Discover millions of ebooks, audiobooks, and so much more with a free trial

Only $11.99/month after trial. Cancel anytime.

Ang Banal na Aklat ng Mga Kumag
Ang Banal na Aklat ng Mga Kumag
Ang Banal na Aklat ng Mga Kumag
Ebook309 pages5 hours

Ang Banal na Aklat ng Mga Kumag

Rating: 4 out of 5 stars

4/5

()

Read preview

About this ebook

The groundbreaking novel by Allan N. Derain (who also drew the wonderful illustrations). Published by Anvil Publishing, Inc., it was the Carlos Palanca Memorial Awards for Literature grand prize winner for the category Novel in Filipino in 2011.

LanguageEnglish
Release dateSep 13, 2017
ISBN9789712729065
Ang Banal na Aklat ng Mga Kumag

Related to Ang Banal na Aklat ng Mga Kumag

Related ebooks

General Fiction For You

View More

Related articles

Reviews for Ang Banal na Aklat ng Mga Kumag

Rating: 4.111111111111111 out of 5 stars
4/5

9 ratings1 review

What did you think?

Tap to rate

Review must be at least 10 words

  • Rating: 5 out of 5 stars
    5/5
    May dalawang rebyu nitong Ang Banal na Aklat ng mga Kumag akong tiningnan dito sa internet. Ikinompara ko ang mga ito sa intro ni Jun Cruz Reyes. Hindi nagkakalayo-layo ang pagtingin nilang tatlo. Masasabi kong kapos ang basa nila. Kapos in a sense na, halatang binasa nila ang Kumag ayon sa mga teoryang Kanluraning wired na sa pananaw ng mga akademiko sa larangan ng malikhaing pagsulat.

    Kung ano ang masasabi ko sa libro ni Derain, ay wala sa mga binanggit ng dalawang rebyu at intro.

Book preview

Ang Banal na Aklat ng Mga Kumag - Allan N. Derain

Ang Banal na Aklat ng Mga Kumag

Orihinal na aklat inilathala ng Cacho Publishing House, 2013.

E-book inilathala ng Anvil Publishing, Inc., 2014

Katha at guhit ni Allan N. Derain. Petsa ng paglalathala (Date of publication), 2013. Natapos ang manuskrito nitong aklat at ginawaran din ng unang gantimpala (para sa nobela) ng Carlos Palanca Memorial Awards for Literature noong 2011. Copyright © ni Allan Derain, kasali na ang mga guhit niya na ginamit sa aklat na ito. Reserbado ang lahat ng karapatan — hindi maaaring kopyahin o gamitin ang anumang bahagi ng akdang ito, guhit man o teksto, sa anumang paraan, kahit na mimeograph o photocopy, nang walang nakasulat na pahintulot mula sa awtor at tagapaglathala.

Para sa impormasyon, diskwento at malalaking order, tumawag o magsadya sa Anvi Publishing, Inc.

7th floor, Quad Alpha Centrum

125 Pioneer St, Mandaluyong 1550

Telepono: 477-4752, 477-4755 to 57; Fax: 747-1622

sales@anvilpublishing.com

www.anvilpublishing.com

ISBN 9789712729065 (e-book)

