Bukas na ng gabi yan, mas maganda kung pupunta tayo. Huwag mong problemahin si Mr. Fang kahit naman mas umangat na siya ngayon ay mas kilala ka parin ng lahat ng pupunta doon.

    Napa-isip ako sa sinabi niya, isa kasi sa pinaka hindi ko gusto ay makipag-plastikan sa mga taong alam kong kaya akong traydorin ngunit tama si Harvey. Malaking bagay din yun kung dadalo ako. Bukod sa makikita ko ang iilang kasapi din sa black market. Ay makikilala ko pa ibang hindi pa niya kilala. Siguradong yun ang dahilan ni Mr. Fang para mas palawakin pa ang impluwensya niya lalo na sa foreigner na dadalo.

    At ang presensya ko ang gagamitin niya.

    Okay, ikaw na ang bahalang maghanda ng susuotin natin. At ihanda mo na rin ang mga bodyguards na kakailanganin natin. Pagtitipon yun ng mga mapanganib at mahahalagang tao kaya hindi dapat tayo magpaka-kampante. Paalala ko sa kanya bago ko itinuloy ang pagbabasa at pagpirma ng mga dokumento.

    Hangang dito ba naman dala-dala mo pa din ang gintong box na yan? Masyado na akong curios kung ano ba talaga ang laman ng box na yan. Nagtatakang tanong ni Harvey nang mapansin ang gintong box sa ibabaw ng lamesa ko. Gawa kasi ito sa purong ginto at may desenyo na diamond sa gilid, may letter K pa na nakalagay sa ibabaw nito at nakaukit.

    Don’t tell me ang ibig sabihin ng letter ‘K’ na nakaukit diyan ay initials ng pangalan ng babaeng hinahanap natin? Gulat na sabi niya sa akin na ikinatigil ko ulit sa pagpirma. Tiningala ko siya at sinalubong ang gulat niyang mukha.

    Mabuti pa, umalis ka na at gawin mo na ang ipinagagawa ko sa’yo. Wag mong paki-alam ang bagay na walang kinalaman sa trabaho mo. Seryosong sabi ko sa kanya.

    Gusto ko lang naman silipin ang laman niyan sa lo—

    Malakas na hinampas ko ang mesa dahil sa pangungulit niya sa akin.

    Kung mahal ang gintong box na ito. Mas mahal ang laman niyan. Wag mo ng subukan silipin pa dahil malalagot ko sa akin. Banta ko sa kanya. Kahit saan ako magpunta ay dala-dala ko ang box na ito at walang ibang pwedeng kumuha o humawak dito kundi ako lang.

    Sorry na, wag ka ng magalit. Curious lang ako, pero malakas ang kutob kong para kay Miss Keyla talaga ang regalo mong yan. Nakangising sabi niya sa akin.

    Napasinghap ako dahil sa taglay niyang pangungulit. Malapit na naman akong maubusan na naman ng pasenya kaya nang mapansin ni Harvey na bubuga na naman ako ng apoy ay nagmadali na siyang lumabas sa room. Nakahinga lang ako ng maluwag nang lumabas na ito.

    Napapangiti kong sinalat ang nakaukit na letter sa ibabaw ng box. Habang iniisip ko ang magandang mukha ni Keyla.

    Kinabukasan ay maaga ‘kong tinapos ang aking mga gagawin upang pagdating ng gabi ay makapunta kami sa dadaluhan naming pagtitipon. Kinagabihan ay sinuot ko na ang inihanda ni Harvey na magarang dark suit para sa event. Maayos na nakasuklay pataas ang itim kong buhok. Mas makintab pa sa sahig ng solaire ang kulay itim kong sapatos. Si Harvey naman ay itim din ang suit na suot at puti naman ang panloob, naka necktie pa ito. At nakahanda na rin ang mga bodyguards sa pag-alis namin. Pagdating namin sa casino imperial ay sinalubong agad ako ng mga nakakakilala sa akin.

