Discover millions of ebooks, audiobooks, and so much more with a free trial

Only $11.99/month after trial. Cancel anytime.

Huling Yugto
Huling Yugto
Huling Yugto
Ebook135 pages1 hour

Huling Yugto

Rating: 0 out of 5 stars

()

Read preview

About this ebook

This book is all about family, friendship, love, pain, hate and sacrifices. 

This book is all about family, friendship, love, pain, hate and sacrifices. 

This book is all about family, friendship, love, pain, hate and sacrifices. 


LanguageEnglish
Release dateJan 5, 2023
ISBN9789360496548
Huling Yugto

Related to Huling Yugto

Related ebooks

General Fiction For You

View More

Related articles

Reviews for Huling Yugto

Rating: 0 out of 5 stars
0 ratings

0 ratings0 reviews

What did you think?

Tap to rate

Review must be at least 10 words

    Book preview

    Huling Yugto - Lorena Soberano Sajo

    Huling Yugto .

    S

    ino ka ba? tanong ng isang batang babae na abalang nagaayos ng kanyang paninda sa bangketa.

    Sumagot ang matandang lalaki sa kanyang tanong, Hindi mo na kailangan na malaman kung sino ako, sagutin mo nalang ang tinatanong ko sa iyo

    Tumigil ang bata sa pagaayos ng kanyang paninda at ang kanyang mga mata ay nangangalit na tumigin sa matanda, Nakikita mo ba? basahan ang tinitinda ko at hindi impormasyon na gusto mong malaman.

    Hinablot ng matandang lalaki ang buhok ng bata at itinulak ito sa pader ng tindahan, alam mo may kalalagyan ka kapag hindi ka sumagot ng ayos

    Lubos na nasasaktan ang batang babae sa ginagawa sa kanya ng matandang lalaki. Ngunit kipit-balikat lamang ang mga taong dumaraan sa tindahan, na mistulang mga istatwa sa kalye na walang nakikita sa kanilang paligid at ayaw makialam sa nagyayari. Pilit na kumakawala ang bata sa mga kamay ng lalaki. Gamit ang kanang kamay hinugot ng lalaki sa kanyang likod ang isang baril na nakasukbit sa kanyang pantalon at itinutok ito sa ulo ng bata, tumigil sa pagpalag ang bata ng marining niya ang pagkakakasa ng baril na itututok na sa kanyang ulo.

    Pasasabugin ko ang bungo mo kung hindi mo ibibigay ang impormasyon na hinihingi ko ang sabi ng matandang lalaki. Nagmamakaawa ang batang babae na huwag siyang patayin. Wala po talaga akong nalalaman sagot niya. Sinampal siya ng lalaki na halos ikahandusay ng bata sa sahig. Patuloy sa pagmamakaawa ang bata ngunit muling itinutok ng lalaki ang baril sa ulo ng bata.

    Pakiusap, nagmamakaawa po ako sa inyo, wala po talaga akong impormasyon na nalalaman na kailangan mo sagot ng batang babae.

    Kung ganun tapos ang usapan sabi ng lalaki. Kasabay ng pagtulo ng mga luha sa mga mata ng batang babae habang siya ay nagmamakaawa ang pag-alingawngaw ng dalawang putok ng baril sa may bangketa kung saan nagtakbuhan ang mga taong nasa paligid. Napaluhod ang batang babae at ang matandang lalaki ay dali-daling tumakbo sa maraming tao. Sa mga sigawan ng tao sa paligid ay  kasabay ng pagpatumba ng batang babae sa sahig. Wala ni isang tao ang naglakas ng loob na lapitan ang bata. Patuloy sa pag-agos ang dugo mula sa ulo ng bata at halos kumalat na ito sa buong sahig ng tindahan. Ilang oras pa bago dumating ang mga pulis sa lugar ng pinangyarihan ng krimen. Kinurdunan agad ang tindahan sa may bangketa ng mga pulis at nagsimula na silang mag-imbestiga sa nangyari sa batang babae.