Disenyo ng aklat at pabalat (gamit ang guhit ng awtor): Ramón C Sunico

Bersyon 1.0.1

NILALAMAN

Kung Paano Maiiwasan ang Pagkakasala sa Pagbabasa sa Banal na Aklat ng mga Kumag

Introduksiyon ni Jun Cruz Reyes

Panimulang Dasal ni Anitang Sasamba

Prologo

AKLAT NG MGA PINAGMULAN

1. Kung Saan Nagmula ang mga Dios

2. Kung Paano Isinilang ang Dakilang Manunubos

3. Kung Paano Nalikha Itong Mundo

4. Isang Mahabang Kuwento ng Isang Ubod Habang Ahas

5. Ang Dasal na Lunas sa Lahat ng Karamdaman

6. Sa Pagkamatay ng Dios Ama

7. Kung Saan Nagmula ang mga Demonyo

8. Maliliit na Boses

9. Kulang-kulang sa Isang Basong Taho

10. Ang mga Unang Gawain

AKLAT NG TRES PILARES

11. Ang Karaban

12. Mapaghimalang Laway

13. Ang Namatay na Muling Binuhay

14. Ang Manggagaway sa Sangandaan

15. Aral Tungkol sa Kamatayan

16. Ang Pagtawag sa Tres Pilares

AKLAT NG LIWANAG AT DILIM AT IBA PANG MGA BAGAY SA PAGITAN

17. Aral sa mga Malakumag

18. Sugo Mula sa Sentro

19. Aral sa Isang Hindi Kumag Ngunit Nagpasyang Maging

20. Giyera ng Dalawang Kuwento

21. Tinig ng mga Kaluluwang Naghihirap

22. Sa Daan Papuntang Pueblo Dadaklan

23. Isang Piging

24. Alleluia! Alleluia!

25. Sa Simbahan din ang Tuloy

26. Ang Pagpurga sa Kura

27. Pagdating ng mga Salot

28. Paglilibot

29. Exodu

30. Aral sa mga Kumag-kumagan

31. Epilogo: Para Kay Pepe ang Isang Ito

Tala ng Awtor

KUNG PAANO MAIIWASAN

ANG PAGKAKASALA

SA PAGBABASA SA

BANAL NA AKLAT NG MGA KUMAG

Bakit ba tayo nagbabasa ng nobela?

Kasi nakaka-relate tayo.

At itinutuloy natin ang pagbabasa, kasi’y natutuwa tayo. Gusto natin ng ending na — ay oo nga, o kaya’y, ay ganoon pala iyon. Saka natin hahanapin ang totoo sa binasang kathang-isip, sa mga tauhan at mundong hinabi ng awtor. Anong insight meron ang nobela. Doon nagkakatalo. Mas malamang, naroroon ang bago. Paano nabuo iyon ng awtor. Iyon ang istrakturang naglaman ng kanyang diskurso. Anyo ng diskurso. Saka pa lamang natin masasabi kung maganda ba o hindi ang ating binasa. Nagandahan kasi tayo sa anyo at pamamaraan ng pagsusulat ng diskurso ng awtor.

Sa fiction ay posible ang lahat. Kahit anong idea puwede, basta maganda ang pagkakasulat at magaang basahin. Ito ang gayuma ng nobela sa mambabasa, na tanging ang kasalukuyang anyo ng autobiographical nonfiction ang katapat. (Dati’y nanghihiram ang nonficton sa estilo ng fiction. Ngayo’y ang nobela na ang nanghihiram ng istratehiya sa nonfiction.) Sa nobela’y nagsasalimbayan ang samutsaring idea, guniguni, pantasya, duda at pati na mga kaisipang ewan ng awtor. Maraming boses, maraming diskurso. Mas maraming diskurso, mas mapaghamon. Sa dulo’y masarap basahin, dahil pinasimple ng awtor ang mahirap na usapan. Kung gayon, ang pagbabasa ay isa ring anyo ng dialogue. Nag-uusap ang akda (na manipulado ng awtor) at ang mambabasa. May inihahayag at itinatago ang akda, na siya namang dinadalirot ng mambabasa. Kaya nga sa dulo’y mahalaga ang pagkakaunawaan nila.

Paano kung ang binabasa’y kakaiba. Yung waring alam mo naman ang sinasabi, pero hindi mo ganap na mawari kung inaano ka ng manunulat. Pinapatawa ka lang ba? Inaalaska? Bakit? Para ano? Paano kung ang istilong ito ay isa lamang device para maisama ka ng awtor sa dinidiskurso niyang kaisipan? Dito, pinagagaang ang mabigat, pinadadali ang mahirap. At ito naman ang dahilan kung bakit ang mga libro ay mas malamang na may introduksyon na kung magkaminsa’y mukhang nakakakapal lamang sa libro kaya tuloy namamahal ito. Iyon ang gamit ng introduksyon, para ipaliwanag ang konteksto at halaga ng isang akda.