    How are you Thiago? Tanong ng isang british man na si David Hunt. Kilala ko ito sa pagiging experto sa pagamit ng counterfeit money.

    I’m good, how about you Mr. Hunt? Magalang na tanong ko sa kanya. Kahit isa akong mafia hindi ako pumapatay ng mga taong walang kasalanan. Hindi rin ako gaya ng iba na kumikidnap sa mga inosenteng bata. Para ipatubos sa mga mayayaman nilang magulang. Mas kilala ang pangalan ko sa black market sa pag-aangkat ng iba’t-ibang malalakas na armas. I’m collecting rare and strong firearms, golds and treasures. I’m an expert in weapon dealing. I have also ten illegal ground para sa mga mayayamang adik sa sugal. And now I’m focusing to expand my real estate business. Mainit sa mga mata ng authoridad ang mga illegal na gawain at sa paglipas ng panahon ay ilang bigating druglords na din ang pinatay.

    I have gold bars, if you’re interested I can schedule you anytime to do business with me. David Hunt said. I smiled and said yes.

    Dalawang klase lang ng tao ang pinapapatay ko. Una ay ang traydor at magtatangkang lokohin ako. Pangalawa ay ang magtatangkang patayin ako.

    Thiago! Nakangising tawag ni Mr. Fang sa akin nang makita niya ako.

    Mabuti naman at tinangap mo ang imbitasyon ko. Nakikita mo ba kung gaano ka successful ang Casino Imperial? Billions of money ang kinikita ko dito kada buwan. Pagmamayabang niya sa akin. I fake my smile at look at him.

    Hindi na masama Mr. Fang sa dami ba naman nang mahihirap na pinalayas mo sa lupain na ito para maitayo ang Casino Imperial ay hindi na ako magtataka na maging matagumpay ang negosyo mo. Biglang umasim ang mukha ni Mr. Fang sa sinabi ko.

    Dapat lang na pinalayas ko sila Thiago. Wala naman silang naa-ambag sa lipunan kundi puro kahirapan. Hindi ko na kasalanan kung wala na silang matitirahan ngayon. Hindi ko rin kasalanan kung ipinangak silang mahihirap. Sa maunlad na bansa ay salot ang mga mahihirap. Nakangising sabi Mr. Fang sa akin na ikinakunot ng noo ko.

    Salot ang mga mahihirap? Nakalimutan mo na ata kung saan ka nangaling Mr. Fang?

    Nawala ang kulay sa mukha nito nang seryosong sabihin ko yun sa kanya. Hindi lang negosyo ang inaalam ko sa aking mga kakompetensya kundi pati na rin ang pinangalingan ng mga ito.

    Kung ano man ang nais mong tumbukin Thiago, mabuti pang wag mo nang ituloy. Sabihin na nating hindi kasalanan ng taong ipinanganak siya dukha. Pero kung tumanda na siya at nagkaedad ay dukha pa rin siya ibig sabihin ay kasalanan niya yun. Dahil wala siyang ginawa para umasenso ang buhay niya. Seryosong sagot ni Mr. Fang. Bago ito nagpaalam sa akin dahil malapit nang mag-umpisa ang programa.

    Magsasalita pa sana ako nang may mapansin akong babaeng nakatalikod. Mahaba ang kulay pulang gown nito at litaw na litaw ang maputing nitong likod nito. May hawak itong wine sa kanyang kaliwang kamay. May kausap din itong binata na sa tingin ko ay hindi nalalayo sa aking edad.

    Kahit nakatalikod ang babae ay alam kong maganda ito sa tindig pa lamang at kung paano dalhin ang sarili. Hangang sa sandaling lumingon sa kinaroroonan ko ang babae. Para akong naitulos sa kinatatayuan ko nang makita ang kanyang mukha. Kahit segundo lang ang paglingon niya sa gawi ko ay rumihistro kaagad sa isip ko ang nakangiti at mapula nitong labi. Kitang-kita ko din ang tangos ng ilong nito. At ang nakakaakit na mga mata niya. Mga matang minsan na ding bumihag sa akin.