    Sir, pang apat na insidente na ng pamamaril na ito sa mga bata na nagyari dito sa may bangketa sabi ng isang pulis sa kanyang nakatataas na lider. Parehas ang mga pangyayari at ayaw tumistigo ng mga nakakita, ayaw rin nilang ituro kung sino ang gumawa nitong pamamaril sa batang babae. Wala tayong magagawa diyan hindi natin sakop yan, baka tayo pa ang maputukan sa huli kapag nagimbestiga pa tayo ng sobra. Kaya gawan mo nalang ng paraan siguradong malilintikan tayo sa taas kapag hindi natin inintindi yan sagot ng kanyang lider.

    Napailing nalang ang pulis na nagiimbestiga sa krimen at katulad ng kanilang ginawa sa mga dating insedente ng pamamaril sa mga bata doon sa bangketa.

    I

    M

    amamasid ang lungkot sa mukha ni Gina habang naglalakad sa may palengke, bitbit ang mga tira-tirang pagkain galing sa karenderya. Napagalitan na naman kase siya ni Mang Jojo dahil sa pangunguha ng pagkain sa karenderya na inuuwi niya para sa kanyang bunsong kapatid. Si Gina na kase ang naging katulong ni Mang Jojo sa halos tatlong taon na pagsisimula ng karenderya hangang sa lumago, ngunit sa paglago nito ay hindi naman nabago ang pagtrato ni Mang Jojo sa kanya. Kaya ganun na lamang ang inasal ni Gina kay Mang Jojo sa karenderya. Halos hindi na siya paswelduhin sa trabaho niya doon, kaya kapag may pagkakataon nagpupuslit siya ng pagkain.

    Si Gina ay labing-apat na taong gulang na, wala na ang mga magulang niya na nag-aaruga sa kanya. Ang kanyang ama ay nakakulong dahil sa paggamit ng droga at ang kanyang ina naman ay namatay dahil sa sakit. Maaga siyang naulila at namulat sa takbo ng buhay- ang buhay na pagiging salat. Ngunit hindi naman siya lubos na nag-iisa sa buhay, kasama niya ang kanyang bunsong kapatid na si Gino, sampung taong gulang. Silang dalawa ay nagbabanat ng buto sa pagtatrabaho para sa isa’t-isa upang may makain,makapag-aral at mabuhay , habang si Gina ay namamasukan  sa karenderya ni Mang Jojo si Gino naman ay nangongolekta ng bote at bakal na kanyang ipinagbebenta.

    Sa isang maliit na barong-barong  ang kanilang bahay sa may tabi ng riles ng tren. Doon na sila lumipat ng mamatay ang kanilang ina.

    Bakit busangot na naman yang mukha mo ate? Napagalitan ka naman ba ni Mang Jojo dahil sa pangungupit ng pera o pagpupuslit ng pagkain tanong ni Gino.

    Ngunit dire-direstso lang si Gina sa kusina at inilapag niya sa lamesa ang pagkaing dala-dala niya at nagtungo sa kanyang kwarto. Sinundan niya si Gina, Ate ang pangit mo? pangaasar niya.

    Binato niya ng tsinelas si Gino, ngunit nakailag siya. Tinawanan lang ni Gino si Gina sa sobrang naasar na mukha niya. Kinuha niya ang bangkito sa ilalim ng lamesa at humarap kay Gina.

    Sige na sabihin mo na sa akin ate! sabi ni Gino. Umupo ng ayos si Gina, Si Mang Jojo kase hindi na naman ako binibigyan ng kaukulang sahod ko sa karenderya. Ako na nga ang nagtitiyaga na tulungan sya tapos ako pa yung hindi niya bibigyang ng kakarampot na sweldo na dapat para sa akin sagot ni Gina.

    Tumayo si Gino sa  kanyang pagkakaupo at dinukot ang kanyang pitaka. Pinakita niya kay Gina ang pera na kanyang napagbentahan sa mga bote at bakal na kanyang nakalakal.

    May pera na akong naipon pambili ng uniporme para sa pagpasok ko kaya wag mo ng problemahin pa iyon sagot ni Gino. Ngunit si Gina ay hindi pa rin pabor sa pangangalakal ni Gino tuwing sabado at lingo kapag siya ay walang pasok sa paaralan.

