Discover millions of ebooks, audiobooks, and so much more with a free trial

Only $11.99/month after trial. Cancel anytime.

Bagay Bagay: Contemporary Philippine Poetry
Bagay Bagay: Contemporary Philippine Poetry
Bagay Bagay: Contemporary Philippine Poetry
Ebook167 pages1 hour

Bagay Bagay: Contemporary Philippine Poetry

Rating: 3 out of 5 stars

3/5

()

Read preview

About this ebook

Before we achieve big things in life, we have to start small first. However, sometimes, we tend to forget these little things. We tend to forget their importance. Thus, we wonder why our dreams are not fulfilled.

This contemporary poetry collection by Teo T. Antonio delves deeper into the small things that matter and how they significantly impact our lives in some way.

LanguageEnglish
Release dateNov 20, 2017
ISBN9789712733345
Bagay Bagay: Contemporary Philippine Poetry

Related to Bagay Bagay

Related ebooks

Poetry For You

View More

Related articles

Related categories

Reviews for Bagay Bagay

Rating: 3 out of 5 stars
3/5

2 ratings0 reviews

What did you think?

Tap to rate

Review must be at least 10 words

    Book preview

    Bagay Bagay - Teo T. Antonio

    bagay-bagay

    "Kadalasan, binabale-wala natin

    ang mga simpleng bagay sa ating buhay."

    "Sa mga panaginip nagsisimula

    ang pananagutan."

    BAGAY-BAGAY

    May bagay na hindi bagay bagayan

    may binabagayan kahit hindi bagay.

    May mababaw kahit hinuhukay,

    may lumalalim di man binubulay-bulay.

    May bulaklak na ang duklay

    hindi mo maaabot malapit man sa tangkay.

    May balon na walang tubig

    pero, sumalok ka’t bumubukal ng pag-ibig.

    May alon na dumadalaw sa dibdib

    gayong walang unos, ano’t nanliligalig?

    May dulo ng pag-asa’t panaginip

    pag nanggising ilulublob ka sa putik.

    May kidlat na kaulayaw ng unos

    pagsagitsit sa tubig, nalilinsad ang ilog.

    May kulog na simbait ng pag-irog

    bigla kang tutuligin sa mahimbing na pagtulog.

    May sigwang sa dibdib ay umiikot

    diwa ay tuliro kung masaya o malungkot.

    Anumang bagay na walang ngala’t depinisyon

    sa bungo’t dibdib parang umaambong karayom.

    18 MAYO 1988

    ALON

    Nagsalita ang alon, "May yaman ang alat

    ng tubig, pag tinutuyo ng mata ng araw.

    Maraming nag-ipon ng asin sa tubig,

    kaya mangingisda’y tumanda man

    may naglumot na sagwan at tikin ng pag-ibig.

    May binti at paang nagbalabal ng buhangin

    dahil, nang dumaong sinagupa ang daluyong.

    May nag-asin ang mukha’t labi,

    dahil umibig sa puyo ng unos.

    May katawang tinayantang ng araw at hangin

    sa gilid ng pilapil may itinaraw na tulos.

    May lambat na nawasak sa pagsuyod sa dagat

    pero, tinagpian ng hibla ng pananalig.

    May umibig sa akin at nagk’wintas ng perlas,

    naiinggit ang buwan sa mumunting kislap.

    Hinagkan ng hangin ang kaluskos ng tubig,

    nag-asin ng pagsinta ang bangka at katig.

    Nagtikin ang ulap ng pagliyag sa buhangin,

    biglang-biglang nabura nang ako’y dumating.

    Laging may panganib sa katahimikan ko,

    ang di nila batid na kasakiman ng tao."

    18 MAYO 1988

    UGAT

    Kinukuha niya ang sustansya ng lupa,

    bukal ng tubig upang magbigay-buhay

    sa puno’t halaman. Pero, may ugat

    na kaaway ng kapwa ugat. Gaya ng

    gumagapang na damo. Kailangang

    hawanin sila’t patayin upang

    mabuhay ang namumungang halama’t puno.

    Maging sa angkan at pulutong ng mga

    ugat, sila-sila’y nag-aaway sa sustansya

    ng lupa. Tulad ng lahi, angkan, pulutong

    kapisanan ng mga taong nagtutunggali

    dahil sa nakatutuksong yaman ng daigdig.

    19 MAYO 1988

    PALITO

    Mula sa pinagkiskis nabato ng unang tao,

    mababakas ang pinanggalingang kaalaman

    sa paglikha ng palito ng posporo. Ngayo’y

    iba’t ibang kulay ang pulburang ulo.

    May pula, itim, asul, berde, biyoleta

    at iba pa. May karaniwan at naiiba ang

    bahay na pinagkikiskisan upang magdulot

    ng apoy. Kaulayaw ng mga dukha ang may

    ulong pula at itim na ang bahay, may

    karaniwang disenyong pinananahanan.

    Kalaguyo ng mga mayayaman ang may ulong

    iba’t ibang matitingkad ang kulay

    at magagandang disenyo ang nilikhang tahanan.

    Palamuti sa mararangyang restoran at otel,

    ipinamimigay sa mga suki at bagong kostomer.

    Pero lingid sa kabutihan ng palito ng posporo,

    tinilad na katawa’y mula sa tapyas ng troso

    sa gubat at bundok. Nang gamitin ng salarin

    upang sunugin ang pinagmulang puno sa pagkakaingin;

    nakalbo ang kagubata’t kabundukan, ginamit

    ang palito ng posporo sa pagtupok ng sariling angkan.

    19 MAYO 1988

    BUNDOK

    Inibig ng bundok maging lantay ang kariktan,

    mamukadkad ang liryo, tumabal ang damuhan.

    Ibig din niyang yumabong ang punongkahoy,

    magsalabat ang baging na tulayan ng mga

    Enjoying the preview?
    Page 1 of 1