    Hoy! Bakit ganyan ka makatingin sa babae? Saway sa akin ni Harvey nang mapansin akong naka-awang ang labi. Nararamdaman ko ang pagbilis ng pagtibok ng aking puso na ngayon ko lamang naranasan.

    She’s here. Sambit ko.

    Who? Kunot noo na tanong ni Harvey sa akin. Sinundan niya ng tingin kung saan napako ang atensyon ko. At nang muling lumingon ang babae ay nanlaki din ang kanyang mga mata.

    Damn it! Siya nga! Ang babaeng hinahanap natin! Hindi makapaniwalang wika ni Harvey.

    Chapter 4

    THIAGO

    H

    indi ako makapaniwala na makikita ko siya ngayong gabi. Ang babaeng matagal ko nang hinahanap ay dito ko pa sa casino imperial matatagpuan. Pero malaking katanungan sa akin kung bakit siya naririto. Kung tama ang hinala ko na alagad siya ng batas ay mali atang narito siya sa pagtitipon ng mga taong illegal ang ginagawa. Lahat ng kilos ni Keyla ay mataman kong sinusundan masama ang kutob na may magaganap ngayong gabi kagaya ng nangyari sa auction. Kapag totoo ang hinala ko siguradong nandito sa party ang kanyang target. Naagaw ng atensyon ko ang pagsunod ng tingin niya kay Mr. Fang. Tinapik ako ni Harvey kaya napabaling ang tingin ko sa kanya.

    Anong gagawin mo? Kunot noo na tanong niya sa akin. Pareho kaming dalawa na bumalik ang tingin sa kanya. Kung kanina ay binata ang kausap niya ngayon ay matandang lalaki naman. Mukhang hindi lang ako ang nakakakuha ng atensyon niya. Nakatalikod ito sa gawi namin at ilang dipa ang layo namin sa kanya. Pero alam kong masaya ang usapan nila ng lalaki dahil panay ang ngisi ng kausap nito.

    I don’t know, pero kailangan nating bantayan ang kilos niya. Seryosong sagot ko sa kanya. Inikot ko ang paningin sa kabuohan ng casino. Kung sakaling may gagawin si Keyla ay wala siyang ibang lalabasan kundi ang main door ng casino imperial. Fully guarded ang buong place sa iba’t-ibang security ng lahat ng taong nandito. Kaya hindi maiwasan na kabahan ako sa maaring gawin niya.

    Tama nga, kailangan mong bantayan si Ms. Keyla. Nakangusong sabi ni Harvey at tinutumbok ang kinaroroonan ng Keyla.

    Kaagad kong naikuyom ang aking kamao at umigting ang panga ko nang makita ko ang ginagawa ng lalaki. Habang nakahawak sa kanyang beywang. Humihimas pa ang kamay nito sa kanyang likuran. Akmang lalapitan ko na sila pero kaagad akong pinigil ni Harvey.

    Anong gagawin mo? Lalapitan mo siya at a-agawin mo si Ms. Keyla sa kanya? Kunot noo na tanong niya sa akin. Kung sa ganoong paraan ako magpapakita sa kanya siguradong hindi ko siya makukuha.

    Ladies and gentlemen! Thank you for having me here tonight at casino imperial. As you all know we are celebrating three years of overflowing success in this business. And I’d like you to all meet the founder of casino imperial! Mr. Fang! Pakilala ng MC. Abala ang isip ko sa kanya kaya hindi ko namalayan na nag-umpisa na pala ang program. Nakangiting umakyat si Mr. Fang sa stage. Habang kumakaway pa sa lahat ng bisita. Sandaling nawala ang tingin ko kay Keyla ngunit nang ibalik ko ang tingin ko sa kanya ay wala na siya kung saan siya nakatayo kanina. Kaagad akong nataranta at hinanap ko kung nasaan siya.

