Discover millions of ebooks, audiobooks, and so much more with a free trial

Only $11.99/month after trial. Cancel anytime.

The Goodbye Girl: Mga Iba’t Ibang Kuwento ng Kasentihan
The Goodbye Girl: Mga Iba’t Ibang Kuwento ng Kasentihan
The Goodbye Girl: Mga Iba’t Ibang Kuwento ng Kasentihan
Ebook142 pages1 hour

The Goodbye Girl: Mga Iba’t Ibang Kuwento ng Kasentihan

Rating: 5 out of 5 stars

5/5

()

Read preview

About this ebook

Lahat tayo nagmamahal. Pero hindi lahat, minamahal. ’Yung iba, niloloko, sinasaktan, iniiwan.
May ibang binubulungan ng
“I love you.”
May ibang tinatanong ng “Will you marry me?”
At may iba na sinasabihan ng “Goodbye.”
 
Ito ay para sa lahat ng nagmahal, pero nasaktan at naiwan . . . para sa mga nagpapaalam. Para sa mga Goodbye Girl.

The Goodbye Girl is a compilation of short, witty, and heartwarming essays about heartache, heartbreak, and moving on. Noringai introduces readers to the five types of “goodbye girl”: the invisible girl, the other girl, the heartbroken girl, the bitter girl, and finally, the new girl. It is her hope that readers can “find comfort, hope, and even humor in every story,” and make them realize that what they are feeling “may be universal, but it’s just temporary.”

LanguageEnglish
Release dateNov 1, 2017
ISBN9789712731839
The Goodbye Girl: Mga Iba’t Ibang Kuwento ng Kasentihan

Related to The Goodbye Girl

Related ebooks

General Fiction For You

View More

Related articles

Reviews for The Goodbye Girl

Rating: 4.75 out of 5 stars
5/5

4 ratings0 reviews

What did you think?

Tap to rate

Review must be at least 10 words

    Book preview

    The Goodbye Girl - Noreen Capili

    Chapter 1

    The Invisible Girl

    Kapag hindi ka mahal ng taong mahal mo, ikaw iyong letter E sa word na LOVE. Nandyan ka pero hindi pino-pronounce.

    – The Letter E

    Ang Kuwento ni Aira

    (Ang Babaeng Friniendzone ang Sarili)

    Nine months na.

    Gusto ko sabihing nine months na tayo pero hindi naman tayo. Kasi wala namang tayo.

    Nine months na mula noong yayain mo akong magkape sa Starbucks. Yung simpleng Coffee naman tayo na imbitasyon mo ay naging Lunch tayo at nasundan ng Gusto mo mag-dinner bukas?

    May mga Samahan mo ako bumili ng ganito sa mall at Nood tayo sine na pag-aya ka rin.

    Hanggang sa araw-araw na pala tayong magkasama. Mas madalas na kitang kasama kesa sa mga kaibigan ko. Pati weekends, sakop mo na. Clubbing ng Biyernes at Sabado. Movie, dinner at pagsisimba ng Linggo.

    And before we knew it, nine months na pala tayong nagha-hang out. Daig pa natin ang ibang magdyowa na hanggang third or fourth monthsary lang.

    Nine months.

    Kumbaga sa buntis, nanganak na. Kaya sa tingin ko panahon na para aminin ko sa ’yo ang totoo.

    I am in love with you.

    Bakit naman kasi napakabait mo sa akin. Napaka-maalalahanin. Napakalambing.

    Bakit naman kasi sa panahon na malungkot ako, lagi kang nandyan para pasayahin ako. Sa mga oras na kailangan ko ng kasama, bigla kang darating para ayain ako sa kung saan. At kapag may magandang nangyari sa buhay ko, ikaw ang una kong napagkukuwentuhan kaya ikaw ang lagi kong kasama para mag-celebrate.

    Hindi ko matandaan kailan natapos ang pagtrato ko sa iyo bilang kaibigan at nagsimula na akong mag-ilusyon na boyfriend kita. Hindi ko alam paano nagsimulang makuryente ako sa tuwing hahawakan mo ang kamay ko kapag tumatawid tayo.

    At huwag mo akong tatanungin kung bakit na in love ako sa iyo, dahil sa sobrang dami ng dahilan, hindi ko alam anong isasagot ko. Pero isa lang ang malinaw sa akin: Tanga lang ang babaeng hindi magkakagusto sa iyo.

    Oo, in love ako sa iyo. Matagal na. Pero alam ko na hanggang kaibigan lang ang tingin mo sa akin.

    Kasi kung mahal mo rin ako ng higit sa kaibigan, dapat sinabi mo na noon pa. Dapat nag-level up na tayo. Dapat ang status natin sa Facebook ay In a relationship na at hindi Single.

    Pero hindi eh. Heto pa rin tayo. Friends.

    Ang nakakainis lang, you are sending me mixed signals. May mga sinasabi ka na nagbibigay sa akin ng dahilan para umasa na mahal mo ako. May mga ginagawa ka sa akin na nakakalito na, dahil hindi ko alam kung platonic pa rin ba tayo o may malisya na.