Ang nobelang ito ay nasa anyo ng retelling. Muling ikinukuwento ang isang dati nang kuwento, na isinapanahon ng awtor ang pamamaraan at lenggwahe. Sa kaso ng nobelang ito, ang pagsasanibsanib ng maraming kuwentong bayan at epiko ng bansa, na hindi lang folk tradition ang nilalaman kundi isinama pa ang folk christianity, o ang pagsasanib ng kaisipang kristyano at katutubo. Sa gayo’y nauunawaan natin ang kaisipang posibleng mangyari kapag nagsanib ang dati at bago. Wala naman talagang matatawag na purong kultura, dahil kapag nakipag-ugnayan ang isang pangkat ng tao sa itinuturing na dayuhan, may mga adaptasyong nagaganap, tulad ng mga kagamitan sa teknolohiya. Tulad rin sa mga paniniwala. Transisyon ng katutubo patungo sa kanlurang paniniwala ang laman ng nobelang ito.

May isa pang anyong binubuhay ang nobelang ito, ang tradisyon ng siste sa mga Tagalog. (Nawala na ang orihinal na salita, ang naiwan ay ang salin ng mga Espanyol, tsiste nga.) Ito ang tradisyon nina Juan Pusong, Pilandok at Juan Tamad. Ito rin ang tradisyon ng Noli Me Tangere at El Filibusterismo ni Rizal, at pati na ni Eros Atalia, Bob Ong at iba pang manunulat na kinawiwilihang basahin ng mga kabataan sa kasalukuyan. Sa tradisyong ito, noon at ngayon, natatawa ang nakikinig (noon) at nagbabasa (ngayon) dahil laging nauutakan ng maliliit ang malalaki. Isang anyo ito ng subersyon o transgresyon, ang pambabanat sa poder sa mahinay na pamamaraan. Ang tradisyong ito ay hindi rin naman sa atin lang. Makikita ito sa kabuuan ng South East Asia, o ang tinatawag na mga Austronesian na ginawa ng Nusantao kamakailan, na ang ibig sabihi’y mga taong nakakaintindi sa gamit ng bangka sa kabuhayan at sa kalakalan (Solheim).

Matapos ang Noli at Fili ni Rizal, ang mga sumunod na mga nobela’y hindi na masayang basahin. Naging kuwento ito ng mga pagdurusa at hapis, ng mga drama na’y dinadrama pa, ng lumbay at hirap, ng walang katapusang hu hu hu, na nakakaiyak na’y malamang mauwi pa sa alta presyon, o kaya’y ng mga nobelang ang mga tauha’y mahilig magsitula kahit hindi naman mga makata, na mahilig ding magsermon, pero hindi rin naman mga pari (romantisismo). Sa madaling sabi, iyon ang luma. At ang nobelang ito na babasahin ninyo ay ang bago (postmodern).

Sa kasalukuyan, uso rin ang panulat na awtobiograpikal. Sila ang mga manunulat na may gustong isiwalat na kakaiba sa kanilang buhay. Karugtong ito ng usapin sa kung sino ang api at mapangapi. Noo’y ang mga magsasaka at mga manggagawa ang api. Pero mas api raw ang mga asawang babae (sub-altern ni Spivak), at nagtuloytuloy na ang diskurso ng paapihan. Api ang babae, api rin ang binabae, api rin ang chickboy na puwede sa chick at puwede rin sa boy, at api pa rin ang mga taong ayaw tanggapin ang kalikasan ng kinagisnang sex organ kung kaya’t gustong palitan. Ang usapin ng uri ay pinalitan ng usapin ng ari. Pero hindi naman daw sila mga marginalisado dahil wala naman daw talagang maituturing na margin, dahil daw bilog ang mundo, kaya ang lahat ay nasa sentro. Kung gayo’y pagandahan na lang ng kuwento. Magsulat ng mga kakaiba, mula tema hanggang sa anyo para mapansin ang dala-dalang advocacy, ano man iyon. Ganito ang tendensya ng panulat na postmodern.