    What’s wrong? Kunot noo na tanong ni Harvey sa akin nang mapansin niyang hindi na ako mapalagay at nagka-kandahaba na ang leeg sa paghahanap kay Keyla.

    She’s missing, hanapin mo siya and alert all the security! Mahinang utos ko sa kanya na kami lang ang nakakarinig. Kaagad naman siyang umalis sa harapan ko.

    "Good evening everyone! Thanks to all of you. Hindi magiging

    successful ang Casino Imperial kung hindi dahil sa ilan sa inyo na tumulong sa akin upang maging bahagi ng pagtatayo nito. At gusto kong pasalamatan ang isa sa panauhin kong pandangal si Mr. Thiago Profaci sa pagpunta sa event na ito. Alam naman natin kung gaano siya ka-abala sa kanyang maraming negosyo. Pero nagawa niyang makarating dito. Yun ay dahil alam niyang malaki ang impluwensya ko sa inyong lahat na naririto." Mayabang na pahayag ni Mr. Fang. Nagpalakpakan ang mga tao at hindi ko maiwasan ang mairita sa lahat ng walang kwenta niyang pahayag. Hindi ako pumunta dito para kilalanin na isa siya sa mataas ang rank sa black market. Hindi pa rin nagbabago ang tingin ko sa kanya. Isa pa rin siyang linta na palihim na sumisipsip sa mga taong alam niyang malaki ang magiging pakinabang niya kaya naabot niya ang sinasabi niyang success.

    At ngayong gabi! Nais kong ipaalam sa inyo! Magkakaroon ng panibagong branch ang casino imperial dito sa Pilipinas at sa abroad!

    Lalong naging masigabo ang palakpakan ng mga bisitang naririto sa hall. Ngunit mas naagaw ng atensyon ko ang magandang babaeng kanina ko pa hinahanap. Mabini siyang lumalakad patungo sa harapan ng stage. At ganun na lamang ang gulat ko nang dahan-dahang niyang hinahawi ang slit ng suot niyang gown. Yumuko siya at may kinuha sa makinis nitong hita.

    Fuck!

    Umalingaw-ngaw ang putok ng baril at naging dahilan upang magpulasan ang lahat ng tao. Kasabay ng pagbulagta ni Mr. Fang sa sahig ng stage ay mabilis siyang nawala sa paningin ko. Nagsimulang magkagulo sa paligid at naghiyawan ang mga babaeng nasa party at kanya-kanya namang labasan ang mga tao. Habang ang mga bodyguards ni Mr. Fang ay nilapitan kaagad ang katawan nito. Nagpalinga-linga ako sa paligid dahil sa dami ng tao kung saan-saan tumatakbo ay hindi ko makita kung nasaan na siya hangang sa sunod-sunod ang putok ng baril mula sa left wing ng casino imperial ang naririnig ko.

    Thiago! Anong gagawin mo?! Sigaw sa akin ni Harvey nang makalapit siya sa akin kasama ang mga bodyguards kong pumalibot sa akin. Tatakbo kasi ako dapat papunta sa left wing pero naharang nila ako.

    We need to save her.

    What?! Nasisiraan ka na ba? Hindi lang sampu ang bodyguards ni Mr. Fang! Mamaya rin ay magdadagsaan na sila dito! Kaya umalis na tayo! Litanya ni Harvey. Tumigas ang anyo ko at hinarap ko siya.

    I don’t care! I need to save her!

    Nilagpasan ko sila at tumakbo ako papunta sa kung nasaan ang mga putok ng baril na naririnig ko. Nang makarating na ako sa hallway ng left wing ay nadadaanan ko na ang mga bangkay ng tauhan ni Mr. Fang. Maraming kwarto ang narito dahil bukod sa casino ay hotel din ito para sa mga taong nagpapahinga o naghahanap ng pansamantalang aliw na customers sa casino imperial.