    Pero sa tuwing umaasa na ako at naniniwala na puwedeng maging tayo, sa tuwing nakukumbinsi na ako na pareho tayo ng nararamdaman, bigla kang may gagawin, may ikukuwento, o may ipararamdam na ikababagsak ko.

    Bigla mo akong binalik sa lugar na kung tawagin nila ay Friendzone.

    At pagod na ako sa ganitong pakiramdam. Uncertainty. Nagsawa na ako sa paulit-ulit na pakikinig sa, What do we mean to each other, am I friend am I lover? na kanta. At lagi na lang akong puyat dahil gabi-gabi, bago matulog, nakikipag-debate ako sa sarili ko para sagutin ang tanong na: Do you love me or are you just being nice?

    Ayoko na mag-ilusyon. Ayoko na umasa. Kaya heto ako, fini-friendzone ang sarili! Iniisip ko na hanggang kaibigan lang talaga ang tingin mo sa akin.

    Pero matapos ko aminin na in love ako sa ’yo, magpapaalam na rin ako.

    Parang ang awkward na kasi na maging friends pa rin tayo ngayong alam mo na in love ako sa iyo.

    At isa pa, kailangan ko gawin ito para makalimutan na kita. Kasi kung lagi pa rin tayong nagsasama, lalo lang akong mahuhulog sa iyo.

    Sana bastos at gago ka na lang. Sana ikaw ’yung lalaking adik, may bad breath at BO, lasenggero. Sana hindi ka gentleman at sweet. Sana bayolente ka o mainitin ang ulo at nananapak na lang ng kung sino kapag bad trip. Sana hindi ka mapagmahal na anak sa magulang mo, at sana walanghiya ka sa mga kapatid at kaibigan mo.

    Sana binigyan mo ako ng dahilan para maging madali ang kalimutan ka.

    Pero wala akong makitang kapintasan sa iyo eh. Ideal man ka. Perfect ka na maging boyfriend. Except for one tiny detail—hindi mo ako mahal.

    Kaya iiwasan na lang kita. Ayaw na kitang maging kaibigan. Ayaw na kitang makausap. Ayaw na kitang makasama.

    Ayoko na maging masokista. Pagkatapos ng sulat na ’to, ayawan na. Game over. The end. Kakalimutan na kita.

    Salamat sa nine months. Nakapanghihinayang pero hayaan mo na lang muna akong lumayo. Hayaan mo munang mawala itong nararamdaman ko para sa iyo.

    Hindi magiging madali ito. Nasanay ako na lagi kitang kasama. Nasanay ako na ikaw ang kasabay magkape, mag-lunch at mag-dinner. Going to mass on Sunday will never be the same dahil hindi na ikaw ang katabi ko.

    It will be painful and difficult to let you go. Pero mas mabuti na iyong saktan ko ang sarili ko ngayon sa pag-iwas sa iyo, kesa hayaan kitang saktan mo ako nang paulit-ulit sa araw-araw na magkasama tayo.

    Ang Kuwento ni Bea

    (Ang Babaeng Ayaw Umasa sa Happy Ending)

    Kung isa lang itong romcom movie, siguro ito na yung nasa gitna ng pelikula. ’Yung na-establish na kung gaano tayo ka-close bilang magkaibigan pero hanggang doon lang talaga tayo. At dahil may pinakilala ka na naman na bagong girlfriend, nagdesisyon ako na ayoko na.

    Sobra na akong nasasaktan sa mga nangyayari kaya I will try to live my life without you. Pero hindi ko aaminin sa iyo ang totoo. Hindi ko ipaaalam sa iyo na mahal kita.

    At habang oblivious ka sa feelings ko, may makakausap kang barkada natin. At siya ang magsasabi sa iyo na, Hindi mo alam? In love siya sa ’yo matagal na! Kaya siya pupunta sa ibang bansa para kalimutan ka.

    At magugulat ka sa nalaman mo. Hindi mo ini-expect na mahal kita. And suddenly, mapapa-what if ka, and you will be struck by the idea of having me as your girlfriend.

    Kaya bigla kang maghahabol kung saan man ako pumunta. And in the very nick of time, bago ako makasakay sa eroplano, o bago ako makapagsabi ng I do sa ibang lalaki, darating ka para pigilan ako. Tapos magbibitiw ka ng isang kilometrong dialogue tungkol sa undying love mo para sa akin.

    Pero wala tayo sa pelikula. This is reality. And in reality, kapag umalis ako at umiwas, hindi mo man lang mapapansin na wala na pala ako. O puwedeng magpaalam ako sa iyo, at hahayaan mo lang ako.

    Walang habulan sa airport. Walang mahabang dialogue sa dulo. Walang happy ending.

    Si Jolina sa Labs Kita, Okey Ka Lang. Si Kim sa Paano na Kaya. Si Bea sa She’s the One. Sila

    Enjoying the preview?
    Page 1 of 1