Sa ganitong kalakaran, paano babasahin ang Ang Banal na Aklat ng mga Kumag ni Allan Derain? Dito’y pinapaksa niya ang isa sa pinroblema ng mga sinaunang pilosoper, ang mga simula, ang kahulugan ng mga simula. Saan galing ang tao (hindi pa ang sa kung saan nanggaling ang buhay). Hinalungkat niya ang mga epiko at iba pang kuwentong bayan. Isinanib sa paniniwala at ritwal na dala ng mga Espanyol. Hinanap ang konteksto sa kasaysayan. Idinagdag ang kaalaman sa anthropology at history. Tinimplahan pa niya ito ng siste. Sinangkutsa, ang resulta, ang retelling ng pagsasanib ng luma at bago. Doon siya bumuo ng ilang posibleng kahulugan.

Tungkol saan ang proyektong ito? Isang pangungumpisal ba ito sa kanyang pananaw sa kung ano ang relihiyon? Kung ganoon nga, ang personal niyang pananaw ay nagiging politikal, at sa kanyang panulat ito’y nag-aanyong diskurso. Split-level Christianity, na puwede ring tignan bilang pagtatangka niya sa isang posibleng pagbasa sa laman ng isip ng mga katutubo noong bago pa lamang ipinapasok ng mga Espanyol ang dala-dala nilang relihiyon. Kung ganoon nga, parang isang case study ang nobelang ito, na ginawa niya sa anyo ng isang fiksyunal na alternatibong kasaysayan. Isang akto rin ito ng panghuhuli sa collective unconscious ng mga lipi at angkan, na bagama’t hindi naman nag-uusap-usap, pero dahil parehong nakararanas ng mga pagbabagong dala ng mga dayuhan, ay nakagagawa ng halos magkakatulad na reaksyon sa pagtugon sa nagaganap na pagbabago.

Sa contest ng paapihan, ano ang take ni Derain sa usapin ng uri? Sang-ayon sa kanya, may mas kawawa pa sa manggagawa at magsasaka. May mas maliit pa sa maliliit. Sa totoong buhay, sila ang mga dehumanisado, ang mga taong mahirap pa sa daga, na binibiktima ng mga unggoy at buwaya na nasa poder, sila na may binaboy na buhay para mabuhay. Sila na naghahanap ng araw-araw na kakainin kapalit ng kung ilang kahig bago may matuka. May iba pang mundo ng mga kawawa, sila na mas maliit pa sa pinakamaliit, silang mga kumag (insekto), malakumag at nagpapakakumag. Ang malalaki pa rin ang kalaban nila.

At sa diskurso ng mga kumag, naririnig din natin ang boses ng ating lipunan at panahon. Hindi tayo nasasaktan na mali pala ang ating kasaysayan, mali rin ang pananampalataya at mali ang ipinaglalaban. Nagtatawa pa nga tayo, kasi’y hindi naman ito totoo. Pero nakaka-relate tayo, hindi pa rin ba ito totoo. Sa ganitong tendensya, ang inaakalang simpleng akda ay transgresibo pala. Binabanat nito ang mga limit, tinitignan ang mga posibilidad. Kung kinakailangan, patatawanin tayo para hindi maramdaman ang kanyang pambabatok (carnivalesque). Saka natin itatanong, ano ang gustong palabasin ng akda? Tiyak na hindi wala lang. Hipokridad, wala lang. Kawalan ng hustisya. Kalayaan. Kaligtasan. Ilan lamang ito sa malalaking salita na dinidiskurso ng mga kumag.