    Dapat ang mas pagbutihin mo ay ang pag-aaral mo Gino! pagpapaalala ni Gina. Hindi ko naman pinababayaan ang pag-aaral ko ate! sagot ni Gino. Kumain ka na ba? may dala akong kanin, kare-kare at sabaw galing sa karenderya, sambit ni Gina.

    Tumingin si Gino sa nakakatandang kapatid at ngumiti siya ng may halong pang-aasar pa sa kapatid.

    Kumain na nga tayong dalawa!pagyaya ni Gino kay Gina.

    Hindi mawawari ang paghihirap ni Gina upang makakain sila ng tatlong beses sa isang araw at makapagpatuloy sa pagaral ang kanyang kapatid sa paaralan malapit sa may riles. Naniniwala si Gina na makakaahon sila sa kahirapan kung magtitiyaga siya at makakapagtapos si Gino. Iisa lamang ang naisin niya, ang makahaon sa hirap na kanilang nararanasan. Nasanay na siya sa mga taong mapanghusga sa lipunan. Sa mga masasakit na salita na dahilan ng kanyang pagluha sa bawat gabi na dumaraan.

    Si Robert, ang kanilang ama na nakulong dahil sa droga. Nagtatrabaho siya sa isang pagawaan ng mga sapatos tumagal siya roon ng dalawampu’t limang taon bilang trabahador. Binata pa lamang si Robert ay nagtatrabaho na siya sa sapatosan hanggang sa makilala niya si Elsa at sila ay nagsama. At ang bunga ng kanilang pagsasama ay ang kanilang mga anak na sina Gina at Gino. Noon ay naibibigay niya ang lahat ng pangangailangan ng kanyang pamilya at nakakapasok sa eskwelahan sina Gino at Gina, ngunit nang mamatay ang kanyang asawa dahil sa malubhang sakit, nawalan ng direksyon ang buhay niya.  Natangal siya sa trabaho, napabayaan niya ang kanyang dalawang anak at nalulong sa droga dahil sa isa sa mga kasamahan niya sa trabaho na nagganyak sa kanyang gumamit. Nakulong siya at nahatulan pa ng habang buhay na pagkakakulong nang mapatay niya ang isa sa mga kasamahan niya sa selda dahil di umano sa di pagkakaintindihan na nauwi sa pisikalan. Sa mga pangyayaring iyon, ang tingin ng mga tao sa kanilang magkapatid ay katulad ng pagtingin nila sa kanilang ama na mamamatay tao. Si Elsa naman bago siya mamatay ay isang asawa na mapagmahal at lubos ang pag-aaruga sa kanyang dalawang anak. Ngunit si Elsa ay nagkaroon ng malubhang sakit na tinatawag na lupus. Unti-unting nanghihina ang katawan niya at di nagtagal siya ay namatay. Sa mga pangyayaring iyon sa buhay nila ay hindi naging madali para sa magkapatid ang bumangon sa mga masasalimuot na nangyari sa kanilang pamilya.

    Matatanaw ang napakahirap na mamumuhay nila sa tabi ng riles ng tren. Kalakip ang bawat araw na peligro na dala-dala sa lugar na iyon. At kung hindi ka marunong makibagay ay hindi ka magtatagal doon. Halos maglilimang taon na silang nakatira doon. Nasanay na sila sa takbo ng buhay sa riles. Ngunit sa loob ng limang taon na iyon ay nabuo ang isang pamilya na kanyang natagpuan. Ang mga kaibigan nya na naging kasangga niya sa buhay. Sina Alan,Ton-ton, Bert, Ruby at Mae. Sila ay mga batang nagkakila-kilala dahil nakatira sila sa may tabi ng  riles ng tren. Kilalang-kila na sila sa lugar na iyon bilang mga batang riles. Si Alan, labing anim na taong gulang at ang lider ng grupo. Si Ton-ton, labing-limang taong gulang, ang mata at tenga sa lugar nila. Si Bert naman ay labing-tatlong gulang na at ang pinakabunso sa grupo. Si Ruby at Mae naman ay labing-apat na taong gulang din na kaedad ni Gina. Sila ang nagsisilbing

    Enjoying the preview?
    Page 1 of 1