    Thiago! Thiago! Patuloy na tawag ni Harvey sa akin. Nakasunod pala siya sa akin kasama ng mga bodyguards ko.

    Search the area! Nandito lang siya!

    Binuksan nila ang lahat ng kuwarto na nadaanan namin. At wala pa rin kaming makita hangang sa bumungad sa amin ang exit door.

    Ako muna. Wika ni Harvey. Siya ang nagbukas ng pintuan at kaagad akong sumunod sa kanya. Nagulat ako nang makita ko kung paano niya kinakalaban na mag-isa ang mga tauhan ni Mr. Fang. Gamit ang isang baril sa kamay niya at sinasalubong niya ang pagdatingan ng mga ito mula sa labas. Nagmadali akong bumaba ng hagdan at tinulungan ko siyang barilin ang mga kalaban.Napatingin siya sa akin nang mapatumba ko ang isa sa sumugod sa kanya.

    Ikaw? Nag-dalawang tingin pa siya sa akin at na-distract siya nang makita niya ako kaya hindi na niya alam ang pagsulpot ng kalaban. Kaagad ko siyang hinila at ikinulong sa aking bisig. Nilingon ko ang mga paparating pang kalaban at pinaputukan ang mga ito. Tumulong na rin si Harvey at pinalibutan kami ng bodyguards ko. Napa-angat siya ng tingin at nagtama ang mata naming dalawa.

    Did you miss me? Nakangiting tanong ko sa kanya. Napakaganda talaga niya at napabango din. Lalo na ngayon kahibla na lamang ang layo ng mukha naming dalawa. Parang gusto ko na siyang halikan pero nasa gitna kami ng labanan. Imbis na sagutin ang tanong ko ay impit siyang napangiwi. May naramdaman akong mainit na likido sa aking kamay na nakapaikot sa kanyang beywang. At nang silipin ko yun ay pakiramdam ko binuhusan ako ng malamig na tubig.

    Harvey! Kunin niyo ang kotse! Ako na ang bahala dito bilisan niyo!

    Bakit? Naguguluhan niya akong tinignan.

    Damn it! She’s bleeding! We need to get out of here! Now! Tarantang sigaw ko sa kanila. Hanggang sa tuluyan na siyang nawalan ng malay sa dibdib ko.

    Chapter 5

    KEYLA

    I

    didilat ko na sana ang mga mata ko nang may marinig akong pamilyar na boses na nag-uusap malapit sa akin. Mabigat pa rin ang aking pakiramdam. Hindi ko akalain na magagaling din pala ang mga tauhan ng Mr. Fang na yun. Kung hindi ako nakailag ay siguradong napuruhan ako. Involved si Mr. Fang sa illegal business like drugs and human trafficking. Ibinibenta niya ang mga babae na makukuha nila sa mga parokyano niyang yakuza. At sa casino umiikot ang kanyang negosyo. Isa siya sa high profile na matagal nang binabantayan ng TAJSO. Sinigurado ‘kong nagawa ko ng maayos ang aking ikatlong misyon ngayon taon. Anim na buwan pa lamang mula nang maging isa akong agent na kasapi ng trial and justice secret organization or TAJSO. Kasama ko ang aking kakambal na si Nara. Sa ngayon ay nasa labas siya ng bansa dahil may sarili din siyang misyon. Ang mga magulang namin ay miyembro din ng isang undercover organization pero nagritero na si mommy dahil ayaw na ni daddy na pumasok pa siya sa delikadong trabaho. Mas pinili ni daddy na itira si mommy sa hacienda dahil doon ay tahimik. Si daddy naman ay nanatiling consultant ng TAJSO at siya din ang nag-recommend sa amin kaya kami pinili ng organization. Nalagpasan namin ang tatlong buwan na training. Hindi lang ako pati narin ng mga kaibigan ko na sina Riya, Luna at Sol na anak ni Tita Tamara at

    Enjoying the preview?
    Page 1 of 1