Ang buong nobela ay nag-oopereyt sa level ng absurd at satire kung kaya’t malutong ang sense of humor. Nagpapaalala ito sa mga sinulat nina Roland Barthes at Mikhail Bakhtin tungkol sa nobela, at sa isang banda’y ni Umberto Eco. Lahat sila’y gumamit ng estilo ng demistipikasyon at dekonstruksyon na siyang ginagawa ng akdang ito ni Derain. Ang nobelang ito ay isang retelling ng tradisyon sa literatura ng paglikha at pagwasak, sa baligtad na pamamaraan. Ang mga kuwento’y laging nag-uumpisa sa kamatayan bago ang paglikha na sa dulo’y ang pagbubuo ng isang utopia. Sa akdang ito rin, literal na nawala ang awtor, siya ay nagtransporma sa iba’t ibang katauhan na ang pinakahuli’y si Benito, ang tuko. Gayunpaman, isinasatinig ng iba pang tauhan tulad ni Amang Jojo ang poetika ng manunulat. Laging schizophrenic ang isang manunulat. Dito lumalabas ang kanyang polemics, makabayan ba, anarchist ba o nativist ang akda?

Ang lahat ng polemikong ito’y nabuhay ng awtor sa bisa ng kanyang matalas na obserbasyon na nagiging biswal na detalye ng mga tauhan at pangyayari. Ito ang lakas ng nobelang ito.

Dahil nangaiba tayo sa akda, na sa kuwento’y inaakda pa lamang, na hindi pa rin nakakatiyak na makapapasa sa pamantayan ng mga imahinaryong likhang dios ng akda (metafiction), magtatanong na tayo kung ano ang gustong palabasin ng akda at ng may akda. Isang pagtatasa ba ito o isang pagsisisi. Isang simpleng pagpapahayag o isang pagkakalag. Sa gayo’y may iba pa tayong makikita sa akda at sa kasaysayan. Ito ang apropriyasyon ni Derain sa isang posibleng pagbasa sa kanyang alternatibong kasaysayan, sa kung paano ang posibleng laman ng isip ng mga katutubo noong nag-uumpisa pa lamang ipasok sa bansa ang relihiyong Katoliko. Mayroon siyang gustong baklasin.

Para mas mabuo ang retelling na ginagawa ni Derain, maganda siguro kung ikukunekta ito sa tatlo pang akda na may ganito ring tangka. Una ang Batbat hi Udan ni Jun Sungkit bilang panimula. Laman nito ang digmaan ng mabuti laban sa masama sa punto de bista ng mga katutubo. Sa akdang ito’y wala pa ang mga dayuhang Espanyol. Mundo ito ng mga katutubong Higanon ng Bukidnon. Saka natin isunod ang nobela ni Derain. Isunod ang bagong anyo ng metrical romance, ang Hari Manawari ni German Gervacio. Labi ng mga kuwentong bayan at epiko rin ang laman nito tulad ng kay Derain, lamang ay may mga prinsesa at prinsipe pa na mga naninirahan sa mga palasyo. At kung idadagdag pa ang nobelang Sa Kasunod ng 909 ni Edgar Samar. May makikita tayong kongkretong direksyon ng mga akdang retelling sa Pilipinas sa ngayon. Parang pagbasa sa serye ng kasaysayan ng Pilipinas mula noon hanggang sa ngayon, mula sa panahong pre-colonial hanggang sa panahong postmodern sa anyong fiction. Pawang kakaiba ang mga nabanggit na nobela. Pawang magaang basahin. Sina Derain, Gervacio at Samar ay pawang witty at mapaglaro sa salita. Punong-puno rin ng irony ang kanilang nalikhang katatawanan. Lahat sila’y naghahanap ng kahulugan ng kabansaan. Malayong-malayo ang mga ito sa kinagisnang nobela. Ito ang halaga ng akda ni Derain at tatlo pang nabanggit. Ganito ang nagagawa ng mga ganitong akdang, nabibigyan ng puwang ang hindi mabuhay ng kasaysayan at anthropology. Sa dulo, ang halaga ng mga ito, bagama’t nasa anyo ng fiction, ay ang paglalahad ng nabiting natural na proseso ng natural na pagbubuo ng bansa, na hinabi nilang remnant ng mga natitirang kuwentong bayan at epiko ng mga rehiyon. Ito tayo, isang representasyon ng pagbubuo ng mga pinagwatak-watak.

Tulad ng marami pang mga manunulat sa kasalukuyan, lahat sila’y bahagi ng proyekto ng pagbabansa. Karamihan sa kanila’y produkto ng akademya. Mahalaga rin itong banggitin para luminaw kung nasaan na ang kontemporayong panitikan ng Pilipinas. Sa gayo’y isang pagmamapa rin ito ng kasalukuyang anyo at tunguhin ng panitikan ng bansa. Maipapaliwanag nito ang pagkakaiba ng panulat noon at ngayon.

At kung ano ang ginagawa ng mga manunulat sa akademya. Isa pang imbestigasyon ang kasunod sa tanong. Sapagkat matamlay na ang print. Sapagka’t ang pagsusulat ng nobela ay hindi na makabubuhay ng pamilya (hindi kasali si Bob Ong). Sapagkat ang akademya na ang mas sumusunod na paborableng trabaho ng isang manunulat. Kailangang magbagong anyo rin ang panulat para makasabay sa panahon at giliw ng mambabasa. Nagpapakitang gilas ang mga batang manunulat. Kaya naman ang ganitong akda’y isa ring selebrasyon. Hindi pumapayag ang mga batang manunulat na mamatay ang panitikan. Sa halip, buong gilas, binubuhay at pinalalakas nila ito. Nagbabalikwas sila, at higit pa, tulad ng akdang ito na maaaring ituring ding isang akda ng pagbabaklas. Kailangang may mawarat para may mabuo. Ginigiba ang mga kumbensyon para may lumabas na sariwa. Isang pag-aakda ng pagbabanta. Ganito na ang tunguhin ng fiction, sa mundong nagbabago. Hindi tradisyunal, hindi rin tumatakas, nagbabagong anyo. Simula rin ng redepinisyon ng mga akdang may tunguhing transgresibo (pasaway). Hindi masama, bagkus, dapat pa ngang tangkilikin. Sapagka’t tayo ang kuwento. Tayo ang sensibilidad. Sa globalisadong mundo, hinahanap pa rin natin ang ating espasyo.

Jun Cruz Reyes

Lungsod Quezon

kumag, png. kusing na may pinakamaliit na halaga noong panahon ng Kastila; maliit na hayup; maliit na hayup-hayupan; kulisap; kuto ng ibon; kuto ng isa pang kuto; kutong-lupa; alikabok, puwing; maliit ngunit matinik; kahit hindi matinik basta’t maliit; puwedeng tirisin; hamak, walang kuwenta; loko, pasaway, lumpen.

Malaking Diksyonaryo

PANIMULANG DASAL NI ANITANG SASAMBA

Pagdakila

O Dakilang Manunubos na isinugo ng Dios Ama buhat sa Kinabuhayan na siyang unang langit. Ikaw na isinugo upang ibangon kaming mga api at maliliit na narito sa mundong pinawian na ng liwanag at katarungan: walang hanggang pagpupuri at pasasalamat ang iniaalay sa iyong apat na mahal na pangalan —

A M J X:

ang A ng Amang na ngalang buhat sa tubig,

ang M ng Manunubos na ngalang buhat sa langit,

ang J ng Jojo na ngalang buhat sa lupa

ngunit sa X ay sino’ng nakaaalam

sa ikaapat na ngalan mong isang misteryo

na gugunaw sa buong mundo

kapag natalos at nabigkas ng kahit sino?

Pasasalamat

Salamat nang walang hanggan sa inyong pagkakaloob sa amin nitong Banal na Aklat ng mga Kumag. Aking ipagtatapat ang sakripisyo ng mga santo: Deus meus dominos batis balub filium en um, na inutang ko pa sa aking nanay ang ipinambili ko nitong Aklat. Ito ba’y maililihim mula sa mga mata mong nakakakita ng lahat ng aming mga lihim?

Pagtatapat

Para po makabayad sa aking utang kailangan kong ipagdasal ang mga handang mag-abot ng kaunting halaga. Kaunting barya kapalit ng katiyakang may luluhod at magmamakaawa sa langit para sa kanila. Opo, Dakilang Manunubos na ang huli’t ikaapat na pangalan ay Ano? — alam kong hindi lingid sa inyo ang aking ikinabubuhay. Isa po akong mandarasal. Tunay po, tunay po. Ako’y kanina pa rito nakasabit sa aking puwesto ngunit wala pa ring lumalapit sa akin na kahit isang bubuyog o tutubi na gustong magpadasal. Kung sa bagay, hindi ko rin naman masisisi ang mga bubuyog at tutubing iyan kung sakaling ako’y kanilang pangilagan kundi man kamuhian. Dati-rati, sa tuwing mapagkakamalan nila akong isang dahon o sanga at sa tuwing sila’y mapapalapit o mapapadapo sa akin, walang habas kong pinipitas ang kanilang mga ulo na parang pumipitas lang ng bulaklak sa masetas. Wala pang kalahating segundo ngata-ngata ko na ang kanilang malulutong na bungo at mauuwi sila sa pagiging mga lamang tiyan. Kahit pa siguro sabihin kong ako’y nagbagong buhay na wala pa ring maniniwala (at kahit nga ako’y hirap ding maniwala), dahil ang totoo, itong bisig at brasong aking ginagamit sa pagdarasal ay mainam pa rin namang gamitin sa paninila ng buhay ng kapuwa-insekto. Hindi naman kasi ito napurol sa paglipas ng panahong inilagi ko rito sa simbahan. Kaya pa rin nitong pumatay ng kahit ahas o ibon! Dahil dito, lumuluhod ako ngayon sa inyong harap dahil kayo ang lumikha sa akin. Ginawa ninyo akong maninila ngunit ginawa rin ninyo akong mandarasal. Ang hirap ng aking bokasyon! Kaya bigyan ninyo ako ngayon ng sapat na bait upang makita kung paano kong mapagsasabay ang dalawa kong buhay, Saclorode Salvador del Mundo, Dios na Maawain!

Bukod pa rito, dala na rin siguro nitong aking kinalalagyan kung saan hindi ako madaling makita kung kaya walang lumalapit sa akin. At kung kaya rin naman siguro wala akong kinikita. Nakasabit ako kasama ng mga kakulay kong ilang-ilang na nakapulupot sa nagdarasal na kamay ng isang poon dito sa altar. Marahil itatanong ninyo kung anong ginagawa ko rito sa isang tagong lugar kung nais ko talagang maghanapbuhay. Mahirap na kasing makita ng mga taong pumapasok dito sa simbahan. Kahit nasa loob pa ako ng isang sagradong lugar ngunit kung ilalantad ko nang walang ingat ang aking sarili, puwede pa ring mapariwara ang aking buhay. Puwede akong mapitik o mawalis palabas. Hindi lang ’yon, paano kung ako’y hampasin pa nila ng sinelas o di kaya’y ng misal na kanilang hawak? Salvati Salvador Del Mundo, Salva mo, Salva mi! Tanggap ko namang mapanganib sa buhay itong aking hanapbuhay dahil hindi birong makigamit ng simbahan ng iba. Nauunawaan kong wala rin kayong mga simbahang tulad nito na iniutos sa amin na itayo. Kung kaya kailangan ko munang makigamit ng simbahan ng iba para makapagdasal. Pero kung maaari naman palang magdasal kahit hindi sa loob ng simbahan, bakit sa loob ng simbahan pa rin nagpipilit na makipagtipan sa langit kahit itong mga tulad kong kumag? Marahil narito sa Banal na Aklat ang sagot, magbabasa

Enjoying the preview?
Page 1 of 1